52
Epektong Dulot ng Wattpad 1 Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral na Nasa Unang Taon ng Kolehiyo sa Kursong Pagtutuos Jasmine Joyce S. Bacurin Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Ma. Victoria R. Apigo Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Manila Marso, 2014

BACURIN Jasmine Joyce S

  • Upload
    anchel

  • View
    77

  • Download
    14

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 1

Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral

na Nasa Unang Taon ng Kolehiyo

sa Kursong Pagtutuos

Jasmine Joyce S. Bacurin

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Ma. Victoria R. Apigo

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Sta. Mesa, Manila

Marso, 2014

Page 2: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 1

KABANATA I

Panimula

Tila ang layo-layo na nga ng henerasyon noon sa henerasyon ngayon. Maraming

bagay na ang nagbago sa pamumuhay ng bawat tao dahilan para masabi kong tunay na

nasa modernong panahon na tayo. Isang magandang halimbawa ang aspeto ng pagbabasa.

Kung dati-rati, lahat ng mga kabataan aklat ang ginagamit sa tuwing nagbabasa ng mga

babasahin, ngayon dulot na rin ng teknolohiya ang mga imposible noon ay naging posible

sa kasalukuyang panahon – nakapagbabasa na tayo ng maraming kwentong mula sa

magkakaibang genre gamit ang ating mga computer, laptop at maging sa ating mga

cellphone.

At isa sa pinakapopular na produkto ng teknolohiyang tinatangkilik ng maraming

kabataan sa kasalukuyang panahon ay ang Wattpad. Ang Wattpad ay isang uri ng social

networking site at isa ring online community na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at

Ivan Yuen ngunit naging tanyag lamang sa lahat noong 2011. Ang aksesibilidad nito para

sa mga manunulat at mambabasa ang isa sa mga naging daan upang tuluyan itong

makilala at yakapin ng publiko partikular na ang mga kabataang Pilipino. Kaya naman

habang tumatagal lalong dumarami ang mga taong nakakikilala at sumusuporta dito.

A. Layunin ng Pag-aaral

Pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito na mapag-alaman at mailahad ang

iba’t ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng

mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng

Page 3: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 2

Wattpad kaalinsunod ng mabuti’t masamang epekto nito sa kanila maging ang pananaw

ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad.

B. Suliranin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong bigyang kasagutan ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang iba’t ibang patunay ng pagiging isang Wattpader?

2. Bakit kinahuhumalingan ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa

kursong pagtutuos ang pagbabasa ng Wattpad?

3. Ano ang mga positibong epektong natatamo ng mga mag-aaral na nasa unang

taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng Wattpad?

4. Ano ang mga negatibong epektong natatamo ng mga mag-aaral na nasa unang

taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng Wattpad?

5. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong

pagtutuos ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad?

C. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pag-alam at paglahad ng mga patunay ng

pagiging isang wattpadder maging ang dahilan ng pagkahumaling ng mga respondente sa

pagbabasa ng Wattpad. Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang Slovin’s

formula upang tukuyin ang bilang ng respondenteng tutugon sa talatanungan.

Page 4: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 3

Pormula: n = N / (1 + Ne²) Aplikasyon:

n = Kabuuang Bilang ng Sampol n = N / (1 + Ne²)

N = Kabuuang Populasyon = 1440 / (1 + 1440 * .10²)

e = Inaasahang Kamalian = 1440/ 15.4

= 93.506 o 94

Ang mga respondenteng ito na may kabuuang bilang na 94 ay ang mga mag-aaral na

mula sa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos at maituturing na wattpader sa iba’t

ibang kadahilanan. Pinili ng mananaliksik ang mga respondente ayon sa trend o

magkakaibang sampol ng iisang populasyon sa magkakaibang panahon. Isinaalang-alang

din sa pag-aaral na ito ang kahigpitan ng kurikulum sa kursong pagtutuos dahilan upang

alamin at ilahad din ng mananaliksik ang mabuti’t masamang epekto ng pagbabasa ng

Wattpad sa kanila maging ang kanilang pananaw ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa mula Disyembre, 2013 hanggang Marso, 2014

sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila.

D. Teoretikal na Balangkas

Ang teorya ay isang lupon ng mga salita at kaisipan na gustong magbigay ng

liwanag sa isang bagay na walang sapat na paliwanag. Produkto ito ng mga kuro-kuro

o haka-haka ng mga taong nagsagawa ng mga pag-aaral upang may mapatunayan. Sa

pananaliksik na ito, isinaalang-alang ang mga teoryang pinaniniwalaan ng

Page 5: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 4

mananaliksik na may kaugnayan sa pag-aaral at makatutulong sa pagkamit ng mas

malalim na pag-unawa sa pag-aaral.

