Upload
vuongdung
View
308
Download
3
Embed Size (px)
Citation preview
Natapos nang matagumpay ang
isinagawang 2-araw na Pagsasanay
sa Pangkampus na Pamamahayag
para sa mag-aaral ng Sangay ng
Lungsod ng La Carlota sa
pangunguna nina Gng. Leilani D.
Castillo, Superbisor sa Filipino, at
Gng. Mary Christine Tubianosa, Gng.
Dolores Zapanta ng DHSBNHS, G.
Ritzy Mar Solomon ng SMNHS at Bb.
Lorelie Dioso ng LGNHS, mga
tagapagdaloy.
Tinalakay sa unang araw ni Gng.
Tubianosa kung paano sumulat
ng Balita. Sinundan ito ng pagsulatng
Balitang Pampalakasan ni G.
Solomon samantalang si Gng.
Zapanta naman ang nagpaliwanag ng
patungkol sa Editoryal.
Pagsulat ng lathalain ni Gng.
Tubianosa, Kartung Pang-Editoryal ni
Bb. Dioso, Pagwawasto ng kopya at
Pag-uulo ng balita ni Gng. Zapanta,
ang mga paksang tinalakay sa
ikalawang araw ng Pagsasanay.
Dahil sa kooperasyon ng bawat isa,
naisakatuparan ang mga layuning
itinakda sa gawaing ito.
“Maging patas sa paglathala at
respetuhin ang damdamin ng iba,”
ang tahasang sabi ni Dr. Portia M.
Mallorca sa mga mag-aaral na
mamahayag sa kanyang talumpati sa
Panapos na Programa ng 2-araw na
Pagsasanay sa Pamahayagang
Pangkampus na ginanap noong
Nobyembre 14, 2014 sa bulwagan ng
La Carlota South Elementary
School I.
Binigyang diin ni Dr. Mallorca na
dapat ay laging patas sa pagbabalita
at marunong magrespeto sa
damdamin at katauhan ng iba sa
pagsulat ng mga akda. Nais din
niyang ipabatid sa mga kalahok na
kung gusto mong baguhin ang
mundo, simulan mo ito sa
pagsusulat.
Gusto rin niyang ipaabot sa mga
mag-aaral na gamitin ang
teknolohiya upang ipalaganap ang
mabuting gawa at masimulan ang
pagbabago sa pamamagitan ng mga
lathalain, akda at balitang kanilang
maisusulat.
Mga Kategorya Unang Pwesto Ikalawang Pwesto Ikatlong Pwesto
Pagsulat ng Balita Elem.:Juenjam Pangadlo,NES Sec.:Coleen Faith Demerin,YEHS
Carmela Quiatchon,HES I Johnzel Ubas,DHSBNHS
Ryzen John Blando,LCNES Emeden Jade Magdato,LGNHS
Balitang Pampalakasan Elem.:Jeffelyn Luces,SMES I Sec.:Hannah Rose Dionela,YEHS
Elena Mae Garzon,LCSES II Kizzy Dalisay,LGNHS
Arnold Deocadez,LCSES I Caye Angela Otocan,SMNHS
Pagsulat ng Lathalain Elem.:Janus Espartero,LCSES I Sec.:Aira Jayona, DDHSBNHS
Angel Marie Sasabo,LCSES II Angelo Inion,LGNHS
Guyneth Rose de la Cruz,LCNES Coleen Faith Demerin,YEHS
Kartung Pang-Editoryal Elem.:Arnold Deocadez,LCSES I Sec.:Rits Dhian Rivera,DHSBNHS
Calby Castillanes,LCSES II Johnzel Ubas, DHSBNHS
Justin Jay Solis,LCSES II Kizzy Dalisay,LGNHS
Pagsulat ng Editoryal Elem.:Arnold Deocadez,LCSES I Sec.:Johnzel Ubas,DHSBNHS
Justin Jay Solis, LCSES II Rhea Nela Distor,LGNHS
Calby Castillanes,LCSES II Caye Angela Otocan,SMNHS
Pagwawasto ng Kopya at Pag-uulo ng Balita
Elem.:Arnold Deocadez,LCSES I Sec.:Alpha Grace Gamelong,DHSBNHS
Deniel Josh Zapanta,LCSES I Rits Dhian Rivera,DHSBNHS
Justin Jay Solis, LCSES II Hannah Rose Dionela,YEHS
CAMPUS JOURNAL
No. 2 Vol. 3 Ang Opisyal na Pahayagang Pansangay – Departamento ng Filipino Nobyembre 14, 2014
2-araw na Pagsasanay, Matagumpay na Naidaos
SDS Mallorca: Hinamon
ang mga batang mamamahayag
Mga kalahaok, sa kanilang aktwal na pagsusulat ng balita
Tala ng mga Nanalo sa bawat Kategorya ng Pagsasanay (FILIPINO)
CAMPUS JOURNAL
Balita sa Larawan pahina 2