25
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5 Karapatan at Tungkulin ng Mamimili 9

Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

  • Upload
    others

  • View
    74

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 5 Karapatan at Tungkulin ng

Mamimili

9

Page 2: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Michelle R. Maglaqui Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librado M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor P. Nuesca, EdD

Marie Ann C. Ligsay, PhD Amando P. Yutuc, PhD

Emily F. Sarmiento, PhD

Page 3: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

9

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 5 Karapatan at Tungkulin ng

Mamimili

Page 4: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

ii

Paunang Salita Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Karapatan at Tungkulin ng Mamimili.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

iii

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Page 6: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

iv

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

1

Alamin

Ipinakilala sa nagdaang aralin ang konsepto ng pagkonsumo at kung paano ito nakakaapekto ang bawat salik sa dami ng ating binibili. Ngayon naman ay ating pag-aaralan ang mga karapatan at tungkulin ng isang matalinong mamimili.

Ang modyul na ito ay magbibigay-daan upang matutunan at maisagawa ang kabuuang layuning:

1. Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang tungkulin bilang isang mamimili

Kaugnay nito, inaasahan na pagkatapos ng araling ito ay maipakita mo ang mga sumusunod na kasanayan:

1.1 Nasusuri ang kaugnayan ng pagkilala sa karapatan at tungkulin ng mamimili sa pagiging isang matalinong mamimili; at

1.2 nasusuri ang mga karapatan at tungkulin bilang mamimili; at 1.3 napahahalagahan ang pagkilala sa karapatan at tungkulin ng isang

mamimili.

Subukin

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Kailan masasabi na ikaw ay isang matalinong mamimili? a. Kung mas pinipili mong gumamit ng credit card kaysa cash b. Kung palagi kang nag-aabang ng sale sa Lazada o Shopee upang

makatipid c. Kung sinusuri mo ang kalidad ng produkto at bumibili ka ayon sa iyong

badyet. d. Kung bumibili ka ng higit sa iyong kailangan upang matiyak mong hindi

ka mauubusan

Page 8: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

2

2. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang nagpapakita ng pagiging mapanuri ng isang mamimili? a. Inuuna ang mga bagay na mahalaga kaysa sa luho b. Laging inaalam ang substitute sa mga produktong bibilhin c. Hindi nagbabago ang pagkonsumo kahit idolo pa niya ang nag-endorso

nito d. Tinitignan ang sangkap, presyo, timbang at pagkakagawa ng produkto

bago ito bilhin

3. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa mga karapatan ng isang mamimili? a. Karapatang pumili b. Karapatan sa patalastasan c. Karapatan sa malinis na kapaligiran d. Karapatang magbayad sa produktong binili

4. Sa mga sitwasyon sa ibaba, alin ang nagpapakita ng karapatan natin sa

patalastasan? a. Pagkakaroon ng return policy ng bawat establisimyento b. Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa karapatan at pananagutan ng isang

mamimili c. Pagkakaroon ng kaalaman upang maiwasan ang mapanlinlang na

advertisement d. Pagkakaroon ng organisasyon na tutulong na maitaguyod ang ating mga

karapatan

5. Bilang mamimili, bakit kailangang alam mo ang iyong mga karapatan? a. Dahil magagamit mo ito sa paghahanap ng trabaho b. Dahil ito ang magtutulak sa ekonomiya upang umunlad c. Upang maging angat sa iba na hindi alam ang kanilang mga karapatan d. Upang maiwasan ang madaya, mapahamak at mapagsamantalahan ng iba

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tungkulin ng isang mamimili?

