20
Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila 1 PAGTANGGAP NG SAMAHANG MILINARYAN KAY GAT. DR. JOSÉ P. RIZAL* Prospero R. Covar BUOD NG PANINIWALANG MILINARYAN Apat na raan at pitumpung taong singkad na ang nakaraan buhat nang itanim ang binhi ng Catolico Romano sa Pilipinas. Ang binhi ay sumibol, lumago, nagka-ugat. nagbunga at nagsupling ng daan-daang samahan. Iisa ang pananaw ng mga samahang ito - ang milinaryismong pag-asa. Sa bawat panahon, ang kasalukuyan ay tinatayang isang paghahanda sa pagbabalik muli ng mga Makapangyarihan (Ama. Ina, Anak at ang kanilang mga alagad) upang itayo ang kanilang kaharian sa Iupa. Ang milinaryang pananaw ay naka-angkla sa retablo ng paniniwala na hinubog bilang kaalamang bayan batay sa doktrinang Santicima Trinidad ng Simbahang Catolico Romano. Bagamat nananatili pa rin ang doktrinang Santicima Trinidad, ang teksto ng retablo ay isinakay sa konsepto ng sagrada familia upang mawa1a ang pag-aalinlangan kung bakit may Dios Anak at Dios Ama ay wala namang Dios Ina. Ang papel ng espiritu santo ay naging bahagi na lamang bilang kaluluwa sa pagkatao ng Ama, Ina, at Anak. Bukod sa rito ang banig ng retablo ay inumbitan ng mga palamuting kuwento buhat sa Banal na Kasulatan at iba pang batis kaisipan at Pilipinong imahinasyon kayat nakalikha ng bagong kaayusang bunga ng katutubong karanasan. RETABLO NG PANINIWALA Sa kabuuan, ang pananampalatayang Pilipino ay nakatuon sa iba't ibang bahagi ng retablo ng paniniwala. Nakaluklok sa kalangitan ang Infinito Dios (sa tradisyon ng matandang paniniwaJa ay ang nuno). Siya ang naghahari sa sandaigdigan at sanlibutan. May tatlong katauhan ang lnfinito Dios. Ito ay ang Dios Ama, Dios Anak, at Dios Ina. Ang tatlong kalauhang ito ang bumubuo sa Santicima Trinidad. Ito ay ayon sa kaalamang bayang teolohiya. Ang Dios Ama ay ang Dios ni Abraham at ni Moises. Noong unang panahon nakilala siya sa pamamagitan ng tinig o boses. Sa simbolismo ng mga Pilipino, siya ay mata sa loob ng isang trespicu. Kilala rin ito na Ohos Anima Sola. Ang Dios Anak ay walang iba kundi si Jesus na bumaba sa lupa, nagkatawong tao, nabayubay sa krus, umakyat sa langit, at umupo sa kanan ng Dios Ama. Ang Dios Ina ay bumaba sa lupa, nagkatawang tao rin subalit sumakatao sa iba't ibang pinagpalang mga babae na sinusunod ng iba't ibang samahan katulad nina Maria Bernarda Balitaan, Victoria Piedad, Josefina Lopez, atbp. Sila ay may kani-kaniyang tipan na ipinahahayag. Sa konteksto ng kaalamang bayang teolohiya na itinuturing na apokripal sa Bibliya, ang Dios Ama ang unang naghari sa daigdig na ipinagkaloob ng Infinito Dios. Ipinalam niya sa sangkatauhan ang kaniyang naisin sa lahat ng kaniyang nilalang sa pamamagitan ng tinig o

Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

1

PAGTANGGAP NG SAMAHANG MILINARYAN KAY GAT. DR. JOSÉ P. RIZAL *

Prospero R. Covar

BUOD NG PANINIWALANG MILINARYAN Apat na raan at pitumpung taong singkad na ang nakaraan buhat nang itanim ang binhi ng Catolico Romano sa Pilipinas. Ang binhi ay sumibol, lumago, nagka-ugat. nagbunga at nagsupling ng daan-daang samahan. Iisa ang pananaw ng mga samahang ito - ang milinaryismong pag-asa. Sa bawat panahon, ang kasalukuyan ay tinatayang isang paghahanda sa pagbabalik muli ng mga Makapangyarihan (Ama. Ina, Anak at ang kanilang mga alagad) upang itayo ang kanilang kaharian sa Iupa. Ang milinaryang pananaw ay naka-angkla sa retablo ng paniniwala na hinubog bilang kaalamang bayan batay sa doktrinang Santicima Trinidad ng Simbahang Catolico Romano. Bagamat nananatili pa rin ang doktrinang Santicima Trinidad, ang teksto ng retablo ay isinakay sa konsepto ng sagrada familia upang mawa1a ang pag-aalinlangan kung bakit may Dios Anak at Dios Ama ay wala namang Dios Ina. Ang papel ng espiritu santo ay naging bahagi na lamang bilang kaluluwa sa pagkatao ng Ama, Ina, at Anak. Bukod sa rito ang banig ng retablo ay inumbitan ng mga palamuting kuwento buhat sa Banal na Kasulatan at iba pang batis kaisipan at Pilipinong imahinasyon kayat nakalikha ng bagong kaayusang bunga ng katutubong karanasan. RETABLO NG PANINIWALA Sa kabuuan, ang pananampalatayang Pilipino ay nakatuon sa iba't ibang bahagi ng retablo ng paniniwala. Nakaluklok sa kalangitan ang Infinito Dios (sa tradisyon ng matandang paniniwaJa ay ang nuno). Siya ang naghahari sa sandaigdigan at sanlibutan. May tatlong katauhan ang lnfinito Dios. Ito ay ang Dios Ama, Dios Anak, at Dios Ina. Ang tatlong kalauhang ito ang bumubuo sa Santicima Trinidad. Ito ay ayon sa kaalamang bayang teolohiya. Ang Dios Ama ay ang Dios ni Abraham at ni Moises. Noong unang panahon nakilala siya sa pamamagitan ng tinig o boses. Sa simbolismo ng mga Pilipino, siya ay mata sa loob ng isang trespicu. Kilala rin ito na Ohos Anima Sola. Ang Dios Anak ay walang iba kundi si Jesus na bumaba sa lupa, nagkatawong tao, nabayubay sa krus, umakyat sa langit, at umupo sa kanan ng Dios Ama. Ang Dios Ina ay bumaba sa lupa, nagkatawang tao rin subalit sumakatao sa iba't ibang pinagpalang mga babae na sinusunod ng iba't ibang samahan katulad nina Maria Bernarda Balitaan, Victoria Piedad, Josefina Lopez, atbp. Sila ay may kani-kaniyang tipan na ipinahahayag. Sa konteksto ng kaalamang bayang teolohiya na itinuturing na apokripal sa Bibliya, ang Dios Ama ang unang naghari sa daigdig na ipinagkaloob ng Infinito Dios. Ipinalam niya sa sangkatauhan ang kaniyang naisin sa lahat ng kaniyang nilalang sa pamamagitan ng tinig o

