20
Chuck Hayes ANG PANANAMPALATAYA NA WALANG GAWA AY PATAY Bahagi ng mga Aklat tungkol sa Pananampalataya

AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

  • Upload
    buiminh

  • View
    218

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

“Isa kang hangal! Nais mo

pa bang patunayan ko sa iyo

na walang kabuluhan ang

pananampalatayang walang

kasamang gawa?”

—Santiago 2:20

Chuck Hayes

ii

ANG PANANAMPALATAYANA WALANG GAWA

AY PATAY

Bahagi ng mga Aklat tungkol sa Pananampalataya

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Chuck Hayes sa:

[email protected]

Page 2: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay
Page 3: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Chuck Hayes

Serye ng mga aklat tungkol sa pananampalataya

ANG PANANAMPALATAYANA WALANG GAWA

AY PATAY

Page 4: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Ang iba pang mga aklat tungkol sa pananampalataya: Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig

Ang Pananampalatayang Nagtatagumpay

Ang Pananampalataya na Walang Gawa ay PatayKarapatang Magpalathala © 2016 ni Chuck Hayes

Nakareserba ang lahat ng karapatan. Alinmang bahagi ng aklat na ito ay hindi maaaring kopyahin, iimbak sa lalagyan o kaya ay ipamahagi sa anu-mang porma at kaparaanan, kung walang paunang pahintulot na ipinadala sa may-akda.

Inilimbag sa United States of America.

Ang mga talatang ginamit sa aklat na ito ay mula sa Magandang Balita Biblia © 2012 ng Philippine Bible Society, 890 United Nations Avenue, 1000 Manila, Philippines. Ginamit ng may pahintulot.

Ang pabalat at disenyo ay ginawa ng www.ChristianEditingServices.com

Ang kumpletong mga aklat tungkol sa pananampalataya ay matatagpuan din sa pamamagitan ng Kindle format sa: www.amazon.com.

Isinalin sa Tagalog ni Bro. Edgar V. Villaflores ng In Christ Grace Community Church—Labo, Camarines Norte, Philippines.

Page 5: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Ang Ebanghelyo (Mabuting Balita)Ang Diyos Ama ay ipinakita ang napaka-saganang kayamanan ng Kanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama-magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang hanggan ay nagkatawang-tao. Ang Kanyang misyon ay malinaw: inialay Niya ang Kanyang buhay doon sa krus ng Kalbaryo para payapain at alisin ang galit ng Diyos Ama, at bayaran ang mga kasalanan ng Kanyang bayan. Pagkalipas ng tatlong araw, Siya ay muling bumangon mula sa mga patay. Ang pagkabuhay na muli ay totoong nangyari at bahagi na ito ng kasaysayan! Sinumang makarinig ng mensahe ng ebanghelyo, tinaya ang halaga nito, at tumugon sa pamamagitan ng pagsisi ng kasalanan at pagsampalataya kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ay mayroon ng buhay na walang hanggan. Ito ang mabuting balita ngayon!

Page 6: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Mga Minamahal na Mambabasa:

Dahil sa “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ay nai-pamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala-taya—ito ay grupo ng mga madaling basahing aklat na ang layunin ay ipaliwanag ang kalikasan at epekto ng tunay na pananamplataya. At ang magandang kasama ng aklat na “Ang Panananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ay talakayin ang relasyon ng tunay na pananampalataya na nagbubunga ng mabubuting gawa at ikumpara ito sa patay na pananampalataya na walang gawa.

Mula sa pagkabata hanggang sa edad na tatlumpo at tatlong taong gulang, ako ay nagtataglay ng patay na pananampalataya. Na ang ibig sabihin ay ang pananampalataya ko kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ay walang kabuluhan. Bakit? Sapagkat ang aking pananampalataya ay hindi nakikita sa aking mga gawa. Huwag kayong magkamali; ako ay naging kumbinsido na isang

‘Cristiano’. Ngunit maaaring sabihin sa akin ni Santiago na: “Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa? ” (Santiago 2:20). At ito ang dahilan ng pagsulat ko ng “Ang Pananampataya na Walang Gawa ay Patay”.

