29
BENIGNO SIMEON “NOYNOY” COJUANGCO AQUINO III Si Simeon Benigno "Noynoy" Cojuangco Aquino III (ipinanganak Pebrero 8, 1960) ay isang senador ng Pilipinas at ang isang kandidato para sa Pangulo ng Pilipinas sa halalan ng 2010, na nagbabalak na kumakatawan sa Liberal Party. Siya ay ang tanging anak na lalaki ng dating Pangulong Corazon Aquino at dating senador Benigno Aquino, Jr. Nagtapos sa Pamantasan ng Ateneo de Manila, siya ay malubhang nasugatan ng rebeldeng sundalo sa isang nabigong pagtatangka sa panahon ng pagkapangulo ng kanyang ina. Noong 1998, siya ay inihalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan bilang Kinatawan ng ika-2 distrito ng Tarlac sa lalawigan ng 11th Kongreso ng Pilipinas; siya ay na-reelect ng dalawang beses, sa kalaunan, siya ay naging Deputy Speaker. Noong 2007, siya ay nahalal sa Senado ng ika-14 Kongreso ng Pilipinas. Siya rin ang kapatid na lalaki ng TV host at Actress Kris Aquino. Maagang Buhay at Pag-aaral Si Benigno Aquino III ay isinilang noong 8 Pebrero 1960. Siya ay isa sa limang mga anak ni Benigno Aquino, Jr, na Bise Gobernador ng Tarlac sa panahong iyon, at Corazon Aquino. Siya ay may apat na kapatid na babae: Maria Elena ( "Ballsy"), Aurora Corazon ( "Pinky"), Victoria Eliza ( "Viel"), at Kristina Bernadette ( "Kris"). Nag-aral si Noynoy sa Pamantasang Ateneo de Manila

Cabinet Members

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Cabinet Members

BENIGNO SIMEON “NOYNOY” COJUANGCO AQUINO III

Si Simeon Benigno "Noynoy" Cojuangco Aquino III (ipinanganak Pebrero 8, 1960) ay isang senador ng Pilipinas at ang isang kandidato para sa Pangulo ng Pilipinas sa halalan ng 2010, na nagbabalak na kumakatawan sa Liberal Party. Siya ay ang tanging anak na lalaki ng dating Pangulong Corazon Aquino at dating senador Benigno Aquino, Jr.

Nagtapos sa Pamantasan ng Ateneo de Manila, siya ay malubhang nasugatan ng rebeldeng sundalo sa isang nabigong pagtatangka sa panahon ng pagkapangulo ng kanyang ina. Noong 1998, siya ay inihalal sa Kapulungan ng mga Kinatawan bilang Kinatawan ng ika-2 distrito ng Tarlac sa lalawigan ng 11th Kongreso ng Pilipinas; siya ay na-reelect ng dalawang

beses, sa kalaunan, siya ay naging Deputy Speaker. Noong 2007, siya ay nahalal sa Senado ng ika-14 Kongreso ng Pilipinas.

Siya rin ang kapatid na lalaki ng TV host at Actress Kris Aquino.

Maagang Buhay at Pag-aaral

Si Benigno Aquino III ay isinilang noong 8 Pebrero 1960. Siya ay isa sa limang mga anak ni Benigno Aquino, Jr, na Bise Gobernador ng Tarlac sa panahong iyon, at Corazon Aquino. Siya ay may apat na kapatid na babae: Maria Elena ( "Ballsy"), Aurora Corazon ( "Pinky"), Victoria Eliza ( "Viel"), at Kristina Bernadette ( "Kris").

Nag-aral si Noynoy sa Pamantasang Ateneo de Manila University para sa kanyang elementarya, mataas na paaralan, at kolehiyo, na nagtapos noong 1981 na may Bachelor of Arts degree sa Economics. Pagkatapos ng kolehiyo, siya ay sumali sa kanyang pamilya sa Boston sa pagkakatapon.

Noong 1983, ilang sandali lamang matapos ang pagkapatay sa kanyang ama, si Noynoy ay nagkaroon ng isang maikling panahon ng panunungkulan bilang isang miyembro ng Philippine Business for Social Progress. Mula 1985-1986, siya ay retail sales supervisor at youth promotions assistant para sa Nike Philippines at naging isang assistant for advertising and promotions din para sa Mondragon Philippines. Noong 1986, siya ay sumali sa Intra-Strata Assurance Corp bilang bise-presidente ng korporasyon na pag-aari din ng kanilang pamilya.

Page 2: Cabinet Members

Noong Agosto 28, 1987, habang labing-walong buwan sa pagkapangulo ang inang si Cory, isang hindi matagumpay na pagtatangkang kubkubin ang Malacañang Palace ang naganap. Pinamunuan ito ni Gregorio Honasan. Si Noynoy ay dalawang bloke lamang mula sa palasyo nang sumiklab ang isang sunog. Tatlo sa apat niyang security escorts ay napatay at ang ikaapat ay nasugatan sa pagpoprotekta sa kanya. Si Noynoy man ay natamaan din ng limang bala, kung saan ang isa ay naka-embed pa rin sa kanyang leeg.

Mula 1986-1993, si Noynoy ay Vice President at ingat-yaman para sa Best Security Agency Corporation, isang kumpanya na pag-aari ng kanyang tiyuhing si Anolin Oreta. Nagtrabaho din siya para sa Central Azucarera de Tarlac noong 1993, ang kompanyang pag-aari ng angkang Cojuangco. Nagsimula siya bilang executive assistant for administration bago naging field services manager noong 1996.