Page 2: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

2

boses. At ganito nga ang nangyari nang palayasin niya si Adan at Eva sa Paraiso at pinagbilinan na sa sarili nilang pawis manggagaling ang kanilang ikabubuhay. Gayundin ang nangyari kay Nunong Noe nang gunawin ang sandaigdigan at kay Moises nang ibinigay niya ang kaniyang sampung utos. Anopa't ipinagwalang bahala ng sangkatauhan ang pagmamahal ng Dios sa kaniyang nilalang. Ito'y nalusak sa pagkakasala. Kaya't minarapat ng Sancticima Trinidad na pababain sa lupa ang Dios Anak sa pamamagitan ng pagkakatawang tao upang iligtas ang sanglibutan. At gayun na nga ang nangyari. Si Jesus ay nagkatawang tao, tinupad ang kaniyang ministeryo, ipinako sa krus, umakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Dios. Subali't nagpatuloy sa gawaing pagkakasala ang sangkatauhan kahit na nga tinubos niya sila sa pamamagitan ng kaniyang gracia dahilan sa kaniyang lubos na pag-ibig. Ang konsistoryo ng Santicima Trinidad ay muling nagpulong at kanilang pinagkasunduan na. panahon na upang ang Dios Ina naman ang bumaba sa lupa. Ayon sa isang alamat, isang mangingisda ang napalaut sa lawa. Inabot siya ng malakas na bagyo. Mula sa kalangitan ay nahulog ang isang lamad na may lamang bata. Sa kabutihang palad ito ay nabingwit ng mangingisda, dinala sa kaniyang tahanan, hiniwa. binuksan at gayun na lamang ang kaniyang pagkamangha sapagkat ang laman ng lamad ay isang sanggol. Inalagaan ng pamilya ng mangingisda ang bata hanggang ito'y umabot sa sapat na gulang sa pagmimisyon. Ang sanggol mula sa lamad ay sumakatao sa maraming babae na ngayon ay siyang namumuno sa maraming kapatiran upang ipahayag ang tipan ng mahal na ina. Sa konteksto ng katutubong paniniwa.la ang Dios ay may tatlong persona. Ang bawa't persona ay may kaluluwa. Ang tao ay mayroon ding kaluluwa. Ang kaluluwa ay maaaring humiwalay sa katawan ng tao nang pansamanta.la o lubusang yumao gaya ng pagkamatay ng katawang Ina. Sa paniniwalang ito nakasalalay ang penomenon ng sapi, sanib, at langkap. Ang kaluluwa ng Dios Ama, Anak, o Ina ay lumalangkap sumasapi sa sinomang kanilang pinili o pinagpa1a na kilala na medium, talaytayan, babaylan, catalonan, o kasangkapan. Maging ang kaluluwa ng santo at santa, pati na rin ang mga bayani ng lahi, tampok si Gat Dr. Jose Rizal ay sumasapi na rin. Maaari ring sumapi ang kaluluwa ng mga yumao, pati na rin ang mga anitong naglipana sa kalikasan. Samakatuwid sa retablo ng paniniwala nakasalalay ang pananampalatayang Pilipino, pati na ang pagtanggap kay Gat Dr. Jose P. Rizal ng mga samahang milinaryan at Rizalista. PANINIWALANG RIZALISTA SA KONTEKSTO NG RETABLO Ang paniniwalang Rizalista ay nakatuon sa doctrina ng tatlong Jota. Ang tatlong.Jota ay tumutugon sa tatLong pangalan ng Dios Ama - Jehovah; Dios Anak - Jesus; at Dios Espiritu Santo - Jose. Maliban sa pangalang Jose na inilapat bilang pangalan ng Espiritu Santo, ang doctrina ng tatlong Jota ay walang pagkakaiba sa matandang doctrina ng Santicima Trinidad. Ang Iglesia Watawat ng Lahi at iba pang kapatirang katulad nito ay may paniniwala na si Gat Dr. Jose RizaJ ay reinkarnasyon ni Jesucristo. Ang reinkarnasyong nabanggit ay hindi ayon sa paniniwalang Hinduismo manapa’y nangangahulugan lamang ito ng paradismong buhay nina

Page 3: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

3

Jesucristo at Gat Dr. Jose P. RizaJ. Sa madaling salita, ang mahiwagang kapanganakan, ministeryo, pagka-manunubos, pag-alipusta sa kanilang buhay at kadahilanan ng kanilang kamatayan ay magkapareho. Kung si Jesucristo ay binansagan bilang "hari ng mga Hudyo," gayundin naman ang pangalang Jose Rizal ay may pakahulugang pagkahari. May nagsasabing JOVE REX AL ang salin sa Latin ng Jose Rizal. Ang JOVE ang lihim na pangalan ng Dios; hari ang ibig sabihin ng REX; at AL ay lahat. Samakatuwid, Hari ng Lahat ang buong kahulugan ng Jose Rizal, isang bansag na sa Ingles ay King of Kings - na wa.lang iba kundi ang panginoong Jesucristo. UGNAYAN NG DALAWANG TALAMBUHAY Magkakawing ang ugnayan ng talambuhay ni Gat Dr. Jose P. Rizal at Jesucristo. Tatalakayin ko ito sa konteksto ng mga sumusunod na paksa: (1) propesiya tungkol sa pagsilang, (2) mahiwagang kapanganakan at binyag, (3) banal na bawtismo, (4) misteryo at ministeryo. (5) pagkabayubay sa krus, (6) pagtatayo ng Bagong Jrrusalem. (7) mga sinyales (8) armagedon (9) pagbabago ng lipunan at kalikasan. at (10) naghihintay na lamang. PROPESIYA TUNGKOL SA PAGSILANG Ayon kay Crispin Penid, ang buhay at misyon ni Gat Dr. Jose P. Rizal ay mababanaag sa Banal na Kasulatan. Ang basihan nito ay matutunghayan sa Pahayag 12: 1-5, na aniya:

