21
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan (Balagtasan) - Jose Corazon de Jesus LAKAN-DIWA: Yamang ako’y siyang Haring inihalal Binubuksan ko na itong Balagtasan, Lahat ng makata’y inaanyayahang Sa gawang pagtula ay makipaglaban. Ang makasasali’y batikang makata At ang bibigkasi’y magagandang tula, Magandang kumilos, may gata sa dila At kung hindi ay mapapahiya. Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas Na Hari ng mga Manunulang lahat, Ito’y dating Duplong tinatawag- tawag Balagtasan ngayon ang ipinamagat. At sa gabing ito’y sa harap ng bayan Binubuksan ko na itong Balagtasan Saka ang ibig kong dito’y pag- sapan: BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN. Tinatawagan ko ang mga makata, Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna At magbalagtasan sa Sariling Wika. PARU-PARO: Magandang gabi sa kanilang lahat Mga nalilimping kawal ni Balagtas, Ako’y paru-parong may itim na pakpak At nagbabalita ng masamang oras. Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa, Ang uod na dating ngayo’y nagmakata, Naging paru-paro sa gitna ng tula At isang bulaklak ang pinipithaya. Sa ulilang harding pinanggalingan ko Laon nang panahong nagtampo ang bango, Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito Ay may kabanguhang binubuhay ako. May ilang taon nang nagtampo sa akin Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, Luksang Paruparo kung ako’y tawagin, mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim. Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat- Payo, Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo, At si Laka-ILaw ang gagamitin ko Upang matalunton ang naglahong bango. LAKAN-DIWA Sa kapangyarihan na taglay ko na rin Ikinagagalak na kayo’y tanggapin, Magtuloy po kayo at ditto sa hardin, Tingnan sa kanila kung sino at alin. PARU-PARO: Sa aking paglanghap ay laon nang patay Ang bango ng mga bulaklak sa parang, Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang Bulaklak ng lahing kalinis-linisan. Ang bulaklak ko pong pinakaiirog Ubod na ng ganda’t puti ang talulot, Bulaklak poi to ng lupang Tagalog, Kapatak na luhang pangala’y kampupot. Kung kaya po naman di ko masansala 1

Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Embed Size (px)

DESCRIPTION

research

Citation preview

Page 1: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan

(Balagtasan)- Jose Corazon de Jesus

LAKAN-DIWA:Yamang ako’y siyang Haring inihalalBinubuksan ko na itong Balagtasan,Lahat ng makata’y inaanyayahangSa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasali’y batikang makataAt ang bibigkasi’y magagandang tula,Magandang kumilos, may gata sa dilaAt kung hindi ay mapapahiya.

Itong Balagtasa'y galing kay BalagtasNa Hari ng mga Manunulang lahat,Ito’y dating Duplong tinatawag-tawagBalagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing ito’y sa harap ng bayanBinubuksan ko na itong BalagtasanSaka ang ibig kong dito’y pag-sapan:BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitnaAt magbalagtasan sa Sariling Wika.

PARU-PARO:Magandang gabi sa kanilang lahatMga nalilimping kawal ni Balagtas,Ako’y paru-parong may itim na pakpakAt nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa,Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,Naging paru-paro sa gitna ng tulaAt isang bulaklak ang pinipithaya.

Sa ulilang harding pinanggalingan koLaon nang panahong nagtampo ang bango,Nguni’t aywan baga’t sa sandaling itoAy may kabanguhang binubuhay ako.

May ilang taon nang nagtampo sa akinAng bango ng mga bulaklak sa hardin,Luksang Paruparo kung ako’y tawagin, mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.

Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo,Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo,At si Laka-ILaw ang gagamitin koUpang matalunton ang naglahong bango.

LAKAN-DIWASa kapangyarihan na taglay ko na rinIkinagagalak na kayo’y tanggapin,Magtuloy po kayo at ditto sa hardin,Tingnan sa kanila kung sino at alin.

PARU-PARO:Sa aking paglanghap ay laon nang patayAng bango ng mga bulaklak sa parang,Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpangBulaklak ng lahing kalinis-linisan.

Ang bulaklak ko pong pinakaiirogUbod na ng ganda’t puti ang talulot,Bulaklak poi to ng lupang Tagalog,Kapatak na luhang pangala’y kampupot.

Kung kaya po naman di ko masansalaAng taghoy ng dibdib na kanyang  dinaya,Matapos na siya’y diligan ng luhaNang siya’y umunlad, nagtago…nawala!

Isang dapit-hapong palubog ang ArawSa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,- Paruparo, anya kita’y tatalian,Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.

