3
1. h Ang bakuna ay tumutulong sa immune system ng katawan upang makabuo ng proteksyon laban sa posibleng impeksyon. Ito ay naglalaman ng katiting na dami ng isang pinahina o patay na organismong sanhi ng sakit na hindi sapat upang magdulot ng tunay na sakit. Ngunit ito ay sapat na upang ang iyong immune system ay makagawa ng antibodies na maaaring makakilala at maatake ang mga organismong ito kapag ang katawan ay ma-expose dito. Pinakakaraniwan ay binibigay ito sa pamamagitan ng pag-iniksyon, ngunit meron ding uri ng bakunang nilulunok. Ang ilang bakuna ay ibinibigay lamang ng isang beses. Ang iba naman ay nangangailangan ng ilang karagdagang dosis sa paglipas ng panahon. Ang pagpapabakuna ay isang mahalagang paraan upang panatilihin ang iyong anak na malusog at ligtas. Napipigilan nito ang mga malulubhang sakit na maaring maging sanhi ng kapansanan o pagkamatay. Ang pagbabakuna ay tumutulong din mabawasan ang pagkalat ng sakit sa iba at maiwasan ang mga epidemya. Mas mababa ang gastos sa pagpapabakuna kaysa sa pagkakaroon ng sakit na pinipigilan ng bakuna. Ang bakuna ay dapat na ibinibigay sa isang napapanahong batayan upang maprotektahan ang iyong mga anak sa pinakamaagang pagkakataon Kada Lunes, Miyerkules at Biyernes ay itinakdang araw ng pagbabakuna sa ating health center. Libreng makukuha ang mga bakunang kasama sa Expanded Program of Immunization ng DOH, para sa sanggol hanggang 1 taong gulang. Sumangguni sa immunization schedule para malaman ang tamang gulang kung kalian dapat magkaroon ng iba’t ibang bakuna. *BCG Tuberculosis *DPT Diphtheria (Dipterya) Pertussis (tuspirina) Tetanus *OPV/IPV Polio *Hep A Hepatitis A *Hep B Hepatitis B *Measles Tigdas MMR Measles (tigdas) Mumps (beke) Rubella (tigdas-hangin o German measles) Varicella Chickenpox (bulutong-tubig) Hib Haemophilus influenzae type b PCV Pneumococcal Disease RV Rotavirus HPV Human Papilloma Virus Influenza Trangkaso *kasama sa EPI ng DOH-para sa mga sanggol hanggang 1 taong gulang 1. Di totoo: Pag madaming bakuna at sabay-sabay ang ibinigay sa anak ko baka mas lalong magkasakit. Ang totoo: Pwedeng pagsabayin ang pagbigay ng ibang mga bakuna sa isang pagkonsulta lamang. Ang bakuna ay hindi magdudulot ng sakit dahil ito ay pinahinang klase ng mikrobyo o parte lamang ng mikrobyo. 2. Di totoo: Habang ang ibang bata ay nababakunahan, hindi kailangan ng anak ko ang bakuna sapagkat protektado na siya dahil wala ng makakahawa sa kanya. Ang totoo: Kung hindi nabakunahan ang bata, mas nalalagay sa piligro na magkaroon siya ng sakit. Hindi sapat ang bakuna ng iba para masabing hindi na mahahawa ang bata sa sakit. Kailangan pa rin ng bakuna para di na muling bumalik ang mga sakit na dati ng naiwasan sa komunidad dahil sa bakuna. Ano ang Bakuna? Mga Maling Paniniwala Tungkol Sa Bakuna Bakit kailangan magpabakuna? Mga Sakit Na Naiiwasan Dahil Sa Bakuna Kailan dapat magpabakuna

bakuna pamphlet

  • Upload
    pepotch

  • View
    121

  • Download
    19

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: bakuna pamphlet

1. h

Ang bakuna ay tumutulong sa immune system ng katawan upang makabuo ng proteksyon laban sa posibleng impeksyon.

Ito ay naglalaman ng katiting na dami ng isang pinahina o patay na organismong sanhi ng sakit na hindi sapat upang magdulot ng tunay na sakit. Ngunit ito ay sapat na upang ang iyong immune system ay makagawa ng antibodies na maaaring makakilala at maatake ang mga organismong ito kapag ang katawan ay ma-expose dito.

Pinakakaraniwan ay binibigay ito sa pamamagitan ng pag-iniksyon, ngunit meron ding uri ng bakunang nilulunok.

Ang ilang bakuna ay ibinibigay lamang ng isang beses. Ang iba naman ay nangangailangan ng ilang karagdagang dosis sa paglipas ng panahon.

