Upload
others
View
15
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
ARALING PANLIPUNANMODYUL 5 POLITIKAL NA PAMUMUHAY NG MGA
SINAUNANG PILIPINO
LAYUNIN:Nasusuri ang sistema ng pamamahala ng sinaunang Pilipino
1.1 Nailalarawan ang pamahalaang barangay1.2 Nailalarawan ang pamahalaang sultanato
1.3 Naihahambing ang sistema ng pamahalaan noon at ngayon SISTEMA NG PAMAMAHALA NG SINAUNANG PILIPINO
SISTEMA NG PAMAMAHALA NG SINAUNANG PILIPINO
Ang Sistema ng Pamamahala ng
Sinaunang Pilipino Bago paman dumating
ang mga Espanyol , may sarili nang kultura
at tradisyon ang mga Pilipino.Sa
pakikipagkalakalan nila sa mga karatig-
bansa tulad ng China, Indonesia at mga
bansang Arabe , nabuo ang mga unang
pamayanang Pilipino.Unti-unti silang
nagkaroon ng isang pamahalaan . Ang
pamahalaang ito ang gumagabay sa pang-
araw - araw na pamumuhay .
BALANGHAY
• Halaw sa salitang balanghai o balanghay ang salitang barangay, na angkahulugan sa salitang Malay ay isang malaking bangka . Ito ay binubuong humigit-kumulang sa 30 hanggang 100 pamilya . Datu ang tawagsa pinuno ng barangay noon. Siya ay kabilang sa mga pamilya namaginoo at pinakamataas sa lipunan . Ang kanyang katungkulan ay namamana o naisalin sa panganay na anak na lalaki na kabilang sakanyang angkan .
BARANGAY
• ginagawa ng datu sa tulong ng lupon ng matatandang tagapayo niya . Saklaw nmg batas na ito ang mga paksang may kinalaman sa mgarelasyong pampamilya , mga karapatan sa mana at ari-arian , pautang, kalakalan , at iba’t-ibang pagkakasala.
•Hindi pormalDinadaan sa pampublikong paglilitisBinibigyan ng mga pagsubok ang mga nagkasala
HUKUMAN SA BARANGAY
• Ang sistema ng pamamahala na ipinakikilala ng mga Muslim sabansaIto ay bahagi ng kultura at tradisyong Muslim
Ang pinuno ay sumasakop sa isang malawak na teritoryoPinamumunuan ito ng SULTAN na siyang nagpapasya at nagtatakda ng mga tuntuning susundin sa buong sultanato
SULTANATO
Sharif ul - Hashim – unang sultan na nagtatag ng pamahalaang sultanato sa Sulu .Adat o customary law at Sharia (Qur’anic law )Ang batas na ito ay batay sa tradisyong katutubo , at sa koran ( Qur’an
Pag-usapan naman natin:
Ano ang Sultanato ?
Paano pinamahalaan ang sultanato ?
Ano ang kinalaman ng paglaganap ng Islam sa pagtatagng sultanato ?
Ilarawan ang pamahalaang barangay. Sino ang pinuno ng barangay noon?
Mga katanungan
• Sino ang pwedeng maging Datu?-ang katungkulan ay namamana o isinasalin sa panganay na anak nalalaki-kung di kaya sa sinumang lalaking nakagawa ng kabayanihan sabarangayAnu-ano ang mga kapangyarihan at tungkulin ng isang Datu?-tagagawa ng batas-tagapagpatupad ng mga batas-tagahatol sa mga lumalabag sa batas
Mga katanungan
• Bakit kailangan ng Datu ang maraming kapangyarihan?Upang maipatupad ang kanyang pangunahing tungkulin - angPANGASIWAAN at PANGALAGAAN ang KAPAKANAN ng buongbarangay
Ang dalawang uri ng batas sa barangayHindi Nakasulat
-Batas na batay sa mga KAUGALIAN, TRADISYON, at PANINIWALA ng mga tao.-nagpasalin-salin ito sa pamamagitan ng mga kuwento at talakayan
Nakasulat na batas-Batas na ginagawa ng Datu sa tulong ng Lupon ng matatandang Tagapayo
Mga katanungan
• Anu-ano ang mga saklaw sa Nakasulat na Batas?ang mga paksang may kinalaman sa* mga relasyong pampamilya* mga karapatan sa mana at ari-arian* pautang* kalakalan* iba't ibang pagkakasala
Sino ang Umalohokan-tagapagbalita-naghahayag sa mga nakasulat na batas sa mga nasasakupan sa barangay
Mga katanungan
• Saan nakasulat ang mga batas sa barangay?-balat ng kahoy-biyas ng kawayan
Paano nililitis ang mga hinihinalaang maysala?Sa pamamagitan ng pagsailalim ng pagsubok gaya ng:-pagsisid nang matagal sa ilalim ng ilog (ang unang umahon ang nakasala)-pagkuha ng bato sa loob ng sisidlang may lamang kumukulong tubig (ang hindi gaanong napaso ang kamayang pinapawalang-sala)
Paano nakikipag-ugnayan ang bawat barangay sa ibang barangay?Sanduguan-Tinatawag ding 'Kasi-kasi'-ang mga kalahok ay naghihiwa nang bahagya sa kanilang bisig at pinatutulo ang kanilang dugo sa isangkopita ng alak at iniinom ito ng mga kalahok.-sumasagisag ito ng kanilang pagkakaugnay sa dugo
Sagutan at ipasa sa DRCI ASSIGNMENT ACTIVITIES
PAMAHALAAN NOON PAMAHALAAN NGAYON
Ano-ano ang paraan ng pamamahala noon? Ano-ano ang paraan ng pamamahala ngayon?
Mga bagay na magkapareho