25
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang (Kasaysayan ng Daigdig) Inihanda ni: Jaemie b. ancheta Iii 9 bsse Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro Daang Taft, Maynila Fakulti ng mga Ahgam Pangkaasalan at Panlipunan

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

  • Upload
    others

  • View
    195

  • Download
    16

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan

Ika-walong Baitang

(Kasaysayan ng

Daigdig)

Inihanda ni:

Jaemie b. ancheta

Iii – 9 bsse

Ang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro Daang Taft, Maynila

Fakulti ng mga Ahgam Pangkaasalan at

Panlipunan

Page 2: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

1

i. Layunin

A. Panlahat

Nasusuri ang Kabihasnang Minoan at Mycenaean.

B. Tiyak na Layunin

Sa loob ng isang oras, inaasahan ang mga mag-aaral na:

Pangkaisipan (Metacognitive)

Mapaghahambing ang Kabihasnang Minoan at

Mycenaean sa pamamagitan ng Venn diagram.

Pandamdam (Socio-Affective)

Mapahahalagahan ang mga ambag ng Kabihasnang

Minoan at Mycenaean.

Pangkakayahan (Psychomotor)

Makagagawa ng isang mini gallery batay sa natutunan

ukol sa Kabihasnang Minoan at Mycenaean.

Page 3: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

2

ii. NilalaMAN

A. Yunit:

Ikalawang Yunit: Ang Daigdig sa Klasiko at Transisyonal na Panahon

B. Modyul:

Modyul I: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikong Lipunan sa Europa.

B.1 Aralin:

Aralin I: Kabihasnang Klasiko sa Europa (Kabihasang Minoan at Mycenaean).

C. Materyales:

o Sangguniang aklat

Mateo, Grace Estela, ET. Al, “Kasaysayan ng Daigdig”. 2012

Deborah, Vess. “World History”. 2006

Perry, Marvin. “A History of the World”. 1989

Mateo, Grace Estela, et. al. “Kasaysayan ng Daaigdig – Modyul

para sa mga Mag-aaral”. 2015

o Papel (cartolina, colored paper, manila paper)

o Pentel pen

o Pictures

o Maps

o Chart

D. Pagpapahalaga

Ang kahalagahan ng pag-usbong ng Kabihasnang Minoan at Mycenaean sa

buhay mo bilang isang indibidwal at mag-aaral at bilang bahagi ng daigdig

na kinagagalawan.

Page 4: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

3

Ang kontribusyon ng mga Minoan at Mycenaean na mahalaga sa

kasalukuyang panahon.

Ang pagpapahalaga ng mag-aaral sa mga pamana mh Kabihasnang Minoan

at Mycenaean.

Page 5: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

4

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain:

A.1 Balik Aral/Balik-tanaw

”Barko ng karunungan”

Ang setting ng silid-aralan o klasrum ay magiging birtwal na barko na kung saan

ang guro ang kapitan at ang mga mag-aaral ang sakay nito.

Isasaayos ang mga upuan nang naka-U o nakapaligid sa silid-aralan. Pagkatapos

nito ay uupo na ang mga mag-aaral at magsasalita na ang guro ukol sa iba pang

panutong kakailanganin.

Larawan ng magiging ayos ng mga upuan ng

silid-aralin

Larawan ng magiging barko

Page 6: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

5

Dadalhin ng guro ang kanyang mag-aaral sa kanilang destinasyon patungong

Europa at babagtasin ang lugar ng Gresya, espesipiko sa Isla ng Crete (sabay pakita sa

mapa para sa lokasyon ng patutunguhan).

Mapa ng Europa

Mapa ng Mundo

Page 7: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

6

Sa pagpapakita ng mapa at lokasyon ng patutunguhan, itatanong ng guro ang mga

sumusunod:

1.) Ano ang mga anyong tubig o katubigan na nakapaligid sa Gresya?

2.) Anu-ano ang mga lugar na nakapaligid sa Gresya?

3.) Saang direksyon ng Gresya makikita ang Isla ng Crete?

