28
Bingo: Namumuro Na Ba Sa Wikang Filipino? Jasmin J. De Vera Bilang tugon sa kahilingan ng asignaturang Filipino 40 Sa ilalim ni G. Jimmuel Naval

Bingo(Term Paper).docx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang dokumentong ito ay ukol sa pag-aaral ng historya ng bingo at mga salitang madalas ipanglarawan sa mga numero nito.

Citation preview

Bingo: Namumuro Na Ba Sa Wikang Filipino?

Jasmin J. De Vera

Bilang tugon sa kahilingan ng asignaturang Filipino 40

Sa ilalim ni G. Jimmuel Naval

Abstrakt Ang Bingo ay isang tanyag na sugal sa Pilipinas. Itinuturing itong isang laro at anyo ng libangan ng nakakarami. Ang Bingo ay nagsimulang laruin noon pa lamang 1530 sa Italya at kaagad na kinakitaan ng pagtangkilik mula sa mga tao. Walang pinipiling lugar o okasyon ang larong Bingo. Ganun din sa mga taong naglalaro nito. Bukod sa pagiging sugal at libangan, ang Bingo ay ginagamit din upang mangalap ng pondo at sa pagtuturo. Maraming masama at mabuting dulot ang larong ito. Malaki ang naiambag nito sa pangaraw-araw na wika ng mga taong naglalaro nito.

1

Talaan ng Nilalaman I. Introduksyon..............................................................................................................................3 II. Diskusyon A. Ang Bingo............................................................................................................................5 B. Kasaysayan ng Bingo..........................................................................................................6 C. Lugar at okasyon kung saan nilalaro ang bingo.................................................................7 D. Mga taong naglalaro ng bingo............................................................................................9 E. Mga dahilan ng paglalaro ng bingo...................................................................................10 F. Maganda at masamang epekto ng bingo..........................................................................10 G. Kontribusyon ng bingo sa wikang Filipino.........................................................................13

III. Konklusyon..............................................................................................................................16 IV. Bibliograpiya............................................................................................................................17 V. Apendiks...................................................................................................................................18

2

I. Introduksyon A. Layunin Nilalayon ng pag-aaral na ito na matuklasan ang mga naging kontribusyon at epekto ng larong bingo hindi lamang sa wika kundi maging sa sosyolohikal na aspeto ng mga Pilipino.

B. Metodolohiya Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng mga datos mula sa aktuwal na obserbasyon ng manunulat. Mayrooon ding mga impormasyong nakuha mula sa pananaliksik sa mga libro at artikulong matatagpuan sa internet. C. Saklaw at Delimitasyon Ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa mga mamamayan ng Sta. Maria, Bulacan. Ang saklaw ay mula sa sampung taong gulang hanggang sa animnapung taong gulang. Hindi tinatalakay sa pag-aaral na ito ang mga pambansang isyu na may kinalaman sa bingo o anumang uri ng pagsusugal.

D. Kahalagahan ng Pag-aaral Naipapakita sa pag-aaral na ito ang mga mabubuti at masamang dulot ng Bingo sa wika, kultura at paniniwala ng tao. Kaakibat nito ay ang pagbibigay solusyon sa anumang problemang dulot ng Bingo sa buhay ng tao.

3

E. Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral Nabanggit sa librong Encyclopedia of Play in Today's Society ni Rodney P. Carlisle ang pagkahumaling ng mga tao ng Jackonsville, Georgia sa Bingo. Nabanggit din ang paggamit ng mga slang terms at bugtong ng mga manlalaro mula sa United Kingdom sa pagbabanggit ng mga numero. Ilan sa slang terms na ginamit ay "Lucky for Some" para sa numero pito, "Man Alive" na katunog ng lima sa wikang Ingles.