Natatakot ako na marami ang nagpahayag ng kanilang panana-mpalataya sa persona at gawain ni Jesu-Cristo; ngunit, katulad ng nabanggit ko sa itaas, ay walang ebidensya ng kaligtasan sa mga gawa. At maaari din naman, mahal na mambabasa, pagkatapos mong basahin ang mga susunod na pahina, ay madiskubre mo na ang iyong pananampalataya ay patay rin. Kung ganoon, maaar-ing magkaroon ng “kagalakan sa langit” (Lukas 15:7) sa iyong pagsisi at pananampalataya kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas—sa unang pagkakataon!

Chuck Hayes

Page 7: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

1

Hindi pa natatagalan matapos tumama ang Hurricane Katrina noong 2005, ako at ang isang kaibigan ko ay pumunta sa lung-sod na malapit sa New Orleans, Louisiana, USA, para sa isang maikling lakbay-misyon. Habang kami ay naroroon, ay nakita namin mismo ang mga naging pinsala ng bagyong iyon na

“Category 3”. Dahil nangangailangan ng pagkain, tubig, damit at kanlungan/bahay, ang mga biktima ay dumagsa sa mga kalapit na bayan, lungsod at maging sa ibang estado ng Amerika upang maghanap ng mapagkakanlungan. Marami ang nagpakita ng habag sa mga nakaligtas sa trahedya, ngunit ang ilan—kasama na ang mga iglesya doon, ay hindi naawa.

Hindi ko malilimutan ang aking pakikipag-usap sa isang pastor doon. Habang kami ay nakaupo sa kanyang opisina, ang sabi ko: “Napansin ko na ang ilang mga iglesya ay nakasara ang kanilang mga pintuan.”

ANG PANANAMPALATAYANA WALANG GAWA

AY PATAY

Page 8: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Ang PANANAMPALATAYA na Walang GAWA ay PATAY

2

Ang pastor ay tumingin sa akin at napabuntong-hininga, habang nagpapaliwanag ng ganito: “Ang mga iglesya ay tumang-ging buksan ang kanilang mga pintuan. Natatakot ako para sa kanila. Katulad ng sinabi ni Santiago, ‘Ang pananampalataya na walang kasamang gawa ay patay’” (Santiago 2:20).

Kung Sabihin ng IbaDahil sa kanyang malasakit sa mga kababayang Judio (Santiago 1:1), si Santiago na kinakapatid ni Jesus, naging pinuno ng iglesya sa Jerusalem, at sumulat ng liham na nagtataglay ng kanyang pan-galan, ay hinamon sila ng sabihin niya na: “Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili” (Santiago 1:22). Hindi sapat na marinig lamang nila ang salita; dapat nilang gawin (sundin) ang salita ng Diyos! Kung sila ay magiging mati-yaga sa pagsasagawa ng salita, sila ay pagpapalain (Santiago 1:25; Juan 13:17). Ngunit kung sila ay makikinig lamang, ay parang dinadaya nila ang kanilang sarili.

Maliwanag na marami ang tumutugma sa huling paglalar-awan, sapagkat nagtanong si Santiago: “Mga kapatid, ano ang pakinabang kung sabihin ng isang tao na siya’y may panana-mpalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa gawa? Maliligtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? (Santiago 2:14). Ang hindi pinangalanang tao ay “nagsasabi na siya ay may pananampalataya” kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas—partikular na ang katotohanan sa Kanyang pagka-Diyos, kapangyarihan, at pagtubos sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan, pagkalibing at muling pagkabuhay. Ngunit hindi sinabi ni Santiago na ang hindi pinangalanang tao ay may tunay na pananampalataya, kung hindi sinabi ng taong iyon na siya ay may pananampalataya. Malaki ang pagkakaiba nito (tingnan sa Mateo 7:21–23; 1 Juan 1:6,8,10)!

Page 9: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Chuck Hayes

3

Ano kaya ang dahilan para pagdudahan ni Santiago ang pananampalataya ng taong ito? Ano ang dahilan kung bakit natin pinagdududahan ang pananampalataya ng iba? Simple lang, wala silang ipinapakitang ebidensya ng pananampalataya sa pama-magitan ng mga gawa. Sila ay tagapakinig, ngunit hindi naman gumagawa. Kung kaya’t nagtanong ulit si Santiago: “Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya?” Sa madaling salita, ang pananampalataya ba ng taong ito na hindi nakikitaan ng mga gawa ay makapagliligtas sa kanya? Syempre, hindi!

