16
Ferdinand Emmanuel E.Marcos Ang 10 th Pangulo ng Pilipinas Pangkat 6:6D Jam Laurel 9 Sophia Barredo 23 Aian You 20 Yzabel Fabian 26

AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Embed Size (px)

DESCRIPTION

school things

Citation preview

Page 1: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Ferdinand Emmanuel E.Marcos

Ang 10th Pangulo ng Pilipinas

Pangkat 6:6DJam Laurel 9Sophia Barredo 23Aian You 20Yzabel Fabian 26

Page 2: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Sino si Ferdinand Marcos? Si Ferdinand Marcos ay ang

ika-sampung Pangulo ng Pilipinas. Nanilbihan siya bilang pangulo mula 1965 hanggang 1986. Siya ang natatanging pangulo ng Pilipinas na nagsilbi sa kanyang tanggapan ng mahigit sa dalawampung taon. Dalawang beses siya ng tumakbo at nagwagi bilang pangulo ng bansa bago ang pagdedeklara ng Batas Militar noong 1972. Ang malawakang protesta na kilala sa tawag na “1986 People Power Revolution” ang pwersang humila sa kanya na bumaba sa pwesto noong 1986.

Page 3: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

• Ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986.

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos(11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre

1989)

• Isang Abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino..

Page 4: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Mga Programa ni Marcos

Maraming mga patubig, daan, tulay, health center, at eskwela ang naipatayo noong administrasyong Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway, Marcos highway at San Juanico Bridge. Dahil dito, tinawag siya bilang “The Architect of the New Society”

Ipinatupad din ang Green Revolution na humikayat sa maraming mag-anak na magtanim sa mga bakanteng lote at mag alaga ng mga hayop upang madagdagan ang kanilang kita.

Proyektong Imprastruktura

Green Revolution

Page 5: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Sa tulong ng programang Masagana 99 at pagtatanim ng miracle rice, dumami ang produksyon ng bigas. Nakapagluwas ng bigas ang Pilipinas pagkaraan ng maraming taon. Nakatulong din sa mataas na produksyon ng bigas ang pagkakaroon ng irigasyon,mas mahuhusay na binhi ng palay at paggamit ng pataba.

Masagana 99

Page 6: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Ikalawang Termino ay nagmula sa panlilinlang sa kanyang 1969 kampanya at talamak sa korupsiyon sa pamahalaan. Pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy na mabilis sa lumalago kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at karahasan.

Mga Mahahalagang Pangyayari

NPA ay nabuo noong 1969 at ng MNLF ay nakipaglaban para sa paghihiwalay sa Pilipinas ng Muslim Mindanao.

Page 7: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Pagproprotestang mga manggagawa at mga estudyante at pagbobomba sa sa iba’t ibang lugar sabansa upang lumikha ng isang kapaligiran ng krisis at takotna kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang kanyang pag papataw ng Batas Militar o Martial Law.

Mga Mahahalagang Pangyayari

Ang Pagbomba sa Liwasang Miranda Nagdaos ang oposisyong Partido Liberal ng rally ng pangangampanya sa Palaza Miranda sa Quiapo, Maynila noong 21 Agosto 1971 na dinaluhan ng mga 4,000katao upang ipakilala ang mga kandidato ng Partido Liberal para sa Senado at mga kandidato para sa Maynila mula Punong Lungsod Hanggang sa konsehal.

Page 8: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Ang Pagbomba sa Liwasang Miranda

Mag-iika-9:00 ng gabi ang dalawang granada ay inihagis sa entablado at magkasunod na sumabog. Malubhang nasugatan sina Jovito Salonga, Sergio Osmena Jr, John Henry Osmena, Senador Eva Estrada Kalaw, at iba pa. Siyam na katao ang nasawi kabilang ang potograpo ng pahayagang Manila Times na si Ben Roxas at 95 na katao ang nasugatan.

Sa simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may pakana nito ngunit makalipas ang ilan taon ay idiniin ni Major General Victor Corpus si Jose Maria Sison at sa pinamumunuan niyang kilusan na Partido Komunista ng Pilipinas bilang Utak nito ngunit ito ay itinatanggi ni Sison. Sinisi rin ni Marcos and mga komunista sa balak na pagpapahina ng kanyang pamahalaan at ilang oras pagkaraan ng pagsabog ay ipinalabas ng Pangulong Marcos ang Proklamasyon Bilang 889 na sumisuspindi sa pribelihiyo ng Writ of Habeas Corpus. Noong Enero 1972 ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa pribelihiyo ng writ of habeas corpus.

