30
Araling Panlipunan Unang Markahan –Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya 7

Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

  • Upload
    others

  • View
    61

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

Araling Panlipunan

Unang Markahan –Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya

7

Page 2: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

ii

Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Reysielyne S. Espino / Rose Ann S. Pahati

Ma. Imee G. Torres

Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /

Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD /

Bennedick Viola / Anastacia M. Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte

Tagaguhit: Ma. Imee G. Torres / Maesie T. dela Peña

Tagalapat: Ma. Imee G. Torres / Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

iii

7

Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 3:

Ang Mga Likas na Yaman ng Asya

Page 4: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mga Likas na Yaman ng Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul ukol sa Ang Mga Likas na Yaman ng Asya.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,

panulong o estratehiyang magagamit sa

paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

v

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

vi

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay

upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Nailalarawan ang mga Yamang Likas ng Asya.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:

Ang Mga Likas na Yaman ng Asya

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga uri ng yamang likas ng kontinente ng Asya;

2. natatalakay ang mga pangunahing likas na yaman na matatagpuan dito; at

3. nasusuri ang kaugnayan ng pisikal na katangian ng bawat rehiyon ng Asya

sa mga uri ng likas na yamang matatagpuan dito.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.

Page 8: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

2

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot

sa sagutang papel.

1. Ano ang pinakamalaking kontinente sa daigdig?

A. Australia C. Africa

B. Asya D. Antartica

2. Sagana sa yamang pangisdaan ang rehiyong ito ng Asya, pangunahing

tagapagluwas ng malalaking itlog o caviar mula sa isdang sturgeon.

A. Timog Asya C. Timog Silangang Asya

B. Hilagang Asya D. Silangang Asya

3. Ang pagkakaroon ng _________ na klima ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya

ang dahilan upang maging masagana ang rehiyon sa mga likas na yaman.

A. nagyeyelo C. tropikal

B. humid continental D. monsoon climate

4. Sa rehiyong ito ng Asya nagmumula ang pinakamalaking produksyon ng petrolyo

sa mundo.

A. Kanlurang Asya C. Timog Asya

B. Silangang Asya D. Hilagang Asya

5. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang kagubatang taiga o coniferous kung

saan kadalasang tumutubo ang mga puno ng pino o pine trees at fir na ginagamit

na kahoy sa paggawa ng bahay?

A. Timog Asya C. Hilagang Asya

B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

6. Ang rehiyon na ito ng Asya ay katatagpuan ng malawak na lambak at kapatagan

dahilan upang pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga tao dito.

A. Hilagang Asya C. Timog-Silangang Asya

B. Silangang Asya D. Timog Asya

7. Ito ay bansa sa Kanlurang Asya na sagana sa mina ng langis, kaugnay nito naging

pinakamalaking tagapagluwas ito ng petrolyo sa buong daigdig.

A. Saudi Arabia C. Malaysia

B. India D. Oman

8. Ang Hilagang Asya ay katatagpuan ng malawak na damuhan na nagsisilbing

pastulan ng mga alagang hayop. Sa kabila ng matinding lamig may isang bahagi

nito na pangunahing pinagmumulan ng yamang gubat partikular ng troso ng

nasabing rehiyon. Saan ito matatagpuan?

A. Armenia C. Siberia

B. Kyrgyzstan D. Tajikistan

Page 9: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

3

9. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na sagana sa yamang

likas. Sa katunayan ang bansang ito ang nangunguna sa pagluluwas ng mga

produktong __________ at _________ sa buong mundo.

A. barley at oats C. langis ng niyog at kopra

B. ginto at uling D. rubber at jute

10. Ang Silangang Asya ay ang nangunguna sa pagluluwas ng telang sutla (silk) sa

daigidig dahil sa nagagawa nilang mag-alaga ng napakaraming silkworm sa

pamamagitan ng pagtatanim ng maraming puno ng mulberry. Saang bansa

makikita ang pagpaparami ng mulberry tree?

