27

Click here to load reader

Aralin 3 likas yaman

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin 3 likas yaman

Aralin 3

Likas YamanInihanda ni: Arnel O. Rivera

Page 2: Aralin 3 likas yaman

Balik-aral:

Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

Page 3: Aralin 3 likas yaman

Ano ang Pinagkukunang-Yaman?

Anumang bagay, may buhay man o wala, ay nagiging pinagkukunang-yaman (resources) sa sandaling malaman ng tao ang pakinabang nito upang mapunan ang kanyang pangangailangang ekonomiko.

Ano mang bagay na ginagamit ng tao upang tugunan ang kanyang pangangailangan at kagustuhan.

Page 4: Aralin 3 likas yaman

Ano ang Pinagkukunang-Yaman?

Walang hanggan ang pagtuklas sa iba’t ibang pinagkukunang yaman. Siya ay patuloy na nakalilikha ng paraan upang magamit ang mga bagay sa kanyang paligid para sa ikabubuti ng kanyang kalagayan.

Page 5: Aralin 3 likas yaman

Uri ng Pinagkukunang-Yaman

Likas-Yaman

Yamang Tao

Yamang Kapital

Page 6: Aralin 3 likas yaman

Likas Yaman

Lahat ng bagay na may pakinabang sa tao na mula sa kalikasan.

Pinakagamit sa lahat ng uri ng pinagkukunang-yaman.

Page 7: Aralin 3 likas yaman

Uri ng Likas Yaman

Yamang Lupa

Yamang Mineral

Yamang Tubig

Page 8: Aralin 3 likas yaman

Yamang Lupa

Ang Pilipinas ay biniyayaan ng iba’t ibang anyong lupa. Mula rito nagmumula ang iba’t ibang mga yamang likas na ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay.

Ang mga lupain sa bansa ay nauuri bilang alienable and disposable, lupaing kagubatan at pampublikong lupain.

Page 9: Aralin 3 likas yaman

Alienable and Disposable Land Tumutukoy sa mga lupaing

may titulo ay maaring ariin at ipagbili upang pagtamnan, pagtayuan ng bahay o gusali o gamitin sa iba pang layunin.

Tinatayang 47% ng lupain sa bansa ay kabilang sa ganitong uri.

Ito ay nauuri bilang residensyal, komersyal, industryal at agrikutural.

Page 10: Aralin 3 likas yaman

Pampublikong Lupain

Tumutukoy sa mga lupaing pag-aari ng pamahalaan at hindi maaring angkinin o ipagbili.

Kabilang dito ang mga lupaing sakop ng kalsada, daungan, pampublikong gusali, parke at iba pa.

Page 11: Aralin 3 likas yaman

Lupaing Kagubatan Tumutukoy sa mga lupaing

natatakpan ng kagubatan. Ito hindi maaring angkinin ng pribadong tao o samahan ngunit maaring pakinabangan ng sinuman kung may pahintulot ng pamahalaan.

Tinatayang 18% ng mga lupain ng bansa ay kabilang sa ganitong uri. Malaking bahagi nito ay matatagpuan sa MIMAROPA, Lambak ng Cagayan, Davao Region, CARAGA at CAR.

Page 12: Aralin 3 likas yaman

Yamang Tubig Ang bansa ay may 220

milyong ektarya ng katubigang teritoryal (territorial waters), 12% ay katubigang baybayin (coastal waters) at 88% ay katubigang karagatan (oceanic waters).

Maliban dito, ang Pilipinas ay nagtataglay rin ng 132 malalaking ilog (river basin) at 59 lawa (inland water).

Page 13: Aralin 3 likas yaman

Break Muna!

Ano ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas at saang rehiyon ito

matatagpuan?

Saang lalawigan ang may pinakamaraming sakop na lawa?

Anu-ano ang pakinabang na naidudulot ng mga anyong tubig

sa tao?

Page 14: Aralin 3 likas yaman

Yamang Mineral

Ang mga mineral ay itinuturing na yamng hindi napapalitan (non-renewable). Ang mga deposito nito at nauubos pagdating ng panahon.

Ang industriya ng magmimina ay pinagmumulan ng malaking kita ng bansa (48 bilyong piso, 2005).

Ang yamang mineral sa bansa ay nahahati sa dalawang uri: metal at di-metal.

