Book Review Etikang Tagalog

  • View
    250

  • Download
    17

Embed Size (px)

Transcript

  • Bote, Ma. Liane Claudette C. 2011 25863

    PI 100 X1A Nilo Ocampo

    Pagsusuri ng Aklat: Etikang Tagalog Ang Ikatlong Nobela ni Rizal

    Nakakalimot ang bawat isa sa inyo na samantalang pinapanatili ng isang bayan ang kanyang

    wika ay pinapanatili rin ang sagisag ng kanyang kalayaan, tulad ng tao, nananatili ang kanyang

    pamamaraan sa pag-iiisip ng mga bayan

    Ang Etikang Tagalog ang ikatlong nobela ni Jose Rizal. Kagaya ng kanyang mga

    naunang nobela tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang kwento ay tungkol sa

    pamumuhay araw-araw ng mga Pilipino sa kamay ng mga kastila partikular ng mg prayle.

    Mayroong isang kuro paroko (Padre Agiton) na itinuturing na pinakamakapangyarihan sa

    kanilang lugar at sinasamba bilang isang Diyos (minsan ay higit pa), dalagang kay ganda na

    pinagnanasaan ng kura sa katauhan ni Cecilia, mga hindi gustuhing karakter tulad ni Kapitana

    Barang at tsismosang Sebya at sina Kapitan Panchong at Crispin, mga Pilipinong nagtutunggali

    sa pulitika. Kung tutuusin ay kaparehas lang naman talaga ito ng mga naunang akda ni Rizal, ang

    naiba lamang ay ang layunin nito. Una, sinulat ito ni Rizal labas sa mga pulitikal na konotasyon

    na kalimitan ay mababasa sa kanyang mga akda kung di sa pag-aalay sa sining. Nakasaad dito

    ang mga katutubong ugaling Tagalog, gawi, kagandahang asal at kasiraan ng mga Tagalog.

    Sinulat ito hindi upang piatas an ang mga Pilipino, ito ay para mamulat ang mga tao sa araw-

    araw na nakasanayan na nila nang walang pagtatanong o pag-aatubiling sundan na lamang. Sa

    katunayan, ginawa niya ito sa isang satirical at nakakatawang paraan upang hindi to masamain

    ng mga Pilipino at talagang maintindihan nila ang mensahe nito. Pangalawa, ang target na

    mambabasa ni Rizal ay mga Pilipino mga Pilipinong ang wikang ginagamit ay ang wikang

    Pilipino. Ninais ni Rizal na maipaalam sa mga Pilipino ang katotohanan na hindi lang

    nanggagaling sa bulung-bulungan, tsismis or iba pang ingay. Ninais niyang mga Pilipino mismo

    ang makabasa at makaintindi sa mga pangyayari sa kanilang inang bayan at sa sarili. Pinakita

    niya dito na mas may bigat ang mga salita kung ito ay sa sariling wika. Ang nobelang ito ay

    naiba dahil ang pokus na mambabasa nito ay ang mga Pilipino. Inilarawan ni Rizal ang araw-

    araw labas sa pokus ng mga dayuhan. Maaaring masakit at mahirap man tanggapin, lahat ng nasa

    nobela ay punong katotohanan. Inumpisahan niya ito na ang pangunahing layunin ay maisulat ito

  • sa wikang atin para nga naman tayo ang makabasa at makaintindi hindi kung sino mang

    dayuhan. Nakalulungkot man, hindi ito nangyari. Bilang tanyag na polyglot, maaaring isa ito sa

    mga bihirang kabiguan ng bayani. Makapagpahayag at makapagpaintindi sa maraming

    lenggwahe ngunit hindi sa mga kababayan. Sa kabila ng hirap niya sa pagsulat sa tagalog,

    tinuloy pa rin niya ang nobelang ito, maaaring umasa siya na sa hinaharap ay maging mas

    maalam ang mga Pilipino para maisalin at maikalat na ito sa mga tao. At ngayon nga ay

    naisakatuparan na ito sa salin ni Nilo Ocampo ng akda. Tinuloy niya ang orihinal na layuning

    naudlot noong panahon ni Rizal.

    sa halip na magkaroon ng mithiing maging probinsya, magmithing maging bansa, sa halip na

    mga kaisipang napapailalim, magkaroon ng mga kaisipang malaya ..