A. China C. South Korea

B. Japan D. Taiwan

11. Sagana sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya dahil na rin sa

tropikal na klimang nararanasan dito, maliban sa isang bansa nito na maliit

lamang ang lupang agrikultural ngunit nagsisilbing sentro ng kalakalan at

komersyo ng rehiyon. Alin sa sumusunod ang bansang iyon?

A. Cambodia C. Thailand

B. Vietnam D. Singapore

12. Ang bansang ito sa Timog-Silangang Asya ay may malaking deposito ng langis

at natural gas, gayundin ang 35% ng liquefied gas sa buong daigdig.

A. Malaysia C. Indonesia

B. Singapore D. Brunei

13. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa at

mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Anong mga ilog ang

matatagpuan sa India na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng

Timog Asya?

A. Ilog Huang Ho at Yangtze C. Ilog Tigris at Euphrates

B. Ilog Indus at Ganges D. Ilog Panuco at Santiago

14. Ito ang pinakamahalagang pananim na agrikultural ng Timog Asya.

A. palay C. opyo

B. gulay D. tubo

15. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng malawak na damuhan na nagsisilbing

pastulan ng mga alagang hayop tulad ng baka at tupa. Ang baka ay

pinagmumulan ng gatas at karne samantalang ang tupa naman ay

pinagmumulan ng__________________.

A. telang sutla C. bulak

B. telang lana D. sugar beets

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 10: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

4

Aralin

1 Ang Mga Likas na Yaman

ng Asya

Ang Asya ang pinakamalaki sa pitong kontinente sa

daigdig. Katatagpuan ng malalawak na lupain at napapaligiran

ng malalaking anyong tubig Ang pisikal na katangian ito ang

dahilan kung bakit ang Asya ang may pinakamasagang

kapaligiran. Halina’t ating tuklasin ang yamang likas sa Asya!

Balikan

Napag-aralan mo sa nagdaang aralin ang tungkol sa katangiang pisikal ng

Asya at kung paano nito naimpluwensiyahan ang buhay ng mga taong naninirahan

dito. Bago ka magsimula sa bagong aralin, magbalik-aral ka sa iyong mga natutuhan

sa pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan sa ibaba. Matapos nito ay sagutin ang

mga pamprosesong tanong sa susunod na pahina. Isulat ang iyong sagot sa

sagutang papel.

KATANGIANG PISIKAL NG ASYA

Rehiyon Hugis Klima Vegetation

Cover

Anyong

Lupa

Anyong

Tubig

Hilagang Asya

Silangang Asya

Timog Asya

Timog-Silangang Asya

Kanlurang Asya

Page 11: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

5

Sagutin ang mga tanong:

1. Batay sa iyong sagot sa talahanayan, ano kaya ang posibleng pangunahing

hanapbuhay sa bawat rehiyon ng Asya?

2. Paano naaapektuhan ng klima at vegetation cover ang pamumuhay ng mga

Asyano sa bawat rehiyon?

Tuklasin

TIC TAC TOE

Panuto: Buoin ang Tic Tac Toe sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga

hinihinging kasagutan sa mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa

sagutang papel.

1

2

3 K

4 A

5

6 Y

7 A

8

9

10 N

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang pangunahing produktong iniluluwas ng mga bansa sa Kanlurang Asya

partikular na ang bansang Saudi Arabia, UAE, Kuwait, at iba pa?

2. Ano ang pinakamalaking bansa sa Timog Asya?

5. Anong rehiyon sa Asya ang kinabibilangan ng mga bansang China, South at North

Korea, Japan, Taiwan at Mongolia?

8. Ito ay tumutukoy sa puno na pinamamahayan at nagsisilbing pagkain ng mga

silkworm.

9. Ito ang pinakamalaking kontinente sa mundo.

Ngayon, bilugan mo ang mga unang hanay ng letra pababa. Anong salita ang

iyong nabuo?

Page 12: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

6

Iyan ang ating bibigyang diin sa araling ito. Alam mo ba na ang ating

kontinente ay biniyayaan ng mga likas na yaman? Sa likas na yaman nanggagaling

ang mga pangunahing kailangan ng mga tao at ng bansa. Kaugnay nito, naisip mo

ba kung ano-ano ang mga ipinagmamalaking yamang-likas ng Asya?

