12
MGA NILALAMAN: O2 BALITANG TEKNIKAL O4 EDITORYAL O6 LATHALAIN O8 BALITANG INSTITUSYONAL 11 BALITANG PINANSYAL 12 BALITANG HUNTA-DIREKTIBA UNANG ISYU I ka-5 ng Hunyo taong 2020, ginanap ang paglagda sa mga Kasunduan sa pagitan ng ORMECO,INC. at ng tatlong Independent Power Producers (IPPS) [1]COSMO Solar Energy, Inc., (CSEI) [2] Power One Corporation (POC), at [3] DMCI Power Corporation (DPC). Ito ay sa pangunguna nina ORMECO, Inc. Board of Directors (BOD) President Danilo A. Aceveda, Project Supervisor/Acting General Manager (PS/AGM) Atty. Norberto M. Mendoza. Dinaluhan din ito ng ilang kasapi ng BOD, at ng mga Department Heads, kasama na ang ilang representante mula sa mga nabanggit na IPPs. Ang mga pinirmahang Kasunduan ay kaugnay ng pagtatayo ng Emergency Power upang lutasin ang load shedding o rotational brownout sa buong Lalawigan. Nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita si Pres. Aceveda at lubos na nagpasalamat sa pagdalo ni Kagalang-galang na Gobernador Humerlito ―Bonz‖ A. Dolor, MPA, Phd, bilang pangunahing panauhin sa programa na tinawag na Ceremonial Signing‖. Pumirma rin bilang saksi sa tatlong Kasunduan o ―Power Supply Agreement (PSA)‖ si Gob. Bonz, at bilang guest speaker, ipinaabot niya na ― sa kabila ng kinakaharap ng Lalawigan at Kooperatiba sa Pandemia ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay naisakatuparan pa rin ang pagdaragdag ng Emergency Power Plants.‖ Bilang pagtatapos ng programa, ay nagpasalamat si PS/AGM Atty. Mendoza sa pakikiisa ng lahat lalo’t higit ay sa mga IPPs, sa pangunguna nina CSEI President/CEO Tom De Leoz, Jr., DPC Calapan Power Plant Manager Engr. Florante O. Ylagan, at POC Administrative Manager Joy Najito. CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power Plants, isinagawa PINSALA NG MAGKASUNOD NA BAGYONG TISOY AT URSULA, MABILIS NA ISINAAYOS NG ORMECO MABILIS NA ISINAAYOS NG ORMECO D ecember 3, 2019, 6:05 ng umaga, nakaranas ang buong Lalawigan ng Oriental Mindoro ng Total Power Interruption, dulot ng pagdaan ng bagyong Tisoy. Ito ay nag-iwan ng matinding pinsala sa mga linya at pasilidad ng Transmission at Distribution ng Kooperatiba. Matapos ang pagdaan ng bagyo, agarang nagsagawa ang mga kawani ng Kooperatiba ng damage assessment sa buong Lalawigan. 8:32 ng gabi ng December 3, 2020 ay nakapagbigay na ng kuryente sa ilang lugar sa Calapan, City. Nagtuloy-tuloy naman ang pag- deploy ng mga linemen at Meter Readers para sa damage assessment, nagresulta ito ng 221,173 na bilang ng households na nawalan ng kuryente dulot ng mga nasirang linya at naputol na mga poste. December 4, 2019, 4:30 PM, ay naisaayos na rin ang 69kV Transmission Line mula sa Calapan City patungo sa substation ng Minolo sa Puerto Galera, upang mabigyan ng kuryente ang ilang Barangay sa Puerto Galera, ganoon din ang ilan pang mga Barangay sa Calapan City. December 7, 2019, nagsimulang dumating ang Task Force Kapatid mula sa iba’t ibang Electric Cooperative ng Luzon at Visayas, tulad ng Batangas I Electric Cooperative (BATELEC I), Batangas II Electric Cooperative (BATELEC II), First Laguna Electric Cooperative (FLECO), Busuanga Island Electric Cooperative (BISELCO), Capiz Electric Cooperative (CAPELCO), Northern Negros Electric Cooperative (NONECO), Central Negros Electric Cooperative (CENECO) at Negros Occidental Electric Cooperative (NOCECO) upang lalo pang mapabilis ang pagsasaayos ng linya at maibalik... sundan sa pahina 2…. Kuha ni Catherine Mae A. Alforo Kuha ni Catherine Mae A. Alforo NEA ADMIN. MASONGSONG bumisita sa ORMECO, INC. D umating si National Electrification Administration (NEA) Administrator Edgardo R. Masongsong sa Oriental Mindoro noong ika-8 ng Enero taong 2020 upang personal na kumustahin ang kalagayan ng operasyon ng Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (ORMECO, Inc.) matapos ang dalawang magkasunod na bagyong rumagasa sa Lalawigan noong ika-3 ng Disyembre 2020 (Typhoon ―Tisoy‖) at noong ika-23 ng parehas na Buwan (Typhoon ―Ursula‖). - ni Ladyleen M. Mendoza -ni Catherine Mae A. Alforo sundan sa pahina 2…. Kuha ni John Christian T. Gunday

CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

MGA NILALAMAN:

O2

BALITANG TEKNIKAL

O4

EDITORYAL

O6

LATHALAIN

O8

BALITANG INSTITUSYONAL

11

BALITANG PINANSYAL

12

BALITANG HUNTA-DIREKTIBA

UN

AN

G I

SY

U

I ka-5 ng Hunyo taong 2020, ginanap ang paglagda sa mga

Kasunduan sa pagitan ng ORMECO,INC. at ng tatlong Independent Power Producers (IPPS) [1]COSMO Solar Energy, Inc., (CSEI) [2] Power One Corporation (POC), at [3] DMCI Power

Corporation (DPC).

Ito ay sa pangunguna nina ORMECO, Inc. Board of Directors (BOD) President Danilo A. Aceveda, Project Supervisor/Acting General

Manager (PS/AGM) Atty. Norberto M. Mendoza. Dinaluhan din ito ng ilang kasapi ng BOD, at ng mga Department Heads, kasama na ang ilang representante mula sa mga nabanggit na IPPs.

Ang mga pinirmahang Kasunduan ay kaugnay ng pagtatayo ng Emergency Power upang lutasin ang load shedding o rotational brownout sa buong Lalawigan.

Nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita si

Pres. Aceveda at lubos na nagpasalamat sa pagdalo ni Kagalang-galang na Gobernador Humerlito ―Bonz‖ A. Dolor, MPA, Phd, bilang pangunahing panauhin sa programa na tinawag na ―Ceremonial Signing‖.

Pumirma rin bilang saksi sa tatlong Kasunduan o ―Power Supply Agreement (PSA)‖ si Gob. Bonz, at bilang guest speaker, ipinaabot niya na ― sa kabila ng kinakaharap ng Lalawigan at Kooperatiba sa Pandemia ng Corona Virus

Disease 2019 (COVID-19) ay naisakatuparan pa rin ang pagdaragdag ng Emergency Power Plants.‖

Bilang pagtatapos ng programa, ay nagpasalamat si PS/AGM Atty. Mendoza sa pakikiisa ng lahat lalo’t higit ay sa mga IPPs, sa pangunguna nina CSEI President/CEO Tom De Leoz, Jr., DPC Calapan Power Plant Manager Engr. Florante O. Ylagan, at POC Administrative Manager Joy Najito.

CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power Plants, isinagawa

PINSALA NG MAGKASUNOD NA BAGYONG TISOY AT URSULA,

MABILIS NA ISINAAYOS NG ORMECOMABILIS NA ISINAAYOS NG ORMECO

D ecember 3, 2019, 6:05

ng umaga, nakaranas

ang buong Lalawigan

ng Oriental Mindoro ng Total

Power Interruption, dulot ng

pagdaan ng bagyong Tisoy. Ito

ay nag-iwan ng matinding

pinsala sa mga linya at

pasilidad ng Transmission at

Distribution ng Kooperatiba.

Matapos ang pagdaan ng bagyo,

agarang nagsagawa ang mga

kawani ng Kooperatiba ng

damage assessment sa buong

Lalawigan. 8:32 ng gabi ng

December 3, 2020 ay

nakapagbigay na ng kuryente sa

ilang lugar sa Calapan, City.

Nagtuloy-tuloy naman ang pag-

deploy ng mga linemen at Meter

Readers para sa damage

assessment, nagresulta ito ng

221,173 na bilang ng

households na nawalan ng

kuryente dulot ng mga nasirang

linya at naputol na mga poste.

December 4, 2019, 4:30 PM, ay

naisaayos na rin ang 69kV

Transmission Line mula sa

Calapan City patungo sa

substation ng Minolo sa Puerto

Galera, upang mabigyan ng

kuryente ang ilang Barangay sa

Puerto Galera, ganoon din ang

ilan pang mga Barangay sa

Calapan City.

December 7, 2019, nagsimulang

dumating ang Task Force Kapatid

mula sa iba’t ibang Electric

Cooperative ng Luzon at Visayas,

tulad ng Batangas I Electric

Cooperative (BATELEC I),

Batangas II Electric Cooperative

(BATELEC II), First Laguna

Electric Cooperative (FLECO),

Busuanga Island Electric

Cooperative (BISELCO), Capiz

Electric Cooperative

(CAPELCO), Northern Negros

Electric Cooperative (NONECO),

Central Negros Electric

Cooperative (CENECO) at

Negros Occidental Electric

Cooperative (NOCECO) upang

lalo pang mapabilis ang

pagsasaayos ng linya at

maibalik... sundan sa pahina 2….