Political na Buhay

Si Aquino ay isa sa nangungunang kasapi ng Liberal Party. Siya ang Vice Chairman ng Partido Liberal mula noong Marso 17, 2006 hanggang sa kasalukuyan. Siya ay dating Secretary General ng partido (1999-2002), Bise-Presidente ng Luzon Liberal Party (2002-2004), at ang Secretary General ng partido (2004-16 Marso 2006).

Si Aquino ay kasama rin sa isang pangkat ng Liberal Party na tumututol sa pamahalaan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dahil na rin sa di-umano'y paglabag ng gobyerno sa karapatang-pantao.

House of Representatives

Inihalal si Aquino sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong 1998, na kumakatawan sa 2nd District ng Tarlac. Siya ay nanalong muli sa halalan noong 2001 at 2004, at nagsilbi hanggang 2007.

Si Aquino ay nagsilbi sa iba't-ibang komite bilang isang miyembro ng Kongreso: ang Public Order and Security, Transportation and Communications, Agriculture, Banks &and Financial Intermediaries, Peoples’ Participation, Suffrage and Electoral Reforms, Appropriations, Natural Resources, and Trade and Industry committees (11th Congress), the Civil, Political and Human Rights, Good Government, Public Order and Security, Inter-Parliamentary Relations and Diplomacy committees (12th Congress), and the Banks and Financial Intermediaries, Energy, Export Promotion, Public Order and Safety committees (13th Congress)

Si Aquino ay Deputy Speaker din mula ika-8 ng Nobyembre 2004 hanggang ika-21 ng Pebrero 2006.

Page 3: Cabinet Members

Senado

Dahil sa limitasyong hindi puwedeng tumakbong muli ang isang kinatawan para sa ikaapat na termino, tumakbo para sa Senado at inihalal si Aquino noong Mayo 14, 2007 midterm elections sa ilalim ng banner ng Genuine Opposition (GO), isang koalisyon na binubuo ng mga partido, pati na ang kanyang sariling Liberal Party, na naghahanap na supilin ang pagtatangka ng Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na baguhin ang Saligang Batas. Sa kanyang political ads, siya ay inendorso ng nakababatang kapatid na babae, ang TV host na si Kris Aquino, at ng ina, ang dating Pangulong Corazon Aquino. Kahit na deboto ng Katoliko Romano, siya ay inendorso ng isa sa pinakamalaking Protestanteng simbahan sa Pilipinas, ang Jesus is Lord. Nagtamo si Aquino ng higit sa 14.3 million votes upang maging pang-anim sa 37 na kandidato para sa 12 bakanteng posisyon sa senado ng halalang iyon. Nagsimula ang kanyang panunungkulan noong Hunyo 30, 2007.

Plano sa 2010 Election

Nang mamatay ang Pangulong Corazon Aquino, umabot sa rurok ang tawag kay Noynoy para tumakbo sa pagka-pangulo. Pagkatapos ng kanyang retreat ay nagpasya na nga si Noynoy na tumakbong pangulo sa halalan ng 2010.

Isang grupo ng mga abogado at mga aktibista bumuo ng NAPM - ang Noynoy for President Movement - at isang nationwide movement ang kanilang ginawa na nangongolekta ng isang milyong lagda upang akitin si Noynoy Aquino na tumakbo bilang presidente. Noong huling linggo ng Agosto, si senador Aquino, ang kanyang kapwa partymate sa Liberal Party na si senador Mar Roxas at isang hindi nasabing pangulong aspirante ay nagsimulang mag-usap upang magdesisyon sa kung anong gagawin para sa halalan ng 2010.

Septiyembre 1, 2009, sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, si Senador Roxas, isa sa nangungunang kandidato para sa nominasyon ng Liberal Party ay inihayag ang kanyang withdrawal sa pagkapangulo at ipinahayag ang kanyang suporta para sa kandidatura ni Aquino.

Noong Septiyembre 9, 2009, 40 na araw matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, opisyal na inihayag ni Noynoy ang kanyang plano para sa pagkapangulo sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, kung saan ay nagsilbi din ang lugar na presidential inagaural site ng kanyang ina noong 1986.

Personal na Buhay

Si Noynoy Aquino ay nananatiling single, ngunit may mga bulong-bulungan na nagkaroon ito ng relasyon kay Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, at aktres na si Diana Zubiri sa nakalipas. Siya na ngayon ay nakikipagkita kay Shalani Shan R. Soledad na isang 29-taong-gulang konsehal mula sa Valenzuela City.

Page 4: Cabinet Members

JEJOMAR BINAY

Si Jejomar "Jojo" C. Binay ay ang ika-labinglimang pangalawang pangulo ng Pilipinas. Naglingkod rin siya bilang alkalde ng Lungsod ng Makati. Siya rin ang tagapangulo ng United Opposition (UNO), Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban), at Boy Scouts of the Philippines.

Napangasawa niya ang isang doktor, si Elenita Sombillo, na naging alkalde rin ng Makati noong 1998 hanggang 2001. Nagkaroon sila ng limang anak, sina Maria Lourdes Nancy, Mar-Len Abigail (Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Makati), Jejomar Erwin (Konsehal ng Makati), Marita Angeline, at Joanna Marie Bianca.

Talambuhay

Supling nina Diego Medrano Binay at Lourdes Cabauatan, ipinanganak si Binay noong Nobyembre 11, 1941 sa Paco, Maynila. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, nanirahan siya sa Makati kasama ang kanyang tiyuhin na si Ponciano Binay. Nagtrabaho siya sa murang edad bilang tagapag-alaga ng mga baboy at panabong na manok ng kanyang tiyo upang masuklian ang pagsusustento sa kanya.