a. Ang pagiging alerto at mausisa sa kanyang mga bibilhin b. Ang pagtangkilik sa mga produktong gawa ng kapwa Pilipino c. Ang paglalagay ng etiketa o price tag sa mga produktong ibinebenta d. Ang pangangalaga sa likas na kayamanan ng bansa para sa susunod na

henerasyon

7. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng ating kamalayan sa kapaligiran? a. Pagbili ng mga produktong lokal b. Pagiging mapanuri sa mga produktong bibilhin c. Hindi pagsasawalang-bahala sa mga gawaing hindi tama d. Iniiwasan ang paggamit ng plastic at mga bagay na hindi madaling

matunaw

Page 9: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

3

8. Ano gagawin mo kung may alam kang nagbebenta ng mga hindi aprubadong gamot para sa COVID-19? a. Hindi makikialamupang hindi na lang madamay b. Hayaang ang mga taong bumili nito ang magreklamo c. Susubukan ang gamot para malamang epektib ito o hindi d. Ipapaalam sa kinauukulan at hayaang sila ang sumuri sa kakayahan ng

gamot

9. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng malasakit panlipunan bilang mamimili? a. Pagiging alisto sa pagtanggap ng sukli b. Pagtangkilik sa mga produktong Pinoy c. Pagtatatag ng mga samahan para sa mga mamimili d. Pag-aksyon sa pagsasamantala ng mga mangangalakal

10. Ang pagtingin kung may sanitary permit ang isang establisyimyento ay

halimbawa ng karapatan ng mamimili sa ___________________. a. Kaligtasan c. Pangunahing pangangailangan b. Patalastasan d. Malinis na kapaligiran

11. Aling karapatan ang maaari mong gamitin para sa mga establisyimyentong

hindi nagpapatupad ng no return policy sa kanilang ibinebentang produkto? a. Karapatang dinggin b. Karapatan sa patalastasan c. Karapatang bayaran at tumbasan ang anumang kapinsalaan d. Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili

12. Isa sa mga tungkulin ng mamimili ay ang pagkakaroon ng malasakit panlipunan, sa papaanong paraan nakakatulong sa kapwa ang pagtangkilik natin sa mga produktong atin?

a. Sa pagtangkilik natin sa ating mga produkto, mas nakikilala ito ng ibang bansa

b. Sa ganitong paraan, mas marami ang mahihikayat na magnesgosyo at umasenso sa buhay

c. Maiiwasan ang pagkakaroon ng artipisyal na kakulangan sa mga produkto dahil dadami ang demand dito

d. Wala itong epekto dahil ang konsyumer ay may karapatang pumili ng produkto at serbisyo na kanyang bibilhin

13. Anong ahensya ng pamahalaan ang inatasan upang palawigin ang kalakalan at industriya sa bansa at siya ring tagapagtaguyod ng karapatan at tungkulin ng mamimili?

a. Department of Foreign Affairs (DFA) b. Department of Trade and Industry (DTI) c. Department of Labor and Employment (DOLE) d. Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Page 10: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

4

14. Ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa mamimili hinggil sa produkto o sangkap nito ay karapatan ng mamimili sa ______________.

a. kaligtasan b. pagpili c. patalastasan d. malinis na kapaligiran

15. Ang pagsasawalang-kibo ay hindi nakakatulong upang labanan ang

pagsasamantala ng mga mapandarayang mangangalakal, anong tungkulin ng mamimili ang sumasaklaw dito?

a. pagkakaisa b. pagkilos c. kamalayan sa kapaligiran d. malasakit panlipunan

Binabati kita! Kung nasagot mo ng tama ang lahat ng mga katanungan, maaari ka ng magtungo sa susunod na modyul. Kung hindi mo naman nakuha ang lahat ng tamang sagot sa mga tanong, huwag mag-aalala sapagkat ituturo sa modyul na ito ang mga bagay na kailangan mo pang matutunan tungkol sa mga salik ng pagkonsumo.

Aralin

1 Karapatan at Tungkulin ng

Mamimili

Tuklasin

Bawat tao ay isang mamimili ayon sa iyong napag-aralan sa mga naunang modyul. Sa bahaging ito, mapag-aaralan mo ang mga karapatan at tungkulin ng mga mamimili. Bilang panimula, gawin ang paunang gawain sa ibaba. Panuto: Tingnan ang dalawang arrow sa ibaba. Gumawa ng paglalarawan sa mga imahe. Sumulat ng dalawa o tatlong pangungusap sa iyong portfolio o sagutang papel na nagpapaliwanag sa mga imahe.