Ang Paliwanag Tungkol sa Mga GawaUpang ipaalam ang tunay na posibilidad, hindi malinlang ang sarili at higit na maipaliwanag sa tamang konteksto ang “mga gawa”, ay sinabi ni Santiago: “Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. Kung sasabihin ninyo sa kanya, ‘Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka’t magpakabusog,’ ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, ano ang silbi niyon?” (Santiago 2:15–16).

Ang ibig sabihin nito: kung ang isang kapatid sa pananam-palataya ay nangangailangan ng damit at pagkain, at “sabihin ng isang tao na siya ay may pananampalataya” ngunit “hindi naman ibinigay niya sa kanila ang mga bagay na kinakailangan ng katawan” (Santiago 2:14, 16). Kung kaya ang “mga gawa” na nasa isipan ni Santiago na malinaw na hindi matatagpuan sa buhay ng taong iyon ay ang pagkaawa.1 Nakalulungkot, pero

1 Ang “mga gawa” na positibo at negatibo na binabanggit ni Santiago sa kanyang liham ay ang mga sumusunod: maayos na pag-uugali sa kabila ng mga pagsubok (Santiago 1:2–4;12–20; 5:7–12); tamang pananaw sa mga mayayaman at mahihirap (1:19–11; 2:1–13; 5:1–6); tamang paggamit ng ating dila (1:26; 3:1–12); pagkalinga at pagprotekta sa mga ulila at mga balo (1:27); karunungan (3:13–18); hindi pakikis-ama sa sanlibutan (1:27; 4:4); kababaan ng loob (4:7–10); hindi tamang paghusga (4:11–12); walang kabuluhang pagyayabang (4:13–17); maningas na panalangin (5:13–18); at ang pangangaral at pagtatanggol sa pananampalataya (5:19–20).

Page 10: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Ang PANANAMPALATAYA na Walang GAWA ay PATAY

4

ang pananampalataya ng taong iyon ay hindi nagbubunga ng mga gawa na sumasalamin sa buhay ni Jesus: “Nang makita Niya ang napakaraming tao, nahabag Siya sa kanila sapagkat sila’y litung-lito at hindi alam ang gagawin, parang mga tupang walang pastol . . . Pagdating ni Jesus sa dalampasigan, nakita Niya ang napakaraming taong iyon. Nahabag Siya sa kanila at pinagaling Niya ang mga maysakit na dala nila” (Mateo 9:36; 14:14).

Si Jesus ay patuloy na “nakaramdam ng kahabagan” doon sa espiritwal at pisikal na pangangailan ng iba. Samantalang ang taong binabanggit natin ay hindi. Ang kanyang kunyaring pakiki-simpatiya na: “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka’t magpakabusog” (Santiago 2:16) na walang kalakip na gawa ay hindi sapat! Sa dahilang ito, si Santiago ay nagbigay ng babala sa 2:17: “Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.”

Pwede rin Ba Nating Sabihin ang Ganoon?Sa talatang labingpito, kung saan ay binigyang diin ni Santiago na ang pananampalataya ay hindi dapat na nag-iisa, ipinaliwanag niya ang kanyang posisyon na ang pananampalataya ay dapat na gumawa: “Ngunit may nagsasabi, ‘May pananampalataya ka at may gawa naman ako.’ Ipakita mo sa akin kung paanong maaaring magkaroon ng pananampalataya nang walang mga gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa” (Santiago 2:18).

Sa taong nabanggit, para sa iyo at sa sinumang gustong paghi-walayin ang pananampalataya at mga gawa, ang konklusyon ni Santiago ay ganoon pa rin: “Ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa” (Santiago 2:18). Ang pananampalatayang sinasabi ni Santiago ay tuloy-tuloy (bagamat hindi perpekto) ay nagbunga ng mabubuting gawa, kasama na ang pagiging maawain. Pwede rin ba nating sabihin

Page 11: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Chuck Hayes

5

iyon? Bago natin sagutin, pag-isipan ninyo ang mga sumusunod na istatistiko:

• Ayon sa Joshua Project (www.joshuaproject.net), may 6,000 na grupo ng mga tao ang hindi pa naabot ng ebanghelyo.

