Upload
paul-eugenio
View
78
Download
7
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Sanaysay Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng pantikan na hindi mauubusan ng gamit. Iba-iba ang maaring maging porma nito. Maaring personal, na parang nakikipagusap, o kaya naman analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ng pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa upang magpahayag ng katotohan o kaya mga karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli o mahaba, at walang hadlang sa dami ng mga maaring isulat bilang isang sanaysay. Iba-iba rin ang maaring paraan ng pagsusulat ayon sa perso
Citation preview
Sanaysay
Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng pantikan na hindi mauubusan ng
gamit. Iba-iba ang maaring maging porma nito. Maaring personal, na parang
nakikipagusap, o kaya naman analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito ng
pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa upang magpahayag ng katotohan o kaya
mga karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli o mahaba, at walang hadlang sa
dami ng mga maaring isulat bilang isang sanaysay. Iba-iba rin ang maaring paraan ng
pagsusulat ayon sa personalidad ng may-akda.
Nagmula ang salitang sanaysay sa makatang si Alejandro Abadilla, na
nangangahulugang " pagsasanay sa pagsusulat ng isang sanay o nakasulat na
karanasan." Nahahati ito sa dalawang uri ayon kay Genoveva Edroza Matute:
palagayan / impormal - malikhaung paghahayag ng saloobin mula sa mga
personal na karanasan o obserbasyon sa mga bagay sa paligid.
maanyo / pormal - diskusyon ng mga seryosong paksa batay sa pagsasaliksik at
pag-aaral ng mga impormasyon.
Maari ring igrupo ang sanaysay bilang satirikal, pulitikal, panlipunan
pangkasaysayan, pilosopikal, ispiritwal, inspirasyonal, pampanitikan o patawa, ayon kay
Abadilla. Ngunit madalas na naghahalo ang mga anyong ito.
Kasaysayan ng Sanaysay
Nang nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, nagsikap ang mga mananakop,
sa tulong ng mga pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon at wika na
maaring ituro sa mga katutubo. Ilan sa mga ito ay ang Declaracion de los
mandamientos de la ley de dios, isang paliwanag ukol sa Sampung Utos at ang Arte y
reglas de las lengua tagala na nagsaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ng
wikang Tagalog.
Maitututing na unang sanaysay na sinulat ng isang Pilipino ay ang Librong Pag-
Aaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila ni Tomas Pinpin. Dito ay sunod-
sunod nang natuto ang mga tao ng mga prosa, tulad ng apuntes (memoirs) at informes
(accounts). Kahit na pangpersonal lang ang mga ito kadalasan, mababasa din dito ang
ilang mga isyu sa pulitika, relihiyon at ekonomiya.
Sa pagsisimula ng Samahang Repormista, nagsimula ang mga manunulat na
magsulat ng mga sanaysay na naglalabas ng mga pang-aabuso ng mga mananakop, at
humihiling sa mga Pilipino na kumilos laban dito. Ilan sa mga nakilalang manunulat
noon ay si Fr. Jose Burgos, Pedro Paterno at Marcelo H. del Pilar. Si Jose Rizal ay
nagsulat din ng mga sanaysay na naging batayan sa kanyang mga pampubikong
pananalita. Sa panahon ding ito lumabas ang La Solidaridad na naglilimbag ng mga
sanaysay at artikulo ng mga repormista.
Nang nagsimula ang rebolusyon, naiba ang hangarin ng mga manunulat patungo
sa pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban sa mga Kastila. Nagsimulang isulat ang
mga salaysay gamit ang mga katutubong wika. Una sa mga ito si Andres Bonifacio, ang
lider ng Katipunan, tulad ng kanyang mga akdang Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
at Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan. Sila Emilio Jacinto at Apolinario
Mabini ay nagsulat rin ng mga kahalintulad na akda, tulad ng Liwanag at Dilim at
Kartilya ng Katipunan.
Sa pagdating ng mga Amerikano, nauso ang paggamit ng wikang Ingles bilang
wika sa pagsusulat ng mga sanaysay. Madalas itong impormal at sentimental, ngunit
ang iba'y nanatili sa pagsusulat tungkol sa kalayaan ng bansa. Nakilala sina Carlos
Romulo, Fernando Marang, Maria Paz Mendoza Guanzon at Vicente Hilario. Nabuo din
sa panahong ito ang Kapisanang Panitikan na nagnanais umali sa mga lumang
pamantayan ng pagsusulat ng panahon.
Pagkatapos ng digmaan, marami sa mga naisulat na sanaysay ay ginagamit sa
pagsulat ng balita o artikulo sa dyaryo. Nakilala noong panahon na ito sila Francisco
Icasiano, Nick Joaquin, Kerima Polotan, Gilda Fernando at Renato Constantino. Ang
mga sanaysay noon ay mailalarawan sa kanilang kritisismo sa Amerika at ang
nasyonalismo na laganap bago ang pagdating ng Martial Law. Sa panahon ng
Pangulong Marcos, nasikil ang mga sanaysay na ito at nauso ang mga satirikong
pagsusulat o mga sanaysay na personal ang tema.