Kuha ni Catherine Mae A. Alforo Kuha ni Catherine Mae A. Alforo

NEA ADMIN. MASONGSONG bumisita sa ORMECO, INC.

D umating si National

Electrification

Administration (NEA)

Administrator Edgardo R.

Masongsong sa Oriental Mindoro

noong ika-8 ng Enero taong 2020

upang personal na kumustahin ang

kalagayan ng operasyon ng Oriental

Mindoro Electric Cooperative, Inc.

(ORMECO, Inc.) matapos ang

dalawang magkasunod na bagyong

rumagasa sa Lalawigan noong ika-3

ng Disyembre 2020 (Typhoon

―Tisoy‖) at noong ika-23 ng parehas

na Buwan (Typhoon ―Ursula‖).

- ni Ladyleen M. Mendoza

-ni Catherine Mae A. Alforo

sundan sa pahina 2….

Kuha ni John Christian T. Gunday

Page 2: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

TANGLAW 2020 Pahina 2

PINSALA NG MAGKASUNOD NA BAGYONG TISOY AT URSULA... ...ang serbisyo ng kuryente sa buong lalawigan bago sumapit ang araw ng Pasko. Naglaan ng karagdagang oras ng trabaho ang mga kawani ng kooperatiba sa pangunguna ng Technical Team.

Katulad ng mga nakasanayang hakbang tuwing makakaranas ng kalamidad, pumapasok ang Technical team mula 6:00 AM hanggang 7:00 PM o higit pa upang matapos ang mga nasimulang gawain sa bawat araw.

Sa mabilis na aksyon ng mga linemen, officers, supervisors at tagapamahala ng Technical Services Department (TSD), noong December 9, 2019 ay madali ring naibalik ang serbisyo ng kuryente sa labing-apat (14) na bayan at isang (1) syudad ng lalawigan, mula sa Puerto Galera hanggang sa Bulalacao.

Bagama’t nabigyan na ng kuryente ang lahat ng bayan marami pa ring Lateral Areas ang naiwan sapagkat patuloy pa rin ang isinasagawang damage assessment sa kanilang lugar.

Sa pangunguna ng mga District Supervisors, ay agaran ring kumilos ang mga kawani na nabibilang sa kani-kanilang Distrito upang magsagawa ng mga rehabilitasyon ng linya ng kani-kanilang nasasakupan.

Marami rin ang mg Lokal na Pamahalaan, Kontratista Elektrikal at mga awtorisadong Electrician ang agarang nakipag-ugnayan sa kani-kanilang Distrito upang magpaabot ng

tulong sa mabilisang hakbang na gagawin ng kooperatiba.

December 17, 2019, natapos ng Kooperatiba ang target na mapailawan ang lahat ng barangay sa buong Lalawigan, bagama’t hindi pa 100% na naibabalik ang suplay ng kuryente sa household level dahil sa maraming bahayan ang napinsala ng Bagyong Tisoy.

Kahit nasa 97.5% pa lamang ang bilang ng households na napailawan ng Kooperatiba, naabot naman ang target na mapailawan ang lahat ng bayan ng buong lalawigan bago sumapit ang araw ng Pasko.

Hindi pa man nakakabawi ang Kooperatiba sa mga financial losses na naidulot ng pinsala ng Bagyong Tisoy, ay kasunod namang dumaan ang Tropical Depression Ursula noong araw ng Pasko na nagdulot rin ng pinsala sa mga electrical facilities sa katimugang bahagi ng Lalawigan o ang South Grid ng Transmission Line.

December 25, 2019, 2:22 PM, nagkaroon ng Total shutdown ang South Grid na sumasakop sa mga bayan ng Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao, kung saan ang mga lugar na ito ang nakaranas ng hagupit ng Tropical Depression Ursula.

Makalipas ang pagdaan ng bagyo, at matapos ang damage assessment sa mga lugar na naapektuhan ng Tropical Depression Ursula, noong 9:07 PM ay agad na nagsimulang

magbigay ng kuryente ang Roxas Dispatch, mula sa mga barangay sa mga Bayan ng Bansud at Bongabong.

December 26, 2019, 10:12 AM naibalik ang serbisyo ng kuryente sa ilang mga Barangay ng Bayan ng Roxas hanggang sa Bayan ng Mansalay. Bagama’t may ilang mga lateral na lugar ang hindi nabigyan ng kuryente dahilan ng mga naputol na poste na kailangan pang palitan.

Samantalang ang North Grid na sumasakop sa mga Bayan ng Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan, Naujan, Victoria, Socorro, Pola, Pinamalayan at Gloria ay nakaranas rin ng total interruption sanhi ng bahagyang paglakas ng ulan noong

December 25, 2020, 2:34 PM. Noong 3:00 ng Hapon, ang Dispatch Operation ng Kooperatiba ay naging handa naman sa agarang pagbabalik ng kuryente sa North Grid dahil hindi gaanong kalakas ang hangin na dala ng Tropical Depression Ursula.

Nauna ng bigyan ng kuryente ang Lunsod ng Calapan City. Subalit hindi pa man nakakaraan ang isang oras ay nawalan na muli ng kuryente ang Calapan City dahil sa Earth Fault na dulot ng patuloy na paglakas ng ulan.

December 26, 2020, naibalik ang normal na operasyon sa North Grid sa kabila ng mga malilit ng pinsala na iniwan ng Tropical Depression Ursula na agad ring naisaayos ng mga kawani ng TSD sa pangunguna

ni Engr. Michael O. Guico, ang tagapangasiwa ng Technical Services Department, at ng kanyang mga opisyales.

December 27, 2020, maagang inumpisahan ng mga tagapangasiwa ng Distrito ng Bayan ng Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao ang kanilang mga hakbangin upang maisaayos ang mga tumbang poste at naputol na linya sa kani-kanilang nasasakupan.

Bilang bahagi ng hangaring matapos ang pagsasaayos ng linya bago ang araw ng bagong taon, nagpadala ang TSD ng mga linemen, ganoon rin ang Distrito ng Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan, Naujan, Victoria, Socorro, Pola, Pinamalayan at Gloria upang tumulong sa mabilis na pagbalik ng serbisyo ng kuryente sa mga nasabing apektadong bayan.

December 29, 2020 ay natapos ang rehabilitasyon ng linya at bumalik na sa normal na operasyon ang Kooperatiba.

Bilang bahagi rin ng ORMECO Task Force, matapos na maibalik ang serbisyo ng kuryente sa ating lalawigan, ay agad ding rumesponde ang ORMECO, Inc. sa Lalawigan ng Occidental Mindoro upang maghatid ng tulong para sa rahabilitasyon ng mga nasirang linya na iniwan ng Tropical Depression Ursula.

-ni Ladyleen M. Mendoza

Unang Isyu

N E A A D M I N . M A S O N G S O N G b u m i s i t a . . . Ito ay kaugnay ng pagbisita ni

NEA Admin Masongsong sa

Occidental Mindoro Electric

Cooperative (OMECO) umaga

ng araw ring iyon, kung saan ay

kasalukuyan ang pagsasagawa

ng ―Power Restoration Activity‖

ng Task Force Kapatid Ursula,

grupo ng mga linemen at drivers

na ipinadala ng dalawumpu’t

apat (24) na Electric

Cooperatives, at isa na rito ang

ORMECO, Inc. upang tumulong

sa pag-sasa-aayos ng nasirang

distribution system sa Occidental

Mindoro.

Sinalubong ng mga opisyales ng

ORMECO, Inc. si NEA Admin

Masongsong sa Main Office,

Calapan City, sa pangunguna ni

Project Supervisor / Acting

General Manager (PS/AGM) Atty.

Norberto M. Mendoza, kasama

ang ibang mga opisyales at staff

ng Kooperatiba.

Nagkaroon ng mabilisang

pagpupulong hinggil sa tindi ng

pinsala na tinamo ng

Kooperatiba dulot ng dalawang

magkasunod na bagyo, at sa

suportang maaaring ipagkaloob

ng NEA sa ORMECO, Inc. lalo’t

higit sa usapin ng Calamity

Loan, kung saan ang kabuuang

halaga para sa pinsala ng

bagyong ―Tisoy‖ ay umabot sa

Php 133,837,537.59 at para

naman sa bagyong ―Ursula‖ ay

umabot sa Php 28,891,138.67.

- ni Catherine Mae A. Alforo

mula sa pahina 1 ...

mula sa pahina 1 ...

Kuha ni John Christian T. Gunday

Page 3: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

TANGLAW 2020 Pahina 3

I ka-29 ng Enero taong 2020,

dumalo sa ginanap na

“Inauguration of Calapan-

Bansud 69kV Transmission

Line” ng National Power

Corporation (NPC) ang Board of

Directors ng ORMECO, Inc.

kasama ang mga Department

Managers sa pangunguna ni PS/

AGM Atty. Norberto M. Mendoza.

Matatandaan na taong 2015 nang

nasira ang nasabing linya dahil sa

bagyong "Nona". Sa halos limang

taong paghihintay ganap nang

naidugtong muli ang linyang

magsisilbing tulay ng supply ng

kuryente sa buong lalawigan ng

Orietal Mindoro.