Isang panyong puting myay dagta ng lasonAng sa aking mata’y itinakip noon,At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,Nagtago pa mandin at aking hinabol.

Hinabul-habol ko ang bango at samyoHanggang makarating ako sa malayo,At nang alisin na ang takip na panyoWala si Kampupot, wala yaring puso.

Ang taguang biro’y naging totohananHanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,Baliw na mistula sa pagsisintahan.

Sa lahat ng sulok at lahat ng panigAy siya ang laging laman niring isip,Matulog man ako’y napapanaginip,Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.

Sa apat na sulok ng mundong payapaAng aking anino’y tulang nabandila,Paruparo akong sa mata’y may luha,Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.

1

Page 2: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal,Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,At kung si Kampupot ay ayw po naman,Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.

BUBUYOG:Hindi mangyayari at ang puso niya’yKarugtong ng aking pusong nagdurusa,Puso ni Bulaklak pag iyong kinuhaAng lalagutin mo’y dalawang hininga.

Pusong pinagtali ng isang pag-ibigPag pinaghiwalay kapanga-panganib,Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik.

Ang dalawang ibon na magkasintahan,Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,

Paruparong sawing may pakpak na itimWaring ang mata mo’y nagtatakipsilim,At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliwDi man Kampupot mo’y iyong inaangkin.

Dinaramdam ko rin ang dinaranas moAt sa kasawia’y magkauri tayo,Ako ma’y mayroong nawawalang bangoNg isang bulaklak kaya naparito.

Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusapBawat salita mo’y matulis na sibat,Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,Luksang paruparo, siya ko ring hanap.

Ipahintulot mo, Paruparong luksa,Dalitin ko yaring matinding dalita.Itulot mo rin po, Hukom na dakila,Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.

PARUPARO:Di ko pinipigil ang pagsasalaysayLalo’t magniningning ang isang katwiran,Nguni’t tantuin mo na sa daigdiganAng bawa’t maganda’y pinag-aagawan.

LAKAN-DIWA:Magsalita kayo at ipaliwanangAng ubod ng lungkot na inyong dinanas,Paano at saan ninyo napagmalasNa ito ang siya ninyong hinhanap?

BUBUYOG:Sa isang malungkot at ulilang hardinAng binhi ng isang halama’y sumupling,Sa butas ng bakod na tahanan naming

Ay kasabay akong isinisilang din.

Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,At nang sa butas ko ako’y makalipadAng unang hinagka’y katabing bulaklak.

Sa kanyang talulot unang isinanglaAng tamis ng aking halik na sariwa,At sa aking bulong na matalinghagaNapamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

Nang mamukadkad na ang aking kampupotSa araw at gabi ako’y nagtatanod,Langgam at tutubing dumapo sa ubodSa panibugho ko’y aking tinatapos.

Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguanHabang ako’y kanlong sa isang halaman,Luksang paruparo nang ikaw’y maligawAng aking halakhak ay nakabulahaw.Ang inyong taguan, akala ko’y biro,Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa pusoSa akin man pala ay nakapagtago.

Lumubog ang araw hanggang sa dumilimGiliw kong bulaklak dir in dumarating,Nang kinabukasa’t muling nangulimlimAy hinanap ko na ang nawalang giliw.

Nilipad ko halos ang taas ng langitAt tinalunton ko ang bakas ng ibig,Ang kawikaan ko sa aking pag-alisKung dimakita’y din a magbabalik.

Sa malaong araw na nilipad-lipadDito ko natunton ang aking bulaklak,Bukong sa halik kokaya namukadkadDi ko papayagang mapaibang palad.

Luksang Paruparo, kampupot na iyan,Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,Ang unang balik kong katamis-tamisanSa talulot niya ay nakalarawan.

PARUPARO:Hindi mangyayaring sa isang bulaklakKapwa mapaloob ang dalawang palad.Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggapNagkasagi sana ang kanitang pakpak.

Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilangNang makalabas ka’y saka mo hinagkan:Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,

2

Page 3: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Sino ang malapit sa pagliligawan?

Una muna akong nag-uod sa sangaNa ballot ng sapot ng pagkaulila,Nang buksan ng Diyos yaring mga mataBulo’t dahon naming ay magkasama na.

Sa ugoy ng hanginsa madaling-arawNagduruyan kaming dalawa sa tangkay,At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

Sa kanyang talulot kung may dumadaloyNa patak ng hamog, aking iniinom;Sa dahon ding iyon ako nagkakanlongSa init ng Araw sa buong maghapon.