Si Binay rin ang nagpaaral sa sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Nakapasok siya sa Philippine Normal College Training Department, University of the Philippines Preparatory High School, at Unibersidad ng Pilipinas, kung saan nakapagtapos siya ng mga kursong Political Science at Abogasya. Matapos pumasa sa bar exams noong 1968, kumuha siya ng ilang kursong masteral sa public administration sa UP at Abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Naging propesor rin si Binay ng batas, political science, at public administration sa Philippine College of Commerce (ngayon ay Polytechnic University of the Philippines), Philippine Women's University at St. Scholastica's College habang nag-aaral ng masteral at nagtatrabaho.

Noong kasagsagan ng Batas Militar, naging bahagi si Binay ng Free Legal Assistant Group (FLAG) at ng August Twenty-One Movement (ATOM) na nabuo matapos mamatay si Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983. Isa rin siya sa nagtaguyod ng isang lupon ng mga abogado, ang Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism, Inc. (MABINI), kung saan kabilang rin sina Lorenzo at Wigberto Tañada, Rene Saguisag, at Joker Arroyo. Nabilanggo ang ilang mga miyembro ng organisasyong ito dahil sa diumano'y pagtulong nila sa mga political prisoners.

Buhay pulitika

Matapos ang EDSA Revolution, inatasan ni Cory Aquino si Binay na tumayong pansamantalang alkalde ng Makati, hanggang sa ganap siyang inihalal bilang alkalde noong 1988. Noong 1987 naman ay inatasan siyang maging gobernador ng Kalakhang

Page 5: Cabinet Members

Maynila, at di-naglaon ay naging tagapangulo ng Metro Manila Development Authority. Muli siyang nahalal bilang alkalde noong 1992 at 1995.

Bilang alkalde ng Makati, inuna niya ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga residente ng lungsod. Ang mga pampublikong paaralan sa lungsod ay ilan sa mga pinakamahuhusay sa bansa sa aspeto ng facilities at pagtuturo. Namimigay rin siya ng mga health card--ang "yellow card"--para lamang sa mga residente ng Makati, at ang mga ito ay sumasakop sa lahat ng gastusin sa ospital. Siya rin ang unang opisyal na naglaan ng serbisyong libreng panonood ng sine sa mga malls sa Makati para sa mga matatanda (senior citizen).

Pagtakbo sa pagkapangulo

Idineklara ni Binay ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 11 Nobyembre 2008 sa ilalim ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban, kung saan nagpahayag ng suporta sa kanya si dati presidente Joseph Estrada. Gayon pa man, bumaba rin siya at nagpasyang tumakbo na lamang bilang bise-presidente kaakbay si Estrada, na siya namang tatakbo sa pagkapresidente sa darating na halalan. Sa kasalukuyan, si Binay ay nanguuna sa karera ng Bise Presidente laban sa kanyang kalaban si Mar Roxas.

Suspensyon

Noong Oktubre 2006, sinuspinde si Binay ng Department of Interior and Local Government dahil sa mga diumanong “ghost employee” sa ilalim ng kanyang pamamalakad. Ang naghain ng paratang ay ang karibal niya sa pulitiko, si Roberto Brillante. Bilang pagtutol sa kanyang pagkakasuspinde, binarikada ni Binay ang sarili niya sa loob ng munisipyo ng Makati samantalang nagbigay sa kanya ng suporta ang ilang kilalang personalidad gaya nina Corazon Aquino at Susan Roces. Nagtalaga ng restraining order ang Court of Appeals, pagkatapos ay injunction upang masiguro na hindi mapipilit ang kanyang suspensyon hangga't hindi nalilinaw ang kaso.

Hindi nakasuhan si Binay dahil sa kakulangan ng ebidensya at isinasaad ng mga kritiko na pakana lamang ito ng gobyerno upang hindi mapuna ang sarili nitong mga kakulangan.

Mga gawain at kaugnayang pangsibiko

Miyembro, Rotary Club of Makati, R.I. District 3830 Pambansang Pangulo, Boy Scouts of the Philippines; Asia-Pacific Regional

Scout Committee Chairman Vice President for Membership (2006- 2008), United Cities and Local

Governments - Asia Pacific Chapter Life Honorary Member (since February 2001), Member - World Executive

Committee – International Union of Local Authorities-Asia Pacific Member, Executive Committee (2006-2009) - Network for Local Authorities for

the Management of Human Settlement (CITYNET) Chairman, Finance Sub-Committee - World Scout Organization Colonel rank - Philippine Navy Reserve Force

Page 6: Cabinet Members

Mga kinabibilangang organisasyon

Miyembro at tagapangulo (Ad Hoc Committee), LABAN Partido Demokratiko Pilipino-Laban(PDP-Laban)

o National President o Member, National Executive Committee o Chairman, Makati Chapter o Chairman, Metro Manila Council o Chairman, Ad Hoc Committee o Makati Campaign Manager, 1986 Presidential Snap Elections

Founding Member at Pangalawang Tagapangulo, Movement of Attorneys for Brotherhood, Integrity and Nationalism, Inc. (MABINI)

Tagapayong Ligal, August Twenty One Movement (ATOM) Tagapangulo, Free Legal Assistance Group (FLAG) - Manila Chapter Pambansang Pangulo, Boy Scouts of the Philippines Miyembro (1998); Tagapangulo (2007-2012), Asia Pacific Regional Scout

Committee, The World Organization of the Scout Movement Pangulo, United Opposition (UNO)

Page 7: Cabinet Members

PIA CAYETANO

Si Pilar Juliana "Pia" Cayetano (ipinanganak noong 22 Marso 1966) ay isang abugado, negosyante, tri-athlete, maybahay at ina at senador ng Pilipinas.

