86
Sa pagbabasa mo ng dokumentong ito, ipinapakita mo na ikaw ay higit na marunong.(Kawikaan 1:5) Maaaring ang mga katotohanang ito ang gugulat sa iyo. Pwedeng sa simula, hindi mo matatanggap ang mga katotohanang iniuulat ng Bibliya. Pero kung unti-unti mong tatanggapin ang katotohanan ng Bibliya, magiging masaya ka, dahil sabi ni Jesus, “Ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32, Awit 31:5) Sana makatulong ang sulat na ito upang magkaroon ka ng tamang desisyon sa buhay mo. Dahil anuman ang mangyari, “tayong lahat ay tatayo sa luklukan ng paghatol ng Diyos.” (Roma 14:10-12) Ang librong ito ay nagdadala ng tunay na mensahe ng Diyos para sa atin. Ipinapangaral na ito saanmang sulok ng daigdig. Ang mensaheng ito ay mensahe ng babala sa mga di-tututgon at sa mga matitigas ang ulo anupat gumagawa sila ng ubod-samang mga gawain. Ito naman ay mensahe ng pag-asa at walang-hanggang buhay sa lupa para sa mga babasa nito at tutugon sa mensaheng ipinapadala ng Diyos (Juan 17:3). Ang pagtugon sa mensahe ng mga Saksi ay pagpapakita ng pag-ibig ng isang tao sa Diyos. (Juan 4:22-24). Ano naman ang mapapala ng tutugon sa mensaheng ito? Basahin ang Marcos 10:28-30 at Mateo 5:11-12. Kaya gumawa ng matalinong pasya, NGAYON NA, hindi na bukas, hindi sa susunod na taon. Sapagkat ang pasya ay nangangahulugan ng buhay o kamatayan (Lucas 21:34-36). At deserving ang Diyos na sambahin siya ng tama. (Mateo 4:10) Sa puntong ito ilalahad ko sa inyo ang mga paliwanag o dahilan kung bakit pinili ko ang desisyon. Sa simula, hindi mo matatanggap ang katotohanang iniaalok ng Bibliya at ng mga sekular na ebidensya. Ayos lamang iyan, dahil kung pipilitin mo na tanggapin ang katotohanan na pinagtibay ng mga ebidensya, tiyak magiging mapalad ka. Sa simula, hindi ko tinanggap ang mga katotohanan ng Bibliya, pero humingi ako ng mga patotoo kung bakit ganoon ang inihaharap ng Bibliya. Sa wakas, nananalig ako sa pagiging totoo nito, at tinanggap ko ang hatol ng banal na aklat. Gusto ninyo bang malaman ang iba pang turo ng Bibliya? Hindi nyo po ba naiintindihan ang mga kahulugan? Kung meron kayong mga tanong, pakisuyong sumulat sa mga Saksi sa adres na ito: P.O. Box 2044, 1060 Manila

Commentary

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Commentary

Sa pagbabasa mo ng dokumentong ito, ipinapakita mo na ikaw ay higit na marunong.(Kawikaan 1:5)Maaaring ang mga katotohanang ito ang gugulat sa iyo. Pwedeng sa simula, hindi mo matatanggap ang mga katotohanang iniuulat ng Bibliya.

Pero kung unti-unti mong tatanggapin ang katotohanan ng Bibliya, magiging masaya ka, dahil sabi ni Jesus, “Ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32, Awit 31:5)

Sana makatulong ang sulat na ito upang magkaroon ka ng tamang desisyon sa buhay mo. Dahil anuman ang mangyari, “tayong lahat ay tatayo sa luklukan ng paghatol ng Diyos.” (Roma 14:10-12)

Ang librong ito ay nagdadala ng tunay na mensahe ng Diyos para sa atin. Ipinapangaral na ito saanmang sulok ng daigdig. Ang mensaheng ito ay mensahe ng babala sa mga di-tututgon at sa mga matitigas ang ulo anupat gumagawa sila ng ubod-samang mga gawain.

Ito naman ay mensahe ng pag-asa at walang-hanggang buhay sa lupa para sa mga babasa nito at tutugon sa mensaheng ipinapadala ng Diyos (Juan 17:3). Ang pagtugon sa mensahe ng mga Saksi ay pagpapakita ng pag-ibig ng isang tao sa Diyos. (Juan 4:22-24). Ano naman ang mapapala ng tutugon sa mensaheng ito? Basahin ang Marcos 10:28-30 at Mateo 5:11-12.

Kaya gumawa ng matalinong pasya, NGAYON NA, hindi na bukas, hindi sa susunod na taon. Sapagkat ang pasya ay nangangahulugan ng buhay o kamatayan (Lucas 21:34-36). At deserving ang Diyos na sambahin siya ng tama. (Mateo 4:10)

Sa puntong ito ilalahad ko sa inyo ang mga paliwanag o dahilan kung bakit pinili ko ang desisyon. Sa simula, hindi mo matatanggap ang katotohanang iniaalok ng Bibliya at ng mga sekular na ebidensya.

Ayos lamang iyan, dahil kung pipilitin mo na tanggapin ang katotohanan na pinagtibay ng mga ebidensya, tiyak magiging mapalad ka. Sa simula, hindi ko tinanggap ang mga katotohanan ng Bibliya, pero humingi ako ng mga patotoo kung bakit ganoon ang inihaharap ng Bibliya. Sa wakas, nananalig ako sa pagiging totoo nito, at tinanggap ko ang hatol ng banal na aklat.

Gusto ninyo bang malaman ang iba pang turo ng Bibliya? Hindi nyo po ba naiintindihan ang mga kahulugan? Kung meron kayong mga tanong, pakisuyong sumulat sa mga Saksi sa adres na ito:

P.O. Box 2044, 1060 Manila

Nawa’y pagpalain ka ng Diyos habang binabasa mo ito.

Sa puntong ito gagamitin natin ang aklat na pinamagatang “Ano Ba Talaga Ang Itinuturo ng Bibliya?”

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganoon na lamang ang nangyayari sa mundo. Puro kasamaan na lamang ang nakikita natin. Siguro, iniisip ninyo kung kailan matatapos na ang mga pagdurusa. Naitatanong ninyo sa inyong mga sarili, “Ito Ba ang Layunin ng Diyos?”

Pero ito ba talaga ang gusto ng Diyos para sa atin? Basahin ang talata na pinamagatang “Ito ba ang layunin ng Diyos?” sa pahina 3-7.

Kapag nalulungkot ka, gusto mong tumakbo at humingi ng tulong, hindi ba? Kapag may masamang nangyari sa iyo, isinisisi mo ba ang mga ito sa Diyos? Minsan, nawawalan ka ng pag-asa na makita ang

Page 2: Commentary

kaligayahan at kapayapaan sa lupa. Pero ang Bibliya ay nagbibigay ng kasiya-siyang mga sagot sa mga tanong na bumabagabag sa iyo.

Mangyari pa, ang mga pangakong inihaharap ng Bibliya ay totoo, sapagkat ang Diyos ay hindi nagsisinungaling. (Tito 1:2). Tandaan, ang Diyos ay ganito: Anumang pangako (na binibitiwan Niya) ay gagawin Niya (Isaias 46:9-11 at Isaias 55:11). Hindi ito isang panaginip lamang, dahil ito ay iniaalok ng Diyos para sa iyo at sa kapwa.

Sasabihin mo, “Naku, parang imposibleng mangyari iyon.” Subalit tandaan natin na Change is permanent, ika nga, lahat ay nagbabago. Ang Diyos mismo ay may likas at walang-hanggang kapangyarihan upang baguhin ang daigdig (Job 37:23). Kaya, asahan natin na magiging Paraiso ang daigdig.

Nandito ang publikasyong “Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?” upang gabayan tayo tungo sa isang kasiya-siyang buhay sa ngayon. Higit pa riyan, tutulungan ka nito upang magkaroon ng higit na malapit na ugnayan sa Diyos at matamo ang walang-hanggang buhay sa lupa mismo. (Awit 37:29)

Makabubuting pag-isipan ang mga tanong na nasa pahina 6. Sa palagay mo kaya, sasagutin ng Bibliya ang lahat ng mga tanong na iyan? Oo naman!

Basahin ang pahina 7. Ngayon, naiisip mo na ba kung sino ba talaga ang Diyos? Sino at anong uri siya ng Diyos? Sa pagbabasa ng Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya, masasapatan ang sagot sa mga tanong na iyan.

Basahin ang pahina 8-9 ng Kabanata 1: ”Ano Ba Talaga ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?”

Ngayon pa lamang, makikinabang ka na sa pagkuha ng kaaalaman at katotohanan mula sa Diyos. Sasagutin ng Bibliya ang pinakamalalim at pinakamadalas na mga tanong sa ating buhay. Dahil dito, makukuha mo ang pinakamagandang regalo na tanging Diyos lamang ang makapagbibigay. (Roma 15:13,33)

KABANATA 1 – ANO BA ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA DIYOS?

Minsan, sinasabi ninyo sa akin na “Itanong mo ang mga bagay na ito” dahil kulang pa ang mga itinatanong ko, di ba? Pero itinatanong ba natin kung sino at anong uri siya ng Diyos? Itinatanong ba natin kung bakit ganito ang daigdig? Itinatanong ba natin kung ano ang ginagawa ng Diyos sa mundong ito?

Bakit kailangang alamin ang katotohanan tungkol sa Diyos? Dahil anuman ang ginagawa natin, pagsunod o pagsuway sa utos Niya, ang Diyos mismo ang hahatol sa atin. (Roma 14:10-12). Ang katotohanan tungkol sa Diyos ay higit pa sa karunungan ng tao (Kawikaan 2:5).

Ito ang magpapalaya sa atin sa lahat ng kasinungalingang natatanggap natin sa ilang relihiyon sa daigdig (Juan 8:32, Kawikaan 2:10-17). Sa pag-alam sa katotohanan tungkol sa Diyos mapapalapit tayo sa kanya, at magpapagaan ng ating kalooban, gaya ng pagsasabi ng totoo sa isang ampon. (Santiago 4:8)

Basahin ang pahina 9-11: “Manhid Ba at Walang Malasakit ang Diyos?”

Madalas, maitatanong mo ito dahil concerned ka sa kanila, dahil sila’y nagdurusa. Maging ikaw na nagdadalamhati ay maitatanong mo rin: “Manhid ba talaga ang Diyos?”Ang sagot ng ilang relihiyon ay oo.

Page 3: Commentary

Sinasabi ng iba na ang pagdurusa ay bahagi ng buhay ng isang tao. Sinasabi ng iba na kalooban ito ng Diyos. Pero ano ang nais sabihin ng Bibliya? Pakibasa po ng Santiago 1:13.

Sabihin natin na kayo po ay isang magulang. Ilalagay ninyo po ba ang inyong anak sa pagsubok, na hinahayaang magdusa siya? Hindi po, di ba? Ganyan din po ang Diyos. Hindi Niya magagawang subukan ang sinuman o ilagay sila sa isang pagsubok, maliban na lamang kung kailangang patunayan na ang tao ay tapat sa Diyos (1 Juan 4:8).

Isa pang tanong: “Kung hindi sinusubukan ng Diyos ang sinuman, bakit naroon pa rin ang lahat ng kasamaan sa daigdig?”. Pinapayagan ng Diyos na mangyari ito, pero di siya mismo ang taga-subok ng tao.

Ipagpalagay na kayo po ay isang magulang. Gaya ng sinabi kanina, hindi po ninyo kayang ilagay ang inyong anak sa isang pagsubok o tukso. Pero bakit minsan, nagdurusa din ang inyong anak? Dahil hinahayaan ninyo na mangyari ito. Kung minsan, iba ang nagpapahirap sa buhay niya.

Sa madaling salita, hindi puwedeng subukin ng Diyos ang sinuman, pero hinahayaan niya ang sanlibutan na magdurusa.

Maitatanong mo din minsan, “Nadama kaya ng Diyos na tayo ay ganito?”. Oo naman! Interesado ang Diyos sa atin, at nais Niya na makilala natin Siya (1 Samuel 16:7). Marami Siyang magagandang katangian (1 Cronica 16:8, Awit 107:8). Habang higit mo pang nakikilala ang Diyos, lalong lalalim ang iyong pag-ibig sa Kanya (Lucas 24:32). Pakibasa po ng pahina 11-15.

Pakibasa din po ng “Nais ng Diyos na Makilala Mo Siya.”

Marami nang mga titulo ang ikinakabit sa Diyos, gaya ng makikita sa Genesis 17:1, Awit 50:14, Eclesiastes/Mangangaral 12:1, Isaias 30:20, Gawa 4:24, at Timoteo 1:17.

Subalit alam ninyo po ba na ang Diyos ay may pangalan? (Isaias 42:8, King James Version sa Awit 83:18) Meron siyang sariling pangalan, at alam ito ng Kanyang mga tagasunod. Kung gusto mong makilala ang isang tao, di ba inaalam ninyo ang pangalan ng inyong kausap? Paano natin alam ang pangalan ng isang tao? Hindi natin alam ang pangalan niya hangga’t di niya sinasabi ang kanyang pangalan. Sa pag-alam pa lamang sa kanyang pangalan ay lalong magiging malalim ang pagkilala natin sa kanya.

Kaya, sinabi mismo ng Diyos na ang pangalan niya ay JEHOVA. Ginawa Niya ang pangalang iyan upang makilala pa natin Siya. Maitatanong mo din, “‘Bakit JEHOVA ang pangalan niya?“. Ang pangalan ng Diyos ay paraan ng pagsasalita nito sa Ingles na wika: Jehovah sa wikang Ingles, at Jehova naman sa wikang Tagalog.

Ang salitang “Diyos” ba ay pangalan? Hindi po. Ang titulong “Diyos” ay ikinakapit sa halos lahat ng mga relihiyon. Hindi maaaring maging pangalan ang ”Presidente” o ”Hari”, dahil ang mga ito ay titulo lamang. At bukod pa doon, maraming diyos, maraming presidente, at maraming hari. At kapag tinatanong kung sino ang iyong Diyos, at ang isasagot mo naman ay ”Diyos”, magiging kalituhan ito para sa iyo at sa nagtatanong. Bakit po? Iintindihin niya na Diyos nga ang sinasamba mo, pero ang pangalan ay Diyos.

Isa pa, kung hindi mo alam ang pangalan ng Diyos, makikilala mo pa kaya Siya nang higit pa? Pakibasa po ng Apendise sa pahina 195-197.

Ang totoo, lumilitaw ang pangalan ng Diyos na Jehova nang mga 7000 beses. Ang tanong, ”Bakit bihira o wala akong makitang Jehova sa aking Bibliya?” Noon, laganap ang paggamit ng pangalan ng Diyos. Subalit ito

Page 4: Commentary

po ay ipinatigil ng mga Hudyo, dahil natatakot sila na napakabanal kung bibigkasin/sasabihin ang pangalan ng Diyos. Simula noon, biglang nabawasan ang mga gumagamit sa pangalan Niya. Sinunod ng mga nag-aangking Kristiyano ang paraang ito ng mga Judio, na hindi dapat. Bakit? Hinatulan ni Jesus ang mga relihiyosong lider dahil sa pag-aalis sa pangalan ng kayang Ama (Mateo 15:6-9).

Para sa higit na impormasyon kung bakit Jehova ang pangalan ng Diyos, pakibasa po ng aklat na ”Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman”.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng pangalan ni Jehova? Ang ibig sabihin ng pangalang Jehova ay ”ako ay magiging anuman na ikagagalak ko.” Sa pangalan ng Diyos, ibig itong sabihin na kaya ng Diyos na Jehova na gawin ang anumang gustuhin niya. Anuman ang kanyang ipangako ay matutupad. Siyempre pa, dahil siya ay may walang-hanggang kapangyarihan, magagawa niyang tuparin ito (Apocalipsis/Pahayag 15:3).

Ang pangalan ni Jehova ay may kahulugan para sa atin ngayon. Ang pangalang Jehova ay tumatayo bilang isang garantiya na lahat ng Kanyang gusto para sa ating lahat ay matutupad. Kasama po dito ang kanyang gusto na gawing Paraiso ang buong lupa, na tatalakayin po natin mamaya lamang (Genesis 1:28, Genesis 2:8). Palalayasin ng Diyos ang lahat ng tumutol sa Kanyang karapatan na mamuno, dahil sinabi Niya, “Sa gayo’y makikilala nilang ako si Yahweh [o Jehova].” (Ezekiel 38:23).

Kung nais natin na tayo ay sang-ayunan ng Diyos, kailangan po nating tumawag sa Kanyang pangalan nang may pananampalataya. Sabi po sa Roma 10:13, “Ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas.” Opo, napakahalaga ng pangalan ni Jehova. Ang pagtawag kay Jehova bilang iyong Diyos at Tagapagligtas ay magdudulot po sa inyo ng walang-hanggang kaligayahan.

Pakibasa po ng “Maaari Ka Bang Mapalapit kay Jehova?” sa pahina 15-17.

Sa ngayon, upang pamunuan ng gobiyerno ang kanyang mga nasasakupan, kailangang lumapit ito sa mga tao, o di kaya ang mga tao mismo ay dapat lumapit sa Kanya. Maaaring ikatakot mo ang pagiging malapit sa Kanya dahil siya ay Diyos, at ikaw ay tao lamang. Subalit, kahit ganito ang estado ng Diyos na Jehova, hindi ito magiging hadlang upang mapalapit tayo sa Kanya, gaya ng mababasa sa Santiago 4:8.

Paano po tayo magiging malapit sa Diyos na Jehova? Una, kumuha ng kaalaman na mula sa Kanya mismo. (Juan 17:3) Napakahalaga na malaman ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos na Jehova, upang higit natin Siyang makilala. Paano iyan? Bilang halimbawa, upang maging malapit ka sa isang tao, kailangang makilala ninyo po siya nang maigi (Apocalipsis/Pahayag 15:3). Ganoon din po ang dapat nating gawin kung kukuha tayo ng kaalaman mula sa Kanya, ang Diyos na Jehova.

At sa unti-unting pagkuha ng kaalaman, makikita mo kung ano ang tama at malisa iyo (1 Tesalonica 1:13, 2 Timoteo 3:16, Awit 119:105, Kawikaan 2:1-5,6,9). May mga itinuturo ang Bibliya na iba sa nakasanayan natin. Maaaring sa simula, hindi mo matanggap ang ilang katotohanan na inihaharap ng Bibliya. Pero kung pipilitin na kumuha ng higit pang kaalaman, magiging malinaw na din po sa inyo ang lahat.

Habang kumukuha ka ng mahalagang kaalaman mula sa Kanya, sinisimulan mo nang ayusin ang ugali at pananaw mo sa buhay. Hindi mo kailanman pagsisisihan ang pagkuha ng saganang kaalaman ng Diyos na umaakay sa buhay na walang-hanggan.

Totoo na may mga tao na pipigil sa iyo na kumuha ng kaalaman sa Bibliya (Roma 1:28-32). Baka mag-alala sila na nakikisama ka sa isang kulto o maging isang panatiko. Pero, titigil ka ba sa pag-aaral ng Bibliya dahil ayaw iyan ng kamag-anak mo? Upang tulungan ang iba na maintindihan ito, maging makatuwiran at

Page 5: Commentary

huwag magsimula ng pagtatalo (Filipos 4:5, Santiago 1:19, Genesis 13:8-9). Marami ang nagtatagumpay kahit walang salita kapag nakita nila na ang kaalaman sa Bibliya ay para makinabang ang bawat tao (1 Pedro 3:1-2, 1 Pedro 2:2). (Ikumpara sa Kawikaan 15:22 at Kawikaan 17:14.)

Tandaan, nag-aaral ka ng Bibliya upang malaman ang katotohanan at upang mapalapit sa Diyos (1 Timoteo 2:3-4, Awit 1:1-3, Awit 19:11). Ngayon, nagalit sila sa iyo dahil itutuloy mo ang pag-aaral sa Bibliya. Baka sinunod mo naman ang kanilang gusto. Isipin ang sinabi ni Jesus, “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa [o, magpahiya] sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa [o, ipapahiya] ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit” (Mateo 10:32-33). Sino talaga ang pinapasaya mo, ang Diyos, o ang ibang tao?

Sana naman ay huwag mong pahintulutang mahadlangan ng gayong mga pambabatikos ang iyong hangarin na gawin ang tama (Juan 16:2, Santiago 4:17). Kahit mayroong ilan na naniniwala kay Jesus, hindi po sila nangaral at nagpahayag ng kaalaman ng Diyos dahil sila’y takot na baka iwasan sila ng mga tao (Juan 12:42-43). Pero dapat mong tandaan at bigyang-halaga ang mga mabubuting katangian ng ating Diyos.

Mangyari pa, tuluy-tuloy ang paliwanag sa mga bagay na di-malinaw sa iyo (Kawikaan 1:5). Kung mayroon kang di naiintindihan, huwag po kayong mahihiya na lumapit sa akin o kausapin ako. Maaaring sumulat sa mga Saksi sa P.O. Box 2044, 1060 Manila. Asahan po ninyo na masasagutan po namin iyan sa lalong madaling panahon.

Samantala, habang kumukuha ka ng kaalaman sa Bibliya, maaari mo ring tanungin, “Ano ang Bibliya? Totoo ba ang mga pahayag nito?” Para sa higit na paliwanag, pakibasa po ng Kabanata 2 - “Ang Bibliya – Isang Aklat Mula sa Diyos”hanggang pahina 20.

KABANATA 2 – ANG BIBLIYA – ISANG AKLAT MULA SA DIYOS

Sabihin natin na kayo po ay nakatanggap na ng regalo na mahalaga sa iyo. Ang nagbigay sa iyo ay ang taong importante sa iyo. Ano po kaya ang mararamdaman ninyo? Siguro, dama po ninyo na ang nagbigay ng regalo ay maalahanin (thoughtful). Maaaring magpasalamat ka pa sa kanya, o tatanawin mo ito bilang utang na loob.

Ang Bibliya ay isang napakahalagang regalo mula sa Diyos na Jehova, na maipagpapasalamat natin. O di kaya, tatanawin po natin ito bilang utang na loob. Gaya ng regalo na siyang nakaka-antig ng puso, ang Bibliya ay puno ng mga aral sa buhay at kwento ng pag-asa. Kumbaga, ang Bibliya ay isang regalo mula sa Diyos, na may pakinabang para sa atin hanggang ngayon.

Makatuwiran lamang na ang ating masipag na Diyos ay magbigay ng isang aklat ng tagubilin at patnubay para sa buong mundo. Sabi nga sa Jeremias 10:23, “...walang taong may hawak ng sarili nyang buhay...”. Hindi po hawak ng tao ang kanyang buhay; Diyos lamang ang may hawak sa ating buhay. Hindi kaya ng tao na ituwid sa kanyang sarili ang kanyang daan, kundi ang Diyos na Jehova lamang.

Nagtiyaga ang iyong kaibigan na gawin ang regalo. Nag-iingat pa ang kaibigan mo, dahil baka masira ang regalo, di ba? Pagkatapos, kusa niya itong ibinigay sa iyo. Ganoon din ang Diyos. Nagtiyaga Siya upang gawin ang aklat, sa tulong ng Kanyang mga katiwala (2 Pedro 1:20-21). Ginawa ng Diyos na Jehova ang lahat upang maingatan ang Bibliya. At mula nang maingatan ang banal na aklat, ito ay naimprenta sa halos lahat ng wika sa buong mundo (Isaias 40:8).

Page 6: Commentary

Isa pa, ang Bibliya ay orihinal na isinulat sa wikang Hebreo, Aramaiko, at Griego. Upang ito ay higit na maintindihan ng karaniwang tao, kailangang maisalin ito sa iba’t-ibang wika. Kaya, hanggang ngayon, meron po tayong iba’t-ibang bersyon ng Bibliya.

Ang Bibliya ay naging higit na popular, at isinalin ito sa iba’t ibang wika gaya ng Hiligaynon, Ilokano, Tagalog, Cebuano, Bikolano, at Ilonggo. Sa pagtataya, ang Bibliya ay naisalin na sa mahigit 2300 wika. Dagdag pa dito, ito lamang ang aklat na kinasihan (inaprubahan) ng Diyos. Maitatanong natin, “Ang Diyos ay may-akda (author), pero bakit mga tao lamang ang nagsulat ng buong Bibliya?”

Sabihin natin na kayo po ay isang boss sa isang sikat na kompanya. Siyempre, kayo po ay may secretary (kalihim). Alangang kayo pa mismo ang pupunta sa bangko at mangungutang. Sa halip, uutusan ninyo ang secretary na isulat ang inyong sasabihin. Tinitingnan lamang ng secretary ang mga pagkakamali mo sa grammar, pero hindi po siya makikialam sa anumang mensaheng ipaparating mo sa iba.

Ganoon din ang sa Bibliya. Siyempre, ang Diyos ay may mga tapat na katiwala. Alangang ang Diyos mismo ay bababa sa lupa at isigaw kung anong gusto Niyang sabihin. Sa halip, uutusan Niya ang kanyang mga katiwala na isulat ang mensahe Niya para sa atin. Puwedeng isulat ng Kanyang katiwala ang kanilang mga pinagdaanan, pero hindi nila gagalawin ang totoong mensahe ng Diyos.

Pakibasa po ng pamagat na “Magkakatugma at Tumpak ang mga Nilalaman Nito” sa pahina 20 – 21.

Tatanungin ko po kayo: Iba-iba ang kanilang propesyon. May doktor, abogado, mangingisda, mayaman, at mahirap. Makakagawa po kaya sila ng isang aklat habang hindi nila nakikita ang isa’t-isa? Yun pong isang libro na may iisang subject?

Opo, pero sa Bibliya lamang ito makikita. Sa loob ng halos 1600 taon, nakagawa ng pambihirang bagay ang mga lingkod ng Diyos. May doktor (Lucas), may hukom (Solomon), may mangingisda (Pedro), may hari, (David), may propeta (Moises), at iba pa. Maaring di sila nagkikita, pero kahanga-hangang sabihin na iisa ang kanilang tema – ang maging Paraiso ang lupa. Sa Genesis ipinakita na maganda ang Paraiso, pero nawala na ito. Sa Apocalipsis/Pahayag makikita na ang lupang tigang ay magiging isang Paraiso ulit.

At alam nyo ba na ang Bibliya ay tumpak pagdating sa Science? Ang Bibliya ay hindi isang aklat na puno ng Science subject, pero wasto ito pagdating sa Science. Halimbawa, mali ang palagay ng mga tao na patag ang mundo. Merong mga pilosopo (matatalino) gaya ni Aristotle na naniniwalang ang daigdig ay bilog. Pero lumipas pa ang ilang libong taon bago nalaman ng tao na bilog ang mundo. Pero nakaulat na sa Bibliya noon pa na bilog ang mundo, halos ilan libong taon na itong nakasulat (Isaias 40:22).

Tumpak din ang Bibliya dahil inilarawan nito ang mundo na nakabitin sa wala (Job 26:7). Nakasulat din ang mga batas na sinusunod upang maging malinis ang paligid (sa aklat ng Levitico). Ang mga ito ay hindi pa alam ng halos lahat ng tao sa mundo. Inabot lamang ng ilang libong taon bago madiskubre ang mga ito. Ipinapakita dito na nariyan ang Diyos, na Siyang nakakaalam ng lahat (Genesis 1:1).

Bukod sa alam ng Diyos na Jehova ang lahat ng bagay, alam din Niya maging ang pinakasulok ng ating puso (Kawikaan 21:2).Bakit po?Dahil tayo po ay nilikha Niya (Genesis 1:26). Sabihin po natin na kayo po ay gumawa ng isang kakaibang robot. Dahil kayo po mismo ang gumawa ng robot na iyan, malamang alam ninyo kung paano ito gumagana.

Ang mga prangkahang salaysay sa Bibliya ay nagpapakita kung ano ang mangyayari kapag sinunod natin ang Kanyang kalooban, at ang kalunus-lunos na resulta kapag sinunod nila ang kanilang sariling

Page 7: Commentary

kagustuhan (1 Hari 5:4, 1 Hari 11:4-6, 2 Cronica 15:8-15, Galacia 6:7).Halimbawa, si Pedro. Sinabi niya na hindi niya iiwan si Jesus anuman ang mangyari (Juan 13:37-38). Pero halos kabaliktaran na ang kanyang ginawa – ikinaila pa niya si Jesus. Natamo ni Pedro ang bunga ng kanyang pagkakamali (Juan 18:25-27).

Pakibasa po ng pamagat na ”Isang Aklat ng Praktikal na Karunungan” sa pahina 21-23.

Hindi lamang pagsuway ang laging iniuulat ng Bibliya, kundi mga praktikal at maaasahang payo sa buhay (Isaias 48:17-19, 2 Timoteo 3:16-17, Kawikaan 24:3). Mula noon hanggang ngayon, marami sa mga payo ng Bibliya ay kumakapit sa lahat ng tao. Halimbawa, ang panggagahasa kay Dina, ang babaeng anak ni Jacob (Genesis 34:1-2). Ngayon, ang nararamdaman ni Dina at ang nagahasa ay wala pa ring ipinagbago sa mga damdamin sa panahong ito.At dahil ang Diyos na Jehova ang nakakaalam ng lahat, may saysay ang lahat ng payo Niya sa atin (Awit 119:105).

Di gaya ng mga alamat, iniuugnay ang mga pangyayari sa Bibliya sa mga totoong mga tao at mga petsa (1 Hari 14:25, Isaias 36:1). Halimbawa, sa Lucas 3:1-2, nabanggit ang petsa na “ika-15 taon” at ang totoong mga tao na sina Poncio Pilato at sina Tiberio Cesar. Ang huling dalawang nabanggit ay talagang nabubuhay at namamahala na sa Imperyong Romano.

Pakibasa po ng ”Isang Aklat ng Hula” sa pahina 23-26.

Maraming mga hula sa Bibliya ang natupad na, natutupad na, at tutuparin pa lamang. Sa mga natupad na, inihula ng Bibliya ang pag-angat at pagbagsak ng Roma, Greece, Egipto, at Babylonia (Daniel 2:36-45). Sa mga natutupad na ay ang mismong hula ni Jesus sa mundo (Mateo 24:4-14). At tutuparin pa lamang ang pangako ng Diyos na isauli ang lupang Paraiso (Apocalipsis/Pahayag 21:1-4).

Mayroong mga hula sa Bibliya na natupad na, at naging bahagi na ng kasaysayan. Maging ang kasaysayan ay nagpapatunay na tamang-tama ang hula ng Bibliya. Para sa higit na impormasyon, pakibasa po ng libro na “Ang Bibliya – Salita ng Diyos o ng Tao?” at “Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!” na pwedeng makuha mula sa mga Saksi ni Jehova.