• Ayon sa Wycliffe Bible Translators (www.wycliffe .org), may 180 milyong tao ang wala pang kumple-tong kopya ng Biblia sa kanilang wika.

• Ayon sa Compassion International (www.compas-sion.com), ang mahihirap sa buong mundo ay uma-abot na sa 700 milyong tao.

• Ayon USA Today (www.usatoday.com), may 245 milyong mga balo at ang 115 milyon sa mga ito ay namumuhay sa kahirapan.

• Ayon sa World Orphans (www.worldorphans.org), may 153 milyong mga ulila sa buong mundo at karamihan sa kanila ay naulila dahil sa kahirapan ng buhay.

Matapos nating makita ang mga nakamamanghang katotohan-ang ito, tayo ba ay “nakakaramdam ng kahabagan” (Mateo 9:36) kung ang mga tao (Cristiano man sila o hindi) dito sa atin sa U.S.A. o sa ibang bansa ay walang alam sa ebanghelyo, walang Biblia o babasahing Kristiano, at “ang mga bagay na kailangan ng katawan” (Santiago 2:16)? Kung ganoon, sinabi ni Jesus:

“. . . Halikayo mga pinagpala ng Aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang kahariang inihanda sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig” (Mateo 25:34). Kung hindi, ang ating pananampal-ataya ay katulad lang ng sa mga demonyo o masasamang espiritu!

Page 12: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Ang PANANAMPALATAYA na Walang GAWA ay PATAY

6

Ang Pananampalataya na Walang Gawa ay PatayMatapos niyang sansalain ang ideya ng paghihiwalay ng pananampalataya at mga gawa, sinabi ni Santiago ang ganito:

“Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, di ba? Mabuti naman! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa!” (Santiago 2:19).

Bagamat hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Santiago, sinabi niyang “ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin”. Kung inyong babasahin ng marahan ang ebanghelyo ni Marcos, ay inyong mapapansin na ang mga demonyo ay nagpahayag ng pananampalataya kay Jesus (Marcos 1:23–24; 5:7). Ngunit ang kanilang pananampalataya, katulad ng taong binabanggit ni Santiago, ay patay: “Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa?” (Santiago 2:20).

Tahasang nagbigay ng babala si Santiago na hindi sapat ang tamang katuruan, ngunit kung ito ay walang kalakip na mga gawa ay maituturing na kamangmangan, walang kabuluhan at katulad lamang ng paniniwala ng mga demonyo. Kung kaya’t hindi ito katulad ng pagpapala ng mga taong nagpahayag ng kanilang pag-ibig at kaawaan sa iba. Ito ang sinabi ni Jesus doon sa mga taong walang ipinakitang mabubuting gawa: “...Lumayo kayo sa harapan Ko, kayong mga isinumpa! Doon kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diablo at sa kanyang mga kampon” (Mateo 25:41). Hindi ba nakakatakot ang tagpong iyon?

Ang Pananampalataya ay Dapat na May Kalakip na GawaInasahan ba ni Santiago ang pagsalungat sa kanyang argumento na ang pananampalataya sa iisang Diyos ay katulad lamang ng pananampalataya ng mga demonyo? O maaaring gusto lamang

Page 13: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Chuck Hayes

7

niyang palakasin ang kanyang punto na ang pananampalataya ay dapat na gumawa. Anuman iyon, katulad ng sumunod niyang argumento, siya ay nagbigay ng dalawang halimbawa mula sa Lumang Tipan—si Abraham at si Rahab. Ito ang sinabi niya tungkol kay Abraham, “Hindi ba’t ang ating amang si Abraham ay itinuturing ng Diyos na matuwid dahil sa kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dambana ang anak niyang si Isaac? Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. Natupad ang sinasabi ng kasulatan, ‘Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya’y itinuring ng Diyos bilang matuwid’, at tinawag siyang ‘kaibigan ng Diyos’” (Santiago 2:21–23).