Buhay at Edukasyon

Ipinanganak si Cayetano sa Michigan, Estados Unidos. Galing siya sa isang tanyag at mayamang pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dating senador Rene "Compañero" Cayetano at ng asawa nitong si Sandra Schramm. Si Cayetano ay may tatlong kapatid: sina Alan Peter, Rene Carl, at Lino Edgardo. Kasal siya kay Atty. Arriben Sebastian at may

dalawa silang anak na babae: sina Maxine at Nadine.

Si Pia ay nagtapos na cum laude sa kursong economics sa School of Economics ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) noong 1985. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at siya'y kumuha ng abogasya sa UP College of Law at nagtapos na may parangal. Naging miyembro siya ng Order of the Purple Feather, ang honor society ng UP Law.

KareraPropesyonal

Nagtrabaho si Pia bilang Associate Lawyer ng Castillo, Laman Tan, at Pantaleon Law Offices kung saan pinagtuunan niya ang Corporate Law at Intellectual Property Law. Siya'y naging opisyal ng Legal at Corporate Affairs ng Belle Corporation at mga kaanib nito mula 1996 hanggang 1999. Naging general counsel siya ng Philweb Corporation sa taong 2000 at siya ang nangulo ng Maxi Group of Companies, isang tingiang tagabenta ng mga laruang pang-edukasyon, at iba pang mga kagamitang pambata.

Pulitikal

Matapos mamatay ang kanyang ama dahil sa kanser sa tiyan, ipinagpatuloy niya ang sinimulan nito. Tumakbo siya at naihalal bilang senador noong 2004 sa edad na 38. Sa kasaysayan ng mga naihalal bilang senador, si Pia ang pinakabatang babaeng nailuklok sa pwesto.

Ilan sa mga batas na kanyang naipasa ay ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Law of 2008 (Republic Act 9502), Oil Spill Liability Law (RA 9483), Biofuels Law (RA 9367), Hospital Detention Law (RA 9349), National Anti-Rabies Law (RA 9482), at ang Environmental Awareness and Education Act of 2008 (RA 9512).

Kamakailan lamang ay nagdala si Pia ng karangalan sa bansa nang maihalal siyang pangulo ng Coordinating Committee of Women Parliamentarians ng Inter-Parliamentary Union (IPU). Ito ay ang pinakamataas na posisyon na nakamit ng isang Pilipino sa 119-

Page 8: Cabinet Members

taon ng IPU, na itinuturing na "United Nations" ng mga parliamentarians sa buong mundo.

Noong 15 Agosto 2009 nagsumite si Cayetano ng kanyang kandidatura pagkasenador sa ilalim ng Partido Nacionalista. Bago nito, naging usap-usapan noon na siya ay tatakbong bise presidente ni Manny Villar.

Apilasyon

Integrated Bar of the Philippines - miyembro Gabriel Symphony Foundation Inc. - tagapagtatag National Volleyball Team - miyembro Young Entrepreneurs' Organization - miyembro Delta Lambda Sigma Sorority - dating grand archon Compañero Rene Cayetano Foundation - tagapagtatag Philippine Cancer Society - tagapagsalita Universal Birth Registration Project - tagapagsalita Usapang de Kampanilla, DZMM 630khz - co-host Ang mga Payo ni Compañero, DZMM - co-host Compañero y Compañera, People's Tonight - tagapagsulat Baby Magazine and Good Housekeeping - tagapagsulat Compañero y Compañera - Radio host Publisher of Booklets and Newsletters for mothers Philippine National Duathlon Team - miyembro Samahan Laban sa Pekeng Gamot - tagapagsalita Pinay in Action - tagapagtatag

Parangal at Papuri

Finisher, ITU World Duathlon 2005 2004 Series Champion, Ladies Division, Clark Duathlon 2002 Finisher, San Francisco Marathon Youngest Member, Philippine National Volleyball Team (17 taong gulang) Youngest Member at Captain Ball, UP Varsity Volleyball Team (18 taong gulang) Runner, Cyclist, Tri-athlete at Sports enthusiast

Mga Ipinaglalaban

Si Cayetano ang nakapagtayo ng Gabriel Symphony Foundation Inc. na tumutulong sa mga operasyon ng mga maliliit na bata na may depekto sa baba (cleft lips) at mga proyekto para sa mga espesyal na bata at edukasyon para sa mahihirap. Itinayo din ni Pia ang Rene Cayetano Foundation na nagbibigay suporta sa mga taong nangangailangan ng tulong o gabay medikal, edukasyon, at sumusulong sa mga isyu ng kalikasan. Pinapangarap ni Cayetano na magkaroon at makapagtayo ng Liver Center sa Pilipinas. Si Pia ang tagapagsalita ng Philippine Cancer Society at ng Universal Birth Registration Project. Kasapi din siya sa Young Entrepreneur's Organization.

