2
Babae o Lalake; Sino nga ba ang nararapat na maging sunod na Pangulo? Sa Mayo 10, 2016 gaganapin ang isa sa pinakamahalagang kaganapan ukol sa halalan sa ating bansa. “Sino nga ba ang dapat iboto?” Ngayong nalalapit na naman ang eleksyon, ito pa rin ang tanong ng marami sa atin. Madalas nating marinig sa telebisyon, radio o dyaryo ang paulit-uilit na paalala na tayo ay bumoto ng tama at pumili ng karapat-dapat. Ngunit sino nga ba ang tama? Sino nga ba ang dapat iluklok ng taong-bayan sa puwesto? Sino nga ba ang karapat-dapat mamuno sa atin at sa ating sintang bayan? Sa dami ng kandidatong tumatakbo ngayon, hindi uubra ang palabunutan o iasa na lang sa tiyamba ang lahat. Ating paguusapan kung ano nga ba ang mas angkop na kasarian na mamumuno sa ating bansa. Ito ba ay ang kababaihan o kalalakihan? Hindi kaila sa atin ang isyung pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan sa iba’t-ibang aspeto. Nariyan nga’t ipinagban ng mga kababaihan ang kanilang karapatan mula sa diskrimininasyon sa nakalipas na 200 taon. Nariyan din ang mga kalalakihan na maging sa nakalipas na daang taon ay siyang nagdomina sa linya ng mga nagging pinuno hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Ngunit nararapat bang maging basehan ang kasarian sa kakayahan sa pamamuno ng isang tao? Ating tuklasin ang pahayag at dadamin ng bawat isa ukol sa mainit na paksang itong. Ang nais ko’y manawagan sa lipunang Pilipino naa mag-ingat sa halalang 2016 – nawa’y lahat tayo; Huwag sana tayong magpadadala sa salapi at regalo at anumang edad, kasarian at estado buhay ay nararapat makisangkot sa marangal at talisik na pagboto. Itatak natin sa ating mga isipan na sa ating mga boto nakasalalay ang kinabukasan ng ating mga pamilya at ng ating minamahal na Pilipinas. Ang kailangan natin ay isang mapanuring mata at tapat

Babae o Lalake

Embed Size (px)

DESCRIPTION

DADAD

Citation preview

Page 1: Babae o Lalake

Babae o Lalake; Sino nga ba ang nararapat na maging sunod na Pangulo?

Sa Mayo 10, 2016 gaganapin ang isa sa pinakamahalagang kaganapan ukol sa halalan sa ating bansa. “Sino nga ba ang dapat iboto?” Ngayong nalalapit na naman ang eleksyon, ito pa rin ang tanong ng marami sa atin. Madalas nating marinig sa telebisyon, radio o dyaryo ang paulit-uilit na paalala na tayo ay bumoto ng tama at pumili ng karapat-dapat. Ngunit sino nga ba ang tama? Sino nga ba ang dapat iluklok ng taong-bayan sa puwesto? Sino nga ba ang karapat-dapat mamuno sa atin at sa ating sintang bayan? Sa dami ng kandidatong tumatakbo ngayon, hindi uubra ang palabunutan o iasa na lang sa tiyamba ang lahat.

Ating paguusapan kung ano nga ba ang mas angkop na kasarian na mamumuno sa ating bansa. Ito ba ay ang kababaihan o kalalakihan? Hindi kaila sa atin ang isyung pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan sa iba’t-ibang aspeto. Nariyan nga’t ipinagban ng mga kababaihan ang kanilang karapatan mula sa diskrimininasyon sa nakalipas na 200 taon. Nariyan din ang mga kalalakihan na maging sa nakalipas na daang taon ay siyang nagdomina sa linya ng mga nagging pinuno hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo.

Ngunit nararapat bang maging basehan ang kasarian sa kakayahan sa pamamuno ng isang tao? Ating tuklasin ang pahayag at dadamin ng bawat isa ukol sa mainit na paksang itong.

Ang nais ko’y manawagan sa lipunang Pilipino naa mag-ingat sa halalang 2016 – nawa’y lahat tayo; Huwag sana tayong magpadadala sa salapi at regalo at anumang edad, kasarian at estado buhay ay nararapat makisangkot sa marangal at talisik na pagboto. Itatak natin sa ating mga isipan na sa ating mga boto nakasalalay ang kinabukasan ng ating mga pamilya at ng ating minamahal na Pilipinas. Ang kailangan natin ay isang mapanuring mata at tapat na konsiyensya upang responsableng piliin ang wastong pangalan na isusulat sa balota.