23
DAKILANG KAPISTAHAN NG KRISTONG HARI BANAL NA ORAS PARA SA MAGDAMAGANG PAGBABANTAY NG BANAL NA EUKARISTIYA Mga Dapat ihanda: 1 Namumuno 3 Tagabasa ng Salita ng Diyos Organista/Pianista/gitarista at Koro na mangunguna sa pag-awit Mga Kandila Mga Tagubilin: Para sa NAMUMUNO sa panalangin at mga TAGA-BASA, sikaping maging maayos ang pagsambit ng mga Pagbasa at panalangin, upang ang mga tao ay makasabay ng maayos. Ang Banal na Oras ay isang “pag-aaksaya ng oras” kasama ang Diyos kung kaya’t iwasan ang pagmamadali. Ang ‘sandaling katahimikan’ ay inilalaan para makapagnilay sa Salita ng Diyos at makapagdasal ng tahimik sa harap ni Jesus kaya’t itinatagubilin na huwag agad sisimulan ang susunod na panalangin at pagluhog hangga’t hindi nagkakaroon ng ‘sandaling’ katahimikan ang lahat.

Banal Na Oras 2009

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Holy Hour Christ The King

Citation preview

Page 1: Banal Na Oras 2009

DAKILANG KAPISTAHAN NG KRISTONG HARI

BANAL NA ORAS PARA SA MAGDAMAGANG PAGBABANTAY NG BANAL NA EUKARISTIYA

Mga Dapat ihanda:

1 Namumuno

3 Tagabasa ng Salita ng Diyos

Organista/Pianista/gitarista at Koro na mangunguna sa pag-awit

Mga Kandila

Mga Tagubilin:

Para sa NAMUMUNO sa panalangin at mga TAGA-BASA, sikaping maging maayos

ang pagsambit ng mga Pagbasa at panalangin, upang ang mga tao ay makasabay

ng maayos. Ang Banal na Oras ay isang “pag-aaksaya ng oras” kasama ang Diyos kung kaya’t iwasan ang pagmamadali.

Ang ‘sandaling katahimikan’ ay inilalaan para makapagnilay sa Salita ng Diyos at makapagdasal ng tahimik sa harap ni Jesus kaya’t itinatagubilin na huwag agad

sisimulan ang susunod na panalangin at pagluhog hangga’t hindi nagkakaroon ng

‘sandaling’ katahimikan ang lahat.

Page 2: Banal Na Oras 2009

Ang lahat ng dadalo sa pagbabantay ay inaanyayahan na tumugon ng malakas at

malinaw sa mga pagluhog at panalangin at makiisa sa pag-awit.

Tahimik na magtitipon ang sambayanan, Tatayo at Aawit ang lahat sa pangunguna

ng Koro, bilang pagpupugay sa Banal na Sakramento:

(Kung ang namumuno ay isang LAYKO, maari nitong sindihan ang tason ng insenso na nakalagay sa isang maayos na banga o paso sa harap habang umaawit bilang

tanda ng paggalang sa nakatanghal na Banal na Sakramento.)

AWIT: Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan (Lucio San Pedro)

o kaya’y Isang Bansa

Koro: Iisang Panginoon, iisang katawan,

Isang bayan, isang lahing sa ‘Yoy nagpupugay. (Uulitin)

1. Katulad ng mga butil na tinitipon,

Upang maging tinapay na nagbibigay-buhay.

Kami nawa’y matipon din at maging bayan Mong giliw. (koro)

2. Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak:

Sino mang uminom nito: “May buhay na walang hanggan.”

Kami nawa’y maging sangkap sa pagbuo nitong bayang liyag. (koro)

(Luluhod ang lahat)

Pagpupuri

N: Purihin natin ang Diyos, Amang Makapangyarihan.

Nilikha N’ya ang langit at lupa

At dahil sa kalooban N’ya na iligtas tayo

Ay hinirang N’ya si Maria upang maging

Ina ng kanyang Anak.

L: Purihin natin at ipagdangal ang Diyos ngayon at magpakailan man.

N : Purihin natin ang Panginoong Jesukristo,

Ang Bugtong na Anak ng Ama.

Siya na di mailulan ng daigdig

Ay minarapat na magkatawang-tao

Sa sinapupunan ng Mahal na Birhen.

L: Purihin at ipagdangal natin ang Diyos ngayon at magpakailan man.

Page 3: Banal Na Oras 2009

N: Purihin natin ang Espiritung Banal,

Ang Panginoon at Nagbibigay-Buhay,

Siya ang nagkaloob ng mga pagpapalala

Sa Mahal ng Birhen upang ang Salita ay magkatawang-tao.

L: Purihin at ipagdanagl natin ang Diyos ngayon at magpakailan man.

N: Mga kapatid,

Tayo’y tinipon ng ating Panginoon at Hari, si Jesukristo.

Naghahari Siya sa puso at kalooban ng mga nanampalataya sa kanya.

Muli tayong lumapit sa kanya,

At sa kanya ay matuto sa pagtatatag ng kaharian ng Diyos.