Page 9: Cabinet Members
Page 10: Cabinet Members

ALAN CAYETANO

Alan Peter Schramm Cayetano (born October 28, 1970) is a senator from the Philippines. He was the congressional representative from the district of Taguig-Pateros for 9 years. He had a seven-point program for his Taguig-Pateros constituency in Metro Manila. Cayetano is particularly focused on education. He ran for senator on the May 14, 2007 Philippine elections under the Genuine Opposition banner and won. He assumed his new office

beginning June 30, 2007.[1]

Family

Father: former Senator Renato Cayetano (deceased) Mother: Sandra Schramm-Cayetano Siblings: Senator Pia Cayetano-Sebastian (older sister), Councilor Rene Carl

Cayetano (elder brother), and TV/movie director Lino Edgardo Cayetano (younger brother)

Spouse: Mayor Ma. Laarni Lopez

Education

Ateneo de Manila University, Juris Doctor, 1997; admitted to the Bar, 1998 University of the Philippines, Diliman, BA Political Science, 1993 De La Salle-Santiago Zobel School, High School, 1988 De La Salle-Santiago Zobel School, Elementary, 1984

Profession/occupation

Lawyer/Representative, Taguig and Pateros Senior Partner: Cayetano Sebastian Ata Dado & Cruz, (Caselaw)

Work experience

Senator of the Philippines, 2007-2013 (14th to 15th Congress) Representative, Taguig and Pateros, 1998-2007 (11th to 13th Congress) Partner, Cayetano Sebastian Dado & Cruz Law Offices, 1998 Vice Mayor, Taguig, 1995-1998 (But his victory was confirmed only 10 days

before his three-year term was due to end) Councilor, Taguig, 1992–1995

Page 11: Cabinet Members

RAMON BONG REVILLA JR.

Si Jose Marie Mortel Bautista[1] (ipinanganak Setyembre 25, 1966),

mas kilala bilang Ramon "Bong" Revilla, Jr., o Bong Revilla, ay

isang Pilipinong artista, politiko, at Senador ng Pilipinas.

Talambuhay

Nakatapos si Revilla ng Elementarya noong 1979 Grade sa Jesus

Good Shepherd sa Bayan ng Imus at Mataas na Paaralan noong 1982 sa Fairfax High

School. Ama niya ang aktor rin na si Ramon Revilla, Sr. (Jose Acuna Bautista) at asawa

naman niya si Lani Mercado (Jesusa Victoria H. Bautista)

Page 12: Cabinet Members

Si Juan Ponce Enrile ay batikang mambabatas at dating naging ministro ng Tanggulang Pambansa sa Filipinas. Kabilang si Enrile sa mga tumalikod kay Pang. Ferdinand E. Marcos at naglunsad ng kudeta na magiging titis sa Aklasang Bayan sa EDSA.

Talambuhay

Si Juan Ponce Enrile ay ipinanganak noong 14 Pebrero 1924, sa bayan ng Gonzaga sa Cagayan. Bininyagan siya sa pangalang Juanito Furagganan, dala ang apelyido ng kaniyang ina. Upang magkaroon ng mas magandang oportunidad, umalis si Enrile sa Gonzaga, Cagayan at nagtungo sa poblasiyon upang doon mag-aral at maghanapbuhay bilang maninilbi sa kamag-anak ng kaniyang ina. Di naglaon ay lumipat siya sa Aparri at pumasok sa Cagayan Valley Institute.

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay umanib sa mga gerilya. Nahuli siya, ikinulong, at pinahirapan, ngunit nakatakas siya at nang patapos na ang himagsikan ay nagsilbi sa U.S. Quartermaster depot sa Aparri, Cagayan. Habang ang himagsikan ay laganap, ang kaniyang mga kapatid na babae ay lumikas patungong Aparri at nalaman ang tungkol sa kaniya. Pagkatapos ng himagsikan, nakilala ni Enrile ang kaniyang ama sa opisina nito sa Binondo, Maynila

Dinala ni Don Alfonso si Enrile sa kaniyang tahanan sa Malabon. Binigyan ni Don Alfonso si Juanito ng bagong pangalan, Juan Ponce Enrile. Nag- aral muli si Enrile ng hay-iskul sa St. James Academy sa Malabon.

Noong 1947, pumasok si Enrile sa Ateneo de Manila at nagtapos bilang cum laude at may Associate in Arts Degree. Sa Unibersidad ng Pilipinas, nagtapos siya bilang cum laude at salutatorian sa UP Law Class 1953. Pumasa siya sa Bar Examinations at nakuha ang ika-11 puwesto na may 91.71 porsiyento at nakakuha ng perpektong puntos sa commercial law.

Inalok siya ng tulong pinansiyal ng Harvard University at doon ay nagpakadalubhasa sa Batas at may espesiyalidad sa Taxation at corporate law.

Pagbalik sa Filipinas, sumapi siya sa Ponce Enrile, Siguion Reyna, Montecillo, Bello Law Office at doon ay lumitaw siya bilang pinakamagaling na abogado. Wala siyang kasong hinawakan na natalo.

Page 13: Cabinet Members

Noong 1966, hinirang siyang katuwang na kalihim ng Pananalapi, at umaktong tagapangulo ng Monetary Board.Mulang 1968 hanggang 1970 ay naging kalihim siya ng Hustisya Siya ay naging. ministro ng Pambansang Tanggulan noong 1970, posisyong hinawakan niya nang mahigit-kumulang sa 17 taon na nagwakas noong 1986.

Inihalal siyang kinatawan ng Cagayan noong 1978. Nanalo siya ng hanggang sa ikalawang termino noong 1984.

Dahil sa pagkakapatay kay Benigno Aquino Jr, hindi na nasikmura pa ni Enrile ang diktatura ni Pang. Marcos at pumanig na sa bayan. Kasama si Fidel V. Ramos, Ikalawang Hepe de Estado Mayor noong panahon na iyon, pinamunuan nila ang makasaysayang Aklasang Bayan sa EDSA, sa tulong ng pananawagan ni Kardenal Jaime L. Sin sa mga libo-libong mamamayan na tumugon sa panawagan.