Suriin

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig, na bumubuo sa

humigit-kumulang 30 porsiyento ng lupa ng buong mundo. Ito rin ang kontinenteng

itinuturing na may pinakamaraming tao sa mundo na may halos 60 porsiyento ng

kabuuang populasyon. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon: Hilagang Asya,

Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, at Kanlurang Asya. Bawat

rehiyon ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng klima dahilan upang magkaroon ito ng

iba’t ibang likas na yaman.

Legend:

HILAGANG ASYA TIMOG-SILANGANG ASYA

SILANGANG ASYA KANLURANG ASYA TIMOG ASYA

Ang posisyon ng Asya sa mga merkado o pamilihan sa buong mundo ay

tumaas nang malaki sa huling kalahating siglo. Ngayon, ang mga bansang Asyano

ay kinikilala bilang ilan sa mga nangungunang tagagawa ng maraming mga

Page 13: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

7

produktong agrikultural, kagubatan, pangingisda, pagmimina, at pang-industriya.

Mula sa yamang lupa, yamang tubig, yamang mineral, at yamang kagubatan. Gaano

nga ba kayaman ang mga rehiyon ng Asya? Halina’t ating tuklasin!

Yamang Tubig

Sa yamang

pangisdaan,

pangunahing

tagapagluwas ang

rehiyon ng caviar. Ito

ang itlog ng mga

malalaking isdang

sturgeon na likas sa

rehiyong ito.

Yamang Lupa

Ang HILAGANG ASYA ay nakakaranas ng

nagyeyelong klima dahilan upang hindi tumubo ang

mga puno at halaman. Sa kabila nito ay may mga

yamang likas pa rin na pinagmumulan ng kanilang

kita at kabuhayan. Binubuo ito ng malawak na

damuhan na nagsisilbing pastulan ng mga alagang

hayop tulad ng baka at tupa na pangunahing

pinagmumulan ng karne, gatas at telang lana.

Kabilang din dito ang mga pananim tulad ng trigo,

palay, barley, bulak, sugar beets, sibuyas,

mansanas at tabako.

Yamang Kagubatan

Sa bahagi lamang ng

Siberia umaasa sa yamang

gubat ang rehiyon. Dito

matatagpuan ang malawak

na kagubatang coniferous

kung saan kadalasang

tumutubo ang mga puno ng

pino o pine trees at fir.

Yamang Mineral

Ang deposito ng ginto mula sa Kyrgyzstan

ang tinatayang pinakamalaki sa buong mundo,

sa kabila nito itinuturing pa rin na may

pinakamalaking produksyon ng ginto ay ang

Uzbekistan. Ipinagmamalaki naman ng

Tajikistan ang tatlong uri ng yamang mineral na

nagmumula sa kanilang bansa. Ang metalikong

mineral tulad ng ginto, panggatong tulad ng

natural gas na pangunahing industriya sa

Turkmenistan, at industriyal na metal tulad ng

phosphate.

Page 14: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

8

Yamang Lupa

Ang SILANGANG ASYA ay

kakikitaan ng iba’t ibang yamang lupa,

maliban lamang sa mabuhangin na

lupa sa Mongolia. Subalit, dito rin

matatagpuan ang Gobi Desert na

siyang pinakamalaking disyerto sa

Asya.

Matatagpuan sa Katimugang

bahagi ng China ang 7% ng lupa ng

buong mundo na nagsisilbing taniman

ng rehiyon kung saan inaani ang

palay. Gayundin ang mga pananim na

gulay, tubo, bulak, kamote, tsaa,

maging ang repolyo na mahalagang

gulay para sa mga Chinese. Ang mga

alagang hayop ay kadalasang

katuwang ng tao sa

paghahanapbuhay.

Yamang Kagubatan

Nagpaparami ng mulberry

tree sa Japan dahil nagsisilbi itong

pagkain ng mga silkworm na

kinakailangan upang matustusan

ang pangangailangan ng mga

industriya sa telang sutla o silk.

Yamang Mineral

Nagmumula sa China ang

pinakamalaking deposito ng

antimony (mineral na ginagamit sa

paggawa ng bakal), tungsten,

(mineral na ginagamit sa paggawa ng

bombilya) magnesium at carbon.