Pagkatapos nito ay sasabihin ng guro:

“Ngayon at alam niyo na ang ilang heograpikal na aspeto ng ating

destinasyon, tayo na at tunguhin ito. Handa na ba kayo klase? Kung handa na,

umupo ng maayos, at ipikit ang mga mata”.

Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

ang kanilang mga mata alinsunod na rin sa panuto ng guro. Sasabihin ng guro:

“Ngayon klase, maaari niyo nang idilat ang inyong mga mata. Dumaong

na ang ating barko sa Gresya (sabay pakita ng larawan ng lugar at kalagayan ng

mga tao noong kabihasnang Minoan at Mycenaean).

Mapa ng Gresya

Page 8: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

7

Mycenaean

Minoan

Page 9: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

8

A.2 Drill:

“Blankong Mapa”

Magpapakita ang guro ng blankong mapa ng mundo, mapa ng Europa at

mapa ng Gresya. Pupunan ng mga mag-aaral kung saan naka-pwesto o naka-

lugar ang Europa, Gresya at anyong tubig o katubigan na nakapaligid sa Gresya

at ilang mahahalagang lugar sa Gresya tulad ng Crete, Knossos, Mycenae at

Troy.

Sasabihin ng guro:

“Ngayon at nakarating na tayo sa ating ating destinasyon, naaalala niyo

pa ba ang ilang heograpikal na aspeto nito? Maaari niyo bang isa-isahin. Kung

gayon, ipapakita ko sa inyo ang ilang blankong mapa, pupunan niyo ito batay sa

nalaman ninyong ilang heograpikal na aspeto nito at magtatawag ako ng mga

sasagot. Handa na ba klase?”

A.3 Pagganyak/Motibasyon:

“Words in the Pictures!”

Magpapakita ng ilang larawan ang guro at huhulaan ng mag-aaral ang

salita na ibig ipahiwatig ng mga larawan.

Para sa unang salita:

crete

Page 10: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

9

Para sa ikalawang salita:

Para sa ikatlong salita:

Matapos masagutan ang mga larawan, iuugnay na ang mga nasagutang

salita sa paksa na tatalakayin – ang Kabihasang Minoan at Mycenaean, ang unang

kabihasnang sumibol sa Aegean Sea at sa Crete. Babalikan ang ilang heograpikal

na aspeto ng Gresya na nabanggit sa pagbalikaral/balik-tanaw upang mas lalong

maunawaan ang Kabihasnang Minoan at Mycenaean.

MINOAN

MYCENAEAN

Page 11: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

10

B. Panlinang na Gawain:

Pagkatapos ng maikling introduksyon ng guro sa paksa, hahatiin nito ang klase

sa dalawang grupo at ito ay sa pamamagitan ng bilangan. Ang lahat ng mag-aaral ay

aalis sa kani-kaniyang upuan at sasama sa kanyang mga kagrupo. Sila ay mauupo sa

sahig at sa gitna ng silid-aralin/klasrum.

Bibigyan ng guro ang dalawang grupo ng tig-isang teksto. Ang teksto para sa

unang pangkat ay:

Ang mga Minoans

Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat.

Hindi nagtagal, kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang mga hagdanan nito ay malapad at yari sa pino at putting gypsum. Ang dingding nito ay napapalamutian ng makukulay na fresco. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na kalamidad.

Nang hukayin ni Evans ang palasyo ng Knossos, natagpuan niya ang dalawang lapida na gawa sa luwad. Dito’y nalaman na ang mga ito ay ang sistema ng kanilang pagsusulat na tinawag na Linear A.

Page 12: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

11

Halaw sa Grade 8 – Module (Unit 2) ng DepEd at Kasaysayan ng Daidig

(2012) ni Mateo, Grace Estela et. Al.

Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 B.C.E., narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki.

Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.

Ang sining ng pagpipunta ay ipinakita ng mga Minoan sa dalawang larangan – sa mga fresco at mga palayok.

Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 B.C.E. Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.

