Batayan Sa Paglilinang

Embed Size (px)

Citation preview

BATAYAN SA PAGLILINANG SA NILALAMAN NG WIKA -------------------------------------------PAMANAHONG PAPEL INIHAHAYAG SA DIPARTAMENTO SA FILIPINO SA SAINT JOSEPH INSTITUTE OF TECHNOLOGY BUTUAN CITY -------------------------------------------PASIUNANG KATUPARAN SA KINAKAILANGAN PARA SA ANTAS NG BACELORYA NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA NG KAALAMAN ------------------------------------------ROIMELYN TEODOSIO YUNILYN MONTINOLA NORIEMEA MOLO

ENERO 2013

(Acknowledgement) Ang mga tagapagsaliksik ay nais ipahatid ang kanilang mataimtim na pasasalamat sa mga taong naging daan upang mapagtagumpayan ang paghahagilap ng mga impormasyong naitala. Sa kanilang guro na si Bb. _________________________________ sa kanyang pababahagi ng kanyang Kaalaman , mga ediya at sa pagbibigay ng pagsubok upang mas lalo kaming magsumikap at Mapursige para mapagtagumpayan ang pananaliksik na ito. Kay Gg. ARNOLD M. PAYAO at PJ B. OLIVER na nag-abot ng tulong para sa iba pang impormasyon. Sa mga kakalase at kaibigan naming nagbahagi ng kani-kanilang kaalaman. Sa aming mga ka-anak na walang tigil sa pagsuporta upang matapos lamang ang proyektong ito. At higit sa lahat sa puong nasa langit na na patuloy kaming ginagabayan, pinagpapala at sa pagkakaloob ng malinaw na kaisipan upang maisagawa naming ng maayos ang pananaliksik na ito.

PAGKILALA

PAGHAHANDOG(Dedication)

Ang mga tagapagsaliksik ay inihahandog ang kanilang tagumpay sa maayos na pagkakasagawa at pagkakapasa ng pamanahong papel na ito sa mga taong walangsawa na sumoporta at tumulong para maisagawa at matapos ang proyektong ito. Sa aming magulang, kapatid at ka-anak, mga kaibigan at kakilala. Sa aming guro na nagtuturo sa amin para sa karagdagang kaalaman sa aming mumunting isipan. At lalong-lalo na sa puong maykapal.

TALAHANAYAN NG NILALAMAN Wikang Filipino: Melalinggwistik na Pagtalakay

INTRODUKSYON .. pg. 1 Ang Wika Katangian ng wikang Filipino May Sistematik na Balangkas Buhay at Dinamiko Tunog na Binibigkas Pinipili at Isinasaayos Kabuhol ng Kultura Arbitraryo Patuloy na Ginagamit

MGA TEORYA SA WIKA .... pg. Teorya Inggil sa Kalituhan sa Wika

(Hango sa Kwento ng Tore ni Babel) Teoryang Aramaic ang Unang Wika Teoryang Bow-wow Teoryang Ding-dong Teoryang Pooh-pooh Teoryang Yo-He-Yo Teoryang Ta-Ta Ta-ra-ra-boom-de-ay

GAMPANIN NG WIKA .. pg. Ang mga varity ng Wika Sosyolek Idyolek ANTAS NG WIKA pg. Rejister ng Wika

Repertwang Pangwika ANG ALIBATA: IMBANYONG PILIPINO . pg. Klasipikasyon ng Wika sa Pilipinas Wika sa Hilaga Linggwaheng Meso Wika sa Timog

Ang sama bajaw KONSTITUSYONAL NA BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA Ang Pagsusulong ng Wikang Filipino Kasaysayan ng Wikang Filipino

INTRUDAKSYON

ANG WIKAAng wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki. Ang wika ay mabisang kasangkapan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang dan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa ibat ibang aspeto ng buhay.

EtimolohiyaNag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitanglengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

Mga anyo ng wikaPinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito angpagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.

Mga antasKabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:

Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish" Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan Lalawiganin/panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook. Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaring nabuo sa pagbaliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa. Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

Mga kagamitanIto ang pitong kagamitan ng wika:

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pangakademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.

Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.