Ayon sa pamunuan ng NPC

kasunod na nito ang pagdurugtong

ng linya patungong Occidental

Mindoro na magbibigay daan sa

mas maganda pang serbisyo ng

kuryente sa buong Isla ng Mindoro.

Dumalo rin sa nasabing

inagurasyon ang dalawang

namiminuno ng probinsya na sina

Gov. Bonz Dolor at Cong. Doy

Leachon, samantalang kumatawan

naman sa Department of Energy si

USEC Emmanuel Juaneza.

Unang Isyu

Inauguration ng Calapan-Bansud

69kV Transmiss ion L ine

-ni Morena L. Bautista

S umulong ang ORMECO,

Inc. Task Force Kapatid

Typhoon URSULA sa

Lalawigan ng Occidental

Mindoro noong ika-4 ng Enero

taong 2020.

Nagpadala ng grupo ng mga

linemen at boom truck ang

ORMECO, Inc. sa Occidental

Mindoro Electric Cooperative,

Inc. (OMECO) upang tumulong

sa mas mabilis na pagsasaayos

ng mga linya at poste ng

kuryente o power restoration

dulot ng pananalasa ng Bagyong

Ursula.

Ang nasabing pagpapadala ng

hukbo ng mga sundalo ng pailaw

ay bahagi ng nakaugalian nang

TASK FORCE KAPATID, isang

kahanga-hangang pamamaraan

ng pagtutulung-tulong,

pakikiramay at pagsasama-sama

ng mga Electric Cooperatives sa

buong Pilipinas upang mabilis na

maisaayos at maibalik ang suplay

ng kuryente sa mga lugar na

nasalanta ng kalamidad gaya ng

bagyo.

Sa panahong ito ng pagharap sa

perwisyo ng isang kalamidad, tila

isang malaking pamilya na

umaagapay ang mga kapatid na

ECs kung saan tinitipon nito ang

kanilang manpower, kagamitan at

sasakyan upang tumulong sa

nasalantang EC.

Sa tulong ng NEA at PHILRECA,

patuloy na naiisakatuparan ang

diwa ng nasabing kapatiran.

ORMECO, Inc. Task Force Kapatid Typhoon URSULA

S a bisa ng mga

inaprubahang mga

Resolusyon ng ORMECO,

Inc. Board of Directors, na may

kaukulang pagpayag at

pagpapatibay ng National

Electrification Administration

(NEA), inumpisahan na ng Third

Party Bids and Awards

Committee (TPBAC), sa tulong

ng TPBAC-Technical Working

Group (TWG) ang proseso o

pamamaran ng Competitive

Selection Process (CSP).

Ang nasabing CSP ay para sa

pagpili ng bagong power provider

na magtatayo ng panibagong planta

para magsuplay ng karagdagang

enerhiya o kuryente sa buong

Lalawigan ng Silangang Mindoro.

Sa kasalukuyan ay nasa huling

yugto na ng pagpapasa ng

―Proposed Terms of Reference

(TOR)‖ para sa nasabing CSP ng

bagong 30 megawatts na power

plant.

Sa sandali na maipasa na ang

naturang TOR ay kaagad ding

uumpisahan ang pag-aabiso ng

―Invitation to Bid‖, kung saan

nakalagay ang mahahalagang

impormasyon, kagaya ng petsa at

lugar ng mga gaganaping ng CSP.

Ayon sa TPBAC at TPBAC-TWG

inaasahan na probisyonal na mag-o

-operate ang bagong planta sa

darating na March 2021.

CSP ng bagong planta, sinisimulan na

- ni Morena L. Bautista

-ni Catherine Mae A. Alforo

POWER SUMMIT isinagawa sa Oriental Mindoro

Provincial Capitol para tugunan ang Emergency

rotational brownout sa buong Lalawigan

- ni Catherine Mae A. Alforo

Kuha ni John Christian T. GundayKuha ni John Christian T. Gunday

Kuha ni John Christian T. Gunday

I pinatawag ni Gobernador

Humerlito “Bonz” A. Dolor

ang ORMECO, Inc. at ang

lahat ng Independent Power

Producers (IPPs) sa buong

Lalawigan, noong ika-19 ng Abril

taong 2020, upang solusyunan

ang krisis ng kuryente sa gitna

ng panahon ng pandemyang

COVID-19.

Sa pangunguna ni Project

Supervisor / Acting General

Manager (PS / AGM) Atty. Norberto

M. Mendoza, kasama ang ilang

miyembro ng Hunta Direktiba, mga

Department Heads, at Technical

Personnel ng Kooperatiba,

ipinaliwanag sa mga dumalong

Provincial Officials ang naging

sanhi ng hindi inaasahang

malawakang rotational brownout.

Ilan dito ay ang mga (1) hindi naka-

schedule na maintenance ng mga

makina ng mga ka-kontratang

power producers, (2) dagliang

pagbaba ng level ng tubig sa

kabundukan dulot ng summer

season—kung kaya’t biglang na-iga

ang mga mini-hydro power plants,

at ang pinaka-mabigat ay ang (3)

biglang pagtaas ng demand ng

kuryente—dulot ng pananatili ng

karamihan sa kani-kanilang mga

tahanan.

Sa tulong ni Gob. Bonz ay naipa-

kumpormiso sa mga IPPs ang

emergency power na maaring

idagdag sa lalong madaling

panahon, upang maibsan ang

kakulangan sa suplay ng kuryente

sa kabuuan. Tumalima naman ang

lahat ng dumalo sa mga

napagkasunduang solusyon at sa

looban ng isang buwan (15 May

2020) ay agad ding nadagdagan ng

higit sa 10 megawatts ang supply

sa buong distribution system.

Kuha ni John Christian T. GundayKuha ni John Christian T. Gunday Kuha ni John Christian T. GundayKuha ni John Christian T. Gunday

Page 4: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

TANGLAW 2020 Pahina 4

H indi kailanman naging

kagustuhan ng isang

distribution utilities tulad ng

ORMECO ang magkaroon ng

kakulangan sa pagseserbisyo ng

kuryente. Sinisigurado ng ORMECO

na may sapat na supply ang lahat

ng mga power providers na

kakontrata nito. Laging may

nakahandang remedyo sa mga

panahon na mahigpit ang

pangangailangan o demand sa

kuryente. Hindi tumitigil sa pag-iisip

ang management at board ng

magagandang programa para sa

ikagaganda ng serbisyo .

Pero ‘’Bakit tuwing darating ang

summer season patay sindi ang

serbisyo nyo’’, mga katanungang

madalas na reklamo ng ating mga

Member– Consumer-Owners.

Maraming summer season na ang

dumating sa ating lalawigan at

normal lang naman ang power

interruption. Wala namang naging

malaking kakulangan sa kuryente.

Hindi tulad ng dinanas natin

ngayong 2nd quarter ng 2020, na

talagang halos lahat ng serbisyo,

pribado man o publiko ay

apektado. Niloob na rin siguro ng

panginoon na ipahinga muna ang

kanyang mundo sa sobrang

pagkabalahura o pag abuso ng

kanyang mga nilalang. Nakahanda

naman ang ORMECO para sa taong

2020 sa mga magiging pagkukulang

sa supply ng kuryente. Lingid sa

inyong kaalaman, Pebrero 2020,

may reserba pang humigit

kumulang na 20MW ang mga

power providers. Bukod pa dyan ay

may nakahandang 10MW na

emergency power ang ORMECO

upang maging karagdagan sa

reserve power ng mga power

providers. Walang kamalayan ang

ORMECO Management at Board of

Directors na mangyayari ang hindi

inaasahan.

Ang naging dahilan ay ang mga

hindi inaasahang pagkasira ng

makina ng mga power providers.

Lahat ng pagkasira ay kailangan

ng replacements parts. At dahil

lockdown, walang magawa ang

mga power providers dahil

napakahirap ng pag galaw. Isa

pang dahilan ay ang kalikasan,

umabot sa 44 degrees celcius

ang heat index ng ating

lalawigan kaya lubhang

naapektuhan ang water level ng

ating mga hydro power plant na

nagresulta sa pagkawala ng halos

85% na supply ng mga ito.

Ganun din ang wind power sa

Puerto Galera na nagbibigay ng

6MW ay nagsi-zero supply kapag

tumigil ang ihip na hangin. Sa

nawalang halos 40MW kasama

na ang reserve power, halos

47MW na lamang ang supply

kontra sa 57MW na demand.

Alam naman natin na ang

‘’generation’’ ay mga power

providers, ang ‘’transmission’’ ay

sa NAPOCOR, at ang

“distribution’ ay sa ORMECO.

Samakatuwid, ang natitirang

57MW supply ng mga power

providers ang siyang hinahati

hati ng ORMECO para i-

distribute sa lahat ng end users.

Makalipas ang tatlong linggo

pagkatapos ng lockdown,

nagsimula na tayo ng rotational

scheduling dahil ito lang ang

magagawa ng ORMECO sa

natitirang supply. Masyadong

nabugbog ang ORMECO sa

batikos ng mga mahal naming

member consumers subalit hindi

tumitigil ang management para

masolusyunan ang problema.

Tumulong na rin ang

pamahalaang panlalawigan para

sa mabilisang solusyon sa

problema. Buwan ng Mayo ng

matugunan na ng mga power

providers ang karagdagang supply

at unti unti ng bumalik ang normal

na daloy ng kuryente sa lalawigan.

