14
Banghay-Aralin sa Filipino 9- Integrasyon ng ICT ARALIN 2.2 Ang Hatol ng Kuneho Unang Araw TUKLASIN I. Kasanayang Pampagkatuto Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Naipadarama ang pag-unawa sa damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan; b. Nauunawaan ang pabula ng Silangang Asya. c. Nabibigyang-halaga ang pagsunod sa magulang at pagiging mabuti sa lahat ng oras. II. A. Paksang-Aralin: Paksa Panitikan : Ang Hatol ng Kuneho Pabula - Korea Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat Gramatika/ Retorika : Modal: Gamit bilang Malapandiwa, bilang Panuring, Mga Uri nito: nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto, sapilitang pagpapatupad, hinihinging mangyari, at nagsasaad ng posibilidad) Uri ng Teksto : Nagsasalaysay Sangguniang Aklat : Panitikang Asyano 9, pp. 108-113 Kagamitan : Video clip, LCD projector, laptop, speaker Kasanayan : Nalilinang ang kasanayan sa pag-unawa sa napakinggan at nabasang dayalogo. Konsepto : Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang.Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay pangaral.Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga 1

Banghay 5-8 Aralin 2.2 Pabula Ng Korea

Embed Size (px)

DESCRIPTION

sample plan

Citation preview

Banghay-Aralin sa Filipino 9- Integrasyon ng ICT

ARALIN 2.2

Ang Hatol ng Kuneho Unang Araw

TUKLASIN

I. Kasanayang Pampagkatuto

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naipadarama ang pag-unawa sa damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan;

b. Nauunawaan ang pabula ng Silangang Asya.c. Nabibigyang-halaga ang pagsunod sa magulang at pagiging mabuti sa lahat ng oras.

II. A. Paksang-Aralin:

Paksa

Panitikan

: Ang Hatol ng Kuneho

Pabula - Korea Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Gramatika/ Retorika : Modal: Gamit bilang Malapandiwa, bilang Panuring,

Mga Uri nito:

nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto, sapilitang pagpapatupad, hinihinging mangyari, at nagsasaad ng posibilidad)

Uri ng Teksto

: Nagsasalaysay

Sangguniang Aklat: Panitikang Asyano 9, pp. 108-113 Kagamitan

:Video clip, LCD projector, laptop, speaker Kasanayan

: Nalilinang ang kasanayan sa pag-unawa sa

napakinggan at nabasang dayalogo. Konsepto

: Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang.Karaniwang isinasalaysay

sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay pangaral.Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian at pag-uugali ng tao.Ang modal ay tinatawag na malapandiwa. Ginagamit ito na pantulong sa pandiwang nasa panaganong pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag binanghay o walang aspekto.

III. Yugto ng Pagkatuto:

A. Panimulang Gawain:

Pagdarasal, Pagbati, Pagtatala ng liban, pagpapanatili ng kalinisan, Malayang Pagsasalita

B. Pagganyak: ALIGN THE STARS

Papangkatin ang klase sa anim na may katumbas na kulay (asul, lila, berde, dilaw, pula at dalandan). Ang bawat pangkat ay mag-uunahan makasagot ng pamagat na pabula na pahuhulaang aral ng guro. Kapag nakasagot ng pabula ay may pagkakataon mamili ng letra/titik at itoy may katumbas na kulay ng nakasagot na pangkat. Ang unang pangkat na makabuo ng apat na magkakatabi na bituin ay siyang magwawagi.

halimbawa

1. Huwag maliitin ang kakayahan ng isang tao batay sa kanyang anyo o laki, maliit ka man hindi ibig sabihin nito na limitado lang ang maari mong gawin.- Ang Daga at Leon

2. Huwag maging mayabang sa ating kapwa bagkus ay maging mapagkumbaba. Huwag mangmaliit ng kakayahan ng iyong kapwa- Ang Agila at Maya

3. naunahan ng pagong ang kuneho dahil sa kanyang matiyaga at patuloy na paglalakad- Ang Pagong at Kuneho.4. IGUHIT MO (mabilisang pagguhit)

1. Mula sa mga tauhan sa mga pabulang nabanggit at nabasa mo, gumuhit ng isang hayop na sumisimbulo sa iyong pagkatao.

2. Ipaliwanag ang dahilan sa napiling hayop. ( Pangkatang pagpapaliwanag)

C. Paglalahad/Pagtalakay 1. Pakikinig: Ang Pasaway na Palaka

Si Unggoy at si Paru-paro2. Pagbibigay reaksyon sa mga katangian ng tauhan sa pabula.