4

II. Diskusyon

Ang Bingo Ang Bingo ay isang larong gumagamit ng kard na may mga numero. Ang bawat bingo kard ay binubuo ng tiglimang hanay na pahalang at patayo. Ang gitna ay iniiwang free o iyong awtomatikong may marka na. Ang mga numerong saklaw ng laro ay mula isa hanggang pitumpu't lima. Sa letrang B lamang maaaring lumabas ang mga numero mula isa hanggang labinlima(1-15), sa I naman ang labing anim hanggang tatlumpo(16-30), N ang tatlumpu't isa hanggang apatnapu't lima(31-45), sa G naman ang apatnapu't anim hanggang animnapu(46-60) at sa O naman ang animnapu't isa hanggang pitumpu't lima(61-75). Mamarkahan ng mga manlalaro sa kanilang mga kard ang matatawag na numero mula sa bolahan. Ang bolahan ay maaaring isang garapon na may lamang mga bolang kahoy o plastik na may nakaukit o nakaguhit na mga numero. Para sa mga malakihang binguhan, gumagamit ng mas malaki at mas hi-tech na bolahan. Mayroon ding mga gumagamit ng telebisyon upang maipakita sa mga manlalaro ang mga numerong natawag. Maraming uri ng kard, mayroong mga gawa sa karton at itinutupi ang mga numero, mayroon namang mga gawa sa papel o kaya ay mga nakaguhit sa mga kahoy na mesa tulad ng makikita sa mga perya(tingnan sa Apendiks). Mamarkahan ang mga numerong natatawag sa pamamagitan ng mga panitik, pagtutupi o kaya ay paglalagay ng mga maliliit na bato. Mananalo ang isang manlalaro kung mabubuo niya ang itinakdang pattern. Ang mga pattern ay maaaring patayo, pahalang, pahilis, pa-V, pakahon na may apat na numero at ang5

pinakamahirap sa lahat, ang tinatawag na blackout kung saan buong kard ang dapat mamarkahan. Ayon sa nakaugalian, ipapahayag ang pagkapanalo ng manlalaro sa

pamamagitan ng pagsigaw ng "Bingo!".

Kasaysayan ng Bingo Ayon sa isang artikulong isinulat ni Robert Daley noong 1957, ang Bingo ay nagsimulang laruin sa Ehipto. May nakita raw na pagkakatulad ang modernong Bingo sa Amerika at Ehiptologo. Ang nasabing impormasyon ay walang basehang arkeologo kaya nang lumaon ay pinawalang-katotohanan din.[1] Ang larong Bingo ay nagsimula sa Italya noong taong 1530. Una itong nilaro sa loteryang Lo Giuoco del Lotto D'Italia at nilalaro pa rin hanggang ngayon. Nang sumapit ang taong 1770, ipinakilala ang larong ito sa mayayamang Pranses at tinawag na "Le Lotto". Nagkaroon ng sariling bersyon ng laro ang mga German noong taong 1880. Bukod sa pagiging libangan, ginamit nila ito bilang instrumentong pangedukasyon sa pagtuturo ng matematika, wika at kasaysayan. Unang tinawag na beano ang larong ito noong 1929 nang maipakilala ito sa Estados Unidos. Beans kasi ang ginagamit na pangmarka ng mga numerong natatawag sa kard noon. Naging kilala ito simula nang malaro sa isang karnabal na malapit sa Atlanta, Georgia. Ang kasalukuyang pangalan ng Bingo ay ibinigay ni Edwin S. Lowe, isang negosyante sa New York na nakarinig ng isang babaeng sumigaw ng Bingo! sa halip na Beano! Nagpatulong siya kay Carl Leffler, isang propesor sa matematika ng Unibersidad ng Columbia upang paramihin ang mga Bingo kard na may iba't ibang kombinasyon. Umabot sa anim na libo ang nagawang kombinasyon ni Leffler pagsapit ng taong 1930.[2]6

Mas lalo pang naging tanyag ang larong ito nang gamitin ito ng isang pari mula sa Pennsylvania bilang mapagkukunan ng pondo ng simbahan. [3]