Pakitingnan po ang Apendise ng aklat na ito sa pahina 199-201 upang malaman ang maraming hula tungkol kay Jesus. (Lucas 24:44)

At alam nyo ba na ang ilang mga hula sa Bibliya ay natutupad na sa ngayon? (Mateo 24:4-14) Kabilang dito ang mga matitinding sakit, digmaan, lindol, kaguluhan, at iba pa, na sabay-sabay na nangyayari sa mundo.

Marami nang mga hula sa banal na aklat ang natupad na. Pero hindi po doon nagtatapos ang iba pang hula, sapagkat meron pang mga hula na matutupad sa kinabukasan. Paano po mangyayari iyan? Sabihin natin na may balita ang inyong kaibigan. Mula noon hanggang ngayon, nagsasabi siya ng totoo sa iyo. Ngayon, ibabalita niya sa iyo ang mangyayari bukas. Ang tanong: Magtitiwala po ba kayo sa kanya? Siyempre po, dahil totoo lagi ang kanyang sinasabi.

Ang mga hula ng Bibliya ay natupad na at natutupad mula noon hanggang ngayon. At totoo lagi ang sinasabi ng Bibliya, di po ba? Ngayong may inihula ang Bibliya para sa hinaharap, magdududa po ba kayo sa integridad ng Salita ng Diyos? Hindi po, dahil mismong ang Diyos ay nagsabi, “sinalita ko ito, gagawin ko rin naman...” (Isaias 55:11, Tito 1:2)

Pakibasa po ng ”Ang Salita ng Diyos ay Buhay” sa pahina 25-26.

Page 8: Commentary

Natatanging aklat ang Bibliya. Anuman ang problema ng mga tao sa Bibliya ay siya ring problema ng mga tao ngayon. Anuman ang nasa isip at puso ng mga tao sa Bibliya ay siya ring nasa isip at puso natin ngayon. Higit pa sa mga napapanahong payo at maaasahang mga hula, ang salita ng Diyos ay buhay na buhay hanggang ngayon. (Isaias 40:8)

Bukod pa dito, inilaan ng Diyos na Jehova ang aklat na ito para sa ating ikabubuti (Awit 19:7-8). Ginawa po Niya ito dahil alam niya maging ang pinakasulok ng ating isip at puso. (1 Cronica 29:17, Hebreo 4:12)Gusto ng Diyos na malaman natin ang katotohanan tungkol sa Kanya (Nehemias 8:8-12). Kung gusto po nating maging isang mabuting tao, ang tanging gagawin natin ay pag-aralan, saliksikin (research), at mahalin ang Bibliya (Awit 77:11-12).

Maaaring sabihin natin na iniibig natin ang Diyos na Jehova. Pero ang pagtugon sa mensahe ng Bibiya ay nagpapatunay na mahal natin Siya (Mateo 7:21-23, Santiago 1:22).

Habang pinag-aaralan mo ang Bibliya, malamang, meron kang natutunan na kakaiba sa dating itinuro sa inyo. Makikita mo pa nga na ang ilan sa mga kaugaliang relihiyoso ay di pala nagpapasaya sa Diyos! Malalaman mo rin na may utos ng Diyos na nagsasabi kung ano ang tama at mali sa ginagawa mo. Pwede po itong makabigla sa iyo sa simula, pero suriin din po natin ang Kasulatan upang makita ang kaalaman Niya. Ihanda po ang inyong sarili sa posibilidad na kailangan pong baguhin ang inyong pag-iisip at kilos dahil sa payo ng Bibliya.

Samantala, maitatanong ninyo,”Ano ba talaga ang Paraiso?” Handa na po ba kayong matuto? Sige po, kumuha lamang ng inyong kopya ng Bibliya, at pakibasa po ng Kabanata 3, ”Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?” hanggang pahina 28.

KABANATA 3 – ANO ANG LAYUNIN NG DIYOS PARA SA LUPA?

Maitatanong ninyo, “Bakit nga ba nilikha ng Diyos ang lupa? Para saan naman ang ating buhay dito?”

Ang totoo, itinuturo ng Bibliya na nilikha na ng Diyos ang Paraiso noon pa man (Genesis 1:26-2:25). “Nasaan na po ang Paraiso ngayon? Bakit wala na po ito ngayon?” Sagot ng Diyos na Jehova, “…hindi ako nagbabago.” (Malakias 3:6). Alam na Niya na kailangan nating makita ang Paraiso sa lupa. Opo, ang Paraiso ay sa lupa. Gagawin niya ito sa hinaharap (Isaias 46:9-11).

“Bakit po sa lupa ang Paraiso? Akala ko, ang Paraiso ay sa langit.” Unang-una, saan nilikha ng Diyos ang Paraiso? Sa Eden po, na malapit sa Iraq. At nasaan po ang Eden at Iraq? Sa lupa(Genesis 2:10-17). Tandaan, ang Diyos ay “hindi nagbabago” (Malakias 3:6). Itatayo Niya ang Paraiso, ngunit sa lupa pa rin, gaya ng nangyari sa ulat ng Genesis. Sapagkat kung sa langit talaga itatayo ang Paraiso, sana inilagay ng Diyos ang Eden sa langit noon pa. Sana naroon sa langit si Adan, si Eba, at maging tayong lahat ng mga inapo nila hanggang ngayon. Bukod doon, bakit pa Niya nilikha ang lupa, kung lahat ng tao ay nasa langit na po?

Ano ang dapat pong asahan sa Paraiso? Una, isipin kung ano ang nangyari kina Adan at Eba nang sila ay masaya pa. Masasarap ang mga prutas doon (Genesis 2:16). Malinis po ang tubig, at kahit ang mga mababangis na hayop ay madali pong lapitan o hawakan. Masigla din ang unang mag-asawa, at wala po silang dahilan upang matakot o mag-alala, dahil kapiling nila ang Ama, ang Diyos na Jehova.

Page 9: Commentary

Maitatanong din po ninyo, ”Kung gusto ng Diyos na mabuhay tayo sa lupa, bakit tayong lahat ay nagdurusa?” Gaya ng sinabi ng Bibliya, hindi natin ito masisisi sa Diyos na Jehova.

Pakibasa po ng pamagat na “Ang Pinagmulan ng Isang Kaway” sa pahina 28-31.

Sabihin po natin na napakaganda ng ginawa ng isang pintor. Gayunpaman, bakit hindi po ito naitanghal sa CCP, kahit gusto ito ng pintor? Dahil po may sumira ng kanyang obra maestra.

Sa gayunding paraan, maganda ang hangarin ng Diyos na Jehova na maging Paraiso ang daigdig. Pero bakit wala po ito ngayon, kahit ito ay gusto ng Diyos sa atin? Sapagkat may sumira sa Kanyang obra maestrang Paraiso, at iyon ay walang iba kundi si Satanas na Diyablo (Juan 8:31,40,44, Mateo 4:1-11).

Sa langit nagmula si Satanas. Dati siyang anghel ng Diyos. Noon, walang daigdig. Kaya, sa langit nagsimula ang paghihimagsik ni Satanas.

“Kung nilikha ng Diyos ang lahat na perpekto, bakit pa po Siya naglaan ng isang nilalang na masama?” Ang tanong, ginusto po ba ng Diyos na mangyari ito? Hindi po. Mangyari pa, hindi magagawa ng Diyos na subukan mismo ang sinuman, gaya ng mababasa sa Santiago 1:13. Upang maging malinaw ang lahat ng ito, ilarawan po natin: Kayo po ay may pamilya. May anak po kayo. Ginawa ninyo po ang lahat upang mapalaki sila nang maayos at disente. Pero isang araw, nagrebelde ang inyo pong anak. Siyempre, hindi po ninyo ginusto na ganoon ang mangyari sa inyong anak, di ba?

Isa pa, ang pagrerebelde ng inyo pong anak ay desisyon niya. Ganyan din po ang Diyos. Maalaga siya sa Kanyang mga nilikha. Pero ang pagrerebelde ni Satanas ay kanyang sariling desisyon lamang. Kaya, hindi basta-basta masisisi ang Diyos kung bakit ganoon ang mundo.

Dati, siya ay isa sa mga matutuwid na anghel ng Diyos na Jehova. Pero ngayon, isa na siyang ubod-samang anghel. Ano nga ba ang dahilan kung bakit nagrerebelde si Satanas? Dahil sa kanyang pagnanais na siya ay sambahin ng lahat ng tao.

Sabihin po natin na kayo po ay isang pintor. Maganda ang iyong ginawa. Pero may naiinggit sa iyo, na nagsasabing hindi ikaw ang gumawa ng painting na iyan. Siya pa naman ang iyong tapat na kaibigan. Pero ngayon, ginawa niya ang lahat upang mapahiya ka, at upang sabihin ng lahat na siya ang may-ari ng painting na iyan, at hindi ikaw.

Maganda ang mga nilikha ng Diyos na Jehova. Pero inggit na inggit si Satanas sa Diyos. Sasabihin niya ang kung anu-anong mga kasinungalingan. Gumagawa siya ng mga paraan upang mapahiya ang Diyos na Jehova, nang sa ganoon ay marami ang sasamba kay Satanas. Sa katunayan, talagang nagrerebelde si Satanas, dahil kinukwestyon niya ang integridad at karapatan ng Diyos na maghari sa langit at lupa.

Kailangang sagutin ito ng Diyos, lalo na’t kaligtasan at kasiyahan ng tao ay nakadepende sa desisyon Niya. Ano ang isasagot ng Diyos? Papatayin na lang po ba si Satanas? Dahil ang Diyos na Jehova ay pag-ibig, hindi Niya ito basta-basta magagawa agad (1 Juan 4:8). Sa halip, hahayaan Niya na patunayan ni Satanas kung tama o mali ang pagrerebelde niya. At ano ang magagawa natin bilang tao? Papanigan natin alinman sa Diyos o kay Satanas. Tatalakayin po natin ang lahat ng iyan sa Kabanata 11.

Page 10: Commentary

Bakit po ba mahalagang alamin kung talagang panig o laban tayo sa Diyos? Sapagkat buhay natin ang nakasalalay dito. Kung papanig tayo kay Satanas at natalo ang ubod-samang anghel na iyan, maaari tayong maparusahan ng kamatayan kasama ni Satanas (Apocalipsis/Pahayag 20:10). Upang ilarawan: halimbawa, isa kang Amerikano. Nagrebelde ang isa mong kababayan dahil gusto niya na siya ang mamuno sa bansang iyan. Pinagpipilian ka kung kakampi ka ba sa kanya o sa pamahalaan ng Amerika. Bakit kailangan mong pumili? Dahil ang citizenship mo ang nakasalalay sa kung ano ang inyong desisyon.

Kapag pumanig ka sa rebelde na iyan at natalo siya, maaari kang isama sa mga kakasuhan ng paghihimagsik laban sa gobyerno. Mawawala pa ang iyong pagiging citizen ng Amerika.

Ang aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya ang tutulong sa inyo na magkaroon ng tamang desisyon at upang sambahin ang Diyos sa wastong paraan. Ikaw na ang bahalang pumili kung papanig ka ba sa Diyos na Jehova. Ikaw na ang bahala kung tatanggapin mo ang katotohanan mula sa Bibliya o hindi, pero dapat nating tanggapin kung ano ang magiging resulta ng ating desisyon (Galacia 6:7).

Pakibasa po ng “Sino Ang Namamahala Sa Sanlibutang Ito?” at ng pamagat na “Kung Paano Aalisin Ang Sanlibutan Ni Satanas” sa pahina 31-33.

Sino po ba ang namamahala sa buong sanlibutan? Ang Diyos, hindi ba? Pero kung Siya ang manager ng mundong ito, bakit nagkakaroon ng patayan, nakawan, alitan, at iba pa? Gaya ng sabi sa Santiago 1:13, hindi sinusubok ng Diyos na Jehova ang sinuman. Kung hindi Niya kayang subukin ang sinuman, bakit naroon pa rin ang kaguluhan?

Hindi magagawa ng Diyos na ilagay sa pagsubok ang tao. Pero dahil ito ay nangyayari ngayon, ibig pong sabihin na may isa na namamahala sa daigdig. Tinutukoy ito ni Jesus bilang si Satanas, ang lider ng buong sanlibutan (1 Juan 5:19, 2 Corinto 4:3-4).

Isa pa, kung ang Diyos ay namumuno ngayon, sana wala na po tayong sakit at karamdaman. Kung si Satanas ang líder sa buong lupa, sana nagkakaroon na ng digmaan, kagutuman, at karahasan. Hindi magiging maganda ang daigdig kung si Satanas ang líder ng sanlibutan, gayundin naman, hindi magkakaroon ng masamang daigdig kapag ang Diyos na ang namahala (Mateo 7:16-20).

Ngayong alam na natin na si Satanas ang lider ng buong mundo, kumusta naman ang Diyos? Gagawa ang Diyos na Jehova ng paraan upang maghari ang tamang katuwiran sa buong lupa (Awit 37:28, Isaias 61:8) Sa katunayan, inihula ng Bibliya na upang maghari ang pawang kabutihan, kailangang maghari si Jesus sa loob ng isanlibong taon. Pagkatapos nito, isusuko na niya ito sa kanyang Ama (Apocalipsis/Pahayag 20at Isaias 9:6,7).

Sa paghahari ni Jesus sa loob ng isanlibong taon, magkakaroon ng mga pagbabago na hindi inaasahan ng mga tao. Anong pagbabago ang ipagkakaloob ni Jesus sa atin? Pakibasa po ng pamagat na “Malapit Na Ang Isang Bagong Sanlibutan!” sa pahina 33-36.

Marami sa mga namumuno ay nakagawa ng malaking pagbabago, pero ito po ay hindi nagtatagal. Pero ang Diyos ay gagawa ng napakalaking pagbabago para sa ikabubuti ng mga sumusunod sa Kanya. Gagawin Niya ito kapag napaalis nasa mundong ito ang ubod-samang mga tao (Kawikaan 2:20-22)

Page 11: Commentary

Paano po Niya sisimulan ang malaking pagbabago? Una, wawasakin Niya ang lahat ng mga masasamang bagay sa isang malakihang digmaan (Apocalipsis/Pahayag 16:13-16). Pangalawa, lilinisin Niya ang mga kalat kasama ang mga tapat Niyang katiwala. At panghuli, ilalapat niya ang malakihang pagbabago sa buong lupa (Apocalipsis/Pahayag 21:1-4). Ito po ay mangyayari sa hinaharap, at hindi na po ito magtatagal (Zefanias/Sofonias 1:14).

Ano po ba ang mga pagbabagong ilalatag ng Diyos na Jehova sa buong lupa?

Dahil puro kabutihan ang maghahari sa kinabukasan, magkakaroon ng kapayapaan dahil ititgil na ng Diyos ang lahat ng digmaan at kasamaan sa daigdig (Isaias 2:4, Awit 46:9, Awit 37:9-11, Awit 72:7, Kawikaan 2:22). Dito magiging panatag sila sa lahat ng panahon, lalo na’t lagi silang sumusunod sa batas ng Diyos na Jehova (Levitico 25:18-19, Deuteronomio 5:29,33, Deuteronomio 28:9-14). Babaguhin Niya ang mundo at tutugunan ang lahat ng pangangailangan ng tao – sa pagkain, trabaho, kalusugan, at emosyonal na kasiglahan (Awit 72:16, Isaias 65:21-23, Isaias 33:24).

Kasama sa agenda ng Diyos ang pagbuhay sa mga patay, lalo na’t dama Niya kung gaano kasakit ang mawalan ng isang taong mahal natin (Juan 5:28-29). Opo, posible pong mabuhay ang mga patay sa hinaharap. Bukod po dito, wala pong sakit na maglalagay ng takot sa atin ngayon (Job 33:25, Isaias 35:5-6). Magiging maamo na ang mga mababangis na hayop (Isaias 11:6-8).

Upang mapabilang sa mga katiwala ng Diyos sa kinabukasan, ano po ba ang dapat nating gawin?

Suriin po natin ang dalawang talata ng Bibliya – ang Juan 3:16 at Juan 17:3.

Juan 3:16 –”Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Juan 17:3 – ”Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo.”

Malinaw po na upang makuha ang buhay na walang hanggan, kailangan po natin na (1) kumuha ng wastong kaalaman tungkol sa Diyos at kay Jesu-Kristo at (2) sumampalataya kay Jesus, ika nga, tularan ang ugali ni Kristo. Sa paggawa po ng ganitong gawain ay mapapabilang tayo sa mga katiwala ng Diyos na Jehova.

Maitatanong ninyo, ”Sino po ba talaga si Jesu-Kristo?” Upang masagot ang tanong na iyan, pakibasa po ng Kabanata 4 hanggang pahina 40.

KABANATA 4 – SINO SI JESU-KRISTO?

Sino po kaya ang pinakakilalang tao sa buong mundo? Maaaring sila ay kilala dahil po sa kanilang angking yaman, talino, kursong nagbibigay-karangalan, at iba pa. Ngunit sino po talaga ang pinakakilalang tao sa buong mundo? Dapat siya ay kilala na mga ilang libong taon na ang nakalilipas, at ang kanyang impluwensya ay laganap na sa buong mundo hanggang ngayon. Sa mga kwalipikasyong ito, sino po ang pasado? Si Jesu-Kristo po.

Page 12: Commentary

Sino po ba talaga si Jesu-Kristo? Kapantay ba siya ng kanyang Ama? O siya kaya ay Diyos mismo? Siya ba ay basta propeta o may mahalaga pa siyang tungkulin? Siya po ba ay bahagi ng Trinidad? Si Jesus po ba ay tao o diyos? Iyan at ang iba pang nakalilitong mga tanong ay bibigyang-linaw natin.

Bakit kailangan nating alamin ang pagkatao ni Jesus? Sa wastong pag-alam sa pagkatao ni Jesus, ito ang aakay sa atin patungo sa buhay na walang hanggan (Juan 17:3). Upang ilarawan: Kayo po ay nakatayo sa may pinto. Dumating na ang napakalakas na bagyo, at kailangang buksan ang pinto. Pero hawak mo ang napakaraming susi. Isa lamang ang makapagbubukas ng pintuan mo, na aakay sa iyo patungo sa loob ng bahay mo. Dapat alam mo kung ano ang tamang susi.

Ganyan din po sa pagkuha ng kaalaman kay Jesus. Tayo ngayon ay nasa mundo na pawang panganib ang makikita. Gusto po natin na makapasok sa buhay na walang hanggan sa lupa. Ang dami nating susi, o natatanggap na turo tungkol kay Jesus, na siyang nagpapalito sa atin kung paano ito bubuksan. Dapat alam natin ang wastong kaalaman tungkol kay Jesus upang mabuksan ang buhay na walang hanggan para sa atin, kung paanong kailangang alamin ang susi upang makapasok sa loob.

Ngayon, aalamin natin kung sino po ba talaga si Jesus.

Pakibasa po ng pamagat na “Ang Ipinangakong Mesiyas” sa pahina 38-40.

Alam ninyo po ba na inihula ng Diyos na darating ang Mesiyas? Upang maging malinaw para sa atin kung sino ang Mesiyas, o Kristo, humula siya nang maraming beses (Pakitingnan po ang Apendise sa pahina 197-200). Kapag ang taong ito ay nakatupad sa lahat ng inihula ng Diyos, ibig sabihin nito, siya ang Kristo.

Sabihin po natin na may isang binata. Hinulaan niya kung sino ang kanyang mapapangasawa. Ibinigay po niya ang lahat ng katangian na hinahanap [ng lalaki] sa isang dalaga. Kapag ang babae ay nakatupad sa lahat ng hinihingi at hula ng lalaki, ibig pong sabihin na ang babaeng ito ay mapapangasawa na ng binata.

Sa totoo lang, may sistema na sinusunod sa Bibliya upang masabi na ang taong iyon ay Kristo (Gawa 17:11, Gawa 10:43). Hinulaan ng Diyos na Jehova kung sino ang Kristo. Ibibigay Niya ang lahat ng detalye sa magiging karanasan ng Mesiyas/Kristo. Kapag ang taong iyon ay nakatupad sa lahat ng hinihingi ng Diyos, ibig sabihin na ang taong iyon ay totoong Kristo.

Hinihingi ng Bibliya na isakripisyo ng Kristo ang kanyang buhay (Juan 10:14-15). Sabi sa Bibliya, dapat ang Kristo ay pinag-iinitan ng maraming tao (Lucas 4:14-30). At dapat siya ay isinilang sa Bethlehem (Mikas 5:2). Iyan at iba pang mga hula ang dapat tuparin upang masabi na siya po ay Kristo.

Subalit nakatupad sa lahat ng hinihingi ng Diyos ang isang lalaki sa katauhan ni Jesus. At dahil gayon ang ginawa, siya ay tinawag na Kristo. Si Jesus lamang ang nakagawa ng gayong karaming bagay, na kung tutuusin ay pwedeng gawin ng kahit sinong tao sa mundo.

Ngayong tinupad ang hula, at nalaman na kung sino nga ba ang Kristo – na si Jesus, aalamin po natin kung sino siya.

Bakit po mahalaga na malaman kung saan galing si Jesus at kung ano ang mga katangian niya? Sapagkat ito ang kaalaman na aakay sa atin patungo sa buhay na walang hanggan sa lupa (Juan 17:3).

Page 13: Commentary

Pakibasa po ng pamagat na “Saan Nagmula si Jesus?” at ang pamagat na “Ano Ba Ang Personalidad ni Jesus?” mula pahina 40 hanggang pahina 45.

Saang bagay po ba nagmula si Jesus? Unang-una, maliwanag na ang Mesiyas, o Kristo, ay nasa langit na bago pa man siya naging tao. Pinatunayan iyan ni Jesus, na nagsasabing “Bago si Abraham, ay ako nga.” (Juan 8:57-58) Sandali lang po, kung si Jesus ay nasa langit noon pa man, at ang Diyos na Jehova ay nasa langit din, ibig sabihin, may ugnayan ba sila sa isa’t isa? Opo. Pareho silang nasa langit, kaya kasa-kasama ng Diyos si Jesus sa lahat ng sandali (Juan 3:35, Juan 14:31). Ganyan nila kamahal ang isa’t isa.

Si Jesus po ba ay Diyos? Kapantay po ba niya ang Diyos, gaya ng sinasabi sa Trinidad? Hindi po.

Bakit? Sinasabi sa Bibliya na nilikha ng Diyos na Jehova si Jesus. Ibig sabihin po, mas matanda ang Diyos kaysa kay Jesus (Juan 14:28, Juan 20:17). At kung si Jesus ay Diyos mismo, paano niya lilikhain ang kanyang Anak? Nakalilito, di ba? Pero higit na nakalilito ang doktrina ng Trinidad.

Para sa ilang paglilinaw ukol sa Trinidad, pakibasa po ng magasin na “Dapat Ba Kayong Maniwala sa Trinidad?” at tingnan din po ang pamagat na “Ang Katotohanan Tungkol sa Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu” sa pahina 201-204.

Upang makilala ang Diyos na Jehova, kailangang makilala natin si Jesus. Bakit po? Nagagaya na ni Jesus ang ugali ng kanyang Ama (Colosas 1:15). Parehong nasa langit ang Ama at ang Kanyang Anak. At dahil dito, kilala nila ang isa’t isa.

Di ba’t kung ano ang nakikita sa magulang ay ginagaya ng anak? Ganyan din po si Jesus. Sa kanya makikita kung ano po ba ang saloobin ng ating Diyos. Kung ano po ang makikita natin kay Jesus, iyon din po ang gagawin ng kanyang Ama. Halimbawa, pinakain ni Jesus ang ilang libong tao. Iyon din po ang gagawin ng Diyos na Jehova sa ating lahat – ang siguraduhin na di tayo magugutom kapag naitayo na ang Paraiso (Mateo 15:32-38, Job 36:31).

Kaya, ang pagkilala kay Jesus ay malaking tulong sa atin upang makilala nang higit pa ang Diyos (Juan 8:28, Juan 14:8-10). Maliwanag na kailangan po nating makilala pa si Jesu-Kristo.

Paano po ba natin makikilala si Jesus? Sa pagbabasa ng Bibliya. Naglaan ang apat na lingkod ng Diyos (Lucas, Marcos, Juan, at Mateo) ng mga impormasyon tungkol sa buhay, pagkilos, at pag-iral ni Jesus. Hindi na natin ito pag-aaralan ng masyado, pero dapat mayroon po tayong matututunan ukol sa Ebanghelyo.

Unang-una, si Jesus po ay tinawag na “Guro” (Lucas 18:18), na inihahayag ang pagdating ng Kaharian ng Diyos sa lupa (Daniel 2:44). Saanman siya magpunta, kahit pagod na siya, at kahit binatikos siya ng napakaraming tao, wala siyang tigil sa pangangaral sa mabuting balita na mula sa Diyos (Marcos 6:1-6, Mateo 11:20-24). Bakit siya nangangaral? Sapagkat ang inihahayag ni Jesus ay para hindi sa kanya kundi para sa ikabubuti ng nakararami. Sinabi niya, “...kung ano ang itinuro sa akin ng Ama, ito ang mga bagay na sinasalita ko” (Juan 8:28).

Sabihin po natin na may isang newscaster sa ABS-CBN. Kahit saan man siya magpunta, kahit pagod na siya, at kahit batikusin siya ng ilang tao, ibabalita niya ang lahat tungkol sa anomalya sa pamahalaan. Ang ibinabalita ng newscaster ay hindi lamang para sa kanyang ikabubuti kundi para na rin sa ikabubuti ng marami.

Page 14: Commentary

Kumbaga, si Jesus ang newscaster para sa kaharian ng Diyos. Bukod diyan, siya ay nakagawa ng maraming himala (Mateo 28:5-7, Marcos 5:25-43, Lucas 7:11-17, Lucas 8:40-56). Nakita niya kung gaano kalupit ang ilang relihiyosong lider sa mga tao (Mateo 12:1-8, Marcos 7:1-15). Kaya, pinagsisiskapan niya na malunasan ang lahat ng pagdurusang nararanasan ng mga tao (Marcos 6:34).

Itinuro ni Jesus ang tungkol sa Kaharian ng Diyos (Mateo 4:17). Nang biguin siya ng kanyang mga alagad habang nagdadasal sa Getsemane, hindi siya nasiraan ng loob. Sinabi niya, “Ang espiritu’y nakahanda, ngunit ang laman ay mahina” (Marcos 14:37-38). Si Jesus ay matapang at deretsahan sa mga ayaw tumanggap ng katotohanan at hinahamak ang mga mahihina (Mateo 23:37-39). Ngunit ganap niyang tinularan ang pag-ibig ng kanyang Ama.

Gaya ng kanyang Ama, lubhang nagmamalasakit si Jesus sa pangangailangan ng iba (1 Pedro 5:7, Mateo 15:32). Nahabag ang Anak ng Diyos, kaya pinakain niya ang libu-libong tao at pinagaling ang lahat ng lumalapit sa kanya (Mateo 14:13-21, Marcos 9:14-29, Lucas 9:37-43).

Si Jesus ba ay isang propeta? Ayon sa mga Muslim at sa Quoran, oo. Ano po ba ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa kasong ito? Unang-una, si Jesus ay gumaganap din bilang isang propeta dahil sa talas ng kanyang mga pahayag. Pero di po niya sinasabi na siya’y propeta lamang. Halimbawa, tungkol po doon sa mga huling araw sa mundo, sinabi ni Jesus, “Walang sinuman ang may alam tungkol sa oras na iyon, kahit ang mga anghel, kahit ang Anak [si Jesus], kundi ang Ama lamang [Diyos]”. Kung si Jesus ay propeta lamang, gaya ng sabi ng mga Muslim, hindi niya kayang sabihin ang linyang iyan. Subalit nagbigay siya ng mga tanda upang malaman kung kailan magwawakas ang mga bagay sa mundo (Mateo 24:3-44). Paano po natin nalaman iyan? Sapagkat si Jesus ay malapit sa kanyang Ama (Juan 17:2,13).

Sinasabi ng Bibliya na bukod sa kanyang pagganap bilang propeta, siya ay may mahalagang misyon na kailangang tuparin – ito ay ang ialay ang kanyang buhay para sa lahat ng tao (Juan 10:14-15)

Pakibasa po ng “Tapat Hanggang Wakas” sa pahina 45-46.

Isipin po ninyo na kayo po ay pinagmalupitan ng ilang beses. Sa tingin nyo, kaya nyo po bang tiisin iyon? Papatulan mo ba ang nanakit sa iyo? Ganyan po tayo, maikli ang pasensya natin sa kapwa. Pero kakaiba si Jesus. Kahit dalhin siya sa hukuman hanggang sa ipapatay siya, hindi man lamang inisip ni Jesus na gumanti sa mga nanakit sa kanya (Lucas 23:34, 1 Pedro 2:23).

Matindi talaga ang pagpipigil ni Jesus sa kanyang sarili (Eclesiastes/Mangangaral 10:4, 1 Pedro 2:22-23). Hindi niya inisip ang mangyayari sa kanyang sarili kapag namatay na siya (Lucas 23:46). Sa halip, inisip niya kung ano ang magpapasaya sa kanyang Ama (Juan 8:28-29, Mateo 24:13). Gaya ng isang sundalo, handang mamatay si Jesus upang magkaroon ng pag-asa sa hinaharap ang di-perpektong sanlibutan (Roma 5:6-8). Dahil nagawa ito ni Jesus nang buong husay, walang-alinlangang iniakyat ng Diyos na Jehova ang kanyang anak sa langit (Awit 16:10, Gawa 2:31-32) Sa madaling salita, buhay pa rin si Jesus hanggang ngayon (Filipos 2:8-10, 1 Corinto 15:3-8).

Kaya, paano po dapat nating tingnan si Jesus – bilang isang sanggol sa Bethlehem na walang kalaban-laban, o isang lalaking naghihirap sa kamatayan? Wala. Siya ay isang makapangyarihang Hari! Sa hinaharap, isasagawa na ni Jesus ang kanyang pamumuno sa ibabaw ng lupa.

Page 15: Commentary

Bakit narito si Jesus sa lupa? May mahalaga kasi siyang misyon – ang tubusin tayo mula sa kasalanan at kamatayan. Kaya ginawa ito ni Jesus dahil mahal niya tayo. Paano po niya tayo tinubos?

Pakibasa po ng Kabanata 5: “Ang Pantubos – Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos”.

KABANATA 5 – ANG PANTUBOS – ANG PINAKAMAHALAGANG REGALO NG DIYOS

Ano po ang nararamdaman mo nang ikaw ay makatanggap ng regalo? Siguro po, kayo ay masaya, di ba? Maaari ka ngang magpasalamat sa kanya, at tatanawin mo pa ito bilang utang na loob.