D. Pangkatang Gawain:

Gawain 1: Isulat ang mga kaisipang may kaugnayan sa salitang pabula batay sa pabulang napakinggan.

Gawain 2: Isa-isahin ang positibo at negatibong katangian ng mga tauhan.Gawain 3: Pangangatwiran

Bakit hayop ang ginamit na tauhan sa kwento?Ang isang dahilan ay ang mga hayop ay may kanya-kanyang likas na katangian na madaling isalarawan upang mas maging malinaw ang paglalahad ng kuwento. Mga katangian na tulad ng pagiging maamo (tupa), mabagsik (lobo), masipag (langgam), tuso (alamid) at marami pang iba.

Ang isa pang dahilan ay noong unang panahon ay magkakasama ang mga tao bagamat sila ay mula sa iba't-ibang lipi at antas ng lipunan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan sa pabula ay naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga tao sa maaaring maging maling pag-aakala na ang kanilang lipi, o antas sa lipunan, ang tinatalakay at pinupuna pabula,

E. Pagkuha ng feedback sa mga mag-aaral.Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kanilang sariling paliwanag tungkol sa pabula at maaaring pinagmulan nito. F. Pagbibigay ng input ng guro.

Ang pabula o tinatawag ding kathang isip ay itinuturing na isa sa pinakamatandang anyo ng panitikan. Ito ay karaniwang isinasalaysay o ikinukwento sa mga bata upang mapalawak o mapamulat sa kanila ang magagandang asal. Kahit sa kabila nito, ang pabula ay likha lamang ng guniguni ng isang manunulat. Hindi totoong nangyari at hindi maaring mangyari. Piniling mga tauhan ang mga hayop dahil dito mas lalong maiintindihan o maisasalarawan ang aral na nais maipabatid sa mga bata. Giliw sila at interesado sa mga hayop kaya ito ang mga pangunahing ginagamit na tauhan. Ang pabula ay karaniwang nagwawakas sa isang mabuting aral o salawikain.ARALIN 2.2

Ang Hatol ng Kuneho

Ikalawang arawLINANGIN

I. Kasanayang Pampagkatuto

Layunin:Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng mga tauhan na parang mga taong nagsasalita at kumikilos.

b. Naisusulat ang paglalarawan ng mga hayop na ginamit sa mga pabula.

II. Paksang-Aralin:

Paksa

Panitikan

: Ang Hatol ng Kuneho

Pabula - Korea Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Gramatika/ Retorika : Modal: Gamit bilang Malapandiwa, bilang Panuring,

Mga Uri nito:

nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto, sapilitang pagpapatupad, hinihinging mangyari, at nagsasaad ng posibilidad)

Uri ng Teksto

: Nagsasalaysay

Sangguniang Aklat: Panitikang Asyano 9, pp. 108-113

Kagamitan

:Video clip, LCD projector, laptop, speaker, puppet

Kasanayan

: Nalilinang ang kasanayan sa pag-unawa sa

napakinggan at nabasang dayalogo.

Konsepto

: Ang pabula ay isang maikling kuwentong

kathang-isip lamang.Karaniwang isinasalaysay

sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay pangaral.Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian at pag-uugali ng tao.Ang modal ay tinatawag na malapandiwa. Ginagamit ito na pantulong sa pandiwang nasa panaganong pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag binanghay o walang aspekto.

II. Yugto ng Pagkatuto:

A. Panimulang Gawain:

Pagdarasal, Pagbati, Pagtatala ng liban, pagpapanatili ng kalinisan, Malayang Pagsasalita

B. Pagbabalik-aral : Pagtatanong ng guro C. Pagganyak

Bawat pangkat ay iisip ng tunog ng isang hayop at kanila itong gagayahin. (hal. Aw-aw-ASO, meow- PUSA atbp)Magsasalita ang guro gamit ang ilang pahayag at ang hayop na napili ng pangkat. Kinakailangan na banggitin ng buong pangkat ang tunog ng hayop kapag narinig ang kanilang napiling hayop.

Ang susi nakatago,

Kung saan di ko piho Kung sakaling na sa yo Akin na gagamitin ko

Na sa iyo ba aso? (tugon ng pangkat aso: aw-aw),Baka naman na kay pusa (meow-meow)

Ah na sayo pala manok. (kokok-kokok)

D. PANITIKAN

1. Pangkatang Gawain

Magsasagawa ang bawat grupo ng isang puppet show tungkol sa itatakdang bahagi sa pabulang pinamagatang Ang Hatol ng Kuneho mula sa Korea na isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat . Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng limang(5) minuto sa paghahanda at pagtalakay.Pangkat 1: Pagkahulog ng tigre sa napakailalim na hukay at paghingi nito ng tulong.

