7

Click here to load reader

Ano Ang Pelikula

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pelikula Gaya ng iba pang dayuhang uri ng sining, ang pelikula nang natanim sa Pilipinas ay may halong impluwensya ng dayuhan ngunit nang maglaon ay nahaluan ng Pilipino at Asyanong impluwensya. Simula ng paglaya sa mga Kastila, lumaki at lumawak ang mga manunuod ng pelikula sa Pilipinas, dahil na rin sa pagdami ng mga artista at mga kwentong sumasalamin sa kultura, problema at mga pangarap ng Pilipino. Noong 1895 nagawa ang unang pagpapalabas ng pelikula sa bansa sa tulong ng dalawang negosyant

Citation preview

Page 1: Ano Ang Pelikula

Pelikula

Gaya ng iba pang dayuhang uri ng sining, ang pelikula nang natanim sa Pilipinas

ay may halong impluwensya ng dayuhan ngunit nang maglaon ay nahaluan ng Pilipino

at Asyanong impluwensya. Simula ng paglaya sa mga Kastila, lumaki at lumawak ang

mga manunuod ng pelikula sa Pilipinas, dahil na rin sa pagdami ng mga artista at mga

kwentong sumasalamin sa kultura, problema at mga pangarap ng Pilipino.

Noong 1895 nagawa ang unang pagpapalabas ng pelikula sa bansa sa tulong ng

dalawang negosyanteng Swiss, gamit ang Lumiere chronophonograph. Inasahan na

ang gulat sa mga Espanyol nang nakita nila ang bagong imbensyon. Ngunti dahil sa

giyera, natigil ang pag-usbong ng teknolohiya sa bansa.

Nagsimula lamang na umunlad ang mga pelikula sa bansa noong 1909 kung

saan pinapalabas ito sa simula ng mga bodabil o mga karnabal. Sa taong din iyon

nagsimulang lumabas ang mga sinehan tulad ng Empire at Anda. Ang mga direktor ng

pelikula ay dumadayo na sa bansa upang kumuha at ipakita ang kani-kanilang mga

gawa, na marami ay mga dokumentaryo.

Ang mga unang silent film ay lumabas noong 1912, kung saan tinalakay ang

buhay ng bayani, gaya ni Jose Rizal. Pagkatapos ng World War I, nagsimula nang

gumawa ang mga Pilipino ng sarili nilang mga pelikula, tulad ng Dalagang Bukid (1919).

Makikita sa mga ito ang hangarin ng mga Pilipino na hanapin ang kanilang lokasyon sa

mundo ng pulitika, kultura at lipunan sa mundo. Sina Vicente Dalumpides at Jose

Nepumuceno ang nakilala bilang mga unang Pilipinong producer.

Noong 1930s naman lumabas ang mga talkies gaya ng Ang Aswang, Collegian

Love at King-Kong. Ngunit sa kawalan ng teknolohiya ay natatalo ng mga dayuhang

pelikula ang mga pelikulang Pilipino. Napilitang magsara ang mga original na studios at

umusbong ang mga bago, tulad ng Sampaguita Pictures, Excelsior at LVN dahil na rin

sa magandang balik ng puhunan para sa mga negosyante.

Sa paglusob ng mga Hapon, napilitang lumipat ang mga produksyong

pangpelikula sa teatro dahil na rin sa naubos na mga kagamitan sa pelikula. Sa

panahon ng giyera, naisip ng mga mananakop na gamitin ang pelikula bilang uri ng

propaganda upang subuking ilayo ang mga Pilipino sa impluwensyang Amerikano, gaya

na lamang ng The Dawn of Freedom na ginawa ng Eiga Heisuka. Ngunit dahil sa

Page 2: Ano Ang Pelikula

nanatili lamang sila saglit ay bumalik din sa normal ang industriya, ano lamang na

nabago ang pokus nito patungo sa mga kwentong realistiko. Sa bandang huli ay

nagsimulang malugi ang mga studios pagdating ng 1960s dahil sa pagkamatay ng mga

unang producer at pagbabago sa panlasa ng mga tao.