Sa modernong panahon, naging iba-iba na ang tema ng mga sanaysay na
lumabas. May mga nakilala sa mga sanaysay na pambalitaan, tulad ng kay Barbara
Gonzalez, Ceres Doyo at Jo-Ann Maglipon. Si Cristina Pantoja-Hidalgo naman ay
nakilala sa mga sanaysay ukol sa kanyang mga paglalakbay, at sina Doreen Fernandez
at Edilberto Alegre ay nagsulat tungkol sa pagkain. Sina Paz Latorena, N.V.M Gonzalez
at Ildefonso Santos ay lumipat sa pagsulat sa wikang Filipino. Nauso din ang mga
akdang pang-talambuhay at mga sanaysay ukol sa mga kuntemporaryong isyu, tulad
ng HIV-AIDS.
Elemento ng Sanaysay
Pamagat (Title) - nagsasaad kung ano ang nilalaman ng sanaysay, at
nakakatulong ito sa mga mambabasa upang makuha ang kanilang atensyon.
Thesis - ito ang masasabing "punto" ng sanaysay; kung ano ba ang nais na
ipahayag ng manunulat. Sa mga sanaysay, hinihingi na dapat maikli ngunit
malaman ito. Maari itong maglaman ng argumento upang maging epektibo ang
sanaysay. Maari itong makita sa umpisa, gitna o dulo ng sanaysay.
Organisasyon - Kung paano ba naka-ayos ang mga laman ng sanaysay. Sa
pagsulat nito, dapat na may magandang pagkakaayos ang laman mula sa
umpisa hanggang sa dulo ng sanaysay, at dapat madaling maiintindihan ng
mambabasa kung anong nais mong sabihin.
Pasimula (Introduksyon) - Unang talata ng sanaysay na nagpapakilala sa laman
nito o mga impormasyong mahalaga upang maintindihan ang thesis.
Katawan (Body) - Mga sumusoportang talata sa thesis. Naglalaman ito ng mga
punto na nagbibigay-diin sa mensahe ng sanaysay.
Kongklusyon (Conclusion) - Dito ibinubuod ang lahat ng laman ng sanaysay.
Hindi katulad ng pasimula kung saan sinasaad ang punto ng sanaysay, dito nais
isaad ng manunulat na tama ang kanyang mga sinasabi.
Mga Kilalang Manunulat ng Sanaysay
Fr. Jose Burgos
Pedro Paterno
Jose Rizal
Marcelo H. Del Pilar
Graciano Lopez - Jaena
Antonio Luna
Andres Bonifacio
Emilio Jacinto
Apolinario Mbaini
Trinidad Pardo de Tavera
Teodoro M. Kalaw
Claro M. Recto
Fernando Maramag
Maria Paz Mendoza Guanzon
Teodoro A. Agoncillo
Nick Joaquin
Renato Constantino
Carmen Guerrero-Nakpil
Kerima Polotan
Genoveva Edroza - Matute
Alejandro Abadilla
Rogelio Sicat
Virgilo S. Almario
Lamberto E. Antonio
Talambuhay ni Bienvenido Lumbera
Si Bienvenido Lumbera ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas at
nakatanggap ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag.
Isinilang si Lumbera sa Lipa noong Abril 1, 1932. Sa kanyang pagkabata, siya ay
agad naulila. Siya, kasama ang kanyang kapatid na babae, ay inampon ng kanilang
lola, Eusebia Teru. Pagkatapos ng digmaan, bumalik sina Lumbera sa Lipa pagkatapos
ng pagpanaw ng kanilang lola. Sa huli ay inampon siya ng kanyang ninong at ninang
dahil handa silang siyang pag-aralin.
Nagtapos si Lumbera sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1950 para sa
kursong Komunikasyon. Nagkaroon din siya ng Ph.D Comparative Literature mula sa
Indiana University noong 1967. Pagkatapos nito ay nagturo si Lumbera ng Panitikan,
Araling Pilipino at Malikhaing Pagsusulat sa Ateneo de ManilaUniversity, De La Salle
University, Unibersidad ng Pilipinas, at Unibersidad ng Santo Tomas.
Pagkatapos ng kanyang pagkakulong noong Martial Law, nakapaghawak si
Lumbera sa mga malikhaing proyekto, kabilang ang pagsusulat ng mga dula para sa
(PETA). Nakapag-akda si Lumbera ng mga aklat at antolohiya na ginagamit sa mga
paaralan tulad ng mga Muling Pagsusuri; Paghahanda sa Pagtuturo at Panitikan ng
Pilipinas: Isang Kasaysayan at Antolohiya.
Nagtatag din si Lumbera ng iba't ibang samahan ng mga manunulat, tulad ng
Kalipunan para sa Literatura ng Pilipinas, Philippine Studies Association at Manunuri ng
Pelikulang Pilipino. Miyembro din siya ng Kodao Productions at ng Bagong Alyansang
Makabayan. Noong 2006, naiproklama siya bilang Pambansang Alagad ng Sining para
sa Panitikan.