Computer Answers

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/28/2019 Computer Answers

    1/25

    TEENAGE PREGNANCYSa taong, 2012 2013

    Bilang pagtugon sa Aralin Filipino 2

    Ni

    Christian Job P. Del Rey

  • 7/28/2019 Computer Answers

    2/25

    Kabanata I

    DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

    INTRODUKSYON

    Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong malayo sa

    kaguluhan at problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng maraming kababaihan.

    Ngunit hindi ito nangyayari sa realidad. Sa halip, ang mga kababaihan ay dinadala sa mga

    mumurahing hotel, ibinabalandra sa mga malalaswang babasahin, at nininerbiyos na

    naghihintay sa kanilang prince charming na magbibigay sa kanila ng higit pa sa unang

    halik sa mga marurumi at tagong iskinita. Sa realidad, karamihan sa mga kababaihan ay

    inaabandona matapos mapagsawaan, nag-iisa sa pagharap sa marahas na buhay at kadalasan

    ay buntis. Ang isyu ng teenage pregnancy ay laganap na sa ibat-ibang bansa sa buong

    mundo. Kasalukuyan tayong nahaharap sa napakasakit na katotohanan na sa napakabatang

    edad, karamihan sa mga kabataan ay may sarili ng mga anak. Sa Pilipinas, ayon sa 1995

    census, mga 1.8 milyong kalalakihan at 670,000 kababaihan na may edad 15-24 ang aktibo

    sa sex o pakikipagtalik. Ayon rin sa pag-aaral ni Dr. Corazon M. Raymundo, 20% ng

    maagang pakikipagtalik ay nangyayari sa hayskul. Ang mga kabataang ito ay sumusuong sa

    pakikipagtalik na walang ideya sa maaaring epekto nito tulad ng teenage pregnancy at

    pagkakaroon ng sexually transmitted diseases. Sa katunayan, sa mga kabataang aktibo sa

    sex, 74% ang hindi gumagamit ng kahit anong kontraseptib.

  • 7/28/2019 Computer Answers

    3/25

    Ayon naman sa World Heath Organization, 21% ng mga Pilipinong kababaihan ang

    nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Ayon rin sa POPCOM, ang mga batang ina ay bumubuo

    sa 30% ng lahat ng pagbubuntis, 17% ng mga kaso ng hinimuk na aborsyon (induced

    abortion), 12% ng normal na panganganak, 6% ng boluntaryong aborsyon,. Ayon kay Dr.

    Jean Marc Olive, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, Dito sa Pilipinas, napakahirap talakayin

    ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino ay mga konserbatibong tao. Dahil

    dito, nagkakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa sekswalidad. Samakatuwid, naniniwala

    ako na ang pagtalakay sa usaping sekswal ay isa pa ring mabisang paraan upang ang

    kabataan ay maging responsable sa kanilang mga gawa.

    LAYUNIN NG PAG-AARAAL

    Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon ukol sa mga

    epekto ng teenage pregnancy sa mga kakababaihan na may edad 14-17 sa barangay

    Pinyahan Q.C.. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo ng

    mga kongkretong impormasyon para maging aral na magmumulat sa mga mata ng kabataan

    sa mga hindi magagandang resulta ng sobrang kapusukan at pakikipagtalik ng walang basbas

    ng kasal.

    Ang mga nasabing epekto ng teenage pregnancy ay hahatiin sa aspekto ng:

    1. Pag-aaral

    2. Kalagayang sosyal

    3. Kinabukasan

    4. Kalusugan

  • 7/28/2019 Computer Answers

    4/25

    KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

    Sa mga researcher. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga researcher ay

    makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanila sa kung papaano makaiiwas sa mga

    hindi magagandang epekto ng maagang pagbubuntis. Makakatulong rin ito sa

    pagsasakatuparan ng mga mananaliksik sa kanilang panlipunang tungkulin na tumulong sa

    kapwa. Sa tulong ng mga impormasyon ay maaaring makabuo ang mga mananaliksik ng

    realisasyon o aral na maaari nilang ipamahagi sa iba upang mabawasan, kundi man

    mapigilan, ang paglaganap ng teenage pregnancy.