Pangkat 2: Pagtulong ng lalaki sa tigre

Pangkat 3: Ang hatol ng puno ng Pino

Pangkat 4: Ang hatol ng baka

Pangkat 5: Ang hatol ng kuneho

2. Ayusin ang mga larawan batay sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pabula. Gagamitin ng mag-aaral ang laptop ng guro sa pagsasaayos nito.

1 2

3

4

5

3. Paglalarawan sa katangian ng ginampanan ng bawat tauhan sa pabula. Sasagutin ng mag-aaral ang talahanayan .

4. Input ng guro at mag-aaral5. Gawain: Ipababasa ang pabulang pinamagatang Nagkamali ng Utos mula sa Pilipinas.6. Gawain: Story Ladder

http://image.slidesharecdn.com/filipinoteachersguide2-140225183335-phpapp02/95/filipino-teachers-guide2-34-638.jpg?cb=1393374934

Isulat ang mahahalagang pangyayari sa pabulang Nagkamali Ang Utos. Sagutin ang gabay na tanong.

GRAMATIKA

1. Tatalakayin ang modal bilang malapandiwa at panuring sa pandiwa.Ang modal ay tinatawag na malapandiwa. Ginagamit ang mga ito na pantulong sa pandiwang na nasa panaganong pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag binanghay o walang aspekto. Mga Halimbawa: ibig, nais, gusto, kailangan

Gamit ng modal:

1. Bilang malapandiwa

Gusto niyang makaahon sa hukay.

Ibig ng puno at ng baka na kainin ng tigre ang tao.

(Ang gusto at ibig ay ginamit bilang malapandiwa subalit di tulad ng ganap na pandiwa wala itong aspekto.)

2.Bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa

Gusto niyang maglakbay muli.

(Ang salitang gusto ay nagbibigay turing sa salitang maglakbayna isang pandiwang nasa anyong pawatas. )

Ibig ng kuneho na makita ang hukay kung saan nahulog ang tigre.

(Ang salitang ibig ay modal na nagbibigay turing sa salitan makita na isang pawatas.)

Narito ang mga uri:

1. Nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto Mga Halimbawa: Gusto kong mamitas ng bayabas. Ibig kong matupad mo ang iyong pangarap sa buhay.

2. Sapilitang pagpapatupad Halimbawa: Dapat sundin ang sampung utos ng Panginoon.

3. Hinihinging mangyari Halimbawa: Kailangan mong magpursigi sa iyong pag-aaral.

4. Nagsasaad ng posibilidad Halimbawa: Maaari ka bang makausap mamaya? Puwede kang umasenso sa buhay.

2. Pagsasanay 1 : hahalawin ng mga mag-aaral ang mga modal na ginamit sa pabulang Nagkamali ang Utos, at kikilalanin nila kung paano ito ginamit.

3. Pagsasanay 2. Magpasulat ng isang batas o panukala. na nais ng mag-aaral na ipatupad sa bawat isyung panlipunan.

IV. Takdang- Aralin: Gagawing shout out sa twitter o facebook ang nagawang panukala o batas. Ang bawat mag-aaral ay kinakailangang gumamit ng modal. Sisiguraduhin ng guro na maayos , may mabuting layon ang nasabing batas o panukala.

Ikatlong Araw

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

I. Kasanayang Pampagkatuto

Layunin:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nasasaliksik ang ibatt ibang tauhang hayop na ginagamit sa mga tanyag na pabula sa Korea.

b. Naibabahagi ang katangian ng mga hayop na ginamit sa pabula;II. Paksang Aralin

Paksa

Panitikan

: Ang Hatol ng Kuneho

Pabula - Korea Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Gramatika/ Retorika : Modal: Gamit bilang Malapandiwa, bilang Panuring,

Mga Uri nito:

nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto, sapilitang pagpapatupad, hinihinging mangyari, at nagsasaad ng posibilidad)

Uri ng Teksto

: Nagsasalaysay

Sangguniang Aklat: Panitikang Asyano 9, pp. 108-113

Kagamitan

:Video clip, LCD projector, laptop, speaker, Kasanayan

: Nalilinang ang kasanayan sa pag-unawa sa

napakinggan at nabasang dayalogo.

