3
Ano ang Baryabol ? Ito ay ang katangiang may dalawa o higit pang halaga na mutually exclusive. Ang mga baryabol ay mga constructs o mga katangian na iyong iimbestigaahan sap ag-aaral. Kung kapwa mo ginagamit ang mga lalaki at babae, ang kasarian (sex) ay baryabol dahil ito ay may dalawang halaga. Kung ang iyo namang tinuturuan ay mga high achievers, normal achievers at low achievers baryabol ang achievement. Anu-ano ang mga Uri ng Baryabol ? a) Malayang Baryabol Sa payak na pakahulugan, ito ay tinatawag na sanhi. Ito ang batayan ng pagbuo ng pangkat. Kung ikaw ay nag-eeksperimento ng tiyak na pamamaraan ng pagtuturo at may tatlo kang pangkat ng mga achievers para ito subukin, ang kakayahan ay isang malayang baryabol. Sa sinundang pag-aaral, kung sususbukin ang pamamaraan sa pamaraan sa mga lalaki at babae, ang seks ay isa pang baryabol. b) Di- Malayang Baryabol Ito ang kinalabasan o layunin ng pag-aaral. Sa halimbawang nabanggit sa itaas, ang achievement ay ang dependent variable . Ang dahilan ng ating eksperimento sa pamaraan ng pagtuturo ay upang mabatid kung ito ay epektibo ; kung ito’y makakaapekto sa achievement. Sa simpleng lengguahe, ito ay resulta; ang malayang baryabol naman ang sanhi. c) Baryabol na Mababago Ito ang ang baryabol na maaring mabago o manipulahin. Kung ikaw ay may dalawang pangkat ng kalahok at iyong itinalaga sa mga treatment, ang treatment dito ay isang manipulable variable d) Di- mabagong variable Ang seks ng mag-aaral ay di maaaring palitan: ang mga babae ay di mapapalitan para maging lalaki. Samakatwid, ang kasarian ay non- manipulable variable. Gayundin ang kalagayang sosyo-ekonomiko, kakayahang pangkaisipan, edad, lahi (race) at aptityud ay mga non-manipulative variables. Ano ang Teoriya at ang Pagrerebyu ng mga Kaugnay na Literatura? Ipinahiwatig sa unang bahagi ng aklat na ito na kinakailangan mong magbasa ng maraming literatura tungkol sa iyong paksa. Ito ang tinatawag na Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura o Review of Related Literature. Nagsasarbey ka ng mga kaugnay na literatura upang malaman mo ang mga teoriya. Ang teoriya ay isang malaking tipak ng impormasyon na kaugnay ng iyong paksa. Anu-ano ang mga Tungkulin ng Teorya?

Ano Ang Baryabol

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ano Ang Baryabol

Citation preview

Page 1: Ano Ang Baryabol

Ano ang Baryabol ?Ito ay ang katangiang may dalawa o higit pang halaga na mutually exclusive. Ang mga baryabol ay mga constructs o mga katangian na iyong iimbestigaahan sap ag-aaral. Kung kapwa mo ginagamit ang mga lalaki at babae, ang kasarian (sex) ay baryabol dahil ito ay may dalawang halaga. Kung ang iyo namang tinuturuan ay mga high achievers, normal achievers at low achievers baryabol ang achievement.

Anu-ano ang mga Uri ng Baryabol ?a) Malayang Baryabol

Sa payak na pakahulugan, ito ay tinatawag na sanhi. Ito ang batayan ng pagbuo ng pangkat. Kung ikaw ay nag-eeksperimento ng tiyak na pamamaraan ng pagtuturo at may tatlo kang pangkat ng mga achievers para ito subukin, ang kakayahan ay isang malayang baryabol. Sa sinundang pag-aaral, kung sususbukin ang pamamaraan sa pamaraan sa mga lalaki at babae, ang seks ay isa pang baryabol.