    Sa kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagmulat sa mata ng kabataan

    ukol sa masasamang epekto ng sobrang kapusukan at ng pakikipagtalik ng walang basbas ng

    kasal.

    Sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatulong sa mga

    magulang sa pagdisiplina ng kanilang mga anak. Makapagbibigay ito ng mga ideya kung

    paano nila papangaralan at didisiplinahin ang kanilang mga anak sa paraang hindi ito

    magrerebelde at gagawa ng mga di kanais-nais na mga bagay at may mabibigat na

    kahihinatnan.

    Sa simbahan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mapapalaganap lalo ang

    layunin ng simbahan na mabawasan, kundi man matigil na ang pagdami ng kaso ng maagang

    pagbubuntis. Sa tulong din nito, ang aral ng simbahan ukol sa maagang pakikipagtalik na

    siyang sanhi ng teenage pregnancy at ang aborsyon, na maaaring maging solusyon ng mga

    batang ina sa kanilang problema, ay lalong mapapalaganap sa mga kabataan.

  • 7/28/2019 Computer Answers

    5/25

    Sa komunidad at pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa

    pamahalaan sa pagkontrol ng populasyon sa pamamagitan ng pagliit sa insidente ng teenage

    pregnancy. Ang mga datos na makokolekta ay maaaring magmulat sa kamalayan ng

    karamihan ukol sa maagang pagbubuntis at sa samut-saring epekto nito na kadalasan ay

    nakasasama.

    Sa DOH at WHO. Makakatulong ang aming pag-aaral sa kampanya ng Department

    of Health at World Health Organization sa STD at AIDS na ilan lamang sa maaaring maging

    di kanais-nais na epekto ng maagang pakikipagtalik.

    SAKLAW AT LIMITASYON

    Ang pag-aaral ay gagawin sa Barangay ng Pinyahan Q.C na

    kung saan doon ay makikita ang mga kabataang nagkakaroon ng maagang pagbubuntis . Ang

    pananaliksik na ito ay nakatuon sa paghahanap ng epekto ng teenage pregnancy sa mga kababaihan

    gulang 1417 na kung saan deskriptibong pamamaraan ang gagamitin para makakuha ng mga

    impormasyon. Ang pananaliksik ay mangyayari sa buwan ng Enero hanggang Marso, sapat para

    makagawa ng sarbey hanggang sa makabuo ng kongklusyon.

  • 7/28/2019 Computer Answers

    6/25

    DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

    1. Teenage Pregnancy ang pagbubuntis ng mga babae na wala pa sa tamang gulang.

    2. Abortion pagpapalaglag sa buhay na nasa sinapupunan.

    3.STD (sexually transmitted disease) mga sakit na napapasa sa isang tao patungo sa isa pang tao sa

    paraan ng pakikipagtalik.

    4. WHO (World Health Organization) isang ahensya ng Nagkakaisang Bansa (UN) na

    tumutulong sa pagpapabuti sa kalagayan ng kalusugan

    5. Maternal hinggil sa ina o paggiging ina.

    6. POPCOM (Population Commission) isang ahensya ng gobyeno na namamahala at

    tumutulong sa pagbuo ng mga patakarang may kinalaman sa populasyon.

    7. Social Stigmaang tawag sa pagkakaroon ng tatak ng kahihiyan sa lipunan.

    8. Gender role bahaging ginagampanan o ang papel ng kasarian sa isang tao.

    9. Nutritional deficiency kakulangan ng karampatang kalusugan ng isang tao.

    10. Menarche unang buwanang dalaw ng isang babae.

    11. Maternal Mortality Rate ang bilang ng mga batang naipapanganak sa isang araw.

  • 7/28/2019 Computer Answers

    7/25

    Kabanata II

    MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

    Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, ang teenage pregnancy sa Estados Unidos ay

    nangangahulugan na ang isang batang babae ay nagdadalang tao. Samantala, Sa Britanya

    naman, may legal na depenasyon kung saan ang isang babae ay sinasabing maagang

    nagbubuntis kung siya ay nabuntis bago sumapit ang kanyang ika-labinwalong kaarawan.