Ang payak na pananampalataya ni Abraham sa Diyos (Gen. 15:6) ay ang naging resulta ay mga gawa—katulad ng pag-aalay ng kaniyang anak na si Isaac sa dambana (Gen. 22:1–19). At ang pananampalataya niyang ito ay “gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa” at siya ay tinawag na “kaibigan ng Diyos” (Santiago 2:22–23), na kakaiba doon sa mga kaaway ng Diyos (Santiago 4:4).

Upang madagdagan pa ang kanyang punto, ipinaalala ni Santiago sa kanyang mga mambabasa si Rahab, na hindi katulad ng “ama ng maraming bansa” (Gen. 17:5), ay isang patutot o masamang babae. Sinabi niya, “Gayundin si Rahab, ang babaing nagbebenta ng aliw; pinatuloy niya ang mga espiya ng Israel at itinuro pa sa kanila ang ibang daan upang sila’y makatakas” (Santiago 2:25).

Ang tanyag na patotoo ni Abraham ay sapat na sana sa argumento ni Santiago. Ngunit si Rahab, sa kabila ng kanyang masamang gawain, ay “inaring ganap din sa pamamagitan ng mga gawa” nang kanyang alagaan at protektahan ang mga sugo o espiyang mga Judio. Na ang naging resulta, ay nagpalakas pa

Page 14: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Ang PANANAMPALATAYA na Walang GAWA ay PATAY

8

sa argumento ni Santiago na ang pananampalataya ay dapat na gumawa. Ganoon din ba ito para sa iyo?

Ang Pananampalataya ay Hindi naman Nag-iisaKahit na ganito, maaaring ang iba ay nagtatanong pa rin kung ang pag-aaring ganap o pagpapawalang-salang sinabi ni Santiago ay sumasalungat sa pagpapawalang-sala na sinabi naman ni Pablo, na tanging sa pananampalataya lamang may kaligtasan (Roma 3:21–5:21; Efeso 2:8–10). Upang mabigyan ng solusyon ang kali-tuhan tungkol dito, aking inilagay at pinagtapat ang salita ni Pablo at ni Santiago:

“Ngunit ang hindi nananalig sa sariling mga gawa kundi sumasampalataya sa Diyos na nagpapawalang-sala sa makasalanan ay itinuturing na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananampalataya” (Roma 4:5).

“Diyan ninyo makikita na itinuturing na matuwid ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang” (Santiago 2:24).

Ipinaliwanag ni Apostol Pablo ang legal na pag-aaring ganap sa ganitong paraan: ang katuwiran ni Cristo ay ibinibilang sa mga makasalanan sa pamamagitan ng biyaya lamang na ang instrumento ay pananampalataya lamang at hindi kinakailangan ang mga gawa. Kung si Abraham ay “itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa mga nagawa niya” (Roma 4:2), pwede syang mag-mapuri. Ngunit ang Diyos ay idineklarang matuwid si Abraham sa pamamagitan ng pananampalataya lamang bago ang ritwal

Page 15: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Chuck Hayes

9

ng pagtutuli at bago niya inialay si Isaac, kaya walang dapat na ipagyabang.

Samantala, ang argumento naman ni Santiago ay ang pananampalataya ay hindi naman nag-iisa—kung kaya inialay ni Abraham si Isaac. Nang gawin ito ni Abraham, siya ay “inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, at hindi ng pananampal-ataya lamang.” Na ang ibig sabihin, si Abraham ay gumawa ng mabuti (katulad ni Rahab) iyon ang resulta, hindi ang dahilan, ng pagdeklara at pag-aaring ganap sa kanya ng Diyos. Kung kaya, sa halip na magkasalungat, si Santiago at si Pablo ay nagtulungan pa sa bagay na ito.

KonklusyonNakatanggap ako ng e-mail mula sa isang kapatid sa Myanmar na humihiling ng ilang mga bagay para sa mga ulila na kanilang inaalagaan sa kanilang ministeryo. Maaaring napakadali sa akin na sabihin, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka’t mag-pakabusog” ngunit wala namang gawin (Santiago 2:16). Hindi ba ito mismo ang punto ni Santiago? Kung sasabihin ko na may pananampalataya ako, “gayon ma’y hindi ibinibigay sa kanila ang mga bagay na kinakailangan ng katawan” (Santiago 2:16), pwede ba akong iligtas ng pananampalatayang iyon? Sigurado akong hindi!