Ibinigay sa atin ng Diyos ang napakaraming regalo na natatanggap natin ngayon. Subalit ang pinakamahalagang regalo na matatanggap natin ay ang pantubos. Ito po ay mula sa Diyos mismo. Subalit ano po ba ang pantubos?

Pakibasa po ng pamagat na “Ano Ba Ang Pantubos?” sa pahina 48-50.

Ang pantubos ay ang pinakamahalagang regalo ng Diyos na Jehova sa atin. Tinubos, o pinalaya tayo ng Diyos mula sa sala at kamatayan. May dalawang uri ng pantubos: una, upang tubusin tayo mula sa dalawang nabanggit, at pangalawa, upang mabayaran ang pinsalang nagawa ni Adan at Eba.

Paano inilaan ng Diyos ang pantubos?

Una, nilikha Niya si Adan bilang nilalang na hindi mamamatay at perpekto (Genesis 1:26,29, Genesis 2:7-9, Genesis 2:18-23. Minsan, sinabi ng Diyos na huwag kainin ang bawal na bunga (Genesis 2:16-17). Pero dahil nilabag iyon ni Adan, naiwala niya ang buhay na walang hanggan at ang pagiging perpekto niya, at saka nakapasok ang kasalanan sa lupa (Genesis 3:19, 1 Corinto 15:56).

Upang mabawi iyon, kailangang perpektong tao ang mamamatay (Genesis 2:7, Deuteronomio 19:21). Ang pariralang “kaluluwa para sa kaluluwa” ay nagsasabi na: kung naiwala ni Adan ang buhay na walang-hanggan, dapat may isang perpektong tao (na nasa angkan niya) ang mamatay, upang mabawi ang buhay na walang hanggan (Exodo 21:23). Subalit dahil ang lahat ng mga anak at apo ni Adan ay di-perpekto, ang mamanahin nila ay ang kasalanan at kamatayan (Roma 5:12). Hindi sila kailanman magiging perpekto, kaya hindi nila mababawi ang buhay na walang-hanggan (Awit 49:7-8).

Sa pagkakataong ito, nakaisip ng paraan ang Diyos upang mapasakamay ng tao ang buhay na walang hanggan. Ginawa Niya ang lahat ng paraan upang gawin ito – at tinubos Niya tayo sa pamamagitan ni Jesus.

Pakibasa po ng “Kung Paano Inilaan ni Jehova ang Pantubos” sa pahina 50-53.

Ganito ang ginawa ng Diyos na Jehova: inilagay Niya ang buhay ni Jesus sa sinapupunan ni Maria (Lucas 1:30-35). Si Maria po ay di perpekto, dahil siya po ay nagmula sa lahi ni Adan (Mateo 1:1-16). Kailangang sundin ang dakilang batas ng Diyos, “kaluluwa para sa kaluluwa” (Deuteronomio 19:21). Kung si Adan na perpekto ang nagkasala, kailangang may mamatay na perpekto mula sa kanyang mga apo. Kaya si Jesus ay may dahilan kung bakit nandito siya sa lupa: “...at ibinibigay ko ang aking kaluluwa [buhay ni Jesus] alang-alang sa mga tupa.” (Juan 10:15).

Page 16: Commentary

Naghanda siya para maging maayos ang proseso ng kanyang pagkamatay. Nangaral siya muna bago namatay sa pahirapang tulos (patpat; pakibasa po ng Apendise, pahina 204-206).

Dahil sa tinupad ni Jesus ang dakilang batas ng Diyos, at dahil siya ay perpekto din, nabayaran niya nang buong-buo ang kasalanan ni Adan. Bakit po niya ginawa ang bagay na ito? Dahil mahal ni Jesus ang Diyos na Jehova, at mahal niya tayo (Juan 10:27-28). At dahil naibigay sa atin (ng Diyos at ang Kanyang Anak) ang pantubos, makikinabang na tayo sa bagay na ito kahit sa ngayon.

Paano po tayo makikinabang sa pantubos na ito? Pakibasa po ng pamagat na “Kung Paano Ka Makikinabang Sa Pantubos” at “Paano Mo Maipapakita Ang Iyong Pagpapahalaga?” sa pahina 53-56.

Ang pantubos na ibinigay ni Jesus para sa atin ay tiyak na magdudulot sa atin ng walang-hanggang biyaya at pagpapala. Matatandaan na naiwala ni Adan ang buhay na walang hanggan dahil sa malaking pagkakamali niya (Genesis 2:16-3:21). At dahil dito naiwala niya maging ang buhay na walang hanggan para sa ating lahat. Pero dahil kay Jesus, nabayaran na niya ang malaking pagkakasala, ika nga, inilibre tayo ni Jesus. Tayo ngayon ay makikinabang sa kanyang ginawa. Narito ang ilan sa mga benepisyo:

Kapatawaran ng mga kasalanan (1 Juan 1:7). Anuman ang gawin natin, talagang magkakamali po tayo. Pero dahil nabayaran na ni Jesus ang kasalanan ni Adan, wala na tayong utang mula sa Diyos na gigiit sa ating konsiyensya (Roma 5:21). Ang tanging gagawin natin ay humingi ng tawad mula sa Diyos na Jehova sa pangalan ni Jesus (Efeso 1:7, Gawa 3:19, 1 Pedro 3:21).

Tandaan po natin na: kapag tayo ay humingi ng tawad, kailangang ito ay bukal sa ating puso, at hindi mapagkunwari (Jeremias 8:6 at Jeremias 3:10). At kapag tayo ay taimtim na nagsisisi sa harap Niya, patatawarin Niya tayo (1 Juan 1:9). Sinasabi ng Bibliya, “Ngunit sa puso ng tao’y si Yahweh ang sumisiyasat [o tumitingin]” (Kawikaan 17:3, Hebreo 4:12). Kaya kahit tayo ay magkunwari na nagsisisi sa Diyos na Jehova, hindi natin Siya maloloko.

Tayo ay magkakaroon ng malinis na konsiyensya sa harap ng Diyos. Dahil tayo ay taimtim na nagsisisi sa harap ng Diyos, mararamdaman natin na parang wala na tayong mabigat na dinadala. Iyan ang tinutukoy ni Jesus sa kanyang pahayag na “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko” (Mateo 11:28)

Ang tao na lubos na nagsisisi ay magkakaroon ng malinis na konsiyensya sa Diyos na Jehova. At dahil malinis ang ating konsiyensya, matatahimik ang ating buhay. Saka tayo magkakaroon ng payapang isip at puso.

Buhay na walang hanggan sa Paraisong lupa (Roma 6:23, Isaias 65:17-18). Kanina, tinalakay po natin na ang buhay na walang hanggan ay makukuha sa lupa. Hindi na po magtatagal, at pipiliin na ng Diyos na Jehova kung sino ang titira sa lupa kailanman. Sino po ang titira sa lupa kailanman? Ang mga taong nagsisisi at nagkaroon ng malinis na konsiyensya sa ngalan ni Jesus.

Bakit hindi mabubuhay kailanman ang mga taong napakasama? Sapagkat ang anumang bagay na masama ay ayaw ng Diyos na Jehova (Isaias 59:2). Gusto Niya na mga taong matuwid at napakabuti ang titira sa Paraisong lupa. Gaya ng sabi sa Awit 37:29, “Ang mga matuwid, ligtas na titira, at di na aalis sa lupang minana.”. Kapag hindi nagbago at nagsisisi ang mga taong napakasama, mas masakit ang magiging hantungan nila (Lucas 21:34-36, Mateo 24:36-42).

Page 17: Commentary

Ngayong nasa atin ang pantubos, kailangang magamit natin ito sa maayos na paraan upang tayo ay magtamo ng buhay na walang hanggan. Paano po iyon? Sabihin po natin na kayo po ay binigyan ng regalo. Kailangang alagaan ang regalong iyan upang magamit ito nang lubusan.

Ang pantubos ay isang napakahalagang regalo para sa atin. Ito ay ibinigay mismo ng Diyos na Jehova para sa atin. Upang magamit ito nang lubusan, kailangang gawin natin kung ano ang magpapasaya sa Diyos (Gawa 5:28,29). Paano po?

Una, gawin po natin ang lahat upang makilala pa ang Tagapagbigay ng pantubos, ang Diyos na Jehova. Bagaman tinupad ni Jesus ang tungkulin upang makuha natin ang pantubos, kailangang makilala pa natin nang lubusan ang kanyang Ama. Bakit po? Dahil ang Diyos na Jehova mismo ang gumawa ng paraan upang tubusin tayo mula sa sala at kamatayan. Plano ng Diyos na remedyuhan ang ginawang pagkakamali ni Adan, at ang sabi Niya kay Satanas, “Kayo ng babae’y laging mag-aaway, binhi mo’t binhi niya’y laging maglalaban. Ito [si Jesus] ang dudurog ng ulo mong iyan, at ang sakong niya’y [Jesus] ikaw ang tutuklaw. ” (Genesis 3:15).

Kumbaga, “tutuklawin” ni Satanas si Jesus sa “sakong” sa pamamagitan ng pagkamatay ni Jesus sa punongkahoy. Subalit si Jesus ang “dudurog ng ulo” ni Satanas, na ikamamatay ng napakasamang nilalang (Roma 16:20). Hindi kayang “durugin” ni Jesus ang “ulo” ni Satanas kung wala ang kanyang Ama. Kaya utang natin sa Diyos ang pantubos na iyan.

Paano po ba natin makikilala ang Diyos na Jehova? Sabihin po natin na kayo po ay tinulungan ng isang di-kilalang tao. Dahil dito, magiging mahalaga siya sa iyo. Upang mangyari ito, kailangang kilalanin mo ang taong iyon. Baka mabasa mo ang libro tungkol sa kanya. Habang nakikilala mo ang taong tumulong sa iyo, lalong lumalalim ang pagmamahal mo sa taong iyon, at ito ang magtutulak sa iyo upang pasayahin siya.

Ang aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya, kasama ang pagbabasa ng Bibliya ang tutulong sa iyo upang makilala muna ang katangian ng Diyos. Habang patuloy mong binabasa ang mga ito, lalong titindi ang pag-ibig mo sa Diyos, at ito ang tutulak sa iyo upang pasayahin Siya.

Dapat nating alamin ang katotohanan mula sa Diyos na Jehova – at ito ay matatagpuan lamang sa Bibliya. Nakagiginhawa para sa atin kung tayo ay mananalig sa mga bagay na makatotohanan at walang pinapanigan. Mas maganda ang buhay natin kung aalamin natin ang katotohanan tungkol sa Diyos, kaysa sa wala. At sa pag-alam sa kung ano ang gusto at ayaw ng Diyos sa atin, maaari tayong maging malaya mula sa mga problema sa buhay at pagkabalisa. Sabi nga ni Jesus, “at malalaman ninyo ang katotohanan [mula sa Diyos], at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32)

Pangalawa, manalig po tayo sa haing pantubos ni Jesus. Ang haing pantubos ni Jesus ay nasa atin na. Kailangang tayo ay manalig dito upang magkaroon ng silbi ang hain ni Jesus para sa atin. Paano po tayo mananalig sa pantubos ni Jesus? Sa pagtulad sa ugali ni Jesus. Kung ginagawa natin ito sa araw-araw, makadarama tayo ng kasiyahan na walang kapantay (Deuteronomio 28:1-14).

Kapag ikaw ay nanalig o sumasampalataya, dapat po natin itong lapatan ng gawa. Gaya ng sinasabi sa Santiago 2:26, “Kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, gayundin, ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay.”. Kung inaangkin natin na tayo ay mabuti, pero di naman tayo kumikilos ayon sa kalooban ng Diyos, walang saysay ang ating pananampalataya (Santiago 2:14).

Page 18: Commentary

Panghuli, dumalo sa taunang pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon. Sinabi ni Jesus, “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-aalala sa akin” (Lucas 22:19). Kung gayon, ano ang nais ipaalala ni Jesus sa atin? Na dapat, taun-taon nating ipagdiwang ang araw na namatay si Jesus. Bakit po? Ito po ang araw na kung saan ibinigay ang buhay niya para sa atin.

Paano po dapat ipagdiwang ang Hapunan ng Panginoon? Ang mga Saksi ni Jehova lamang ang may ganitong pagdiriwang. Maaari kayong magtanong sa mga Saksi kung paano ipagdiriwang ito nang tama. Lumiham lamang sa kanila sa P.O. Box 2044, 1060 Manila.

Ibinigay ng Diyos na Jehova ang Kanyang bugtong na Anak upang iligtas tayo mula sa kasalanan at kamatayan (Juan 3:16). Siyempre pa, ibinuhos nila ang oras at isinakripisyo nila ang lahat upang gawin nila ito para sa atin. Dahil dito, ayaw nila na balewalain na lamang natin ang kanilang ginawa. Kaya, sinabi ni Jesus na alalahanin natin ang araw na siya ay namatay (Lucas 22:19-20).

Paano nga ba namatay si Jesus? At ano nga ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga patay? Pakibasa po ng pamagat na “Nasaan ang mga Patay?” sa Kabanata 6 hanggang pahina 58.

KABANATA 6 – NASAAN ANG MGA PATAY?

Isang araw, namatay ang inyong mahal sa buhay. Natural, iiyak ka. Upang mabawasan ang pait at pighati na dulot ng pagkawala niya, maitatanong mo, “Nasaan na kaya ang mga patay?”. Bukod diyan, itatanong mo din: “Nasa langit kaya siya?”, “Kapiling ba niya ang ating Diyos?”, “Kumusta kaya siya?”.

Siyempre pa, ayaw nating mamatay. Ang gusto natin, makamit natin ang kasiyahan sa lupa nang walang katapusan. Alam iyan ng Diyos, kaya isinulat sa Bibliya, “Ang panahong walang-hanggan ay inilagay [ng Diyos] sa kanilang puso” (Eclesiastes/Mangangaral 3:11). Nilalang Niya ang unang mga tao taglay ang pag-asang mabuhay kailanman (Genesis 2:16-17). Oo nga naman, ang gusto po natin ay mabuhay kailanman. Pero bakit tayo namamatay? At ano ang mangyayari sa atin kapag tayo ay namatay?

Iba’t iba ang turo ng maraming relihiyon sa mundo. Pero laganap ang doktrinang pangalawang buhay, na kung saan ang mabubuti ay sa langit, at ang mga ubod-samang tao ay sa impiyerno. May ilang relihiyon na nagtuturo na ang isang patay ay maaari pang mabuhay at mamatay nang ilang ulit. Tawag diyan ay reincarnation.

Iyan lamang ang ilan sa mga napakarami at nakakalitong turo tungkol sa kalagayan ng mga patay. Pero iisa lamang ang ibig sabihin niyan: na may kaluluwa o espiritu ang isang tao na lumalabas kapag namatay. Totoo ba ang lahat ng ito? Kung gayon, paki-kuha po ng inyong kopya ng Bibliya at aalamin po natin kung ano ba talaga ang nangyayari sa mga patay (Awit 119:105).

Pakibasa po ng pamagat na “Ano Ba Talaga Ang Nangyayari sa Kamatayan?” sa pahina 58.

Ginawa tayo ng Diyos na Jehova. At dahil ginawa Niya tayo ayon sa Kanyang gusto, tiyak alam Niya kung ano ang nangyayari sa mga patay. Ang Kanyang nalalaman ukol dito ay ipinasulat kay Haring Solomon. Sinasabi sa banal na aklat na “kung tungkol sa mga patay, sila ay walang nalalamang anuman”

Page 19: Commentary

(Eclesiastes/Mangangaral 9:5,6, 10). DIREKTA, AT WALANG PALIGUY-LIGOY na sinasabi ng Bibliya na ang mga patay ay walang nalalamang anuman, ni isa. Hindi po sila gumagalaw, di po ba?

Sinasabi din ng aklat ng Eclesiastes/Mangangaral na bukod sa walang alam ang mga patay, hindi sila maaaring magalit, matuwa, o magdaramdam. Bakit po? Kapag ang isang tao ay patay na, mawawala na ang kanyang pag-iisip. At kahit anong gawin natin sa kanila, wala silang nararamdaman. Kapag ang isang tao ay patay, para bagang natutulog lang sila.

Muli, pakibasa po ng Eclesiastes/Mangangaral 9:5, 6, 10, Juan 11:11, Roma 5:12, Awit 104:29, at Awit 146:3-5.

Sabi nga sa araling Ingles, ang opposite ng “alive” ay “dead”. Kapag ikaw ay buhay, may nalalaman ka, nakakaramdam ka, at nakakakita ka ng anuman. Subalit, kapag ang isang tao ay patay na, wala na siyang nalalaman, nararamdaman, at nakikita.

Bukod dito, kapag ang isang tao ay namatay, ang kanyang kaluluwa ay hindi pumupunta sa langit. Paano po natin sinabi iyan? Buweno, kung ang isang artista sa isang programa ay nagkukunwaring patay, pumupunta po ba ang kaluluwa niya sa langit? Hindi po.

Sabihin po natin na mayroon po kayong isinulat sa blackboard. Ngayon, inutusan po kayo ng inyong guro na burahin ang inyong isinulat. Sa pagkakataong ito, nawala na ang isinulat mo. Saan ito napunta? Sa langit? Mali.

Basahin po ang Genesis 3:19. Saan mauuwi si Adan? Sa lupa, kung saan siya nagmula. Kung sinabi ng Diyos kay Adan na siya ay pupunta sa langit, sana tayong mga apo ni Adan ay pupunta rin sa langit.

Hindi talaga itinuturo ng Bibliya na ang kaluluwa ng mga patay ay napupunta sa langit. Kundi, ang kaluluwa, na siya ring katawan, ay namamahinga lamang.

Pakibasa po ng pamagat na “Kung Ano Ang Sinabi ni Jesus Tungkol sa Kamatayan” sa pahina 59-60.

Pinatunayan pa man din ni Jesus kung ano ang nangyayari sa tao kapag siya’y namatay. At dahil naranasan ni Jesus ang mamatay, ipapakita din ni Jesus kung ano ang mangyayari kapag patay ka na.

Kung totoo ang pahayag na ang kaluluwa ay umakyat sa langit, sana umakyat na sa langit si Jesus, at may maiiwan pa rin siyang katawan hanggang ngayon. Kung ang kaluluwa ay pumupunta sa langit pagkamatay, sana hindi na binuhay-muli si Jesus. (Lucas 23:46-56)

Subalit ang nangyari, binuhay ng Diyos na Jehova ang Kanyang Anak. Ano po ang ibig sabihin nito? Na patay na si Jesus, at para bang natutulog lang siya. Tandaan po natin na si Jesus, na nagkatawang-tao, ay kumakain, nauuhaw, at nasasaktan, tulad natin. (Filipos 2:6-8, Lucas 24:30 ,Juan 19:28, Juan 18:22).

Ngayong nalaman natin kung ano ba talaga ang nangyayari kapag namatay tayo, ibig sabihin ba nito na ganoon ang gusto ng Diyos para sa atin? Hindi po. Wala po tayong makikitang pruweba na nais ng Diyos na mamatay tayo. Sa katunayan, nilalang si Adan na perpekto, ika nga, na may buhay na walang hanggan (Genesis 1:26, Genesis 2:16-17). At nais ng Diyos na Jehova na tayo ay mabuhay din magpakailanman.

Pakibasa po ng pamagat na “Kung Bakit Namamatay Ang Tao” sa pahina 61-63.

Page 20: Commentary

Bakit po tayo namamatay, kung gusto ng Diyos na tayo ay mabuhay kailanman? Dahil po sa pagsuway ni Adan sa Diyos. Sinabi Niya kay Adan na huwag kainin ang bawal na bunga. Kapag kinain ni Adan ang bungang iyon, mamamatay siya (Genesis 2:16-17).

Palibhasa’y makulit at curious, kinain ni Eba, pati ni Adan, ang bawal na bunga. Dahil dito, mamamatay sila. Pagkatapos nilang kainin ang bawal na bunga, saka nagkaanak sina Adan at Eba (Genesis 3:6-4:2). Ang kanilang kamalian, pati ang kasalanan at kamatayan, ay naipamana nila sa mga sumunod na henerasyon, maging sa ating henerasyon. Lalo itong napatunayan nang magkasala ang anak ni Adan na si Cain, at nang nagkasala ang lahat ng tao na inapo niya (Genesis 4:6-8, Genesis 6:5-6). Ang kanilang kasalanan ay malalim na inukit sa kanilang genes. (Ang bunga ay hindi mansanas, gaya ng paniniwala ng karamihan.)

Paano po mangyayari na ipinamana ng unang mag-asawa sa atin ang sala at kamatayan? Sabihin po natin na mayroong mga dominong nakapila. Isang domino ang natumba, at ano po ang mangyayari sa iba pang mga domino? Silang lahat ay matutumba din. Sa gayunding paraan, nagkasala si Adan, at ipinamana niya ang bagay na iyon sa ating lahat. Kaya, sumaklolo na ang Diyos na Jehova upang iligtas tayo mula sa ganitong kalagayan (Genesis 3:15, Roma 3:23-24).

Ano po ang matututunan natin tungkol dito? Tayo ay namatay dahil sa pagkakasala ni Adan. Kapag ang isang tao ay namatay, wala siyang nalalamang anuman, at wala po siyang mararamdamang anuman.

Pakibasa po ng pamagat na “Kapaki-pakinabang Na Malaman ang Katotohanan Tungkol sa Kamatayan” sa pahina 64-65.

Malinaw at walang anumang bahid ang Bibliya kapag itinuturo nito ang tungkol sa mga patay. Nakakaginhawang malaman na ang mga patay ay natutulog lamang. Wala tayong dahilan upang matakot sa mga patay, dahil di nila tayo pagpapalain o sasaktan. Bukod dito, ang pag-alam sa katotohanan tungkol sa mga patay ay nagpoprotekta sa atin sa ilang di-subok na turo ng ibang relihiyon.

Itinuturo ba ng inyong relihiyon ang turo ng Bibliya tungkol sa mga patay?

Sabihin po natin na kayo po ay isang mapagmahal na magulang. Inaalagaan ninyo ang inyong anak, pero nagbintang ang inyong kapitbahay na pinapalo mo ang anak nang pagkalakas-lakas. Opo, kayo po ay namamalo kung minsan, pero hindi po ninyo kayang paluin ang anak nang napakalakas, anupat magkakaroon siya ng bukol at pasa sa katawan.

Ganyan din po ang Diyos. Mahal ng Diyos ang Kanyang mga anak. Nagbintang si Satanas, na sinasabing ang Diyos ay nagpaparusa sa sinuman sa impyerno. Opo, ang Diyos na Jehova ay nagpaparusa kung minsan, pero hindi Niya kayang dalhin sa impiyerno ang mga taong napakasama.

Halimbawa, parurusahan daw ng Diyos ang mga taong masama sa impiyerno. Subalit itinuturo po ba ito ng Bibliya? Hindi po. Kung ginawa at nilikha ng Diyos ang impiyerno, sana ito ay napaulat sa Genesis. Kahit nagpaparusa ang Diyos na Jehova, hinding-hindi Niya magagawang dalhin ang sinuman sa impiyerno, siyempre, dahil di Niya ginawa iyon. Kung magagawa ng Diyos na Jehova na dalhin ang sinuman sa impiyerno, kung gayon, hindi Niya mahal ang taong iyon (Jeremias 7:30-31). Subalit sinasabi ng Bibliya na ang Diyos na Jehova ay “Diyos ng pag-ibig” (1 Juan 4:7-8).

Page 21: Commentary

Ang pagkaalam sa katotohanan tungkol sa mga patay ay nagbabangon sa atin ng napakahalagang tanong, “Maaari po bang buhaying-muli ang mga patay?”. Tatalakayin po natin iyan sa susunod na kabanata.

Pakibasa po ng Kabanata 7 – “Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay” hanggang pahina 67.

KABANATA 7 – ANG TUNAY NA PAG-ASA PARA SA IYONG NAMATAY NA MGA MAHAL SA BUHAY

Sabihin po natin na kayo po ay papatayin ng iyong kaaway. Mas mabagsik siya, yamang pinatay niya ang iyong mga mahal sa buhay. Muntik ka nang pinatay ng iyong kaaway, pero isang tao ang nagligtas sa iyo mula sa patalim ng iyong kaaway. Batid mo na mas malakas siya kaysa sa kaaway mo. Doon pa lang, magpapasalamat ka na sa kanya.

Sa ganoon ding paraan, tayo po ay papatayin maging sa natural o sa ibang paraan. Nakita po natin na kinukuha ng kamatayan ang inyong mga mahal sa buhay. Pero ang Diyos na Jehova, na mas malakas kaysa sa kamatayan, ang tutulong sa iyo upang mabuhay-muli ang iyong mga mahal sa buhay, at upang mailigtas ka sa tiyak na kamatayan. Kasi, ang kamatayan ay hindi po bahagi ng Diyos na Jehova para sa ating lahat (Ezekiel 33:11, 2 Pedro 3:9).

Pangako ng Diyos na Jehova at ni Jesus na ang mga patay ay muling mabubuhay (Juan 5:28,29, Apocalipsis/Pahayag 21:1-4). Paano po mangyayari iyan? Madali lang para sa Diyos na Jehova na buhayin ang mga patay. Bakit po? Dahil si Jehova ay bukal ng buhay (Awit 36:9)

Pakibasa po ng pamagat na “Kapag Namatay Ang Isang Mahal sa Buhay” at ang pamagat na “Lazaro, Lumabas Ka!” sa pahina 67-70.

Namatay na po ba ang inyong mahal sa buhay? Siguro, ganoong katindi ang sakit at kirot na inyong nararamdaman. Ganoon din po si Jesus. Namatay si Lazaro. Siyempre, umiiyak si Jesus, dahil nawalan siya ng isang kaibigan (Juan 11:11-14, Juan 11:32-33)

Kung talagang ang kaluluwa ni Lazaro ay umakyat sa langit, sana hindi na binuhay ni Jesus si Lazaro. Pero ang ginawa ni Jesus, binuhay niya ang kanyang matalik na kaibigan! (Juan 11:38-44) Sinabi at pinatunayan ni Jesus na ang taong patay ay parang natutulog lamang (Juan 11:11, Marcos 5:35-39).

Kung totoo ang turo na ang kaluluwang namatay ay pumupunta sa kabilang buhay, may maikukuwento si Lazaro at ang dalagang babae tungkol sa kalagayan sa langit at impiyerno. Pero wala silang naikwento tungkol sa langit at impyerno. Ang ibig sabihin nito ay natutulog lang sila sa kamatayan.

Kung totoo po na may kaluluwa na pumunta sa kabilang buhay, dapat sabihin ni Marta kay Jesus: “Pabalikin mo na si Lazaro sa lupa”. Pero ano po ang sinabi ni Marta sa Anak ng Diyos? “Alam ko na siya ay babangon sa pagkabuhay-muli sa huling araw” (Juan 11:23-24, Mateo 10:28).

Kung gayon, ano po ang pagkabuhay-muli? Ito po ay “pagtayo”, o “pagbangon” sa isang tao mula sa libingan. Yamang ilang beses nang nakaulat sa Bibliya na ang mga patay ay binuhay muli, darating ang araw na bilyun-bilyung patay ay mabubuhay muli at maninirahan na sa lupa (Juan 5:28,29). (Pakibasa din po ng 1 Hari

Page 22: Commentary

17:17-24, 2 Hari 4:32-37, 2 Hari 13:20-21, Mateo 28:5-7, Lucas 7:11-17, Lucas 8:40-56, Gawa 9:36-42, at Gawa 20:7-12.)

Hindi sinabi ni Jesus, Elias, at iba pa na kaya nilang gawin ang pagbuhay-muli sa kanilang sariling paraan. Bakit po? Pansinin: nanalangin si Jesus, at sumigaw si Elias. Kanino? Sa Diyos na Jehova (1 Hari 17:17-22, Juan 11:41-44). Maliwanag na taglay nila ang kapangyarihan ng Diyos, dahil Siya ang bukal ng buhay (Awit 36:9). Si Jehova lamang ang may karapatan na ibigay at bawiin ang buhay ng isang tao, gaya ng nangyari kay Ananias at sa kanyang asawa (Gawa 5:1-11).

Ngayong nalaman po natin ang tungkol sa pagkabuhay-muli ng isang tao, ano po ba ang dapat nating matutunan tungkol dito? Pakibasa po ng pamagat na “Matuto Mula sa mga Ulat ng Pagkabuhay-Muli” sa pahina 70-71.

Opo, totoo na si Lazaro ay binuhay-muli ni Jesus. Maging ang mga kaaway niya ay nagpatunay na ganoon po ang ginawa ni Jesus (Juan 11:47). Kung gayon, totoo po ba na lahat ng mga patay ay mabubuhay muli, gaya ng nangyari kay Lazaro? Opo, at kaya itong gawin ng Diyos na Jehova. Hindi Siya nagbabago, at walang-hanggan ang Kanyang kapangyarihan (Malakias 3:6, Apocalipsis/Pahayag 15:3).

Bukod dito, kaya Niyang alalahanin ang lahat ng tao sa mundo, buhay man o patay, kung paanong natatandaan Niya ang lahat ng mga bituin sa langit (Isaias 40:26, Awit 147:4). Alam ng Diyos na Jehova ang lahat ng bituin na iyan. Gaano karami iyan? Napakarami, na di mabilang ng kahit sino. Dahil alam Niya ang lahat ng mga bituin, kilala din naman Niya kung sino tayo (Mateo 10:30). At sabik na sabik ang Ama at ang Kanyang Anak na buhayin ang mga patay.

Bubuhayin ng Diyos ang mga patay sa hinaharap (Juan 5:28, 29, Apocalipsis/Pahayag 20:5, 12). Kung ganoon, sinu-sino po ang mga bubuhaying-muli? At saan po sila ilalagay ng Diyos? Pakibasa po ng pamagat na “Lahat ng Nasa mga Alaalang Libingan” sa pahina 71-73.

Sinu-sinu po ang mga bubuhaying muli? Sinabi ni Jesus na lahat ng mga nasa alaalang libingan ang mabubuhay muli at lalabas sa libingan nila (Gawa 24:15). Ang Hades/Sheol (o sa ibang salin, impiyerno) na tinutukoy sa Bibliya ay ang lugar kung saan naroon ang lahat ng mga patay sa daigdig, at ito ay sumasagisag lamang sa lahat ng libingan sa buong mundo (Apocalipsis 20:13). Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Sheol/Hades, pakibasa po ng Apendise sa pahina 212-213.