Sa pangyayaring ito, agad na

binuhay ng Power Committee

at Technical Working Group ng

ORMECO ang Competitive

Selection Process para sa 30MW

na karagdagang supply na

kailangan ng lalawigan para sa

taong 2021 at 2022.

S a tuwing makakaranas tayo ng brownout, marahil naitatanong

natin kung sino o ano nga ba ang dahilan nito:

1. Ang Generation System ba na ginagampanan ng mga kakontratang

pribadong kompanya na siyang nagsu-supply ng kuryente o mas kilala

bilang Independent Power Providers (IPPs)?

2. Ang Transmission System ba na pagmamay-ari ng National Power

Corporation (NPC)?

3. Ang Distribution System ba na nasa panagangasiwa naman ng Oriental

Mindoro Electric Cooperative (ORMECO, Inc.)?

Ang mga nabanggit ay ang tatlong sector ng enerhiya: Generation,

Transmission at Distribution System na may malaking papel na

ginagampanan para sa maayos na sirkulasyon ng kuryente sa prangkisang

kanyang nasasakupan kung saan, anumang aberya sa alin mang sektor ay

nangangahulugan ng problema sa power supply.

Lahat ng sektor ay nangangailangang magsagawa ng kani-kaniyang

Preventive Maintenance Schedule (PMS) kung saan pansamantalang

magsa-shutdown ng power supply para sa mahahalagang aktibidades na

may kinalaman sa kuryente. Ang mga IPPs ay kailangang magsagawa ng

PMS upang ayusin ang kanilang mga generating units o makina. Ang mga

transmission lines naman ng NPC, gaya ng distribution lines ng ORMECO,

ay humihingi rin ng takdang oras upang linisin o alisin ang mga sanga ng

punong kahoy na sumasabit na sa mga linya nito, gayundin ang upgrading o

pagpapaganda pa ng kanilang linya.

Kasama naman sa mahahalagang gawain ng ORMECO ay ang pagpapalit

ng rotten poles, undersized distribution lines, overload transformers,

insulators, crossarms, guywires at iba pa.

Bagaman at pansamantalang makakaranas tayo ng power interruption o

brown out sa tuwing magsasagawa ng ganitong activities, nararapat pa ring

bigyang pahintulot ang ganitong gawain sapagkat layunin nitong maiwasan

ang mas malawak na pinsala na maaari pang maranasan kung ito ay

ipagpapaliban.

Bukod sa karaniwang Preventive Maintenance Activities, ang ORMECO,

Inc. ay nagsasagawa rin ng mga hakbangin at pagpaplano upang maiwasan

ang palagiang brownout. Mula sa karagdagang power supply na 10

Megawatt sa pamamagitan ng Emergency Power Purchased (EPP) at

kasalukuyan ng nagsasagawa ng Competitive Selection Process (CSP) para

sa 30MW supply ng kuryente.

Ang brown out ay hindi mawawala sa larangan ng distribusyon ng kuryente,

ngunit ito ay maaaring iwasan o bawasan, at ito na ang kasalukuyang

pamamaraan ng Pangasiwaan, ang masusing pagpa-plano.

Higit sa lahat, kooperasyon at malasakit ng bawat isa ang kinakailangan.

Ang ORMECO ay Kooperatiba at ito ay pagma-may-ari ng lahat ng kasapi,

atin itong pangalagaan.

- ni Andres E. Zamora

ROTATIONAL BROWNOUT:Bakit nangyari???

BROWNOUT: ANU-ANO ANG MGA DAHILAN?

LINA C. YUMANG Punong Patnugot

ANDRES E. ZAMORA

Ikalawang Patnugot

KIM EDRICK M. ASPECTO Taga-layout/Karikaturista

Mga Taga-kuha ng Litrato:

John Christian T. Gunday, Jaspher Jake Ramirez, Paul S. Santos, Catherine Mae A. Alforo, Morena L. Bautista

Mga Tagapagbalita / Tanging Lathalain: Engr. Elvis M. Jaime, Joselyne T. Ylagan ,

Christine May G. Albo, Catherine Mae Alforo, Morena L. Bautista, Christiana Elise C. Canlas, Ronajoy Y. Corales, Rhona Y. Cueto,

Glenjel R. Dagos, Rose Marie C. Hernandez, Engr.Ladyleen Mendoza, Edobigis M. Pacia, Arvelle A. Pereña, & Moira Lee A. Vilan.

Taga-payo:

DANILO A. ACEVEDA ATTY. NORBERTO M. MENDOZA BOD President Project Supervisor / Acting General Manager

EDITORYAL

Igin

uhit n

i Kim

Ed

rick A

sp

ecto

PUNONG PATNUGUTAN

UNANG ISYU

-ni Lina C. Yumang

Unang Isyu

Page 5: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

TANGLAW 2020 Pahina 5

- ni Andres E. Zamora

EPEKTO NG COVID-19 SA ORMECO

E nhance Community

Quarantine, General

Community Quarantine at sa

kasalukuyan ay Modified General

Community Quarantine, mga

naitatak sa ating probinsya upang

itaas ang kamalayan at mahigpit na

pangalagaan ang kalusugan ng

mamamayan laban sa nakamamatay

na virus. Ipinag-utos ang lockdown

upang manatili na muna sa bahay

ang mga tao. Sarado ang mga

hanapbuhay na may pagtitipon-tipon

at pisikal na kontak.

Sa madaling salita, tumigil ang mga

hanapbuhay. Ang tuloy-tuloy

lamang ay ang may kinalaman sa

delivery ng mga pagkain, gamot at

serbisyo publiko.

Ang ORMECO bilang nasa serbisyo

ng elektrisidad ang isa sa mga

pinaka-apektado.

Dahil sa lockdown status ng

lalawigan, ipinatigil ng Pangasiwaan

ang pagbabasa ng kuntador, ang

bayaran sa lahat ng District Offices,

sa Main office, mga banko at sa mga

collection stations upang

masigurong hindi kakalat ang corona

virus. Tigil din ang pagkakabit ng

mga bagong metro, ang lahat ng line

construction activities, suspended

ang disconnection, ang

reconnection, at ang lahat ng

penalties at surcharges. May nag

work from home, nag skeletal force

ang iba para tugunan ang mga

problema sa pangangailangang

pang electrisidad.

Malamang na nakatulong sa

lalawigan ang ginawang hakbang

ng ORMECO upang hindi kumalat

ang virus sapagkat buong Oriental

Mindoro ang coverage area nito.

Nagkulang ang supply ng kuryente

dahilan sa pagkasira ng ilan sa

mga generating sets ng mga power

providers. Ganun din naman ang

mga renewable sources of energy

tulad ng hydro power plant na

umaasa sa malakas na agos ng

tubig, at dahil sa pagkatuyo ng ilog

ay lumiit ang generation nito. Ang

wind power plant naman na

umaasa sa lakas ng ihip ng hangin

ay nawalan din ng generation sa

pagtigil ng ihip ng hangin.

Hindi natin alam kung sumabay ba

sa corona virus ang mga

pangyayari. Maaaring galit na ang

tadhana at gusto munang ipahinga

ang kanyang mundo sa mga

mapang-abuso sa kalikasan.

Ultimo konsumo ng mga Member

Consumer-Owners ng ORMECO

ay tumaas sa tindi ng init ng

panahon.

At dahil nga sa apektado ang mga

negosyo, maraming nawalan ng

trabaho, marami ang umasa sa

ayuda ng gobyerno, at naging

kaawa-awa ang iba nating OFW na

nakulong sa ibang bansa. Lahat

apektado at tanging dasal na

lamang ang pinakamatibay na

sandata upang maligtas ang bawat

mamamayan sa pandemya.

Hanggang sa mga sandaling ito ay

patuloy na tumataas ang bilang ng

apektado sa COVID-19 virus. Ang

maaaring gawin na lng ng bawat

isa ay ibayong pag-iingat.

A y u d a p a r a s a m g a F R O N T L I N E R S

s a p a n a h o n n g P a n d e m y a n g C O V I D - 1 9

- ni Christine May G. Albo

B uwan ng Marso ang ating

bansang Pilipinas ay

nagkaroon ng napakalaking

problema, nang dumating sa atin ang

kinatatakutan na pandemic na

CORONA VIRUS 2019.

Dahil dito ang ating pamahalaan sa

pamumuno ng ating butihing

Presidente Rodrigo R. Duterte ay

nag deklara sa buong National

Capital Region (NCR) at sa ilang

parte ng Luzon ng ENHANCE

COMMUNITY QUARANTINE (ECQ)

na kung saan ay kanyang ipinatigil

ang operasyon ng lahat ng

establisiyemento, mga trabaho sa

opisina at ang pagpasok ng

paaralan . Pinayuhan na ang lahat

ng mamamayan ay manatili na

lamang sa mga tahanan upang

makaiwas sa pandemic na ito. Kung

kaya marami ang nag-uwian sa

kanikanilang mga probinsya. Ang

lalawigan ng Silangang Mindoro ay

kasama sa ECQ kaya mabilis na

kumilos ang ating Gobernador

HUMERLITO A. DOLOR at Vice Gov

JOJO PEREZ na ipasara o

ilockdown ang ating lalawigan noong

Marso 14, 2020. Iniutos niya sa mga

kinauukulan na bantayan ang lahat

ng port of entry ng lalawigan nang sa

gayon ay hindi makapasok ang

ibang mamamayan mula sa karatig

probinsya.