1Ayon kay Emile Durkheim sa kanyang Evolutionary Theory ang isang lipunan

ay unti-unting nagbabago mula sa pinakasimple hanggang sa pinakakomplikadong

bagay, mula sa iisang porma hanggang sa magkakaiba, mula sa pagiging primitibo

hanggang sa mapalitan na ng modernisasyon, mula rural na pamumuhay hanggang

urban. Angkop ang teoryang ito sa ebolusyon ng mga babasahing aklatin hanggang sa

sa pag-usbong ng Wattpad.2 Kaalinsunod nito, ang Lazarus Theory ni Richard

Lazarus na tumutukoy sa stress na bunga ng paglampas ng demand sa kapasidad o

kakayahan ng isang taong maisagawa ang isang bagay. Isang halimbawa ang

pagkakaroon ng mataas na pamantayan ng isang paaralan na kung minsan hindi na

umaangkop sa abilidad at kapasidad ng mag-aaral. Ang teoryang ito ang sumasalamin

sa pagpili ng mananaliksik sa mga naging respondente, kung saan ang naturang

kurikulum ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos ay

maituturing na may kahigpitan at kahirapan dahilan upang umusbong ang presyur sa

mga mag-aaral na siyang nakapagbigay ideya sa akin upang alamin ang epekto ng

pagbabasa ng Wattpad sa katulad nilang nakararanas ng kahigpitang pang-akademiko.

3Ayon naman sa Labeling Theory ni Howard Becker ang gawi ng bawat tao ay

binibigyan ng label o antas batay sa sariling opinyon o pananaw ng komunidad. Dito

1 San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House

2 Sincero, S.M. (2011). http://explorable.com/stress-and-cognitive-appraisal

3 San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House

Page 6: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 5

papasok ang iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga mag-aaral sa kanilang mga sarili

bilang mga wattpadder. 4Sumunod ang Rational Decision Making Theory ni Neil

Smelser na nagsasabing ang desisyon ng mga tao ay nakabatay sa sariling gawi at

kaugalian nila maging sa kondisyon o lagay ng isang sitwasyon. Sa teoryang ito

papasok ang dahilan ng mga respondente sa pagkahumaling sa pagbabasa ng

Wattpad. 5Ang Psychological Exchange Theory ni George Homans naman na

naglalarawan sa interaksyon ng mga tao bilang interaksyon na binubuo ng mga

pabuya at parusa iniugnay ng mananaliksik ang mabuti’t masamang epektong

nadudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga mag-aaral na nakabatay sa mismong

interaksyon nila. 6Kaalinsunod nito ang isa pang teorya ni George Homans, ang

Rational Choice Theory kung saan ang bawat indibidwal ay hinihikayat ng kani-

kanilang sarilang mga mithiin maging ang mga magagandang bagay na nakuha at

nakukuha nila sa iba7. Isinasaad ng teoryang ito na nakabatay ang kanilang desisyon

ukol sa kanilang sariling pananaw. Inilahad ng mananaliksik ang teoryang ito bilang

tugma sa personal na persepyon, opinion o pananaw ng mga mag-aaral sa

pagtangkilik ng Wattpad dahil sa iba’t ibang bagay na maaring makuha nila rito.

Ang mga teoryang magkakaugnay na inilahad ang siyang naging batayan ng

mananaliksik sa pag-aaral na ito. Pinaniniwalaan din na ang teoretikal na balangkas

4San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House

5 San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House

6 San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House7

Page 7: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 6

na ito ang magiging daan sa maaayos na daloy ng pag-aaral at sa mas malinaw na

mga impormasyon.

E. Konseptwal na Balangkas

Ang balangkas konseptwal ng mananaliksik ay ibinatay sa teoretikal na

balangkas na nauna nang nailahad.

Magsisimula ang pag-aaral sa paksa at pokus ng pananaliksik, ang Wattpad.

Sumunod dito ang mga napiling respondente ng pag-aaral, ang mga mag-aaral na nasa

unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos at magpapatuloy sa iba’t ibang patunay

ng mga mag-aaral ng pagiging wattpadder. Kaalinsunod nito ang dahilan ng

pagkahumaling ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad kung saan gagamitan ng

deskriptib-sarbey na metodo sa pagkalap ng mga datos at impormasyon. At mula sa

metodo, ang daloy ng pag-aaral ay nakatuon din sa epektong dulot ng Wattpad sa mga

respondente, ang mabuti’t masama. Sa kabilang banda, ang pananaw ng mga

respondete ukol sa pagtangkilik ng Wattpad ay binigyang tuon din.

Ang dayagram 1 ang siyang magpapakita ng buong daloy ng konseptwal na

balangkas ng pag-aaral na kaugnay ng teoretikal na balangkas.

Page 8: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 7

Dayagram 1.