Muli tayong manalangin sa kanya na gawing ganap sa atin

Ang biyaya ng katapatan sa kalooban ng Ama.

Muli tayong magtalaga ng ating sarili sa kanya

Upang matupad ang kalooban ng Ama dito sa lupa tulad ng sa langit.

Kasama ang buong Simbahan ay parangalan natin

Ang ating Hari, na nakaluklok sa bawat puso ng

Mga mababang –loob, aba, mga tapat at nagtitiwala sa Diyos.

Maglalaan ng sandali ng katahimikan para sa pangsariling pananalangin.

Pagkatapos ay tatayo ang lahat para sa awit na pangungunahan ng Koro:

AWIT: Magpuri sa Panginoon (Hontiveros)

O kaya’y Ito ang Araw

Koro: Magpuri kayo sa Panginoong Diyos, lahat ng sangtinakpan.

Magsiawit kayo at S’ya’y ipagdangal magpakailanman.

1. Magpuri kayo, mga anghel ng Diyos, sa Panginoong Maykapal.

Magpuri kayo, mga langit, sa Diyos na sa ‘nyo lumikha. (koro)

2. Magpuri kayo sa Panginoon, buwan at araw at bituin.

Umawit sa kanyang karangalan, ulan at hamog at hangin. (koro)

3. Tanang mga tao sa buong mundo, banal at mabababang puso,

Purihin ninyo ang Panginoon, sa sala tayo’y hinango. (koro)

Page 4: Banal Na Oras 2009

(Luluhod ang lahat pagkatapos ng awit.)

N: O Panginoong Jesus,

matatag at buo ang aming pananalig

na ikaw ay naririto at kapiling namin.

Sa Eukaristiya

ginawa mo ang iyong sarili na

"panlunas ng buhay na walang hanggan."

Sa Eukaristiya pinauunawa mo sa amin

ang kahulugan ng buhay

at dahil dito lubos ang pagtitiwala namin

at buong kagalakan kaming naglalakbay sa kasalukuyan

habang ang pananaw namin ay nakatuon

sa hantungan naming isang buhay na walang hanggan.

L: Katulad ng iyong dalawang alagad

patungo sa Emmaus,

nakikiusap kami, Panginoon,

huwag mo kaming iwanan,

manatili ka sa aming piling.

N: Sa Salita ng Diyos na patuloy na

ipinahahayag, sa tinapay at alak

na naging Katawan at Dugo mo,

ikaw ang aming Panginoon

na nabuhay na muli.

Ikaw na nagbubukas ng aming isip at puso

ay nakilala namin

sa paghahati ng tinapay.

L: Katulad ng iyong dalawang alagad

patungo sa Emmaus,

nakikiusap kami, Panginoon,

huwag mo kaming iwanan,

manatili ka sa aming piling.

Page 5: Banal Na Oras 2009

N: Sa aming pakikipagdiwang

sa paghahati ng tinapay,

sa aming pagninilay ng iyong banal na presensya,

muli naming binubuhay

ang iyong pagpapakasakit sa krus,

nararanasan namin ang iyong pag-ibig na walang hanggan,

nararamdaman namin ang tawag mo sa amin,

upang ipalaganap ang iyong liwanag

sa mga kalalakihan at kababaihan ng aming panahon.

L:Nawa ay maglakbay kami sa iyong landas

na laging nalalaman ang tama at mali,

hanggang sa aming marating ang hangganan namin,

ang buhay sa iyong piling.

N: O Panginoon Jesukristong buhay sa Eukaristiya,

liwanag at buhay ng bagong milenyo,

ang mga puso naming puno ng kasalanan

na madalas na nabibigatan, napapagod

at pinanghihina ng mga tiisin,

ay nangangailangan ng liwanag

L: Tinawag mo kami mula sa kadiliman

patungo sa iyong liwanag.

Maranasan nawa namin

ang iyong kabutihan at pagpapala.

Lumakas nawa kami sa katotohanan,

pag-asa at pag-ibig.

N: Sa gitna ng paghahanap

ng katahimikang napakahirap makamit,

hinahamak at ginagapi ng karahasan,

terorismo at digmaan,

dinadagsaan ng mga kalamidad

Page 6: Banal Na Oras 2009

na bunga ng kalikasan at gawa ng tao,

kailangan namin ang liwanag.

L: Lahat ng mabubuting alaala

ay nagmumula sa Iyo, Ama ng Liwanag.

Bigyan mo kami ng Iyong biyaya at pagpapala,

at iligtas sa lahat ng kapahamakan.

N: Sa paglalakbay sa buhay na ito, Banal na Karamay,

nakababatid sa aming mga gawain,

at nakakatalos ng aming mga puso,

huwag mo kaming iiwan

sa kadiliman ng gabi.

Paginhawain mo kami sa amin kapaguran,

patawarin sa aming mga pagkukulang,

at akayin kami,

sa landas ng kabutihan.

L: Ginambala mo ang kadiliman sa daigdig,

Pinuno mo ng iyong kaluwalhatian

ang awing mga araw.

Nawa sa pamamagitan ng iyong walang kahulilip

na kabutihan ay maalis ang kadiliman ng mga kasalanan.