Kaagad ding kumilos ang mga

Board of Directors sa pamumuno ni

Pres. Danilo A. Aceveda upang

maglaan ng pondo ang pamunuan

ng ORMECO, Inc. sa pagbibigay ng

tulong para sa ating lalawigan.

Nagbigay ng Cash Donation na

nagkakahalaga ng LIMAMPUNG

LIBONG PISO (P50,00.00) na ito ay

ipinagkaloob kay Gov. Bonz Dolor,

mga sako ng bigas para naman sa

mamamayan ng barangay Sta.

Isabel, Calapan City na tinanggap ni

Kapitana Susana Vergara, mga sako

din ng bigas at kaunting halaga

para naman sa ating mga frontliners

na nakatalaga sa check point na

nasa barangay ng Sta. Isabel,

Calapan City.

S a pag-laganap ng

Pandemyang COVID-19 sa

ating bansa, ang mga tao

ay magkakasamang lumalaban

upang salungatin o kontrahin

ang pandemyang ito.

Ang mga nahaharap sa

pakikipaglaban sa corona virus ay

ang mga "frontline workers" - ang

mga katagang ito ay madalas na

sumisimbulo sa imahe ng mga

doktor, nars at sundalo sa kani-

kanilang mga uniporme.

Gayunpaman, sa panahon ng

pandemyang ito, ang mga

manggagawa sa ilalim ng malawak

na hanay ng mga industriya ay

natagpuan ang kanilang mga sarili

bilang mahahalagang bahagi ng

makina na nagpapanatili sa galaw

ng mundo.

Araw-araw, ang mga

manggagawang ito ay nahaharap sa

panganib ng virus at ang kanilang

mantra ay: “We go to work for you,

please stay at home for us”.

Upang maipakita ang

pagpapahalaga at upang mabayaran

ang pagsasakripisyo na kanilang

ginagawa, pati na rin upang

matulungan silang umangkop sa

bagong normal, nagpasya ang mga

opisyal ng ORMECO Employee

Multi-purpose Cooperative

(OREMPCO) na ibigay ang suporta

ng kanilang kilusan sa pamamagitan

ng pamamahagi ng mga face mask,

sabon at alkohol sa mga naka-

deploy na mga Frontliners at pati na

rin sa mga regular at associate na

miyembro ng kanilang kooperatiba.

Ang inisyatibong ito ay pinamunuan

ng OREMPCO Chairperson na si

Ms. Liannie G. Peraja kasama ang

dalawang Board of Directors na

sina Engr. Clark Alvin M. Enriquez

at G. Nelson G. Catmunan, sa

tulong ng tatlong kawani ng

OREMPCO noong Mayo 4 at 8,

2020.

Nagbigay sila ng 400 piraso ng face

masks, mga sabon at 465 alkohol

sa mga frontliners ng ORMECO na

manggagawa (guwardiya), mga

Barangay opisyal, pulis na naka-

duty, Traffic Management Officials

(TMO), Firemen at Highway Patrol

Group (HPG) ng Sta. Isabel.

Ang mga opisyal at kawani ng

kooperatiba ay nasisiyahan na

makita ang malaking ngiti sa mga

mukha ng mga benepisyaryo na

pinamahagihan ng kaunting paraan

ng pagtulong.

Ang pandemya ay maaaring

magpakita ng kahinaan ng systema

ngunit hinamon din nito ang mga

tao na madagdagan ang pagiging

bukas palad. Ang pagtulong sa

bawat isa ay syang nagpapaigting

sa ―Cooperativism‖ lalo’t higit sa

ganitong panahon ng krisis.

ORMECO, INC. NAGBIGAY TULONG SA APEKTADO NG CORONA VIRUS 2019

- ni Joselyne T. Ylagan

Larawan mula sa PGD

Unang Isyu

Kuha ni John Christian T. GundayKuha ni John Christian T. Gunday

Page 6: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

TANGLAW 2020

Pahina 6

PS/AGM ATTY. NORBERTO M. MENDOZA,

NAGDIWANG NG KANYANG UNANG TAON SA ORMECO

Mababalik tanaw na

noong ika-31 ng Oktubre

taong 2018, nagsimulang

umupo bilang bagong

Punong Tagapangasiwa si

Atty. Norberto M. Mendoza

sa bisa ng National Electri-

fication Administration

(NEA) Office Order No.

2018-217.

Sa pagkakatalaga sa

kanya bilang Project Su-

pervisor/ Acting General

M a n a g e r ( P S / A G M )

buong pusong ibinigay ni

PS/AGM Mendoza ang

kanyang sarili upang

m a p a g l i n g k u r a n a t

m a g a m p a n a n a n g

kanyang sinumpaang

tungkulin sa abot ng

kanyang kakayahan.

Nagdulot ito ng panunum-

balik ng maayos na takbo

at sistema ng kooperatiba.

Dahil sa kanyang galing at

dedikasyon, muling nai-

balik ang ORMECO, Inc. sa

dati nitong kategorisasyon

bilang Triple A Mega Large

Electric Cooperative mat-

apos nitong bumaba sa

kategorisasyon bilang Cat-

egory B noong 2018 na la-

bis na nakaapekto sa ma-

gandang imahe ng

kooperatiba.

Kabilang sa mga naging

magandang pangyayari

mula sa kanyang pag-upo

ay ang pagtanggap ng

mga parangal at pagkila-

la tulad ng Golden Dagi-

tab Award, Spotlight

Award, at Paramount

Achievement Award mula

sa NEA noong ika-50 taon

nitong anibersaryo na

ginanap noong Agosto ta-

ong 2019 kung saan

binibigyan ng pagkilala

ang mga Electric Cooper-

ative na nagpamalas ng

kahusayan sa kanilang

pangangasiwa.

Malaki man ang mga ki-

naharap na hamon ng

Punong Tagapangasiwa,

hindi ito naging hadlang

para matagumpay na

maisagawa niya ang

kanyang tungkulin.

Naging kabalikat ni PS/

AGM Mendoza ang ma-

huhusay at maaasahang

mga kawani ng ORMECO

na walang tigil sa kanilang

misyon na makapaghatid

ng magandang serbisyo

ng pailaw sa mga miyem-

bro-konsumedores.

Makikita na sa loob

lamang ng isang taon mu-

la sa kanyang pagka-

katalaga, marami na

agad ang kanyang mga

naisakatuparan.

Isang halimbawa dito

ang pagkakaroon ng ka-

ragdagang planta ng re-

newable energy sa Brgy.

Malvar, Naujan, ang Ca-

tuiran Mini Hydro Power

Plant na mayroong kapa-

sidad na 8 MEGA WATT na

may kakayahang mag-

bigay ng kuryente sa mga

bayan sa hilagang bahagi

ng ating Lalawigan.

Sa kanyang pamumuno,

nagawa rin ang rehabilita-

syon ng 69kv transmission

line na pagmamay-ari ng

NAPOCOR na mata-

tandaang nasira dulot ng

Bagyong Nona noong ta-

ong 2015.

Ang linyang ito ang magi-

ging daanan ng suplay

ng kuryente mula

sa malalaking

planta na nasa

Lungsod ng

C a l a p a n

patungo sa

mga bayan

sa timog na

bahagi ng

ating lala-

wigan.

Kung iisa-isahin ang

m g a n a g i n g

mabuting pagbaba-

go sa takbo at siste-

ma ng kooperatiba,

masasabing tunay

ngang naging ma-

h u s a y a n g

pagpapalakad ni PS/

AGM Mendoza sa

kanyang unang taon

ng pangangasiwa sa

ORMECO.

Maaasahan ng mga

Miyembro-konsumedores

na patuloy at walang tigil

ang paghahanap ng mga

makabagong pamama-

raan ang ating kooperati-

ba upang mas lalo pang

mapaganda ang serbisyo

ng ORMECO, Inc. sa mga

darating pang panahon.

Larawan Kuha ni Paul V. SantosLarawan Kuha ni Paul V. Santos Larawan kuha ni Jaspher Jake RamirezLarawan kuha ni Jaspher Jake Ramirez

La

raw

an

Ku

ha

ni J

oh

n C

hris

tian

T. G

un

da

y

- ni Christiana Elise C. Canlas

Unang Isyu

Page 7: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

TANGLAW 2020 Pahina 7

“Lineman lang naman yan doon sa

ORMECO!”- ang nila-lang lamang

natin noon, mga bayani na ngayon!

Kung sa ating panahon ngayon ay

mayroon tayong “unseen enemy”,

marami din tayong mga “unsung

heroes”. Mga bayaning maituturing

sapagkat matapang nilang hiniharap

ang kalaban na hindi natin nakikita.

Marami sa atin ang sumasaludo sa

ating mga frontliners na madalas nasa

katauhan ng mga doctor, nars, pulis at

sundalo ay madalas ay naisasantabi

ang sakripisyo ng iba pa nating mga

kababayan na lakas loob na

sinasabana ang maaaring sakit at

panganib na dulot ng Corona Virus

Disease 2019 o mas kilala sa tawag na

COVID-19 makapaghatid lamang ng

serbisyo sa publiko at isa na dito ang

mga linemen ng Oriental Mindoro

Cooperative, Inc. (ORMECO).