Yamang Tubig

Dito matatagpuan ang mga

yamang tubig tulad ng Ilog Huang

Ho at Ilog Yangtze, ang

pinakamahabang ilog sa Asya na

umaabot sa 6,300 kilometro. Ang

mga ilog na ito ay hindi lamang

nagsilbing mapagkukunan ng

kabuhayan para sa mga

mamamayan, ito rin ay naging

lundayan ng sibilisasyon.

Sa pagkakataong umaapaw

ang tubig mula sa ilog Huang Ho

malaking tulong ito upang maging

mataba ang lupang taniman ng mga

naninirahan malapit dito. Nag-

iiwan ito ng kulay dilaw na banlik

na kung tawagin ay loess.

Page 15: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

9

Yamang Lupa

Ang TIMOG ASYA ay nakakaranas ng klimang humid-continental at

binubuo ng mga lambak-ilog, kapatagan, at talampas dahilan upang

pagsasaka ang maging pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao

dito. Inaani mula sa rehiyon ang palay na pinakamahalagang pananim na

agrikultural, gayundin ang trigo, tubo, at mga gulay. Ang India rin ang

pangunahing prodyuser ng jute, matigas na hiblang ginagawang sako sa buong

daigdig. Sa bahagi naman ng Afghanistan tanyag ang pagtatanim ng opyo

ngunit ipinagbabawal ito ng pamahalaan dahil ang hindi tamang paggamit nito

ay makasasama sa kalusugan. Sa bahagi naman ng Afghanistan at

Bangladesh, pag-aalaga ng hayop ang pangunahing kabuhayan.

Yamang Tubig

Matatagpuan sa

Indian Ocean ang iba’t

ibang yamang tubig ng

rehiyon. Ang makapal na

puno ng bakawan na

nagsisilbing tahanan ng

mga isda ay matatagpuan

naman sa bahagi ng

baybayin ng Pakistan.

Yamang Kagubatan

Ang yamang gubat ng

rehiyon ay matatagpuan sa

gulod ng Himalayan Mountain

Range sa Nepal. Mga puno ng

mahogany at iba’t ibang uri ng

palm tree sa timog-kanlurang

bahagi ng Sri Lanka, gayundin

ang kagubatan ng evergreen sa

dakong gitna, at mga puno ng

ebony at satinwood sa bahaging

silangan at hilaga ng nasabing

bansa.

Yamang Mineral

Limestone, natural gas, langis,

tanso, asin, at gypsum ang mga mineral na

matatagpuan sa rehiyon. Sa India naman

makikita ang maraming reserba ng bakal

at karbon.

Page 16: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

10

Yamang Tubig

Malawak ang katubigang

bahagi ng rehiyon kung saan

matatagpuan ang iba’t ibang uri

ng isda, shellfish, at halamang

dagat. Isa pa sa

ipinagmamalaki ng rehiyon ay

ang mga perlas sa katubigan ng

Pilipinas. Ang mga ilog ay

pinagtatayuan ng mga dam na

maaaring pagkuhanan ng

kuryente na tinatawag na

hydroelectricity.

Yamang Lupa

Ang TIMOG SILANGANG ASYA ay

may tropikal na klima dahilan upang

maging sagana ang rehiyon sa mga likas na

yaman. Ito ay katatagpuan ng malawak na

lambak tulad sa Myanmar na matatagpuan

sa Ilog Irrawaddy at Ilog Sitang dahilan

upang maging mataba ang lupa sa nasabing

lugar. Gayundin sa Cambodia sa paligid ng

Mekong River at Tonle Sap. Ang Pilipinas

ang siyang nangunguna sa pagluluwas ng

langis ng niyog at kopra samantalang ang

Thailand naman ang pinakamalaking

prodyuser ng rubber sa buong daigdig.

Inaalagaan din sa rehiyon ang mga hayop

tulad ng kalabaw, kambing, baboy at manok

na pinagmumulan ng mga karne. Sa

agrikultura nakadepende ang kabuhayan ng

mga mamamayan.