Papagliwanagin mo ang aming mga puso ng iyong kabanalan.

(Ilang saglit na katahimikan at pagninilay)

Tatayo ang lahat. Pupunta ang UNANG tagabasa sa AMBO para sa Pagbasa.

N: Sumaatin nawa ang Panginoon.

L: Amen.

N: Pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Lucas.

L: Papuri sa iyo Panginoon.

PAGBASA: Lukas 24:13-35

Nang araw ding iyon, ang dalawa sa mga alagad ay patungo sa isang nayong

Page 7: Banal Na Oras 2009

tinatawag na Emaus, may labing-isang kilometro ang layo sa Jerusalem.

Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. Samantalang nag-uusap sila at nagtatanungan, lumapit si Jesus at nakisabay sa kanila. Siya'y nakita nila,

ngunit hindi nakilala agad. Tinanong sila ni Jesus, "Ano ba ang pinag-

uusapan ninyo?" At tumigil silang nalulumbay. Sinabi ng isa na ang ngala'y

Cleopas, "Kayo lamang po yata ang dayuhan sa Jerusalem na hindi nakaaalam sa mga bagay na katatapos pa lamang nangyari roon." "Anong

mga bagay?" tanong niya. At sumagot sila, "Tungkol kay Jesus na taga-

Nazaret, isang propetang makapangyarihan sa gawa at salita, maging sa

harapan ng Diyos at ng mga tao. Isinakdal siya ng aming mga punong

saserdote at mga pinuno upang mahatulang mamatay, at siya'y ipinako sa

krus. Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel. Hindi

lamang iyan. Ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ito; nabigla kami

sa ibinalita ng ilan sa mga babaing kasamahan namin. Maagang-maaga raw

silang nagpunta sa libingan, at di nila natagpuan ang kanyang bangkay.

Nagbalik sila at ang sabi'y nakakita raw sila ng isang pangitain-mga anghel

na nagsabing buhay si Jesus. Pumunta rin sa libingan ang ilan sa mga

kasama namin at gayon nga ang natagpuan nila, ngunit hindi nila nakita si

Jesus."

Sinabi sa kanila ni Jesus, "Kay hahangal ninyo! Ano't hindi ninyo

mapaniwalaan ang lahat ng sinabi ng mga propeta? Hindi ba't ang Mesias ay

kailangang magbata ng lahat ng ito bago niya kamtan ang kanyang

marangal na katayuan?" At ipinaliwanag sa kanila ni Jesus ang lahat ng nasasaad sa Kasulatan tungkol sa kanyang sarili, simula sa mga aklat ni

Moises hanggang sa sinulat ng mga propeta.

Malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at si Jesus ay waring

magpapatuloy pa ng lakad. Ngunit siya'y pinakapigil-pigil nila. "Tumuloy na

po kayo rito sa amin," anila, "sapagkat palubog na ang araw at dumidilim

na." Kaya't sumama nga siya sa kanila. Nang siya'y kasalo na nila sa hapag,

dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at

ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Jesus,

subalit ito'y biglang nawala. At nawika nila, "Kaya pala gayon ang

pakiramdam natin habang tayo'y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa

atin ang mga Kasulatan!"

Noon di'y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang

nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-uusap-

usap, "Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!" At

isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila

siyang nakilala nang pagpirapirasuhin niya ang tinapay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

L: Pinupuri ka namin Panginoong Jesukristo.

Magsisi upo ang lahat.

Page 8: Banal Na Oras 2009

(Ilang saglit na katahimikan at pagninilay)

Nais Naming Makita ang Iyong Mukha, Panginoon

Pagnilayan Natin ang Mukha ni Jesukristo sa Eukaristiya

N: Panginoong Hesus, nagpakita ka sa amin

at nanirahan sa piling namin. (Jn 1:14)

Samantalang ang mga apostoles

ay nakita ang mukha ng Ama sa iyong pagkatao,

naging saksi sila sa iyong mga tanda at himala (Jn 20:30-31).

Napagnilayan nila ang iyong nagdurusang mukha sa krus,

isang misteryong malalim at hindi malirip.

L: Nais naming masilayan ang iyong mukha, Panginoon,

ang tinapay ng buhay na walang hanggan,

ang pangako ng aming muling pagkabuhay.

N: Pinagnilayan nila ang iyong mukha,

Panginoong nabuhay na magmuli,

ikaw na nagpabalik ng kapayapaan

at kaligayahang nawala na sa kanila.

L: Nais naming masilayan ang iyong mukha, Panginoon,

ang Tinapay ng buhay na walang hanggan,

ang pangako ng aming muling pagkabuhay.

N: Ngayon, sa gitna ng ingay at kaguluhan,

habang aming pinagninilayan ang misteryo ng Eukaristiya,

nararanasan din namin ang naranasan ng mga apostoles.

Sa Eukaristiya, araw-araw ka naming nakakatagpo,

totoong Diyos at totoong tao.

Sa Eukaristiya nagiging ganap

ang iyong pagpapakasakit at pagkamatay sa krus.

Page 9: Banal Na Oras 2009

Nararanasan ka namin, Panginoon na muling nabuhay.