“Umulan man o umaraw, tuloy ang

trabaho”- ito ang mga katagang

madalas nating marinig noong

pagpasok ng taong 2020 mula sa ating

mga linemen na tuloy ang trabaho

anumang panahon dahil na rin sa

pinsalang idinulot ng dalawang

magkasunod na maalalakas na

bagyong “Tisoy” at “Ursula” na talaga

namang nag-iwan ng malaking pinsala

hindi lamang sa mga kabuhayan ng

tao ngunit lalong higit sa daloy ng

kuryente sa ating lalawigan. Ngunit

makalipas ang dalawa at kalahating

buwan buhat ng sumapit ang 2020,

“Tuloy ang serbisyo kahit may COVID”

na ang madalas sambitin ng ating

mga bayani sa bagong normal na

panahon o yung tinatawag nating

“new normal”.

Madalas nating balewalain ang ating

mga lineman ngunit hindi natin alam

na napakahalaga pala ng kanilang

gampanin sa pagpapanatili ng

kaayusan ng daloy ng kuryente sa

ating lalawigan. Sa panahon na

laganap ang banta ng COVID-19 hindi

lamang sa Oriental Mindoro kundi sa

buong Pilipinas at maging sa buong

mundo, naging malaking dagok ito sa

atin bilang mga ordinaryong

mamamayan at maging sa ating mga

lokal na manggagawa. Limitadong

transportasyon, limitadong

pagbubukas ng mga piling

establisyemento, pagpapahinto ng

pagbubukas ng paaralan,

pagbabawal ng mga maramihang

pagtitipon tulad ng mga pista, misa, at

maging ang paglalamay sa mga

namayapa nating mahal sa buhay at

lalong higit, maging mga tanggapan,

pribado man o pampublikong sektor,

ay pansamantalang nilimitahan at

nagkaroon ng “skeleton workforce”.

Ngunit dito napatunayan ng ating

mga linemen ang kanilang

determinasyon at dedikasyon bilang

bahagi ng “critical service providers”.

Ano nga ba ang trabaho ng isang

lineman? Ayon sa jobhero.com, ang

pangunahing tungkulin ng mga

lineman ay magbigay, magpanatili at

magsaayos ng mga linya ng kuryente

patungo sa mga tahanan, ospital,

paaralan, munisipyo at sa iba’t-ibang

mga establisyemento. Sila ang dahilan

kung bakit kahit papaano ay nalibang

tayo sa panahon ng “quarantine”

kung saan bawal lumabas at ang

tanging mapaglilibangan ay ang

makapanood ng ating mga

paboritong subaybayin sa telebisyon,

makapagpalamig gamit ang ating

mga airconditioner at makainom ng

malamig na tubig galing sa ating mga

refrigator bilang pamawi sa init na dala

ng panahon at makapagcharge ng

ating mga cellphones at laptop upang

manatili tayong konektado sa mundo

sa labas ng ating mga tahanan,

maging sa ating mga kapamilya at

kaibigan.

Kaya naman, isang pagpupugay ang

nais naming ibigay sa ating mga

lineman na talaga namang

maituturing na mga “unsung heroes of

the new normal world”. Pagsaludo sa

inyong ipinakikitang determinasyon na

makapagbigay ng serbisyo sa kabila

ng lumalaganap na virus. Maraming

salamat sa walang takot at buong

lakas loob na pagharap sa kahit

anong kapahamakan magampanan

lamang ang inyong tungkulin.

Mabuhay kayo, aming mga bayaning

Lineman!

Linemen: Mga Bayani sa Gitna ng COVID #ThankALineman

- ni Ronajoy Y. Corales

Larawan kuha ni Jaspher Jake RamirezLarawan kuha ni Jaspher Jake Ramirez

Unang Isyu

Page 8: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

TANGLAW 2020 Pahina 8

A ng Philippine Rural

Electric Cooperative

Association (PHILRECA),

bilang asosasyon na kapanalig ng

lahat ng Electric Cooperatives

(ECs) sa buong Pilipinas, ay nag-

organisa ng ayuda na laan para

sa mga apektado ng COVID-19.

Sa pakikipag-ugnayan ng

PHILRECA sa lahat ng ECs,

naisakatuparan ang paglaan ng

pondo para sa ―Pantawid Liwanag

Program‖.

Ito ay ayuda para sa mga ―lifeliners‖,

o yung mga kasapi ng Kooperatiba

na komu-kunsumo ng kuryente, 25

kilowatt hour pababa. Ngunit ito ay

para lamang sa mga ―residential

consumers‖, at nakatakdang

isagawa sa ―July 2020 Billing‖

lamang sa ngayon.

Tinatayang 24,454 lifeliners ang

makikinabang sa nasabing

Programa.

Ayon sa PHILRECA ang ―Pantawid

Liwanag Program‖ ay kombinasyon

ng isang mabuting hangarin at hindi

mapapasubali-ang pagkakaisa ng

121 ECs kasama na ang

pinagsamang sipag at kaalaman ng

Pangasiwaan, at Hunta Direktiba,

tungo sa hangarin ng ―Total Rural

Electrification‖.

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na

ang ating kooperatiba sa DSWD

upang alamin ang lahat ng

requirements at qualifications ng

magiging benipisyaryo ng

programang ito, para sa

pangalawang schedule ng

―Pantawid Liwanag Program‖.

BASIC ELECTRICAL

INSTALLATION NCII, LIBRENG PAGSASANAY,

NAGING MATAGUMPAY !

Inilunsad ng Pangasiwaan ang training program sa mga anak ng mga MCOs na out of school youth upang sanayin sa Basic Electrical Installation NCII. Ito ay isang bahagi ng Corporate Social Responsibility ng ORMECO sa kanyang mga MCOs.

Matapos ang dalawang (2) linggo ng info-dissemination sa mga istasyon ng radio hinggil sa nagnanais na maging lehitimong Barangay Electricians sa mga nasasakupang bayan ng Oriental Mindoro, may 27 out of school youth na anak ng mga MCOs ang nagpasa ng kani-kanilang dokumento para mapabilang sa isasagawang Basic Training Course. Ang mga kwalipikadong aplikante ay nagmula sa Puerto Galera- 1, San Teodoro- 2, Calapan City-11, Naujan- 1, Victoria-2, Socorro- 3, Pinamalayan- 4, Roxas- 1 at Mansalay- 2.

Bagama’t may kaunting kaalaman na sa larangan ng house wiring, ang kurso ay upang magkaroon sila ng dagdag kaalaman sa tamang paraan sa pag iistilasyon. Nagsimula ang pagsasanay noong Pebrero 18 at nagtapos ng Pebrero 26, 2020. Si Engr. Melchor Llamar ay lehitimong trainor ng TESDA ang nagsagawa ng daloy ng programa na kinapapalooban ng lectures at aktwal na house wiring upang maging handa sila sa pagsusuri na ibibigay ng TESDA. Ang NCII ang magiging saligan upang maging ganap na Authorized Barangay Electrician ng ORMECO. Ito ay isinagawa sa Solidarity Hall, ORMECO Compound, Sta. Isabel, Calapan City.

Matapos maipasa ang NCII, sila ngayon ay nakadeploy na sa ibat-ibang distrito para pagsilbihanan ang ating mga kababayan lalo’t higit sa panahon ng kalamidad na kung saan ang mabilisang pagbalik ng kuryente ay kinakailangan.

Nakapagtala ng 13 attendance

ang ORMECO, Inc. sa pagdalo

nito sa mga pagpupulong ng mga

Association of Barangay Captain

(ABC), Sangguniang Bayan (SB) ,

Power Committee ng

Sangguniang Panlalawigan, at

“Ulat sa Mamayan”.

Ayon sa Pamunuan, layunin nitong

direktang maipaabot sa mga

pamunuang lokal ng bawat

Barangay at Bayan ng buong

Lalawigan, ang mga pinakabagong

kaganapan sa Kooperatiba, at para

na rin agarang matukoy kung anu-

ano ang mga hinaing, report, at

suhestiyon mula sa lokal na

pamahalaan.

Masusing tinalakay sa mga

nabanggit na pagpupulong ang

naging sistema ng Estimated

Billing, na kung saan ang atas ay

nagmula sa Energy Regulatory

Commission (ERC), upang

mapangalagaan ang kalusugan ng

mga kababayang Pilipino na nasa

larangan ng meter reading, upang

maiwasan ang paglaganap ng

pandemya na Corona Virus

Disease 2019 (COVID-19).

Inisa-isa rin ng mga tagapag-salita

ang mga naging dahilan ng

“Rotational Brownout”, na lalo

pang pinatindi ng magkasabay na

init ng panahon at ―Enhanced

Community Quarantine‖, kung

saan karamihan sa mga

komukonsumo ng kuryente ay

nasa loob ng kani-kanilang

tahanan.

Kaugnay ng naturang brownout ay

malugod na ipina-abot ng

Pamunuan na sa kasalukuyan ay

―stable‖ na ang suplay ng

kuryente na para i-distribute ng

ORMECO, Inc., at nitong mga

huling araw ng Hunyo 2020 ay

nakapagta-tala na ng 5MW-10MW

―reserve power supply‖.

I pinagdiwang ng ORMECO,

Inc. ang ika-47 taong

pagkakatatag nito bilang

isang Kooperatiba. Nabuo ang

nasabing selebrasyon sa

dalawang programa , una ay ang

pagsasagawa ng medical at

dental mission sinundan ito ng

pagbigay parangal sa mga

napiling empleyado.

Noong ika-15 ng Pebrero 2020,

pinili ng ORMECO na makasama

ang mga kababayan natin sa

Mansalay, Oriental Mindoro upang

ipagdiwang ang nasabing

anibersaryo, kasama ang mga

volunteer doctors, nurses,

pharmacists’ na nag-organisa at

nagsagawa ng medical at dental

mission.