Simula nang nagsara ang mga film studios, napilitang gumawa ng sariling mga

pelikula ang mga sikat na artista at direktor, tulad nina Fernando Poe Jr. at Manuel

Conde. Ang mga ibang artista naman ay napilitang magretiro o lumipat sa radyo at

telebisyon. Mapapansin na ang mga pelikula simula sa puntong iyon ay ginawa upang

pagkakitaan, at madalas ang mga ito'y ginaya sa mga pelikulang Kanluranin ngunit

tinipid sa mga kagamitan at aspeto.

Sumikat sa mga panahong ito ang mga pelikulang ginaya sa mga gangster

movies kung saan tinalakay ang krimen sa mas madugo at mas realistikong paraan.

Ang mga melodrama naman ay napuno ng mga kwento ng mga pagtataksil ng mga

asawa o kaya'y mga babaeng iniwan lang sa hangin. Ngunit mas makilala ang mga

bomba movies na nagtatampok ng mga maiinit at malalaswang eksena sa gitna ng mga

kwento sa magulong lipunan ng dekada '60 hanggang '80.

Ngunit nagsimula din namang umusbong ang mga bagong kwento, artista at

direktor, tulad nila Nora Aunor, Vilma Santos at Dolphy. Ang mga batang direktor tulad

nina Ishmael Bernal, Lino Brocka at Marilou Diaz-Abaya naman ay nagtampok ng mga

pelikulang may halong drama, komedya, komentaryo realismo ng buhay Pilipino. Kahit

na ninais ng pamahalaan na lumawak ang kontrol nito sa sining sa pamamagitan ng

mga buwis at censorship ay nanatili ang makulay na pag-unlad at pagbabago ng mga

pelikula ng panahong iyon.

Sa panahon ngayon ay marami ang nagsasabi na tuluyan nang namatay ang

pelikulang Pilipino ngunit may mga nagsasabing tahimik lang itong nagbabago.

Maraming mga film festivals ang naitayo, tulad ng Metro Manila Film Festival at

Cinemalaya. Ang mga pelikulang indie ay unti-unting nagkakamit ng parangal sa loob at

labas ng bansa at tinatangkilik na ng mga Pilipino gaya ng pagtangkilik nila sa mga

normal nang rom-com at pantasya. Nagsimula na rin ang pag-aaral at pagtuturo ng

paggawa ng pelikula sa mga kolehiyo - nauna ang UP nang ipinakilala nito ang kanilang

BA Film noong 1981.

Page 3: Ano Ang Pelikula

Elemento ng Pelikula

Pag-arte (Acting) - ang sining ng pagsasabuhay ng isang karakter sa pelikula.

Cinematography - ang paggamit ng kamera upang maisapelikula ang mga

eksena sa isang production o screenplay

Direksyon (Directing) - ang kontrol ng istilo, laman at pangkahalatang porma ng

pelikula.

Distribusyon (Distribution) - ang pagpapakalat ng pelikula sa mga tanghalan

Editing - ang pagpili at pagsasaayos ng mga kuha upang mabuo ang isang

tuloy-tuloy na pelikula.

Effects - ang pagpapaganda ng mga eksena ng pelikula gamit ang iba't ibang uri

ng teknolohiya.

Direksyong Pangmusika (Musical Direction) - ang paggamit ng musika upang

magbigay pokus sa isang eksena o karakter at maipariting ang emosyon sa

isang eksena.

Direksyong Pangproduksyon (Production Design) - ang pagkunsepto,

pagpaplano at paggawa ng lahat ng gamit at lugar kung saan nagaganap ang

mga eksena sa pelikula.

Scriptwriting - proseso ng pagsulat ng dayalogo ng mga karakter at mga

detalyeng kailangan sa bawat eksena.

Sound Recording - ang paggamit ng dayalogo, musika, naratibo, effects at iba

pang elemento sa pelikula.