Page 13: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

12

Ang teksto sa ikalawang panagkat ay:

Ang mga Mycenaeans

Ang Mycenaea ay nagmula sa pamilya ng Indo-European. Ang Indo-European ay nagmula sa lupain ng Iran at Afghanistan at nandayuhan sa Europa, India at iba pang bahagi ng kanlurang asya. Noong 1900 B.C.E, nandayuhan ang mga Mycenaeans sa Gresya kung saan sila nagtatag ng kanilang mga sariling lungsod. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito. Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Myaman at maunlad ang kaabihasang Mycenaean. Ito ay pinatutunayan ng kanilang mga masakra, palamuti at sandata na yari sa ginto. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek. Ang kanilang sistema ng pagsusulat ay tinawag na linear B o ang pinaunlad na sistema ng pagsulat ng mga Minoan.

Bagamat walang naiwang mga nakasulat na

kasaysayan, ang pagsasalin-salinng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek. Sa bandang huli, di nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay.

Page 14: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

13

Halaw sa Grade 8 – Module (Unit 2) ng DepEd at Kasaysayan ng Daidig

(2012) ni Mateo, Grace Estela et. Al.

Noong 1100 B.C.E., isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Ionia. Nakilala sila bilang mga Ionian.

Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark

ageo madilim na panahon natumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.

Page 15: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

14

Ito ay babasahin ng mga mag-aaral sa bawat grupo. Matapos basahin ay

gagawa sila ng outline o summary ng kanilang binasa. Sila ay bibigyan ng guro

ng materyales tulad ng papel (manila paper) at pentel pen. Sila ay bibigyan ng

labinlima hanggang dalawampung minuto (15 – 20 mins) para sa gawaing ito.

Sa loob ng oras na ibinigay ng guro sa paggawa ng Gawain, ang ibang

miyembro ng bawat grupo ay pupunta sa harapan upang kunin ang mga larawan

na may kaugnayan sa paksa na nakatalaga sa kanila. Upang malaman kung ang

mga larawan ay may kaugnayan sa kanilang paksa, una, ang mga larawan ay

mayroong maikling deskripsyon. Pangalawa, may bahagi ng teksto na nagsasabi o

patungkol sa mga larawang dapat nilang kunin.

Page 16: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

15

DESKRIPSYON:

“Ang Palasyo ng Knossos”

Ang palasyo ng Knossos ay isang malaking palasyo ng yari sa makinis na bato.

Maraming palapag ang palasyo at ang mga pasilyo nito ay tinutukuran ng mga haliging kahoy.

Ang mga hagdanan ay malapad at yari sa pino at putting gypsum. Ang mga dingding nito ay

napapalamutian ng makukulay na fresco.

DESKRIPSYON:

“Fresco: Bull Dancing”

Isang laganap na paksa ng mga fresco sa mga dingding sa palasyo ng Knossos ay ang bull

dancing. Ito ay ang ritwal ng pagsunggab ng mga binate at dalaga sa ssungay ng toro at

paglukso o pagsirko sa likod nito. Ang ritwal ay maaring nagmula sa Alamat ng Minotaur. Ayon

sa alamat, si Haring Minos ay naghahandog ng mga bihag kay Minotaur, isang dambuhala na may

ulo ng toro at katawan ng tao na nakakulong sa silong ng palasyo ng Knossos. Upang masiyahan

si Minotaur, ipinag-utos ni Haring Minos ang pag-aalay taun-taon ng pitong lalaki at babae.

Fresco – larawqang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga dingding habang basa pa ang

plaster upang kumapit nang husto sa pader ang mga pigment ng metal at mineral na oxide.

Page 17: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

16

DESKRIPSYON:

“Sistema ng Drainage sa Palasyo ng Knossos”

Sa kabihasnang Minoan, makikita ang mga drainage o sistema ng paagusan ng tubig sa

silong palasyo at sa mga silid nito na may sariling paliguan at palikuran.