Paano ngang siya ay pagkakamalanSa kami’y lumaki sa iisang tangkay,Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhayIbig ko rin namang sa kanya mamatay.

BUBUYOG:Huwag kang matuwa sapagka’t kaniigNiyaring bulaklak na inaaring langit,Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibigMalayo ma’t ibig, daig ang malapit.

Saka ang sabi mong sa mutyang kampupotNakikiinom ka ng patak ng hamog,Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.

Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,At akong bubuyog ang dala ko’y buhayBulong ng hiningang katamis-tamisan.

PARUPARO:Akong malapit na’y napipintasan mo,Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,Ay ubos na pala ang tamis sa bao.

Bubuyog na laging may ungol at bulongAy nakayayamot saanman pumaroon,At ang katawan mo’y mayrong karayomPano kang lalapit, di naduro tuloy?

Di ka humahalik sa mga bulaklak,Talbos ng kamote ang siya mong liyag,Ang mga bintana’y iyong binubutas,Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.

Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,Iyong mgabulong ay naririnig ko;Kung dinig ng lahat ang panambitan moHiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.

BUBUYOG:Kundi iniibig ang nakikiusapLalo na ang tahimik na  tatapat-tapat,Kung ang magsalita’y di-magtamong-paladLalo na ang dungong di makapangusap.

Lilipad-lipad ka na payao’t dittoPasagilang-bingit, at patanaw-tao,Pagligaw-matandang sa panahong itoPagtatawanan ka ng liligawan mo.

Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyogNilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,Nguni’t saang panig nitong sansinukobNakakatuwaan ang paris mong uod?

Saka, Paruparo, dapat mong malamangSa mula’t mula pa’y di ka minamahal,Ang panyong panali nang ikaw ay takpanIkaw ang may sabing may lason pang taglay.

PARUPARO:Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib,Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibigAng sa aking panyo’y kanyang idinilig.

BUBUYOG:Dadayain ka nga’t taksil kang talagaAt sa mga daho’y nagtatago ka pa.

PARUPARO:Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawaSa taglay kong bulo nilason na kita.

BUBUYOG:Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.

BUBUYOG:Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.

PARUPARO:Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod.

LAKAN-DIWA:Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;Yamang di-malan ang may-ari nito,Kampupot na iya’y paghatian ninyo.

BUBUYOG:Kapag hahatiin ang aking bulaklakSa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirapKaya ang talulot niya ang malagas.

PARUPARO:

3

Page 4: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Kung hahatiin po’y ayoko rin namanPagka’t pati ako’y kusang mamamatay;Kabyak na kampupot, aanhin ko iyanO buo wala nguni’t akin lamang.

LAKAN-DIWA:Maging si Solomong kilabot sa dunongDito’y masisira sa gawang paghatol;Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.

Ipahintulot pong sa mutyang naritoNa siyang kampupot sabihin kung sino,Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

KAMPUPOT:Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,At si Bubuyog po’t paruparong bukid,Ay kapwa hindi ko sila iniibig.

PARUPARO:Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,Limot mo na baga ang aking pagliyag?Limot mo na bagang sa buong magdamagPinapayungan ka ng dalawang pakpak?

KAMPUPOT:Tila nga, tila nga sa aki’y mayroongSa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoyAt di inakala na sinuman yaon.

BUBUYOG:At ako ba, Mutya, hindi mo na batidAng mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,Ang akin bang samo at mga paghibikNa bulong sa iyo’y di mo ba narinig?

KAMPUPOT:Tila nga, tila nga ako’y may napansingDaing at panaghoy na kung saan galing,Nguni’t akala ko’y paspas lang ng hanginAt di inakala na sinuma’t alin.

BUBUYOG:Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,Makapitong lumbay o hanggang matapos.PARUPARO:Dito natunayan yaong kawikaanNa ang paglililo’y nasa kagandahan.

SABAY: BUBYOG AT PARUPARO:Ang isang sanglang naiwan sa akinAy di mananakaw magpahanggang libing.

LAKAN-DIWA:Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibangNabaliw nang hindi kinababaliwan:Yamang ang panahon ay inyong sinayangKaya’t nararapat na maparusahan.

Ikaw ay tumula ngayon, Paru-paro,Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.

(Pagkatapos makatula ni Paruparo)

LAKAN-DIWA:Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos makatula ni Bubuyog)

Minamahal nami’t sinisintang bayan,Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;At kung ibig ninyong sila ay hatulan,Hatulan na ninyo pagdating ng bahay,

WALANG SUGAT(Ni Severino Reyes)

Unang BahagiI TAGPO(Tanaggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro    :           Ang karayom kung iduroAng daliri’y natitibo,Kapag namali ng duroBurda nama’y lumiliko

Julia    :          Anong dikit, anong inamNg panyong binuburdahan,Tatlong letrang nag-agapayNa kay Tenyong na pangalan.