Bukod dito, bubuhayin din ng Diyos na Jehova ang “mga matuwid at mga di-matuwid.” (Gawa 24:15). Ang mga matuwid ay ang mga taong naglilingkod nang tapat sa Diyos sa loob ng mahabang panahon. Ilan sa mga ito ay sina Noe, Moises, Ruth, at iba pang mga lingkod na nagbuwis ng buhay hanggang sa ngayon (Hebreo 11). Subalit kasama sa pagkabuhay-muli ang mga di-matuwid, kumbaga, ang mga tao na hindi naglilingkod sa Diyos dahil di nila nakikilala ang Maykapal. Isa na rito ang lalaki na nasa tabi ni Jesus, taglay ang pangako ng Anak, “Makakasama kita sa Paraiso” (Lucas 23:42-43).

Sa Araw ng Paghuhukom, mangyayari ang kinasasabikang tagpo sa kasaysayan, at ito ang pagbuhay-muli sa mga patay. Ang Araw ng Paghuhukom, ayon sa Bibliya, ang magbibigay sa atin ng walang-hanggang pag-asa at kasiyahan. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Araw ng Paghuhukom, pakibasa po ng Apendise sa pahina 213-215.

Page 23: Commentary

Ibig sabihin po ba nito na lahat ng mga namatay ay bubuhaying muli, kahit na ang mga ubod-samang tao? Hindi po. Ang mga ubod-samang tao ay mapupunta sa Gehenna (Lucas 12:5). Ibang salin ng Bibliya ang nagsasaad na ang Gehenna ay impiyerno. Pero hindi po iyan ang nais sabihin ni Jesus. Ibig sabihin, ang Gehenna ay isang lugar na sumasagisag sa walang hanggang kamatayan, o ikalawang kamatayan. Kaya, ang mga ubod-samang mga tao ay mapupunta sa Gehenna, kumbaga, sila ay mamamatay. Ang Gehenna ay hindi po isang literal na lugar. At ano po ang saysay kung parurusahan lagi ng Diyos na Jehova ang mga ubod-samangtao? Mamamatay nang walang-hanggan ang mga taong napakasama at ayaw magbago.

Pakibasa po ng pamagat na “Ang Makalangit Na Pagkabuhay-Muli” sa pahina 73-75.

Bukod sa mga taong mabubuhay muli sa lupa, meron din pong mga tao na bubuhaying-muli bilang mga espiritung nilalang at aakyat sa langit. Sinu-sino po ang dapat na umakyat sa langit? Ang mga tao na pinili ng Diyos (at ni Jesus) na napatunayang tapat sa Kanya. At iilan lamang ang kukuhanin ng Diyos na Jehova upang umakyat sa langit.

Si Jesus ay binuhay-muli ng kanyang Ama bilang espiritung nilalang. Subalit, bakit po nagpakita si Jesus sa kanyang mga alagad gamit ang kanyag laman? Sapagkat, mayroon pa ring nagdududa sa kanyang pagkabuhay-muli, gaya ni Tomas (Juan 20).

Gaynpaman, si Jesus ay binuhay-muli bilang espiritung nilalang sa langit (1 Pedro 3:18, Gawa 1:9). Hindi siya lamang ang nakatanggap nito. Maging ang mga tapat na pinili ng Diyos ay mabubuhay bilang espiritu at pupunta sa langit.

Tinukoy ni Jesus ang mga pupunta sa langit bilang “munting kawan”, dahil limitado lamang ang bilang nila (Juan 14:2, Lucas 12:32). Ilan ang pupunta sa langit? Pakibasa po ng Apocalipsis 14:1. Si Jesus, kasama ang 144,000 na mga espiritung nilalang, ay mamamahala sa langit at sa lupa sa loob ng 1000 taon (Apocalipsis/Pahayag 20:4). Samantala, ang iba pang mga binuhay muli sa lupa ay mananatili doon at mabubuhay kailanman (Juan 10:16). Mangyayari ito sa hinaharap (1 Corinto 15:22-23).

Ang iba pang bilyun-bilyung tao na bubuhayin muli sa lupa ay siyang tinutukoy ni Jesus sa Juan 10:16 bilang “ibang tupa” na wala “sa kulungang ito”, o langit. Pero ang napakaraming “tupa” sa labas, o mga bilyun-bilyung tao, ay “kinakailangang sila’y alagaan ko rin”, sabi ni Jesus. Ibig sabihin, ang bilyun-bilyong tao na hindi mapupunta sa langit ay mananatili na sa lupa kailanman, at sila’y aalagaan pa rin ng Diyos (Apocalipsis/Pahayag 21:3, Pahayag 7:9, Pahayag 7:14).

Opo, totoo ang lahat ng bagay na ito. Tatalunin talaga ng Diyos ang huling kaaway na walang iba kundi ang kamatayan (1 Corinto 15:26, Roma 8:19-21, Isaias 25:8). At itatatag ng Diyos na Jehova ang Kanyang gobyerno na hindi kukupas kailanman – ang Kaharian ng Diyos (Daniel 2:44, Awit 145:16). Ano po ang Kaharian ng Diyos? Malalaman po natin iyan sa susunod na kabanata.

Pakibasa po ng Kabanata 8 – “Ano Ba Ang Kaharaian ng Diyos?” hanggang pahina 77.

KABANATA 8 – ANO BA ANG KAHARIAN NG DIYOS?

Page 24: Commentary

Hangad ng lahat ng tao ang pamahalaan na nagsisiguro ng kapayapaan at kaligayahan. Pero anuman ang pagsisikap na ayusin ng gobyerno ang mga “sira” sa lipunan, hindi sila nagtagumpay. Maraming usapin at kasunduan ang nagawa na, at pagkatapos ay sisirain. At aling gobyerno ang tuluyang mag-aalis ng kahirapan, diskriminasyon, krimen, sakit, at pagkasira ng kalikasan (Kawikaan 20:24).

Subalit huwag po tayong mawalan ng pag-asa! Mayroon nang perpektong pamahalaan na tutugon sa lahat ng pangangailangan ng tao. Ito po ay walang iba kundi ang Kaharian ng Diyos. Sa “Ama Namin”, na dinadasal ng maraming Kristiyano, nariyan ang pagnanais na maitayo ang gobyerno ng Diyos.

Ngunit, ano po ba ang ibig sabihin ng panalanging “Ama Namin”?

“Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo, dito sa lupa para nang sa langit...” (Mateo 6:9-13)

Ibig sabihin ng “Ama namin, sumasalangit ka” ay ganito: kinikilala natin ang Diyos na nasa langit (1 Cronica 29:11, Awit 103:19, Gawa 4:24). Ang ibig sabihin naman ng “sambahin ang ngalan mo” ay tumutukoy sa higit na pagkilala sa pangalan ng Diyos. Jehova ang pangalan Niya, gaya ng makikita sa King James Version ng Bibliya. Ang pariralang “mapasaamin ang kaharian mo” ay tumutukoy sa pagnanais natin na tayo ay maging bahagi ng Kanyang Kaharian.

Ito ang Kaharian ng Diyos – ang gobyerno sa langit, pero ito ay mamamahala sa buong lupa (Mateo 13:11, Lucas 8:10). Dito pumapasok ang tinig na “dito sa lupa para nang sa langit”.

Aalamin na natin kung ano po ba ang Kaharian ng Diyos, at kung paano ito makakaapekto sa inyong buhay. Pakibasa po ng pamagat na “Kung Ano Ang Kaharian ng Diyos” sa pahina 77-79.

Ano po ba ang Kaharian ng Diyos? Ito po ay isang gobyerno. Ang Diyos na Jehova ang siyang mamamahala dito, pero pinili niya ang Kanyang Anak na si Jesus upang pamahalaan ang Kaharian ng Diyos sa loob ng 1000 taon. Ang panahon sa loob ng 1000 taon ay tinatawag na Milenyo (Apocalipsis/Pahayag 20:4-7).

Ang pamamahala ng kahariang ito ay magmumula sa langit. Bakit po? Sinabi natin kanina na ang mamamahala sa kahariang ito ay ang Diyos na Jehova. Nasaan po Siya? Sa langit (Isaias 66:1).

Bukod sa Diyos na Jehova, mamamahala din si Jesus sa buong daigdig. Bakit si Jesus lamang ang binigyan ng pantanging posisyon? Unang-una, napakabuti niya kung mamahala sa mga tao. Ipinakita ni Jesus ang dapat taglayin ng isang pinakamakapangyarihang lider sa buong mundo, gaya ng pagiging mapagkumbaba (Marcos 5:35-36). Kaya, nang buhayin ng Diyos na Jehova ang Kanyang anak, hindi po Siya nag-atubili na piliin si Jesus bilang Hari sa daigdig sa darating na Milenyo. Isa pa, talagang inihula ng Bibliya na si Jesus ang tatanggap ng posisyong iyan. (Isaias 9:6-7, Apocalipsis/Pahayag 19:11-15)

Hindi nag-iisa ang Pangulo sa paggawa ng desisyon sa pamahalaan at sa Estado. Meron din siyang Gabinete, at may mga lokal na pamahalaan na tutulong sa Pangulo. Ganyan din po ang Kaharian ng Diyos. Kasama ni Jesus ang mga 144,000 (na pinili ng Diyos) na mamamahala din sa buong mundo (Daniel 7:13-14). Dahil ang mga 144,000 na ito ang “sumusunod sa Kordero saanman siya naroroon” (Lucas 22:28-30, Apocalipsis 14:1-4), sila naman ang binigyan din ng espesyal na posisyon.

Page 25: Commentary

DIYOS NA JEHOVA

JESUS – mamahala bilang Hari sa loob ng 1000 taon 144,000 NA TAO NA PINILI NG DIYOS

MGA MATUWID NA TAO

Kaya, ang pamamahala ng Kaharian ng Diyos ay magmumula muna sa Diyos na Jehova, sunod kay Jesus at sa 144,000, at saka sa mga matuwid na tao.

Subalit hindi sila basta-basta mamahala sa buong daigdig. Sa katunayan, ito ang gagamitin ng Diyos upang tapusin ang lahat ng pagdurusa na nakikita natin ngayon. At nais Niya na maitayo ito nang walang-hanggan. (Apocalipsis/Pahayag 21:4, Daniel 2:44)

Paano maitatayo ang Kaharian ng Diyos? At ano po ang gagawin ng pamahalaang iyan kapag naitayo na ito? Pakibasa po ng pamagat na “Ano Ba Ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos?” sa pahina 79-84.

Simple lamang ang hangarin at gagawin ng Kaharian ng Diyos: ang iangat ang buhay ng lahat ng tao, hindi lamang sa material kundi sa mga espiritwal na bagay. Hinimok maging ni Jesus ang kanyang mga alagad na manalangin para sa Kahariang ito, sapagkat para din sa kanila ang pamahalaang ito. (Mateo 6:9-11). At sinabi ni Jesus na dapat maganap ang kalooban/kagustuhan ng Diyos na Jehova, “kung paanong sa langit, ganoon din sa lupa” (Mateo 6:10).

Ano po ang gagawin upang makamit ang layuning ito? Pansinin: si Satanas ay isang ubod-samang nilalang. Pero siya ay nasa langit pa, gaya ng sinasabi ng Ezekiel (Ezekiel 28:13-15). Ang tanging gagawin para maitatag ang Kaharian ng Diyos ay paalisin si Satanas sa langit(Lucas 10:18, Apocalipsis/Pahayag 12:9, 12). Para mapaalis si Satanas, kailangang siya ay ihagis patungo sa lupa (Ezekiel 28:17, Apocalipsis/Pahayag 12:10).

Paano po mapapaalis si Satanas? Magkakaroon muna ng isang pangglobong digmaan, na tinatawag na Armagedon (Apocalipsis/Pahayag 16:16, Apocalipsis/Pahayag 19:19-20). Pero hindi po ito basta digmaan, dahil sangkot po dito ang Diyos, at ang kanyang mga tapat na anghel. Makikipagdigma ang mga anghel ng Diyos, sa pamumuno ng arkanghel na si Miguel (Apocalipsis/Pahayag 12:7-8). Tatalunin ni Miguel si Satanas at ang mga demoyo. Pagkatapos nito, ihahagis si Satanas sa lupa.Saka gagawa ng plano ang Diyos upang ilatag ang kanyang Kaharian.

Kung tutuusin, dapat ngang maganap ang nais ng Diyos para sa atin, gaya ng sinabi ni Jesus. Bakit po? Nang naroon pa lang ang langit (at di pa nalilikha ang universe), lahat ng mga anghel doon ay masayang sumusunod sa Diyos na Jehova. Subalit dahil sa simpleng pagnanais na makuha ang trono ng Diyos, siniraan ni Satanas ang maunawaing Ama. At si Satanas ay naging isang ubod-samang anghel (2 Corinto 11:14). Sinira ni Satanas ang plano ng Diyos na Jehova na maging Paraiso ang buong mundo, pero hindi pa rin nagbabago ang layunin Niya magpahanggang ngayon (Genesis 3:1-13). Sinabi pa ng Diyos, “Ganyan din ang aking mga salita, magaganap nito ang lahat Kong nasa [gusto]” (Isaias 55:11).

Page 26: Commentary

Nais ng Diyos na Jehova na itatag ang Kaharian upang tayo ay makinabang sa Kanyang mabubuting mga gawa. Kung ano ang sinasabi niya sa tao sa Genesis, ganoon din ang sinasabi ng Diyos sa atin sa hinaharap. Tandaan po natin na ang Diyos na Jehova ay hindi nagbabago (Malakias 3:6).

Yamang naihagis na si Satanas sa lupa, ano po ba ang mga programang ilalatag ng Diyos? Dudurugin nito ang lahat ng pamahalaan sa daigdig sa hinaharap (Daniel 2:44). Matitira na lamang ang Kaharian ni Jehova sa buong mundo. Pagkatapos, aalisin ng Kaharian ang lahat ng sakit at pagdurusa na nararanasan ngayon ng mga tao. Mararanasan na ng tao ang kasiyahang walang-hanggan. Gaya ng sinasabi sa Bibliya, “At papahirin niya [Diyos] ang kanilang mga luha”, kumbaga, aalisin na ng Diyos na Jehova ang lahat ng kalungkutan sa mundo. “Wala nang kamatayan, dalamhati, pag-iyak, at sakit sapagkat lunmipas na ang dating mga bagay”. Ang tinutukoy na “dating mga bagay” ay ang nangyayari na sa atin mula noon hanggang ngayon. (Apocalipsis/Pahayag 21:4).

Mabuti pala ang programa ng Kaharian ng Diyos. Kakaiba ito, kasi ito talaga ang tutugon sa lahat ng pangangailangan ng lahat ng tao. Asahan mo ito: Ni hindi po natin maiisip kung gaano kaganda ang ating magiging buhay sa ilalim ng pamamahala ng kahariang ito.

Kaya lang, maitatanong ninyo kung kalian itatatag o kung kailan darating ang Kaharian ng Diyos. Para sa kasagutang iyan, pakibasa po ng pamagat na “Kailan Kikilos ang Kaharian ng Diyos” sa pahina 84-85

Ang tanong, kailan po darating ang Kaharian ng Diyos? Tandaan po natin na habang nagdarasal tayo ng Ama Namin, sinasabi natin, “Mapasaamin ang kaharian Mo…”. Para bang sinasabi natin na kailangang maitayo agad ang Kaharian.

Sinasabi ng Bibliya na itinatag ang Kaharian ng Diyos noong 1914. Sa katunayan, nang itatag ang kaharian ng Diyos, marami nang nangyayari sa daigdig. Karamihan sa mga pangyayari ay may di-magandang epekto sa atin. Bakit po? Napag-aralan natin na inihagis si Satanas sa lupa. Naghihiganti si Satanas dahil siya daw ay inaapi.

Sabi ng Bibliya, “…sumiklab ang digmaan sa langit! …Natalo ang dragon [Satanas] at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit. Itinapon siya [Satanas] sa lupa, pati ang kanyang mga kampon”. Itinapon si Satanas sa lupa noong 1914. Dahil dito, nagtanim siya ng galit at naghasik ng lagim. Sabi pa ng Bibliya, ”kalagim-lagim ang daranasin ninyo, lupa at dagat! Sapagkat ang matinding poot ng Diyablo ang babagsak sa inyo. Alam niyang kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kanya”. (Apocalipsis/Pahayag 12:7-12)

Tayo po ngayon ay nasa ”kaunting panahon” na nalalabi kay Satanas. Maikli na lamang ang kanyang panahon upang maghasik pa ng lagim, kaya nilulubus-lubos na niya ang lahat ng kanyang magagawa sa lupa. Anu-ano po ang mga pangyayaring ito? Pakibasa po ng Kabanata 9 – “Nabubuhay na ba Tayo sa mga “Huling Araw” at ang pamagat na “Isang Digmaan sa Langit” hanggang pahina 88.

KABANATA 9 – NABUBUHAY NA BA TAYO SA MGA HULING ARAW?

Madalas, nakikita, nababasa, at napapanood natin sa halos lahat ng balita ang puro krimen at pagdurusa. Minsan, iniisip ninyo kung kailan matatapos ang lahat ng ito. Opo, nais po ninyo na magkaroon ng

Page 27: Commentary

panghabambuhay na kapayapaan sa buong mundo. Tutlungan ka naman ng Bibliya na alamin kung bakit ganyan na lamang ang nangyayari.

Tinalakay na natin ang tungkol sa Kaharian ng Diyos, at kung kailan ito maghahari. Naghahari na ang Kaharian ng Diyos! Pero bakit po lumala ang mga bagay-bagay? Pansinin po: Naghari si Jesus noong 1914 (Awit 110:2). At ang una niyang ginawa ay ihagis si Satanas at ang mga demonyo sa lupa (Apocalipsis/Pahayag 12:7-9). Dahil alam na ni Satanas na maikli na lamang ang araw na natitira sa kanya, naghasik siya ng lagim na hindi pa naranasan ng buong kasaysayan (Apocalipsis/Pahayag 12:10-12, 2 Corinto 4 :3-4, Job 2 :4,5, 1 Pedro 5 :8) Siya ay nasa lupa kung saan siya inihagis, at mananatili siya dito, pero sa maikling oras lamang.

Kung tutuusin, mas maraming ginawang kalokohan si Satanas, kaya ito ang dahilan kung bakit nagdurusa ang lahat ng tao sa buong mundo (Santiago 1:13). Alam ito ni Jesus at ni Pablo, kaya sinabi nila kung ano ang mangyayari kapag naitatag na ang Kaharian ng Diyos.

Sinabi nila kung paano malalaman na ang Kaharian ng Diyos ay naitatag na, at kung paano mabuhay sa mga huling araw ng buong kasaysayan. Alamin natin ang mga ito:

Pakibasa po ng pamagat na “Malalaking Kaganapan sa mga Huling Araw” sa pahina 88-90.

Sa pagsisimula ng huling araw sa mundo, titindig ang isang bansa laban sa isa pang bansa, ika nga, magdidigmaan sila sa isa’t isa (Mateo 24:7, Apocalipsis/Pahayag 6:4). Nang ihagis si Satanas sa lupa noong 1914, kung kailan itinatag na ang Kaharian ni Jehova, agad siyang nagpasapit ng digmaan. Ito ang World War II – ang mabagsik, at nakamamatay na digmaan. Ilang bansa sa buong mundo ang sangkot dito.

Sumunod naman ang World War II. Mas mabagsik ito kaysa sa World War I, kung saan kasali sa labanan ang napakaraming bansa, kabilang na ang Pilipinas. Nag-iwan ang parehong digmaan ng mga nasirang ari-arian, nagkalat na bangkay, at napilay ang ekonomiya ng mga sangkot na bansa. Sa katunayan, ang Maynila ang pangalawa sa mga pinaka-napinsalang siyudad sa buong mundo pagkatapos ng digmaan.

Bagaman nagkakaroon na ng pag-unlad ang kapayapaan, patuloy pa rin hanggang ngayon ang mga labanan sa iba’t ibang panig ng mundo. Taun-taon, nagkakaroon ng maliliit at malalaking digmaan.

Magkakaroon din ng mga kakapusan sa pagkain (Mateo 24:7, Apocalipsis/Pahayag 6:5,6,8).Noon, ang Pilipinas ay nakapag-export ng bigas.Subalit ngayon, paminsa-minsan nagkakaroon ng krisis sa bigas. At hindi lamang ang pagkaing ito ang naapektuhan, kundi maging ang iba pang mga pagkain tulad ng mais. Sabi sa isang balita, malaki ang isinulong ng produksyon saagrikultura. Subalit marami ang nagugutom dahil hindi nila kaya ang mga pagkaing mamahalin, o wala silang perang pambili ng pagkain.

Sa Africa pa lamang, marami ang nagkakasakit at namamatay sa malnutrisyon, o kawalan ng sustansya sa katawan.

Magkakaroon ng mga malalakas na lindol(Lucas 24 :11). Mula taong 1910, nagkaroon na ng mga malalakas na paglindol na umaabot sa 8 ang Richter scale. Minsan, umabot pa sa 9.5 ang lakas ng lindol sa Chile noong 1960. Noong 1990, nagkaroon ng malakas na lindol sa Pilipinas. At ngayong taong ito, niyanig ng malakas na lindol ang Japan na bumura sa ilang lugar sa mapa, kalimitan dahil sa tsunami. Sa unang taon ng ika-20 siglo hanggang ngayon, madalas na ang mga paglindol sa daigdig. Maging ang pinakamaasahang dalubhasa sa lindol, ang United States Geological Survey, ay nagpatotoo sa ganitong kalagayan.

Page 28: Commentary

Magkakaroon ng mga salot(Lucas 24 :11). Sa ngayon, talamak ang kaso ng dengue tuwing panahon ng tag-ulan, at heatstroke naman kapag tag-araw. Bukod dito, laganap pa rin ang mga sakit tulad ng meningococcemia, cancer, alta presyon, HIV, AIDS, at iba’t ibang sakit sa mga matatanda.

Kahit nagkaroon na ng mga pagsulong at pag-imbento sa iba’t ibang uri ng gamot, marami pa ring dumating na bagong sakit. Karamihan sa mga ito ay wala pang mga bakuna o lunas.

Ano naman po ang magiging ugali ng maraming tao sa mga huling araw? Pakibasa po ng pamagat na “Ang Mga Tao sa Huling Araw” sa pahina 90-91.

Mahigit na 50 taon makalipas ang 1914, sumulat ang Alemang estadista na si Konrad Adenauer: “Ang katiwasayan at katahimikan ay naglaho na sa buhay ng mga tao simula noong 1914.”—The West Parker, Cleveland, Ohio, Enero 20, 1966.

Totoo po ito, yamang ang karamihan sa mga tao ay nasasangkot sa iba’t ibang paraan ng paggawa ng kasalanan, at ito ang nag-aalis sa katiwasayan at katahimikan ng buhay ng tao. Laganap ang karahasan sa halos lahat ng bansa, at ang dating ipinagbabawal ng Diyos ay pinapayagan na, gaya ng pagpapakasal sa kapwa niya lalaki o babae. Ito ang tinutukoy ng Bibliya na “mababatbat [o, punung-puno] ng kahirapan ang mga huling araw.” (2 Timoteo 3:1-5). Talakayin natin kung ano ang mangyayari sa lipunan sa mga huling araw:

Maibigin sa kanilang sarili.

Maibigin sa salapi. Hindi naman masama na magkaroon ng salapi. Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya na “ang salapi ay pananggalang”, o proteksyon laban sa maraming gastusin (Eclesiastes/Mangangaral 7:12). Ang masama doon, ang mahalin ang pera. Sabi nga sa 1 Timoteo 6:10, “Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay siyang ugat ng lahat ng kasamaan.”

Nakalulungkot isipin na mayroong mga tao na ang gusto ay kumuha ng maraming pera sa kahit anong paraan,na hindi isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos na Jehova.

Masuwayin sa mga magulang. Kahit saan, marami ang madalas at paulit-ulit na sumusuway sa kanilang mga magulang. Baka naghihimagsik pa nga sila. Kaya kung minsan, madalas nagkakaroon ng mga karahasan sa loob ng bahay. Hindi ito magiging kasiya-siya sa Diyos na Jehova, yamang ang magulang ang siyang awtoridad sa pamilya (Efeso 6:1-3). Pero kung ang utos ng magulang ay hindi naaayon sautos ng Diyos, pwedeng labagin ng anak ang utos ng una. (Gawa 5:28,29)

Di-matapat, walang likas na pagmamahal, walang pagpipigil sa sarili. Iilan lamang sa mga kawani ng pamahalaan, at maging sa mga karaniwang tao, ang kumikilos nang di-matapat.

Maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos. Mas mahalaga sa kanila ang ikaliligaya ng kanilang sarili, at hindi ang sa Diyos. Maraming tao ang ganyan mula noon hanggang ngayon. Talamak na po ito sa halos lahat ng panig ng mundo. Para sa kanila, basta makakain, makatulog nang mahimbing, ay ayos lamang. Subalit hindi nila inaalam kung ano ang dapat gawin upang mapasaya ang Diyos na Jehova.

Wala sa kanilang puso at isip ang pasayahin ang Diyos, gaya ng ginawa ni Job at ni Jesus. Tiniis ni Job at ni Jesus ang lahat. Tinukso sila ni Satanas, subalit iniisip nila kung ano ang magpapaligaya sa Diyos na Jehova

Page 29: Commentary

(Job 1 :6 - Job 2 :10, Mateo 4 :1-11). Nakakatuwa naman, mayroon pa ring mga tao na ang gusto ay ang pasayahin Siya.

May anyo ng maka-diyos na debosyon, ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito. Tinutukoy dito ang mga relihiyon na nagsasabing nasa kanila ang katotohanan ng Diyos, pero hindi nila tinutupad ang utos Niya. Ang mga tagasunod nito ang nagsasabing mataas ang debosyon nila sa Diyos, pero kumikilos sila nang salungat sa gusto at nais ng Diyos.

Noong panahon ni Jesus, may mga relihiyon na nagsasabing malakas sila sa Diyos, pero di nila tinutupad ang utos Niya. Iyon ay ang mga eskriba at mga Pariseo. Ipinakita ni Jesus kung ano nga ba ang dapat taglayin ng isang tunay na relihiyon (Juan 8:31-47). Tatalakayin natin iyan mamaya lamang.

Hindi maniniwala ang ilan sa mga ebidensya ng mga huling araw (Mateo 24:39). Pakibasa po ng 2 Pedro 3:3-4. Kung mayroon pong maniniwala, mayroon namang hindi. Bakit kaya ang tagal namang dumating ng Kaharian? Gusto ng Diyos na matuto muna ang maraming tao tungkol sa Kanyang bago at matatag na gobiyerno (2 Pedro 3:9). Saka Siya darating upang makialam sa mundo (Mateo 24:14).

Nasisira ang lupa (Apocalipsis/Pahayag 11:18). Sa pagpasok pa lamang ng ika-20 siglo, naranasan ng tao ang unti-unting pagbabago sa kalikasan. Ngayon, nagiging madumi na ang mga ilog, nakakalbo ang mga puno, humihina ang ani, at malapit nang maubos ang ilang mga hayop.

Bukod sa mga masasamang bagay na ito, may mabuting balita na darating sa mga huling araw. Ito ay inihula ni Jesus (Mateo 24:14). Pakibasa po ng pamagat na “Magagandang Kaganapan” sa pahina 91-92.

Anu-ano ang mga mabuting balita na darating sa mga huling araw? Unang-una, ang tunay na kaalaman ay sasagana (Daniel 12:4). Opo, magkakaroon na ng paglago sa kaalaman na ibinigay ng Diyos na Jehova sa atin. At sino po ang mamamahala sa paglago ng tunay na kaalaman? Ang mga Saksi ni Jehova. Bakit po?

Sa mga huling araw, ang mabuting balita ay ipangangaral/ibabalita sa buong lupa (Mateo 24:3,14). Sa pagkakataong ito, aling relihiyon ang pinakaaktibo kung ibalita ang tungkol sa Diyos? Wala pong iba kundi ang mga Saksi ni Jehova. Subalit paano po nila ibinabalita ang tungkol sa Diyos?

Kung paanong nagbabalita si Jesus at ang kanyang mga alagad tungkol sa Kanya, ganoon din po ang sistema ng mga Saksi hanggang sa ngayon (Mateo 10:11-14). Nagbabahay-bahay sila, at namimigay ng ilang publikasyon upang matulungan ang iba na sambahin ang Diyos sa tamang paraan. Naglaan sila ng napakaraming oras upang ihayag ang salita ng Diyos (Mateo 28:19-20). Alam kasi ng mga Saksi ni Jehova na mananagot sila sa dugo at sa Diyos kung hindi nila ipapahayag ang mabuting balita (Ezekiel 3:18-19). Pagkatapos nito, saka wawakasan ng Diyos na Jehova ang napakasamang sanlibutan.

Pakibasa po ng pamagat na “Ano Ang Gagawin Mo?” sa pahina 94-95.

Ngayong alam mo, na ngayon na ang mga huling araw sa buong daigdig, kikilos ka ba at ililigtas mo ang iyong sarili, pamilya, at kapwa mo...

...o basta sasabihin mo na lang, “ay, hindi naman nangyayari ang mga huli-huling araw na iyan”?

Page 30: Commentary

Nalaman na natin na sa panahong ito, magaganap na ang mga huling araw na sinabi ni Jesus. Ang mga naka-italic at pahilis na letra ay nagaganap na ngayon nang sabay-sabay at mas matindi pa.

Nagtanong ang mga alagad kay Jesus kung kailan magaganap ang “mga huling araw”. Hindi alam ni Jesus kung kailan eksaktong mangyayari ang pinakahuling araw. Pero humula siya sa mga mangyayari sa huling araw, at hindi sa mismong araw kung kailan masisira na ang daigdig. Kung ang lahat ng ito ay mangyayari nang sabay-sabay, ibig sabihin, ang panahong ito ay huling araw na (Marcos 13:28-29).

Ipinaliwanag ng Bibliya na mawawasak ang mga masasamang bagay at sistema sa daigdig. Siyempre pa, hindi talaga masisira ang mundo. Mananatili pa iyan nang walang hanggan. Ang totoo, sinasabi ng Bibliya, “Si Yahweh, ang Diyos, ang lumikha ng kalangitan, siya rin ang lumikha ng daigdig. Ginawa niya itong matatag at ito’y mananatili... ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa, matatag na ginawa mo’t hindi mauuga...” (Isaias 45:18, Awit 37:29, Eclesiastes/Mangangaral 1:4, Awit 104:5)

Yamang ito ay sinasabi ng Bibliya, at pinatutunayan na ang Diyos na Jehova ay hindi nagsisinungaling, tiyak matutupad ang lahat ng mga kaganapan sa mga huling araw (Tito 1:2).