Lugar at Okasyon Kung Saan Nilalaro Ang Bingo Tunay ngang isang popular na laro sa bansa ang Bingo. Marami kang makikitang naglalaro nito kung saan-saan.Ilan sa mga lugar kung saan pangkaraniwang nilalaro ang Bingo ay sa mga kanto na madalas pagtambayan. Marami rin sa mga sari-sari store kung saan ang bingo ay isang tulong upang makabenta ang mga tindahang ito. Madalas din ang bingo sa mga patahian. Libangan ito ng mga mananahi na nagpapahinga o kaya ay ng mga trimmers na naghihintay ng trabaho. May mga pamilyang ang larong ito ang anyo ng pagsasama sama. Marami ang

pamilyang naglalaro ng Bingo pagkatapos kumain ng hapunan, o bago sila matulog. Bukod sa nakakaaliw ito , walang partikular na bilang ng mga manlalarong maaaring maglaro nito. May mga lugar sa malls na inilaan na rin para sa bingo. May mga regular at ang ilan naman ay para sa mga Bingo na idinadaos lang sa mga espesyal na okasyon tulad ng Pasko. Mas malaki ang mga papapremyo rito kung ikukumpara sa katuwaang bingo sa mga pampublikong tambayan. Syempre, hindi mawawala sa listahan ng pinaglalaruan ng Bingo ang mga regular na pasugalan at kasino. Bukod sa pagiging sugal o libangan, ang bingo ay nagagamit din sa aspetong pangakademiko. Madalas itong ginagamit sa pangangalap ng mga pondo para sa mga proyekto sa7

paaralan. Maaari rin itong gawing laro ng mga guro para sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral. Halimbawa na lamang ay ang paggamit ng mga terminong pinag-aaralan sa asignaturang iyon sa halip na mga numero. Mga palaisipan ang gagamitin sa pagtatawag ng mga dapat markahan sa kard ng mag-aaral. Sa ganitong paraan, maeengganyo ang lahat ng mga mag-aaral na makilahok. At mas malaki ang posibilidad na maisaulo ng mga ito ang leksiyon. Hindi naman magpapahuli ang birtuwal na mundo sa paglalaro ng Bingo. Mayroon na rin ngayong mga online Bingo na itinututring na isa sa pinakasikat na uri ng sugal sa internet.

Kailan nilalaro ang bingo Walang partikular na okasyon kung kailan maaaring laruin ang bingo. Sa katunayan ay maaari itong laruin araw-araw. Pero may mga okasyong hindi mawawala ang mga binguhan. Tuwing fiesta, uso pa rin sa mga baranggay ang mga perya o karnibal. Bukod sa mga sakayan ay hindi mawawala sa mga ito ang mga sugalan tulad ngiba't ibang uri ng color games, darts, ball games at bingo. Isama pa ang mga binguhan sa plaza na may layuning pagkunan ng pondo para sa mga gagastusin para sa fiesta. Nilalaro rin ang bingo bilang karagdagang aliw kapag may mga selebrasyon sa paaralan. Kadalasan itong patalastas sa mga programa sa paaralan o kaya ay isa talagang kaganapan upang mangalap din ng pondo. Nakaugalian na ring laruin ang bingo sa mga lamayan sa patay. Dahil hindi naman lahat ng mga nakikiramay ay mahilig sa sugal na tulad ng tong-its at sakla, bingo ang nilalaro ng iilan. Maingay ang larong ito at nakakatulong upang manatiling gising ang mga naglalamay. Malaking8

tulong din ang pera na nakukuha mula sa mga abuloy ng nananalo at pinagbentahan ng mga kards na tinatawag na tong.

Mga Taong Naglalaro ng Bingo Walang pinipiling edad ang mga naglalaro ng bingo. Basta't alam mo ang limang letrang bumubuo sa bingo at ang pitumpu't limang numero nito. Sa katunayan, may mga walong taong gulang na bata ang nakikisali sa larong ito bagaman karaniwan ay saling pusa lamang at kasama lamang ng kanilang mga nanay. Mayroon din namang mga matatandang pagbibingo na ang naging libangan. Sa halip na magkulong sa kani-kanilang bahay, marami ang tumatambay na lamang sa mga binguhan. Nakadepende rin sa lokasyon ang mga manlalaro ng Bingo. Kung ang Bingo ay nilalaro sa mga tahian, mga mananahi at trabahador doon ang mga manlalaro. Karaniwan namang mga elitista ang makikita sa binguhan sa mga malls. Mas malaki kasi ang presyo ng mga kard at mas malalaki rin ang mga premyo. Kung ang binguhan ay nasa kanto lamang, maaaring maglaro ang sinuman. May

matatanda at bata. Ganito rin ang sitwaston sa mga lamayan sa patay. Hindi lamang mga matatanda kundi maging mga batang sampung taon pataas ang naglalaro. Karaniwang dahilan ay ang kawalan ng kaalaman sa ibang sugal at mataas na halagang kailangan upang makataya sa mga ito.