Wattpad(Evolutionary Theory)

Wattpad(Evolutionary Theory)

Mga Mag-aaral na Nasa Unang Taon ng Kolehiyo

sa Kursong Pagtutuos

(Lazarus Theory)

Mga Mag-aaral na Nasa Unang Taon ng Kolehiyo

sa Kursong Pagtutuos

(Lazarus Theory)

Pananaw ng Respondente ukol sa pagtangkilik sa Pagbabasa ng Wattpad

(Rational Choice Theory)

Pananaw ng Respondente ukol sa pagtangkilik sa Pagbabasa ng Wattpad

(Rational Choice Theory)

Dahilan ng Pagkahumaling sa

Pagbabasa ng Wattpad

(Rational Decision Making theory)

Dahilan ng Pagkahumaling sa

Pagbabasa ng Wattpad

(Rational Decision Making theory)

Wattpadder(Labeling Theory)

Wattpadder(Labeling Theory)

Deskriptib-

Sarbey Metod

Deskriptib-

Sarbey Metod

Epekto(Psychological Exchange

Theory)

Epekto(Psychological Exchange

Theory)

MasamaMasama MabutiMabuti

Page 9: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 8

F. Paglalahad ng Metodolohiyang Ginamit

a. Metodong Ginamit

Ang metodong ginamit sa pananaliksik na ito ay deskriptib-sarbey metod

na angkop sa mga mag-aaral na nahuhumaling sa pagbabasa ng Wattpad.

Tinangkang suriin ng mananaliksik ang kasalukuyang damdamin, kaalaman at

pananaw ng mga respondente sa iba’t ibang patunay ng pagiging wattpadder,

dahilan ng kanilang pagkahumaling nila rito maging sa mabuti’t masamang

epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila at ang kanilang mga tugon sa

pagtangkilik sa Wattpad.

b. Mga Respondente ng Pag-aaral

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral mula sa unang

taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa Politeknikong Unibersidad ng

Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila. Ang mga naturang mag-aaral

ay pinili ayon sa trend o magkakaibang sampol ng iisang populasyon sa

magkakaibang panahon na may kabuuang bilang na 94 ay mga “Wattpadder”

sa iba’t ibang kadahilanan.

c. Instrumento sa Pangangalap ng Datos

Talatanungan o kwestyoner ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na

ito. Binubuo ang talatanungan ng 5 bilang na nagtataglay ng dikotomus at

maraming pagpipiliang mga tanong na ipinamahagi’t ipinasagot sa mga

respondente. Sinagot ng mga kalahok na respondente ang bawat tanong sa

Page 10: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 9

pamamagitan ng paglalagay ng tsek (√) sa talatanungan. Sa kabuuan, ang

instrumentong ginamit ay siyang naging daan para makakuha ng mga datos na

susuporta sa pag-aaral ng mananaliksik.

*Ang liham na kalakip ng sampol ng talatanungan ay nasa susunod na

pahina.

Page 11: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 10

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila

Ika-10 ng Enero, 2014

Sa mga kagalang-galang na respondente,

Isang mapagpalang-araw ang bati ko sa inyo!

Kalakip ng liham na ito ang talatanungan sa pag-aaral na aking isinasagawa bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik na pinamagatang “Epektong dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral na Nasa Unang taon ng Kolehiyo sa Kursong Pagtutuos.” Ang nasabing pag-aaral ay may pangkalahatang layunin na mapag-alaman at mailahad ang iba’t ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod ng mabuti’t masamang epekto nito sa mga nasabing respondente at ang pananaw ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad. Makaaasa na ang mga impormasyong makukuha ay gagamitin lamang sa pag-aaral na ito at hindi sa iba pang bagay.

Lubos na pagpapasalamat ang aking iniaabot sa oras na inyong inilaan, kooperasyong ibinigay at tapat ninyong mga kasagutan. Maraming salamat at pagpalain tayong lahat!

Lubos na gumagalang,

BACURIN, Jasmine Joyce S.

Mananaliksik

Page 12: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 11

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila

I. Profayl ng Respondente

Pangalan(Opsyonal): ______________________________ Petsa: __________

Kurso, Taon at Pangkat: _____________________________

Kasarian: Lalaki [ ]

Babae [ ]

II. Talatanungan

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kasagutang umaayon sa inyong paniniwala o opinyon. Isa lamang ang piliin. (Ang inyong katapatan sa pagsagot ay ipinagpapasalamat ng mananaliksik.)

1. Maituturing mo ba ang iyong sarili bilang isang “Wattpadder” dahil sa mga sumusunod na kondisyon:

1.1 Wattpadder ka kung hindi mo maipaliwanag ang kabog ng dibdib mo sa tuwing may bagong kabanatang inaapdeyt ang awtor ng paborito mong

kwento.

Oo Hindi

1.2 Wattpadder ka kung naglalaan ka ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari ng kwento.

Oo Hindi

1.3 Wattpadder ka kung hanggang sa panaginip nakikita mo ang mga karakter sa kwento.

Oo Hindi

1.4 At Wattpadder ka kung naaapektuhan ka ng sobra sa mga pangyayari na para bang ikaw iyong karakter sa mismong kwento.

Oo Hindi

Page 13: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 12

2. Bakit mo kinahuhumalingan ang pagbabasa ng Wattpad?

Libangan o pampalipas-oras

Nakapagbibigay ng kasiyahan

Nakapagbibigay ng satispaksyon

Nakapagtuturo ng aral

Iba pa (Pakisulat) ______________________________

3. Ano sa tingin mo ang masamang naidudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga katulad mong mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos?