Ang pagpapabakuna ay isang mahalagang paraan upang panatilihin ang iyong anak na malusog at ligtas. Napipigilan nito ang mga malulubhang sakit na maaring maging sanhi ng kapansanan o pagkamatay.

Ang pagbabakuna ay tumutulong din mabawasan ang pagkalat ng sakit sa iba at maiwasan ang mga epidemya.

Mas mababa ang gastos sa pagpapabakuna kaysa sa pagkakaroon ng sakit na pinipigilan ng bakuna.

Ang bakuna ay dapat na ibinibigay sa isang napapanahong batayan upang maprotektahan ang iyong mga anak sa pinakamaagang pagkakataon

Kada Lunes, Miyerkules at Biyernes ay itinakdang araw ng pagbabakuna sa ating health center. Libreng makukuha ang mga bakunang kasama sa Expanded Program of Immunization ng DOH, para sa sanggol hanggang 1 taong gulang.

Sumangguni sa immunization schedule para malaman ang tamang gulang kung kalian dapat magkaroon ng iba’t ibang bakuna.

*BCGTuberculosis

*DPTDiphtheria (Dipterya) Pertussis (tuspirina)Tetanus

*OPV/IPVPolio

*Hep AHepatitis A

*Hep BHepatitis B

*MeaslesTigdas

MMRMeasles (tigdas)Mumps (beke)Rubella (tigdas-hangin o German measles)

VaricellaChickenpox (bulutong-tubig)

Hib Haemophilus influenzae type b

PCVPneumococcal Disease

RVRotavirus

HPVHuman Papilloma Virus

InfluenzaTrangkaso

*kasama sa EPI ng DOH-para sa mga sanggol hanggang 1 taong gulang

1. Di totoo: Pag madaming bakuna at sabay-sabay ang ibinigay sa anak ko baka mas lalong magkasakit.Ang totoo: Pwedeng pagsabayin ang pagbigay ng ibang mga bakuna sa isang pagkonsulta lamang. Ang bakuna ay

hindi magdudulot ng sakit dahil ito ay pinahinang klase ng mikrobyo o parte lamang ng mikrobyo.

2. Di totoo: Habang ang ibang bata ay nababakunahan, hindi kailangan ng anak ko ang bakuna sapagkat protektado na siya dahil wala ng makakahawa sa kanya.Ang totoo: Kung hindi nabakunahan ang bata, mas nalalagay sa piligro na magkaroon siya ng sakit. Hindi sapat ang bakuna ng iba para masabing hindi na mahahawa ang bata sa sakit. Kailangan pa rin ng bakuna para di na muling bumalik ang mga sakit na dati ng naiwasan sa komunidad dahil sa bakuna.

3. Di totoo: Maaaring magdulot ng problema sa pag-iisip at iba pang sakit ang bakuna.Ang totoo: Ayon sa pag-aaral at eksperimento, walang ebidenysa na nagsasabing maaaring maging dahilan ang bakuna ng pagkakaroon ng problema sa pag-iisip tulad ng autism.

4. Di totoo: Maaaring magkasakit ang anak ko sa bakuna na siyang dapat magbigay ng proteksyon.Ang totoo: May mga bakuna na gawa sa pinahinang mikrobyo tulad ng MMR at chicken pox na maaaring magdulot ng konting sintomas tulad ng pantal sa balat at lagnat ngunit hindi ang malalang mga sintomas kung hindi ito nabakunahan. Ngunit malayo ito sa malubhang sintomas ng sakit.

5. Di totoo: Ang bakuna ay maaaring naglalaman ng mapanganib na preservatives o kemikal.Ang totoo: May ibang bakuna na naglalaman ng ethylmercury na hindi mapanganib kumpara sa methylmercury. Mas madaling mailabas ng katawan ang ethyl mercury sa bakuna kaysa methyl mercury na matatagpuan sa paligid o maging sa pagkain. Mas maigi na iwasan o limitahan na lamang ang iba pang bagay na naglalaman ng mas maraming mercury tulad ng pagkain ng isda (tuna, shark, espada, at hito).

6. Di totoo: Hindi maaaring ibigay ang bakuna sa batang may sipon.Ang totoo: Maaaring magbigay ng bakuna sa batang may sipon, nagtatae, ubo o lagnat na hindi malala dahil hindi apektado ng kasalukuyang sakit ang abilidad ng katawan na gumawa ng depensa para sa bakuna.

Ano ang Bakuna?Ano ang Bakuna?

Mga Maling Paniniwala Tungkol Sa Bakuna

Mga Maling Paniniwala Tungkol Sa Bakuna

Bakit kailangan magpabakuna?Bakit kailangan magpabakuna?