Page 11: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

5

Balikan

Dahil alam kong marami kang natutunan sa nagdaang-aralin, narito ang

isang gawain na tiyak na madali mong masasagutan. Inihanda ito upang subukin ang iyong mga natutunan! TAMA o MALI. Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at MALI naman kung ito ay walang katotohanan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

________ 1. Lahat tayo ay mga konsyumer. ________ 2. Nakukuha natin ang pakinabang sa mga produkto at serbisyo sa

pamamagitan ng pagbili at paggamit sa mga ito. ________ 3. Ang pangangailangan ang siyang nagtutulak sa atin sa pagbili at

paggamit ng mga produkto.

Karapatan Pribilehiyovs

Page 12: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

6

________ 4. Ang pagkonsumo ay hindi gawaing pang-ekonomiya. ________ 5. Ang mababang presyo ang nagsisilbing pangunahing motibasyon

natin sa dami ng ating bibilhin. ________ 6. Malaki ang naitutulong ng mga artista upang mahikayat ang

maraming tao sa pagbili ng produkto. ________ 7. Ang pagtangkilik sa mga produktong banyaga ay nakakatulong sa

kita ng mga lokal na pamilihan. ________ 8. Produktibo ang pagkonsumo kung nakasasama ito sa ating

kalusugan. ________ 9. Mas malaki ang kakayahang bumili ng marami ng mga taong

kumikita ng maliit kaysa sa mga kumikita ng malaki. ________ 10. Tumataas ang pagkonsumo natin sa mga kagamitang pang-

eskwelahan sa panahon ng pasukan. ________ 11. Ang panic buying ay isang makasariling ugali sa pamimili. ________ 12. Ang pamimili ng higit pa sa kailangan ay isang magandang

halimbawa ng matalinong pamimili. ________ 13. Ang pagbili ng mga bagay na hindi kailangan ay makatutulong sa

pagbabadyet. ________ 14. Hindi lang sa panahong ito ng pandemya dapat tangkilikin ang

mga produktong sariling atin. ________ 15. Dahil sa pagkonsumo kaya may produksyon.

Page 13: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

7

Suriin

Ipinaliwanag sa nagdaang aralin na angating pagkonsumo ay naaapektuhan ng iba’t ibang mga salik. Presyo ang pangunahing nagtutulak sa mga prodyuser at mamimili na gumawa at bumili ng mga produkto at paglilingkod. Kadalasan, naisasakripisyo natin ang kalidad ng produktong ating binibili dahil mas nahihikayat tayong bumili kung mababa ang presyo. Sa panahong ito ng krisis, makakabuti na tayo ay maging mas matalino sa ating pamimili. Dapat pa rin natin isaalang-alang ang kalidad ng ating binibili. Ngunit paano ba maging isang matalinong mamimili? Paano mo masisiguro na ang iyong binili ay sulit sa ibinayad mo para rito? Basahin mo ang iyong mga karapatan at tungkulin bilang isang mamimili.

Mga Karapatan ng Mamimili 1. Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan. Ang pagkakaroon

ng sapat na suplay at tamang presyo sa mga produkto ay karapatan ng bawat mamimili. Dapat na isaalang-alang ng pamahalaan ang kakayahan ng mamimili sa pag-abot sa presyo at maging ang suplay nito sa merkado lalo na sa mga pangunahing pangangailangan.

2. Karapatan sa kaligtasan. Ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa mamimili

hinggil sa produkto o sangkap nito ay isang karapatan.Kaya naman dapat isaalang-alang sa etiketa ng produkto ang sangkap nito, paraan ng paggamit at mga babala sa lenggwaheng naiintindihan ng lahat.

3. Karapatan sa patalastasan. Ang pagkakaroon ng lubusang kaalaman hinggil sa

produkto o serbisyong bibilhin ay kailangan upang maiwasan na madaya o mapagsamantalahan. Ang pagbibigay ng mapanlinlang na patalastas ay hindi ayon sa karapatang ito.

4. Karapatan sa pagpili.Nasadesisyon ng mamimili ang pagbili sa produkto o

serbisyo. Walang sinuman ang maaaring pumilit sa iyo na bilhin ang produktong hindi mo gusto.