Nagaganap na ang mga huling araw. Huli na ito para sa mga napakasamang tao. Minamadali na po ito (Zefanias/Sofonias 1:14). Bagaman ito ay katapusan ng lahat ng sistema sa mundo, may pag-asa pa para sa mga taong naglilingkod at sumasamba sa tunay na Diyos (Zefanias/Sofonias 2:2-3, Awit 118:6, Awit 144:15). Kaya, ibig sabihin na pwede po tayong makaligtas sa banta ng huling araw (Mateo 16:1-3).

Ano po ba ang dapat nating gawin upang makaligtas po tayo sa matinding delubyo ng huling araw?

Unang-una po, seryosohin po natin ang pag-aaral sa mga katangian at gusto ng Diyos. Alamin po natin kung ano ang hinihiling ng Diyos sa atin. Kumuha po tayo ng saganang kaalaman na ngayon ay ibinibigay sa buong mundo, sapagkat ito po ay isa pang regalo sa atin ng Diyos mismo. Pakibasa din po ng mga aklat na “Ano ba ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?” at “Manatili sa Pag-ibig ng Diyos”, na pawang inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

Ikalawa, ugaliing makisama sa mga tao na tunay na sumasamba sa Diyos na Jehova (1 Corinto 15:1-2, 33). Sa ganitong paraan lalong magiging matibay ang iyong pananampalataya, habang inaalam na ang Diyos mismo ang iyong sinasamba. Mayroong tunay na relihiyon na sumasamba sa tunay na Diyos, at iyon po ay tatalakayin natin mamaya lamang.

Ikatlo, kumilos nang naayon sa utos ng Diyos (Gawa 5:28,29). Kung nasunod mo ang una at ikalawang hakbang, magagawa mo nang sundin ang ikatlong hakbang. Kung ang inyo pong ginagawa ay labag sa utos ng Diyos, kinakailangan po ninyong gumawa ng pagbabago sa sarili.

Ang mga huling araw na tinutukoy dito ay totoo. Pwedeng balewalain na lamang ang banta ng huling araw, pero, mas masakit ang magiging resulta kapag sumapit na ang Armagedon (Galacia 6:7). Iyan po ay tinutukoy ni Jesus na mga tao na gaya ni Noe at ni Lot (Lucas 17:26-30).

Ang mga tao ay lubhang abala sa kanilang sarili, anupat wala silang panahon upang pasayahinang Diyos na Jehova. Kaya nang pasapitin ng Diyos na Jehova ang malaking baha at malaking sunog sa Sodoma, nalunod ang mga tao at napuksa ang ilan. Ganyan din po ang mga tao sa ngayon, masyadong abala o nagpapakasarap,

Page 31: Commentary

anupat wala silang oras upang pasayahin ang Diyos. Para bang habang sila ay nagsasaya, na hindi nila alam na mayroon na palang magnanakaw sa kanilang lugar.

Habang ang iba sa atin ay lubhang abala, na hindi na inaalam ang kalooban Niya, may malaking pangyayari na babago sa buhay ng bawat tao at babago sa buong kasaysayan ng mundo. Ito ang Armagedon, ang digmaan ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat (Apocalipsis/Pahayag 16:14, 16,). Ang Armagedon ay siyang digmaan na darating at magtatapos sa mga pangyayari sa mga huling araw. Pupuksain at papatayin ng Armagedon ang mga tao na napakasama at ayaw magbago. (1 Corinto 15:34)

Wag nawa po tayong maging ganoon sa mga huling araw. Seryosohin na po natin ang ating pakikitungo sa Diyos na Jehova kung gusto nating makaligtas sa Armagedon. Ito ay minamadali (Zefanias/Sofonias 1:14), at hindi na po magtatagal, pero walang nakakaalam kung kailan darating ang katapusan ng sistema sa mundo. Maging ang CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) ay nagsabi na di nila alam kung kailan eksaktong darating ang “katapusan ng mundo”.

Ang huling araw ay nagaganap na. Ang “katapusan ng mundo”, o katapusan ng sistema sa mundo, at ang Armagedon ay mangyayari pa lamang sa hinaharap. Tayo, bilang tao ay makakaligtas din sa mga bagay na ito. Ang tanging gawin na lamang po natin ay ang isaisip ang sinabi ni Jesus, “Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili na ang inyong mga puso ay hindi mapabigatan ng labis na pagkain at labis na pag-inom at mga kabalisahan sa buhay, at bigla na lang na ang araw na iyon [ang Armagedon] ay kagyat na mapasainyo na gaya ng silo [bitag]. Sapagkat darating ito sa lahat ng mga nananahanan [nakatira] sa ibabaw ng buong lupa. Manatiling gising, kung gayon, na nagsusumamo sa lahat ng panahon na magtagumpay kayo sa pagtakas mula sa lahat ng mga bagay na ito na nakatalagang maganap, at sa pagtayo [nang may pagsang-ayon] sa harap ng Anak ng tao [na si Jesus].” (Lucas 21:34-36)

Kumbaga, sa mga huling araw, dapat sambahin po natin ang Diyos na Jehova sa tamang paraan (2 Pedro 3:3, 2 Pedro 3:10-12). Ilaan po natin ang ating oras sa Diyos na Jehova. Kung ganoon ang ating mangyayari, malaki po ang tsansa na tayo ay makaliligtas sa Armagedon, at tayo ay mabubuhay magpakailanman sa bagong Paraiso ng Diyos(Awit 37:29, Apocalipsis/Pahayag 21:1-4)

Pakibasa po ng Kabanata 10, “Mga Espiritung Nilalang – Kung Paano Nila Tayo Naapektuhan” hanggang pahina 97.

KABANATA 10 – MGA ESPIRITUNG NILALANG – KUNG PAANO NILA TAYO NAAPEKTUHAN

Maitatanong ninyo, “Ano po ba ang layunin kung bakit nilikha ang mga anghel sa langit?”

Ito ay upang alalayan ang mga tapat na naglilingkod sa Diyos na Jehova. Gaya ni Jesus. Pagkatapos siyang tuksuhin ni Satanas, may mga anghel na umalalay sa Anak (Mateo 4:1-11). Maging si Juan na Apostol ay inaalalayan din ng isang anghel ng Diyos upang makapagbigay siya ng mga pangitain (Apocalipsis 21:9-10, 15, 22).

Sino po ang lumikha sa mga anghel na ito? Sabi sa Colosas 1:16, “Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa... ay pawang nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya.” Ibig sabihin, nilikha Niya ang

Page 32: Commentary

mga nilalang, una sa langit, at ikalawa, sa ibabaw ng lupa. Pakibasa po ng pamagat na “Pag-alalay at Proteksyon ng mga Anghel” sa pahina 97-98.

Pinoprotekta ng mga anghel ang mga taong lubos na naglilingkod sa Diyos na Jehova. Halimbawa, tumakas si Elias sa galit ni Haring Ahab. Ito ay sa dahilang sumasamba si Ahab kay Baal na pekeng diyos. Habang nagtatago si Elias, di siya pinabayaan ng Diyos. Sa katunayan, Siya ay nagpadala ng isang anghel, na nag-uutos kay Elias na tumakas sa malayong lugar at kumain (1 Hari 17:1-16). Dahil dito, nagawa ni Elias na patunayan kay Haring Ahab na totoong diyos ang Diyos na Jehova (1 Hari 18:1, 17-40).

Sa ngayon, hindi na po ito nangyayari. Pero iba na ang kanilang tungkulin sa mga tao sa ngayon – ang ipagtanggol ang bayan ng Diyos mula sa anumang nakakasira sa espiritwal na ugnayan sa Maykapal (1 Pedro 5:8). Opo, may mga espiritung masasama. Tinalakay po natin kanina na iyon ay walang iba kundi si Satanas at ang kanyang mga demonyo(Juan 8:44). Gusto nilang sirain ang ating ugnayan sa Diyos na Jehova. Ngayong alam na natin ang buod tungkol sa Diyos at kay Jesus, aalamin na po natin kung sino po si Satanas at ang kanyang mga demonyo. Pakibasa po ng pamagat na “Mga Espiritung Nilalang na mga Kaaway Natin” sa pahina 98-100.

Si Satanas noon ay isang matuwid na anghel. Subalit dahil sa simpleng pagnanais na makuha ang trono ng Diyos, na hindi dapat, nagawa pa niyang magrebelde laban sa Kanya. Sumama naman ang ilang anghel kay Satanas sa kanyang misyon, na kalaunan ay tinawag na mga demonyo. Si Satanas at ang kanyang mga demonyo ay sangkot sa iba’t ibang pagdurusa na nararanasan po ng lahat ng tao mula noon hanggang ngayon (Lucas 11:15). Dahil dito, si Satanas at ang kanyang mga anghel (demonyo) ay inihagis na sa lupa (Apocalipsis/Pahayag 12:9-12). At dahil nagalit sila sa kanilang sinapit, nagpasapit sila ng napakatinding lagim sa buong mundo.

At hindi lamang iyan ang kanilang ginawa. Gumawa pa po sila ng mga paraan upang italikod ang lahat ng tao sa Diyos na Jehova. Anu-ano po ang mga paraang iyan?

Pakibasa po ng pamagat na “Kung Paano Inililigaw ng mga Demonyo ang mga Tao” sa pahina 100-103.

Anong paraan ang ginamit ni Satanas upang italikod at iligaw ang tao sa Diyos na Jehova? Espiritismo. Ito po ay isang paraan upang makipag-usap sa isang demonyo o kay Satanas mismo (Ikumpara sa Awit 119:110). Nabibilang dito ang panghuhula, pangkukulam, mahika, at maging ang pakikipag-usap sa isang namatay (Jeremias 27:9-10). Ang anumang anyo ng espiritismo ay hindi ikinatutuwa ng Diyos. Sa halip, ang anumang anyo ng espiritismo ay kasuklam-suklam [nakakadiri] para sa Diyos na Jehova (Deuteronomio 18:10-12).

Noon, sinabi ng Diyos na Jehova ang kanyang damdamin kapag ang isa ay nagpapahula, nanghuhula, nangkukulam, o nakikipag-usap sa mga patay (Levitico 19:31). Tandaan po natin na ang Diyos na Jehova ay hindi nagbabago (Malakias 3:6). Kung ano po ang damdamin ni Jehova tungkol sa espiritismo, ganoon din po ang kanyang damdamin sa ngayon.

Ano po ang pagtingin ng Diyos sa panghuhula? Noon, mahusay ang isang babae sa panghuhula (Gawa 16:16-18). Pero nawala ang kanyang galing sa panghuhula nang palayasin ni Pablo ang demonyo na kumokontrol sa isip ng babae. Ang sabi po ni Pablo, “Iniuutos ko sa iyo sa ngalan ni Jesu-Cristo: lumabas ka sa babaing ito!”. At noon din ay lumabas ang espiritu sa katawan ng babae! Paano po nagagawa ni Pablo na

Page 33: Commentary

palayasin ang demonyo? Dahil taglay po niya ang kapangyarihan mula sa Diyos na magpalayas ng mga napakasamang anghel na iyan. Dahil napalayas ang demonyo, at dahil naiwala ng babae ang kanyang galing sa panghuhula, ibig pong sabihin na ang mga demonyo ay namamahala sa mga panghuhula sa ngayon.

Dahil akala ng karamihan na ang kaluluwa ay umaakyat sa langit, gusto nilang kausapin ang kanilang mga mahal sa buhay na namatay na. Ginagawa nila ito sa pamamagitan ng isang midyum, o taong namamahala sa pagkausap sa patay. Tuwang-tuwa ang mga buhay, dahil alam na nila kung ano ang kalagayan ng isang patay na nasa langit. Pero ang pakikipag-usap sa patay ay talagang mapanganib. Bakit po? Dahil ang mga patay ay wala nang nalalamang anuman, at wala po silang magagawa sa atin (Awit 146:4, Eclesiastes/Mangangaral 9:5, 10).

Sabihin po natin na naputol ang linya ng telepono ng iyong kaibigan. Nalulungkot ka, dahil matagal na itong nangyari. Akala mo, nasa kabilang bahay ang iyong kaibigan, kung saan doon konektado ang linya. Nagpatulong ka sa isang telephone operator para makausap ang iyong kaibigan. Tinulungan po kayo ng inyong operator. Pero ang hindi po ninyo alam, ang kumuha sa linya na inyong tinatawagan ay hindi ang iyong kaibigan, kundi ang isang suspek. Ginagaya ng suspek ang boses ng iyong kaibigan, at tuwang-tuwa ka naman dahil narinig mo ulit ang boses ng iyong kaibigan, pero ang totoo, wala ang kaibigan mo, at hindi siya talaga natawag sa iyo dahil putol ang kanyang linya ng telepono.

Pero kahit kayo po ay tuwang-tuwa, ang inyo pong pakikipag-usap sa suspek ay napakadelikado. Bakit po? Baka kayo po ay lokohin lamang, at baka paasahin ka, na inaakala mo na ang kausap mo ngayon ay ang kaibigan mo.

Ano po ang pagtingin ng Diyos na Jehova sa pag-uusap ng isang tao sa isang patay na? Hindi po dito natutuwa ang Diyos na Jehova. Bakit po? Sa Bibliya, makikita na ang Haring Saul ay gustong kausapin si Samuel, na patay na. Opo, patay na si Samuel, at hindi na po siya makakausap ni Saul. Nakausap na ni Haring Saul si Samuel, pero ang Samuel na iyon ay hindi talaga si Samuel, kundi isang masamang espiritu lamang. Dahil sa pakikipag-usap sa mga espiritista, at pakikipag-usap sa patay, itinakwil na po si Haring Saul ng Diyos na Jehova. At nadulot ito sa pagkatalo at pagkamatay ni Haring Saul (1 Samuel 28:3-20, at 1 Samuel 31). Pakibasa din po ng Deuteronomio 18:11-12 at Isaias 8:19.

Bakit kailangan nating iwasan ang anumang anyo ng espiritismo? Napag-aralan na po natin na espiritismo ang paraan ni Satanas at ang kanyang mga demonyo upang italikod ang tao sa Diyos. Kung gayon po, ang pagkagat sa mga bitag ng espiritismo ay lalong magpapahamak sa atin, at ito ang puputol sa ating ugnayan sa Diyos na Jehova (ihambing ang Awit 7:1-2, 1 Samuel 15:23, 1 Cronica 10:13-14, at Awit 5:4).

Bukod dito, nagbabala ang Diyos na Jehova sa atin kung tayo po ay gagamit ng anumang anyo ng espiritismo (Levitico 19:31, Levitico 20:6, Levitico 20:27). Ang mga patuloy na nagsasagawa ng espiritismo ay mamamatay nang walang hanggan (Apocalipsis/Pahayag 21:8, Pahayag 22:15).

Pakibasa po ng pamagat na “Kung Paano Lalabanan ang mga Balakyot na Espiritu” sa pahina 103-105.

Ngayong alam na po natin kung ano ang mga paraan upang italikod tayo ni Satanas sa Diyos, ano po ba ang ating dapat gawin? Una, itapon o sunugin ang mga bagay na may kaugnayan sa espiritismo (Gawa 19:19). Nabibilang po dito ang mga libro, magasin, CD, mga bagay na pang-buwenas, anting-anting, o anumang media device na nagtataglay ng mga panghuhula at mahika. Kung gusto nating maging malaya mula sa bitag ni

Page 34: Commentary

Satanas, na espiritismo, kailangan nating itapon o sunugin ang mga ito, kahit magkano po ang halaga niyan (Deuteronomio 7:25-26, 1 Corinto 10:21).

Ikalawa, bukod po sa pagtapon sa mga bagay na may kaugnayan sa espiritismo, kailangan nating labanan ang mga napakasamang anghel (Mateo 4:10). Ito po ay dahil sa gusto nila tayong italikod sa Diyos na Jehova. Kung sila ay bigo sa unang bitag (na espiritismo), gagawa at gagawa po ang mga demonyo ng paraan upang maakit ang mga tao sa ikalawang bitag.

Paano po natin lalabanan ang mga napakasamang anghel na iyan? Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya. Ilarawan po natin: Gusto po ninyo na maprotektahan laban sa matinding init at ulan. Kung ganoon po, dapat maitayo ang bahay nang tuluy-tuloy. At kailangang malaman natin kung tama po ba ang pagkakagawa ng ating bahay. Sa gayunding paraan, kung gusto nating maprotektahan laban sa mga napakasamang espiritu, kailangang tuluy-tuloy po ang pag-aaral ng Bibliya (Roma 10:10-17, Roma 1:11-12, Colosas 2:6-7, 1 Juan 5:5). At kailangang malaman po natin kung ano po ang katotohanan tungkol sa Diyos na Jehova (Gawa 17:11, Juan 8:32).

Bukod sa pag-aaral ng Bibliya, kailangan po nating magdasal sa Diyos na Jehova sa pangalan ni Jesus (Juan 14:14, Efeso 6:18). Bakit po? Pansinin si Jesus. Nang siya ay nasa ilang (o disyerto), ilang araw po siyang nanalangin sa kanyang Ama. Nang dumating ang tamang panahon upang siya’y tuksuhin ni Satanas, nagkaroon si Jesus ng lakas ng loob upang labanan ang napakasamang anghel na iyon (Mateo 4:1-11). Kung kaya ni Jesus na labanan si Satanas sa panalangin, kayang-kaya din nating labanan siya ngayon (Kawikaan 18:10, Santiago 2:19, 2 Corinto 2:11). Tatalakayin po natin mamaya kung paano manalangin sa tamang paraan.

Si Satanas ba ang dahilan ng lahat ng mga pagdurusa sa daigdig mula noon hanggang ngayon? Pakibasa po ng Kabanata 11 – “Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?” hanggang pahina 107.

KABANATA 11 – BAKIT PINAHIHINTULUTAN NG DIYOS ANG PAGDURUSA?

Kapag tumatama ang mga sakuna, na sumisira sa mga ari-arian at pumapatay sa mga tao, marami po ang di makaunawa kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito. Nababahala ang iba dahil sa lawak ng mga krimen at karahasan. Maitatanong ninyo, “Kung gusto po ng Diyos na Jehova na maging payapa at napakasaya ang mundo, bakit puro pagdurusa na lang ang nadarama natin?”.

Kanina, tinalakay din po natin ang tanong na iyan sa unang kabanata. Nalaman po natin na itatayo ang Kaharian ng Diyos, na magpapasapit ng pagpapala sa buong lupa (Daniel 2:44). Nalaman po natin na itinanim ng Diyos sa puso ng tao ang pagnanais na mabuhay kailanman sa lupa (Eclesiastes/Mangangaral 3:11, Apocalipsis/Pahayag 21:1-4). Kung gayon, bakit hindi po nagaganap ang lahat ng ito? Sapagkat mangyayari lamang po ito sa hinaharap. Pakibasa po ng pamagat na “Bakit Labis-labis ang Pagdurusa?” sa pahina 107-109.

Samantala, bakit po tayo nagdurusa, mula noon hanggang ngayon? Ito po ba ay dahil sa Diyos na Jehova? Ang Diyos ay hindi dapat sisihin sa lahat ng mga pagdurusa sa daigdig (Santiago 1:13, Roma 9:14). Bakit po? Dahil ang Diyos na Jehova ay pag-ibig (1 Juan 4:8). Iniibig niya ang buong mundo (Juan 3:16). At Siya ay nagmamalasakit sa iyo (1 Pedro 5:7).

Page 35: Commentary

Bukod diyan, “...Ang Diyos ba’y mabubuyo sa gawaing linsil? (Ang Diyos ba’y matutukso sa gawaing masama?)” (Job 34:10, Kawikaan 15:9, Kawikaan 15:29). Kung ang Diyos ay naging masama, bakit pa Niya nilikha ang mundo? Pero ang Diyos ay napakabuti (Exodo 34:6). Kanina, tinalakay natin na si Satanas ay inihagis sa lupa (Apocalipsis/Pahayag 12:9). Kaya nagpasapit ang napakasamang anghel ng gutom, sakit, lindol, at iba pa (Mateo 24:7-12). Dito maliwanag na si Satanas ang may pakana sa lahat ng pagdurusa sa buong mundo. Ang Diyos na Jehova ay di dapat sisihin sa lahat ng pagdurusa sa mundo, PERO pinayagan Niya na mangyari ito. At bakit po? Pakibasa po na pamagat na “Ibinangon ang Isang Mahalagang Usapin ” sa pahina 109-111.

Simula nang kainin ni Adan at Eba ang bawal na bunga, doon na po nagsimula ang pagdurusa ng bawat tao. Ito po ay dahil sa sinabi ng Diyos kung ano ang mangyayari sa mag-asawa kapag nilabag nila ang utos ni Jehova. Pag kinain nila ang bawal na bunga, tiyak na mamamatay sila (Genesis 2:16-17). Nang kainin ni Adan at Eba ang bungang iyan, sinabi ng Diyos kung ano ang mangyayari sa mag-asawa sa mga susunod na araw (Genesis 3:6-19). Ang anak nila na si Abel ay nagdurusa sa kamay ng kanyang sariling kapatid, at napasa sa lahat ng tao ang lahat ng pagdurusa hanggang ngayon.

Ang sabi ni Satanas, “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay. Gayon ang sabi ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bungang iyon, magkakaroon kayo ng pagkaunawa. Kayo’y magiging parang Diyos; malalaman ninyo ang mabuti at masama.” (Genesis 3:4-5). Insulto po ito sa karapatan ng Diyos na Jehova na pamahalaan ang buong sanlibutan, dahil para bang walang silbi ang kanyang pamamahala dahil may mas matalino daw kaysa sa Kanya. Para patunayan kung mas matalino at mas may kakayahan na mamuno si Satanas, at ang mga tao, ibinigay ng Diyos sa kanila ang karapatan na mamuno sa buong sanlibutan.

Ibibigay ng Diyos na Jehova sa mga tao at kay Satanas ang karapatan na mamahala sa buong sanlibutan. Ang tanging hamon sa kanila ay kung paano sila mamahala nang maayos kahit walang Diyos na aalalay sa kanila.

Ilarawan po natin: Sabihin natin na inakusahan ni A si B ng pagpatay. Alangang patulan ni B ang maling balitang iyan. Kaya, sasabihin ni B kay A, “Sige nga, A, patunayan mo na nakapatay ako ng tao.”

Ang sistemang iyan ay ginawa din ng Diyos na Jehova. Ang kwento ay parang ganito: Inakusahan ni Satanas ang Diyos na isang sinungaling na ipinagdamot ang kaalaman sa Kanyang mga anak (Genesis 3:4-5). Alangang patulan ng Diyos si Satanas. Kaya, sabi ng Diyos, “Sige nga, Satanas, kaya mo bang pamahalaan ang buong mundo nang maayos?”. Masasagot po ba ni Satanas ang hamong iyan? Pakibasa po ng pamagat na “Bakit Kaya Napakatagal?” sa pahina 112-113.

Upang ilarawan: Hindi po basta-basta makukulong ang isang tao sa isang ebidensya lamang. Kailangan pa ng mahabang panahon upang maimbestigahan ang kaso, at makakuha ng mga bagong ebidensya na magdidiin po sa akusado.

Hindi po basta-basta ibibigay ng Diyos kay Satanas ang mundo, porke namahala siya sa mundo nang maayos sa loob ng ilang taon lamang. Kailangan lamang ay napakahabang panahon upang makita kung nagawa ni Satanas na pamahalaan ang mundo nang maayos. Habang nagagawa ni Satanas na pamahalaan ang mundo, nagmamasid si Jehova at ang Kanyang mga tapat na anghel (Job 38:7, Daniel 7:10). Hinding-hindi Niya sasabihin kay Satanas kung paano mamahala sa buong sanlibutan nang maayos.

Page 36: Commentary

Kapag maayos ang kanyang pamamahala sa loob ng ilang libong taon, pwede nang mamahala si Satanas sa daigdig. Kung pumalpak si Satanas sa pamamahala sa mundo, ibig sabihin na ang Diyos na Jehova talaga ang may karapatan na mamahala dito.

Si Satanas at ang mga demonyo ay talagang nagrebelde laban sa Diyos. Sumama din sina Adan at Eba sa pagrerebelde. Kaya, maitatanong po ninyo, “Bakit hindi na lang ginawa ng Diyos sina Adan at Eba sa paraang di sila magrerebelde?”. Pakibasa po ng pamagat na “Paano Mo Gagamitin ang Regalo ng Diyos?” sa pahina 113-114.

Tayo po ay binigyan ng Diyos na Jehova ng kalayaan na magdesisyon para sa ating sarili. Hindi Niya pinipilit ang mga tao na paglingkuran Siya (Marcos 12:29-30, 1 Juan 5:3). Kung pinilit Niya ang lahat sa gusto Niya, sana hindi na lang kinain ni Adan ang bawal na bunga, at sana di na tayo nagdurusa, pero mapipilitan din tayo sa gusto ng Diyos. Sa katunayan, hindi Niya pinilt sina Adan at Eba na sundin ang utos Niya. Malaya si Adan at Eba na pumili kung susundin nila o sasawayin ang utos ng Diyos na Jehova. Pwede nilang kainin ang bawal na bunga o hindi. Pero nagkamali po sila sa kanilang desisyon. At dahil dito, natikman nila ang resulta ng kanilang desisyon.

Sa ngayon, hindi tayo pinipilit ng Diyos na Jehova na paglingkuran Siya. Mayroon tayong malayang kalooban. Kumbaga, pwede po tayong magdesisyon para sa ating sarili. Pero dapat po nating tanggapin kung ano ang magiging resulta ng ating desisyon, mabuti man ito o masama (Galacia 6:7).

Malayang nagdesisyon sina Satanas, Adan, at Eba sa kanilang sarili, at natanggap nila ang resulta ng kanilang ginawa (Galacia 6:7, Jeremias 8:5-9). Si Satanas at ang mga demonyo ay nakatakda nang mawala kailanman (Apocalipsis/Pahayag 20:10). Sina Adan at Eba ay hindi na mabubuhay kailanman. Gaya ng sabi ng Diyos, “Yamang sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin.” (Genesis 3:19). Malayang nagdesiyon si Job at si Jesus na paglingkuran ang Diyos. Kaya, natanggap nila ang bunga ng kanilang ginawa: Si Job, kasama ang iba pa, ay mabubuhay muli sa lupa (Job 14:14, Hebreo 11), samantalang si Jesus, dahil tapat siyang sumusunod sa kanyang Ama, ay maghahari sa buong sanlibutan sa loob ng 1000 taon. (Apocalipsis/Pahayag 20:4-6).

Tayo man ay pwedeng magdesisyon sa ating mga sarili. Kung tama ang desisyon natin na paglingkuran nang tama ang Diyos, magkakaroon tayo ng buhay na payapa, tahimik, at masagana (1 Juan 3:19-20). Paano po ba natin paglilingkuran at pasasayahin ang Diyos? Pakibasa po ng Kabanata 12 – “Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos”.

KABANATA 12 – PAMUMUHAY SA PARAANG NAKALULUGOD SA DIYOS

Ang Diyos na Jehova ay isang maligayang Diyos, at nais Niya na masiyahan ka sa buhay (1 Timoteo 1:11). Gusto po ng Diyos na ikaw ang maging kaibigan Niya. Ang pagiging kaibigan Niya ay may kaakibat na napakalaking responsibilidad, pero ito’y tinutumbasan ng Diyos ng kaligayahan na di mapapawi sa iyo (Awit 128:1-2). Pakibasa po ng pamagat na “Pinalalakas ni Jehova ang Kanyang mga Kaibigan” sa pahina 116.

Maaaring maging mahirap para sa mga naglilingkod na paglingkuran ang Diyos, pero anong laking pasasalamat nila na sila’y tinawag na “aking kaibigan” ng isang pinakamakapangyarihang Diyos! Sina Abraham,

Page 37: Commentary

David, at Daniel, ay tinawag na kaibigan Niya dahil nakinig sila sa Kanyang boses (Genesis 22:18, Santiago 2:23). Marami pa pong ibang mga tao na ang tanging hangad ay mapasaya ang Diyos. Bakit po? Alam po nila na ang buhay ay nakadepende sa pagsunod sa utos ng Diyos na Jehova. Dapat lagi po nating sundin ang boses ng Diyos, kung gusto nating mabuhay kailanman sa Paraiso sa hinaharap (Isaias 48:17-18). Ngunit, kailangan po nating alamin kung ano at sino po ang tumutulak sa inyo upang huwag nang pasayahin ang Diyos.

Pakibasa po ng mga pamagat na “Ang Hamon ni Satanas” at “Sinubok si Job” sa pahina 116-119.

Noon, hinamon ni Satanas ang Diyos, dahil nagdududa siya kung dapat bang maging tagapamahala ang Diyos na Jehova. Ngayon, hinahamon po niya ang katapatan ng tao sa Diyos. Makikita po ito sa kaso ni Job. Siya ay isang matuwid na tao, at nakuha po niya ang pabor at pagsang-ayon mula sa Diyos. Nagdududa po si Satanas sa katapatan ni Job sa Diyos na Jehova (Apocalipsis/Pahayag 12:12, Pahayag 4:11). Gayunpaman, hinayaan po ng Diyos na gawin ni Satanas ang anumang gusto niya kay Job. Ito po ay upang malaman kung totoo po bang naglilingkod si Job sa Kanya o hindi (Job 1:9-12).

Subalit kakaiba po ang nangyari. Kahit maghasik ng lagim si Satanas kay Job, hindi po siya nagpahayag ng anumang pagkabagot o pagkadismaya sa Diyos. Kahit nawala na po ang kanyang pag-aari, at maging ang kanyang mga anak, hindi po siya naghasik ng rebelyon laban sa Diyos na Jehova. Dahil dito, ibinalik ng Diyos kay Job ang lahat ng nawala sa kanya, at Kanya naman po itong dinoble (Job 1:20-22, Job 42:10-16).

Sa mahabang pagtitiis ni Job sa lagim ni Satanas, doon po niya ipinakita na kayang pasayahin ng mga simpleng tao ang Diyos. Hindi po iniisip ni Job kung ano ang kanyang mangyayari sa kanyang sarili. Dito pa lamang ipinakita na hindi po basta-basta mahahawak ni Satanas ang mga lumalaban sa kanya at tumatanggap sa Diyos na Jehova (Santiago 4:7-8, 1 Juan 5:18). Pakibasa po ng pamagat na “Kung Paano Ka Nasasangkot” sa pahina 119-121.