Ipinagpatuloy ang pagdiriwang

noong lka-18 ng Pebrero 2020

kung saan kinilala ang mga

natatanging empleyado na naabot

ang ika 20 at 25 na taon ng

paglilingkod sa kooperatiba.

Iginawad ang plaque of

recognition sa mga empleyadong

narating ang ika 20 taon

samantala isang 18k gold ring ang

ipinagkaloob sa mga

empleyadong naabot ang ika 25

na taon.

“Medical & Dental Mission” isinagawa kasabay ng

47th

Foundat ion Anniversar y

I sinakatuparan ang “New

Employee Orientation (NEO)”,

noong ika-18 ng Hunyo 2020

na ginanap sa ORMECO, Inc.

Solidarity Hall, sa pangangasiwa

ng Human Resource and

Administration Division (HRAD)

Office, sa ilalim ng Institutional

Services Department (ISD).

Sinimulan ang programa ng

umagang iyon sa pamamagitan ng

welcome remarks ni Assistant

General Manager Engr. Michael O.

Guico. Ipinabatid rin ni ISD

Manager Gng. Lina C. Yumang ang

kanyang mga mensahe sa lahat ng

bagong empleyado na dumalo.

Nahati sa tatlong bahagi ang NEO,

una ang Pre-Membership Seminar

na ipinaliwanag ni Gng. Joselyne T.

Ylagan, pangalawa ang Human

Resource Concerns na isa-isang

ipinaliwanag nina Morena L.

Bautista, Rosalea M. Dalangin,

Wewina M. Guancia, Danielle Ann

U. Martinez, at Mary Grace M.

Geronimo, RN, at ang pangatlo ay

ang Awarding of Certificate,

kasunod nito ay ang Panghuling

Pananalita ni HRAD Supervisor G.

Jaime B. Garong, Jr.

Dinaluhan ng tatlumpo at dalawang

empleyado ang nasabing NEO, na

kung saan ay tinalakay ng mabuti

ang mga kaalaman tungkol sa

Social Security System (SSS), Pag-

ibig Fund, PhiHealth Insurance,

Leave Filing, Payroll, Employees

Personal Behavior at ang

ORMECO, Inc. Code of Ethics.

Ayon sa mga dumalong empleyado

ay naging makahulugan ang

ganitong gawain sapagkat nagsilbi

itong gabay nila sa pang-araw-araw

nilang pagtatatrabaho.

New Employee Orientation (NEO) isinagawa

M S D , p a t u l o y a n g a k t i b o n g p a g d a l o s a m g a

A B C , S B , a t U l a t s a M a m a m a y a n P a n t a w i d L i w a n a g P r o g r a m

I N I L U N S A D

-ni Glenjel R. Dagos

- ni Catherine Mae A. Alforo

- ni Catherine Mae A. Alforo - ni Joselyne T. Ylagan

Kuha ni John Christian T. GundayKuha ni John Christian T. Gunday

- ni Engr. Elvis M. Jaime

Unang Isyu

Page 9: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

List of Authorized Barangay Electricians

TANGLAW 2020 Pahina 9

- ni Joselyne T. Ylagan

Isinaayos ni Arvelle A. Pereña

Unang Isyu

Page 10: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

TANGLAW 2020 Pahina 10

M ula Enero

hanggang Hunyo

ng taong 2020,

umabot sa dalawang daan at

dalawampu’t pito (227) ang

bilang ng mga aprubadong

aplikasyon ng mga Member-

Consumer-Owners (MCOs) .

Ayon sa talaan ng Institutional

Services Department (ISD),

bumaba ang bilang ng mga

aplikante ngayong taon kumpara

sa mga nakaraan, dulot ng epekto

ng COVID-19.

Dagdag pa ng ISD, patuloy pa rin

ang pagtanggap sa mga papasok

na aplikasyon upang mapaigting

pa ang layuning makatulong sa

mga kababayan na

nangangailangan.

Upang higit pang malaman kung

anu-ano ang mga dapat tandaan

para sa pag-a-apply sa nabanggit,

alamin ang mga sumusunod:

1. Ang Application Form na ito

ay gagamitin lamang kung

ang ORMECO power bill ay

nakapangalan sa Senior

Citizen ng isang taon na o

higit pa;

2. Residential Type Consumer at

hindi commercial o industrial;

3. 100kwh o mas mababa pa

ang magiging konsumo ng

kuryente sa loob ng isang

buwan. Kung lalampas sa 100

kwh, walang matatanggap na

5% discount;

4. Nakapangalan sa aplikante

ang Residential ORMECO

power bill ng isang taon na o

higit pa;

5. Iisang residential ORMECO

power bill lamang ang

nakapangalan sa aplikante.

Kung higit sa isang power bill,

isa lamang bill ang

makakukuha ng 5% discount;

6. Kasalukuyang aktwal na

naninirahan ang aplikante sa

residential house na nabanggit

sa itaas nito at ang power bill

nito ay nakapangalan sa

aplikante;

7. Kasapi na ng ORMECO ang

aplikante ; at

8. Pagkalipas ng isang taon mula

ng maaprubahan ang naturang

discount, ang aplikante ay

muling magsusumite ng

aplikasyon na kagaya ng

naunang aplikasyon upang

patuloy na makatanggap ng

5% discount sa susunod na

taon. Kung hindi na

makapagsumite ng bagong

aplikasyon pagkatapos ng

isang taon, ito ay

nangangahulugan na hindi na

makukuha ang 5% Senior

Citizen discount.

5% SENIOR CITIZEN DISCOUNT

PATULOY ANG ARANGKADA

Kuha ni John Christian T. Gunday Kuha ni John Christian T. Gunday

-nina Edobigis M. Pacia at Rhona Y. Cueto

Unang Isyu

Page 11: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

TANGLAW 2020 Pahina 11

PAHALANG

1. Kooperatiba na nagdi-distribute ng kuryente sa buong Lalawigan ng Oriental Mindoro;

5. Distrito na binubuo ng Baco, San Teodoro, at Puerto Galera;

6. Bugtong: isang butil ng palay, napuno ang buong bahay;

8. Enerhiyang nagbibigay buhay sa mga kagamitan;

9. Instrumento ng pagsukat ng kunsumo ng kuryente sa isang bahay o gusali;

10. Grupo ng kagamitan;

11. Haligi na ginagamit sa linya ng kuryente;

PABABA

1. Kabaliktaran ng ibig sabihin ng sagot sa No. 5 pababa;

2. Appliance unit sa tahanan na isa sa pinaka-malaking kumunsumo ng kuryente;

3. Propesyon na eksperto sa gawaing pang-elektrisidad;

4. Kawad na ginagamit sa linya ng kuryente;

5. Paraan ng pagpatay sa isang appliance, para hindi maka-aksaya ng kuryente;

7. Sukat na ginagamit para makuha ang kunsumo ng kuryente ng isang appliance unit;

9. Line___ ang tawag sa mga sundalo ng pailaw;

1 2 3 4

5

6 7

8

9 10

11

PALAISIPAN

PINANSYAL

S a bisa ng mga inaprubahang

Board Resolutions, tungkol

sa paghiram ng pondo mula

sa Insurance Claim na nakuha

dulot ng pagkasira ng Dulangan

Mini-Hydro Power Plant

(DMHPP), sanhi ng bagyong

―Yolanda‖ taong 2014, ay

naisakatuparan ang pagbili ng

labing-isang (11) ―maintenance

vehicles‖.

Ang kabuuang halaga na

nakonsumo para sa nasabing

pagbili ay nagkakahalaga ng Php

7,368,000.00, kung saan tatlong

(3) failed bidding ang naganap,

dahil sa walang bidders ang

nakadalo.

Napagkasunduan ng Management

at ng Board of Directors (BODs), na

may kasamang pag-sa-alang-alang

sa benepisyong maibibigay nito

para sa higit pang pag-papabuti ng

serbisyo sa mga Member-Consumer

-Owners (MCOs), lalo’t higit tuwing

re-responde ang maintenance/

operation, na ang sasakyan ay hindi

kailangang mamahalin at malaki.

Anila, ang pinaka-importante ay

mai-sigurado na mapupuntahan

ang bawat report ng ―no light‖, at

iba pang gawain katulad ng ―new

connections‖.

Sa 11 units na mga sasakyan, ay

mabibigyan ng tig-iisang sasakyan

ang pitong Distrito (mula Puerto

Galera hanggang Bulalacao),

bilang suporta sa mga nabanggit

na gawain.

Samantalang ang natitirang “units‖

ay babahaginin ayon sa

pangangailangan ng Kooperatiba.

Pagkatapos ng ―failure of bidding‖,

minabuti ng BOD at Management

na ipa-alam ito sa National

Electrification Administration (NEA),

upang maresolba ang usapin at

kung paano masolusyonan ang

pangangailangan sa transportasyon.

Agad din namang ipinabatid ng NEA

ang kanyang suporta, at nabigyan

ng ―go signal‖ ang pagsasagawa ng

―negotiated procurement‖, kung

saan ay hindi na dapat isagawa ang

―public bidding‖ at pipili na lamang

ng pinaka-akmang suplayer ayon sa

pangangailangan.