Page 14: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

8

5. Karapatang dinggin. Kailangang isaalang-alang ng gobyerno ang mga mamimili sa paggawa ng mga patakaran.Anggobyerno ang dapat magtaguyod sa mga karapatang ito.

6. Karapatang bayaran at tumbasan ang anumang kapinsalaan. Ang isang depektibong produktong nabili ay dapat palitan o bayaran. Ang pagkakamaling makapagbigay ng mababang uri ng produkto o serbisyo bunga ng kapabayaan o masamang hangarin ay dapat ding bayaran o tumbasan ayon sa kapinsalaan.

7. Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili.Sa pag-

aaral ng ekonomiks lalawak ang iyong kaalaman at matututunan mo ang iyong mga karapatan at maipagtatanggol ito. Makakatulong ito upang makaiwas ka sa pandaraya o panloloko ng mga mapagsamantalang negosyante.

8. Karapatan sa malinis na kapaligiran. Upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili, kinakailangan ng inspeksyon pagdating sa sanitasyon ng mga pamilihan. Dito kailangang tiyakin ng bawat nagnenegosyo ang kalinisan ng kanilang kapaligiran at paninda. Ngayong alam mo na ang iyong mga karapatan, pag-aralan naman natin ang

iyong mga tungkulin. Tandaan, kaakibat ng iyong karapatan ang iyong pananagutan.

Mga Tungkulin ng mga Mamimili

1. Mapanuring kamalayan – tungkulin ng bawat mamimili na maging alerto at mapanuri sa lahat ng produktong kanyang binibili. Tungkulin mo sa iyong sarili na hindi madaya sa lahat ng pagkakataon.

2. Pagkilos – ang pagsasawalang-kibo ay hindi nakakatulong upang labanan ang pagsasamantala ng mga mandarayang mangangalakal. Kailangan ng pagkilos at pagbabantay upang maipaabot sa ating gobyerno at komunidad na hindi natutulog ang matalinong mamimili.

3. Pagmamalasakit na panlipunan – maging kabahagi sa pagpapaunlad ng mga

lokal na industriya. Lalo na sa panahon na ito ng pandemya na marami sa ating mga kababayan ang nawalan ang hanapbuhay at nagsarang mga negosyo. Sa pagtangkilik natin sa mga lokal na produkto ay makakatulong tayo upang sumiglang muli ang ating ekonomiya.

4. Kamalayan sa kapaligiran – tungkulin natin ang pangangalaga sa ating mga

likas na yaman na siyang pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap para sa paggawa ng produkto. Nakasalalay sa atin ang kinabukasan na masilayan at mapakinabangan din ng susunod na henerasyon ang mga yamang ito.

Page 15: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

9

5. Pagkakaisa – ang pagtatatag ng samahan ay isang pwersang magtataguyod sa atin upang mapangalagaan natin ang ating mga karapatan bilang mamimili.

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) ang ahensya ng pamahalaan na siyang inatasan upang itaguyod ang mga kaparatan at tungkuling ito ng mamimili. Tungkulin din nitong palawigin ang kalakalan at industriya ng bansa sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong hanapbuhay at magbigay-kita sa mga Pilipino.

Pagyamanin

WAIS NA MAMIMILI

Panuto: Piliin mula sa loob ng kahon ang mga salita o pariralang nagpapakilala ng katangian ng isang matalinong mamimili. Isulat ang mga ito sa sagutang papel. Mula sa mga salitang iyong naitala, gamitin ang mga ito upang makabuo ka ng isang talata.

