15

Aralin 3 Mga Direksyon

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin 3   Mga Direksyon
Page 2: Aralin 3   Mga Direksyon
Page 3: Aralin 3   Mga Direksyon

Paghandaan Sa tulong ng globo, ituro sa

iyong kamag-aral kung saan naroroon ang mga sumusunod na bansa:

Japan Spain

Page 4: Aralin 3   Mga Direksyon

Itanong: Nakita mo ba agad sa globo ang

mga bansang ito? Paano mo ito ginawa? Ano ang kailangan mo upang

mahanap kung saang bahagi ng mundo matatagpuan ang isang bansa?

Page 5: Aralin 3   Mga Direksyon

Pangunahing Direksyon:

Page 6: Aralin 3   Mga Direksyon

Pangalawang Direksyon:

Page 7: Aralin 3   Mga Direksyon

Pagsasanay sa Paggamit ng Direksyon sa Mapa: Sagutin sa inyong aklat ang

pagsasanay sa pahina 33 tungkol sa mga direksyon.

Sa anong direksyon makikita ang:1.Kabahayan _____________________2.Dagat _________________________3.Simbahan ______________________4.Resort _________________________5.Bukirin _________________________

Page 8: Aralin 3   Mga Direksyon

Mga Bahagi ng Globo: Hilaga at Timog Hemispero – ang globo

ay hinati sa hilaga at timog hemispero ng ekwador upang maging mas madali ang paggamit nito.

Hilagang Hemispero

Timog Hemispero

Ekwador

Page 9: Aralin 3   Mga Direksyon

Mga Bahagi ng Globo: Kanluran at Silangang Hemispero – ang

globo ay hinati sa kanluran at silangang hemispero ng prime meridian at international dateline upang maging mas madali ang paggamit nito.

Kanlurang Hemispero Silangang Hemispero

Page 10: Aralin 3   Mga Direksyon

Mga Guhit sa Globo: Ekwador – ito ang guhit na pahalang

na naghahati sa globo sa hilaga at timog hemispero na nasa 0° na nakakatulong sa pag-aaral ng klima ng daigdig.

Page 11: Aralin 3   Mga Direksyon

Latitud/Parallel Ito ang tawag sa mga guhit na nasa hilaga o timog

ng linya ng ekwador. Ito ay iginuguhit nang paikot sa globo. Ang sukat mula ekwador ay 0° hanggang 90° polong hilaga o 0° hanggang 90° polong timog. Ginagamit ang titik H upang tukuyin kung ang latitud ay nasa Hilaga ng ekwador at titik T kung nasa Timog ng ekwador.

Page 12: Aralin 3   Mga Direksyon

Mga Espesyal na Guhit Latitud:

Klimang Polar

Klimang Temperate

Klimang Tropikal

Klimang Tropikal

Klimang Temperate

Klimang Polar

Page 13: Aralin 3   Mga Direksyon

Prime Meridian Ito ang guhit na nasa sukat na 0° at

pinakagitna ng mga guhit longhitud. Ito ay naglalagos sa tapat ng Greenwich, England. Nakatutulong ito upang masabi kung pasilangan o pakanluran ang kinalalagyan ng isang lugar.

Page 14: Aralin 3   Mga Direksyon

Longhitud/Meridian Ito ang tawag sa mga guhit na nasa kanluran o

silangan ng linya ng prime meridian at international dateline. Ito ay iginuguhit nang paikot sa globo. Ang sukat mula prime meridian ay 0° hanggang 180° international dateline. Ginagamit ang titik K upang tukuyin kung ang longhitud ay nasa Kanluran ng prime meridian at titik S kung nasa Silangan ng prime meridian.

Page 15: Aralin 3   Mga Direksyon

International Dateline Ito ay isang guhit na pahaba na hindi tuwid na

matatagpuan sa sukat na 180° kung saan natatapos ang sukat na pasilangan at pakanluran mula sa prime meridian. Nakakatulong ito upang malaman ang oras at araw sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi ito tuwid upang hindi maapektuhan ang mga matataong lugar o di magbago ang mga oras dito.