L: Dakila ka Diyos ng lahat ng nilikha,

sapagkat sa pamamagitan ng iyong kagandahang loob

ang tinapay at alak ay nagiging Katawan at Dugo mo.

Walang katulad ang iyong kadakilaan, Panginoon.

N: Sumasampalataya kami

na ikaw ay totoong tao at totoong Diyos,

pangkaraniwan ngunit kapita-pitagan,

ordinaryo ngunit walang katulad,

isang taong totoo na nagbibigay buhay,

isang di malirip na hiwaga.

L: Kay tamis ng iyong alaala, O Hesus.

Ikaw ang bukal ng galak ng aming puso.

N: Sa pagdaraan ng panahon,

sa iba't ibang kapanahunan ng ating buhay

patuloy ang paglalakbay,

ang pag-inog ng pagtutubo at pagkalugi,

kagalakan at kapighatian, buhay at kamatayan,

pagsasama at paghihiwalay.

Samantalang ang paglalakbay

ay mapaghamon at nakalalasing,

ito rin ay nakakapagod

at minsan ay puno ng kapighatian.

L: Kanino kami pupunta, Panginoon,

nasa iyo ang salita

ng walang kahulilip na ligaya.

(Ilang saglit na katahimikan at pagninilay)

Magsitayo ang lahat. Pupunta ang IKALAWANG tagabasa sa AMBO para sa

Pagbasa.

Page 10: Banal Na Oras 2009

P: Sumaatin nawa ang Panginoon.

L: Amen.

N: Pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Lucas.

L: Papuri sa iyo Panginoon.

PAGBASA: Lucas 24:36-43

Samantalang pinag-uusapan nila ito, si Jesus ay tumayo sa gitna nila. (“Sumainyo ang kapayapaan!” sabi at sa kanila.) Ngunit nagulat sila ay

natakot sapagkat ang akala nila’y multo ang nasa harapan nila. Kaya’t sinabi

ni Jesus sa Kanila, “Ano’t kayo’y nagulumiha? Bakit nag-aalinlangan pa

kayo? Tingnan ninyo ang aking kamay at paa, ako nga ito. Hipuin ninyo ako

atpagmasdan. Ang Multo’y walang laman at buto, ngunit ako’y mayroon

tulad ng nakikita ninyo.” (At pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang

kanyang mga kamay at mga paa.) Nang hindi pa rin sila makaniwala dahil sa

malaking galak at pagkamangha, tinanong sila ni Jesus, “May makakain ba

riyan?" Siya'y binigyan nila ng kaputol na isdang inihaw; kinuha niya ito at

kinain sa harapan nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

L: Pinupuri ka naming Panginoong Jesukristo.

Magsisi-upo ang lahat.

Awit: Tinapay ng Buhay

Koro 1:

Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinati't inialay.

Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob,

At pagsasalong walang hanggan.

1. Basbasan ang buhay naming handog, nawa'y matulad sa pag-aalay Mo.

Buhay na laan nang lubas, sa mundong sa pag-ibig ay kapos. (KORO1)

2. Marapatin sa kapwa maging tinapay, kagalakan sa nalulumbay,

Katarungan sa naaapi, at kanlungan ng bayan Mong sawi. (KORO2)

Koro 2:

Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay, binasbasan, hinati't inialay.

Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob.

At pagsasalong walang hanggan.

At pagsasalong walang hanggan.

Page 11: Banal Na Oras 2009

Sandaling katahimikan… pagkatapos ay luluhod ang lahat.

N: Ang kadiliman ay patuloy na tumitingkad.

Nakakaramdam ako ng matinding kalungkutan at kawalan.

Nakakaranas ng matinding sakit

ng katawan, isipan at kaluluwa.

L: Kailangan makita kita, Panginoon.

Kailangan mahawakan kita at maramdaman.

Ipakita mo sa akin ang liwanag,

ang ilaw sa gitna ng kadiliman.

Ikaw ang aking liwanag at kaligtasan.

N: Ang kadiliman ay humahaba.

Nanlalamig na kami sa pagsusulong sa katotohanan.

Nawawalan na kami ng interes sa moralidad

at pati ang Diyos ay isinasantabi na lamang.

L:Patawarin mo ang aming mga kayabangan, O Diyos.

Patawarin mo ang aming mga pagwawalang bahala at mga kahinaan.

O Panginoon, hayaan mong ang iyong liwanag

ay magningas sa amin at kami ay maliligtas.

N: Ang kadiliman ay lumalawak.

Ang mga pamilya ay nagkakawatak-watak.

Ang aming buhay ay wala ng kabuluhan.

Nawawalan na rin kami ng pagpapahalaga

sa lahat ng mabuti at maganda,

sa tama at marangal.

L:Panginoon, napakadilim.

Naligaw na kami ng landas.

Ipadala mo sa amin ang iyong liwanag at katotohanan,

mangunguna ang mga iyon

at dadalhin ako sa tinitirhan mong banal na bundok. (Salmo 43:3)

N: Ang kadiliman ay nagbabanta.

Page 12: Banal Na Oras 2009

Nawalan na kami ng kakayahang magmahal ng walang hanggan.