Nagdagsaan ang mga ito sa dalawang kampo ng militar. Apat na araw pinalibutan ng mga tao ang mga kampo na kinalulunan ni Enrile at ng kaniyang mga kasama. Ito ay upang mapigil ang paglalaban ng puwersa ng mga rebeldeng militar at ng mga loyalista ni Marcos.

Nailuklok si Corazon Aquino bilang pangulo ng Filipinas at kaniyang hinirang si Enrile bilang kalihim ng Pambansang Tanggulan. Nagbitiw siya sa tungkulin makalipas ang anim na buwan, dahil sa pagkakaroon ng suliranin sa bagong administrasyon.

Noong 1987 ay tumakbo siya at nanalo bilang natatanging senador ng oposisyon. Bilang Minority Floor Leader, kasapi siya ng lahat ng komite sa Senado. Kasapi rin siya sa Electoral Tribunal at ng Komisyon ng Paghirang.

Maraming boto ang nakuha niya noong kumandidato siya bilang kinatawan ng kaniyang lalawigan noong 11 Mayo 1992, at sumapi siya sa partidong liberal na partido rin dati ng kaniyang ama.

Noong eleksiyon ng Mayo 1995, muli siyang tumakbo at nanalo bilang senador sa ilalim ng Koalisyon ng Lakas. Muli siyang naging kasapi ng Komisyon ng Paghirang, tagapangulo ng komite ng Ways and Means ng Senado, at ng Komite sa Government Corporations and Public Enterprises. Bilang Senador, pinamunuan niya ang pagsasabatas ng Comprehensive Tax Reform Program na ipinasa bilang batas sa katawagang Batas Republika Bilang: 8424.

Page 14: Cabinet Members

Jinggoy Estrada

Mula Wikifilipino

Jump to: galugad , hanapin

Si Jose Pimentel Ejercito (ipinanganak noong 17 Pebrero 1963), na mas kilala sa pangalang Jinggoy Ejercito Estrada, ay isang Pilipinong aktor at politiko at kasalukuyang senador ng Pilipinas. Siya ay naihalal bilang senador noong 2004, at tumatakbo muli sa parehong posisyon sa halalan 2010.

Nilalaman

[itago]

1 Talambuhay 2 Karera

o 2.1 Politikao 2.2 Aktor

3 Mga Pelikula 4 Mga Parangal 5 Sanggunian 6 Pagkilala

Talambuhay

Si Estrada ay panganay na anak nina Joseph Ejercito Estrada, batikang aktor at dating pangulo ng Pilipinas, at Luisa “Loi” Ejercito Estrada, isang manggagamot na tinaguriang "First Lady ng Masa" (First Lady of the masses) dahil sa kanyang mga misyong medikal noong siya ay senador pa. Ang mga kapatid ni Jinggoy Estrada ay sina Jacqueline Ejercito-Lopez at Jude Ejercito.

Tinapos ni Estrada ang kanyang elementarya at sekondarya sa Pamantasang Ateneo de Manila. Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Arts in Economics sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ikinasal siya kai Precy Vitug noong 28 Hunyo 1989 at mayroon silang apat na anak: sina Janella "Jel" Marie, Joseph "Jolo" Luis, Julian Emilio, at Juliene Marie.

Karera

Page 15: Cabinet Members

Politika

Sa edad na 29, naihalal si Estrada bilang bise-alkalde ng Lungsod San Juan at tinagurian siyang pinakabatang naihalal na lokal na tagapamahala sa buong bansa. Sa kanyang paninilbihan bilang bise-alkalde, apat na taon siyang nag-aral ng abogasya sa Lyceum of the Philippines. Naihalal siyang alkalde ng San Juan at nanilbihan siya mula 1992 hanggang 2001, kung kailan nahirang ang San Juan bilang pinakamaunlad at pinakamapayapang lungsod sa buong Pilipinas.

Tumakbo siyang senador noong 2004 gamit ang pangalang "Jinggoy Ejercito Estrada". Noong Mayo 2004, naihalal siya bilang senador at tinaguriang "Anak ng Masa". Ito ang naging pagkakataon niyang ipagpatuloy ang mga programa para sa mahihirap na sinimulan ng kanyang ama. Muli siyang tumatakbo sa pagkasenador sa halalan 2010.

Si Estrada ay executive vice president ng partidong politikal na Partido ng Masang Pilipino (PMP) na itinayo ng kanyang ama. Siya rin ang tagapangulo ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources. Aktibo siya sa isports, at isang kalahok ng BAP-Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Isinangkot si Estrada sa kaso ng katiwalian na isinampa laban sa kanyang ama. Inakusahan siyang kaisa at kaakibat ng kanyang ama na kumita ng malaking halaga mula sa jueteng, sa paghati ng tobacco excise tax at pagtanggap ng mga komisyon at iligal na lagay mula sa pagbili ng SSS (Social Security System) at GSIS (Government Service Insurance System) ng mga bahagi ng Belle Corporation at iba pang iligal na pinagkakakitaan. Ayon sa testimonya ng saksi ng impeachment trial na si Emma Lim, si tumanggap si Estrada ng pera mula sa jueteng. Noong 15 Agosto 2007, sumang-ayon ang Korte Suprema sa Sandiganbayan na bigyan ng kalayaan ang nakababatang Estrada.

Aktor

Nagsimulang umarte si Jinggoy noong siya'y mahigit bente anyos at napasama siya sa una niyang pelikula, ang "Paradise Inn", noong 1985. Sinundan ito ng marami pang mga pelikula na naging katambal at katrabaho niya ang ilang tanyag na mga aktor at aktres. Nakatambal din niya ang kanyang ama noong 1989 sa pelikulang "Sa Kuko ng Agila".