Uri ng Pelikula

Aksyon (Action) - mga pelikulang nagapokus sa mga bakbakang pisikal;

maaaring hango sa tunay na tao o pangyayari, o kaya naman kathang-isip

lamang.

Animasyon (Animation) - pelikulang gumagamit ng mga larawan o

pagguhit/drowing upang magmukhang buhay ang mga bagay na walang buhay.

Bomba - mga pelikulang nagpapalabas ng mga huwad na katawan at gawaing

sekswal.

Page 4: Ano Ang Pelikula

Dokyu (Documentary) - mga pelikulang naguulat sa mga balita, o mga bagay na

may halaga sa kasaysayan, pulitika o lipunan

Drama - mga pelikulang nagpopokus sa mga personal na suliranin o tunggalian,

nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang manunuod.

Experimental - mga pelikulang nagnanais na lagpasan ang mga limitasyon ng

pelikula o magpakita ng mga bagay o situwasyong hindi madalas ipinapakita o

ginagaw sa pelikula.

Pantasya (Fantasy) - nagdadala sa manunuod sa isang mundong gawa ng

imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa, kwentong bayan o mga

istoryang hango sa mga natutuklasan ng siyensya.

Historikal (Historical) - mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa

kasaysayan

Katatakutan (Horror) - nagnanais na takutin o sindakin ang manunuod gamit

ang mga multo, bangkay o mga kakaibang nilalang

Komedi (Comedy) - mga nagpapatawang pelikula kung saan ang mga karakter

ay inilalagay sa mga hindi maisip na situwasyon

Musical - mga komedyang may temang pangromansa; puno ito ng musika at

kantahan

Period - pelikula kung saan ang mga karakter ay isinalalarawan ang kanilang

mga karanasan sa paglipas ng panahon. Nagtatampok din ito ng halos tunay na

pagsasalarawan ng kasaysayan.

Mga Kilalang Manunulat , Direktor at Producer ng Pelikula

Lino Brocka

Marilou Diaz-Abaya

Joyce Bernal

Ricky Lee

Ishmael Bernal

Kidlat Tahimik

Joey Reyes

Page 5: Ano Ang Pelikula

Talambuhay ni Lino Brocka

Si Catalino Ortiz Brocka, na mas kilala bilang si Lino Brocka, ay isa sa mga

kilalang direktor sa Pilipinas. Siya ay pinarangalan at kinilala, maging sa ibang bansa.

Ipinanganak siya sa Sorsogon noong Abril 7, 1939. Nang mamatay ang kanyang

ama na si Regino Brocka, lumipat sila sa tirahan ng kanyang ina sa Nueva Ecija. Bata

pa lamang siya ay nagsimula na siyang mahilig sa sining. Nakapagtapos siya ng kurso

sa Panitikang Ingles sa Unibersidad ng Pilipinas habang naging aktibo siya sa pag-arte

sa Pangkat Dramatiko ng UP.

Ang pinakaunang pelikula na ginawa niya ay ang Wanted: Perfect Mother na

inilaban sa Manila Film Festival. Sa mga sumunod na dalawang taon, si Brocka ay

naging direktor ng iba pang pelikula. Ang Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag naman

noong 1975 ay nabasangang isa sa mga pinakamagandang pelikula ng bansa. Noong

1977, siya ay inanyayahan na ipalabas ang kanyang pelikulang Insiang sa Cannes Film

Festival. Nasundan ito ng Jaguar (1980), Bona (1981) at Bayan Ko: Kapit sa Patalim

(1984).

Si Lino Brocka ay naging aktibo din sa teatro nang sumali siya sa Philippine

Educational Theater Association (PETA) kung saan siya nagsulat ng mga dula, at sa

telebisyon para sa mga palabas tulad ng Maalala Mo Kaya.

Nakatanggap siya ng ilang mga parangal sa loob at labas ng bansa, tulad ng

Catholic Mass Media Awards, Gawad Urian, FAMAS, PMPC Star Awards, Ramon

Magsaysay Award at Gawad CCP.

Siya ay pumanaw dahil sa isang aksidente sa Quezon City noong Mayo 21,

1991.