Bukod kina Job at Jesus, tayo din ay napapaharap sa ganitong isyu. Hinahamon ni Satanas ang katapatan natin sa Diyos na Jehova. Ang kailangan nating gawin ay ang isapuso ang sinasabi sa Kawikaan 27:11, “Magpakatalino ka, anak, upang ako’y masiyahan at sa gayo’y di ako mapahiya sa mga nang-uuyam”. Bakit po? Dahil lahat ng tao ay nasasangkot sa usapin sa Eden. Noong una, hinamon niya ang kaalamaan ng Diyos sa hardin ng Eden (Genesis 3:4-5). Ngayon, sinasabi ni Satanas na kaya niyang italikod ang lahat ng tao sa piling ng Diyos. Ano po ang isasagot natin sa hamon ni Satanas? At ano po ang mga paraan upang mapasaya natin ang Diyos na Jehova? Pakibasa po ng pamagat na “Pagsunod sa mga Utos ni Jehova” sa pahina 121-122.

Tunay nga, ang pagsunod sa utos ni Jehova ay hindi lamang magsisilbing sagot sa mga pang-iinsulto ni Satanas sa Diyos (2 Pedro 2:9). Ang buong-pusong pagsunod sa Kanyang salita ay magbibigay sa atin ng kaligayahang walang kapantay at buhay na walang-hanggan (Kawikaan 27:11, Hebreo 4:7, Mateo 19:27-29, Juan 17:3). Pero, ano po ba ang nais ng Diyos na Jehova para sa atin?

Muli, pakitingnan ng kahon na “Iwasan ang mga Kinapopootan ni Jehova” sa pahina 122. Sa simula, magugulat po kayo kung bakit iyon po ang dapat iwasan. Pero sa pagsusuri at pagtingin sa mga nakalagay na talata sa Bibliya, doon po natin makikita kung bakit ang bagay na ito ay talagang kinapopootan ng Diyos.

Halimbawa, ang masamang pananalita. Ito po ay nakakasakit ng puso at damdamin ng tao, anupat inaalisan siya ng dignidad. Ang paggamit ng masasamang salita ay nagdudulot po sa pagkasira ng reputasyon ng gumagamit nito (Efeso 4:29). Subalit sa ngayon, talamak na po ang ganitong uri ng imoralidad. Ito rin ang

Page 38: Commentary

ginagamit upang disiplinahin ang mga bata. Subalit matutuwa po ba ang Diyos sa pagsasabi natin ng mga masasamang salita? Hindi po. (Santiago 1:26) Mula noon, hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ng Diyos na Jehova sa mga masasamang salita na nasa bibig natin (Malakias 3:6).

Talagang gusto ng Diyos na Jehova na mapoot tayo sa kinapopootan ng Diyos (Awit 97:10, Roma 12:9). Kapag nakagawa ka ng mga bagay na pinagbabawalan ng Diyos na Jehova, wag po kayong mabahala. Tutulungan po kayo ng Diyos na Jehova upang unti-unting maiwasan ang mga bagay na ayaw Niya (1 Corinto 10:13). Bukod sa pag-iwas sa mga bagay na kinapopootan ng Diyos, tutulungan Niya ang mga tao na matutunan ang maka-diyos na pag-uugali. Pakibasa po ng pamagat na “Paglinang ng Makadiyos na mga Katangian” sa pahina 123-124.

Bukod sa pag-iwas sa mga bagay na ayaw ng Diyos sa iyo, kailangan din na taglayain ang mga katangian na gusto ng Diyos na Jehova para sa iyo (Awit 15:1-5, Efeso 4:25-28, Hebreo 13:18). Marami pong mga mabubuting katangian na dapat po nating taglayin, gaya ng mababasa sa Galacia 5:22-23.

Ang pag-iwas sa mga bagay na ipinagbabawal ng Diyos, at ang unti-unting pagsunod sa Kanya ay magdadala sa atin patungo sa payapa, tahimik, at malinis na pamumuhay sa gitna ng napakagulong daigdig na ito. Kung kaya ng mga simpleng tao gaya ni Abraham at Moises na sundin ang Diyos, kaya din po nating sundin ang utos Niya (2 Cronica 16:9, Kawikaan 15:3). Bukod po sa pagsunod sa mga simpleng utos ng Diyos, ano pa ang hinihiling Niya sa atin? Pakibasa po ng Kabanata 13 – “Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay” at ang pamagat na “Pagpapakita ng Paggalang sa Buhay” hanggang pahina 128.

Sinisikap ni Satanas na hikayatin tayo na kusang gumawa ng pagkakasala (1 Juan 3:8). Palagi siyang naghahanap ng pagkakataon na sawayin natin ang batas ng Diyos. May paraan po ba upang huwag maging biktima ng kanyang mga pakana? Opo, subalit, kailangan po nating labanan ang hilig na magkasala, kahit hindi ito madali (Efeso 2:3, 1 Pedro 5:8, 2 Corinto 11:3). Para mapasaya pa natin ang Diyos na Jehova, tayo man ay dapat labanan ang mga makasalanang hilig na nasa atin (Roma 7:14-24, 2 Corinto 5:10).

Ang maka-Diyos na pamumuhay ay pwedeng maging dahilan upang batikusin ka ng iyong mga kaibigan at kakilala (Mateo 10:32-39, 1 Pedro 4:4). Ngunit ang mga gantimpala sa pagsunod sa Kanya ay higit pa kaysa sa anumang mga pagsubok na kaakibat nito.

Kung gusto po ninyong malaman kung ano pa po ang hinihiling ng Diyos na Jehova sa atin, maaari po kayong humiling ng aklat na “Ano Ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?” sa pamamagitan ng pagsusulat sa kanila sa P.O. Box 2044, 1060 Manila.

KABANATA 13 – ANG MAKADIYOS NA PANGMALAS SA BUHAY

Ang Diyos na Jehova ay siyang lumikha sa atin (Apocalipsis/Pahayag 4:11). Siya man ay nagpatubo ng mga halaman at naglaan ng karne upang may makain tayo, at ang Diyos mismo ay naglaan ng damit para sa atin (Genesis 1:29, Genesis 3:21, Genesis 9:3). Kaya, utang natin sa Kanya ang buhay natin. Upang maipakita natin ang ating pagpapahalaga sa buhay na ibinigay Niya sa atin, kailangan po nating sundin ang utos ng Diyos kung ang pag-uusapan ay tungkol sa buhay ng iyong sarili at buhay ng iba.

Page 39: Commentary

Bukod sa pagsunod sa utos ng Diyos, nais ni Jehova na igalang po natin ang buhay ng ating sarili at maging ng ibang tao. Sa anong paraan? Unang-una, “huwag kayong papatay” (Exodo 20:13, Mateo 19:16-18). Kahit na siya ay napakasama, hindi siya dapat patayin. Bakit po? Hindi natutuwa ang Diyos na Jehova kapag namatay ang taong napakasama (Ezekiel 33:11, Ezekiel 18:32). At gusto ng Diyos na magbago ang taong iyon, gaya ng nangyari kay Zakeo (Lucas 19:1-10). Subalit napakaraming kaso ng pagpatay ang naglipana sa buong daigdig.

Ano po ang nagtutulak sa isang tao na makapatay? Poot sa kanyag kapwa (Santiago 1:20). Hindi naman po bawal ang magalit. Pero ang kinokondena ng Diyos na Jehova ay ang poot, o sobra-sobrang pagkagalit sa kapwa na nagtatagal, at nagtutulak sa tao na makapatay. Ang tunay na mga alagad ng Diyos ay inaalis ang galit at poot sa kanyang puso, at natututong ibigin ang isa’t (Efeso 4:26-27,Juan 15:12-14).

Maging ang isang di-pa naisisilang na sanggol ay mahalaga (Exodo 21:22-23, Awit 127:3). Kaya mali ang aborsyon. Ang ating buhay ay napakahalaga din, dahil iisa lamang ang ating buhay. Sa ngayon, marami sa atin ang inilalagay ang sariling buhay sa panganib dahil sa simpleng katuwaan lamang. O di kaya, dahil po sa sobrang depresyon ay nagpapakamatay na agad. Ang ganitong bagay ay hindi maganda sa paningin ng Diyos, dahil Siya mismo ay nagmamalasakit kahit sa mga taong nanlulumo (1 Pedro 5:7). At maging ang mga tapat na lingkod ng Diyos ay hindi inilalagay ang buhay sa panganib dahil pangkatuwaan ang kanilang ginagawa, gaya ng mga peligrosong stunts (Deuteronomio 22:8).

Maging ang buhay ng mga hayop ay mahalaga din. Pwedeng kumuha ng pagkain mula sa kanila, kahit pa baboy (dahil wala nang utos ng Diyos na nagsasabing bawal po tayong kumain ng karne ng baboy). Ang tanging kinokondena ng Diyos ay ang pagiging malupit sa mga hayop at pagpatay sa kanila nang walang matibay na dahilan. Maging ang dugo, na siyang buhay, ay napakahalaga din sa Diyos na Jehova. Pakibasa po ng pamagat na “Pagpapakita ng Paggalang sa Dugo” sa pahina 128-131.

Ang dugo ay buhay. Iyan ay pinatunayan ng Bibliya nang mamatay si Abel (Genesis 4:10). Matatandaang pinaslang po siya ni Cain. Sinabi po ng Diyos na Jehova, “Cain, nakapangingilabot ang ginawa mo. Sumisigaw mula sa akin [Diyos] ang dugo ng iyong kapatid [Abel], at humihingi ng paghihiganti.” . Ang dugo po ay buhay, di po ba? Kung ganoon, ang buhay ni Abel ay sumisigaw sa Diyos, na humihingi ng hustisya, dahil sa buhay na nasayang.

Dapat po bang gamitin ang dugo sa anumang paraan, kahit sa pagkain o sa medikal na paraan? Ang sabi ng Diyos kina Noah, “Ibinibigay ko sa inyo ang mga hayop at mga halamang luntian upang maging pagkain ninyo. Isang bagay lamang ang hindi ninyo makakain, ang karneng inalisan ng dugo na siyang sagisag ng buhay.” (Genesis 9:3-4). Taandaan po natin na iniutos Niya ito kay Noe at sa kanyang mga apo matapos ang malaking baha (Genesis 9:1). Dahil tayo po ay mga inapo ni Noe, ang utos na iyan ay kapit sa ating lahat.

Ang dugo ay sagrado at banal sa Diyos. Kaya, ang basta-basta paggamit ng dugo sa kahit anong paraan, at hindi ayon sa turo ng Bibliya ay nagpapakita ng kawalang-paggalang sa buhay ng iba at sa Diyos mismo. Bakit po? Dahil ang Diyos na Jehova ay Bukal ng Buhay (Awit 36:9). Kaya alam ng Diyos kung paano natin gagamitin ang dugo nang naaayon sa gusto at nais Niya. At hindi Siya natutuwa sa mga tao na gumagamit ng dugo sa kung anu-anong paraan.

Page 40: Commentary

Bawal bang gamitin ng isang Kristiyano ang dugo sa iba’t ibang paraan? Pakibasa po ng Gawa 15:20, 28, 29 at Gawa 21:25. Malinaw sa mga pahayag ng mga apostol na talagang bawal na gamitin ng isang Kristiyano ang dugo sa anumang paraan (Gawa 15:28-29). Ang dugo na napatuluan na ay dapat ibuhos sa lupa, na para bang ibinabalik natin ang buhay sa Diyos na Maylalang (Levitico 17:13-14).

Sagrado ang dugo, dahil ito ay mula sa Diyos mismo. Ito ang batayan kung bakit hindi kumakain ng dugo, at hindi nagpapasalin ng dugo ang mga Saksi ni Jehova, kahit umabot pa ang isyung ito sa korte o kahit sila ay mamatay dahil dito (Gawa 21:25). Bakit po? Pinanghahawakan po nila ang sinabi ni Jesus, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.”(Mateo 16:24-25).

Bukod po dito, kailangan bang labagin ang batas ng Diyos upang mabuhay? (1 Samuel 15:22) Isaisip po natin ang sinabi ng isang Pilipino, “Mas nanaisin ko pang mamatay nang may karangalan kaysa sa mabuhay sa kahihiyan”. Ito din ang lumalarawan sa mga Saksi: mas nanaisin nilang mamatay nang may karangalan mula sa Diyos, kaysa sa mabuhay sa kahihiyan, o mabuhay sa pagsisisi dahil nilabag nila ang utos ng Diyos (Ihambing ang Marcos 8:35-36). Kaya matatag ang desisyon ng mga Saksi ni Jehova na huwag kumain o magpasalin ng dugo sa anumang paraan.

Isa pa, mayroong ilang pasyente na nagpasalin ng dugo sa pag-asang gumaling. Kaso, namatay sila kahit nasalinan na ng dugo, gaya ng nangyari kay Francis Magalona. Mayroon din pong mga dugo na kontaminado pala ng iba’t ibang sakit gaya ng HIV at AIDS. Kaya matatag din ang mga Saksi sa paghahanap ng iba’t ibang paraan ng panggagamot na hindi na kailangan pang salinan ng dugo.

Para sa higit na impormasyon at iba pang bagay tungkol sa dugo, mangyaring pong humiling ng brosyur na “Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay?”, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. Ipadala po lamang ang kahilingan sa P.O. Box 2044, 1060 Manila.

Pakibasa po ng pamagat na “Ang Tanging Wastong Paggamit sa Dugo” sa pahina 131-133.

Ang tamang paraan ng paggamit sa dugo ng isang nilalang ay ibuhos ito sa lupa (Levitico 17:13-14). Kapag ibinuhos natin sa lupa ang dugo, na siyang buhay, para bang ibinabalik natin sa Diyos na Jehova ang buhay ng isang nilalang. Naniniwala ang mga Saksi na tanging ang dugo lamang ni Jesus ay nakapagliligtas-buhay. Sa anong paraan?

Napag-aralan po natin na tinubos tayo ni Jesus mula sa sala at kamatayan (Galacia 3:13). Siyempre pa, dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya, siya ay nalagutan ng hininga (Marcos 15:37). Ang halaga (ng dugo) na naiwala ni Jesus ay iniharap niya sa Diyos na Jehova. At ang halaga ng dugong ito ay ginamit ni Jehova upang tayo ay makalapit sa Kanya, makuha ang kapatawaran ng mga kasalanan, at buksan sa sinumang sumasampalataya (kay Jesus) ang buhay na walang-hanggan (Juan 3:16). Iyan ang halaga ng dugo ni Jesus na kanyang ibinuhos para sa pagkamit natin ng buhay na walang-hanggan (Hebreo 10:10, Hebreo 9:24, Roma 3:23-24).

Paano natin maipapakita ang paggalang sa buhay at dugo? Ipangaral po natin ang salita ng Diyos (Mateo 24:14). Sabihin natin sa kanila na ang mga huling araw ay matatapos, at ang Armagedon ay darating na. Saka magkakaroon ng payapa at tahimik na Paraiso (Mateo 24:43-44, Lucas 21:34-36, Daniel 2:44, Apocalipsis/Pahayag 20:1-10, Apocalipsis/Pahayag 21:3-4). Bakit kailangang ipangaral ang salita ng Diyos?

Page 41: Commentary

Kailangang babalaan ang mga tao na magbago at sumunod nang lubusan sa Diyos na Jehova. Sabi ni Jehova, “Manumbalik kayo...kayo’y pinatatawad ko na sa inyong kataksilan” (Jeremias 3:22). Kailangang ipakita po natin sa kanila na may paggalang tayo sa kanilang buhay at dugo. Kung hindi po natin ipangangaral ang Salita ng Diyos, maaari tayong magkasala sa dugo, ika nga, mananagot tayo sa Diyos dahil napuksa at nasayang ang buhay ng isang tao nang di niya alam (Ezekiel 3:18-19).

Nagawa na ito ni Pablo at ni Jesus (Gawa 20:26-27, Juan 17:6-8). Nailigtas nila ang buhay at dugo ng iilan na tumugon sa salita ng Diyos na Jehova. Kung kaya po nilang ipangaral ang Salita, kaya din po nating gawin iyan. Sa ganoong paraan maipapakita po natin na tayo ay nagmamalasakit sa kanilang buhay at dugo.

Pakibasa po ng Kabanata 14 – “Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya”.

KABANATA 14 – KUNG PAANO MAGIGING MALIGAYA ANG IYONG BUHAY PAMPAMILYA

Ang pamilya ang siyang pinakasaligang institusyon sa lipunan. Kung gayon, ang pag-ibig, pagkalinga, at pangangalaga sa bawat isa ay dapat pong magmula sa pamilya. Ano po ba ang dapat taglayin ng bawat miyembro ng pamilya upang sila ay maging kalugud-lugod sa Diyos na Jehova? Pakibasa po ng mga pamagat na “Nagmula sa Diyos ang Kaayusan ng Pamilya” at “Isang Huwaran para sa mga Asawang Lalaki” sa pahina 134-137.

Unang-una, upang magkaroon ng isang maayos na pamilya, kailangang mag-ibigan ang bawat miyembro ng pamilya sa isa’t isa. Bakit po? Sapagkat ang Diyos na Jehova ay pag-ibig (1 Juan 4:8).

Ano po ba ang dapat gampanan ng isang asawang lalaki sa kanyang pamilya? Una,dapat po niyang mahalin ang kanyang asawang babae gaya ng kanyang pagmamahal sa kanyang sarili (Colosas 3:19, Efeso 5:25, 1 Pedro 3:7). Ito po ay dahil sa ang babae at lalaki ay iisa na ang laman, gaya ng binanggit ni Jesus. (Mateo 19:6). Sa madaling salita, kapag minahal ng lalaki ang kanyang asawa, para na ring minahal niya ang kanyang sarili. Pakibasa po ng pamagat na “Isang Halimbawa para sa mga Asawang Babae” sa pahina 137-139.

At ano po ba ang dapat gawin ng asawang babae sa kanyang pamilya? Hindi niya dapat pangunahan ang asawang lalaki, kahit sila ay nagkakamali, dahil ang asawang lalaki ay siyang ulo ng pamilya (1 Pedro 3:1-3). Kaya nga, ang tawag sa isang ama ay “padre de pamilya”. Sa halip, kailangang magpakita ang asawang babae ng katahimikan at ang pagiging mahinahon (1 Pedro 3:4).

Kahit di niya ka-relihiyon ang kanyang asawa, kailangan din niyang igalang ang kanyang asawang lalaki, dahil siya’y ulo ng pamilya. Isa pa, hindi naman masama kung mag-suggest siya ng bagay na makabubuti sa pamilya, gaya ng nangyari kay Sara (Efeso 5:33, 1 Pedro 3:1,2, Genesis 21:9-12). Kailangang magpasakop ang asawang babae sa kanyang asawang lalaki, basta hindi ito salungat sa utos ng Diyos na Jehova (Tito 2:4, Gawa 5:29). Pakibasa din po ng Hebreo 13:4, Genesis 39:7-9, at Eclesiastes/Mangangaral 4:9-12.

Ano po ang pagtingin ng Diyos tungkol sa diborsyo? Pakibasa po ng Mateo 19:4-6, Mateo 19:10, at 1 Corinto 7:39.

Page 42: Commentary

At ano po ba ang tungkulin ng mga anak sa kanilang mga magulang? At ano po ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak? Pakibasa po ng mga pamagat na “Isang Sakdal na Halimbawa Para sa mga Magulang” at “Isang Huwaran para sa mga Bata” sa pahina 139-142.

Sabihin pa, kahit pagod na pagod siya sa pangangaral sa lahat ng tao, si Jesus po ay naglaan ng oras para sa mga bata. Naglaan din po siya ng panahon upang makasama ang kanyang pamilya (Mateo 19:13-15, Marcos 6:1-6). Kaya, kailangang maglaan ang mga magulang ng maraming oras para sa kanilang mga anak, upang magabayan sila nang maayos (1 Timoteo 5:8).

Napag-aralan na po natin ang lahat ng bagay na mangyayari sa mga huling araw (Mateo 24:3-14, 2 Timoteo 3:1-7). Lahat ng naninirahan sa lupa ay walang ligtas sa bagsik ng huling araw (Lucas 21:34-35). Kaya naman, upang ang mga anak ay maging ligtas sa kapahamakang hatid ng mga huling araw, kailangang alisto ang mga magulang laban sa mga bagay na makakapinsala sa buong pagkatao ng kanilang anak (1 Pedro 5:8, 2 Corinto 11:14).

Kailangan bang disiplinahin ang mga anak? Opo. Subalit, ang pagdidisiplina ay dapat sa tamang paraan (Jeremias 30:11, Jeremias 46:28). Hindi naman po kailangang sigawan o sapakin ang mga anak upang madisiplina sila. At dapat ipaintindi sa kanilang mga anak na para sa kanila ang pagdidisiplina. (Kawikaan 15:33, Kawikaan 6:23, Hebreo 12:5,11, Efeso 6:4, Colosas 3:21)

Sinusunod ni Jesus kung ano ang gusto ng kanyang Ama (Mateo 4:10). Subalit para sa kanya, hindi nagiging madali ang pagsunod sa kanyang Ama, lalo na’t kapag nasa ilalim siya ng isang pagsubok (Mateo 4:3-4). May matututunan po tayo dito sa ngayon. Kailangan nating sundin ang ating mga magulang (Efeso 6:1-3). Alam natin na tayo ay mahihirapan dito. Pero kung susundin natin ang ating mga magulang, mapapasaya pa natin ang ating mga magulang, at lalo na ang Diyos na Jehova (Kawikaan 27:11).

Paano naman po kapag ang utos ng magulang ay labag sa utos ng Diyos? Ikapit po natin ang sinasabi sa Gawa 5:28,29, “Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao”. Uunahin natin ang utos ng Diyos kaysa sa utos ng tao. Pakibasa po ng pamagat na “Ang Susi ng Kaligayahan sa Pamilya” sa pahina 143.

Sa madaling salita, ano po ba ang susi ng kaligayahan sa pamilya? Una, kailangang mahalin ng asawang lalaki ang kanyang asawang babae (Colosas 3:19, Efeso 5:25). Ikalawa, kailangang magpasakop ang asawang babae sa kanyang asawang lalaki (Efeso 5:22). Ikatlo, maglaan ng oras para sa mga anak (1 Timoteo 5:8, Deuteronomio 6:6-7). Ikaapat, tularan ng mga anak ang ginawa ni Jesus (Lucas 2:48-52). At ikalima, sundin ang utos ng magulang, basta’t hindi ito labag sa utos ng Diyos na Jehova (Colosas 3:20, Mateo 4:10).

Para sa higit pang impormasyon kung paano magkakaroon ng isang masayang pamilya, pakitingnan ang mga aklat na “Matuto Mula sa Dakilang Guro” at “Ang Mga Tanong ng Mga Kabataan – Mga Sagot na Lumulutas”. Humingi po ng mga kopyang iyan at ipadala ang kahilingan sa P.O. Box 2044, 1060 Manila.

Pakibasa po ng Kabanata 15 – “Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos” hanggang pahina 145.

KABANATA 15 – ANG PAGSAMBANG SINASANG-AYUNAN NG DIYOS

Page 43: Commentary

Bakit po kailangang alamin kung ano ang tunay na relihiyon? Una, maiiwasan natin ang mga problema na kaakibat na pagpili ng maling relihiyon, halimbawa, di-sinasadyang pagsali sa digmaan, bangayan, at karahasan. Ikalawa, aalamin natin kung tama ang relihiyon dahil gusto po nating mapasaya ang Diyos na Jehova (Kawikaan 27:11) At ikatlo, ang tunay na relihiyon ang tanging ligtas na kanlungan sa mga malulupit na pangyayari sa huling araw (Mateo 19:29).

Isa pa, ang tunay na relihiyon ay sinasang-ayunan ng Diyos. Sinabi ng Diyos na Jehova sa Kanyang Anak: “Ito ang aking Anak, ang minamahal, na aking sinang-ayunan.” (Mateo 3:17). Ibig sabihin nito na nang itayo po ni Jesus ang Kristiyanismo, ito ay sinusuportahan ng Diyos. Subalit ngayon, marami na pong relihiyon at sekta ang naglipana. Nakalilito ang alamin ang tunay na relihiyon, di ba?

Alin po ba ang mga batayan upang ang relihiyong iyan ay masabing tunay na relihiyon? Upang masabi na iyon po ay tunay na relihiyon, kailangang maipasa niya ang lahat ng criteria ng isang totoong pagsamba sa Diyos. Sa araling ito, tutulungan tayo ng Diyos, ni Jesus, ng kanyang mga alagad, at ng mga tao upang makilala natin ang tunay na relihiyon .

Bakit kailangang maipasa ang lahat ng criteria sa tunay na relihiyon? Kapag ang relihiyong iyan ay nakapasa sa lahat ng criteria, ibig sabihin, ito ang tunay na relihiyon na itinatag ni Jesus mismo. Upang ilarawan: Bakit kailangang maipasa ang lahat ng criteria sa tunay na pera? Kapag ang perang iyan ay nakapasa sa lahat ng criteria, ibig sabihin, ito ang tunay na pera na gawa ng BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas).

Sabihin pa, ang mga miyembro ng tunay na relihiyon ay tao din lamang. Sila paminsan-minsan ay nagkakamali, pero nagsisikap ang mga miyembro upang pasayahin ang Diyos na Jehova (Santiago 3:2, Kawikaan 19:11, Colosas 3:10-13). Nang itatag ni Jesus ang tunay na relihiyon sa lupa, ito ay binubuo ng mga alagad niya. Ang mga alagad kung minsan ay may mga kahinaan at pagkakamaling nagawa. Halimbawa, nag-away ang dalawang alagad, at itinatwa ni Pedro si Jesus (Mateo 20:20-23, Lucas 22:54-62). Pero nais ng mga alagad ni Jesus na pasayahin ang Diyos (Gawa 1-2).

Ibibigay namin sa inyo ang checklist na nasa ibaba. Paki-check po kung ang mga criteria na iyan ay nariyan sa nasabing relihiyon. Kapag ang relihiyong iyan ay nakakuha ng lahat ng check ( ̷), ang relihiyong iyan ay tunay. Ang mga criteria na iyan ay nasa ibaba.

RELIHIYON CRITERIA NO. 1 CRITERIA NO. 2 CRITERIA NO. 3 CRITERIA NO. 4Iglesia KatolikaIslamDenominasyong ProtestanteJA1, JIL, etc.Iglesia ni KristoSeventh-Day AdventistsJehovah’s WitnessesIba pang relihiyong di binanggit

Page 44: Commentary

RELIHIYON CRITERIA NO. 5 CRITERIA NO. 6 CRITERIA NO. 7 CRITERIA NO. 8Iglesia KatolikaIslamDenominasyong ProtestanteJA1, JIL, etc.Iglesia ni KristoSeventh-Day AdventistsJehovah’s WitnessesIba pang relihiyong di binanggit

CRITERIA NO. 1. Kailangang ibatay ng tunay na relihiyon ang lahat ng kanilang mga turo sa Bibliya. Ang salita ng Diyos na Jehova ay totoo, gaya ng sinabi ni Jesus (Juan 17:17). Ang tunay na relihiyon ay kumukuha ng kanilang paniniwala at gawain sa Bibliya lamang, at hindi sa kung anu-anong tradisyon o pamahiin ng tao. Bukod sa pagkakapit ng payo ng Bibliya sa relihiyon, kailangan ding suriin kung totoo ba ang mga turo ng Bibliya (Gawa 17:11).

Itinatag ni Jesus ang tunay na relihiyon. Bukod po dito, ibinase niya ang kanyang turo sa iilang talata ng Awit at ni Isaias (Awit 82:6, Lucas 4:17-19). Sa ngayon, kailangang ang turo at paniniwala ng tunay na relihiyon ay dapat nakabase sa Bibliya.

Meron po ba nito ang isang relihiyon? Kung meron, paki-check po ang relihiyon na merong ganitong criteria.

CRITERIA NO. 2. Ang Diyos na Jehova lamang ang siyang sinasamba. Dapat ipakilala ng tunay na relihiyon ang pangalan ng Diyos, kahit bigkasin ang pangalan Niya sa kanilang wika. Nang itatag ni Jesus ang Kristiyanismo sa Israel, hindi po niya nakakalimutan na bigkasin ang pangalan ng kanyang Ama (Lucas 4:17-21). Maging si Pablo ay ginamit din ang pangalan ng Diyos – JEHOVA (1 Tesalonica 5:2). Upang masabi na ang relihiyong iyon ay tunay, kailangang gamitin ng mga miyembro ang pangalan ng Diyos, bigkasin man nila ito sa anumang wika (Ihambing ang Juan 17:6). Maging sa King James Version ay mababasa ang Awit 83:18, kung saan makikita ang pangalan ng Diyos.

Bukod sa paggamit ng pangalan ng Diyos, kailangan din na ang tunay na relihiyon ay sumasamba sa Diyos lamang (Exodo 20:3-6, Deuteronomio 6:4). Kaugnay nito, hindi sila gumagamit ng anumang imahen (Isaias 42:8). Tatalakayin po natin mamaya kung bakit. Sa katunayan, sinabi ni Jesus na “ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at katotohanan”. Idiniin pa ni Jesus, “Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.” (Juan 4:23-24).

Page 45: Commentary

At paano po sasambahin ang Diyos “sa espiritu at katotohanan”? Kailangang manalig ang tunay na relihiyon na may Diyos, bagaman di po Siya nakikita (Hebreo 11:1-6). Ang pagsamba sa Diyos sa katotohanan o ayon sa Bibliya ay magpapalaya sa mga miyembro mula sa kasinungalingan ng sanlibutan (Juan 8:32).

Meron po ba nito ang isang relihiyon? Kung meron, paki-check po ang relihiyon na merong ganitong criteria.

CRITERIA NO. 3. Kailangang tunay ang pag-ibig ng mga miyembro sa isa’t isa. Sinabi ni Jesus: “Kung kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad ko.” (Juan 13:35). Ibig pong sabihin, makikilala ang tunay na relihiyon kung nagpapakita ng buong-pusong pagmamahal ang mga miyembro sa isa’t isa. Mahal nila ang kanilang kapwa kahit hindi nila kamag-anak, kaklase, o kababayan ang taong iyon. At bukod dito, ang tunay na relihiyon ay hindi gumaganti sa kaninuman, sapagkat naniniwala sila na may Diyos na gaganti sa lahat ng gawang masama (Roma 12:17-19). Ang tunay na relihiyon ay hindi gumagamit ng baril o anumang sandata, at lalo silang hindi makapapatay ng kapwa kahit sa anong paraan (Exodo 20:13, Lucas 10:27, Isaias 2:4).