Page 9: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Mga Mahahalagang Pangyayari

Isang sistema ng mga patakaran na nagkaroon ng bisa kapag ang mga militar ang nag kontrol sa karaniwang pamamahala ng katarungan. Sa Pilipinas, nagkaroon ng batas militar nang ititnatag ni Pangulong Marcos ito noong Septyembre 21,1972. Binuwag ang Kongreso ng Pilipinas na nagaalis ng tungkulin sa mga senador at kinatawan. Sa ilalaim ng Batas Militar, nagkakaroon ng kapangyarihan lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos.

Batas Militar o Martial Law

Page 10: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

• Isinagawang pagtatangkang pagpaslang sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang isang dahilang ibinigay ni Marcos upang ipataw ang Martial Law ngunit ito ay kalaunang inamin ni Enrile na peke.

• Upang iligtas ang Pilipinas sa kamay ng mga kaaway nito.

• Upang magtatag ng isang bagong lipunan na makapagdudulot ng kaunlaran,kapayapaan at seguridad sa sambayanang Pilipino.

Itinatag ang Batas Militar o Martial Law

Page 11: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Ikatlong Termino (1981-1986)

Noong 16 Hunyo 1981 anim na buwan pagkatapos na alisin ang martial law, ang unag halalan sa pagkapangulo ay idinaos para sa isang anim na taong termino.

Ang kalusugan ni Marcos ay mabilis na bumagsak sanhi sakaramdaman sa bato na kadalasang inilalarawan bilang lupus erythematous. Maraming tao ang nagtatanong kung may kakayahan pa siyang mamuno dahil sakanyang malalang sakit at paapalaking kaguluhan sa politika.

Page 12: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Layunin:

1. Pagsansala sa paglaganap ng terorismo mula sa mga lalawigan hanggang sa pook ng Maynila.

2. Pagtatamo ng impormasyon tungkol sa organisasyon ng mga komunista, misyon, pinagmumulan ng pantustos, kagamitan, lihim na tagakalap ng balita at mga bagong kasapi.

3. Pagdadakip sa ibang pinuno ng mga kilusang makakaliwa.

Noong Enero 7,1972 ganap na binawi ni Marcos ang kautusang nagsususpindi sa pribelehiyo ng writ at Habeas Corpus.

Ang Pagsususpindi ng Pribelehiyo ng “Writ of Habeas Corpus”

Page 13: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

• Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino (1983) ay ang kalaunang naging katalista na humantong sa pagpapatalsik kay Marcos- nawalan ng pagtitiwala ang maraming Pilipino sa administrasyon ni Marcos

• 1983 – hindi na sumuporta ang Estados Unidos sa rehime ni Marcos kung kaya’t naghanap sila ng paraan upang mapatalsik si Marcos

• 1985 – nagpatawag si Marcos ng isang Snap election kung saan tumakbo siya laban kay Corazon Aquino

• Nanalo si Marcos sa halalan ngunit marami ang hindi makapaniwala kaya ang RAFM (Reform the Armed Forces Movement) ay naglunsad ng isang coup d’eta laban kay Marcos

Himagsikang People Power

Page 14: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Edsa Revolution

• Maraming tao, pari at madre ang tumungo sa EDSA

• Ang pangunahing transmitter ng mga pangyayari sa EDSA ay ang Radio Veritas

• Ang ilang pangkat ang umaawit ng Bayan Ko na antema ng oposisyon

• Ipinakita ng mga tao ang tandang LABAN na may nabuong “L” gamit ang kanilang mga daliri

• Nagkaroon ng inagurasyon si Marcos ngunit maya’t maya ay lumisan sila ng kaniyang pamilya papuntang Hawaii na naging patunay ng kanyang pagbitiw sa posisyon

Page 15: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Kamatayan ni Marcos

Namatay si Marcos noong Setyembre 28,1989 sa Honolulu, Hawaii sa edad na 72 sa cardiac arrest matapos ng matagal na pakikipaglaban sa mga karamdaman ng bato, baga at puso. Ang bangkay ni Marcos ay inuwi Pilipinas noong 1993 at nakatanghal sa isang mausoleo sa Batac,Ilocos Norte.

Page 16: AP Group 6-6d Ferdinand Marcos

Mga Tanong:

1. Kung ikaw ay si Marcos, idedeklara mo ba ang “Martial Law”? Bakit?

2. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng mga Senador at Kongresista sa ating pamahalaan?

3. Ano ang mahalagang contribution ang naibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos sa ating bansa? Bakit ito ay mahalaga?