Base sa mga ―specifications‖ na

kailangan para sa “maintenance/

operation‖, napagkasunduan ng

―Bids and Awards Committee

(BAC)‖ na italaga sa ―Suzuki Auto

Lipa‖ ang kailangang pagbili.

―Super Carry Utility Van‖ ang

sumakto sa ―requirement‖, dahil Ito

ay (1) manual transmission, (2)

gasoline fuel, (3) manual air

condition, at may kasama pang

ibang mga pribilehiyo kagaya ng

(a) free logo, (b) free medium tint,

at iba pa.

Ang mga nasabing sasakyan ay

kakabitan ng ―top load carrier‖

upang magsilbing lagayan ng mga

hagdan at iba pang mahahabang

kagamitan ng mga ―linemen‖.

Sa ginanap na ―blessing‖, pina-

alalahanan ang lahat ng drivers na

magkaroon ng dagdag na pag-

iingat sa mga sasakyang pag-aari

ng Kooperatiba, lalo na at ito ay

mula sa hiniram na pondo mula sa

nasirang ―mini-hydro‖ na pag-

mamay-ari rin nga Kooperatiba.

11 SUPER CARRY UTILITY VANS, DAGDAG NA SUPORTA SA ORMECO

-ni Catherine Mae A. Alforo

Unang Isyu

Page 12: CEREMONIAL SIGNING para sa 3 additional Emergency Power

N oong ika-19 ng

Nobyembre 2019 ay

ginanap ang eleksyon ng

mga Opisyales ng Lupon ng Hunta

-Direktiba ng Oriental Mindoro

Electric Cooperative (ORMECO,

Inc.) sa pamamagitan ng pagbilang

ng boto ng mga miyembro ng

nasabing lupon. Ang Eleksyon ay

ginanap sa opisina ng ORMECO sa

Sta. Isabel Calapan City sa ganap na

alas nuebe ng umaga. Ito ay

pinangunahan ng muling naluklok na

Presidente, si Direktor Danilo A.

Aceveda mula sa District I (Baco,

San Teodoro & Puerto Galera).

Nahalal naman bilang bagong Bise

Presidente si Direktor Roberto R.

Macalalad mula sa District III

( Naujan & Victoria) habang ang

bagong kauupo lamang bilang

Direktor na si Direktor Delfin J. Sigue

mula District IV (Socorro & Pola) ay

nahalal bilang Kalihim. Si Direktor

Teodoro M. Dela Cruz, Jr. mula sa

District V (Pinamalayan & Gloria) ay

nahalal bilang bagong Ingat Yaman.

Bagaman hindi pinalad na mahalal

bilang parte ng mga Opisyales sina

Direktor Anthony L. Yap mula District

VI (Bansud & Bongabong) at si

Direktor Romuel S. Corpuz mula

District VII ( Roxas, Mansalay &

Bulalacao) ay patuloy pa rin sila sa

kani-kanilang mabubuting hangarin at

buong pusong suporta para sa

ikabubuti at ikakaganda ng

kooperatiba bilang mga miyembro pa

rin ng Hunta-Direktiba.

Ang petsa ng pagiging epektibo ng

mga nahalal na opisyales ay noong

ika-21 ng Disyembre taong 2019.

Kasabay na ginanap sa araw na

iyon ang kanilang panunumpa bilang

mga bagong opisyales ng Lupon ng

Hunta-Direktiba ng ORMECO Inc.

Ang panunumpa ay pinangunahan

ng Ama ng Lungsod ng Calapan na

si Mayor Arnan C. Panaligan at

pinagtibay ng Resolusyon Bilang 19-

220 na may petsang ika-19 ng

Nobyembre taong 2019 na

nagsasaad na ang naganap na

eleksyon ay naaayon at alinsunod

sa polisiya ng ORMECO, Inc. Ang

termino ng mga nahalal na opisyales

ay mananatiling epektibo hanggang

sa susunod na eleksyon na itatakda

ng ORMECO Inc.

TANGLAW 2020 Pahina 12

Kuha ni John Christian T. Gunday

Noong ika-18 ng Marso 2020

naglabas ang National

Electrification Administration

(NEA) ng isang proklamasyon at

direktiba mula sa Department of

Health na matinding hinihimok ang

publiko sa pag iwas sa paki-

kilahok at pag-oorganisa ng mga

aktibidad na magdudulot ng

pagtitipon-tipon ng madaming tao

sa isang lugar.

Dahil dito minabuti ng

Pangasiwaan ng ORMECO, Inc.

na ikansela ang pagsasagawa ng

District Elections at ang

pagdiriwang ng ika–38 Annual

General Membership Assembly

(AGMA) upang maiwasan ang lalo

pang paglaganap ng COVID-19.

Samantala, kahit ipinagpaliban

ang AGMA na may temang

―Pagkakaisa at

Pagtutulungan….Maayos na

Serbisyo ang Patutunguhan‖ na

gaganapin sana sa apat na

magkakaibang lugar ay

ipinapapatuloy pa din ang

pagsasagawa ng Annual Report

na inaasahang ma-ipamigay sa

August 2020.

2020 DISTRICT ELECTION

AT ANNUAL GENERAL

MEMBERSHIP ASSEMBLY

(AGMA)

KANSELADO!

ORMECO,INC. NAG-AMBAG SA PAGBIBIGAY

N G A M B U L A N S YA PA R A S A G S M A C A M B U L A N S YA PA R A S A G S M A C

Sa bisa ng ORMECO, Inc. Board of

Directors (BOD) Resolution No. 20-

043 na may petsang ika-5 ng

Pebrero taong 2020, at

pinamagatang “Confirming the

amount of Sixty Thousand Pesos

Only (Php 60,000.00) donation to

cover a one-year vehicle insurance

for an ambulance in favor of the

“Galing at Serbisyo para sa

Mindoreño Action Center

(GSMAC)”, naki-isa ang

Kooperatiba sa Oriental Mindoro

Power Industry Association

(OMPIA) sa pag-aabot ng tulong sa

Pamahalaang Panlalawigan ng

Oriental Mindoro.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-lalaan

ng kaukulang halaga para sa ―one-

year insurance fee‖ na gagamitin sa

nasabing donasyon na

―ambulansya‖.

Ayon sa Pamahalaang

Panlalawigan, ang nasabing

―ambulansya‖ ay ilalaan para sa

Quick Response Team (QRT) ng

―Galing at Serbisyo para sa

Mindoreño Action Center (GSMAC)‖

sa pangunguna ni Engr. Humphrey

A. Dolor.

Ang OMPIA ay binubuo ng mga

Independent Power Producers

(IPPs) na nag-o-operate sa Oriental

Mindoro, na nagbigay ng tig-

Php257,143.00 para sa nasabing

pagbili.

Nagbigay ng personal na mensahe

si Gobernador Humerlito A. Dolor

―Sa ngalan ng Pamahalaang

Panlalawigan ng Oriental Mindoro,

ako'y nagpapasalamat sa inyong

pagtulong at suporta sa aking

administrasyon. Habang kayo ay

nagbibigay ng magandang serbisyo

sa ating mamamayan, ay tatapatan

ko naman ito ng buong pagsuporta

at poproteksyunan ang inyong mga

magagandang adhikain para sa

lalawigan.‖

Kabilang sa mga karagdagang

tulong ay ang kagamitang paunang

lunas, pati na rin ang 240 piraso ng

yero bilang tulong sa mga

kababayang Mindoreño na

nasalanta ng dalawang nakaraang

bagyo (Tisoy at Ursula).

Ika-23 ng Enero taong 2020, tumulak patungong Batangas II Electric Cooperative, Inc. (BATELEC II) sila ORMECO, Inc. Board of Directors (BOD) President Danilo A. Aceveda, BOD Vice President Roberto R. Macalalad, Institutional Services Department (ISD) Manager Lina C. Yumang kasama ang ilang kawani ng ORMECO, Inc. upang ihatid ang pinagsama-samang tulong mula mismo sa Board of Directors (BODs) at mga empleyado.

Hindi maikakaila na apektado tayo sa pinagdaraanan ng kapatid nating Kooperatiba. Kaya nga at sa munting pamamaraan, agad na nagkaroon ng inisyatibo na makalikom at pagsama-samahin ang personal na tulong na ipagkakaloob ng bawat isa.

Pasasalamat ang ipinaaabot ng Pangasiwaan ng ORMECO, Inc. sa BATELECII para sa kanilang mainit na pagtanggap sa mga kinatawan ng ORMECO, Inc. Ipinabatid ng ORMECO, Inc. sa kapatid na BATELEC II na kaisa sila sa pagharap ng hamong ito, sama-sama at magdadamayan sa abot ng ating kakayanan, para sa ikagagaan ng pagsubok na nararanasan.

TULONG PARA SA MGA

BIKTIMA NG BULKANG

TAAL

1.ORMECO 1.REF 2.REF 3.ENHINYERO 4.TANSO 5.OFF 5.ONE 6. ILAW 7.WATTS 8.KURYENTE 9. METRO 9.MAN 10. SET 11.POSTE

-ni Catherine Mae A. Alforo -ni Morena L. Bautista

Sagot Sa Palaisipan

B o a r d o f D i r e c t o r s ( B O D ) N e w S e t o f O f f i c e r s , n a n u m p a

Kuha ni John Christian T. GundayKuha ni John Christian T. Gunday

Kuha ni John Christian T. GundayKuha ni John Christian T. Gunday

- ni Rose Marie C. Hernandez

- ni Christiana Elise C. Canlas

Unang Isyu