Napapabayaan ang pag-aaral

Nawawalan ng disiplina sa sarili

Nalilipasan ng gutom

Nawawalan ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagang tao

Iba pa (Pakisulat) ______________________________

4. Ano naman sa iyong palagay ang mabuting naidudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga katulad mong mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos?

Lumalawak ang kaisipan ukol sa realidad

Nadedebelop ang 5 aspeto ng isang indibidwal (Pisikal, Mental, Emosyonal, Sosyal at Espiritwal)

Nagkakaroon ng kasiyahan at satispaksyon sa sarili

Nakakalimutan ang mga problema

Iba pa (Pakisulat)

5. Sa iyong palagay, nararapat lamang bang tangkilikin ng mga mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo sa kursong Pagtutuos ang Wattpad?

Oo, dahil maramingbenepisyo ang makukuha sa pagababasa nito.

Hindi, dahil mas maraming dapat pagtuunan ng pansin sa kursong Pagtutuos kaysa sa pagababasa ng Wattpad

Neutral

Di-masabi

*** MARAMING SALAMAT PO SA KOOPERASYON! :) ***

-JJSB-

Page 14: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 13

d. Paraan ng Pagkalap ng Datos

Nagsimula ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng paggawa ng

instrumentong ginamit sa pananaliksik - ang talatanungan o kwestyoner na

nagtataglay ng mga katanungang umaayon sa layunin ng pag-aaral. Sumunod

na rito ang pamamahagi ng talatanungan sa mga respondente ng pag-aaral. At

huli, ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalap na datos.

e. Istatistikal na Tritment

Dalawang istatiskal na tritment ang ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral

na ito. Una, ang paglapat ng Slovin’s formula sa pagkuha ng kabuuang bilang

ng respondenteng sasalamin sa buong populasyon.

Pormula: n = N / (1 + Ne²) Aplikasyon:

n = Kabuuang Bilang ng Sampol n = N / (1 + Ne²)

N = Kabuuang Populasyon = 1440 / (1 + 1440 * .10²)

e = Inaasahang Kamalian = 1440/ 15.4

= 93.506 o 94

Ikalawa, upang makuha ang resulta ng mga datos kinuha ang porsyento o

bahagdan gamit ang pormula sa ibaba:

Bahagdan = Bilang ng Respondenteng May Magkakaparehong

Sagot/Bilang ng Kabuuang Respondente X 100

Page 15: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 14

Aplikasyon:

Bahagdan = Bilang ng Respondenteng May Magkakaparehong

Sagot/Bilang ng Kabuuang Respondente X 100

= 12/94 X 100

= 12.7 % o 13%

Page 16: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 15

KABANATA II

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga lokal at internasyonal na babasahin at

pag-aaral na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito.

A. Kaugnay na Literatura

8Ang panahon ay hindi lang nagbabago ito ay ganap at lubusang nagbabago. Habang

ang mga social media ay nagiging parte ng buhay natin isang malawakan at

demokratikong kulturang pagbabago ang nag-aabang. Sa tulong ng ugnayan sa isa’t-isa,

pagbabahagi ng karanasan at pagsasaayos ng online unti-unting nahuhubog ang publiko,

paghubog na hindi pa nangyayari noon ang dala ng mga social media ngayon. Ang

pundasyon ng pagtangkilik ng maraming tao dito ay ang kakayahang pamamahayag nito

na nagagamit ng maraming tao sa buong mundo.

B. Kaugnay na Pag-aaral

9Ayon sa pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa STI Global City na pinamagatang

Epekto ng Oplayn na Laro sa mga Piling Estudyante ng Colegio de Sta. Ana na

naglalayong alamin ang epekto ng Oplayn na laro sa pag-aaral ng mga estudyante ng

Colegio de Sta. Ana, ang mga Oplayn na Laro na tinatangkilik ng mga mag-aaral ng

Colegio De Sta. Ana, mga masamang epekto sa pag-aaral ng mga estudyante, magiging

epekto ng Oplayn na laro sa kaalaman ng mga estudyante at sa iba pang asignaturang

8 Zandt, D.W. (2010). http://www.amazon.com/Share-This-Change-Social-Networking/ dp/16050941619 Flores, J.C. (2013). http://www.slideshare.net/JenoFlores/epekto-ng-oplayn-na-laro

Page 17: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 16

inaaral nila kasabay ng kanilang paglalaro at mga positibong epekto ng oplayn na laro sa

mga estudyante. Ang mga mananaliksik ay humantong sa mga konklusyon na ito:

1. Isa sa mga konklusyon ng mga mananaliksik ay, ang Text Twist ang paboritong

laruin ng mga estudyante.