Page 15: Aralin 3 likas yaman

Uri ng Yamang Mineral

METAL DI-METAL

Precious Metals• Gold, Silver

Base Metals• Copper, Iron, Nickel

Fuels• Natural Gas, Coal

Non-Fuels• Limestone, Silica

Sand

Page 16: Aralin 3 likas yaman

Pagpapahalaga sa mga Likas Yaman

Page 17: Aralin 3 likas yaman

Artikulo XII, Saligang Batas ng Pilipinas

Ang lahat na likas na yaman ng bansa ay pag-aari ng estado. Ang paggamit, paggalugad at pagpapaunlad nito ay nasa ilalim ng kontrol at superbisyon ng estado. Maaaring magkatuwang sa pakikipagsapalaran sa mga gawaing ito ang mga Pilipino at korporasyon na 60 bahagdan ng pamumuhunan ay pag-aari ng estado.

Page 18: Aralin 3 likas yaman

Kahalagahan ng Pangangalaga sa Kalikasan

Konserbasyon maingat at makatwirang paggamit ng iba’t ibang

yaman ng bansa

Halimbawa ng mga Suliraning Pangkalikasan Landslide Mine tailings Red tide at fish kill

Page 19: Aralin 3 likas yaman
Page 20: Aralin 3 likas yaman

Likas-kayang paggamit (sustainable use) Tumutukoy sa paggamit ng mga yamang likas

sa paraang makapagbibigay ang mga ito ng lubos na kapakinabangan ngunit hindi manganganib na maubos

Biological resource

Biological diversity

Page 21: Aralin 3 likas yaman

World Conservation Union isang pandaigdigang organisasyon na

nagpapahayag ng pagkilala na ang kultura, ekonomiya at kapakanan ng tao ay nakadepende sa kalikasan

Pangunahing layunin nito na mahikayat at matulungan ang iba’t ibang bansa na mapangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng likas-kayang paggamit o sustainable use

Page 22: Aralin 3 likas yaman

Mga Batas Pangkapaligiran

Republic Act 9003 (Ecolological Solid Wastes Management Act)

nagtatakda sa pagbuo ng isang solid wastes management program

Republic Act 6969 (Toxic Substances, Hazardous and Nuclear Wastes Control Act)

nagtatakda ng pagpigil sa pagtatapon ng mga nakalalasong bagay lalo na ang mga tinatawag na nuclear wastes

Page 23: Aralin 3 likas yaman

Mga Batas Pangkapaligiran

Presidential Decree 1160

direktang nagbibigay ng kapangyarihan sa mga kapitan ng barangay na mahigpit na ipatupad ang pollution and environmental control laws

Presidential Decree 1067 (Water Code Act)

dikretong nagtatakda ng water code, nagsasaayos ng batas hinggil sa pagmamay-ari ng tubig na ginagamit sa mga tahanan, pampubliko at pangkomersyo, at nagbibigay ng proteksyon sa yamang tubig ng bansa

Page 24: Aralin 3 likas yaman

Mga Batas Pangkapaligiran

Republic Act 8749 (Clean Air Act)

nagtatakda ng isang komprehensibong air pollution control policy

Republic Act 8550 (Philippine Fisheries Act) nagtatadhana ng pagpapaunlad, pamamhala at

konserbasyon ng pangisdaan at lamang dagat DENR Administrative Order, Series of 2000

pagtatakda ng tamang pag-aani at paggamit ng produktong kagubatan sa loob ng community-based forest management areas

Page 25: Aralin 3 likas yaman

Republic Act 9147 (Wildlife Resource Conservation and Protection Act) nagtatakda ng pamantayan at proteksyon sa mga

Philippine Wildlife Resource Executive Order No. 15

Lumikha ng Philippine Council for Sustainable Development

isang multi-sectoral body na naatasang gampanan at isakatuparan ang pangako ng Pilipinas sa United Nations Conference on Environment Development

Executive Order 370 Nagpalakas sa Philippine Council for Sustainable

Development

Page 26: Aralin 3 likas yaman

• Anong layunin ng likas-kayang paggamit ang sa iyong

palagay ay dapat higit na pagtuunan ng pansin?

• Ano ang mahalagang papel ng pamahalaan upang

mapangalagaan ang pinagkukunang-yaman ng bansa.

PAGPAPAHALAGA

Page 27: Aralin 3 likas yaman

References:

Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

www.WikiPinas.com