5
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO III Agosto 24, 2010 4:00-5:00 Topaz I. MGA LAYUNIN 1. Nailalarawan ang mga tauhan sa kuwento. 2. Naisa-isa ang mga mahalagang pangyayari na napapaloob sa akda. 3. Naihahambing ng mga mag-aaral ang mga kaugalian sa tao at kaugalian sa mga hayop. II. PAKSANG ARALIN Paksa : Ang Magulang ay Magulang Kagamitan : 1. Gintong Pamana wika at Panitikan II, Pahina 3-5 2. Manila Paper III. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Pangganyak Magandang hapon sa inyong lahat. Kumusta naman ang araw niyo? Dapat lang nasa mabuti parati. Alam niyo, kaninang umaga habang ako ay papunta ditto sa paaralan may nakita akong ibon, napakagandang ibon at saka mabait pa. Nasasabi kung mabait kasi dnalhan at pinakain niya ang kanyang anak. Napaisip ako sana naging ibon nalang ako kasi kung titingnan mo sila parang wala silang problema. Hindi katulad ng buhay natin puno ng problema. Ngayon kung kayo ay naging hayop, anoong uri ngg hayop kaya kayo at bakit? Magandang hapon din sayo ma’am. Mabuti naman ma’am. (Ang mga mag-aaral ay magbigay ng sagot.)

banghay aralin Fil 101

Embed Size (px)

Citation preview

MASUSING BANGHAY-ARALINSA

FILIPINO III

Agosto 24, 2010 4:00-5:00 Topaz

I. MGA LAYUNIN1. Nailalarawan ang mga tauhan sa kuwento.2. Naisa-isa ang mga mahalagang pangyayari na napapaloob sa akda.3. Naihahambing ng mga mag-aaral ang mga kaugalian sa tao at kaugalian sa mga

hayop.

II. PAKSANG ARALINPaksa : Ang Magulang ay MagulangKagamitan : 1. Gintong Pamana wika at Panitikan II, Pahina 3-5

2. Manila Paper

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaralA. Pangganyak

Magandang hapon sa inyong lahat. Kumusta naman ang araw niyo?

Dapat lang nasa mabuti parati.

Alam niyo, kaninang umaga habang ako ay papunta ditto sa paaralan may nakita akong ibon, napakagandang ibon at saka mabait pa. Nasasabi kung mabait kasi dnalhan at pinakain niya ang kanyang anak. Napaisip ako sana naging ibon nalang ako kasi kung titingnan mo sila parang wala silang problema. Hindi katulad ng buhay natin puno ng problema.

Ngayon kung kayo ay naging hayop, anoong uri ngg hayop kaya kayo at bakit?

Anong magaganda at masasamang katangian ang inyong nakita sa sarili kung kaya’t napili ninyong ihalintulad ang sarili sa napiling hayop? Ibahagi ito sa klase.

May mga nabasa ba kayo o nalalamang mga kuwento na ang mga tauhan ay mga hayop? Ano ang tawag natin sa mga kuwentong ito?

Ano ba ang ibig sabihin ng Pabula?

Kayo ba ay mahilig magbasa ng mga pabula? Bakit?

Magandang hapon din sayo ma’am.Mabuti naman ma’am.

(Ang mga mag-aaral ay magbigay ng sagot.)

Opo Ma’am.Ito ay tinatawag na pabula.

Ang Pabula ay isang uri ng kwento kung saan ang mga gumaganap ay mga hayop. Ang kwento ng isang pabula ay naglalaman ng mga moral lessons.

Opo Ma’am. Kasi ito ay nagbibigay aliw sa akin dahil mga hayop ang tauhan at marami tayong makukuha na mga moral lessons.

Iba’t iba ang tinuran ninyo sa tanong na ibinigay ko kaya atingv alamin kung alin sa mga ito ang higit na makabuluhan. Sa pagkakataong ito bsahin natin ang isang halimbaw ng kwentong ang mga tauhan din ay mga hayop at pansinin natin ang katangiang mayroon sila at ang inihatd na mensahe ng kwento.