Rubrik sa paggawa ng talata

Kraytirya Napakahusay 5 puntos

Mahusay 4 na puntos

Nalilinang 3 puntos

Nagsisimula 2 puntos

Nilalalaman Kumpleto at kumprehensibo ang nilalaman ng talata. Wasto ang lahat ng impormasyon

Kumpleto ang nilalaman ng talata. Wasto ang lahat ng impormasyon

May ilang kakulangan sa nilalaman ng talata. May ilang maling impormasyon na nabanggit

Maraming kakulangan sa nilalaman ng talata

Presentasyon Malikhaing nailahad ang nilalaman ng talata. Maayos ang tinig ng paglalahad. Nauunawaan ang nilalaman ng talata

Maayos na naialahad ang talata. Nauunawan ang nilalaman

Hindi gaanong maayos na nailahad ang talata. Hindi gaanong nauunawaan ang nilalaman

Hinid maayos na nailahad ang talata. Hindi gaanong nauunawaan ang nilalaman

Organisasyon Organisado, malinaw, simple

Malinaw at maayos ang

Maayos ang presentatsyon

Hindi maayos ang

praktikal marunong makisama marunong magkuwenta mahilig sa sale madaling maniwala alam ang mga pananagutan malakas ang loob bumibili ng mga produktong Pinoyalam ang mga karapatan gumagamit ng credit card sa pagbabayad

Page 16: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

10

at may tamang pagkakasunud-sunod ang presentasyon ng ideya sa talata. Malinaw ang daloy at organisado ang paglalahad ng kaisipan

presentasyon ng mga ideya. Malinaw ang daloy ng paglalahad ng kaisipan

ng mga pangyayari at ideya. May bahaging di gaanong malinaw

presentasyon ng mga ideya. Maraming bahagi ang hindi malinaw sa paglalahad ng kaisipan

Baybay ng salita, pagbabantas at gawi ng pagkasulat

Malinaw, maayos at tama ang baybay ng mga baybay ng mga salita, grammar, capitalization at pagbabantas. Maayos ang pagkakasulat

Tama ang baybay ng mga salita, grammar, capitalization at pagbabantas. Maayos ang pagkakasulat

Maayos ang pagbaybay ng mga salita subalit may kaunting kamalian sa grammar at pagbabantas. Hindi gaanong maayos ang pagkakasulat

Hindi maayos ang grammar at pagbabantas. Hindi maayos ang pagkakasulat.

Kabuuang Iskor

KARAPATAN O TUNGKULIN?

Panuto: Suriin ang bawat aytem at tukuyin kung ang bawat pahayag ay tumutukoy sa karapatan o tungkulin ng isang mamimili. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Pagbili sa mga nais bilhin ng hindi pinipilit. 2. Pagkakaroon ng wastong etiketa at presyo sa mga produktong bibilhin. 3. Pagtangkilik sa ating mga lokal na produkto. 4. Paglahok sa mga gawaing magtataguyod sa iyong karapatan bilang

isang mamimili. 5. Pagsasauli sa mga nabiling depektibong produkto. 6. Hindi nagpapadaya o nagpapaloko. 7. Pagsusuri ng husto sa mga produkto bago bilhin. 8. Wastong paggamit sa ating mga likas na yaman. 9. Pagdinig sa iyong reklamo bilang isang mamimili. 10. Pag-aksyon upang labanan ang pagsasamantala sa pamilihan.

SAGUTIN MO!

Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Isa ka bang matalinong mamimili? Ipaliwanag ang iyong sagot. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 17: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

11

2. Bakit mahalaga na alam nating mga mamimili ang ating mga karapatan at pananagutan? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Ipaliwanag ang pahayag na “customer is always right”. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Naniniwala ka bang dapat parusahan ang mga taong nakitang umaabuso sa mga mamimili at nandadaya ng mga impormasyon? Bakit? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Ibigay ang kaugnayan ng pagkilala sa karapatan at tungkulin ng mamimili sa pagiging isang matalinong mamimili. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

TSEK KA D’YAN! Panuto: Basahin ang bawat pahayag sa ibaba. Lagyan ng tsek (√) ang mga pahayag na nagpapakita ng pagsunod sa batas at pagkilala sa mga karapatan ng mamimili at (x) naman kung hindi.