2. Ang pagtaas ng memorya ang isa sa konklusyon ng mga mananaliksik, sapagkat

ayon sa mga nakalap naming mga impormasyon na ang pagtaas ng memorya ng

mga estudyante ang dahilan kung bakit nila ito kinagigiliwan.

3. Kung ang positibong epekto ng paglalaro ng Oplayn na laro ay ang pagtaas ng

memorya, ang negatibo epekto naman ay ang pagpapabaya sa pag-aaral.

4. Ayon sa nakalap ng mga mananliksik na impormasyon na ang Oplayn na Laro

ang kadahilanan sa pagpapabaya sa pag-aaral ng mga estudyante.

5. Napag-alaman ng mga mananaliksik na araw-araw naglalaro ng Oplayn na Laro

ang mga estudyante, ngunit kailangang limitahan nila ito upang hindi mapabayaan

ang pag-aaral.

6. Kinagigiliwan nila ang Oplayn na Laro dahil narerelax sila sa paglalaro nito,

bukod dito ay nahahasa din ang kanilang memorya.

10Ayon naman sa pag-aaral ni Sanzhar Naizabekov sa kanyang pananaliksik na

pinamagatang Negative Impact of Social Networking Sites on Academic Performance of

Students na naglalayong alamin ang mga epektong nadudulot ng social media sa mga

10 Nayzabekov, S. (2009). https://www.academia.edu/1810511/ Negative_impact_of_social_networking_sites_on_academic_performance_of_students

Page 18: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 17

mag-aaral at ang mga posibleng solusyon dito lumilitaw na ang mga mababang marka ng

mga mag-aaral ay bunga ng multi-tasking iniaaplay sa pang-araw-araw na buhay. Ayon

sa kanya, ang sabay na gawaing ipinipilit ng mga mag-aaral ay nagdudulot ng hindi

magagandang resulta lalo na sa kanilang pag-aaral.

KABANATA III

Page 19: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 18

Paglalahad at Pagsusuri sa mga Nakalap na Datos

Sa kabanatang ito inilahad at sinuri ang mga datos na nakalap mula sa talatanungang

ipinamahagi sa mga respondente.

Interpretasyon:

Ipinapakita ng talahanayan 1.1 na sa siyamnapu’t apat (94) na respondenteng

tumugon sa talatanungan dalawampu’t pitong porsyento (27%) na katumbas ng

dalawampu’t limang (25) respondente ang naniniwalang hindi sila Wattpadder dahil lang

sa kondisyon na hindi nila maipaliwanag ang kabog ng kanilang dibdib sa tuwing may

bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor samantalang pitumpu’t tatlong porsyento

(73%) naman na katumbas ng animnapu’t siyam (69) na respodente ang sumang-ayon na

maituturing nila ang kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder dahil kumakabog ang

kanilang mga dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor.

Page 20: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 19

Analisis:

Malaking porsyento ng respondente ang naniniwalang sila ay mga Wattpadder dahil

mas nananig ang kabog ng kanilang dibdib sa tuwing ang paborito nilang awtor ay nag-

aapdeyt ng mga detalye sa kwentong kanilang binabasa samantalang maliit na porsyento

ng mga respondente ang naniniwalang Wattpadder sila ngunit hindi sa kondisyong

inilahad ng mananaliksik marahil ang resultang ito ay bunga ng pagkakaiba ng damdamin

at estado ng emosyonal na aspeto ng mga respondente sa tuwing magbabasa ng wattpad.

Interpretasyon:

Sa talahanayan 1.2, inilalarawan na pitong porsyento (7%) na katumbas ng pitong (7)

respondente ang hindi sumang-ayon sa kondisyong sila ay Wattpadder sa kadahilanang

naglalaan sila ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari

sa kwento at siyamnapu’t tatlong porsyento (93%) naman o walumpu’t pitong (87)

Page 21: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 20

respondente ang umaming sila ay Wattpadder dahil naglalaan sila ng ilang minuto para

magmuni-muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari ng kwento.

Analisis:

Sa ikalawang kondisyong inilahad ng mananaliksik lumitaw na karamihan sa mga

respondente ay naglalaan ng oras sa pagmumuni-muni at pagbabalik- tanaw sa bawat

detalye ng kwento ngunit may mangingilan-ngilan parin ang sumalungat sa kondisyong

inilahad na marahil ang mga sumagot ng hindi ay mga respondenteng may iba pang

pakahulugan ng pagiging Wattpadder na ilalahad sa mga susunod na talahanayan.

Interpretasyon:

Ang talahanayang ito, talahanayan 3 na naglalahad ng kondisyon na nakatuon sa

pagiging Wattpader ng mga respondente sa kadahilang hanggang sa panaginip nakikita

nila ang karakter sa kwento, apatnapu’t isang porsyento (41%) ang sumagot ng oo, ito ay

Page 22: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 21

katumbas ng tatlumpu’t siyam (39) na respondente samantalang limampu’t siyam na

porsyento (59%) naman na katumbas ng limampu’t limang (55) respondente and sumagot

ng hindi.

