16
SAMAHANG PANDAIGDIG: WTO(World Trade Organization) APEC(Asia Pacific Economic Cooperation)

Apan Report

Embed Size (px)

DESCRIPTION

asdd

Citation preview

Page 1: Apan Report

SAMAHANG PANDAIGDIG: WTO(World Trade Organization)APEC(Asia Pacific Economic Cooperation)

Page 2: Apan Report

SAMAHANG INTERSYUNAL -Ang mga samahang internasyunal

ay mga institusyon kung saan nagmumula ang mga kasapi sa dalawa o mahigit pang soberanong bansa.-Tinatayang 90% ng mga samahang

internasyunal ay nabuo sa pagitan ng mga taong 1950 hanggang 1956.

Page 3: Apan Report

Ang World Trade Organization Himpilan : Geneva, Switzerland. Direktor heneral Pascsal Lamy Ang world trade organization ( WTO ) ay

tanging samahang pandaigdig nangangasiwa sa mga patakaran ng Kalakalan sa pagitan ng mga bansa. Ito ay isang samahang internasunal at multilateral na nagtatakda ng mga patakaran para sa sistemang pangkalakalang pandaidig ( global trading system). Ito rin ang nagreresolba sa mga pagtatalo sa pagitan ng mga kasaping estado (member- states).

Page 4: Apan Report

Mga Kasapi: Sa Kasalukuyan, ang WTO ay may

153 kasapi- 76 na bansa mula sa orihinal na pagtatatag at 77 na bansang sumapi sa sumunod na 10 taon. Kyrgzstan ang pinakamabilis na nakalahok sa WTO. Ang aplikasyon nito ay tumagal lamang ng dalawang taon at 10 buwan. Samantala, ang China ay inabot ng halos 15 taon at limang buwan bago naging kasapi ng WTO, ang pinakamatagal sa talaan.

Page 5: Apan Report

Ilan sa mga bansang kabilang dito ay Algeria, Bhutan, Ethiopia, Iran,

Iraq, Laos, Libya, Sudan, Tajikistan, at Yemen.

Sa Kabilang dako, ang sumusunod na bansa at teritoryo ay nananatiling walang opisyal na ugnayan sa WTO - Eritrea, Somalia, Liberia, Turkmenistan, North Korea, Monaco, Nauru, Tuvalu, Palau, Kiribati, Micronesia at Marshall Islands, at mga teritoryo ng Western Sahara at Palestine.

Page 6: Apan Report
Page 7: Apan Report

Mga Misyon Dapat pangasiwaan ng WTO ang lahat ng

mga kasunduang tungkol sa kalakalan. Isinusulong din nito ang isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga hadlang sa kalakalan (trade barriers) at pagbibigay ng isang platorma para sa mga negosasyon.

Ang WTO ay nakaantabay rin sa mga patakarang pangkalakalan ng mga bansa at nakahandang magkaloob ng tulong- teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad na bansa.

Page 8: Apan Report

Masasabing may sapat na kapangyarihan ang WTO upang magpatupad ng mga desisyon sa pamamagitan ng pagpataw ng mga trade sanction laban sa isang kasaping hindi umaayon sa pasya ng samahan. Ang bawat kasaping estado ay maaaring magharap ng hinaing sa The Dispute Settlement Body ng WTO.

Ang pagpapanukala ng mga trade barrier sa mga bansang may usapin tungkol sa pakikipag- ugnayan ay mga halimbawa ng trade sanction na ipinapataw ng samahan.

Page 9: Apan Report

Mga Prinsipyo sa Sistemang Pangkalakalan1. Nararapat maging pantay-pantay ang

pagtingin ng isang bansa sa lahat ng mga bansa.

2. Mas kaaya- aya kung maging malaya ang sistemang pangkalakalan.

3. Nararapat matiyak ang kalalabasan ng sistemang pangkalakaln, partikular kung tiyak ang mga dayuhanng kompanya at pamahalaan na hindi daragdagan ang mga hadlang pang- ekonomiko at mananatiling bukas ang pamilihan.

Page 10: Apan Report

4. Ang sistemang pangkalakalan ay nararapat maging mas kompetetibo.

5. Ito ay nararapat na mas katanggap- tanggap saa mga bansang hindi gaanong maunlad.

ANG ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION Ang Asia- Pacific Economic Cooperation

(APEC) ay samahang nagsisilbing forum para sa lahat ng usaping pang- ekonomiya ng mga bansang matatagpuan sa rehiyon ng Asia- Pacific.

Page 11: Apan Report

Ang APEC ay tanging pangkat ng mga pamahalaan na kumikilos batay sa mga non- binding commitment, bukas na pakikipag- usap, at pantay- pantay na paggalang sa mga pananaw ng mga kasaping bansa. Ang APEC ay walang kasunduang ipinipilit sa mga kalahok na siyang kaibahan sa WTO at iba pang lipong Pangkalakalang Multilateral.

Ang APEC ay may 21 kasapi na tinaguriang mga member economy. Ito ay nagtataglay ng halos 40 % ng kabuuang populasyon ng daigdig, 56 % ng kabuuang gross domestic product ng kabuuang kalakalan sa daigdig.

Page 12: Apan Report
Page 13: Apan Report

Ang tatlong pinakatampok na programa ng APEC na tinatawag nitong Three Pillars ay ang sumusunod:

Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan. Ito ay nakapokus sa pagpapalawak ng pambansang pamilihan upang makahikayat at magkaroon ng karadagang pamumuhunan at negosyo mula sa iba pang kasaping bansa.

Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo. Sa pamamagitan itatayong imprastrukturang kailangan sa pagnenegosyo at mga kapital o puhunang ilalagak sa operasyon, ito ay nagpapabilis at naging episyente ang bawat gawaing pangkaunlaran.

Page 14: Apan Report

Pagtutulungan pang- ekonomiya at teknikal.

Ito ay may layuning maglunsad ng mga pagsasanay upang malinang, mapahusay, at mapalago ang kaalamang teknikal ng lahat ng kasaping bansa nito.

Mga Layunin: Isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya

at katiwasayan sa rehiyong Asia-Pacific, gayundin upang palakasin ang mga pamayan dito.

Hangarin nitong magkaroon ng mga epektibong lokal na ekonomiya at maitaas ang halag ng mga produktong iniluluwas.

Page 15: Apan Report

Tiyakin ang pagkakaroon ng ligtas at mahusay na kapaligiran para sa pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, at tao patungo sa iba’t ibang hangganan ng rehiyon.

Mga Kasapi at Estruktura Ang karamihan sa mga bansang

matatagpuan sa paligid ng Pacific Ocean ay kasapi ng APEC.

Ang APEC ay may dalawang lupon na may mahalagang papel- ang Committee for Trade and Investment (CTI) at ang Economic Counsil (EC).

Page 16: Apan Report

CTI – ay nangangasiwa sa mga usaping may kinalamn sa liberalisasyon ng kalakalan at pagpapabilis ng komersiyo.

EC – Ito ang lupon na tumutulong sa pagsusuri ng takbo ng ekonomiya at iba pang mahahalagang isyu.