1. Disposable face mask – nakasulat ang mga detalye sa lenggwaheng naiintindihan ng lahat.

2. Gamot – nakalagay ang paraan ng pag-inom at mga babala dito. 3. Pinekeng brand ng kilalang damit. 4. Pagbebenta ng hindi pa aprubadong gamot para sa COVID-19. 5. Toyo at suka – walang tatak. 6. Pagbebenta online na nakalagay ang detalye ng tindahan at produkto

nito. 7. Pagbebenta ng mga gamot na generic. 8. Paglalagay ng price tag sa bawat produktong ibinebenta sa online man

o hindi. 9. Supermarket na walang return policy. 10. Pagkakaroon hidden charges sa bawat transaksyon.

Page 18: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

12

KITA-KTS (Karapatan, Tungkulin, Sitwasyon)

Panuto: Pumili ng tigalawang karapatan at tungkulin ng mamimili at magbigay ng sitwasyon na nagpapakilala sa bawat isa.

Karapatan 1 :____________________________________________________________ Sitwasyon 1: _____________________________________________________________ Tungkulin 1: _____________________________________________________________ Sitwasyon 1: _____________________________________________________________ Karapatan 2: _____________________________________________________________ Sitwasyon 2: _____________________________________________________________ Tungkulin 2: _____________________________________________________________ Sitwasyon 2: _____________________________________________________________

AKSYUNAN MO!

Panuto: Suriin at ibigay ang iyong susunod na gagawin sa mga sitwasyon sa bawat bilang. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Sa ilalim ng MGCQ o Modified General Community Quarantine ay maaari ng pumasada ang kalahati sa mga pampublikong sasakyan na nagtatakda sa limitadong bilang ng isasakay katulad ng dyip at traysikel alinsunod sa alituntunin na itinakda ng IATF. Bilang isang regular na mananakay, ano ang iyong gagawin kung napansin mong marami sa mga pampublikong transportasyon ay hindi sumusunod sa alituntuning ito? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ayon sa Department of Trade and Industries, ‘pm is not the key’ ito ay nagtatakda sa mga online sellers na maglagay ng price tags sa kanilang mga paninda. Ano ang iyong gagawin kung ang iyong kaibigan na online seller ay hindi pa rin sumusunod dito? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 19: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

13

3. Ikaw ay nakapasok bilang trabahador sa isang pagawaan ng kendi. Napansin mo na ang pabrika na iyong pinapasukan ay hindi sumusunod sa health sanitation na itinakda ng inyong munisipyo. Ano ang iyong gagawin? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Marami sa mga produktong tinitinda sa isang botika ay nagbebenta ng mga produktong nakasulat sa ibang lenggwahe na hindi naiintindihan. Alam mong ito ay ipinagbabawal ng batas, ano ang iyong susunod na hakbang ukol dito? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Isaisip

KARAPATAN + TUNGKULIN = MATALINONG MAMIMILI

Panuto: Ipaliwanag ang kaugnayan ng pag-alam sa karapatan at tungkulin ng isang mamimili sa pagiging isang matalinong mamimili.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 20: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

14

THREE-WORD-TAGLINE

Panuto: Gumawa ng three-word-tagline na nagpapakilala sa paksang ating tinalakay. Ang nasa ibaba ay magsisilbi mong halimbawa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Karapatan.Tungkulin.Mamimili.

___________________________________

Isagawa

LETTER OF COMPLAINT

Panuto: Gumawa ng isang sulat-hinainghinggil sa hindi pagkakaroon ng return policy ng isang kilalang department store. Gamitin ang porma na nasa ibaba para sa iyong sulat.Itala ang dahilan ng iyong pagsulat na ipinapaliwanag ang problema sa produkto dahil sa mababang kalidad nito at mataas na presyo. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_________________ (Petsa)

____________________ (Ahensya ng pamahalaan) ____________________

(idudulog na suliranin sa nabiling produkto)

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ ______________________, ______________________

(Lagda)

Page 21: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

15

Tayahin

MATCHY-MATCHY! Panuto: Ang mga karapatan at pananagutan ng isang mamimili ay nasa HANAY B, itapat ito sa mga sitwasyon na nasa HANAY A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel. Titik Hanay A Hanay B