Koro    :           Ang karayom kung itiriktumutimo hanggang dibdib.

Julia    :           Piyesta niya’y kung sumipotPannyong ito’y iaabot,Kalakip ang puso’t loob,Ng kaniyang tunay na lingkod.                        Si Tenyong ay mabibighaniSa dikit ng pagkagawaMga kulay na sutla,Asul, puti at pula.

4

Page 5: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Panyo’t dito ka sa dibdib,Sabihin sa aking ibigNa ako’y nagpapahatidIsang matunog na halik.

Koro    :          Ang karayom kung iduroAng daliri’y natitibo.Hoy tingnan ninyo si JuliaPati panyo’y sinisinta,Kapag panyo ng ibigTinatapos ng pilitNang huwag daw mapulaanNg binatang pagbibigyan:Ang panyo pa’y sasamahanNg mainam na pagmamahal.

At ang magandang pag-ibigKapag namugad sa dibdibNalilimutan ang sakitTuwa ang gumugiit.

Mga irog natin namanSila’y pawang paghanduganMga panyong mainamIburda ang kanilang pangalan.

Julia    :          Piyesta niya’y kung sumipotPanyong ito’y iaabotKalakip ang puso’t loobNg kaniyang tunay na lingkod.

Koro    :           Nang huwag daw mapulaanNg binatang pagbibigyanAng panyo pa’y sasamahanNg mainam na pagmamahal.

Salitain

Julia    :           Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na.

(Papasok ang magkasisikanta). (Lalabas si Tenyong).

II TAGPO

(Tenyong at Julia…)

Tenyong:        Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…

Julia    :    Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya.

Tenyong:       Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…

Julia    :         Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.

Tenyong:        (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito naHubog kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing,Ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

Julia    :           Huwag mo na akong  tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.

Tenyong:        (Nagtatampo)  Ay!…

Julia    :           Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.

Tenyong:        Masakit sa iyo!

Julia    :  (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong…(sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig!

Tenyong:        Ay!

Julia    :  (Sarili) Anong lalim ng buntung hininga! (Biglang ihahagis ni Juliaang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.

Tenyong:  Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit…

Julia    :     Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!

Tenyong:  Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.

Julia    :           Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…

Tenyong:        Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at F. ay Flores.

Julia    :           Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.

Tenyong:        Hindi pala akin at kanino nga?

5

Page 6: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Julia    :           Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.

Tenyong:        Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?

Julia    :           Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle.

Tenyong:   Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin nang tungkol sa mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.

Julia    :  Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis maraming butil at nag nag-aalab na magsasalita).

Tenyong:  Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay … sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).

Musika No. 2

Julia    :           Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong:        Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.

Julia    :           Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang  iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.

Tenyong:        Salamat, salamat, Juliang poon ko.

Julia    :           Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.

Tenyong:        Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi…

Tenyong:        Julia ko’y tuparin adhikain natin.

Julia    :           Tayo’y dumulog sa paa ng altar.

Tenyong: Asahan mo.

Sabay: Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana).

III TAGPO

(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas)Salitain

Juana  :  Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong)(Lalabas si Lukas)

Lukas  :           Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!

Tenyong:        Napaano ka, Lukas?

Lukas  :           Dinakip pa ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.

Tenyong:        Diyata dinakip si Tatang?

Lukas  :           Opo.

Tenyong:        Saan kaya dinala?

Lukas  :           Sa Bulakan daw po dadalhin.

Tenyong:        Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang.

Juana  :  Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka…(Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).

Tenyong:   Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutunungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango sa bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas.

(Telong Maikli)Kalye

IV TAGPO

6

Page 7: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

(Musika)Koro at Lukas

Lukas  :           Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.

Koro    :           Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.

Isang Babae: Naubos na ang lalaki.

Lahat ng Babae:       Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.

Lukas  :           Marami pang lalaki.

Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay…

Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan.

Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.

Isang Lalaki:  Kaka ko’y gayundin naman.

Isang Babae: Asawa’y paroroonan.

Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.

Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain.

Mga Babae:   Tayo na, tayo na.

Lahat:        Sumakay na sa tren.

Mga Lalaki:    Doon sa estasyon.