Analisis:

Sa pagkakataong ito, nangibabaw ang mga respondenteng hindi nakikita ang mga

karakter sa kwentong kanilang binabasa sa kanilang panginip ngunit hindi naman

nalalayo ang bilang ng mga respondenteng maiuturing ang kanilang mga sarili bilang

mga Watpadder dahil sa ikatlong kondisyong inilahad ng mananaliksik. Isang maaaring

nagbunsod upang lumitaw ang resultang ito ang pagkakaiba ng mga iba’t ibang aspeto ng

pagkatao ng mga respondente.

Interpretasyon:

Page 23: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 22

Inilalarawan ng talahanayan 1.4 ang ika-apat at huling kondisyon ng mananaliksik sa

kung anong mga pagkakalarawan ng mga respondente sa kanilang pagiging Wattpadder

lumabas na labinglimang porsyento (15%) o labing-apat (14) na respondente ang sumagot

ng hindi sa kondisyong maituturing nila ang kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder

dahil naapektuhan sila ng sobra sa mga pangyayari na para bang sila ang karakter ng

mismong kwento samantalang walumpu’t limang porsyento (85%) o walumpung (80)

respondente ang sumagot ng oo.

Analisis:

Lumilitaw na karamihan sa mga respondente ay inilalarawan ang kanilang mga sarili

bilang mga Wattpadder dahil naaapektuhan sila ng sobra sa kwentong kanilang binabasa

na para bang sila iyong mismong gumaganap sa kwento. Ngunit kaalinsunod parin nito

ang bahagdan ng mga respondenteng hindi itinuturing ang kanilang mga sarili na

Wattpadder dahil lang sa huling kondisyong inilahad. Ang magkakaibang estado ng

emosyon sa bawat respondente ang isa sa mga tiningnang dahilan ng mananaliksik ukol

sa resultang lumitaw.

Page 24: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 23

Interpretasyon:

Ang Talahanayan 2 ay tumutukoy naman sa iba’t ibang kadahilanan ng mga

respondente kung bakit nila kinahuhumalingan ang pagbabasa ng Wattpad. Kapwa

walang sumagot sa dahilan na ang Wattpad ay nakapagbibigay ng satispaksyon at

nakapagtuturo ng aral, dalawang (2) respondente naman na katumbas din ng dalawang

porsyento (2%) ng kabuuang populasyon ang tumugon sa iba pang dahilan ng

respondente. Limampung porsyento (50%) sa mga respondenteng sumagot ng iba pa ay

nagsabing nagsisilbing inspirasyon ang pagbabasa ng Wattpad kaya sila nahuhumaling

dito at ang natitirang limampung porsyento (50%) ay nagbigay ng dahilan na habit na raw

kasi ang pagbabasa ng Wattpad. Anim na poryento (6%) naman ng kabuuang populasyon

na sumasalamin sa anim na respondente (6) ang sumang-ayon na nakapagbibigay ng

kasiyahan ang pagbabasa ng Wattpad at siyamnapu’t dalawang poryento (92%) ang

Page 25: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 24

sumagot na libangan o pampalipas-oras na nila ang pagbabasa ng Wattpad kaya nila ito

kinahuhumalingan.

Analisis:

Lumilitaw na malaking bahagdan ng respondente ang nahuhumaling sa Wattpad

dahil nagsisilbi na itong libangan o pampalipa-oras ng mga naturang mag-aaral. Hindi rin

maikakaila ayon sa datos na nakalap na may iilan ang naniniwala na ang pagbabasa ng

Wattpad ay nakapagbibigay ng kasiyahan, ang iba naman ay may sariling dahilan ng

pagkahumaling nila sa Wattpad at walang respondente naman ang sumang-ayon na

nahuhumaling sila sa pagbabasa ng Wattpad dahil nakapagbibigay ito ng satispaksyon at

nakapagtuturo ng aral. Ang ganitong resulta ay pinanghihinuhaan ng mananaliksik na

nakadepende sa dalas ng panahong ginugugol nila sa pagbabasa ng Wattpad.

Page 26: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 25

Interpretasyon:

Ang talahanayan 3 ang nagpapakita sa mga tugon ng respondente ukol sa mga

masamang epektong dulot ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila. Tatlong porsyento (3%)

na tumutukoy sa tatlong (3) respondente ng kabuuang populasyon ang sumagot ng iba pa

kung saan ang isa (1) rito ay may pananaw na ang pagbabasa ng Wattpad ay nagiging

dahilan ng pagkukulang niya ng oras na makapag-aral, ang isa (1) naman ay nagsabing

napupuyat siya sa pagbabasa ng Wattpad at ang natitirang isa (1) ay nagsawalat na dahil

sa pagbabasa ng Wattpad nakaliligtaan na niya ang mga gawaing-bahay. Limang

porsyento (5%) naman ng kabuuang populasyong katumbas din ng limang (5)

respondente ang sumagot na nalilipasan sila ng gutom sa pagbabasa ng Wattpad,

labingdalawang (12) respondente naman o katumbas ng labingtatlong porsyento (13%)

ang sumagot na nawawalan sila ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagang tao dahil sa

pagbabasa ng Wattpad. Nawawalan naman ng disiplina sa sarili ang tugon ng

Page 27: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 26

dalawampu’t siyam (29) na respondenteng katumbas ng tatlumpu’t isang porsyento

(31%) ng kabuuang populasyon. At apatnapu’t limang respondente (45) naman ang

nagsabing napapabayaan nila ang kanilang pag-aaral dahil sa pagbabasa ng Wattpad.