    Ang terminolohiyang ito, sa araw-araw na pananalita ay nagpapatungkol sa isang babae na

    wala pa sa legal na edad, na nagkaka-iba-iba sa ibat-ibang parte ng mundo, na nabubuntis.1

    Ayon pa rin sa Wikipedia, ang average na edad ng menarche (unang buwanang

    dalaw/regla) sa Estados Unidos ay 12.5 taong gulang, pero ito ay nag iiba-iba parin ayon sa

    etnisidad at timbang ng isang babae, at ang unang obyulasyon ay nanatiling hindi regular

    hanggang ilang buwan matapos ang menarche. Sa kasalukuyan, ang average na edad ng

    menarche ay patuloy na bumababa. At kahit na ang maagang pagkakaroon ng kakayahan na

    manganak ng isang babae ay isang dahilan ng maagang pagbubuntis, hindi pa rin dapat

    isawalang bahala ang iba pang mga salik na umaambag sa pagbubuntis ng isang dalaga.2

    Sa isang pananaliksik ni Robertson et al, nagawa niyang alamin ang mga

    impormasyon na sumusuporta sa teenage pregnancy bilang isang isyung sosyal sa mga

    mayayamang bansa. Ito ay ang mga sumusunod: mababang lebel ng pinag-aralan, kahirapan,

    at ang hirap ng buhay ng mga anak ng mga dalagang ina. Kadalasan sa mga mayayamang

    bansa, ang teenage pregnancy ay nagdadala ng social stigma o ang kahihiyan sa lipunan

    sa karamihan ng mga komunidad at kultura. Sa mga dahilang ito, nagkaroon ng mga pagaaral

    at kampanya na naglalayong alamin ang mga dahilan at limitahan ang numero ng

    maagang pagbubuntis. Sa ibang mga bansa at kultura, partikular sa mga hindi pa gaanong

  • 7/28/2019 Computer Answers

    8/25

  • 7/28/2019 Computer Answers

    9/25

    pagaalaga bago manganak, at kadalasang nagpapakonsulta lamang sa mga huling buwan na

    ng pagbubuntis. Ang Guttmacher Institute ay nagbigay ng ulat na 1/3 ng mga nagbubuntis na

    dalaga ay hindi sapat ang tinatanggap na prenatal care at ang kanilang mga anak ay ang

    madalas na dumaranas ng ibat ibang mga sakit, kumpara sa mga anak ng mga mas

    nakatatandang mga ina. Marami sa mga nagbubuntis na dalaga ay mas may posibilidad na

    makaranas ng mga nutritional deficiencies o kakulangan sa kalusugan dahil sa pagkain ng

    hindi sapat o hindi masusustansyang mga pagkain na karaniwan sa mga kabataang ito, kasali

    na ang mga ginagawang pagpapapayat sa pamamagitan ng pagdidyeta, hindi pagkain sa

    tamang oras, at iba pa.

    Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isa pang mas malaking

    problema sa mga nagbubuntis na kabataan sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa.

    Ang mga komplikasyon sa pagbubuntis ay nagreresulta sa pagkamatay ng estimadong 70,000

    mga dalaga sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa kada taon. Ang World Health

    Organization (WHO) ay nagsabing tinatayang doble ang tsansa ng pagkamatay dahil sa

    pagbubuntis sa mga babaeng edad 14-17 kumpara sa mga babaeng edad 20-24. Ang

    maternal mortality rate na ito ay tinatayang mas mataas ng limang beses sa mga babae

    edad 10-14 kumpara sa mga edad 20 pataas.