Lahat:    Ating hihintuin. (Papasok lahat)(Itataas ang telong maikli)

V TAGPO

(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas). Salitain

Relihiyoso1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…

Marcelo:      Mason po yata, among?

Relihiyoso 1.0:  Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya sumulat maraming K, cabayo K.

Marcelo:   Hindi po ako kabayo, among!

Relihiyoso 1.0:   Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2.0:  Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.

Marcelo:      Hindi sila makakain eh!

Relihiyoso 1.0:  Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.

Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!

Relihiyoso 2.0:   Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilan kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!

Marcelo:  Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po isang araw.

Relihiyoso 2.0:  Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).

Marcelo:         Salamat po, among!

Relihiyoso 1.0:   Kahapon ilan ang namatay?

7

Page 8: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Marcelo:     Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.

Relihiyoso1.0:       Bakit ganoon? (gulat)

Marcelo:   Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.

Relihiyoso 1.0;    Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.

Relihiyoso 1.0:    May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.

Relihiyoso 1.0:  Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?

Marcelo:  Opo, among                (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?

Relihiyoso 2,3,4:   Si, si, hemos traido.

Relihiyoso 1.0:   Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo:   Hindi po makalakad, eh!

Relihiyoso 1.0:    Dalhin  dito pati ang papag.Relihiyoso 2.0:    Tonto.

Tadeo :     Bakit ka mumurahin?

Juana  :    Kumusta po naman kayo, among?

P. Teban:  Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay

walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.

Juana  :    Totoo po ba ang sabi mo.

P.Teban:  Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.

Juana  :   Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?

P. Teban:   Siya nga, ulilang inaampon ko.

Miguel:       Ay! Aling Julia… ay… ma… ma… malapit na po…

Julia    :      Alin po ang malapit na?

Miguel:       Ang… ang… ang…

Julia    :      (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Tadeo :    Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.

Miguel:     Ay… salamat (tuwang-tuwa.)

Julia    :       (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?

Tadeo :       Ano ba ang sinabi mo?

Miguel :       Sinabi ko pong … ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!

Tadeo :       Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?

Miguel :       Sinabi ko pong malapit na…

Tadeo :        Malapit na ang alin?

Miguel :     Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…

8

Page 9: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Tadeo:   Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata…

Relihiyoso 1.0:    Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo.(Magsisilabas ang mga dalaw).

VI TAGPO(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).

Salitain

Relihiyoso 1.0:    Kapitana Putin, ngayon makikita ma na angbtao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…

Putin   :    Salamat po, among.

Relihiyoso 1.0:   Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.

Putin   :     Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among.(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).

Relihiyoso 1.0:  (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.

Relihiyoso 2.0:    Ya lo creo que va mal.

Los 3  :    Si, si a fusilar, a fusilar.(Papasok ang mga pare).

VIITAGPO(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso) Salitain

Putin   :    Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?

Tenyong:    Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamngmangan!(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).

Putin   : Inggo ko!

Tenyong:  Tatang!

Julia    :    Kaawa-awa naman!

Tenyong:   Mahabaging Langit!

Musika

Tenyong:  Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali… Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.

Salitain

Tenyong:   Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…

Inggo   :  Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray luray na ang katawan… Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!Putin, ay Putin … Juana-Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila… Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.

Tenyong:  Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…)

9

Page 10: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Musika No.2

Tenyong:   Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.

Julia    :  Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat ng niyang laman, buto samapung taba, di makababayadsa utang na madla.

(Mga Babae at Lalaki)

Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.

Tenyong:  Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong hunghan… ang awa’y nilimot sa kalupitan…

Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay…

Tenyong:  Inang, masdan mo po… at masama ang lagay  ni Tatang,  Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang, Tatang…

Putin   :    Inggo ko… Inggo…

Tenyong:  Patay na!

(Mangagsisihagulgol ng iyak)Telong Maikli

VIII TAGPO(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).Salitain

Putin   : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko’y parang pinipitpit sa palihang bakal!(Si Putin ay mapapahandusay).

Tenyong:  Langit na mataas!(Papasok lahat)

IX TAGPO(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).Salitain

Tenyong:        Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhi.

Isa       :           Ako’y mayroong iniingatan.

Isa pa  :           Ako ma’y mayroon din.

Tenyong:        Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.

Isa       :           Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan?

Tenyong:   Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.

Isa       :       Mga tampalasan.

Isa pa  :      Walang patawad!(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).

Julia    :       Tenyong, Tenyong!

Tenyong:        Julia!

Julia    :   Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may dandam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?

Tenyong:  Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko?

Julia    : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!

10

Page 11: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Tenyong:  Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “May anak ako,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.

Julia    :   Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin!(Huhubarin ang garantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.