Analisis:

Mula sa mga datos na nakalap mahihinuha ng mananaliksik na ang pagpapabaya ng

mga respondente sa pag-aaral na lumitaw bilang pinakamasamang epekto ng wattpad sa

kanila ay bunga ng iba’t ibang dahilan ng pagkahumaling ng mga naturang respondente

sa Wattpad na ipinakita sa nauna ng talahanayan, ang talahanayan 2.

Page 28: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 27

Interpretasyon:

Ipinapakita ng talahanayan 4 ang daloy ng mga tumugon ukol sa mabuting epektong

dulot pagbabasa ng Wattpad sa kanila. Sa pagkakataong ito walang respondente ang

nagbigay ng iba pang kasagutan samantalang siyam (9) na respondente o sampung

poryento (10%) ng kabuuang populasyon naman ang sumang-ayon na nakatutulong ang

pagbabasa nila ng wattpad sa pagdebelop ng 5 aspeto ng isang indibidwal, ang pisikal,

mental, emosyonal, sosyal at espiritwal. Sa kabilang banda dalawampu’t tatlong (23)

respondenteng katumbas ng dalawapu’t apat na porsyento (24%) ang naniniwala na

nakalilimutan nila ang kanilang problema dahil sa pagbabasa ng Wattpad, dalawampu’t

siyam (29) o tatlumpu’t isang porsyento (31%) naman ng mga respondente ang nagsabing

lumalawak ang kanilang kaisipan ukol sa realidad sa tulong ng Wattpad at tatlumpu’t

tatlo (33) na katumbas ng tatlumpu’t limang porsyento (35%) ng mga respondente ang

sumagot na ang kabutihang dulot ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila ay ang pagkakaroon

ng satispaksyon at kasiyahan sa sarili.

Analisis:

Ang resultang lumitaw base sa mga nakalap na datos maging sa pangingibabaw ng

pagkakaroon ng satispaksyon at kasiyahan sa sarili bilang pinakamabuting epektong dulot

ng Wattpad sa mga respondente ay pinaniniwalaan ng mananaliksik na maaaring bunga

ng iba’t ibang ingay-panloob ng bawat respondente.

Page 29: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 28

Interpretasyon:

Ang talahanayan 5 ay tumutukoy sa sariling persepyon ng mga respondente kung

dapat lang bang tangkilikin ang pagbabasa ng Wattpad. Base sa mga nakalap na sarbey

may parehong bilang ng respondente ang sumagot ng oo dahil maraming benepisyo ang

makukuha sa pagbabasa nito at ang mga respondenteng sumagot na di-masabi kung dapat

o hindi ba dapat tangkilikin ang pagbabasa ng Wattpad. Ang mga respondenteng ito ay

may eksaktong bilang na lima (5) na katumbas din ng limang porsyento (5%) ng

kabuuang populasyon. Sinusundan ito ng dalawampu’t apat na porsyento (24%) o

dalawampu’t tatlong (23) respondente na nagsabing hindi na dapat tangkilikin pa ang

Page 30: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 29

pagbabasa ng Wattpad dahil mas maraming bagay ang dapat pagtuunan ng pansin kaysa

sa pagbabasa nito. Nangibabaw naman ang mga respondenteng sumagot ng neutral na

may bilang na animnapu’t isang (61) katumbas ng animnapu’t limang porsyentong (65%)

ng kabuuang populasyon.

Analisis:

Mahihinuha ng mananaliksik batay sa mga nakalap na datos kung saan lubos na

nangibabaw ang mga respondenteng hati ang opinyon kung dapat bang tangkilikin pa ang

Wattpad o hindi na ay bunga ng parehong masama at mabuting epektong naidudulot ng

wattpad sa mga respondente na naunang nasuri sa ikatlo at ikaapat na talahanayan.

Page 31: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 30

KABANATA IV

Paglalahad ng Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng mga natuklasan, napatunayan at

mga mungkahi para sa kalutasan at kabutihan ng pag-aaral na ito.