    Ayon pa rin sa WHO, ang maging dalagang ina sa isang industriyalisadong bansa ay

    isang disadvantage dahil ito ay maaring makaapekto sa pag-aaral. Ang mga dalagang ina ay

    may mas malaking tsansa ng paghinto sa pag-aaral, lalo na sa hayskul. Gayon paman, napagalaman

    sa ilang mga pag-aaral na itong mga batang ina ay tumigil na sa pag-aaral bago pa

    man sila mabuntis, at ang mga nag-aaral at nabuntis ay hindi rin malayo ang tsansa na

    makapagtapos tulad ng kanilang mga kaibigan. Isang pag-aaral noong 2001 ang nagsabing

  • 7/28/2019 Computer Answers

    10/25

    ang kababaihan na nagsilang ng sanggol sa kanilang kabataan ay nakapagtapos ng pag-aaral

    sa sekondarya 10-12% ay kadalasang nagpupursige ng post-secondary na edukasyon 14-29%

    mas kadalasan sa mga babaeng naghintay magbuntis hanggang sa edad na 30.8

    Ang mga batang ina ay maari ring makaranas ng paglayo sa sarili (alienation) mula sa

    kanilang mga kaibigan at pamilya. Sa karagdagan, ang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng

    mga problema sa isang batang relasyon. Sa katunayan, 60% ng mga batang ina ay wala nang

    lalakeng kapares sa oras na isilang nila ang kanilang anak. Ang kalungkutan at problemang

    pinansyal ay maaring magdulot sa isang batang ina na masangkot sa hindi kaaya-ayang mga

    relasyon.

    Sa kasamaang palad, ang maagang pagbubuntis ay may kaakibat na social stigma.

    Ang kahihiyang ito ay maaring makaapekto sa pakiramdam o tingin ng isang batang ina

    tungkol sa kanyang mga kakayahan sa pagiging ina, at pati na rin sa kanyang pagkatao. Ang

    mga negatibong pananaw (negative attitudes) na ito tungkol sa pagiging batang ina ay

    nagdudulot ng pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili.

    Kung ang maagang pagbubuntis ay mayroong masasamang epekto sa nagdadalang

    tao, mayroon din itong masasamang epekto sa sanggol. Ayon sa Kaiser Family Foundation,

    ang masamang epekto ng pagiging batang ina ay makikita o mapapansin sa paglaki ng

    sanggol. Ang pagkakaroon ng kapansanan sa paglaki na maaaring sa pagiisip at mga

    kaibahan sa pagu-ugali ay mas mataas sa mga batang isinilang ng mga batang ina. Isang pagaaral

    ang nagmungkahi na ito ay dahil sa kadahilanang ang mga batang ina ay paminsanminsan

    lamang ginigising ang pakiramdam (iniistimulate) ng kanilang mga sanggol sa

    pamamagitan ng paghawak, pagngiti, pakikipag-usap, at ang pagiging maselan sa pagkilala

  • 7/28/2019 Computer Answers

    11/25

    ng nga pangangailangan ng kanyang sanggol. Nakita sa karamihan ng mga anak ng mga

    batang ina ang hindi gaanong magandang pagganap sa paaralan. Marami sa kanila ay tipikal

    lamang, ang iba naman ay hindi nakakapagtapos ng sekondarya, mayroon ding mga

    bumabalik sa antas na hindi nila naipasa, at marami din ang nakakakuha ng mababang mga

    marka sa mga pagsusulit. Ang mga anak na babae ng mga batang ina ay malaki ang

    posibilidad na maging batang ina rin sa kanyang paglaki. Ang mga anak na lalaki naman ng

    isang batang ina ay kadalasang nagiging basagulero at sa ibang sitwasyon ay nakukulong

    pa.

    Sa Pilipinas, ang teenage pregnancy ay patuloy na tumataas at patuloy na

    nangangailangang pagtuunan ng pansin. Sa kasalukuyan, lalo pa ring tumataas ang bilang ng

    mga batang babae na nagiging ina at karamihan sa kanila ay hindi pa kasal. Ang mga

    nagbubuntis ng maaga ay mas maselan sa mga kundisyon tulad ng pagkamatay dahil sa

    pagbubuntis, at karamihan sa kanila ay sadyang hindi pa handa na harapin ang mga hamon

    ng pagiging isang ina.

    Ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng karanasang sekswal ng mga kababaihan ayon

    kay Bempechat ay: Pananaw sa Kinabukasan. Ang mga kabataan na nawawalan

    ng pag-asa sa kanilang kinabukasan ay mas madalas na

    nabubuntis ng maaga kaysa sa mga kabataang naniniwala sa

    kanilang mga pangarap at ambisyon sa buhay. Mababang Pag-ganap sa Paaralan. Mayroong malaking

    kaugnayan ang mababang pag-ganap sa pag-aaral sa

    pagkakaroon ng karanasang sekswal at pagbubuntis ng maaga.

  • 7/28/2019 Computer Answers

    12/25

    Kakulangan sa kaalaman ng Reproduksyon ng ating

    katawan. Hindi pagkakaintindihan, maling palagay at

    kakulangan sa kaalaman ng kapaligiran ay may ginagampanang

    importanteng bahagi sa teenage pregnancy. Ang mga paniniwalang ang unang paggawa ng sekswal na

    gawain ay

    hindi nagdudulot ng pagkabuntis ay lumalaganap.

    Impluwensya sa Pamilya. Ang teenage pregnancy ay

    iniuugnay sa mababang edukasyon ng mga magulang.

    Karamihan sa mga kababaihang nabubuntis ng maaga ay galing

    din sa mga inang nanganak sa kanilang kabataan.

    Ang mga nagbubuntis ng maaga ay mas maselan sa mga kundisyong tulad ng

    pagkamatay dahil sa pagbubuntis, at karamihan sa kanila ay sadyang hindi pa handa na

    harapin ang mga hamon ng pagiging isang ina. Ilan sa mga kumplikasyong maaaring

    makuha ng ina at ng sanggol ay malnutrisyon, mababang timbang, pagkawala sa tamang

    pag-iisip, atbp. Ang mga sanggol na naipanganak sa mga inang nabuntis ng maaga ay

    kadalasang mas mababa ang timbang at kadalasang namamatay sa kanilang unang taon ng

    pagkabuhay kung ihahambing sa mga sanggol na isinilang sa mga inang nasa sapat na gulang na.

    Ang mga pangyayaring ito ay nagpapahiwatig na hindi sapat ang mga impormasyong

    ibinibigay sa publiko na napapatungkol sa teenage pregnancy at hindi sapat ang ibinibigay na

    kahalagahan sa kalusugan ng mga nagbubuntis at mga ina. Tayo ngayon ay nahaharap sa

    nakakasilaw na katotohanan na sa napakamurang edad, marami sa mga batang babae ngayon

    ay mayroon nang mga anak. Ayon sa National Demographic and Survey (2003), isa sa apat

    na mga babae ay nagiging ina sa edad na 19, habang apat sa sampung babae 20-24 taong

  • 7/28/2019 Computer Answers

    13/25

    gulang ay nagkaroon na ng karanasang sekswal.

    Dito sa kabataang populasyon na ito, ang mayorya ay hindi pa rin kasal 83.1% ay

    naglilive-in kasama ng kanilang mga kapares at 2.6% ang hindi magkasama. Ang dami o rate

    ng pagbubuntis ay tumataas mula 25% hanggang 50% sa panahong ang mga babae ay edad

    20-24. Higit sa numero, ang teenage pregnancy ay isang rason ng pag-aalala dahil sa espesyal

    na role na ginagampanan ng mga kabataang babae sa sociedad. Samakatwid, ang mga

    masasmang epekto ay patuloy na dumarami at patuloy na lumalala. Masakit isipin, pero ang

    karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi alam ang gagawin kung sila ay napupunta sa

    mga sitwasyong tulad nito.