Yamang Kagubatan

Nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang uri

ng unggoy, ibon, at reptilya ang malawak na

kagubatan ng Myanmar at Brunei. Sa

Myanmar din makikita ang pinakamaraming

punong teak habang ang punong palm at

matitigas na kahoy tulad ng apitong, yakal,

lauan, narra, kamagong, ipil, mayapis, at

mga halamang dapo ay matatagpuan sa

Pilipinas na ginagamit sa paggawa ng mga

bahay at furniture.

Yamang Mineral

Mahigit 80% ng langis at

35% ng liquefied gas ng

rehiyon ay nagmumula sa

Indonesia. Ang Malaysia ay isa

pa sa mga bansa na

napagkukuhanan ng liquefied

gas. Tanso naman ang

nagmumula sa Pilipinas.

Page 17: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

11

Ang pisikal na kapaligiran at klima na nararanasan ng bawat

rehiyon ang pangunahing dahilan kung bakit magkakaiba ang mga klase

o uri ng mga likas na yaman na maaaring matagpuan dito. Nakabatay dito

ang uri ng kabuhayan ng mga mamamayang naninirahan sa rehiyon.

Yamang Lupa

Ang KANLURANG ASYA ay

nakakaranas ng sobrang init at

walang masyadong pag-ulan dahilan

upang matuyo ang mga ilog at lawa

dito. Sa kabila nito, nagtatanim ang

mga naninirahan dito partikular na

sa Iran ng trigo, barley, palay, bulak,

mais, tabako at mga prutas sa mga

oasis. Pangunahing produkto naman

sa Iraq ang dates at dalandan

naman ang sa Israel. Sa mga

bulubundukin at disyertong bahagi

ng rehiyon tulad ng Saudi Arabia,

Turkey, Syria, Iran, at Iraq ang pag–

aalaga ng hayop ang isa pa sa

kanilang ikinabubuhay.

Yamang Mineral

Sagana sa yamang mineral

ang rehiyon tulad ng langis at

petrolyo. Binubuo ito ng mga

bansang Arabo na kinabibilangan ng

Saudi Arabia, na nangunguna sa

produksiyon ng petrolyo sa buong

mundo. Malaki rin ang produksiyon

ng langis sa United Arab Emirates

(UAE), Kuwait, Iran, Iraq, at Oman.

Mayaman din ang rehiyon sa

bauxite, (isa sa pinakagamiting

metal na ginagamit sa produksiyon

ng eroplano, riles, at sasakayang de

motor) tanso, potash, zinc,

magnesium, phospate at marami

pang ibang mineral.

Page 18: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

12

Pagyamanin

A. Thumbs Up or Thumbs Down: Tama o Mali

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang THUMBS UP

Emoji kung TAMA ang pangungusap at THUMBS DOWN Emoji kung

MALI. Isulat ang sagot sa nakalaang sagutang papel.

1. Ang mga ilog na Huang Ho at Yangtze na nagsilbing lundayan

ng sibilisasyon ay matatagpuan sa bansang India.

2. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang-mineral na bauxite.

3. Mahigit 80% ng langis sa Timog-Silangang Asya at 35% ng

liquefied gas sa buong mundo ay nagmumula sa Indonesia.

4. Ang Turkmenistan ay kilala sa pagkakaroon ng tatlong uri ng

yamang mineral - metaliko, panggatong, at industriyal.

5. Nakabatay sa pisikal na kapaligiran ang uri ng kabuhayan ng

mga taong naninirahan dito.

B. Fill in the Box! Ready…Set…Go!

Panuto: Punan ng nawawalang letra ang bawat kahon upang mabuo ang salita na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa nakalaang activity sheet.

1. Ito ang tela na mula sa mga silkworm na inaalagaan sa bansang

Japan sa pamamagitan ng pagpaparami ng puno ng mulberry.

2. Ang kulay dilaw na banlik na iniiwan ng pag-apaw ng tubig mula

sa ilog Huang Ho dahilan upang maging mataba ang lupang

taniman ng mga naninirahan malapit dito.