Mga Sakit Na Naiiwasan Dahil Sa Bakuna

Mga Sakit Na Naiiwasan Dahil Sa Bakuna

Kailan dapat magpabakunaKailan dapat magpabakuna

Page 2: bakuna pamphlet

7. Di totoo: Nagkasakit na ako ng bulutong-tubig noong bata ako pero hindi naman ito malala.Ang totoo: May mga ilang kaso na kung saan nakamamatay ang bulutong-tubig o di kaya ay lumala dahil sa matinding impeksyon dulot ng di pangkaraniwang mikrobyo sa balat o sa baga. Mas maigi na lamang iwasan ito sa pamamagitan ng bakuna. Mas malubhang karamdaman ang maaaring maidulot ng bulutong-tubig sa mga tumatanda na walang bakuna kumpara sa bata.

8. Di totoo: Ang bakuna ay nakapagbibigay ng 100 porsyentong proteksyon laban sa sakit.Ang totoo: Ang mga bakunang mula sa pinahaninang mikrobyo tulad ng MMR o chicken pox ang makapagbibigay ng mabuting proteksyon sa sakit na ito. Ngunit ang ibang bakuna na mula sa namatay na mikrobyo ay maaaring hindi magdulot ng kumpletong proteksyon kaya mas mahalaga na mas marami dapat ang mabakunahan para mas bumaba ang pagkakataong magkasakit.

9. Di totoo: Mas mahusay na maghintay na lamang na lumaki ang mga sanggol bago ibigay ang bakuna.Ang totoo: Ang bakuna ay ginawa para proteksyunan ang mga mas nasa panganib na populasyon tulad ng mga bata at sanggol. Kung hindi pinabakunahan ang mga sanggol sa tamang edad, mas nalalagay sa panganib ang mga ito.

1. Lagnat 2. Pamumula o pamamaga sa pinagturukan o sa buong

bahagi ng katawan na pinagturukan na maaaring tumagal ng mga ilang araw.

3. Pananakit sa may bahagi ng pinagturukan.4. Pagka-iritable5. Walang ganang kumain6. Pagsusuka7. Sipon, baradong ilong, ubo (tulad ng influenza vaccine)8. Pamamaga ng lalamunan (influenza vaccine)

9. Pananakit ng ulo, kalamnan o tiyan10. Patatae 11. Pagka-pagod at panghihina12. Pamamantal sa balat (MMR, chicken pox)13. Pamamaga ng pisngi o leeg (MMR)

Ang mga sintomas na ito ay maaaring maramdaman sa loob ng ilang araw matapos mabakunahan.

1. Katamtaman o malubhang sakit, may lagnat man o wala.2. Pamamaga, pamumula, pananakit ng bahaging

naturukan na may kasamang lagnat matapos ang unang dosis ng bakuna.

3. Kakulangan ng mga nakaraang pagsusuri sa pasyente kahit siya ay mukhang walang karamdaman

4. Kasalukuyang pag-inom ng gamot laban sa impeksyon5. Paggaling ng karamdaman.6. Sanggol na kulang sa buwan ipinanganak. 7. Kamakailang karamdamang nakakahawa tulad ng

impeksyon.8. May allergy sa penicillin o mga nagpapagamot ng allergy

sa pamamagitan ng allergen immunotherapy.9. Lagnat na may temperaturang < 40.5⁰C, pagka-iritable o

pagkaantok matapos mabigyan ng DPT or DTaP vaccine10. Pakakaroon ng kumbulsyon, sudden infant death

syndrome sa mga miyembro ng pamilya11. Hindi malubhang pagtatae12. Kasalukuyang paggagamot ng antibiotics o paggaling na

sa karamdaman13. Pagpapasuso14. Malnutrisyon15. Iba pang allergy maliban sa mga kemikal na nilalaman ng

bakuna o ung mismong bakuna

Sa mga kondisyon na ito, mas mahusay na ibigay ang bakuna kung ito ay mas nakabubuti kaysa sa hindi pagbigay ng bakuna. Mas nakabubuti kung kumonsulta na lamang sa doktor kung hindi nakasisigurong ang karamdaman ng anak ay makaaapekto sa bakuna o kabaliktaran nito

MGA PANGKARANIWANG KOMPLIKASYON DULOT NG BAKUNA

MGA PANGKARANIWANG KOMPLIKASYON DULOT NG BAKUNA

Maari pa ring magpabakuna sa mga susunod na kondisyon:

Maari pa ring magpabakuna sa mga susunod na kondisyon:

BAKUNA