    Ayon kay Dr. Jean Marc Olive, representatib ng WHO sa Pilipinas, Dito sa

    Pilipinas, napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino ay

    mga konserbatibong tao. Dahil dito, nagkakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa

    sekswalidad. Samakatwid, naniniwala ako na ang pagtatalakay sa usaping sekswal ay isa pa

    ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga gawa.19

  • 7/28/2019 Computer Answers

    14/25

    Kabanata III

    DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

    DISENYO NG PANANALIKSIK

    Descriptive-status ang disenyong gagamitin sa pag-aaral na ito. Ang pamamaraang ito

    ng pagsagot ng mga katanungan ay naglalayong sagutin ang mga tanong tungkol sa mga

    kaganapan na nangyayari sa kasalukuyan at mga kasalukuyang kondisyon. Ito ay isang

    paraan ng kwantitatibong deskripsyon na kung saan inaalam ang mga umiiral na kondisyon

    sa grupo ng mga usaping pinili para sa pag-aaral.

    RESPONDENTE

    Ayon sa tanggapan ng barangay Pinyahan Q.C. ay ang may

    pinakamaraming insidente ng panganganak. Sabi nilana 1 sa bawat 5 na babae (1:5) ay may

    gulang na 14-17. Sa paghahambing na ito ay kukuha ako ng 50 responde na nakaranas ng

    maagang pagbubuntis. Ang 50 na ito ang magsisilbing representative sample o kinatawan

    sa populasyon ng mga babaeng maagang nagbuntis. Ang mga babaeng ito ay napili dahil sila

    ay bukas sa pakikipanayam at sapat na sa gulang upang makapagbigay ng mga detalye ng

    kakailanganin o makakatulong para mabuo ang pag-aaral.

    INSTUMENTO NG PANANALIKSIK

    Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag-aaral

    ay isang sarbey kwestyuner. Ang mga responde ay gagawing sabjek ng sarbey. Sila ay

    pasasagutin sa kwestyuner at pagkatapos ay magkakaroon ng pakikipanayam tungkol sa

    topic na ito.

  • 7/28/2019 Computer Answers

    15/25

  • 7/28/2019 Computer Answers

    16/25

    Kabanata IV

  • 7/28/2019 Computer Answers

    17/25

  • 7/28/2019 Computer Answers

    18/25

    Kabanata V

    LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

    LAGOM

    Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga masasamang epekto ng

    maagang pagbubuntis sa mga kababaihang nasa edad na 14-17 sa Brg. Pinyahan Q.C.

    Ito ay isang deskriptibong pananaliksik at ang mga naging respondente nito ay ang

    mga babaeng maagang nabuntis sa Brg. Pinyahan. Ginamit ang purposive sampling technique

    sa pagpili ng mga respondente. Ang mga impormasyon na nakalap ay sinuri at ginamitan ng

    dalas (frequency), at porsyento (percentage) upang masukat ang mga impormasyon.

    Ang mga sumusunod ay ang lagom ng mga resulta:

    Ayon sa nakuhang impormasyon, karamihan sa nabubuntis ay nasa edad na 17 at

    karamihan din sa kanila ay nakapagtapos lamang ng hayskul at hindi na nakapagpatuloy pa

    ng kolehiyo.

    Tungkol naman sa epekto ng maagang pagbubuntis sa pag-aaral, marami ang

    nagsabing sila ay huminto sa kanilang pag-aaral nang sila ay nabuntis. Ayaw na nilang

    ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral dahil hindi naman nagsisilbing inspirasyon ang kanilang

    pagkabuntis upang sila ay magsikap sa kanilang pag-aaral. Marami rin ang nagsabing sila ay

    nakararanas ng diskriminasyon sa kanilang paaralan, nahihirapang mag-aral habang nagbubuntis at

    kalahati naman sa mga respondente ang naisipang ipalaglag ang kanilang

    idinadala. Sa epekto ng pagbubuntis sa kalagayang sosyal ng mga babaeng maagang nabuntis,

    marami sa kanila ang hindi masaya sa kalagayan nila ngayon. Marami rin ang nakaranas na

    nagbago ang pagtingin sa kanila ng kanilang mga pamilya, mga kaibigan, nawalan ng respeto

    ang mga tao sa kanila at nakararanas ng diskriminasyon sa lipunan.