3. Isang uri ng halamang tanyag na itinatanim sa Afghanistan

ngunit ipinagbabawal ng pamahalaan dahil maaaring

makasama sa kalusugan.

4. Ito ang pinakamahalagang pananim na agrikultural sa rehiyon

ng Timog Asya.

5. Ito ang pangunahing produktong iniluluwas ng

Kanlurang Asya tulad ng Saudi Arabia.

S A

L E

O Y

L Y

P T L

Page 19: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

13

C. Dahilan Mo…Ilalahad Ko!

Panuto: Isulat sa loob ng cloud callout ang mga dahilan o salik na

nakakaapekto sa pagkakaiba-iba ng mga likas na yaman ng bawat

rehiyon ng Asya.

D. Treasure Hunting: Yaman…Nasaan Ka?

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na makikita sa bawat layag ng bangka. Piliin ang sagot mula sa treasure island na makikita rin sa loob ng larawan. Isulat ang sagot sa nakalaang sagutang papel.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkakaiba-iba ng mga Likas na

Yaman

Page 20: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

14

E. Tayo nang mag – Sort It Out!

Panuto: Suriin ang mga likas na yaman at bansa na makikita sa loob ng

kahon. Pangkatin ang mga ito sa kolum na kanilang kinabibilangan at

isulat ang uri ng likas na yaman (Yamang Lupa, Yamang Tubig, Yamang

Gubat o Yamang Mineral). Isulat din kung saang rehiyon sa Asya ito

matatagpuan. Sundan ang halimbawa na makikita sa talahanayan bilang

pasimula sa gawain. Isulat ang sagot sa nakalaang sagutang papel.

Likas na Yaman Uri ng Likas na

Yaman

Bansa Rehiyon sa Asya

Hal. Langis ng Niyog Yamang Lupa Pilipinas Timog-Silangang Asya

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

11.

12.

13.

14.

15.

1. Saudi Arabia – Petrolyo 6. China – Palay 11. Tajikistan – Natural gas

2. Afghanistan – Opyo 7. Iraq – Dates 12. India – Palay

3. Japan – Silkworm 8. Sri Lanka–Mahogany 13. Kyrgyzstan - Ginto

4. Pilipinas – Kopra 9. Pakistan–Bakawan 14. Siberia–Coniferous Tree

5. Israel – Dalandan 10. Indonesia–Liquified Gas 15. Myanmar – Teak

5.Israel – Dalandan 10. Indonesia – Liquified Gas 15. Myanmar – Teak

Tree

Page 21: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

15

F. Crossword Puzzle: Halina’t Buuin!

Panuto: Sa pamamagitan ng crossword puzzle, alamin ang mga salitang tinutukoy

ng mga pahayag sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

PAHALANG 4. Ito ang pinakamalaking

kontinente sa daigdig.

6. Bansa sa Timog Asya na

pangunahing prodyuser ng

jute sa buong mundo.

8. Klima sa Hilagang Asya na

sanhi kung bakit hindi

madalas na tumutubo ang

mga puno at halaman.

10. Saang bansa matatagpuan

ang pinakamaraming puno ng

teak sa buong mundo?

PABABA 1. Hayop na pangunahing

pinagkukunan ng telang lana 2. Ano ang pinakamalaking

disyerto sa Asya na makikita sa bansang Mongolia?

3. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa bansang matatagpuan sa Timog Asya?

5. Ano ang pinakamalaking produktong ipinoprodyus ng bansang Thailand?

7. Saang rehiyon sa Asya nasasakop ang mga bansang Muslim ng Afghanistan at Pakistan.

9. Ano ang pangunahing yamang mineral na matatagpuan sa Pilipinas?

Page 22: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

16

Isaisip

Mga Pamprosesong Tanong

Panuto: Suriin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang ibig sabihin ng likas na yaman? Isa-isahin mo nga ang mga

pangunahing likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang mga likas na yaman?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang kaugnayan ng mga uri ng likas na yaman sa klase ng pamumuhay

ng mga tao sa bawat rehiyon ng Asya?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

4. Sa lumalaking dami ng populasyon ng Asya, ano ang mabuting solusyon upang

matugunan ang pangangailangan ng mga tao sa likas na yaman tulad ng pagkain

kung patuloy naman ang pagliit ng lupang pinanggagalingan nito?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

5. Paano mo maipapakita ang wasto at maingat na paggamit ng likas na yaman lalo

ngayong ang buong mundo ay dumaranas ng krisis sanhi ng Covid-19 Pandemic?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Page 23: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

17

Isagawa

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya kung saan

tayo naninirahan. Ano-anong yamang likas ang ipinagmamalaki sa

inyong lugar o bayan? Paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng inyong

pamumuhay at paano nito hinubog ang inyong kultura?