Bukod sa hindi pagpatay sa kapwa, ang mga miyembro ng tunay na relihiyon ay nagdadamayan at nag-iibigan sa isa’t isa (1 Pedro 2:17, 1 Corinto 1:10, Awit 133:1-3, 1 Juan 4:11, 1 Pedro 2:17). Si Jesus ay nagpakita ng kanyang pagmamalasakit sa mga alagad, kaya pinayuhan niya ang kanyang mga alagad tungkol sa mga bagay na darating sa kanila. Pinatibay maging ni Jesus ang kanyang mga alagad (Juan 14-16). Ginagamit ng mga miyembro ng tunay na relihiyon ang kanilang pag-aari at talino upang palakasin at patibayin ang isa’t isa (Hebreo 10:24,25).

Dahil ang Diyos na Jehova ay pag-ibig, ang tunay na relihiyon ay dapat magpakita ng pag-ibig sa isa’t isa (1 Juan 4:8, 1 Tesalonica 5:14).

Meron po ba nito ang isang relihiyon? Kung meron, paki-check po ang relihiyon na merong ganitong criteria.

CRITERIA NO. 4. Tinatanggap ng tunay na relihiyon ang papel ni Jesus upang iligtas ang sanlibutan. Pinahahalagahan nila ang sakripisyo na ginawa ng Ama at ni Jesus para sa atin. Iniligtas ni Jesus ang sanlibutan mula sa kasalanan at kamatayan (Galacia 3:13). Ang halaga ng dugo na kanyang ibinuhos ay ginagamit na para sa ikapapatawad ng mga kasalanan at sa pagpunta natin sa buhay na walang-hanggan sa lupa (1 Timoteo 2:5-6, 1 Pedro 1:18-21).

Upang ang mga miyembro ng relihiyon ay makuha ang buhay na walang-hanggan sa lupa, kailangan nilang sumampalataya kay Jesus, ika nga, tularan ang kanyang ugali. Sabi nga sa Juan 3:16, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang-hanggan.” Pakibasa din po ng Juan 3:36 at 1 Pedro 2:21.

Meron po ba nito ang isang relihiyon? Kung meron, paki-check po ang relihiyon na merong ganitong criteria.

CRITERIA NO. 5. Ang tunay na relihiyon ay hindi nakikibahagi sa sanlibutan (Juan 17:16, Santiago 4:4, 1 Pedro 4:3-5). Ibig sabihin po nito, neutral sila pagdating sa pulitika. Ang tunay na relihiyon ay hindi bumoboto para sa partikular na kandidato, at hindi sila naghahangad ng mataas na posisyon sa pamahalaan. Ang tunay na relihiyon ay hindi nakikisawsaw sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pulitika (Bilang 25:1-9, 2 Corinto 6:14-17, Apocalipsis/Pahayag 18:4-5).

Page 46: Commentary

Maraming mga tao ang nagnanais na maging hari ng Israel si Jesus. Tinanggap ba niya ang pagiging hari? Hindi po. Sa katunayan, siya ay umalis at nagtago malapit sa lawa (Juan 6:10-15). Bakit hindi tinanggap ni Jesus ang alok ng taumbayan na siya’y magiging hari ng Israel? Una, dahil siya po ay tatawaging hari at kokoronahan sa langit (Isaias 9:6-7). Ikalawa, siya ay malapit sa kanyang Ama, at siya ay may posisyon sa kaharian ng Diyos. Ikatlo, ang kaharian ng taumbayan ay hindi kinokontrol ng Diyos (1 Juan 5:19).

Kahit neutral (walang pinapanigan) ang tunay na relihiyon pagdating sa pulitika, ang mga miyembro nito ay dapat sumunod sa batas (Marcos 12:17). Sabi pa ng Bibliya, “Ang bawat tao’y pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan...” (Roma 13:1-7). Kung ang batas ng tao ay labag sa batas ng Diyos na Jehova, dapat taglayin ng tunay na relihiyon ang ganitong paninindigan, “Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao.” (Gawa 5:28,29).

Meron po ba nito ang isang relihiyon? Kung meron, paki-check po ang relihiyon na merong ganitong criteria.

CRITERIA NO. 6. Inihahayag ng tunay na relihiyon na ang Kaharian ng Diyos ang siyang tanging pag-asa ng buong daigdig (Awit 146:5). Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos.” (Mateo 10:5-7). Kung ganoon, dapat ang tunay na relihiyon ay umasa sa Kaharian ng Diyos, sa halip na sa mga pamahalaan sa daigdig, upang lutasin ang lahat ng pagdurusa at problema ng buong mundo. Darating ang araw na dudurugin ng Diyos ang lahat ng pamahalaan sa lupa, at itatayo Niya ang Kanyang Kaharian. Hindi na ito matitinag o mawawasak pa kailanman (Daniel 2:44). Kapag naghari ang Kaharian ng Diyos, mas magiging madali na po para sa Diyos na ipatupad ang kanyang hiling na maging Paraiso ang buong mundo (Isaias 46:9-11, Isaias 55:11).

Ang tunay na relihiyon ay dapat magdasal para sa Kaharian ng Diyos. Maging si Jesus ay nanalangin, “mapasaamin nawa ang Kaharian mo...” (Mateo 6:10).

Meron po ba nito ang isang relihiyon? Kung meron, paki-check po ang relihiyon na merong ganitong criteria.

Sa aklat na ito, anim lamang ang criteria na nariyan. Pero, meron pang dagdag na criteria upang masabi po natin na iyan ay isang tunay na relihiyon.

CRITERIA NO. 7. Ang tunay na relihiyon ay dapat na nangangaral kahit saan, kahit kailan. Ang salitang “pangangaral” ay nagmula sa salitang-ugat na “pangaral”, na ang ibig sabihin ay magsalita para sa ikabubuti ng bawat tao. Ang relihiyon na itinatag ni Jesus noong unang panahon ay naaayon sa utos ng Diyos. Bilang isa na gumagawa ng matuwid sa paningin ng Diyos, nangaral si Jesus at ang kanyang mga alagad kahit saan sila magpunta (Mateo 9:35-10:15, Lucas 8:1).

Kahit si Jesus at ang kanyang mga alagad ay binatikos dahil sa pangangaral, patuloy sila sa pangangaral ng Salita ng Diyos (Marcos 6:1-6, Lucas 4:16-30). Maging si Pablo, na nabautismuhan sa tunay na relihiyon, ay walang-tigil na nangaral saanman siya magpunta. (Gawa 28:28-31). Nangaral si Pablo mula sa Jerusalem hanggang sa Roma, at balak pa niyang pumunta sa Espanya upang doon ay mangaral(Roma 15:22-29).

Upang maitatag ang tunay na relihiyon, kailangang mangaral si Jesus at ang kanyang mga alagad sa mga bahay-bahay. Sa madaling salita, nangaral po sila sa mga bahay-bahay.

Page 47: Commentary

Sa ngayon, ang tunay na relihiyon ay dapat nangangaral saanman sa buong mundo. Tinutularan nila ang gawain ni Jesus – na ipangaral ang salita ng Diyos sa buong mundo (Mateo 24:14). Kanina, natalakay po natin na sa mga huling araw, “ipangangaral sa buong sanlibutan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ito’y makilala ng lahat ng bansa.”. Ngayon, aling relihiyon ang nangangaral ng salita ng Diyos sa buong lupa? Marami po, di ba? Pero dapat ang tunay na relihiyon ay nagbabahay-bahay, gaya ng utos ni Jesus (Mateo 10:7).

Nagbabahay-bahay ang mga tunay na Kristiyano dahil alam nila na ang mga tao ay nauuhaw sa pakikinig sa mga salita ng Diyos na Jehova, ika nga, gusto ng mga tao na marinig ang Kanyang Salita (Amos 8:11, Mateo 9:36, 1 Timoteo 2:3-4).

Meron po ba nito ang isang relihiyon? Kung meron, paki-check po ang relihiyon na merong ganitong criteria.

CRITERIA NO. 8. Ang tunay na relihiyon ay dapat na pinag-uusig ng napakaraming tao sa halos lahat ng panig ng mundo. Sa unang 300 taon mula nang maitatag ang Kristiyanismo, nakaranas ng iba’t ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyon ang halos lahat ng mga Kristiyano. Una, si Jesus ay sinabihan na isang baliw na di dapat pakinggan, isang Samaritano, at isang demonyo (Juan 8:48, Juan 10:7-20). Marami nang naranasan si Jesus habang siya ay inuusig dahil sa kanyang pangangaral ng mabuting balita (Lucas 4:16-30).

Maging si Pedro at si Pablo, na mga tagapagtaguyod ng tunay na relihiyon, ay pinag-uusig din. Matatandaang si Pedro ay ipinakulong (Gawa 16:16-40), at si Pablo ay pinagtulungan ng mga tao, at dinala sa Roma upang litisin dahil sa kanyang pangangaral (Gawa 21:20-38, Gawa 22:22-23:10). Ayon sa kasaysayan, kasama ang mga tunay na Kristiyano sa mga naging biktima ng pagpapakain sa mga leon sa Colloseum. Merong iilang tunay na Kristiyano na pinaslang ng mga Romano upang pasayahin ang kanilang mga pekeng diyos.

Sa ngayon, marami sa mga miyembro ng tunay na relihiyon ay pinag-uusig at binabatikos sa halos lahat ng bansa gaya ng Singapore, Saudi Arabia, France, Amerika, Canada, at maging sa Pilipinas. Marami sa mga miyembro ng tunay na relihiyon ay pinatay, dinala sa korte, ipinakulong, at pinahirapan pa. Hindi pa rin nagbabago ang pambabatikos sa tunay na relihiyon, dahil kahit noong unang panahon nang isulat ang Bibliya, hanggang sa ngayon, si Satanas ang talagang lider ng sanlibutang ito (1 Juan 5:19).

Mula noon hanggang ngayon, ang mga tunay na Kristiyano ay dapat na pinag-uusig o pinag-iinitan ng maraming tao saanman sa mundo. Sabi pa sa Bibliya, “At lahat ng may nais na mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo ay daranas ng pag-uusig” (2 Timoteo 3:12). Ito po ay dahil laban si Satanas at ang kanyang sanlibutan sa maka-Diyos na paraan (Juan 15:18-19, 1 Pedro 5:8).

Ipinahiwatig ni Jesus kung ano ang mangyayari sa mga tunay na Kristiyano. Sinabi ni Jesus na ang mga tunay na Kristiyano ay pag-iinitan at pahihirapan ng mga taong hindi talaga sumasampalataya sa Diyos na Jehova (Mateo 10). Subalit sinabi po ni Jesus kung paano po makikilala ang mga tunay sa mga pekeng Kristiyano (Mateo 7:13-23). At ang tunay na relihiyon ay makakaalam na nariyan ang Diyos at si Jesus upang gabayan sila, kung paano ipinaramdam iyon ni Jesus sa kanyang mga tunay na alagad (Juan 16:33).

Page 48: Commentary

Maaaring pag-usigin at batikusin ang tunay na relihiyon sa buong lupa. Subalit, ang tunay na relihiyon ay pinatitibay ng Diyos laban sa mga bagay na makapipinsala sa kanila (Awit 34:7, Awit 91:2). At ang mga gumagawa ng matuwid sa paningin ng Diyos na Jehova ay makatatanggap ng buhay na walang hanggan

sa lupa (Awit 37:29, Santiago 1:12, 1 Juan 2:17).

Meron po ba nito ang isang relihiyon? Kung meron, paki-check po ang relihiyon na merong ganitong criteria.

Tatanungin ko po kayo: Alin sa mga relihiyon sa mundo ang nagkaroon ng lahat ng tsek? Aling relihiyon ang siyang nagkakapit ng turo nito mula sa Bibliya? Aling relihiyon ang sumasamba lamang sa Diyos at madalas gamitin ang pangalan Niya? Aling relihiyon ang nagpapakita ng tunay na pag-ibig sa isa’t isa at hindi po nakikialam sa pulitika? Aling relihiyon ang tumatanggap ng papel ni Jesus upang iligtas ang sanlibutan? Aling relihiyon ang naghahayag na ang Kaharian ng Diyos ang tatapos sa lahat ng pagdurusa sa mundo? Aling relihiyon ang madalas nangangaral sa mga bahay-bahay, at madalas pag-usigin at batikusin ng maraming tao? Kung ang relihiyong iyan ay nakakuha ng lahat ng 8 tsek sa 8 criteria, ito nga ang tunay na relihiyon.

Maitatanong po ninyo, “Bakit po magkakaroon ng mga pekeng Kristiyano?”. Kung makikita po natin ang pahina ng kasaysayan, sa unang 300 taon ng Kristiyanismo, marami sa mga tagasunod nito ang pinahirapan sa iba’t ibang paraan. Pero matapos ang 300 taon, bigla na lamang inalis ang pagpapahirap sa mga Kristiyano. Bakit po?

Inihayag ni Emperador Constantine na malaya na ang mga Kristiyano sa pagpapahirap. Subalit, kailangang ikompromiso, o isuko, ng Kristiyanismo ang kanyang paninindigan upang magkasundo sila ni Constantine, o ng Imperyong Romano. Nang isuko ng Kristiyanismo ang kanyang paninindigan para lamang mapasaya si Constantine, pumasok sa Kristiyanismo ang mga paganong turo at mga misteryosong paniniwala (Ihambing ang Gawa 20:29-30). Sila mismo sa kanilang sarili ang nagdesisyon kung paano sasambahin ang Diyos, sa halip na pakinggan ang Kaniyang utos (Roma 6:10, Marcos 7:6-7, 1 Timoteo 4:1, Zacarias 7:13).

Iba’t ibang tao ang sumubok na magtatag ng ibang relihiyon, dahil naniniwala sila na kailangang sambahin ang Diyos sa tamang paraan. Subalit iisang relihiyon lamang ang nakapagsauli ng tunay na pagsamba sa Diyos na Jehova. Iisang relihiyon lamang ang nakapagsauli ng Kristiyanismo na itinatag ni Jesus habang nasa lupa.

Ngayong nalaman ninyo na tunay o peke ang iyong relihiyon, ano po ba ang dapat gawin natin? Pakibasa po ng pamagat na “Ano Ang Gagawin Mo?” sa pahina 151-153.

Ngayong nalaman po ninyo na peke ang inyong relihiyon, mananatili ka ba sa relihiyong iyan o babaguhin mo ang iyong paniniwala? Tandaan po natin na ang desisyon na iyan ay nakatuon sa kung paano po natin sasambahin ang Diyos na Jehova. Malaya po tayong pumili kung babaguhin natin ang ating relihiyon o hindi. Subalit, kailangan po nating tanggapin ang magiging bunga ng ating desisyon (Galacia 6:7). Dahil ang pagsali natin sa ating relihiyon ay mangangahulugan ng buhay o kamatayan (Mateo 7:21-23, Mateo 25:14-30).

Hindi porke naniniwala tayo sa Diyos, ay ayos na. Maging si Satanas at ang mga demonyo ay naniniwalang may Diyos (Santiago 2:19). Pero alam po natin na ang ginagawa nila ay laging salungat sa utos ng

Page 49: Commentary

Diyos. Dito malinaw na upang makuha po natin ang ngiti at pagsang-ayon ng Diyos, kailangan nating sundin Siya at si Jesus nang walang pag-aatubili (Mateo 16:24-25).

Isa pa, kailangan po nating humiwalay mula sa mga pekeng relihiyon at tanggapin natin ang tunay na relihiyon. Bakit po? Sapagkat ang Diyos na Jehova ay banal at malinis (Isaias 6:3). Kung mahal natin ang Diyos, kailangan natin Siyang sambahin nang ayon po sa Kanyang kagustuhan (Isaias 42:8, Exodo 20:4-6). Kung gusto po nating sambahin ang Diyos na Jehova sa tamang paraan, kailangan po nating humiwalay sa mga pekeng pagsamba. Idinidiin ng Diyos ang Kanyang pagkalinga sa sinuman na gumagawa ng Kanyang kalooban at humihiwalay sa pekeng pagsamba (Apocalipsis/Pahayag 18:1-5).

May mga tao na magagalit po sa inyo dahil pinili po ninyo ang tunay na relihiyon. Subalit, kung kasama mo ang mga taong sumasamba sa Diyos, mas malaki ang makakamit mo kaysa sa pwedeng mawala sa inyo. Tutumbasan ng Diyos na Jehova ang anumang isinakripisyo mo alang-alang sa pagsamba sa Kanya (Malakias 3:10). Isinakripisyo ng mga alagad ni Jesus ang kanilang pamilya, yaman, ari-arian, at maging ang propesyon makasama lamang si Jesus (Mateo 19:24-29, Marcos 10:29-30). Binago nila ang kanilang relihiyon sa ikabubuti at naging mga unang Kristiyano. Dahil po dito, at sa pagsunod nila sa kalooban ng Diyos, nakaranas ang mga alagad ng walang-hanggang kaligayahan at bonding na hindi na mananakaw pa. Isa pa, ang mga alagad ay mabubuhay muli sa hinaharap(Juan 5:28,29, Juan 15:14-15).

Tayo po ay may pantanging gantimpala na matatanggap kapag binago po natin ang ating paniniwala sa ikabubuti. At habang maaga pa po, tanggapin na po natin ang katotohanan mula sa Diyos na Jehova, dahil ang “katotohanan ay magpapalaya sa inyo” (Juan 8:32).

Ano po ang “katotohanan” na tinutukoy ni Jesus sa Juan 8:32? Walang iba kundi ang tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga layunin (Efeso 4:13, Filipos 1:9, Colosas 1:9-10). Ang gayong kaalaman ay isang proteksyon para sa atin upang sambahin Siya nang maayos.

Sinisikap ni Satanas na iligaw tayo upang gawin ang mga bagay na di sinasang-ayunan ng Diyos (2 Corinto 11:14). Dinudumihan ni Satanas ang anyo ng pagsamba ng mga tao, gaya ng mababasa sa 1 Corinto 10:20. Hindi alam ng maraming tao na nadungisan na pala ang anyo ng kanilang pagsamba sa Diyos na Jehova.

Kung alam mo na may naglagay ng lason sa iyong tubig, iinumin mo ba ito? Hindi po, sa halip, kukuha ka ng malinis na tubig. Sa gayunding paraan, kung kukuha tayo ng kaalaman sa Salita ng Diyos, makikilala po natin ang tunay na relihiyon at tanggihan ang mga “dumi” na nagiging dahilan upang di-sang-ayunan ng Diyos ang ating pagsamba (2 Corinto 6:14-18).

Sa susunod na kabanata, tatalakayin na po natin kung ano po ba ang mga “dumi” o mga bagay na ayaw ng Diyos. Maaaring ang mga bagay na ayaw ng Diyos ay ginagawa natin. Pwede po natin itong ikagulat sa simula, subalit kung maiintindihan po natin kung bakit dapat iwasan ang iniiwasan ng Diyos, magkakaroon po tayo ng pagsamba na naaayon sa kagustuhan ng Diyos na Jehova (Awit 97:10, Deuteronomio 6:5). Sa paggawa nito, makikinabang ka at ang Diyos.

Pakibasa po ng Kabanata 16 – “Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba”.

KABANATA 16 – MANINDIGAN KA PARA SA TUNAY NA PAGSAMBA

Page 50: Commentary

Bakit po kailangang alamin natin kung malinis ba o hindi ang ating pagsamba sa Diyos? Gusto po ng Diyos na sambahin Siya nang naayon sa Kanyang kagustuhan (Exodo 20:5).

Paano po ba natin sasambahin ang Diyos ayon sa Kanyang kagustuhan? Una, kailangang umalis tayo sa anumang relihiyon na di nagtuturo ng katotohanan(Apocalipsis/Pahayag 18:2-5).Ikalawa, alamin po natin kung ano ang mga paraan ng pagsamba na di kaaya-aya sa Diyos na Jehova. At ikatlo, alisin po natin ang anumang bagay, tradisyon, pagdiriwang, at iba pang anyo ng pagsamba na di sang-ayon sa utos ng Diyos (Isaias 52:11). Bakit po? Sa paggawa po ng mga bagay na iyan, magiging malinis po tayo sa paningin ng Diyos na Jehova (Jeremias 51:45, 2 Corinto 6:17-18). At ang pagiging isang malinis sa isip, salita, gawa, at sa paraan po ng pagsamba ay katangap-tanggap po sa Diyos na Jehova (Isaias 1:13-17).

Bakit kailangan po nating manindigan para sa tunay na pagsamba? Noon, ang hain sa Diyos na Jehova ay katumbas ng pagsamba sa Kanya. Alam po natin na tinanggap ni Jehova ang hain ni Abel, pero hindi po ang kay Cain (Genesis 4:3-7). Bakit po? Sapagkat sinunod ni Abel ang utos ng Diyos, pero binasta-basta ni Cain ang kanyang hain. Para po kay Cain, basta may maibigay, kahit madumi, ay ayos lang.

Tanging ang malinis, buong-puso, at de-kalidad na pagsamba ang nagpapasaya sa Diyos na Jehova (Mateo 22:37, Colosas 3:23). Binasta-basta noon ng ilang Israelita ang paghahain ng ilang bagay sa Kanya. Dahil dito, nagalit ang Diyos, at bandang huli, hindi na Niya tinanggap ang hain ng ilang Israelita (Malakias 1:6-8). Karapat-dapat si Jehova sa pinakamalinis at de-kalidad na uri ng pagsamba (Kawikaan 3:9, Apocalipsis/Pahayag 4:11).

Ngayon, tatalakayin po natin ang mga bagay na may kinalaman sa pagsamba sa Diyos. Susubukan po natin kung ito po ba ay naaayon sa utos ng Bibliya o hindi (Gawa 17:11). Upang simulan ang pagtalakay, pakibasa po ng pamagat na “Mga Imahen at Pagsamba sa Mga Ninuno” sa pahina 155-156.

Meron na po ba kayong imahen sa inyong bahay? Baka ang imaheng iyan ay napakatagal na po sa inyo. Ito po ang ginagamit ninyo bilang paraan upang sambahin ang Diyos, di po ba? Subalit, bakit po ayaw ng Diyos na tayo po ay magdasal sa mga imahen na iyan, kahit iyon ay larawan ni Jesus o ni Maria?

Ganito po kasi iyon: nainip ang Israel sa pagdating ni Moises. Kaya, sa tulong din ni Aaron, gumawa po sila ng gintong guya (batang baka). Sinabi po ng mga Israelita na ang gintong bakang iyan ay siyang nagpalayas sa kanila sa Ehipto. At ang nagpalayas sa mga Israelita sa Ehipto ay ang Diyos mismo. Ika nga po, ang gintong bakang iyan ay ang Diyos na Jehova. Dahil po sa pagkakabit sa bakang ito sa Diyos, napaluhod po sila sa bakang iyan at sinamba nila. Natuwa po ba dito ang Diyos? Hindi po. (Exodo 32)

Kung paanong hindi po natuwa ang Diyos na ihambing Siya sa gintong baka noon, ganoon din po ang Kanyang damdamin sa ngayon. Ayaw po ni Jehova na ihambing Siya sa ganito at ganyang bagay (Isaias 42:8, Apocalipsis/Pahayag 19:10, 1 Corinto 10:14). Tandaan po natin na ang Diyos na Jehova ay “hindi nagbabago” (Malakias 3:6). Pakibasa din po ng 1 Corinto 10:14 at 1 Juan 5:21.

Sa kabanatang ito, susuriin po natin ang mga mahahalagang bagay na tinatanggap, ikinakatuwa, at ipinagdiriwang ng maraming tao sa ngayon. Subalit, kung pakasusuriin po natin ang mga bagay na iyan, ito po ay hindi ayon sa gusto at nais ng Diyos. Pakibasa po ng pamagat na “Pasko – Hindi Ipinagdiwang ng Sinaunang mga Kristiyano” sa pahina 156-157.

Page 51: Commentary

Marami po sa atin ang nagdiriwang ng Pasko, pero alam ninyo po ba na walang birthday parties ang mga sinaunang Kristiyano? Sa katunayan, hindi po totoo na sa araw ng Disyembre ipinanganak si Jesus!(Ezra 10:9-13). Malamang, alam po ng mga alagad ni Jesus ang tungkol sa kapangakan niya, pero hindi po nila inililista ang birthday ni Jesus. Kaya, sa ngayon, magiging imposible na po para sa atin na malaman kung kailan talaga ipinanganak si Jesus.

Subalit, bakit ipinagdiriwang pa rin hanggang ngayon ang kapangakan daw ni Jesus? Ayon sa kasaysayan, iniuutos ng Simbahan noong ikaapat na siglo A.D. (dito na nadungisan ang Kristiyanismo) na paghaluin ang turo ng Diyos at ni Jesus sa mga paganong paniniwala. Pero ang hinihinging paraan ng pagsamba sa Diyos ay ang “bukod tanging debosyon” lamang, wala nang iba (Exodo 20:5, Isaias 45:5-6). Kumbaga, ayaw po ng Diyos na paghaluin ang Kanyang utos sa turo ng paganismo.

Isa pa, ang mga tapat na kaibigan ng Diyos ay hindi po nagdiriwang ng kanilang kaarawan, kahit alam nila ang petsang iyon (Eclesiastes/Mangangaral 7:1-2). Sa tingin ninyo po ba, makikita po ba natin sa Bibliya na nagdiriwang ng kaarawan si Noe, Abraham, Moises, David, at maging si Jesus? Ang tanging pagdiriwang ng kaarawan na binanggit sa Bibliya ay yaong sa dalawang lider na hindi sumasamba kay Jehova. (Genesis 40:20-22; Mateo 14:6-11) Ipinagdiriwang din ang mga kaarawan bilang pagpaparangal sa mga bathalang pagano. Kaya, ang mga pagdiriwang ng kaarawan ay nauugnay sa paganismo at hindi sa Kristiyanismo.Sa katunayan, sinabi po ng The Catholic Encyclopedia, “makasalanan lamang...ang nagdiriwang ng kanilang kaarawan.”

Pakibasa po ng pamagat na “Ang Pinagmulan ng Pasko” sa pahina 157-159.

Saan po ba nagmula ang pagdiriwang ng Pasko? Sa tradisyong ito, ipinagdiwang ng mga paganong Aleman at mga Celtic ang araw ng pagdating ng winter solstice (o paghaba ng mga gabi). Bukod po dito, ang paganong pagdiriwang ng Saturnalia sa Disyembre ang siyang naging target sa petsa ng Pasko. At ang Romanong pagsamba kay Bacchus ay nagtatapos sa Disyembre 25. Nang ikompromiso ng Kristiyanismo ang mga paninindigan nito alang-alang sa Roma, saka nakapasok sa Kristiyanismo ang pagdiriwang ng Pasko. Sinabi po ng The World Book Encyclopedia na pinili ang Disyembre 25 dahil “ipinagdiriwang ito ng mga Romano bilang Kapistahan ni Saturn, na nagdiriwang sa kaarawan ng araw”.

Dahil sa pagano ang pinagmulan ng Pasko, ipinagbawal po ang pagdiriwang nito sa iilang lugar. Subalit, hanggang ngayon, ipinagdiwang pa rin ang Pasko gamit ang mga dekorasyon, palamuti, at Santa Claus. Nadagdagan ang mga kwento sa Kapaskuhan gaya ng lumilipad na sleigh ni Santa Claus. Ilan sa mga paganong tradisyon, gaya ng pagsasabit ng mga mistletoe, ivy, holly, at poinsettia ay isinama sa pagdiriwang ng Pasko. Malinaw po dito na ang Kristiyanismo ay nadungisan ng mga paganong pagdiriwang.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa paganong pinagmulan ng Pasko, pakibasa po ng magasin na Ang Bantayan, Disyembre 15, 1997, na pinamagatang “Pasko – Sekular na Kapistahan o Relihiyosong Banal na Araw?”.Pakibasa din po ng Apendise sa pahina 221-223.

Bakit mahalaga na malaman natin kung saan nagmula ang mga kapistahang iyan? Pakibasa po ng pamagat na “Talaga Bang Mahalaga Kung Saan Nagmula ang mga Kapistahan?” sa pahina 159-160.

Mahalaga na alamin natin kung saan nagmula ang mga pagdiriwang na ginagawa ng sanlibutan ngayon. Ilarawan po natin: binigyan po kayo ng isang libro. Napakaganda po ng pabalat, di ba? Pero, bakit kailangang suriin ang laman ng librong iyan? Baka ito po ay may mga eksena at larawan na di angkop sa mga bata.

Page 52: Commentary

Sa gayunding paraan, napakaganda ng pagdiriwang, di ba? Pero, bakit kailangang suriin ang pinagmulan ng pagdiriwang na iyan? Baka ito po ay nanggaling sa mga paganong tradisyon, at ito ay hindi nagpapasaya sa Diyos na Jehova. Nakalulungkot, mas pinahahalagahan ng mga tao ang pagsasaya tuwing Pasko, sa halip na suriin ang kalooban ng Diyos sa mga pagdiriwang na iyan.

Bakit nagdiriwang po kayo ng Pasko? Ito po ba ang pagkakataon upang magsama-sama ang inyong pamilya? Kung ganoon, pag-ibig sa pamilya ang nagpapahirap po sa inyo upang manindigan para sa tunay na pagsamba. Pero sinasabi ng Bibliya na dapat ilaan ang kanyang oras sa pamilya (1 Timoteo 5:8). Bagaman ang utos na iyan ay kapit sa ating mga magulang, ito din po ay kapit sa ating lahat. Bakit hindi po tayo maglaan ng maraming oras para sa ating pamilya?

Mahalaga na “tiyakin natin kung ano ang kaayaaya sa Panginoon” (Efeso 5:10). Ito po ay magpapalaya sa atin mula sa mga di-kinakailangang paggastos ng pera, magpapaginhawa sa ating buhay, at lalong magpapanatag sa ating kalooban (1 Corinto 6:11, Hebreo 5:14, 1 Juan 3:19, 20, 1 Pedro 3:16). Sabi pa ng Diyos na Jehova, “Huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi.” (Isaias 52:11).May dumi ang pagdiriwang ng Pasko at ng iba pang pagdiriwang, kaya hindi po nararapat na ipagdiwang ang mga ito.

Paano po ba tayo dapat kumilos nang ayon sa kalooban ng Diyos na Jehova? Pakibasa po ng mga pamagat na “Gumamit ng Kaunawaan sa Pakikitungo sa Iba” at “Kumusta Naman ang mga Miyembro ng Pamilya?” sa pahina 160-161.