Konsepto

: Ang pabula ay isang maikling kuwentong

kathang-isip lamang.Karaniwang isinasalaysay

sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay pangaral.Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian at pag-uugali ng tao.Ang modal ay tinatawag na malapandiwa. Ginagamit ito na pantulong sa pandiwang nasa panaganong pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag binanghay o walang aspekto.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain:

Pagdarasal, Pagbati, Pagtatala ng liban, pagpapanatili ng kalinisan, Malayang Pagsasalita

B. Pagbabalik-aral : Pagtatanong ng guro

C. Pagganyak: AKO PET Magpapakita ang guro ng larawan ng mga hayop at itatanong sa mga mag-aaral ang katangian nito. Sisikapin ng mag-aaral na sulatan ng katangian ang larawan ng ilang hayop sa ppt presentation ng guro..

D.Pagtatalakay

1. Pangkatang Gawain

Magsasagawa ang bawat grupo ng masining na pag-uulat ng kanilang nasaliksik na impormasyon na nagmula sa internet o aklatan tungkol sa iba pang hayop na kadalasang ginagamit ng mga taga-Korea sa kanilang pabula.

2. Input ng guro

3. Pagsagot sa ilang katanungan at pagtalakay.

a. Batay sa iyong nasaliksik at napag-aralan, may pagkakaiba ba ang katangian ng mga hayop na ginamit sa pabula ng Korea at ng Pilipinas?

b.. Masasabi bang ang mga katangian na taglay ng mga hayop na tauhan sa pabula ay sumasalamin sa mga katangian ng mga tao sa bansang kanilang pinagmulan? Ipaliwanag. c. Bakit mahalaga ang pabula?Ikaapat na Araw

ILIPATI. Kasanayang PampagkatutoLayunin:

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Naisusulat paglalarawan ng mga hayop na ginamit sa mga pabula;

B. Nabibigyang-halaga ang pagpapakatao.

II. Paksang-Aralin:

Paksa

Panitikan

: Ang Hatol ng Kuneho

Pabula - Korea Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Gramatika/ Retorika : Modal: Gamit bilang Malapandiwa, bilang Panuring,

Mga Uri nito:

nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto, sapilitang pagpapatupad, hinihinging mangyari, at nagsasaad ng posibilidad)

Uri ng Teksto

: Nagsasalaysay

Sangguniang Aklat: Panitikang Asyano 9, pp. 108-113

Kagamitan

:Video clip, LCD projector, laptop, speaker, Kasanayan:Nalilinang ang kasanayan sa pagsusulat

at paglalarawan gamit ang katangian ng hayop. Konsepto

: Ang pabula ay isang maikling kuwentong

kathang-isip lamang.Karaniwang isinasalaysay

sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay pangaral.Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian at pag-uugali ng tao.Ang modal ay tinatawag na malapandiwa. Ginagamit ito na pantulong sa pandiwang nasa panaganong pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi nagbabago, limitado kapag binanghay o walang aspekto.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain:

Pagdarasal, Pagbati, Pagtatala ng liban, pagpapanatili ng kalinisan, Malayang Pagsasalita

B. Pagbabalik-aral

1. Ano ang paksa ng pabulang tinalakay kahapon?

2. Paano nagkakaiba ang katangian ng mga hayop na ginamit sa pabula ng Korea at ng Pilipinas?

C. Pagganyak

1. Pagpapakita o pagpapanood ng isang pelikulang ang tauhan ay mga hayop (Gamitin ang palabas na RIO o Madagascar)

2. Batay sa napanood, ibigay o ilarawan ang mga hayop at katangian nito na inyong hinangaan.

D. Gawain

G- Makapagsusulat at makapagsusuri ng mahusay na pabula.

R- Pagganap ng mga mag-aaral bilang isang emplayado ng Human Resource Department

A- Guro at iba pang mag-aaral

S- Isa kang pinuno ng isang kompanya. Magdaraos ka ng Team Building Workshop upang mapaunlad ang pagkakaisa sa loob ng kompanya. Magsasagawa ka ng pangkatang pagsulat ng pabula bilang isa sa inyong Gawain. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang hayop na sumisimbulo sa kanilang pagkatao.

P- Pangkatang pagsulat ng pabula

S- a. Orihinalidad.......................................................25 %

b. Pagiging malikhain .......................................... 25 %

c. Pagkakabuo ng kuwento.................................. 25 %

d. Malinaw na pagkakalahad ng mensahe ...........25%

Kabuuan ...................................................... 100 %

Takdang-aralin:

1. Basahin ang sanaysay ng Taiwan na Ang Kababaihan ng Taiwan na salin ni Shiela C. Molina sa pahina 116-127.

2. Magsaliksik sa pagkakaiba at pagkakatulad ng kababaihan ng Taiwan at Pilipinas.

1

Continue

Align The Stars