Page 18: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

17

DESKRIPSYON:

“Minoan Floral Style Vases”

1550-1500 BCE

The Floral Style, as its names indicates, uses floral motifs (flowers, grasses, reeds)

in its decoration. These same motifs are often seen in the backgrounds of Minoan frescoes.

Source: Greek Art and Archaeology, “The Late Bronze Age (c. 1500-1100 BCE) - LATE MINOAN

POTTERY”, Retrieved from http://arthistoryresources.net/greek-art-archaeology-

2016/minoan-pottery-late.html (August 19, 2016)

DESKRIPSYON:

“Marine Style Octopus Vase”

1500-1450 BCE

The Marine Style of pottery is so-named because it is decorated with a wide range of

sea creatures - octopuses, argonauts, dolphins, fist, starfish - seen against a background of

sea weeds, sponges, and coral. The designs, which cover the whole vase, are spontaneous and

inventive.

Source: Greek Art and Archaeology, “The Late Bronze Age (c. 1500-1100 BCE) - LATE MINOAN

POTTERY”, Retrieved from http://arthistoryresources.net/greek-art-archaeology-

2016/minoan-pottery-late.html (August 19, 2016)

Page 19: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

18

DESKRIPSYON:

“Labrys, or Double-headed Axe,”

It was found frequently during archaeological excavations at the Bronze Age Palace of

Knossos on the island of Crete, and has been referred to as one of the oldest symbols of Greek

civilization.

Whilst the labrys continued to retain its practical use as a forestry and hewing tool

in Minoan culture, it became imbued with a special religious significance from an early stage,

which can also be seen in Thracian and mainland Greek art. For the Minoans on Crete, the symbol

was especially associated with female divinities and priestesses and thus became a synonym

for matriarchy. To find such an axe in the hands of a Minoan woman would therefore indicate

that she held a powerful position within Minoan society.

Source: It’s all Greek, “The significance of the labrys in Minoan civilisation (2014)”, Retrieved

from https://itsallgreeklondon.wordpress.com/2014/10/24/the-significance-of-the-labrys-in-

the-minoan-civilisation/ (August 19, 2016)

Page 20: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

19

DESKRIPSYON:

“Figure of eight shields,”

Wall paintings depicting figure of eight-shields with a suspension strap at the middle.

The motif on each shield's surface shows that they represent originals made of cow's hide.

The figure-of-eight shield, a defensive weapon, becomes here the symbol of a war goddess.

Although it is a common motif (models of this type of shield exist in gold, ivory and semi-

precious stones), this is a rare representation in Mycenaean monumental painting. Mycenaean

Acropolis.

Source: It’s all Greek, “The significance of the labrys in Minoan civilisation (2014)”, Retrieved

from https://itsallgreeklondon.wordpress.com/2014/10/24/the-significance-of-the-labrys-in-

the-minoan-civilisation/ (August 19, 2016)

Page 21: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

20

DESKRIPSYON:

“Agamemnon’s Mask,”

Heinrich Schliemann discovered the masks in 1876, while excavating in Mycenae, Greece.

Three of the gold masks were discovered in Grave IV and two in Grave V

Schliemann claimed that the mask above was that of Agamemnon, the antagonist in Homer’s

Epic, The Iliad. However, current research indicates that the mask was made from 1550 – 1500

BC, long before the time of Agamemnon

Historians have pointed out several reasons why the mask of Agamemnon may be a fraud, or

at the very least may have been altered. If you compare the mask above to the four other

masks found at Mycenae, you will notice several significant differences. First of all, the ears

are cut out, which is not typical of the other masks. Secondly, the beard hairs are also cut

out, again differing from the other masks. Finally, the handlebar moustache is more typical of

Schliemann’s time period rather than Mycenaean Greece.

Source: Jaunting Jen, “The Masks of Mycenae (2013)”, Retrieved from

http://jauntingjen.com/the-masks-of-mycenae/ (August 19, 2016)

Page 22: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

21

Pagktapos ng 15 – 20 mins, ang kanilang outline at mga larawan ay

ipapaskil sa dalawang gilid ng silid-aralin, at sila ay bubuo ng isang mini gallery.