Kategorya ng paggamit ng wika Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika ay pormal at inpormal o dipormal. Pormal Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito: 1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan. 2. Pampanitikan o pangretorika - mga salitang gamitin sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining. Impormal o di-pormal Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:

1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang. 2. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan. 3. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

Katangian ng Wika1. Ang wika ay artbitraryo - sapagkat walang tiyak na makapagsasabi kung paano nga talaga nagsimula o paano nagkaroon ng wika ang bawat lahi sa daigdig, ang anumang paggigiit sa isang teoryang pinagmulan ng wika ay lilikha lamang ng pagtatalo. 2. Ang wika ay buhay o dynamic - tulad ng isang bagay na buhay, ang wika ay patuloy na nagbabago sa pagdaan ng panahon. Ito ay masasabing permanenteng katangian ng wika. Ang pagbabago ay maaring tungo sa pagunlad. Maaring may mga salitang nawawala o hindi na ginagamit subalit ito'y napapalitan ng mga bagong salita. Halimbawa ang salitang pinid. Ilan pa ba sa ating ang nagsasabing "Ipinid mo ang pinto"? hindi ba wala na? Ang ginagamit ngayon ay isarado sa halip na ipinid. Gayon din ang buhay na mga bagay may, mga bahagi na nawawala subalit napapalitan ng bago. Isang halimbawa ay ang kuko. Kapag nabunot ang kuko ng tao ito'y napapalitan ng bago. 3. Ang wika ay nakasandig sa kultura - bawat wika ay may naiibang katangian na hindi matatagpuan sa iba sapagkat may mga bagay na bahagi ng isang kultura na hindi matatagpuan sa ibang kultura. Halimbawa sa Pilipinas ay mayroon tayong iba-ibang tawag sa estado ng palay. Palay tawag nating sa tanim na at bunga nito na hindi pa nababalatan. Subalit pag ito ay nabalatan na, ito'y tinatawag na itong kanin, bahaw ang tawag sa malamig na kanin. Mayroon tayong iba't ibang katawagan dito dahil ito'y bahagi ng ating kultura. Subalit sa Ingles ang lahat ng ito ay tinatawag nilang rice dahil ito'y bahagi ng

regular na pamumuhay ng mga Ingles ang pagkain ng kanin. Nilalagyan lamang nila ng panuring o modifier ang rice (cooked rice) para ipaalam ang pagkakaiba. Sa kabilang dako naman, wala tayong katawagan sa iba't ibang uri ng yelo. Sa Ingles ang mayroong ice, snow, hailstorm, iceberg, glacier at iba pa. Kapag sa ating ay nagkaroon ng hailstorm, sinasabi nating umulan ng yelo. Wala tayong katawagan sa mga bagay na ito sapagkat hindi it bahagi ng ating kultura at regular na pamumuhay. 4. Walang wikang dalisay o puro - sapagkat ang wika ay nakasandig sa kultura, ang panghihiram ng salita sa ibang wika ay hindi maiiwasan. May mga knoseptong hindi maipahahayag sa isang wika na naipapahayag naman sa iba. Dahil dito, walang masasabing purong Tagalog, purong Hapon o purong Ingles man. Tingnan nating ang wikang Ingles. Maraming salita sa Ingles ang galing sa Latin, Griego, Kastila at iba pang wika. Maging ang Tagalog ay pinaghiraman din ng Ingles. Halimbawa ang salitang " amok" o nagromentado. Matatagpuan natin sa mga diksyonaryong Ingles ang salitang amuck na ayon sa etimolohiya nito ay galing sa salitang amok ng Tagalog. Ang Tagalog ay hindi rin natin pwedeng sabihing puro dahil marami sa ating mga salita ang galing sa Kastila, Ingles, Intsik at iba pang bansa ng nakaugnayan ng mga Filipino.

Narito naman ang mga katangian ng Wika: May Sistematik na Balangkas Buhay at Dinamiko Tunog na Binibigkas Pinipili at Isinasaayos Kabuhol ng Kultura Arbitraryo Patuloy na Ginagamit

Antas ng Wika1. Pormal ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na

nakakarami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. a. Pambansa ito ang salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Halimbawa: Ina b. Pampanitikan -ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining. Halimbawa: Ilaw ng tahanan 2. Impormal ito ang salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipagusap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. a. Lalawiganin- ito ang mga bokabularyong dayalektal. Halimbawa: Inang b. Kolokyal itoy mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Halimbawa: Nanay-Nay c.Balbal -ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Ito rin ang pinakamababang antas ng wika na madalas marinig sa mga usapang kalye. Halimbawa: Ermat