Ang mga pamilya ay nagdurusa

bunga ng pagtataksil

sa sinumpaang pangako ng kasal.

Nawala na rin ang pagpapahalaga sa buhay.

Ang abortion o pagpapalaglag ng sanggol ay walang tigil

at animu'y isa na lang pangkaraniwang pangyayari.

L:Panginoong Diyos, maawa ka sa amin.

Sa kabutihan mo, sa kadakilaan ng iyong awa,

pahirin mo ang lahat ng aming mga pagkakasala.

Tulutan mong lumakad kami

sa gitna ng iyong liwanag, O Panginoon.

N: Ang kadiliman ay nakapangangamba.

May katiwalian sa lahat ng sangay ng pamahalaan.

Ang ipinagbabawal na gamot at iba pang labag sa batas na negosyo

ay patuloy at walang ampat.

Walang kabusugan ang pagkagutom

sa kapangyarihan at pera.

L:Panginoon, palayain mo kami sa aming mga kasalanan,

pagalingin mo kami.

Huwag sana kaming panghinaan ng loob.

Nawa ang sikat ng liwanag ng iyong kapurihan ay sa amin tumama.

N: Ang kadiliman ay nakakatakot.

Sumisigaw sa langit ang kilabot ng karahasan,

ang lumalaganap na terorismo.

May mga tanda ng mga krimeng

nagpapakita ng kawalan ng pagkilala sa Diyos.

Pati na ang kalikasan at kapaligiran ay naging malupit,

marahas at mabangis sa amin.

L: Panginoon, paalisin mo ang kadiliman

Page 13: Banal Na Oras 2009

dala ng aming mga kasalanan.

Nawa ang iyong liwanag

ay wasakin ang kadilimang dala

ng aming mga kahinaan at pagkakamali.

Nawa ay gabayan kami ng iyong liwanag

patungo sa liwanag ng buhay.

N: Si Hesus Ang Liwanag at Buhay

Bilang LIWANAG, si Hesus ay higit

na matatag kaysa sa kadiliman.

Sa karimlan. sumisikat ang liwanag

at di ito nahadlangan ng karimlan. (Jn 1 :5).

Bilang BUHAY, samantalang ang tinapay at alak

ay pangangailangang materyal upang mabuhay,

ang Eukaristiyang tinapay ang sustansyang kailangan

ng buhay na tinanggap natin sa ating binyag.

Ito ang buhay na patuloy na lumalago,

patungo sa ating kaganapan bilang mga anak ng Diyos.

Sa pamamagitan ng Eukaristiya,

nagkakaroon ng bagong sigla ang mga biyaya ng Espiritu.

N: Nang simulang likhain ng Diyos ang langit at lupa,

ang lupa ay walang anyo at walang nabubuhay.

Nababalot ng kadiliman ang kailaliman

at aaligid-aligid ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.

Sinabi ng Diyos, "Magkaroon ng liwanag",

at nagkaroon ng liwanag (Gn 1:3)

L: Magpuri ka sa Panginoon, aking kaluluwa, O Panginoon.

Aking Diyos, tunay na dakila ka.

Kamahalan at kaluwalhatian ang balabal mo;

Nababalot ng liwanag na waring isang damit;

Inilatag mo ang kalangitan na waring isang tolda. (Salmo 104: 1-2)

Page 14: Banal Na Oras 2009

N: Diyos ko, ikaw ang kabuuan ng liwanag.

Si Kristo ang nagbunyag ng kabuuang ito

at ipinakita sa amin.

Bilang mga anak ng liwanag,

tinawag kami upang ipaalam sa daigdig ang kahalagahan nito,

upang ang mga silahis ng liwanag ay makita at madama.

L: Ako ang liwanag ng mundo. Magkakaroon ng liwanag ng buhay

ang sumusunod sa akin at hinding-hindi lalakad sa karimlan. (Jn 8:12)

N: Bilang isang bayan, hinahanap natin ang katotohanan,

ayaw nating mabuhay sa kasinungalingan.

Ang mga kabataan natin ang "mga katiyakan ng umaga".

Para sa kanila ang Eukaristiya ay mananatiling araw

na nagbibigay liwanag at init sa kanilang buhay.

Sa Eukaristiya nakakatagpo ka nila na siyang buhay.

Sa Eukaristiya hindi lamang ang tao ang naghahanap sa Diyos,

ang Diyos rin ay naghahanap at naghihintay sa tao.

L: Isang bagay lamang ang hinihiling ko sa Panginoon,

ito ang hinahanap-hanap ko sa kanya , na makapanirahan ako sa

bahay ng Panginoon sa lahat ng araw ng buhay ko

upang masdan ang karilagan rig Panginoon

at pagnilay-nilayin ang kanyang templo. (Salmo 27:4)

N: Sa Eukaristiya, ipinaalaala mo sa amin na igalang, ipaglaban,

mahalin at paglingkuran ang buhay ng tao.

Ang Eukaristiya, Tinapay ng Buhay na walang hanggan,

ay umaakay sa amin upang ipahayag na ang buhay ay banal,

sagrado mula sa paglilihi hanggang sa huling hininga ng buhay.