Tenyong:        Sa Diyos nananalig.

Julia    :           Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.

Tenyong:        Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Julia    :           Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.

Tenyong:        Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.

Julia    :           Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay mapawi.

Tenyong:        Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’t tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nnag hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga

sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!

Julia    :  Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay.

Tenyong:        Juliang aking sinta!

Julia    :       Oh, Tenyong ng buhay!     Tenyong:      (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).

Julia    :    (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok)

X TAGPO(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)

Sa loob.

Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko – Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren).

TelonWakas ng Unang Bahagi

Ikalawang BahagiI TAGPO(Bahay ni Julia)Julia at JuanaSalitain

Juana  :  Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam.

Julia    :      Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!

Juana  :      Bakit ba ganyan ang sagot mo?

Julia    :      Wala po!

11

Page 12: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Juana  :  Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo?

Julia    : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay…

Juana  :    Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.

Julia    :      Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.

Juana  :    (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga- anong pusu-pusoang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig, ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na…

Julia    :      Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!

Juana  :     Siyang tunay!

Julia    :    Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil   sa tapat na udyok ng aking puso.

Juana  :      Julia,  tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.

Julia    :       Wala po!

Juana  :  Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!

Julia    :     Sarili) Moro yata si Tenyong!

II TAGPO

(Julia at Monica)Salitain

Julia    :    Monicaaaaaaaaaa, Maonicaaaaaaaaaa.

Monica:      (Sa loob) Pooo!

Julia    :      Halika (Lalabas si Monica)Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka…

Monica:    Opo (Papasok).

III TAGPO(Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)Musika

           Dalit ni Julia

Oh, Tenyong niyaring dibdib,Diyata’ ako’y natiisNa hindi mo na sinilipSa ganitong pagkahapis.

Ay! Magdumali ka’t daluhan,Tubusin sa kapanganiban,Huwag mo akong bayaangMapasa ibang kandungan.

Halika, tenyong, halika,Atbaka di na abutinSi Julia’yhumihinga pa…Papanaw, walang pagsala!

At kung patay na abutinItong iyong nalimutanAng bangkay ay dalhin na lamangSa malapit na libingan.

Huling samo, oh Tenyong,Kung iyo nang maibaonSa malungkot na pantiyon,Dalawain minsan man isang taon.

Salitain

P. Teban:  (Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t na pakalumbay lamang…

Julia    : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating… Kahiya-hiya po.

12

Page 13: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

P. Teban:      Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?

Julia    :      Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).

P. Teban:    Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa… Marunong         kang pumili, Miguel.

Tadeo :   Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana).

Juana  :      Aba, narito pala ang among! Mano po, among!

P. Teban:       Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?

Juana  :           Mabuti po, among.

Tadeo :           (Kay Miguel) Lapitan mo.

Miguel :           Baka po ako murahin ah!  

Lyrics of Buko – Jireh Lim

Verse: A – C#m – Bm – ENaalala ko paNung nililigawan pa lamang kitaDadalaw tuwing gabiMasilayan lamang ang ‘yong mga ngiti

At Ika’y sasabihanBukas ng alas siyete sa dating tagpuanBuo ang araw koMarinig ko lang ang mga himig mo

Hindi ko man alam kung nasan kaWala man tayong komunikasyonMag hihintay sa’yo buong magdamagDahil ikaw ang buhay ko

Chorus: A – C#m – Bm – E 2x – Bm – C#m – Bm – C#m – D – EKung inaakala moAng pag-ibig ko’y magbabagoItaga mo sa bato

Dumaan man ang maraming paskoKahit na di mo na abot ang sahigKahit na di mo na ‘ko marinigIkaw pa rin ang buhay ko

Verse: A – C#m – Bm – ENaalala ko paNung pinapangarap pa lamang kitaHahatid, susunduinKahit mga bituin aking susungkitin

Chorus: A – C#m – Bm – E 2x – Bm – C#m – Bm – C#m – D – EKung inaakala moAng pag-ibig ko’y magbabagoItaga mo sa batoDumaan man ang maraming paskoKahit na di mo na abot ang sahigKahit na di mo na ‘ko marinigIkaw pa rin ang buhay ko

Bridge: D – E – F#m – EAraw-araw kitang liligawanHaharanahin ka lagiKitang liligawanHaharanahin ka lagi

Chorus: A – C#m – Bm – E 2x – Bm – C#m – Bm – C#m – D – EKung inaakala moAng pag-ibig ko’y magbabagoItaga mo sa batoDumaan man ang maraming paskoKahit na di mo na abot ang sahigKahit na di mo na ‘ko marinigIkaw pa rin ang buhay ko