    Ngayong naisagawa na ang layunin ni Rizal, ano naman? Bakit makabuluhan ito sa pag-aaral ng

    kanyang buhay sa kursong ito?

    Natutuligsa si Rizal ng mga kritiko dahil sa kanyang pagnanais na maging probinsya

    lamang ng Espanya, di niya ninais na tuluyang makawala dito, at dahil sa hindi niya pagsama sa

    rebolusyong pinangunahan ni Andres Bonifacio. Ngunit sa liham niyang it okay Blumentritt

    bakit parang salungat ito sa nauna niyang paniniwala? Maaaring sa interpretasyon ko lamang ito

    ngunit interesante pa ring madiskubre na mayroon pang mga bagay na dapat suriing maiigi, mga

    bagay na dapat pang malaman para maintindihan lubos ang isang Jose Rizal upang maiwasan

    ang bulag na pagsamba o pagtuligsa. Dapat isaalang-alang ang kapaligiran at mga salik sa

    kanyang paglaki. Isa pa, sa nobelang ito napakitang kahit ang isang Jose Rizal ay may hindi rin

    kayang gawin. Hindi niya naisulat ang nobelang ito sa wikang Filipino. Hindi man ito nakabawas

    sa kanyang pagkahenyo ay nakadagdag ito sa paningin ko sa kanya bilang isang tao rin. Dahil

    dito mas naging totoo siyang tao hindi lang parte ng aking leksyon sa kasaysayan.

    Ang Etikang Tagalog ay isinulat noong ika19 daan taon, mahigit isang daang taon na ang

    nakalipas ngunit ang mga mababasa dito ay makikita pa rin sa kasalukuyan. Maaring naging

    consistent lang ang mga tao at panahon, maaari rin namang hindi pa nakakawala ang mga

    Pilipino sa 300 taong pamamalakad ng mga kastila kaya naman hanggang ngayon ay naa-adapt

    pa rin ito. Mas makikita ang pagkakaiba o pagkakaparehas noon sa kasalukuyan.

  • Una dito ang tungkol sa relihiyong katolisismo. Noon hanggang ngayon malakas pa rin

    ang impluwensya ng relihiyon sa buhay ng mga Pilipino. Hanggang ngayon, hindi pa rin

    nawawala ang matinding paniniwala natin sa kapangyarihan ng Diyos at ng paggawa ng mga

    bagay na kanyang ikatutuwa para tayo ay mabiyayaan. Ang pagkakaiba ay ang laki ng papel ng

    mga pari. Sa nobela, ang kura paroko ang hulang salita. Siya ang pinakamakapangyarihan sa

    bayan ng Pili sa puntong pati ang mga nauupo sa pwesto ay may sabi siya. Ang pinakamalala pa

    ay ang pagtrato nila sa kanilang kuro na higit pa sa katolisismo mismo. Naipakita ito nang

    nagkaroon ng pagsusuhestiyon (pagtatanong) na makapag-asawa ang mga prayle, partikular si

    Padre Agaton. At dahil nga mas mataas pa ang tingin nila sa kura kaysa sa relihiyon mismo, para

    sa kanila isang birhen lamang ang karapatdapat na makatuluyan niya at yuon nga ay si Cecilia.