Pagkatapos ay ipapaliwanag ang kani-kaniyang gawa. Ang mga mag-aaral ay

dapat kumilos bilang isang curator o tour guide ng isang museo o exhibit.

C. Pangwakas na Gawain:

C.1 Paglalagom/Panlalahat

o Ang kabihasnang Minoan ay ssumibol sa pulo ng Crete sa Aegean Sea sa pagitan

ng 1600 at 1400 B.C.E.

o Ang kabisera ng kabihasnang Minoan ay aang Knossos. Ang tampok na gusali sa

lungsod ay ang magarang palasyo ng hari na yari sa bato. Napapalamutian ng

mga fresco, malalapad ang mga hagdanan, tinutukuran ang mga pasilyo ng mga

haliging kahoy, at may sistema ng paagusan ng tubig.

o Yumayaman ang Crete dahil sa pakikipagkalakalan nito sa mga pulo sa Aegean

Sea, Ehipto, Gresya at Syria.

o Ang sining ng pagpipintaa aay ipinakita ng mga Minoan sa kanilang mga Ifresco

at mga palayok.

DESKRIPSYON:

“Vapheio Cups,”

Made of gold with repousse decoration found at the Vapheio tholos tomb in Mycenae. It

is now one of the most important exhibits at the National Archaeological Museum of Athens.

Source: Jaunting Jen, “The Masks of Mycenae (2013)”, Retrieved from

http://jauntingjen.com/the-masks-of-mycenae/ (August 19, 2016)

Page 23: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

22

o Noong 1400 B.C.E, sinalakay ng mga Mycenaean sang Knossos at pinalitan ang

mga Minoan bilang hari ng komersiyo sa Aegean Sea.

o Ang kabisera ng kabihasnang Mycenaean ay ang lungsod ng Mycenae. Ang

pinakatanyag na hari nito ay si Agamemnon.

o Ang sining ng Mycenaean ay makikita sa mga maskara, palamuti, kagamitan at

sandata na yari sag into.

o Ang pagbagsak ng kabihasnang Mycenaean ay dulot ng pagsakop ng mga

Dorians.

C.2 Pagpapahalaga

Ano kahalagahan ng pag-usbong ng Kabihasnang Minoan at Mycenaean sa

buhay mo bilang isang indibidwal at mag-aaral at bilang bahagi ng daigdig

na kinagagalawan?

Ano kontribusyon ng mga Minoan at Mycenaean na mahalaga sa

kasalukuyang panahon? Bakit?

Paano mo pahahalagahan bilang mag-aaral ang mga pamana ng

Kabihasnang Minoan at Mycenaean?

Page 24: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

23

IV. Assessment/Ebalwasyon:

“Venn Diagram”

Mula sa nabuong dalawang grupo, ang bawat isang grupo ay gagawa ng Venn

diagram upang maitala ang pagkakaiba at pagkakaparehas ng mga pangyayari at ambag

ng Kabihasnang Minoan at Mycenaean.

Bibigyan ng guro ang bawat grupo ng materyales tulad ng manila paper at pentel

pen upang doon ilalapat ang Venn diagram. Ito ay gagawin ng grupo sa loob ng sampung

minute (10 mins).

Pagkatapos ng paggawa ng Venn diagram, magkakaroon ng talakayan ukol sa

ginawang Venn diagram.

minoan mycenaean

o Pangyayari

o Ambag sa

kasaysayan

ng daigdig

o Pangyayari

o Ambag sa

kasaysayan

ng daigdig

P A G K A K A P A R E H o

Page 25: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan Ika-walong Baitang ...pnusoksay.weebly.com/uploads/9/3/0/8/93082724/...Pagkaraan ng tatlumpu’t Segundo (30 sec.), ididilat na ng mga mag-aaral

24

V. Takdang aralin:

Guguhit ang mga mag-aaral ng mapa ng Gresya at pupunan ang mga lugar na sakop nito.

Bigyang diin ang lugar ng Athens at ng Sparta.