L: Ipakita mo sa akin ang landas ng buhay,

ang ganap na kagalakan sa harap mo

walang hanggang kaligayahan

sa kanang kamay mo. (Salmo 16: 11)

Page 15: Banal Na Oras 2009

N: Tayo ang tagapamahala ng lahat ng nilikha ng Diyos.

Tinanggap natin ito bilang isang alaala

at tungkuling alagaan, ipagtanggol, pagyamanin at mahalin.

L: Ama, ang lahat ng bagay ay ginawa mo.

Lahat ng panahon at kapanahunan ay sumusunod sa iyong batas.

Pinili mo na likhain ang tao na kalarawan mo.

Kahanga-hanga ang iyong kabutihan.

Ginawa mo ang taong tagapamahala ng lahat ng iyong nilikha

upang magpuri sa iyo araw-araw

dahil sa kagilagilalas mong karunungan at kapangyarihan.

(Ilang saglit na katahimikan at pagninilay tapos ay aawit ang lahat sa

pangunguna ng koro.)

AWIT: Panginoon, Aking Tanglaw

O kaya’y Huwag kang Mangamba

1. Panginoon, aking Tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan.

Sa panganib, ingatan ako, ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo.

KORO:

Ang tawag ko'y 'Yong pakinggan, lingapin Mo at

kahabagan.

2. Anyaya Mo'y lumapit sa 'Yo. H'wag magkubli, h'wag Kang magtago.

Sa bawa't sulok ng mundo, ang lingkod Mo'y hahanap sa 'Yo. (KORO)

3. Panginoon, aking Tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan.

Sa masama, ilayo Mo ako, ang sugo Mong umiibig sa 'Yo.

Ang Eukaristiya ay Sinasamahan Tayo sa Ating Paglalakbay

N: Ang Simbahan ay isang sambayanang naglalakbay. Sa Eukaristiya

natatagpuan niya ang pagkaing nagbibigay lakas at buhay sa kanyang

paglalakbay. Nalalaman niya na ang Eukaristiya ang daan patungo sa

kaharian ng Ama. Ipinagdiriwang ng Simbahan ang alaala ng pagkamatay at

muling pagkabuhay ng Panginoon habang nakatuon ang pananaw sa Linggo

ng walang katapusang pahinga.

(Ilang saglit na katahimikan at pagninilay)

Page 16: Banal Na Oras 2009

Pupunta ang IKATLONG tagabasa sa AMBO para sa Pagbasa. Uupo ang

sambayanan.

PAGBASA:

Ang Salita ng Diyos mula sa Sulat ni San Pablo sa mga Hebreo

(11:13-16)

Kaya’t pumunta tayo sa kanya sa labas ng bayan at magbata rin ng

kadustaang kanyang tiniis. Sapagkat hindi rito sa lupa ang palagiang bayan

natin, at ang hinahanap nati’y ang baying masusumpungan sa panahong

darating. Kaya’t lagi tayong maghandog ng hain ng pagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus - pagpupuring nagpapahayag n gating pagkilala sa

kanyang pangalan. At huwag nating kakigtaan ang paggawa ng mabuti at

ang pagtulong sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos

L: Salamat sa Diyos.

(Ilang Saglit na Pagninilay, mananatiling nakaupo.)

N: Ang buhay ay isang banal na paglalakbay.

Ito ay patuloy sa pagsisimula at pagtatapos,

ng pagtatanim at paggapas,

ng pagkakasundo at pag-aalitan,

ng pag-aayos at tuloy-tuloy na pagsulong.

L: Amang makapangyarihan

at Diyos na walang kamatayan,

kami ay palagiang nagpapasalamat

at nagpupuri sa iyo sa pamamagitan

ni Jesukristong aming Panginoon.

N: Ang buhay ay tinatawag ako, Panginoon.

Puno ng pangako, maraming pakikipagsapalaran at mga pagkakataon.

Ang bukas ay kumakaway at nag-aanyaya.

L: Ama, ang lahat ng bagay ay ginawa mo.

Lahat ng panahon at kapanahunan ay sumusunod sa batas mo.

Pinili mong likhain ang tao na kawangis at kalarawan mo.

Page 17: Banal Na Oras 2009

Kahanga-hanga ka sa iyong kabutihan.

Ginawa mo ang taong tagapamahala ng lahat

ng iyong nilikha upang magpuri sa iyo araw-araw

dahil sa iyong kagilagilalas na karunungan at kapangyarihan.

N: Papailanlang ako sa himpapawid

katulad ng isang agila.

Aakyatin ko ang pinakamataas na bundok.

Lalanguyin ang pinakamalawak na karagatan.

Magiging pinakamagaling sa aking larangan.

Magsusumikap na matamo ang lahat ng tagumpay.

L: Pinagbago mo ang aming espiritu.

Binigyan mo kami ng lakas upang linisin

ang aming mga puso, pigilin ang mga pagnanasa

at malaya kang paglingkuran.

Tinuruan mo kaming mamuhay

sa isang daigdig na lumilipas samantalang nakatuon

ang puso sa pupuntahang daigdig na walang hanggan.