Papaano kung ayaw mong makibahagi sa kapistahang iyan, dahil gusto mong pasayahin ang Diyos na Jehova? Maaari po itong ipagtaka ng iyong mga kaibigan o kamag-anak, pero dapat maging mataktika tayo. Ang sabi ng Bibliya: “Sikaping mawili sila sa pakikipag-usap sa inyo at pag-aralang mabuti kung paano tutugunin ang bawat isa.” (Colosas 4:6). Kung paanong ang asin ang nagbibigay lasa sa pagkain, ang pagiging mataktika ay nagbibigay-lasa sa mga salita na bibitawan natin. Opo, kailangang panindigan na di iyan kasiya-siya sa Diyos, pero di po tayo makasasakit ng damdamin ng iba. Maaari po kayong makipag-usap sa akin kung paano maging mataktika.

Pakibasa po ng pamagat na “Isagawa ang Tunay na Pagsamba” sa pahina 161-162.

Tunay nga po, upang mapasaya po natin ang Diyos, kailangan po natin Siyang sambahin sa tamang paraan. Ang tanging hinihingi sa atin ng Diyos na Jehova ay ang bukod-tanging debosyon (Exodo 20:5). Kasabay ng paggawa natin ng mga bagay na magpapasaya sa Diyos, kailangan po nating iwasan ang mga bagay na magpaparumi sa ating pagsamba sa Diyos na Jehova.

Kung hindi po tayo mag-iingat, baka makagawa po tayo ng mga bagay na ayaw ng Diyos sa atin. Halimbawa, nakuha ng mga unang Kristiyano ang tumpak na kaalaman sa Diyos, pero nagkasala dahil sa pagdiriwang ng mga kaugaliang relihiyoso na di-kaayaaya kay Jehova. Kaya, pinayuhan sila ni Pablo, “Pag-aralan ninyo kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon” (Efeso 5:10, Galacia 4:8-11).

Dapat tiyakin natin na tayo’y umiiwas sa mga relihiyosong kapistahan at iba pang kaugalian na lumalabag sa batas ng Diyos (1 Tesalonica 5:21, 1 Pedro 4:3). Idiniin ng Bibliya, “Mapaparam [o, lilipas] ang sanlibutan at lahat ng kinahuhumalingan nito [kagustuhan], ngunit ang sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.” (1 Juan 2:15-17)

Page 53: Commentary

Marami po sa atin ang nagtatanong kung bakit ganito ang daigdig, “Yahweh, ...hanggang kailan mo babayaang mamayani ang karahasan? Bakit ang ipinakikita mo sa akin ay pawang kasamaan at kahirapan?” (Habacuc 1:1-3). Ngayong alam mo na kahit paano ang katotohanan tungkol sa Diyos, bakit hindi po ninyo ibahagi sa iba ang katotohanan tungkol sa Diyos? Sa gayong paraan, matutulungan mo pa sila na sumamba nang tama sa Diyos, at pagpapalain ka kung maninindigan ka para sa tunay na pagsamba.

Marahil, gusto po ninyo na sambahin ang Diyos na Jehova sa tamang paraan. Kung gayon, dapat taglayin po natin ang pangmalas [nais at gusto] ng Diyos, hindi ang sa atin. Kailangan po nating suriin ang ating pagsamba upang makasigurado na hindi po ito narurumihan ng di maka-Diyos na gawain, o wala po tayong nakakalimutan na mahalagang bagay na dapat nating gawin (Santiago 1:26-27).

Matutulungan ka ng tunay na relihiyon upang manindigan para sa tunay na pagsamba at itakwil ang mga pagdiriwang at mga bagay na di-kasiya-siya sa Diyos na Jehova. Ang pakikisama sa tunay na relihiyon ay higit na magpapalapit sa iyo sa Diyos. Para sa higit pang kaalaman kung paano po natin sasambahin ang Diyos nang ayon sa Kanyang gusto, sumulat lamang po sa mga Saksi ni Jehova sa P.O. Box 2044, 1060 Manila.

Bahagi ng ating pagsamba sa Diyos ay ang panalangin. Subalit, paano po tayo dapat manalangin nang wasto? Pakibasa po ng Kabanata 17 – “Maging Malapit sa Diyos sa Panalangin” at ang pamagat na “Bakit Tayo Dapat Manalangin Kay Jehova?” hanggang pahina 166.

KABANATA 17 – MAGING MALAPIT SA DIYOS SA PANALANGIN

Tayo, sa katunayan, ay mga butil lamang ng buhangin sa kalawakan. Subalit, gaanuman po tayo kaliit, mahalaga po tayo sa paningin ng Diyos na Jehova. Binigyan pa Niya tayo ng pagkakataon na makausap Siya kahit sa iilang saglit lamang (Awit 73:28, Awit 145:18, Isaias 1:18).

Ang tanong, bakit po tayo dapat manalangin sa Diyos lamang? Una, binigyan po Niya tayo ng pagkakataon na makausap Siya(Awit 145:18). At hinihikayat po niya ang lahat ng tao na manalangin sa Kanya (Filipos 4:6-7, Awit 55:22). Tao lamang ang may kakayahan na gawin ang panalangin, pero ang iba pang mga nilalang na gaya ng halaman at hayop ay hindi po kayang manalangin. Ikalawa, sa panalangin, nagiging matibay ang ating ugnayan sa Diyos na Jehova. Kapag araw-araw po tayong nanalangin sa Diyos, unti-unti tayong napapalapit sa Kanya (Santiago 4:8, Awit 62:8).

Isip-isipin: Ang Diyos na Jehova ang pinakamakapangyarihan sa lahat (Apocalipsis/Pahayag 19:6). Pero binibigyan po Niya tayo ng oportunidad na maging malapit sa Kanya! Gaya po ni Jesus. Naging matibay po ang kanyang ugnayan sa kanyang Ama nang dahil sa panalangin. Kahit sa pribadong lugar man o sa harap ng maraming tao, hindi nag-atubili si Jesus na gamitin ang panalangin upang mapalapit po siya sa kanyang Ama (Marcos 6:45-46, Juan 12:23-30). Ito po ang naging susi upang malampasan ni Jesus ang lahat ng pagsubok sa kanyang buhay, gaya ng pambabatikos at ang pagpatay sa kanya(Lucas 4:16-30, Juan 19:1-7, Marcos 15:22-39).

Bakit dapat po tayong manalangin, kahit alam ng Diyos kung ano ang kailangan natin sa Kanya? (Mateo 6:8, Awit 139:4) Ipinapakita natin na tayo ay may pananalig sa Diyos na Jehova (Santiago 1:17, Hebreo 11:6, 1 Juan 5:14). Natutuwa ang Diyos na marinig ang ating pasasalamat at papuri (Kawikaan 15:8, Awit 119:108).

Page 54: Commentary

Maitatanong po natin, “Ano po ba ang dapat naming gawin upang mapakinggan ng Diyos ang aming mga panalangin?”. Pakibasa po ng pamagat na “Anong Mga Kahilingan Ang Dapat Nating Maabot?” sa pahina 166-167.

Merong mga panalangin na nahaharangan, at kalaunan ay hindi na pinakikinggan ng Diyos (Panaghoy 3:44, Kawikaan 28:9). Upang marinig ng Diyos na Jehova ang ating mga panalangin, una, manampalataya tayo sa Kanya (Awit 65:1-2, Hebreo 11:1-6). Ano po ba ang silbi ng panalangin natin kung hindi po tayo mananalig sa Kanya? Ikalawa, ang ating pananampalataya ay dapat lapatan ng gawa. Ang ating pananampalataya ay hindi po lamang sa salita kundi sa gawa (Santiago 2:26). Manalig po tayo sa Kanya pero dapat sundin natin ang Kanyang utos (Kawikaan 3:5, Lucas 10:27).

Ikatlo, kapag nagdadasal, kailangan po nating maging mapagkumbaba (2 Hari 22:19, Awit 51:17, 1 Pedro 5:5-6). Pinagpapala ng Diyos na Jehova ang mga taong mapagkumababa (Kawikaan 16:5). Ito rin ang dahilan kung bakit ang Diyos ay natutuwa sa isang maniningil ng buwis, pero hindi po sa isang Pariseo (Lucas 18:9-14, Santiago 4:6). Isa pa, kapag tayo po ay naging mapagkumbaba, kinikilala po natin ang awtoridad at karapatang mamahala ni Jehova bilang Diyos at wala nang iba pa (Apocalipsis/Pahayag 19:6).

Panghuli, kumilos nang naaayon sa panalangin. Ilarawan po natin: Ibinuhos mo ang iyong problema sa kaibigan mo. Humiling ka sa kanya na ikaw ay tulungan. Kapag ganoon ang ginawa, hihiga ka na lang ba at wala kang gagawin? Siyempre, hindi po. Ikaw at ang iyong kaibigan ay dapat magtulungan upang malutas ang problema mo. Sa ganoon ding paraan, kailangang tulungan mo ang iyong sarili at ang Diyos, at tutulungan ka Niya (Mateo 6:33).

Mahalaga na manalangin nang tama, at magdasal lamang sa Diyos sa pangalan ni Jesus. Bakit po? Sapagkat ang pagdadasal ay isang anyo ng pagsamba. Halimbawa, nanalangin ang ilan kay Baalna isang pekeng Diyos (1 Hari 18:24-29). Dito malinaw na sinasamba nila si Baal. Kung gayon, kung pinatutungkol natin ang panalangin sa mga santo o kay Maria, di ba’t sinasamba natin sila? Hahantong po ito sa paglabag sa unang utos ng Diyos, “Walang ibang diyos maliban sa akin” (Exodo 20:4-5).

Meron po ba kayong ilang katanungan kung paano po manalangin nang tama? Pakibasa po ng pamagat na “Pagsagot sa Ilang Katanungan Hinggil sa Panalangin” sa pahina 167-170.

Ngayong nasagot na po ang inyong katanungan, may maitatanong po kayo, “Kung naririnig ng Diyos na Jehova ang aking panalangin, paano po Niya iyon sinasagot?”. Pakibasa po ng pamagat na “Kung Paano Sinasagot ng Diyos ang Ating mga Panalangin” sa pahina 170-173.

Tunay nga, kung kaya ng Diyos na dinggin ang panalangin ng kanyang mga lingkod, kaya din Niyang dinggin ang maraming panalangin natin ngayon. Nagpapadala siya ng mga karapat-dapat na mga nilalang upang tulungan tayo – mga anghel, mga tunay na Kristiyano, banal na espiritu, Bibliya (Roma 15:4), at maging ang mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova.

May mga ilang panalangin na naantala, pero huwag pong mabahala, dahil iyan po ay sasagutin ng Diyos sa tamang panahon. Kasi naman, may panahon pa upang gawin o hindi tuparin agad ang gayong mga bagay (Eclesiastes/Mangangaral 3:1). Makakapagpasalamat pa tayo sa Diyos na Jehova sa isang magandang regalo na bigay Niya sa atin – ang panalangin. Samantalahin po natin ang pribelihiyo na maging malapit sa Kanya, upang magkaroon tayo ng buhay na walang-hanggan sa Paraisong lupa (Juan 17:3, Ezekiel 34:28, Awit 4:8)

Page 55: Commentary

Paano po tayo lalong mapapalapit sa Diyos? Pakibasa po ng Kabanata 18 – “Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos” hanggang pahina 175.

KABANATA 18 – ANG BAUTISMO AT ANG IYONG KAUGNAYAN SA DIYOS

Ngayong alam mo na kahit papaano ang katotohanan ukol sa Diyos na Jehova, malamang, gagawa po kayo ng paraan upang paglingkuran Siya. Subalit, paano po ninyo maipapakita na nais po ninyong paglingkuran ang Diyos na Jehova? Sa pamamagitan po ng bautismo (Mateo 28:19). Gaya ni Jesus. Nais niyang paglingkuran ang kanyang Ama, kaya nagpabautismo siya, at saka naglingkod siya nang lubusan sa Diyos (Lucas 3:21-22).

Ang tanong, “Bakit po kailangang magpabautismo ang isang tao?”. Kasi, isinasagisag, o sinasabi niya na handa na po niyang gawin ang kalooban ng Diyos. Kung mahal ng isang tao ang Diyos, dapat po siyang magpabautismo. Pansinin, dahil sa mahal ng Etiopeng opisyal ang Diyos, nagpabautismo siya, kahit para bang may pumipigil sa kanya na magpabautismo (Gawa 8:36).

Magkapareha po ba ang bautismo at binyag? Hindi po. Bakit? Sa bautismo, talagang inilulubog ang mga kandidato sa gayong seremonya. May prosesong pinagdadaanan ang bautismo, pero sulit naman ang gayong pagsisikap. Anu-ano po ba ang mga prosesong kailangang pagdaanan ng isang tulad mo bago bautismuhan bilang isa na sinang-ayunan ng Diyos? Pakibasa po ng pamagat na “Kailangan ang Kaalaman at Pananampalataya” sa pahina 176-177.

Upang tayo’y mabautismuhan at nang sa gayon ay matamo ang lingap ng Diyos, kailangan po nating kumuha ng kaalaman at manalig kay Jehova. Dapat alam po natin ang mga saligang katotohanan na iniharap ng Bibliya. Isa pa, dapat po nating suriin kung totoo ba ang mga bagay-bagay (Gawa 17:11). Manalig po tayo sa Diyos na Jehova, dahil kahit Siya’y hindi nakikita, talagang nagmamalasakit Siya sa atin (Juan 1:18, Hebreo 11:1, 1 Pedro 5:7). Pansinin din po: Nang malaman ng Etiopeng opisyal ang tungkol sa mga gawa ng Diyos na Jehova, nagsimula siyang manalig sa Kanya (Gawa 8:26-39).

At saka, hindi po sapat na basta alam ang katotohanan, ay okay na upang magpabautismo. Kailangan po nating gawin ang kalooban ng Diyos na Jehova. Maipapakita po natin ito sa gawa. Para sa higit pang impormasyon kung paano po gagawin ang kalooban ng Diyos, pakibasa po ng Kabanata 12 ng “Ano Ba Talaga Ang Itinuturo ng Bibliya?”, at ang aklat na “Manatili sa Pag-ibig ng Diyos”. Pakisuyong makipag-usap sa mga Saksi ni Jehova para sa higit pang mga detalye.

Pakibasa po ng pamagat na “Pagbabahagi sa Iba ng Katotohanan sa Bibliya” sa pahina 177-178.

Isa sa mga bagay na dapat gawin upang ikaw ay mabautismuhan ay ang ibahagi ang iyong nalalaman sa iba. Hayaan mong ibahagi sa iba ang katotohanan, kahit ikaw ay batikusin nila. Mas mahalaga na mapasaya mo ang Diyos dahil ibinahagi mo ang iyong kaalaman sa iba (Mateo 25:19-23, Gawa 5:40-42).

Pakibasa po ng pamagat na “Pagsisisi at Pagkakumberte” sa pahina 178.

Kailangan din na tayo po ay magsisi at baguhin ang ating mga sarili (Jeremias 3:22). Bakit po? Dahil ang Diyos ay banal at malinis (Isaias 6:3). Iniibig ng Diyos ang taong malinis (2 Corinto 6:17-18, 2 Timoteo 2:22). Kaya, upang maging karapat-dapat po tayo sa bautismo, kailangan po nating pagsisihan ang lahat ng ating mga

Page 56: Commentary

nagawang kasalanan (Job 42:6). Makatutulong po ang ating panalangin upang masabi po natin ang ating pagnanasa na magbagong-buhay.

Hindi ikinatutuwa ng Diyos na makita na ang mga tao ay nagsisi kunwari, gayung sila ay patuloy sa paggwa ng masama (Jeremias 3:10, Panaghoy 3:40,41). Kasi naman, sinusuri po Niya ang ating puso (1 Cronica 29:17, 1 Cronica 28:9). Kaya hindi po natin maloloko ang Diyos na Jehova kapag tayo ay nagsisi sa ating mga kasalanan. Pakibasa po ng pamagat na “Pag-aalay ng Iyong Sarili” sa pahina 178-179.

Panghuli, sa bautismo, kailangan po nating ialay ang ating sarili sa Diyos na Jehova (Mateo 16:24). Bakit po? Di ba’t gusto po natin na paglingkuran ang Diyos nang ayon sa Kanyang kalooban? Kahit mahirap ang paglingkuran ang Diyos, gagawin din natin? Kaya nagkaroon ng bautismo upang ipakita sa madla na handa tayong paglingkuran ang Diyos. At sisiguraduhin natin na walang personal na hilig ang hahadlang sa atin na paglingkuran Siya. Sinabi ni Jesus na kailangang limutin ng sinuman ang kanyang sarili, o kanyang mga ambisyon, kung ito’y nakahahadlang sa pagsunod sa Diyos na Jehova.

Ang bautismo ay para lamang sa iyong sarili at sa Diyos: ginawa mo ang bautismo dahil gusto mong maglingkod sa Diyos at makuha ang buhay na walang-hanggan sa lupa.

Pakibasa po ng pamagat na “Daigin ang Takot na Mabigo” sa pahina 179-181.

Makabubuting itanong po natin sa ating mga sarili, “Ano ba ang nakahahadlang sa akin upang magpabautismo?” Ito po ba ay dahil sa pag-uusig at pambabatikos ng iyong pamilya? Kahit ang mga alagad ni Jesus ay iniwan ang kanilang mga pamilya, pero pinili po nila na paglingkuran si Jesus (Mateo 19:27-29).

At kung gusto po ninyong paglingkuran ang Diyos na Jehova, bakit po kayo matatakot na magpabautismo at ialay ang iyong sarili? Tutulungan ka ng Diyos na matupad mo kung ano po ang utos Niya. Unti-unti ka Niyang tutulungan na sundin Siya, at hinding-hindi ka niya iiwan (Deuteronomio 30:11-14, 1 Corinto 10:13, 2 Corinto 4:7, Filipos 4:13, Deuteronomio 31:8). Kaya, makakaasa po kayo na kapag ikaw ay nabautismuhan, ikaw ay aalalayan Niya.

Pakibasa po ng mga pamagat na “Sagisagan ang Iyong Pag-Aalay sa Pamamagitan ng Pagpapabautismo” at “Ang Kahulugan ng Iyong Bautismo” sa pahina 181-183.

Kung handa na po kayong gawin ang kalooban ng Diyos at magpabautismo, pwede po ninyo akong tawagan o kausapin, o ipadala ang inyong kahilingan na magpabautismo sa P.O. Box 2044, 1060 Manila. Asahan po ninyo na kayo’y aming tutulungan.

Sa bautismo, ipinapakita mo sa lahat na nag-alay ka na sa Diyos, handa ka nang gawin ang kalooban Niya, at isa ka nang Saksi ni Jehova. At tandaan po natin na hindi po kayo nag-alay sa sinumang tao, aktibidad, kompanya, o sa anumang organisasyon – kundi sa Diyos lamang. Pagkatapos ng bautismo, doon po magsisimula ang mga karapatan at tungkulin na iyong makukuha – ang iyong tungkulin na ihayag ang Salita ng Diyos kahit anong mangyari (Mateo 24:14, Mateo 10:7), at ang karapatan sa pagsang-ayon ng Diyos at karapatan sa buhay na walang hanggan.

Hindi pa po sapat ang mabautismuhan at maging isang Saksi upang makuha ang pagsang-ayon ng Diyos at buhay na walang-hanggan. Ang bautismo ay pasimula lamang ng ating paglilingkod sa Diyos na Jehova. Sinasabi pa ng Bibliya, “panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos, habang hinihintay ninyo ang awa ng

Page 57: Commentary

ating Panginoong Jesu-Kristo tungo sa buhay na walang-hanggan.” (Judas 21). Ang salitang panatilihin ang inyong sarili ay nangangahulugan na tayo ay mayroong dapat gawin upang makuha ang dalawang nabanggit. Paano po natin pananatilihin angating sarili sa pag-ibig ng Diyos? Tatalakayin po natin iyan sa huling kabanata ng aklat na ito.

Pakibasa po ng Kabanata 19 – “Manatili sa Pag-ibig ng Diyos” hanggang pahina 185.

KABANATA 19 – MANATILI SA PAG-IBIG NG DIYOS

Kanina, natalakay na po sa Kabanata 9 kung ano po ba ang mga tanda ng huling araw (Mateo 24:7-14). Ngayong nakita natin na totoo ang lahat ng mga ito, saan ka kakanlong? Mabagyo ang mga pangyayari sa ngayon. Habang tumatagal ang mga pangyayari, lalong lumalala ang mga nagaganap sa daigdig na ito. Subalit, naglaan ang Diyos ng mga bagay na magpoprotekta sa atin. Pinoprotektahan tayo ng Diyos na Jehova sa mga bagay na makapipinsala sa ating espiritwal, at maging sa pisikal na pagkatao natin. Ano po ba ang dapat nating gawin upang patuloy nating makuha ang lingap at pag-ibig mula sa Diyos?

Kanina, tinalakay natin na kailangang panatilihin ang sarili sa pag-ibig ng Diyos. Sa kabanatang ito, ilalaan namin ang lahat ng kailangan po nating gawin upang suklian ang pag-ibig ng Diyos na Jehova sa atin. Ngayon, pakibasa po ng pamagat na “Pagkilala at Pagtugon sa Pag-ibig ng Diyos” sa pahina 185-187.

Ilang beses nang ipinakita ng Diyos na Jehova ang Kanyang pag-ibig sa atin. Una, nilikha Niya ang lahat ng bagay (Genesis 1). Ikalawa, naglaan siya ng Bibliya na siyang gabay natin sa buhay (2 Timoteo 3:16). Ikatlo, ibinigay Niya ang Kanyang Anak na si Jesus bilang pantubos para sa atin (Galacia 3:13, Mateo 20:28). Ikaapat, itatatag Niya ang Kanyang Kaharian na di mawawasak kailanman, at gagawa Siya ng paraan upang mawala ang pagdurusa nating lahat (Daniel 2:44, Apocalipsis/Pahayag 21:3-4). Binigyan po Niya tayo ng paraan upang makapasok sa Kaharian na iyan (Juan 3:16, Juan 17:3, Awit 37:29, 1 Juan 2:17). Sa dami ng mga regalo na ibinigay ng Diyos sa atin, hindi po nakapagtataka na kailangan nating sundin ang Kanyang kalooban.

Bakit kailangan po nating sundin ang Diyos na Jehova? Sapagkat ang “Diyos ay pag-ibig” (1 Juan 4:8). Mahal Niya tayo, kaya naglaan po Siya ng mga utos para sa ating kabutihan. Marunong ang Diyos at alam niya kung ano ang pinakamabuti para sa atin.

Ngayong alam ninyo kung gaano po kalaki ang pag-ibig ng Diyos sa atin, makakaramdam tayo ng pag-ibig sa Kanya (Juan 3:16). Paano po ba natin ipapakita ang ating pagmamahal sa Diyos na Jehova? Hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Upang ilarawan: Ramdam niya na mahal niya ang babaeng iyon. Paano niya ipaparamdam iyon sa dalaga? Kailangan po niyang ligawan ang babaeng iyon at gawin ang lahat upang maging masaya ang dalagang iyan. Sa ganoon din pong paraan, kailangan nating gawin ang kalooban ng Diyos upang masabi natin sa Kanya na mahal po natin Siya.

Nakalulungkot, iilan lamang sa bilyun-bilyong tao sa daigdig ang nakatutugon sa pag-ibig ng Diyos. Marami ang nagwawalang-bahala sa mga batas ng Diyos at ni hindi nila pinapansin ang kanilang konsiyensya, hanggang sa mawalan na ito ng pakiramdam (Roma 2:14-15, 1 Timoteo 4:1-2). Mayroong ilan na dati ay sumusunod, subalit ngayon ay nilalabag ang Kanyang utos (Roma 1:24-32, Efeso 4:17-19).

Page 58: Commentary

Paano po natin susundin si Jehova? Pakibasa po ng pamagat na “Maging Lalong Malapit Kay Jehova” sa pahina 187-189.

Kailangang palaguin ang pera upang masiguro na hindi po ito agad mauubos. Kailangang i-invest ang pera sa kahit anong paraan. Gayundin, kailangang kumuha pa tayo ng higit pang kaalaman sa Diyos upang masiguro ang pag-ibig natin sa Kanya (Ihambing ang Isaias 11:9). Tandaan po natin na ang pagkuha ng kaalaman at ang pagsasagawa nito ay tutulak sa atin sa buhay na walang hanggan! (Juan 17:3, Juan 3:36). Ito din po ang lalong magpapalapit sa atin sa Diyos (Santiago 4:8). Ang pagbabasa ng aklat na “Ano Ba Talaga Ang Itinuturo ng Bibliya?” , kasama na ang mga publikasyon na nakabase sa Bibliya, maging ang komentaryong ito, at ang paggawa ng kalooban Niya ang tutulong po sa inyo upang mapalago ang pag-ibig sa Kanya. Kailangang palaguin ang pag-ibig sa Kanya upang manatili sa pag-ibig ng Diyos.Pakibasa po ng pamagat na “Makasumpong ng Kagalakan sa Iyong Pagsamba” sa pahina 189-192.

Sa pananatili po natin sa pag-ibig sa Diyos, kailangan nating ibahagi ang ating nalalaman dito sa mga tao. Bakit po? Kasi, kailangang malaman ng maraming tao sa buong mundo ang katotohanan tungkol sa Diyos. Kailangang madaliin na ang pangangaral ng salita ni Jehova, dahil alam na po natin na malapit nang matapos ang mga huling araw (Zefanias/Sofonias 1:14). Kailangang babalaan po ang mga tao! Kailangan po nilang gumawa ng paraan upang sila ay makaligtas sa pagtatapos ng huling araw at pagsasauli ng makalupang Paraiso (Apocalipsis/Pahayag 16:14,16, Pahayag 21:3-5). Sabi pa po ng Bibliya, “mabilis na dumarating ang wakas – hindi ito maliliban.” (Habacuc 2:3). Pakibasa din po ng Apocalipsis/Pahayag 20:5-10.

Lalo po tayong mapapalapit sa Diyos na Jehova kung makikisama po tayo sa tunay na relihiyon (Josue 24:15). Sa mga miyembro po nito makikita natin kung paano po natin sasambahin ang Diyos sa wastong paraan (Juan 4:23-24). Ang tunay na relihiyon po ay makakakuha ng 8 tsek sa walong criteria na inilatag ng Bibliya, di po ba? (Pakitingnan po ang Kabanata 15.) Kaya, sikapin po natin na makisama sa kanila. Sa gayung paraan, mararamdaman natin na pinupuri at sinasamba natin talaga ang Diyos. At tutulungan po kayo ng tunay na relihiyon na abutin ang tunay na buhay. Ano kaya ang tunay na buhay? Pakibasa po ng pamagat na “Abutin ang “Tunay na Buhay”” sa pahina 192-193.

Gusto po ng Diyos na abutin po natin ang tunay na buhay (1 Timoteo 6:12, 1 Timoteo 6:19). Subalit, ano po ba ang tunay na buhay? Ito po ang buhay na malusog, masigla, at puno ng pag-asa. At ang buong mundo po natin ay magiging Paraiso sa lupa (Daniel 2:44, Apocalipsis/Pahayag 21:1). Natalakay po natin sa pahina 4-5 na mangyayari ang ipinangako ng Diyos na Jehova sa atin. Opo, mangyayari ang lahat ng ito! (Tito 1:2) Magiging Paraiso ang lupa, at wala nang pagdurusa, pighati, o anupamang malungkot ang maghahari sa buong sanlibutan kailanman (2 Pedro 3:13, Apocalipsis/Pahayag 21:3-4).

Ano po kaya ang gagawin natin kapag nakuha natin ang buhay na walang-hanggan? Halos di natin maisip kung gaano po tayo kasaya, at tayo man ay pwedeng makibahagi dito. Sa hinaharap, makakayang higitan ng mga perpektong tao ang lahat ng mga imbensyon sa ngayon! Sa bagay, lahat po ng tao ay magiging perpekto, at walang limitasyon ang kanilang panahon. Ang bawat gawa ng sangkatauhan ay magpapasaya nang higit sa puso ng ating mapagmahal na Ama, ang Diyos na Jehova.

Ang buhay na walang hanggan sa lupa ay hindi magiging nakakasawa. Iyon po ay lalo at lalong magiging exciting sa paglipas ng panahon, dahil wala namang katapusan ang kaalaman ng Diyos (Roma 11:33). Sa panahong walang hanggan sa lupa, meron pang matututuhan at makikitang mga bagong lugar

Page 59: Commentary

(Eclesiastes/Mangangaral 3:11). At habang natututo po tayo tungkol sa Diyos na Jehova, patuloy tayong mabubuhay hindi lamang sa loob ng ilang btaon kundi magpakailanman! (Awit 22:26).

Upang makuha ang buhay na walang hanggan, o ang tunay na buhay, makabubuting tanungin ang ating sarili, “Sinasamba ko ba ang Diyos na Jehova na ayon sa kalooban Niya?”, “Pinasasaya ko ba ang Diyos sa mga ginagawa ko?”, “Ginagawa ko ba ang lahat upang maging malinis ang pagsamba ko sa Kanya?”, “Nakikisama ba ako sa mga tao na talagang sumasamba sa Diyos?” (Gawa 13:48, 1 Juan 5:3).

Kung pasasayahin po natin ang Diyos na Jehova, siguradong hinding-hindi ka Niya iiwan, at poprotekthan ka Niya sa mga malulupit na mga pangyayari na darating sa sanlibutang ito (Mateo 24:7-14, Apocalipsis/Pahayag 16:14,16, Apocalipsis/Pahayag 20:1-3, Deuteronomio 31:8). At ibibigay ng Diyos na Jehova ang tunay na buhay sa iyo kailanman! (Awit 37:29, Roma 6:23).

Ngayon na ang tamang panahon para kumilos ka. Piliin na mamuhay nang ayon sa kaalaman ng Diyos. Parangalan ang Kanyang banal na pangalan at patunayang sinungaling si Satanas. Ang Diyos na Jehova naman, na Pinagmumulan ng tunay na kaalaman at karunungan, ay magsasaya nang buong puso dahil sa iyong pagsunod sa Kanya (Jeremias 31:3, Zefanias/Sofonias 3:17). At iibigin ka Niya magpakailanman!

Dito na po nagtatapos ang komentaryong ito. Sana, marami po kayong natutunan tungkol sa pagkatao ng Diyos na Jehova at ni Jesus. Sana, naliwanagan po kayo sa ilang isyu at turo na talamak sa ngayon.

Gusto po ba ninyong matutuo ng higit pa tungkol sa Diyos? May mga katanungan po ba kayo sa amin? Kung ganoon, huwag po kayong mag-atubili na kausapin ako o lumiham sa mga Saksi ni Jehova sa P.O. Box 2044, 1060 Manila. Maraming salamat po!