    Si Cecilia ay ang anak ni Kapitan Panchong kaya naman maganda rin ang estado niya sa bayan

    ng Pili, isa pa, maganda siya, kimi at mabait. Sa kabilang banda ay si Anday, katulad ni Cecilia

    ay anak rin siya ng may mataas na posisyon. Marangya ang buhay nila hanggang sa nabaon sa

    utang ang kanyang ama, naging katulong at nabuntis ng anak ng kanyang amo na tumakas sa

    responsibilidad. Pinapakita rito ang hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan na hanggang

    ngayon ay di pa rin tuluyang nawawala. Sila ay katumbas lamang ng pagkaprestihiyoso ng

    kanilang pamilya o ng kanilang relasyon sa lalaki. Makikita rin dito kung gaano kadali para sa

    mga lalaki ang tumalikod sa kanilang responsibilidad. At syempre, ang pulitika noon ay tulad pa

    rin ng sa ngayon. Mahirap mang tanggapin, totoo talagang hindi maiiwasang magkaroon ng

    dayaan sa halalan. Pagsipsip sa mga maimpluwensya, pagsusuhol sa mga taumbayan at paggawa

    ng kahit ano makuha lamang ang posisyon. Kasabay nito ang ibang pagtrato sa mga kaanak,

    kaibigan o anak ng mga pulitiko na ito. Imbis na bigyan ng pantay na paghusga ang mga taong

    ito ay nauuna pa ang takot sa kamag-anak nilang nasa mataas na posisyon.

    Sa kabuuan, ang Etikang Tagalog ay ang unang nobela na isinulat ng isang Pilipino para

    sa mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga kastila. Higit pa sa layuning pagbunyag

    at pagbuo, ang akdang ito ay isa pa sa mga paraan nang pagpapakita ng kawalan ng takot ni

    Rizal sa harap ng kamatayan. Hindi lang ang pagbalik sa Pilipinas ang nagpakita nito kungdi ang

    paghulo ni Rizal na kailangan nang direktang ma-involve ng mga Pilipino, isang malaking

    hakbang sapagkat kinasasangkutan na ito ng buong bayan. At ginawa niya ito sa pamamagitan

    ng paggamit ng wikang magkakaisa sa lahat ng Pilipino, na nagpapakita ng pagkakaroon ng

    kakahayang magisip ng malay para sa sarili.

  • Ang paglalaban sa Pili ay sa pagitan ni Kapitan Panchong at Don Crispin na parehong

    tatakbo sa isang mataas na posisyon. Parehas nilang alam na kailangan nila ang supporta ng kura

    kung nais talaga nilang manalo kaya naman ditto nag-umpisa ang pasip-sipan sa kura sa

    pamamagitan ng pag-aamo, pagbibigay ng mga regalo at kung ano pang paraang maisip nila.

    Bukod pa dito ay may mga pandaraya rin silang ginagawa tulad ng pagsuhol sa mga boboto at

    pagsisiraan. Samakatwid, di lang posisyon ang pinaglalabanan nila kungdi ang basbas at

    impluwensyang makakapagbigay sa kanila ng kapangyarihan galing sa kura.

    Ang Kantang Anna Lee, the healer ng beach boys ay parehas sa pangalan ng isang

    karakter sa nobela. Siya ay si Anday.

    Ayon kay Ginoong Melicor, labingwalo ang bilang ng magagandang babae sa aming

    klase. Itong numerong ito ay matatagpuan rin sa nobela. Labingwalong taon kailangang

    magtrabaho ni Anday sa ilalim nila kapitana Barang at kapitan Panchong para mabayran ang

    utang niya. Ito rin ang nabanggit na edad ng dalawang dalaga (Cecilia at Anday). Sa bisaya, ang

    taliwas na termino ng maganda ay ngil-ad, laksot o maot.

    Bilang pagkakaroon ng isang prayle at dalaga sa akdang ito, hindi na nakakagulat kung

    magkaroon ng eksenang katulad nang sa Halika, iha. Ito ay matatagpuan sa kabanata ni Cecilia

    (Kabanata 8), kung saan ang mga tanim na bulaklak ni Cecilia ang kanilang napag-usapan. Sa

    metaporika pa lang ng paggamit ng mga bulaklak ay mapapansin na ang implikasyong nais

    iparating ng pari. Hindi man tuwirang sinabi ni Padre Agaton ngunit sa pagsasalikupan niya ng

    paningin , unti-unting paglapit at pagngiti nang kuway nagwagi na ay makikita na ang

    int