_____________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

__________________

_____________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

_________________________________________

Page 24: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

18

Tayahin

A. Panuto: Basahin at unawain ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin at

isulat sa kwaderno ang letra ng iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa

sagutang papel.

1. Ang India ay katatagpuan ng malawak na taniman dahilan upang ito ay maging

isang agrikultural na bansa. Ano ang pinakamahalagang likas na yaman sa

nasabing bansa?

A. yamang lupa

B. yamang tubig

C. yamang gubat

D. yamang mineral

2. Ang mga ilog sa Timog-Silangang Asya ay pinagtatayuan ng mga dam na

maaaring pagkunan ng kuryente na tinatawag na__________________________.

A. solar electricity

B. hydroelectricity

C. static electricity

D. current electricity

3. Ang pagkakaroon ng _________ na klima ng mga bansa sa Timog-Silagang Asya

ang dahilan upang maging masagana ang rehiyon sa mga likas na yaman.

A. tropikal

B. humid continental

C. monsoon climate

D. nagyeyelo

4. Ang bansang Afghanistan ay kilala sa pagtatanim ng __________ ngunit ang hindi

tamang paggamit nito ay makasasama sa kalusugan ng tao.

A. sugar beets

B. tabako

C. jute

D. opyo

5. Pangunahing tagapagluwas ng mga produktong petrolyo ang Kanlurang Asya.

Anong uri ng likas na yaman sagana sa rehiyon?

A. yamang lupa

B. yamang tubig

C. yamang gubat

D. yamang mineral

Page 25: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

19

6. Ang Timog-Silangang Asya ay mayroong malawak na katubigan kung saan

matatagpuan ang iba’t ibang uri ng isda at shellfish. Bukod sa pagsasaka, ano

pa ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Asyano na naninirahan dito?

A. pagmimina

B. pag-aalaga ng Hayop

C. pangingisda

D. pagtotroso

7. Alin sa mga sumusunod na karagatan ang napagkukunan ng iba’t ibang yamang

tubig sa Timog Asya?

A. Indian Ocean

B. Pacific Ocean

C. Arctic Ocean

D. Atlantic Ocean

8. Ang rehiyong ito sa Asya ay kakikitaan ng malalawak na taniman ng mga

pananim na agrikultural. Ano ang pinakamahalagang pananim na agrikultural

ng Timog Asya?

A. palay

B. gulay

C. opyo

D. tubo

9. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa at

mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Anong mga ilog ang

matatagpuan sa India na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng

Timog Asya.

A. Ilog Huang Ho at Yangtze

B. Ilog Indus at Ganges

C. Ilog Tigris at Euphrates

D. Ilog Panuco at Santiago

10. Mahalagang produkto ang dagta ng rubber tree. Anong bansa sa Timog-

Silangang Asya pangunahing prodyuser ng rubber sa buong daigdig?

A. Indonesia

B. Pilipinas

C. Thailand

D. Myanmar

B. Analohiya

Panuto: Batay sa ugnayan ng unang pares sa bawat bilang, pumili ng wastong sagot

para sa ikalawang pares. Pillin at isulat ang titik ng tamang sagot.