  • 7/28/2019 Computer Answers

    19/25

    Ang epekto naman ng maagang pagbubuntis sa kanilang kinabukasan ay hindi na nila

    naisakatuparan ang kanilang mga hangarin sa buhay noong sila ay mga dalaga pa dahil sa

    maaga nilang pagkabuntis. Marami ang nagsabing naging mahirap ang kanilang buhay nang

    sila ay nabuntis, gayunpaman, lahat ng mga ina ay gustong bigyan ng magadang kinabukasan

    ang kanilang anak kahit halos kalahati lamang sa mga respondente ang ninais na makasama

    ang kanilang kabiyak sa pagsustento sa pagpapalaki ng bata.

    Tungkol sa kalusugan at ang mga epekto nito sa maagang pagbubuntis, maraming

    kababaihan ang nagkaroon ng maayos na pagbubuntis, marami rin sa kanila ang kumakain pa

    rin ng sapat at naging malusog ang sanggol nang isinilang. Naging maayos ang kanilang

    panganganak at hindi sila nakaranas ng kumplikasyon habang nagbubuntis. Marami ring ina

    ang nagsasabing bibigyan nila ng sapat na nutrisyon ang kanilang anak.

  • 7/28/2019 Computer Answers

    20/25

  • 7/28/2019 Computer Answers

    21/25

    karagdagan, ang mga mananaliksik ay nagbibigay ng konklusyon na ang teenage pregnancy

    ay dapat bigyang pansin o nangangailangan ng atensyon at gabay mula sa magulang at pati

    na rin ng lipunan dahil maari itong magbigay ng kapahamakan sa sarili, sa lipunan, at maari

    rin nitong bigyan ng mantsa ang magandang pangalan ng ating bansa.

    REKOMENDASYON

    Sa panahon ngayon ay patuloy pa rin sa pagdami ang bilang ng mga batang ina at ang

    pagtaas ng antas ng maagang pagbubuntis. Laganap na ito hindi lamang dito sa Pilipinas

    kundi maging sa ibang bansa na rin. Pero hindi ito nangangahulugan na wala na tayong

    magagawa para pigilan ito at kailangan na lang talaga natin itong tanggapin bilang isang

    masakit na katotohanan at isang mantsa sa lipunan na hindi na maaring matanggal kailanman.

    May mga paraan pa na maaari nating gamitin at mga bagay na pwede nating gawin para

    mabawasan, kundi man matigil, ang pagkakaroon ng maagang pagbubuntis.

    Kaya ayon sa nabasang mga resulta at konklusyon, ang mga mananaliksik ngayon ay

    narerekonmenda na:

    Pwedeng maiwasan ang pagbubuntis ng maaga kung may gagabay sa mga batang

    lalabintaunin ukol sa kalakalan ng mundo. Nasa aspeto pa sila kung saan sila ay umaangkop

    sa mga pagbabago sa kanilang mga katawan at pilit na sumasabay sa agos ng buhay. Wala pa

    silang mga muwang kung paano maging marahas ang mundo sa mga batang tulad nila, iyong

    mga wala pang alam sa galaw ng tunay na mundo at sa realidad. Sana ay maitatak rin ng mga

    magulang sa kanilang mga anak ang pagmamahal at takot sa Diyos ng sa gayon ang

    pagmamahal na ito ang maging daan upang hindi sila makagawa ng mga bagay na ikasasama

    nila tulad na lamang ng pakikipagtalik kahit walang basbas ng kasal na siyang sanhi ng

    maagang pagbubuntis. Ang pinakaimportante ay iyong maipaliwanag natin sa kabaatan ang

    maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng anak sa napakabatang edad sa kanilang buhay,

  • 7/28/2019 Computer Answers

    22/25

    pag-aaral, kalusugan, katayuan sa lipunan at kinabukasan. Sana ay maimulat ng mga

    magulang ang mga mata at diwa ng kanilang mga anak na ang pagtatalik ay isang sagradong

    bagay na para lamang sa mga legal na mag-asawa at ito ay may mga kaakibat na

    responsibilidad at konsekwensya na maaaring hindi pa kayang pasanin ng kabataan.