Patuloy akong nagsisikap na ipaalam at paulit-ulit na sinasabi na ang pananampalataya ay hindi naman nag-iisa; ang pananam-palataya na walang gawa ay patay o walang kabuluhan. Kung ang isang tao ay nagpapahayag ng pananampalataya kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, ngunit hindi naman “naha-habag” (Mateo 9:36) sa ibang mga tao, maaaring ang kanyang pananampalataya ay patay, walang kabuluhan at katulad lamang ng paniniwala ng mga demonyo—kahit na gaano pa kaganda ang kanyang katuruan. Katulad ng pagtatapos ni Santiago: “Patay

Page 16: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Ang PANANAMPALATAYA na Walang GAWA ay PATAY

10

ang katawang walang espiritu; gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kasamang gawa” (Santiago 2:26).

Gusto mo bang maging katulad ni Abraham, Rahab, at ng iba pang nagpakita ng tunay na pananampalataya sa pamamagitan ng mga gawa? O katulad ka naman ng isang tao na nagpahayag ng awa ngunit wala namang ginawa? Ang simbahan o iglesya ba ninyo ay tumutugon sa espiritwal at pisikal na pangangailangan ng iba dito sa U.S.A. at sa ibang bansa? O katulad din ito ng mga iglesya na nagsara ng kanilang mga pintuan noong humagupit ang Hurricane Katrina? Ang inyo bang iglesya ay tagapakinig o tagapagsagawa? Kung tagapakinig, “Ano ang silbi niyon?” (Santiago 2:16) Kung kayo naman ay nagsasagawa, purihin ang Diyos—kayo ay lubos na pinagpala!

Page 17: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Chuck Hayes

11

Ang Aking PaniniwalaMay ilang mga bagay na maaari nating pagkasunduan o hindi sang-ayunan, ngunit ang mga mahahalagang katotohanan sa pananampalatayang Cristiano, na madalas matagpuan sa mga kredo at kapahayagan ng pananampalataya, ay dapat nating inga-tan at panatilihin sa lahat ng oras. Kung kaya, hindi ako nahihiya na ipahayag ang aking paniniwala sa makasaysayang “Abstract of Principles” (SBC Heritage, http://founders.org/study-center /abstract) kasama na ang mga sumusunod na mahalagang kato-tohanan tungkol sa Diyos.

Ang Limang Solas ng Mga Protestante noong panahon ng Repormasyon

Sola Scriptura (Tanging ang Biblia Lamang)—Sa panahon na katulad noong ika-16 na siglo nang panahon ng Repormasyon, kung saan ang mga tradisyon, karanasan at mga kapahayagang hindi ayon sa Biblia ay hindi binibigyan ng importansya ang mga Kasulatan bilang nag-iisang awtoridad ng pananampalataya at pamumuhay, ay makabubuting balikan natin ang naging sigaw ng mga Repormador noon (2 Tim. 3:16–17).

Solus Christus (Tanging si Cristo Lamang)—Ang posisyon o paninindigan na ito ay ipinapahayag na ang kaligtasan ay matatagpuan lamang sa persona at gawain ni Cristo (Juan 14:6; Mga Gawa 4:12; Col. 1:13–18; 1 Tim. 2:5–6).

Sola Gratia (Tanging sa Biyaya Lamang)—Tanging sa biyaya lamang ng Diyos na ipinaabot sa mga makasalanan upang hanguin sila sa kasalanan, paghatol, at impiyerno, ay hindi pwe-deng makamtan o pagtrabahunan, sa halip ay dapat na tanggapin bilang isang kaloob o regalo na nagmula sa Diyos (Roma 11:6; Efeso 1:3–8; 2:4–10).

Sola Fide (Tanging sa Pananampalataya Lamang)—Tanging sa pananampalataya lamang sa persona at gawain ni Cristo—hindi ang pagtutuli, pagpapa-bawtismo, pagiging

Page 18: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Ang PANANAMPALATAYA na Walang GAWA ay PATAY

12

miyembro ng isang iglesia, o mga mabubuting gawa—ang magig-ing instrumento kung saan ang makasalanan ay pawawalang-sala at bibigyan ng katuwiran na galing sa Diyos (Roma 3:21–5:1; Efeso 2:1–10; Santiago 2:14–26).