N: Nais kong tumaas na mataas

sa ibabaw ng aking lungsod,

sa kaitaasan ng aking daigdig, sa tugatog ng aking panahan.

L: Isang bukang liwayway

ang dumating dahil sa iyo.

Ang paghahari ng kasalanan ay napawi.

Ang daigdig na winasak ay nabuo at nagbago.

At sinilang ang bagong tao.

Sabay-sabay:

Makapangyarihang Ama, ang buhay na Diyos,

kami ay patuloy at laging nagpapasalamat sa Iyo

sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Page 18: Banal Na Oras 2009

Ang galak sa muli mong pagkabuhay ay pinagbago ang buong

daigdig samantalang ang koro ng kalangitan ay umaawit ng

pagpupuri sa iyong kapurihan.

(Ilang saglit na katahimikan)

N: Ang Dulo ng Ating Paglalakbay

Pambungad na Salita:

Sa ating banal na paglalakbay patungo sa kaharian ng Diyos, patuloy ang

pag-aalay sa Diyos ng bunga ng pawis at gawa ng mga kamay samantalang

tinatanggap natin mula sa Diyos ang Katawan at Dugo ni Hesus. Sa pagitan

ng pagbibigay at pagtanggap, patuloy naman ang pag-ikot ng gulong ng

buhay mula sa pagpasok sa unang paaralan, unang trabaho, pagpupundar at

pag-iipon, pagtatayo ng pangalan, pagbuo ng pamilya at hindi napapansin na

sa pagdaraan ng araw, ang mga pagsasamasama ay nagiging paghihiwa-

hiwalay, ang pagbubuo ay nagiging pagbibitiw at ang kamusta ay nagiging

paalam.

Sabay-sabay:

Ama namin, inaalagaan mo ang mga nilikha mo.

Linisin mo kami. Aliwin mo kami sa aming kalungkutan

at dalhin kami sa buhay na walang hanggan.

N: Tumatanda na ako, Panginoon.

Pahirap ang buhay. Ang tuhod at daliri ay naninigas na,

ang mga binti ay namimigat. Ang mga kamay ay nanginginig

at ang mga mata ay nanlalabo na.

L: Sa iyong kapangyarihan

bigyan mo kami ng lakas ng buhay.

Sa iyong kabutihang-loob naghahari ka sa aming buhay.

Sa iyong salita nakalaya kami sa aming mga kasalanan.

N: Tumatanda na ako, Panginoon. Makakalimutin na.

Hindi ko na matandaan ang mga 'mukha at pangalan,

Page 19: Banal Na Oras 2009

at maging ang mga araw.

L: Ama, inangkin ng iyong Salitang,

walang-hanggan ang aming mga kasalanan at kahinaan.

Binibigyan niya ang aming buhay ng bagong kahulugan.

Kahanga-hanga ang pagkakaisa ng lumikha at nilikha

na sa pamamagitan ni Kristo ibinalik ng Tao sa tao

ang pangakong buhay na walang hanggan.

N: Ang aking daigdig ay lumiliit.

Ang mga kaibigan at mahal sa buhay

ay nawawala na at pumunta na sa kabilang ibayo.

Ang natitira na lang ay mga alaala

at kahit na ang mga ito ay lumalabo na.

L: Sa kanyang nabuhay na magmuli,

ang pag-asa ng muling pagkabuhay ay dumating na.

Ang kalungkutan ng kamatayan ay nahawi at binigyan daan

ang pangako ng buhay na walang hanggan.

(Ilang saglit na katahimikan, pagkatapos ay aawit ang lahat. Nakaupo)

AWIT: Kahanga-hanga (o kaya’y Sino Ako)

KORO1:

Kahanga-hanga ang Iyong pangalan, O Panginoon, sa sangkalupaan

Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan sa buong kalangitan

1. Pinagmamasdan ko ang langit na gawa ng 'Yong mga kamay.

Ang buwan at mga bituin na sa langit ‘yong inilagay. (KORO)

2. O sino kaya siyang tao na Iyong pinagmamasdan?

Ginawa Mong anghel ang katulad, pinuno Mo ng karangalan. (KORO)

3. Malayo man ang tao sa lupa, sakupin man niya ang buwan.

Ikutin man ang kalangitan; ang D'yos rin ang dinadatnan. (KORO)

KORO2:

Kahanga-hanga ang Iyong pangalan, O Panginoon, sa sangkalupaan

Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan sa buong kalangitan

Page 20: Banal Na Oras 2009

(Nananatiling nakaupo ang lahat.)

Sabay-sabay:

Nasa kalangitan naman ang ating pagkamamamayan,

duon din manggagaling si Jesukristong hinihintay

nating manunubos. (Filipo 3:20)

Ang Eukaristiya, misteryo ng komunyon, lunduyan ng buhay ng

Simbahan

N: Sa pagsasalo sa hapag kainan ng buhay,

nagbibidahan ng mga kwento ng buhay natin,

nagbabahaginan ng mga pangarap

at nagpapahayag ng ating buhay at kapanahunan.