9

Dahilan ng Paglalaro ng Bingo Marami ang naglalaro ng Bingo, mapamayaman o mahirap, bata o matanda. Ilan sa mga dahilan ng kanilang paglalaro ng Bingo ay ang sayang hatid nito. Maramihan ang mga

manlalaro ng Bingo ta madaling matutunan ang kung paano. Hindi rin gaanong matagal ang isang round ng laro kaya naman hindi nakakainip. [4] Una itong nilaro bilang loterya o sugal. Nang nagtagal, ginamit ito ito ng simbahan sa pangangalap ng pondo at hanggang ngayon, ginagamit pa rin ito ng iba't ibang organisasyon sa katulad na dahilan. Mabisang pamapalipas oras ng isang pamilya ang Bingo[5]. Nilalaro naman ang Bingo sa mga paaralan bilang instrumentong panturo ng mga guro. Nakatutulong ito sa pagtuturo ng matematika, pagbabaybay at pagbabasa.[6]

Epekto ng Bingo Tulad ng ibang uri ng sugal, ang bingo ay may mga mabubuti at masasama ring epekto. Mabuti ang Bingo kung ito ay gagamitin lamang sa paglilibang. Maganda itong paraan upang magsama-sama ang mga magkakaibigan, magkakapitbahay o ang magkakapamilya. Kung

regular ang kanilang pagbibingo, regular din ang kanilang bonding na isang mahalagang elemento sa relasyon ng mga magkakapamilya o ng magkakaibigan. Hindi tulad ng ibang laro, ang bingo ay nangangailangan lamang ng kaunting oras para matapos ang isang round. Nilalaro rin ang Bingo sa mga lamayan sa patay upang pagkunan ng ipagpapalibing tulad ng iba pang sugal tulad ng sakla at tong-its. Maganda rin ito upang manatiling gising ang mga

10

naglalamay dahil bukod sa masaya itong laruin, maingay rin ang pagbobola at pagsigaw ng numerong nabubunot. Karamihan sa mga Bingo ay hindi kinakailangan ng malaking puhunan. Ang mga

binguhan sa mga kanto na pangkatuwaan lamang ay barya lamang ang kailangan. Ang mga Bingo na malaki ang halaga ng kard ay karaniwan namang nilalaro para sa mga fund raising na naglalayon na makakuha ng mas malalaking halaga. Mayroon na rin ngayong mga tinatawag na online gambling kung saan ang paglalaro ay ginagawa sa birtuwal na mundo. Maganda ito para sa mga baguhang manlalaro na nahihiyang makisalamuha. Ang ilang online Bingo ay hindi na nangangailangan ng salapi upang

makapaglaro. Maganda ito sa mga taong nagwawaldas ng malaking halaga sa pagsusugal. Tahimik ang mundong birtuwal kung ikukumpara sa aktuwal na mundo. Kung gusto ng isang taong makapaglaro ng Bingo ngunit problema niya ang maiingay na kalaro at malayong laruan, online bingo ang bagay sa kanya. [7] Episyente rin ito kung gagamitin bilang instrumentong pang-edukasyon. Bukod sa makakatulong ito ng malaki sa pagkatuto ng mga mag-aaral, madali lamang itong gawin at hindi nangangailangan ng espesyal na abilidad at anumang salapi, karton o papel lamang ang kailangan sa paggawa ng mga kard. Walang pinipiling manlalaro ang Bingo. Mayaman man o mahirap, lalaki, babae o miyembro man ng LGBT,kahit mga edukado o hindi nakapagtapos ng pag-aaral, may kapansanan o wala, maaaring maglaro ng Bingo. Makikita rito ang pagkakapantay-pantay ng mga tao at ang karapatan nilang makapaglibang.