Natuklasan

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa layuning mapag-alaman at mailahad ang

iba’t ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng

mga mag-aaral ng mga respondente sa pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod ng mabuti’t

masamang epekto nito sa kanila at ang pananaw ng mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa

Wattpad. Ang pag-aaral ay batay sa mga naitala at ibinigay na sagot ng siyamnapu’t apat

(94) na mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos. Ginamitan ito ng

deskriptib-sarbey metod samantalang dikotomus at maraming pagpipiliang tanong naman

ang uri ng sarbey na ginamit sa pangangalap ng datos at impormasyon. Ang pag-aaral ay

isinagawa sa pagitan ng Disyembre, 2013 hanggang Marso, 2014.

Natuklasan na sa siyamnapu’t apat (94) na kabuuang populasyon, animnapu’t siyam

(69 o 73%) ang nagpapatunay ng pagiging wattpadder nila dahil sa kabog ng dibdib sa

tuwing may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor, walumpu’t lima (85 o 93%) ang

naglalaan ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa kwento, at walumpu

(80 o 85%) naman ang naapektuhan ng sobra na para bang sila ang karakter sa mismong

kwento. Dagdag pa rito, walumpu’t anim (86 o 91%) ang nagsabing libangan at

pampalipas oras na nila ang Wattpad kaya nila ito kinahuhumalingan, kapabayaan naman

sa pag-aaral ang tugon ng apatnapu’t limang (45 o 48%) mag-aaral ukol sa masamang

Page 32: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 31

dulot nito sa kanila at tatlumpu’t tatlo (33 o 35%) ang sumagot na ang kabutihang dulot

nito sa kanila ay satispaksyon at kasiyahang ibinibigay ng wattpad. Nangibabaw din ang

neutral na pananaw ng mga respondente sa pagtangkilik ng Wattpad kung saan

animnapu’t isa (61 o 65%) ang tumugon sa nasabing sagot. Bawat datos na ito ay

pinatototohanan ng mga talahanayang nauna nang inilahad.

Konklusyon

Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon at kaalinsunod ng pangkalahatang

layunin ng pag-aaral na ito, buong tapat na inilalahad ng mananaliksik ang mga

sumusunod na konklusyon:

1. Ang mga patunay ng pagiging isang wattpadder ay tumutukoy sa kabog ng

dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang awtor ng paboritong kwento, sa

paglalaan ng ilang minutong pagmumuni-muni at pagbabalik-tanaw sa mga

pangyayari nito at sa pagiging sobrang apektado na para bang mga karakter sa

kwento.

2. Kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng Wattpad dahil nagsilbi

na itong libangan o pampalipas-oras nila.

3. Napatunayan na ang pagbabasa ng Wattpad ay nagiging dahilan upang

mapabayaan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral.

4. Nakabubuti ang pagbabasa ng Wattpad sa aspetong nabibigyan nito ang mga

mag-aaral ng satispaksyon at kasiyahan.

5. Neutral ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagtangkilik ng Wattpad dahil sa

parehong mabuti’t masamang epekto nito sa kanila.

Page 33: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 32

Rekomendasyon

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral at ng mga konklusyong inilahad iminumungkahi

ng mananaliksik nang may buong giliw at pagpapakumbaba ang mga sumusunod na

rekomendasyon:

1. Para sa mga respondente at maging sa iba pang Wattpadder, ipagpatuloy

lamang ang pagbabasa ng Wattpad kasabay ng pag-aplay ng time management

o tamang paggugugol ng oras at prioritization o pagtimbang sa kung ano ang

mas mahalagang gawin. Sa ganitong paraan mababalanse ang oras sa

pagbabasa ng Wattpad at sa iba pang bagay.

2. Para sa mga respondente, kung sa palagay ninyo ay hindi na nakatutulong ang

pagbabasa ng Wattpad sa inyong pag-aaral na kung minsan pa’y nagiging

produkto na nito ang mga mababa’t bagsak na marka hinihikayat ng

mananaliksik na itigil pansamantala ang pagbabasa nito hanggang sa maaplay

ang mga bagay na nauna nang iminungkahi.

3. Para sa iba pang mag-aaral, buong pusong hinihikayat ng mananaliksik na

palawakin pa ang pag-aaral na ito upang makabuo ng mga bagong tuklas ukol

sa pagbabasa ng Wattpad.

4. Para sa lahat, mahalagang malaman natin na ang mabuti’t masamang epektong

maari nating maranasan o matamo ay nakadepende sa kung paano natin ito

isinagawa dahil ang katotohanang tayo ang gumuguhit sa sarili nating

kapalaran ay hindi na maikaiila pa.

Page 34: BACURIN Jasmine Joyce S

Epektong Dulot ng Wattpad 33

REFERENSYA

San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House

Sincero, S.M. (2011). http://explorable.com/stress-and-cognitive-appraisal

Zandt, D.W. (2010) http://www.amazon.com/Share-This-Change-Social-Networking/ dp/1605094161

Flores, J.C. (2013). http://www.slideshare.net/JenoFlores/epekto-ng-oplayn-na-laro

Nayzabekov, S. (2009). https://www.academia.edu/1810511//Negative_impact_of_social _networking_sites_on_academic_performance_of_students