11. Myanmar: Ilog Irrawady at Ilog Sitang;

_______________: Mekong River at Tonle Sap

A. Pilipinas B. Brunei C. Cambodia D. Malaysia

12. Saudi Arabia: Petrolyo; Kyrgyzstan: _______________

A. Tanso B. Karbon C. Bakal D. Ginto

Page 26: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

20

13. Coniferous tree: Siberia; Mulberry tree: _______________

A. China B. Japan C. South Korea D. Mongolia

14. Telang lana: Hilagang Asya; Telang sutla: _______________

A. Timog Asya C. Silangang Asya

B. Kanlurang Asya D. Timog-Silangang Asya

15. silkworm: silk; sturgeon: _______________

A. caviar B. barley C. sugar beets D. gatas

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo

sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng

harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung

iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa

karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa

sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Karagdagang Gawain

Gawain 1

Panuto: Itapat ang mga likas na yaman sa tamang bansa o sa Asya kung saan ito

matatagpuan sa pamamagitan ng paglalagay ng linya patungo sa titik ng tamang

sagot.Isulat iyong sagot sa nakalaang sagutang papel.

Page 27: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

21

Gawain 2

Panuto: Punan ng sagot ang graphic organizer. Isulat sa loob ng bawat kahon ang

kapakinabangang dulot ng mga likas na yaman na matatagpuan sa bawat rehiyon.

Hilagang Asya

Silangang Asya

Timog Asya

Timog-Silangang Asya

Kanlurang Asya

Page 28: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

22

Susi sa Pagwawasto

THUMBS UP OR

THUMBS DOWN

1.

2.

3.

4.

5.

FILL IN THE BOX!

1.SUTLA 2.LOESS 3.OPYO 4.PALAY 5.PETROLYO

TREASURE HUNTING

1.IRAQ 2.HYDROELECTRICITY 3.INDIA 4.CHINA

5.STURGEON

SUBUKIN

1.B 2.B 3.C 4.A 5.C 6.D 7.A 8.C 9.C 10.B 11.D 12.C 13.B 14.A 15.B

TUKLASIN

1.L

2.I 3.S 4.M 5.A

Nabuong

Salita:

LIKAS YAMAN

SORT IT OUT!

1.Yamang Mineral Kanlurang Asya

2.Yamang Lupa Timog Asya

3.Yamang Gubat Silangang Asya

4.Yamang Lupa Timog Silangang Asya

5.Yamang Lupa Kanlurang Asya

6.Yamang Lupa Silangang Asya

7.Yamang Lupa Kanlurang Asya

8.Yamang Gubat Timog Asya

9.Yamang Tubig Timog Asya

10.Yamang Mineral Timog Silangang Asya

11.Yamang Mineral Hilaga Asya

12.Yamang Lupa Timog Asya

13.Yamang Mineral Hilagang Asya

14.Yamang Gubat Hilagang Asya

15.Yamang Gubat Timog Silangang Asya

CROSSWORD PUZZLE

1.TUPA 2.GOBI DESERT 3.PAGSASAKA 4.ASYA 5.RUBBER 6.INDIA

7.TIMOG 8.NAGYEYELO 9.TANSO

10.MYANMAR

TAYAHIN

1.A 2.B 3.A 4.D 5.D 6.C 7.A 8.A 9.B

10.C 11.C

12.D 13.B 14.C 15.A

KARAGDAGANG

GAWAIN

(GAWAIN 1)

1.B 2.C 3.E 4.A 5.D

KARAGDAGANG GAWAIN

(GAWAIN 2)

HILAGANG ASYA – Caviar, Ginto, Natural gas,

Phosphate, Coniferous trees

SILANGANG ASYA – Palay, Antimony, Tungsten,

Magnesium, Karbon, Silkworm

TIMOG SILANGANG ASYA – Langis ng niyog at kopra, Apitong, Yakal, Lauan, Narra, Kamagong, Teak, Langis, Liquefied gas, Tanso

TIMOG ASYA – Palay, Opyo, Bakawan, Bakal at Karbon

KANLURANG ASYA – Langis at Petrolyo, Dates,

Dalandan, Bauxite, Tanso, Potash, Zinc, Magnesium,

Phosphate

Page 29: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

23

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna

ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education

Bureau of Learning Resources.

"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of

Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01

/AP-CG.pdf.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management

and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-

view/18275.

"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource

Management and Development System, 2014.

https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.

Page 30: Araling Panlipunan...ii Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Mga Likas na Yaman ng Asya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad

24

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]