Lyrics of Classmate – Hambog

Chorus:Unang araw palang minahal na kitaBakit ba ganito ang aking nadamaDi man kita lubusan pang kilalaEh ano naman basta mahal kita

1st Verse:Unang araw sa school ako’y nasa eskwelahanUniporme ay cool baka may maeksenahanSyempre meron bagong chicks ngayon nagenrollkaso yung iba mukang pang shake rattle and roll (OH)Pero iisa ang agaw pansinIsang babaeng kumakain magisa sa canteenTapos lalo pa kong natuwa at lalong sumayaNung nalaman ko ang crush ko classmate ko palaHaha ngayon nga madiskartehanWala akong pake kung magtaray o maginarte

13

Page 14: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

yanBasta gusto ko lang sabihin salitang nakakasadoSa exam ng puso ko alam mo ba ikay pasadoPero teka lang pangalan mo di ko pa alam“Hoy mister wag kang maingay” tumahimik ka ma’amAnyway di ko pa rin alam pangalan mong banalPero pwede ba tawag ko nalang sayo mahal

Chorus:Unang araw palang minahal na kitaBakit ba ganito ang aking nadamaDi man kita lubusan pang kilalaEh ano naman basta mahal kita

2nd verse:2nd subject andun kame sa may labHindi ako nakikinig titig ako kay my loveOo love na nga kita L-O-V-EDi ko dama ang pagod ko kahit na mag P.E.Pag topic ay P.C. ito’y hindi easyKaya ika’y busy pero ako’y sisi-ngit pa rin sa oras mo kahit ikaw ay mainesKase ikaw bumubusog sa puso ko kapag recessKung eskwelahan ang puso ko ikaw ang principalDahil sinusunod lamang nito kanyang minamahalDaig ko pa ang first honor kapag nakita kitaIkaw solution sa problem sa matematikaNg buhay ko kase ikaw plus ako equals for betterMultiply by tiwala at love equals foreverAt wala ng pwedeng magdivide sa ating dalawaKase sa aklat ng Sibika tayo’y nakatalaga

Chorus:Unang araw palang minahal na kitaBakit ba ganito ang aking nadamaDi man kita lubusan pang kilalaEh ano naman basta mahal kita

3rd Verse:Tumatangge ako sa tropa pagsinabeng cutting tayoKase misyon ko saking pagpasok maging tayoYayayain lang nila ko sa bilyarang kalapitanBakit pa ko dun sasamakung sayong tabe kalangitanDi ba tama aking katuwiranSa eskwelahan dun lang kita natatabihanKapag ikaw ang seatmate ko ayoko ng lumisanSana dito nalang tayo at walang uwian (Damn)

Baliw na ba ko hay nako lagotSaking assignment,quiz at exam pangalan mo

sagotLagi kong hinahanap ang yong essence at presenceKase kinukumpleto mo ang nonsense na sentenceKaya di na aabsent you’re the angel God sentAyos ba ang accent syempre laging presentDi nawawala sa school laging lumalapagKase ikaw ang dahilan kung bat ako nagsisipag

Chorus:Unang araw palang minahal na kitaBakit ba ganito ang aking nadamaDi man kita lubusan pang kilalaEh ano naman basta mahal kita

4th Verse:Ika’y iba sa lahat masasabeng ibang klaseAt salamat sapagkat ika’y aking naging kaklaseAt ikaw ngayon ang subject dito sa aking rapKung hindi ka nakilala malamang ako’y nadropKase tamad akong binatang sawa sa eskwelahanNgunit ikaw ay estudyante don kaya may kwenta yanGumawa ako ng project tulang ipapabasaDi ito para kay ma’am sayo ko to papasaSana pumasa ako sayoSana magreview ka rin na umaasa ko sayoAt ang mahalin kita hindi ko yon pinagaralanDahil nadama ko yon ng kusa at agad agaranClassmate kong mahal sana maisip mo naMatamis mong oo ang tuturing kong diplomaAt bago ka mawalay sakin sa bakasyonSchool year na kasama ka sa puso ko babakas yon

Chorus:Unang araw palang minahal na kitaBakit ba ganito ang aking nadamaDi man kita lubusan pang kilalaEh ano naman basta mahal kita

Bridge:(Classmate ko na)Nagbigay ng kaligayahanKaya ang nais ko ikaw ay lagi lang na nanjaanSana kahit tayo ay magkalayo(Classmate)Maalala mo ako(Dahil)