B. Paghahawan ng SagabalHabang nagbabasa kayo ay suriin din

ninyo and salitang hindi gaanong nauunawaan. At isulat ninyo ito sa inyong kwaderno.

Suriin natin ang mga salitang nailista ninyo. Basahin uli ang mga pangungusap kung saan ginamit ang mga salitang ito. Tingnan kung mahihinuha ang mga kahulugan ng mga salita, gamitin ang mga ito sa pangungusap.

C. Paglalahad Pagpapabuo ng mga estudyante sa

graphic organizer batay sa pabulang binasa at pagpapakita nito sa klase.

Ngayong nabasa na ninyo ang kwento ay punan ninyo ang happy character chart na makikitaan ng mga katangian ng mga tauhan sa kwento at pagkatapos ay ibahagi ito sa klase.

D. Pagtatalakay Pagtatalakay ng pabula gamit ang

character chart na nabuo.

Ilarawan ang mga tauhan sa inyong binasa. Ano ang mga magaganda at hindi magagandang katangian ang napansin ninyong taglay nila?

Mga salitang hindi gaanong nauunawaan.a. sutilb. sumibadc. pinagkakanlungand. nagalugade. tumutugis

Happy Character Chart

>Si Tatay Kanduli ay maalalahanin at mapagmahal na tatay.>Unang munti, Pangalawang munti at pang-apat na Munti ay mga kapwa masunurin at mababait.

Ano ang laging pinagbilin ni Tatay Kanduli sa mga anak? Bakit?

Bakit nagrebelde ang pangatlong Munti?At paano niya ipinakita ang pagrebelde sa ama?

Ano ang naging bunga nito?

Paano ipinadama ni Tatay Kanduli ang pangangalaga’t pagmamalasakit sa mga anak? Sa nagrebelden anak?

Sa kabuuan, ano ang aral na ipinaaalala sa atin ng pabulang “Ang MAgulang Ay Magulang”

Sumang-ayon ako sa sinabi ninyo na kahit magrebelde si Pangatlong Munti ay makikitaan pa rin ang kagandahang asal ang kwento na tipikal na makikita sa bawat tao.

>Pangatlong Munti ay suwail na anak.Ang laging ipinagbilin ni Tatay Kanduli sa mga anak ay huwag masyadong lalayo dahil maraming mga kaaway at kaya silang kainin nito.

Nagrebelde ang pangatlong Munti dahil pinagbawalan sila na lumayo sa kanilang pinaglaruan.Ipinakita ang pagrebelde sa pangatlong Munti sa pamamagitan ng hindi pagsunod ng mga bilin sa kanyang tatay kanduli.

Hinahabol si Pangatlong Munti sa ilang isdang matutulis ang mga ngipin. Nangakanganga at waring gutom na gutom.

Palaging pinaalalahanan niya ang kanyang mga anak na hindi lalayo sa kanilang tinitirahan dahil maraming mga kaaway na kakain sa kanila.At sa nagrebeldeng anak, hinahanap at iniligtas parin niya sa kabila ng lahat na kasal-anan niya, at minamahal parin niya ito.

Ang mga aral na ipinaaalala sa atin ng pabulang “Ang Magulang ay MAgulang” ay dapat maging masunurin tayo sa mga magulang natin, dapat hindi natin suwayin ang kanilang mga bilin lalong lalo na kung ito ay nakakabuti sa atin. At higit sa lahat ay dapat magmamamahalan ang isat-isa.

IV. EBALWASYONPagpapasagot sa mga estudyante sa

graphic organizer 2.

Panuto: Isa-isahin ang mga mahalagang pangyayari na napapaloob sa akda. Isulat ninyo ang inyong sagot sa Ice-cream cone.

ICE-CREAM CONE

V. TAKDANG ARALINMagsaliksik tungkol sa akdang “Mabangis na Lungsod” at sagutin ang sumusunod:

(Gabay Tanong:)1. Bakit pinamagatan ang akda na

“Mabangis na Lungsod’?2. Ibigay ang maikling buod ng akda.

Sanggunian:

Wika at Panitikan ( Hamaka IV) Pahina 126-128.

Pangalan : Maritess JagunosTagamasid: Gng. Zenas Boyles