11

Sa kabilang banda, hindi rin naman mawawala ang masamang epekto ng Bingo. Tulad ng ibang sugal, nakakaadik ang larong ito at nakakaubos ng oras. Malaking porsiyento sa mga kinikita ng mga manlalaro ay napupunta lamang sa Bingo. Isama pa ang pagbili ng mga manlalaro ng makakain habang naglalaro nito.[8] Kapag nalulong na ang isang tao sa paglalaro ng Bingo, maraming oras ang nasasayang niya rito na maaari sanang gamitin sa mas makabuluhang mga bagay. Mayroon ding mga pamilyang nasisira o nagkakaroon ng problema dahil sa pagkakalulong ng isang miyembro sa larong ito. Napupunta sa paglalaro ang dapat sana ay oras sa pag-aasikaso ng pamilya. Nagkakaroon din ng pag-iisip ang mga tao na pagsusugal ang sagot sa mga problema nila.[9] Maliit na halaga lamangang kinakailangan upang makapaglaro ng Bingo ngunit malaki ang balik kung mananalo naman. Ang depresyon na sanhi ng pagkatalo ay masama hindi lamang sa kalusugan kundi pati na rin sa sosyal ng isang tao.[10]

Malaki naman ang epekto nito sa mga kabataan. Sa halip na mag-aral at gumawa ng mga takdang aralin, nauubos ang kanilang oras sa paglalaro nito.[11]

Naglalaan din sila ng

salaping panglaro na para sana sa pagkain o pambili ng mga gamit pangeskwela. Kung hindi man sasapat ang pera ng bata, matututo itong mangupit sa kanyang mga magulang. Nakukuha rin ng mga bata ang ilang ugaling kalye tulad ng kawalang paggalang sa nakatatanda at pagmumura.

12

Kontribusyon ng Bingo sa Wikang Filipino Tunay ngang maraming Pilipino ang nahuhumaling sa larong Bingo kaya naman hindi maikakaila ang mga kontribusyon nito hindi lamang sa kultura at pang-araw-araw na buhay ng mga manlalarokundi maging sa wika. Tatlo ang wikang kadalasang ginagamit sa paglalaro nito, Filipino, Ingles at Espanyol. Hindi sa Pilipinas unang ginamit ang kakaibang pagtatawag ng mga numero sa Bingo. Una nang ginamit ang ang mga palaisipan sa Bingo noong 1800 sa Mexico. Gumamit naman ng mga slang terms ang mga nagpapabingo sa United Kingdom na kadalasang katunog ng mga numero tulad ng "man alive" para sa numerong lima na five sa Ingles.[12] Iba-iba ang paraan ng pagaanunsyo ng mga numero sa larong Bingo na nakakadagdag sa saya na hatid ng laro. Mayroong pinapabagal ang pagsasalita upang bitinin ang mga manlalarong namumuro na. Ang ilan naman ay iniiwan ang pangalawang numero ng nabunot na numero at sinasabi lamang kapag namarkahan na ang mga kard ng naglalaro.

Halimbawa: Nagbobola: Heto na! Para sa mga namumuro! Sa letrang I, bente! Manlalaro: Bingo! Bingo na! Ngabobola: Singko! Beinte singko!

Kasunod nito ay mga kantiyawan at tawanan ng mga naglalaro.