Pahayag 12: 1 Kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaing nararamtan ng araw at nakatuntong sa buwan; ang ulo niya'y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. 2 Malapit na siyang manganak kaya't napapasigaw siya sa matinding sakit at hirap. 3 Isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay. at may korona ang bawat ulo. 4 Sinaklot ng kaniyang buntot ang ikatlong b:lhagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang. 5 At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kaniyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal.

Ganito ang simbolikong pagpapakahulugan sa teksto. Ang "babaing nararamtan ng araw" ay walang iba kundi ang bansang Pilipinas. Sa kaalamang bayan ang Inang Bayan ay nakabanderang saya na may araw sa dibdib. Si Gat Dr. Jose P. Rizal ang sanggol na kaniyang isisilang at siyang naghahari sa lahat ng bansa.

Page 4: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

4

Ang pulang dragon ay ang bansang Espanya na ang kasaysayan nito ay lusak sa dugo. Ang pitong ulo at pitong korona nito ay mga kaharian na nagtataguyod sa organisasyon ng pulang dragon. Ang pulang dragon ang siyang papatay kay Gat Dr. Jose P. Rizal. Si Gat Dr. Jose P. Rizal lamang ang nakaganap sa ipinag-uutos ni Jesucristo kaya’t siya ngayo'y nasa kanang kamay niya sa trono ng Diyos Ama, at doon niya huhukuman ang mga patay at buhay. MAHIWAGANG KAPANGANAKAN AT BINYAG Ang pinagkunang tala ng Iglesia Watawat ng Lahi tungkol sa kapanganakan at pagkabayubay ng Panginoong Jesucristo ay Ubornal. Gaya ng Rey de los Reyes, ito'y hindi pa hayag sa mambabasa at mananaliksik. Subalit mayroong minakinilyang sipi na ipinakita sa atin ni Jose Baricanosa. Ang Iglesia Watawat ng Lahi ay naniniwala sa kapanganakan ni Jesucristo ayon sa Banal na Kasulatan. Subalit mayroong ilang bagay na kanilang pinagtutuunan ng pansin. Halimbawa, ana bituing nagliwanag sa kaniyang kapanganakan at kilala sa tawag na, "Estrella Matutina." Ang mga. Pangalan ng mga pastol na unang bumisita sa banal na sanggol ay kapwa kapanagalan ng labindalawa niyang alagad. Ang unang bata na bumisita sa kanya ay si Epran. Si Epran naman ay reinkarnasyon ni David. At ang koro at arkangheles na kumanta ng "Gloria in Excelsis Dei" ay sa pangunguna ni Joperon. Ang lahat ng ito ay nagpapahiwatig ng pagkapaham sa relihiyon na ang pakahulugan ay malalim na pagkaunawa. Ang kapanganakan naman ni Gat Dr. Jose P. Rizal ay isang misteryo. Siya ay dinala at inilagay ng isang pulubi sa bunsuran ng bahay ni Doña Teodora, isang madaling araw. Nakabalot siya sa isang kumot. Ang kaniyang lampin ay may bordang Jove Rex Al. Jove ang lihim na pangalan ng Dios, Ang ibig sabihin ng Rex ay Hari. At ang Al ay lahat. Kayat ang buong kahulugan ng Jove Rex AI ay Dios, Hari ng Lahat. BANAL NA BAWTISMO Bago si Jesus maging Cristo, dumaan siya sa pitong pagsubok. Ang pinakamabigat sa kaniyang pagsubok ay nang tuksuhin siya ni Miriam. Ang Banal na Espiritu ang nagbawtismo sa kaniya sa ilog Jordan, na pinamahalaan ni Juan Bawtista. Si Juan Bawtista ay pinaniniwalaang reinkarnasyon ni Noe. Tungkol naman sa pagbabawtismo kay Gat Dr. Jose P. Rizal, ang pamilyang Teodora Alonzo ang naging taga-ampon lamang ni Gat Dr. Jose P. Rizal. Ang mag-asawa ay nagdesisyon na binyagan ang sanggol. May paniniwala sa Pilipinas na ang batang walang binyag ay nagiging masasakitin. Subalit hindi nila malaman kung sino ang gagawing ninong o ninang. Napagkasunduan nila na ang unang tutuktok sa kanilang pintuan ng umagang yaon ang siyang magiging ninong o ninang. Isang pulubi ang tumuktok. At gaya ng kanilang napagkasunduan, ang pulubi ang pinaki-usapang maging ninong. Bilang pakimkim, isang puting papel na may sulat ang ibinigay ng pulubi para sa bata. Ipinagbilin pa na ito'y ibigay sa bata kung ang bata ay maarunong nang bumasa.

