36
Buod Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok. Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag- iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo. Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan. Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.

Buod Isang Marangyang Salu-salo Ang Ipinag-Anyaya Ni

Embed Size (px)

Citation preview

Buod

Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok. Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo. Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan. Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa. Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit. Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay

kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol. Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra. Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama. Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat. Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kanyang dinatnan. Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito. Sianbi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya mayisnag taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael(ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain. Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga kastila.Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra,si Don Rafael at Pari Damaso ay nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael. Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo. Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng ba be bi bo bu na labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang sinampald na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa

galit at si DonRafel ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga. Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigatna parusa.Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito. Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si don Rafael ay malapit ng lumaya dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael. Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra. Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan. Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin. Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan.Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik. Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote. Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa

makasama pa ito sa libingan ng mga intsik. Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing. Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote. Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino na sila ya hilahod sa hirap. Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi mapagbibintangang isang magnanakaw. At kung malalaman ni ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi ni ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32.00. lubhang mabigat ito para kay Basilio. Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya sapagkat maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo ng kura at siya’y mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Nasindak ang huili sa binanggit ng kapatid. Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipikikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong paslo, na kinuha pa sa kanya ng hidhid na kura. Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang makauwi silang magkapatid upang makakain ng masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siyang nagnakaw, hindi pa siya pinapakain hangga’t hindi niya naisauli ang dalawang onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at sabungero. Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinanslaa siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi sumasapit ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi. Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan hanggang sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kanyang palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring magararo sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at nagpatihulog na padausdos sa bintana ng

kampanaryo. Nuon ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan. Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa. Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka. Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali. Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama. Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa. Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa. Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang

pandinig:Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila. Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama. Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip. Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak. Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter. Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na. Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa ang sinabungkay nag dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ag Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalndra sa isang sulok. Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo siyang bumalik sa bahay. Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahioran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan. Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao. Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya. Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa,akurdiyon at tambuli. Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan. Nag-

tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Marai. Si albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga . Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo,matipuno ang pangangatawan,maitim,mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias. Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda. Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok. Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalokm.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa.sSgawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya. Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay. Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito. Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan. Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan.Sa may di – kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito.Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kat Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Pari Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Pari Salvi tt Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan.Namagitan na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang kukupkup kay Sisa. Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: " Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran.Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan.Dumating si ari Salvi. Walang sabi-

sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.Sa darating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginagulad ng mga sibil at sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng unti-unting lumalaganap ang dilim sa paligid. Magtatakipsilim na. Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng nagsusulat ng heroglipiko sda wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, Sinbi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon ng kanilang mga ninuno.Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao.. Kung kaya’t isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayoon pa rin sa kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hiindi nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga pinagsangunian.Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo peero mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati – rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghininga’y magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng pautang at sa gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan. Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di- papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat ang utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni

Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkat muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian.Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ayy sunod-sunod na tanong ang kanyang pinakawalan.(1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2)Kailangan bang maapi upang maging mabutiing kriistiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin? (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na "Sapagakat ang lupang pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!" Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing:"humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot!"Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abng naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang –tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan.Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama. Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra. Ika-10 ng Nobyembre angn bisperas ng pista sa bayan ng San Diego.Naging masigla sa paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako.Ang mga bintana ng bahay ay napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon. May nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng musiko.Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa.Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga,kaibiganokaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man o mayamanupang masiyahan sila sa pista.Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas dinkabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga,belong.Ginansilyo ,alpombra,bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo,hitso at nganga.Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay pwewdeng ng makapanalamin.Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan dinAng mga

masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan. Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang makadan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga taga-Tundo. Madalas na tinutogtug ang kampana kasdunod ang mga putok ng mgha kuwitis at bomba.Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong oirkestra ang inihanda sa para sa pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa Lipa,Tanauan,Batangas at Sta.Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa mga balita Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging bangkero naman pasgdating ng gabi. Ang mag magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng manok,baboy bungangkahoy at mga gulay na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka.Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang abala ang mga manggagawa,ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan. Ang isang panig ay para sa mga lalakiat ang ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay magiging kauri ng mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa planong ginawa ni Ginoong A, na siyang arkitekto ,ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang tamad na mag-aral.Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang kura ay humiling na siya angn gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang batosa huling araw ng pista. Sa mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman simabahan ang kanyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang klahat ng gastos.Dahil dito,siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Ginawa siyang huwaran, ngunit karaniwan, ang atin lamang natutularan sa kanila ay maliliit na bagay na kanilang ginagawa at ang mga kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng kuwelyong damit, bilang ng butones ngtsaleko o amerikana. Nawala sa isipan ni Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kanyang nasasbi ngunit tinugon siya nng matanda sa isang aral ni Balagtas na "Kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukha’t pakitang gilliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim…siyang isaisip na kakabakahin. Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapaglkat sa lahat ng dako ito ay mayruong kaaway." Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan," pagdidiin pa ni Elias.Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo."Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan. Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang mababatid 'buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol at naging hukom.Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan

akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra. Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian. Dahil sa nangyari hindi dalawin mg antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si Elias.Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari sa liwasan. Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang mga ito ay mga sibil. Ang ama ng magkakapatid na patayin sa palo ang mga sibil na nanggulo sa liwasan. Pero dahil sa may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay madaling napakiusapan nito. Hindi na kumibo si Ibarra, kaya nagpaalam na si Elias.Nagbihis at nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa pagkakasakit ng kasintahan. Tutungo siya sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa daan nakasalubong niya ang isang maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas at kapatid ng taong madilaw na namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan. Nabanas ng husto si Ibarra sa pangungulit ni Lucas na kung magkano raw ang ibabayad sa pamilya ng kanyang kapatid. Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si Lucas dahil dadalaw ito sa isang maysakit. Ska na nila pinag-usapan ang tungkol sa pagbabayad. Mauubos na ang pagtitimpi ni Ibarra, kaya tinalikuran niya kaagad si Lucas.Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra sabay bulong sa sariling si Ibarra ay apo nga talaga ng nagbilad sa init sa kanyang ama at iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang mga ugat… subalit kapag ito (Ibarra) ay mahusay magbayad ng mataas, sila ay magiging mabuting kaibigan. Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria. Pinag-uusapan ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiyago kung alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na lumaki, o ang

krus sa Matahong na nagpapawis. Nais malaman ni Tiyago kung alin sa dalawang ito ang higit na mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang dalawang ito upang gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil ang pag-uusap ng magpinsan nang mayroong tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya.

Inaasahan ni Tiyago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala ni Victorina si Linares, sinamahan sila ni Tiyago sa kani-kanilang silid.

Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang Orofea. Siya ay isang ginang na may edad na 45, pero ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang lamang. Nuong bata at dalaga pa siya at kapani-paniwalang maganda ito. Kaya, hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang pinangarap niyang mapangasawa ay isang dayuhan. Isa siyang social climber at ibig na mapabilang sa mataas na antas ng lipunan. Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang nasilo. Nalagay siya sa pangangailangan na kailangang makapangasawa siya ng dayuhan. Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang Kastila na taga-Espanya itinaboy ng bayang Extremadura at ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Ang kastilang ito ay Tiburcio de Espanada na may 35 taong gulang,ngunit mukha pang matanda kay Donya Victorina.

Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko dumanas siya ng katakot-takot na pagkahilo at nabalian pa ng paa. Nahihiya na siyang magbalik sa Espanya, dahil ipinasya na niyang manatili sa Pilipinas. Eksaktong 15 araw siya sa bansa nang matanggap siya sa trabaho dahil sa tulong ng mga kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral pinayuhan siya ng mga kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging kastila. Ayaw sana niyang sumunod dahil nahihya siya, pero dahil sa gipit na gipit na siya,wala siyang mapagpipilian kundi sumunod sa payo.

Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan pero wala talagang kaalam-alam sa panggagamot. Sa una mabana ang singil. Lumalaon pataas ng pataas, sinamantala niya ng husto ang pagtitiwala ng mga Indio. Dahil dito, umaasa siya na tuloy-tuloy na ang kanyang pagyaman. Ngunit, nagsumbong ang mga tunay na mediko sa Protomediko de Manila na siya ay pekeng doktor. Nawalan na siya ng pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga kakilala’t kababayan subalit napangasawa nga niya si Donya Victorina.

Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-gata. Ilang araw ang nagtagal bumili ng aranya at karomata si Donya Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas para sa gamit nilang mag-asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa katawan. Ilang buwan ang lumipas, Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak na tatawaging rebolusyunario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espanada.Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsyami kayat wala siyang magawa kundi ang manatili sa "lupaing ito ng mga salvaje." Ang ginawa niya ay nagpatingin sa

mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak.Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang kanyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung minsan nama’y hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay.Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong medicina at cirugia. Tumutol ang Don sapagakat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na lamang sa Donya. Tunay na amini’t hindi, siya ay Ander de Saya.Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na:DOCTOR DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES at ito ay ikinabit sa kanyang bahay.Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang kastila sa kanyang mga ari-arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon naman ng Don ang pamangkin si Linares na nag-aaral ng pagkamananggol, sa gastos ng Donya.Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Pari Salvi. Dati ng kakilala ng mag-asawa ang pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder sa estado.Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw lamang ng Kapitan – Heneral sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Mari disin sanay’y nakadaupang palad nila ang Henerl.Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang kaibiganng babae at si Andeng na may hawak ng punpon ng azucena.Naitanong naman ni Linares kay Pari Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat may dala itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares.Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: Sa Umaga ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linarez na nabigla sapagkat nakatoun ang kanyang mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan.Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linarez sa magandang mukha ni Maria nang sabihin ni Pari Salvi na dumating na si Pari Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara. Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigan ni Maria at luhaang sisnabi sa "Anak ko, hindi ka mamamatay."Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng pari. Ang mga nakakakilala sa prayle ay halos hindi rin makapaniwala na ang paring may magaspang na ugali at matipunong anyo ay mayroon palang gayong kalambot na damdamin ng pari. Tumindig si Pari Damaso at nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng balkkonahe at umiyak na parang batang ibunulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat na talagang mahal na mahal ng pari ang inaanak na si Maria.Nang kumalma na ang damdamin ng pari, ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay anaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakauapin nila si Tiyago.Naiwan si Pari Salvi na malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na lamang siya nang batiin ni Lucas, na hinihingi umano ng payo tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagdrama ng husto si

Lucas, pilit na nagpapatulo siya ng luha nan isalysay niya ang pakikipagkita niya kay Ibarra at binigyan lamang ng P500.00 para sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagalit ang pari sa kadramahan ni Lucas, kaya pinagtabuyan niya ito at pasalamat siya’t hindi siya ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na bumubulong-bulong si Lucas. Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.Isang hapon napag-usapan ang nakatakdang pag lipat ng parokya ni Pari Damaso sa Tayabas. Sinabi ni Kapitan Tiyago na ang ganitong pagkakalayo ng pari ay labis na daramdamin ni Maria sapagkat para na rin niya itong ama. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga pangyayari noong pista. Sinabi naman ng kura na mabuti nga ang di pag papahintulot ng kapitan na mag kausap ang anak at si Ibarra. Pero, tinutulan ng Donya ang ganitong pananaw ng dalaga sapagkat matibay ang kanyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang nakapagpagaling kay Maria.Hindi pinansin ni Pari Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki raw ang nagawa ng pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi ang lahat namga gamot na gaya ng pinatutunayan na ng maraming pagkakaton. Dahil dito, nabanas ang Donya at iminungkahi niya kay Pari Salvi na gamutin ng kanyang kumpisal Si Donya Consulation na asawa ng alperes.Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na ipahanda kay Tiya Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan nniya ng viatico kinabukasan upang tuloy-tuloy na ang kanyang paggaling.Samantala,pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa bumbong na kristal at bilin ng doktor ay itigil ito kaag nakakaramdam siya ng pamimingi. Itinanong ni Maria kay Silang kung hindi sumulat si Ibrra. Sumagot si sinang na abala si Ibarra sa pag-aasikaso na mapatawad ng arsobispo ang kanyang ekskumunyon. Saglit na natigil ang kanilang pag\uusap sapagkat siyang pagpasok ni Tiya Isabel upang ihanda muli si Maria na sulatan niya si Ibarra at sabihing limutin na niya ito. Di nakapag tanong si Sinang dahil nagsisimula na si Tiya Isabel, si Maria naman ay nag-iisip ng mga kasalanan. Binasa ni Tiya Isabel ang sampung utos. Pagkaraan ay nagtulos ng isang malaking kandila sa harap ng altar ng mahal na Birhen.Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip na makinig ang pari sa sinasabin ni Maria, tila ba binabasa ang nasa isip ng dalaga. Nung lumabas ng silid si Pari Salvi, ito ay namumutla at nakapangagat labi, kunot ang nuo at pawisan. Sa malas, siya ang kinumpisalan na di nagtamo nag patawad. Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at Bruno. Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiyago upang ibalita na siya ay hindi escomulgado at dalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura at nagsasaad na inaalis na ang excomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kanyang pamangkin si Maria ang kastilang si Linares. Tinawag ni Isabel si Maria at pinatuloy si Ibarra.Ngunit biglang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng kasintahan si Linares na nasa balkon. Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak na abaniko. Sa may paanan nito ay nandoroon si Linares na nagkukumpol ng rosas at sampaga. Namulat si Linares ng makita si Ibarra samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si Linares ay waring napapatda at hindi makapagsalita.Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang diipinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si

Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw.Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip. Sa paglakad niya, humantong siya sa ipinapagawang paaralan. Binati siya ni Nol Juan at mangagawang dinatnan niyang abalang gumagawa. Binigyang diin ni Ibarra sa mga dinatnan na wala ng dapat ipangamba sa kanya ng sinuman sapagkat siya ay hindi na excomugaldo. Pero, tinugon siya ni Nol Juan na hindi nila pinapansin ang excommunion sapagkat silang lahat ay pawang excomulgado.Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod si Elias at ipinahiwatig sa pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa kanya. Dahil dito, inutusan ni Ibarra si Nol Juan na kunin at ipakita sa kanya ang talaan nito ng mga obrero upang kanyang tignan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias na nais niyang makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong mamangka sila sa baybay ng lawa sa bandang hapon upang pag-usapan ang isang napakahalagang bagay. Tumango lamang si Ibarra nang makitang papalapit na sa kanila si Nol Juan. Si Elias naman ay lumayo na. Nang tignan ng binata ang talaan ng mga obrero, wala ang pangalan ng pilotong si Elias. Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria.Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao.Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang kanyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na ang Kapitan-Heneral ay kanyang mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat kung may kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman nilang masasamang kailangan.Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala satinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay naman sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan

ang cedula personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol.Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may-kapangyarihan.Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala. Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila sa kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan. Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat. Ang lahat ay natakot sa kanyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na haliparot,delingkuwente at napalo at ang bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng ina.Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay nakabulagta ssa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng magandang ugali.Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang kabuhayan hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na mamanhikan. Nangangambasiyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido siyang panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala siyang kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa babae. Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang ama. Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa

lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasa’y may kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kaya’t umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan. Maganda ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahyal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid. Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang ito’t sukat.Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa iba’t-ibang lalawigan bunga ng iba’t-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias. Nagpalitan pa ng iba’t-ibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo sa kanya na siya (Ibarra) ay taus-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdaming. Lamang, wala siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay matroong kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kuta ni Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila. Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at

tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento. Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais na ang "multong" si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na ‘tulisan…tulisan…Si Tiya Isabal ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad ng binata, mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama.Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag… isang duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban.Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang

katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra. Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat na polvorista, sila’y pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias. Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang akalaing siya ay taga-Peñafrancia.Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at ilang bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-PasigAt nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga heswitas kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias ang masasayang araw na tinamasa niya, may magulang, kapatid at maganddang kinabukasan. Namuhay nang masagana at mapayapa. Sumapit sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang kasama at mahihingi, pinaraan niya si Elias.Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka.Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa kanya sa kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang. Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento.Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito

ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Pari Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria. Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Di nagtagal, aiya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng kanyang ikinamatay.

Sa kabilang dako, si Pari Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila.

Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takip-silim ay makikita siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napapayaan niya ang kanyang katawan at kabuhayan. Ang kanyang dating marangyang tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na isang tanyag at dating iginagalang.Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo niyang siya’y taga-Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero. Si Don Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya natatawag bilang "doktor" para mag-gamot. Wala na rin siyang ngipin.

Mga Tauhan:

Crisostomo IbarraBinatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

EliasPiloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Kapitan TiyagoMangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre DamasoIsang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.

Padre SalviKurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Maria ClaraMayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo TasyoMaalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

SisaIsang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at CrispinMagkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

AlperesMatalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya VictorinaBabaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Donya ConsolacionNapangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de EspadañaIsang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

LinaresMalayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don FilipoTinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan

Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

LucasTaong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at BrunoMagkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya IsabelHipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya PiaMasimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Iday, Sinang, Victoria,at AndengMga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael IbarraAma ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don SaturninoNuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Mang PabloPinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan BasilioIlan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin

Tinyente GuevarraIsang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana MariaTanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre SibylaParing Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

AlbinoDating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.