Page 16: Cabinet Members

Si Miriam Defensor–Santiago (ipinanganak Hunyo 15, 1945), ay isang politiko at kasalukuyang Senador ng Pilipinas. Nakatanggap siya ng Gawad Magsaysay (Magsaysay Award) nang siya ay Commissioner ng Bureau of Immigration.Isa siya sa mga itinuturing na Kalaban ng korapsyon sa gobyerno sa kasalukyan.

[baguhin] Kabataan at pag-aaral

Si Defensor-Santiago ay ipinanganak sa Lungsod ng Iloilo kina District Judge Benjamin A. Defensor at Dean Dimpna Palma Defensor. Nagtapos siya ng kanyang elementarya bilang valedictorian sa La Paz Elementary School noong 1957. Taong 1961, nagtapos siya ng highschool sa Iloilo National High School bilang valedictorian. Nag-aral siya ng kolehiyo sa University of the Philippines sa kursong abogasya.

Sa U.P., nakapagtala si Defensor-Santiago ng bagong kasaysayan nang siya ang naging kauna-unahang babaeng editor-in-chief ng Philippine Collegian, ang pahayagang pang-estudyante ng kolehiyo. Siya rin ang unang babaeng nanalo ng parangal bilang Best Debater sa U.P. Dalawang beses ding siyang nakatanggap ng "Vinzonz Achievement Award for excellence in leadership". Kinilala din siya ng Rotary bilang "most outstanding graduate ng U.P."

Natapos ni Miriam ang kanyang Bachelor of Arts sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon (3 1/2 years), taliwas sa ordinaryong apat (4) na taon, sa gradong 1.1 bilang average, noong huling semestre. Nagtapos siya bilang magna cum laude noong 1965. Natapos niya ang kanyang Bachelor of Laws sa U.P bilang cum laude.

Sa larangan ng pulitika

Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa pamamagitan ng pagdaragdag dito.Para sa karagdagang impormasyon, tingnan lamang po ang pahina ng usapan. (Marso 2008)

Kumandidato si Defensor-Santiago sa pagka-pangulo ng Pilipinas noong 1992 laban kay Fidel V. Ramos.Nakakuha siya ng malakas na suporta sa publiko.Di kagaya ng ilang partido na nire-renta lang ang kanilang mga manonood,Ang PRP(People's Reform Party) ni Miriam ay nakahatak ng napakaraming tao,at minsan,nung siya ay nagtatalumpati sa isang campaign rally ay bumagsak ang entablado dahil sa di nito nakayanang ang dami ng tao.Nanguna siya sa bilangan sa loob ng limang araw kasabay ng mga malawakang brownout,at pagkalipas nun ay naungusan siya ni Fidel Ramos.Natalo siya sa eleksyon at si Ramos ang naging pangulo subalit hindi siya naniwala sa resulta nito. Nagprotesta si Miriam sa electoral tribunal batay sa diumanong maanomalyang resulta ng eleksyon,bilang ebidensya raw ay ang mga brownouts.

Noong Enero, 1992, nagkaroon din siya ng kaso sa korupsyon at libelo na sinampa sa Sandiganbayan at sa Regional Trial Court ng Maynila. Ang reklamong ito ay napawalang bisa at maayos na nalinaw ni Miriam ang mga akusasyong ito laban sa kanya.

Page 17: Cabinet Members

Tinuturing siya ng kanyang mga taga-suporta lalo na sa mga kabataan bilang ang nalalabing Tagapaglaban sa korupsyon. Bago siya naging kandidato sa pagka-pangulo, nagsilbi siya bilang immigration commissioner at doon siya nakilala bilang tagapagtanggol ng bayan laban sa korupsyon dahil sa kanyang mga ginawang paglilinis sa mga opisyal na corrupt sa ahensiya na iyon. Nagtamo siya parangal sa Magsaysay Award dahil sa kanyang mga nagawa sa Commission on Immigration and Deportation.

Taong 1995, tumakbo at nanalong senador si Miriam. Subalit sa di mabuting kalagayan, ang kanyang protestang inihain sa electoral tribunal noong 1992 ay napawalang bisa sa "teknikal" na kadahilanang siya ay nanalong senador.Ilang-ulit siyang pinarangalang Pinakamahusay na senador at binansagang Queen of Expose' dahil sa kanyang matapang na pag-bubulgar ng mga diumano'y ilang maanomalyang proyekto ng pamahalaan,kung saan nadawit ang dating kalihim ng DILG Ronaldo Puno.

Bilang senador, naging popular siya sa maraming puna nang kabilang siya sa 11 senador na bumoto laban sa pagbubukas ng Jose Velarde account noong impeachment trial ng dating pangulong Joseph Estrada na humantong sa EDSA II na siyang nagpaalis kay Estrada.

Page 18: Cabinet Members

Juan Miguel ZubiriFrom Wikipedia, the free encyclopedia

Jump to: navigation, search

Juan Miguel F. Zubiri

Juan Miguel Zubiri

Senator of the Philippines

Incumbent

Assumed office July 14, 20071

20th Majority leader of the Senate of the Philippines

In office2008 – June 30, 2010

President Gloria Macapagal-Arroyo

Preceded by Francis Pangilinan

Succeeded by Vicente Sotto III

Representative, 3rd District of Bukidnon

In officeJune 30, 1998 – June 30, 2007

Preceded by Jose Ma. R. Zubiri, Jr.