b) Di- Malayang BaryabolIto ang kinalabasan o layunin ng pag-aaral. Sa halimbawang nabanggit sa itaas, ang achievement ay ang dependent variable . Ang dahilan ng ating eksperimento sa pamaraan ng pagtuturo ay upang mabatid kung ito ay epektibo ; kung ito’y makakaapekto sa achievement. Sa simpleng lengguahe, ito ay resulta; ang malayang baryabol naman ang sanhi. c) Baryabol na Mababago

Ito ang ang baryabol na maaring mabago o manipulahin. Kung ikaw ay may dalawang pangkat ng kalahok at iyong itinalaga sa mga treatment, ang treatment dito ay isang manipulable variable

d) Di- mabagong variableAng seks ng mag-aaral ay di maaaring palitan: ang mga babae ay di mapapalitan para maging lalaki. Samakatwid, ang kasarian ay non-manipulable variable.Gayundin ang kalagayang sosyo-ekonomiko, kakayahang pangkaisipan, edad, lahi (race) at aptityud ay mga non-manipulative variables.

Ano ang Teoriya at ang Pagrerebyu ng mga Kaugnay na Literatura?Ipinahiwatig sa unang bahagi ng aklat na ito na kinakailangan mong magbasa ng maraming literatura tungkol sa iyong paksa. Ito ang tinatawag na Pagsusuri ng mga Kaugnay na Literatura o Review of Related Literature. Nagsasarbey ka ng mga kaugnay na literatura upang malaman mo ang mga teoriya. Ang teoriya ay isang malaking tipak ng impormasyon na kaugnay ng iyong paksa.

Anu-ano ang mga Tungkulin ng Teorya?a) Tinutukoy ang simula para sa suliraning sinasaliksik sa pamamagitan ng

paglalahad ng mga puwang (gaps), mahihinang puntos, at mga inkonsistensi sa naunang pananaliksik..

b) Pinagsasama-sama nito ang lahat ng constructs o mga konsepto na kaugnay sa iyong paksa para sa imbestigasyon.

c) Ipinakikita nito ang mga relasyon ng mga baryabol na naimbestigahan

Ano ang mga Layunin ng Pagrerebyu ng Kaugnay na Literatura?a) Ito ay nagbibigay ng balangkas na konseptwal o teoritikal ng pinaplanong

pananaliksik.

Page 2: Ano Ang Baryabol

b) Ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga dating pananaliksik na may kaugnayan sa layunin ng iyong pag-aaral.

c) Nagbibigay ito ng kumpiyansa d) Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga pamamaraan ng pananaliksik

na ginamite) Nagbibigay ng mga resulta at mga konglusyon ng mga nakaraang

imbestigasyon.Paano Isinasagawa ang Pagrerebyu ng mga Kaugnay na Panitikan/Literatura

a) Magbasa ng aklat kahit sa iyo lamang pribadong aklatanb) Maging matiyaga sa pagbabasa ng iba’t-iabng materyal tulad ng magasin,

dyornal , peryodikal o pahayagan, ensayklopedya no tesis para sa posibleng literatura.

c) Ito ay hindi nagagawa sa isang upuan lamang. Babalik ka sa aklatan nang maraming ulit.

d) Ang lahat ng iyong tala ay kinakailangang nakasulat sa index cards. Maglaan ng isang card para sa isang awtor o source.Ano ang dalawang uri ng Kaugnay na Literatura ?

a) Literaturang Konseptwal (Conceptual Literature)Ito ay tumutukoy sa mga artikulo o aklat na sinulat ng mga awtoridad na nagbibigay ng opinyon, karanasan, teoriya o mga ideya kung ano ang mabuti at masama, kanais-nais at di kanais-nais na saklaw ng suliranin.

b) Panriserts na LiterauraIto ay tumutukoy sa mga ulat ng tunay na pag-aaral na ginawa ng ilang mananaliksik

Ano ang Iba’t ibang paraan ng Pananaliksik?A.) Palarawang Paraan

Ito ay dinesenyo para sa mananaliksik upang makakalap ng mga impormasyon tungkol sa kasalukuyang kalagayan.