1. Pagtingin kung may sanitary permit ang isang establishment

a. Karapatan sa patalastasan

2. Pagbili sa mga lokal na produkto b. Karapatan sa edukasyon

3. Tamang pagtatapon ng basura. c. Mapanuring kamalayan

4. Hindi nagtataglay ng mapanlinlang na patalastas

d. Pagmamalasakit panlipunan

5. Paglalagay ng expiration datesa mga produkto.

e. Karapatang pumili

6. Sinusuring mabuti ang mga produktong binibili.

f. Karapatan sa kaligtasan

7. Walang sinoman ang maaaring mamilit sa iyo na bumili

g. Pagkilos

8. Pagkakaroon ng consumer education

h. Kamalayan sa kapaligiran

9. Hindi pagsasawalang-kibo kung may pandarayang naranasan.

i. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran

10. Pagtataguyod sa mga samahang mangangalaga sa karapatan ng mamimili.

j. Pagkakaisa

k. Karapatang pangkabuhayan

Page 22: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

16

Karagdagang Gawain

ALI-10-TUNIN

Panuto: Sumulat ng sampung hakbang na magsisilbing gabay mo upang maitaguyod ang iyong karapatan at tungkulin bilang isang mamimili. Ang nasa unang bilang ay inihanda na para sa iyo upang magsilbi mong gabay. Itala sa iyong sagutang papel ang iyong sagot.

1. Sa aking pagbili, iiwasan ko ang pagbili ng mga produktong gawa sa plastik o kahit anong nakakasama sa kalikasan.

2. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. ______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

4. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. ______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

6. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

7. ______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

8. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

9. ______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

10. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 23: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

17

Susi sa Pagwawasto

Tayahin:

1.I 2.D 3.H 4.A 5.F 6.C 7.E 8.B 9.G 10.J

KARAGDAGANG GAWAIN:

Answer may vary

Pagyamanin:

Wais na Mamimili

Praktikal Marunong mangwenta Alam ang mga karapatan Alam ang mga pananagutan Bumibili ng produktong Pinoy

Karapatan o Tungkulin?

1.Karapatan 2.Karapatan 3.Tungkulin 4.Karapatan 5.Karapatan 6.Tungkulin 7.Tungkulin 8.Tungkulin 9.Karapatan

10.Tungkulin

Subukin:

1.C 2.D 3.D 4.C 5.D 6.C 7.D 8.D 9.B

10.D 11.C 12.B 13.B 14.A 15.B

Balikan

1.Tama 2.Tama 3.Tama 4.Mali 5.Tama 6.Tama 7.Mali 8.Mali 9.Mali 10.Tama 11.Tama 12.Mali 13.Mali 14.Tama 15.Tama

Tuklasin

Answer may vary

Sagutin mo!

ANSWER MAY VARY

Check ka dyan!

1.√ 2.√ 3.X 4.X 5.X 6.√ 7.√ 8.√ 9.X 10.X

KITA-KTS

Answer may vary

Aksyunan mo!

Answer may vary

ISAISIP

Answer may vary

ISAGAWA

Answer may vary

Page 24: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

18

Sanggunian

A. Aklat Imperial, C., Antonio, E., Dallo, E., Samson, M. and Soriano, C. (2017).Turning Points

Economics.Pilipinas: Rex Bookstore, pp. 56-68 Imperial, C., Antonio, E., Dallo, E., Samson, M. and Soriano, C. (2005). Kayamanan

IV.Pilipinas: Rex Bookstore, pp.136-142 Kagawaran ng Edukasyon. (2015).Ekonomiks.Pilipinas: Vibal Group Inc., pp. 63-71 Tolentino, R. (1998).Bagong Kalakaran sa Ekonomiks.Pilipinas:Saint Bernadette

Publications Inc., pp. 22-27

B. Website https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Fp

aulagomez92317%2Fhow-to-write-a-letter-of-complaint&psig=AOvVaw1-mHJgPMaTOAvIHpfEewut&ust=1592648408666000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOi3_-jTjeoCFQAAAAAdAAAAABAW

Page 25: Araling Panlipunan · Unang Markahan – Modyul 5: Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Unang Edisyon, 2020 . Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III-Learning Resources Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center

Maimpis, city of San Fernando (P)