    Hindi pa naman huli ang lahat. May magagawa pa tayo at kung sana ay

    magtutulungan lang tayong lahat ay madali na nating makokontrol ang pagtaas ng antas ng

    maagang pagbubuntis at maaari pa nating mapaunlad ang ating bayan. Doon naman sa mga

    mayroon nang anak sa kabila ng batang edad ay wala na tayong ibang magagawa kundi ang

    tulungan sila. Nangyari na ang dapat mangyari at hindi na natin maibabalik pa ang panahon.

    Sa ngayon, sana tigilan na ang pagkutya at paghamak sa mga dalagang ina dahil alam na nila

    ang kanilang kamalian at ito ay pinagsisisihan na nila. Marami na silang hirap na

    pinagdaanan at sana ay hindi na natin ito punan pa. Sana ay tulungan at gabayan na lang

    natin sila sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na siyang pag-asa ng bayan ayon na rin kay

    Dr. Jose Rizal.

  • 7/28/2019 Computer Answers

    23/25

    Mga Libro:

    Berenberg, Samuel R., et al. The Modern Book of Infant Child Care: A Practical

    Guide for Young Mothers. 1992. New York: Bartholomew House Inc.

    Benjamin, Leslie. Teenage Parenthood: The Schools Response. 1987.

    Indiana: Phi Delta Kappa Educational Foundation

    Clark, Ann L. Childbearing: A nursing Perspective. 1994. Philadelphia: F.A. Davis

    Kosmak, George William. The Toxemics of Pregnancy. 1993. New York: Appleton

    Nattow, Anette B. The Pregnancy Nutrition Counter. 1992. New York: Pocketstar

    Books, Inc

    Nelson, Reuben E. Dear Mother tc-bc: Prental Care of the Expectant Mother.

    revised edition, 1996. Manila: Philippine Publishing House, Inc.

    Stopperd, Miriam. Conception, Pregnancy and Birth. 2000. London: D. Kindersley

    Wiggins, Jayne D. Childbearing: Physiology, Expenses, Needs. 1979. St. Louis:

    C.V. Mosby

    Internet:

    < http://en.wikipedia.org/wiki/Teenage_pregnancy>

  • 7/28/2019 Computer Answers

    24/25

    http://www.wikipedia.com/teenagepregnancy_html 2 Ibid, 6

    D Robertson, R Andrews, P Buttner, G Byrnes, R Speare (2001) TeenagePregnancy as a Social Stigma in

    Delhi, India, Journal of Maternal andChild Care, p. 334

    http://kaiserfamilyfoundation.gov.uk/ahandforteenagemoms_html

    www.findarticles.com/cf_dls/m3225/6_67/article.jhtml

    http://who.org/motherhood-teenage/research_html

    Ibid. 11 http://kaiserfamilyfoundation.gov.uk/ahandforteenagemoms_html

    Eileen Donnelly, Journal of Maternal and Child Health Nursing 1991, Vol. 8, No.

    2, Pages 85-94

    Janine Bempechat, Teenage Pregnancy and Drug Abuse:Sources of ProblemBehaviors, arttikulong

    nakuha mula sa http://www.ericdigests.org/pre9214/drug.htm

    Eileen Donnelly, Journal of Maternal and Child Health Nursing 1991,

    Vol. 8, No. 2, Pages 85-9415 Bempechat, loc cit.16Carlo P. Mallo, Lack of Accurate Info ups Tenage

    Pregnancies, artikulongnakuha sa sunstar issue noong Pebrero 23, 2008 na nakuha mula

    sahttp://www.sunstar.com.ph

    htpp://who.org/philippineissuesonpregnancy_html

  • 7/28/2019 Computer Answers

    25/25