13

Ang mga numerong nauulit ay karaniwang binibigkas na lamang ng dalawang ulit o tinatawag na doble. Halimbawa ay ang limampu't lima na tinatawag na doble singko. Minsan ay inuulit na lamang ang mga numero tulad ng "Dos-Dos!" Marami ang mga salitang iniuugnay sa mga numero ng Bingo. May mga may kinalaman sa seksuwalidad tulad ng kilalang 69 na tinatawag na baligtaran, isang uri ng posisyon sa pakikipagtalik. "Patay" sa numerong siyam(9) dahil mukha itong ari ng lalaking nakabagsak. Mayroon din namang mga iniugnay sa mga kilalang basketbolista tulad ni James Yap sa numerong labing walo(18), Jaworski na nagiging Jawo sa numero pito(7) at Jordan sa dalawampu't tatlo(23). Ang ilan ay hango sa mga okasyon tulad ng bisperas ng Pasko, Pasko, Araw ng mga Puso at debut na labing walo para sa mga babae at dalawampu't isa para sa mga lalaki. Ang ilang numero ay tinatawag gamit ang anumang bagay na kahugis nito. Halimbawa ay ang dalawa(2) at pito(7). Kung titingnan ay mukhang nakaluhod na tao ang numerong dalawa o kaya ay ahas na manunuklaw. Ang Pito naman ay mukhang palakol. Marami at iba-iba ang wikang ginagamit sa pagbibingo. Ang Ilan ay nagagamit na natin sa regular na pamumuhay. Halimbawa ay narinig natin ang numerong 69, baligtaran na agad ang naririnig natin. Nariyan din ang numero trese (13) na itinuturing nating malas. Bukod sa mga kakaibang pagbabanggit ng numero, mayroon ding mga idyoma ang madalas na maririnig sa Bingo tulad ng "ang baho ng kamay mo", sinasabi ito ng isang manlalaro sa nagbobola kung kaunti lamang ang mga numerong natatawag sa kard niya. "Ubos na ang kaban", sinasabi naman ito ng manlalarong ubos na ang puhunan. Sinasabi namang "Masipag o mabenta " ang isang numero kung lagi itong nabubunot.14

Mga Numero at Salitang Katumbas sa Bingo

1 2 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 18 21 22 23 24 25 30 32 44 45 46 50 54 44 56 60 69 70 75

Diretso, unat, unan, salat Madre, tuklaw Palakol ni diva/jaworski Walang putol/pilipit Patay/lucky 9 bitin Uhog/sipon Isang dosena Hudas/malas Batang bata!/ valentine's day Kinsenas Sweet! Debut ng babae/James Yap Debut ng lalaki Dalawang nakaluhod na bakla/madre Jordan Bisperas! Pasko! katapusan Wala na sa kalendaryo/tarantado pokpok pumuputok pogi salapi highway Doble singko pautang buntis baligtaran kalbo matanda

15

III. Konklusyon Tunay ngang sikat na sikat ang larong Bingo sa mga Filipino. Bahagi na ito ng pangarawaraw na pamumuhay ng iilan. May malalaking epekto ang Bingo sa buhay ng tao. Mayroong masama at mayroon ding mabuti. Sinasalamin ng larong ito ang kultura at wikang Filipino. Makikita ang pagiging malikhain at masayahin ng mga Pilipino sa paglalaro ng Bingo. Mahilig ang mga Pilipino sa anumang laro at pagsusugal, wala itong pinipiling edad o kasarian, lugar o okasyon.

16

IV. Bibliograpiya [1]Bellis, Mary. The History of Bingo. [2,3] The History of Bingo for the Uninitiated. [4] Perham,Molly. The Encyclopedia of Games. Aurum Press Ltd. Great Britain. 1998 [5,12] Carlisle, Rodney P. Encyclopedia of Play in today's Society. SAGE Publications, Inc. 2009. p.79 [6] [7] [8] [9] [10] Problemadong Pagsusugal: ang mga Isyu, mga Pagpipilian. Centre for Addiction and Mental Health, Toronto,Canada.2005. [11] [13] Cardoza, Avery; Gambling Research Institute. The Basics of Winning Bingo,3rd Edition. New York: Cardoza Publishing,2003

17

V. Apendiks Mga Kard ng Bingo

a. Karaniwang kard ng Bingo

c. Online Bingo cards

b. kard na ginagamit sa pagtuturo ng matematika

d. Binguhan sa mga karnibal

18

Bingo Patterns

bibliograpiya: http://www.google.com.ph/imgres?um=1&hl=en&safe=off&sa=N&biw=1024&bih=537&tbm=isch&tbnid=QNPKz5Zs56nGM:&imgrefurl=http://www.globebingo.co.uk/info/bingopatterns&docid=6KLlGFlagjbX1M&imgurl=http://www.globebingo.co.uk/sites/default/files/bingo-winningpatterns.jpg&w=750&h=971&ei=zgp2ULiiMfCRiQeO4YGgAg&zoom=1&iact=hc&vpx=260&vpy=168&dur=361&hovh=256&hovw=197&tx=90&ty =197&sig=102209820848014774740&page=1&tbnh=155&tbnw=120&start=0&ndsp=9&ved=1t:429,r:5,s:0,i:84

19