Soli Deo Gloria (Tanging ang Kaluwalhatian Lamang ng Diyos)—Ang bawat bahagi ng ating buhay ay para lamang sa natatanging kaluwalhatian at kapurihan ng Diyos (Roma 11:36; 1 Cor. 10:31).

Ang Limang Punto ng Calvinismo (T.U.L.I.P.)1. Total Depravity (Ang Pagkasira at Kawalang Kakayahan

ng Tao)—Dahil sa pagkahulog at pagkakasala, ang kabuuang kalikasan ng tao (kasama na ang kanyang isipan) ay alipin ng kasalanan. Kung kaya, ang isang makasalanan ay ayaw at walang kakayahang lumapit kay Cristo maliban sa nagpapabagong-gawain ng Banal na Espiritu (Gen. 6:5; Mga Awit 51:5; Jer. 17:9; 1 Cor. 2:14; Roma 3:10–18; 5:12; 9:16; Juan 1:12–13; 6:44; Efeso 2:1–3).

2. Unconditional Election (Ang Walang Kondisyong Pagpili ng Diyos)—Ang pagpili ng Diyos Ama sa marami (ngunit hindi lahat) para sa kaligtasan bago pa likhain ang sanlibu-tan ay hindi kailan man nakadepende sa magiging panana-mpalataya o mabubuting gawa ng tao (Juan 6:37, 44, 65; Mga Gawa 13:48; Roma 9:6–23; Efeso 1:4–14; 2:4–10).

3. Limited Atonement (Ang Limitadong Pagtubos)—Ang mga pinili ng Diyos Ama ay ibinigay sa Diyos Anak. Kung kaya’t sa krus ay binayaran ni Jesu-Cristo ang mga kasala-nan lamang ng mga pinili. Ang ideya na si Cristo ay nama-tay para sa buong sanlibutan ay walang solidong basehan sa Banal na Kasulatan (Matt. 1:21; Juan 10:11–30; 17:6–12; Roma 3:21–26; 8:28–30).

4. Irresistible Grace (Ang Hindi Matatanggihang Biyaya)—Ang panlabas na pagtawag sa pamamagitan ng ebanghelyo

Page 19: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

Chuck Hayes

13

ay pwedeng tanggihan, ngunit ang mga pinili ng Diyos ay tiyak na makatatanggap ng panloob na pagtawag patungo sa kaligtasan na hindi pwede at kailan man ay hindi mababalewala. Sa madaling salita, ang tatlong persona ng Diyos ay gumagawa upang dalhin ang mga pinili (at tang-ing ang mga pinili lamang) patungo sa pagsisisi at panana-mpalataya kay Cristo (Mateo 22:14; John 3:1–8; 6:44; 12:32; Roma 8:28–30; Efeso 2:4–10).

5. Perseverance of the Saints (Ang Pagpapatuloy ng Mga Banal)—Bagamat sila ay nagkakasala at magkaminsan ay nahuhulog, ang mga pinili ay iniingatan ng biyaya at kapangyarihan ng Diyos, at tiyak na magpapatuloy hang-gang sa huli (Juan 3:16; 6:35–40, 44; Efeso 1:13–14; Roma 8:28–39; 1 Pedro 1:3–9; Judas 24–25).

Maging bahagi ng misyon

Page 20: AY PATAY - thattheymayhear.com filepamahagi na sa ibat-ibang panig ng mundo, sa tingin ko ay panahon na para sa isa pang aklat sa serye na ito tungkol sa pananampala- taya—ito ay

“Isa kang hangal! Nais mo

pa bang patunayan ko sa iyo

na walang kabuluhan ang

pananampalatayang walang

kasamang gawa?”

—Santiago 2:20

Chuck Hayes

ii

ANG PANANAMPALATAYANA WALANG GAWA

AY PATAY

Bahagi ng mga Aklat tungkol sa Pananampalataya

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Chuck Hayes sa:

[email protected]