L: Sa pagdiriwang ng misteryo ng pag-ibig ni Kristo,

aminin ang ating mga pagkukulang at hingin

sa Panginoon ang kanyang patawad at lakas.'

N: Sabay-sabay tayong kumakain

at sama-samang nagdiriwang ng ating mga ligaya,

tagumpay, galak at kalusugan.

L: Panginoong Diyos na nasa langit,

makapangyarihang Diyos at Ama, sinasamba ka namin.

Pinasasalamatan at pinapupurihan ka sa iyong kaluwalhatian.

N: Nag-iinuman sa mga kopa ng ating mga sakit,

idinaraing sa isa't isa ang mga dalamhati,

pinapahid ang mga luha, at pinagagaling ang sugat ng damdamin.

lpinagluluksa ang mga nawala sa atin.

L: Nawa ang lahat ng nagsasalu-salo sa Katawan at Dugo

ni Kristo ay magkaisa sa Banal na Espiritu.

N: Pinalalakas ang bawat isa.

Page 21: Banal Na Oras 2009

lpinahahayag ang ating mga pasasalamat.

Pinatatatag ang ating pagkakaisa

at tayo ay nagiging isang sambayanan.

L: Panginoong Jesus,

hinihingi naming tanggapin mo

at nawa masiyahan ka

sa pagpapakasakit na iniaalay namin

ng buong pagkukumbaba

at nagsisising puso.

N: Bilang isang nagkakaisang sambayanan

sa altar ng buhay kami ay nagiging tinapay na kinuha,

pinagpala, pinaghati-hati, at ibinahagi.

L: Ama, dumudulog kami sa iyo kasama

ang aming pagpupuri at pasasalamat

sa pamamagitan ni Hesukristo na iyong anak.

Sa pamamagitan niya hinihingi naming

tanggapin at pagpalain mo

ang mga alaalang ito ng aming pasakit.

N: Nang gabing ipinagkanulo si Hesus,

samantalang sila ay naghahapunan,

kinuha niya ang tinapay, nagpasalamat

at pinagpirapiraso niya ita at sinabi,

"ito ang aking katawan na ipinauubaya

dahil sa inyo, gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin."

L: (Awitin kung maaari)

Si Kristo'y namatay,

Si Kristo'y nabuhay,

Si Kristo'y babalik sa wakas ng panahon.

N: Gayundin naman, kinuha niya ang kalis,

Page 22: Banal Na Oras 2009

nagpasalamat siya, at sinabi,

"Kunin ninyo ita at inumin, ito ang kalis ng aking dugo,

ang dugo ng bago at walang hanggang tipan,

ang dugong dadaloy para sa inyo at para sa lahat

sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin."

L: Sa kanyang pagkamatay nilupig niya ang kamatayan,

sa kanyang muling pagkabuhay ibinalik niya ang buhay.

Panginoong Hesus, halina sa iyong kaluwalhatian.

(Magsisiluhod ang lahat.)

PANALANGIN NG PAPURI

N: Katawan ni Kristo ipinanganak ng Birhen Maria:

L: Luwalhati at papuri’y sa ‘yo magpakailanman.

N. Katawan ni Kristo, nagpakasakit sa krus:

L: Luwalhati at papuri’y sa ‘yo magpakailanman.

N: Katawan ni Kristo, nabuhay na mag-muli:

L: Luwalhati at papuri’y sa ‘yo magpakailanman.

N: - Dugo ni Kristo, kabayaran para sa aming kaligtasan:

L: Luwalhati at papuri’y sa ‘yo magpakailanman.

N: Dugo ni Kristo, tanda ng bagong Tipan:

L: Luwalhati at papuri’y sa ‘yo magpakailanman.

N: Dugo ni Kristo, inuming nagbibigay buhay na walang hanggan:

L: Luwalhati at papuri’y sa ‘yo magpakailanman.

N: Puso ni Kristo, pinaglagusan ng sibat:

L: Luwalhati at papuri’y sa ‘yo magpakailanman.

N: Puso ni Kristo, puno ng awa:

L: Luwalhati at papuri’y sa ‘yo magpakailanman.

Page 23: Banal Na Oras 2009

N: Puso ni Kristo, bukal ng pag-ibig:

L: Luwalhati at papuri’y sa ‘yo magpakailanman.

N: Tinapay na nagbibigay buhay mula sa langit:

L: Luwalhati at papuri’y sa ‘yo magpakailanman.

N: Buhay na Salita ng Ama:

L: Iligtas mo kami

N: Tagapagbigay ng Banal na Espiritu:

L: Iligtas mo kami

N: Kabiyak ng Banal na Simbahan:

L: Iligtas mo kami

N: Manunubos ng sanlibutan:

L: Iligtas mo kami

N: Kaibigan ng mga kabataan at mga dukha:

L: Iligtas mo kami

N: Sa inyong muling pagbabalik:

L: Iligtas mo kami

Pangwakas na Awit:

O Kristong Haring Marangal o kaya’y Isang Bansa

(Kung may natitira pang oras pagkatapos ng mga panalangin, lahat ay

sasamba ng TAHIMIK.)