Unang araw palang minahal na kitaBakit ba ganito ang aking nadamaDi man kita lubusan pang kilalaEh ano naman basta mahal kita

Lyrics of Nasa Iyo Na Ang Lahat – Daniel Padilla

14

Page 15: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

[Chorus:]Nasa ‘yo na ang lahatMinamahal kita ‘pagkatNasa ‘yo na ang lahatPati ang puso ko…

Nasa ‘yo na ang lahatMinamahal kitang tapatNasa ‘yo na ang lahatPati ang puso ko…

Oh Oh Oh Ohh OhhhNa-nasa ‘yo na ang lahat

Oh Oh Oh Ohh OhhhNa-nasa ‘yo na ang lahat

Lahat na mismo nasa ‘yoAng ganda, ang bait, ang talinoInggit lahat sila sa’yoKahit pa tapat man kanino

Kaya nung lumapit ka sa’kinAy, bigla akong nahiloDi akalaing sabihin mong ako na ‘yonAng hinahanap mo…

[Chorus:]Nasa ‘yo na ang lahatMinamahal kita ‘pagkatNasa ‘yo na ang lahatPati ang puso ko…

Nasa ‘yo na ang lahatMinamahal kitang tapatNasa ‘yo na ang lahatPati ang puso ko…

Oh Oh Oh Ohh OhhhNa-nasa ‘yo na ang lahat

Oh Oh Oh Ohh OhhhNa-nasa ‘yo na ang lahat

Kinikilig pa rin akoAng sarap magmahal ‘pag panaloNag-iisa sa puso koIto’y kaya ‘di na ba magbabago

Ako ang pinili sa damiNg ibang nireretoHindi akalaingSabihin mong ako na langAng hinahanap mo… Ohh

[Chorus:]Nasa ‘yo na ang lahatMinamahal kita ‘pagkatNasa ‘yo na ang lahatPati ang puso kohhh

Nasa ‘yo na ang lahatMinamahal kitang tapatNasa ‘yo na ang lahatPati ang puso kohhh

Nasa ‘yo na ang lahatMinamahal kita ‘pagkatNasa ‘yo na ang lahatPati ang puso kohhh

Nasa ‘yo na ang lahatMinamahal kitang tapatNasa ‘yo na ang lahatPati ang puso kohhh

Oh Oh Oh Ohh OhhhNa-nasa ‘yo na ang lahat

Oh Oh Oh Ohh OhhhNa-nasa ‘yo na ang lahat

[Coda:]Nasa ‘yo na ang lahat

Lyrics of Just Give Me a Reason Ft. Nate Ruess – Pink

Right from the startYou were a thiefYou stole my heartAnd I your willing victimI let you see the parts of meThat weren’t all that prettyAnd with every touch you fixed themNow you’ve been talking in your sleep oh ohThings you never say to me oh ohTell me that you’ve had enoughOf our love, our love

Just give me a reasonJust a little bit’s enoughJust a second we’re not broken just bentAnd we can learn to love againIt’s in the starsIt’s been written in the scars on our heartsWe’re not broken just bentAnd we can learn to love again

I’m sorry I don’t understandWhere all of this is coming fromI thought that we were fine(Oh we had everything)Your head is running wild againMy dear we still have everythin’And it’s all in your mind(Yeah but this is happenin’)You’ve been havin’ real bad dreams oh ohYou used to lie so close to me oh ohThere’s nothing more than empty sheetsBetween our love, our loveOh our love, our love

15

Page 16: Bulaklak Ng Lahing Kalinis

Just give me a reasonJust a little bit’s enoughJust a second we’re not broken just bentAnd we can learn to love againI never stoppedYou’re still written in the scars on my heartYou’re not broken just bentAnd we can learn to love again

Oh tear ducts and rustI’ll fix it for usWe’re collecting dustBut our love’s enoughYou’re holding it inYou’re pouring a drinkNo nothing is as bad as it seemsWe’ll come clean

Just give me a reasonJust a little bit’s enoughJust a second we’re not broken just bentAnd we can learn to love againIt’s in the starsIt’s been written in the scars on our heartsThat we’re not broken just bentAnd we can learn to love again

Just give me a reasonJust a little bit’s enoughJust a second we’re not broken just bentAnd we can learn to love againIt’s in the starsIt’s been written in the scars on our heartsThat we’re not broken just bentAnd we can learn to love againOh, we can learn to love againOh, we can learn to love againOh oh, that we’re not broken just bentAnd we can learn to love again

16