Succeeded by Jose Ma. F. Zubiri III

Born April 13, 1968 (age 42)

Page 19: Cabinet Members

Makati City

Nationality Filipino

Political partyLakas-Kampi-CMD (1998–present)

Spouse(s) Audrey Tan

ResidenceMalaybalay City, BukidnonMakati CityMuntinlupa City

Alma materUniversity of the Philippines Los Baños

Occupation Businessman; Politician

Religion Roman Catholicism

1Sen. Zubiri was proclaimed only on July 14, 2007 though the terms of the Senators started on June 30, 2007.

Juan Miguel "Migz" Zubiri (born April 13, 1968) is a Filipino politician who served as a Congressman representing the third district of Bukidnon for three consecutive terms, and is now the incumbent Senate of the Philippines Majority Leader, replacing Senator Francis Pangilinan on November 17, 2008.[1] He was born in Makati City, Philippines to a Spanish-Ilonggo father hailing from Bacolod City and a Bicolana mother, and was raised in the province of Bukidnon. He speaks Cebuano, Tagalog, English, and his native Ilonggo. His father is the incumbent Bukidnon Governor Jose Ma. R. Zubiri, Jr. Senator Zubiri is on indefinite leave as a member of the pro-administration Lakas-Kampi-CMD political party.

Contents

[hide]

1 Education 2 Political career

o 2.1 SET resolution 3 Other Positions Held 4 Laws 5 References 6 External links

Page 20: Cabinet Members

[edit] Education

Zubiri finished elementary and high school in Colegio San Agustin-Makati. He graduated from University of the Philippines Los Baños with a degree in Bachelor of Science in Agribusiness and is currently taking his Masters in Environment and Natural Resources Management at the University of the Philippines.

[edit] Political career

After serving as chief of staff of his father, Rep. (now Bukidnon Governor) Jose Ma. R. Zubiri, Jr. from 1995-1998, he ran for the seat to be vacated by his father in the 1998 general elections representing the third district of Bukidnon. Winning easily in that election, he served his first term in the 10th Congress. He was subsequently re-elected to the Philippine House of Representatives in the 2001 and 2004 elections, serving three terms during which he passed numerous landmark laws, earning him the distinction of being named one of the most prolific legislators.

After serving as a Congressman for three-terms, he was drafted by Lakas CMD to be one of their candidates in the pro-administration Team Unity ticket in the 2007 mid-term elections.

In the final tally for the 2007 senatorial race by the Philippine Commission on Elections (Comelec), Rep. Zubirihad narrowly defeated opposition candidate Aquilino Pimentel III for the 12th and last slot in the Senate. Zubiri had a total of 11,001,730 votes against Pimentel's 10,983,358 votes.[2] The margin of some 18,372 votes was hotly contested, particularly the votes from the southern Philippine province of Maguindanao, where Pimentel had lost heavily to Zubiri.

Claiming the votes in Maguindanao were tainted,[3] Pimentel petitioned the Philippine Supreme Court to invalidate the votes from Maguindanao, effectively disenfranchising a whole province. The Supreme Court voted unanimously 14 -0 against Pimentel and allowed the COMELEC (Commission on Elections) to count the votes in Zubiri's favor. Pimentel then returned to the Supreme Court for the second time. This time, he petitioned them to issue a restraining order against the proclamation of Zubiri. After oral arguments however the High Tribunal again voted to uphold the COMELEC's decision to proclaim Zubiri, consequently failing to grant Pimentel's petition. [4] The next day, July 14, 2007, Zubiri was duly proclaimed elected to the Philippine Senate. However, the Court's judgment did not prevent Pimentel from bringing his poll protests to the Senate Electoral Tribunal.

On March 14, 2008, the Supreme Court in a 40-page decision penned by Associate Justice Minita Chico-Nazario, dismissed Aquilino Pimentel III's petition to stop the Commission on Elections from canvassing votes from the province of Maguindanao,[5] a definite morale booster for Senator Zubiri.

More recently, he has been advocating a more in depth study of biofuels in order to prevent food shortages all the while allowing the production of alternative clean energy and biofuels so as to lessen dependence on imported oil and allow the Philippine

Page 21: Cabinet Members

economy a new avenue of economic success, especially in this day and age of constant rising oil prices.[6]

[edit] SET resolutionMain article: Pimentel III vs. Zubiri Senate Electoral Protest

The Senate Electoral Tribunal (SET) on June 19, 2008 resolved to proceed with the election protest of Aquilino "Koko" Pimentel III: "Indeed, there is reasonable ground to believe that the final outcome of the case could affect the officially proclaimed results of the 12th senatorial position in the May 14, 2007 national elections, hence, the election protest case deserves further proceedings by the tribunal

Page 22: Cabinet Members

Antonio Trillanes IVMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Antonio Trillanes IV (ipinanganak Agosto 6, 1971) ay isang politiko sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang ginampanan sa hindi na matagumpay na pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 nang hinawakan niya kasama ang 321 mga sundalo ang paupahang gusali sa Oakwood sa Lungsod ng Makati. Naglagay sila ng mga bomba doon at binalaan ng pababagsakin ang gusali. Nasampahan sila ng kaso sa hukumang pangsundalo ng Pilipinas.

Noong halalan ng Mayo 2007 sa Pilipinas, nahalal siya bilang isang Senador sa ilalim ng partidong Genuine Opposition, at naupo sa puwesto noong Hunyo 30, 2007 habang nakadetine. Noong Nobyembre 29, 2007, lumabas siya sa kanyang sariling paglilitis at pumunta sa Manila Peninsula sa Lungsod ng Makati at hinimok ang publiko na patalsikin si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Dahil dito, kakasuhan ulit siya.[1]