Page 5: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

5

Ang kuwento tungkol sa pagkabawtismo kay Gat Dr. Jose P. Rizal ay may kaugnayan sa panitikang tradisyon sa Pilipinas. Ang pagkapulot ng isang sanggol sa may pintuan ay masuwerte. Ito ay isang pagsubok. Ang pulubi, gaya ng sa Florante at Laura ni Baltazar ay nagbabalatkayo lamang. Sa maraming mga kuwento, ang pulubi ay huwaran ng kabutihan. Sa totoo lamang, ayon sa kasaysayan, ang kapanganakan at pagkabawtismo kay Gat Dr. Jose P: Rizal ay hindi dapat pagtakhan. Ayon kay Palma (1950): ...His advent was not preceded by prophecies. It was not announced by any

mysterious constellation. No wise men foretold his good fortune. There were no augural signs which might forbode that that boy was going to perturb the peace of that world that the Spaniards considered ideal. Except for the fact that his mother had a difficult labor and promised a pilgrimage to the Virgin of Antipolo, the event had nothing extraordinary in it. His parents did not give him better treatment than their other children. They baptized him on the third day and called him Jose, probably because his birth occurred on a day commemorative of Saint Joseph.

MISTERYO AT MINlSTERYO Ang ministeryo ni Jesus ay mamisteryo gaya ng pagpapakain ng limang libo, pagpapagaling ng mga maysakit, pagbuhay ng patay. atbp. Naniniwala ang Iglesia Watawat ng Lahi at iba pang samahang milinaryan sa mga ito. Gayundin naman, rnaraming misteryo ang ministeryo ni Gat Dr. Jose P. Rizal. Sa Mateo 14:13-21, sinasabi na si Jesus ay nagpakain ng limang libo mula sa limang tinapay at dalawang isda. Ayon naman kay Jose Baricallosa; si Rizal ay nagpakain ng tatlumpong kabataan. Isang umaga ng Linggo, kararating pa lamang ni Gat Dr. Jose P. Rizal mula sa Europa, nangumbida siya ng tatlumpung kabataan na magpiknik sa Pansol. Nang siya'y papunta na, napansin ni Lilay na ang dala lamang na lutuin ni Dr. Jose P. Rizal ay isang dumalagang manok at isang gatang na bigas. Biniro ni Lilay si Dr. Jose P. RizaJ, “Ang baon mo ay sapat lamang sa iyo." "Huwag kang mabahaJa. Ako ang bahala sa ating pagkain. Hala, sige, maligo na kayo. Ako na ang magsasaing sa ating katulong na lutuin na ito,” sagot ni Gat Dr. Jose P. Rizal. Nang maluto na ang pagkain, humingi si Dr. Jose P. Rizal ng isang kaing at pitong kam-aw. Inilagay ito sa lamesa. Tinakpan ng dahon ng saging. Ang lahat ay umupo sa palibot ng lamesa. Ina1is ni Dr. Jose P. Riza1 ang takip na dahon ng saging. Ang 1ahat ay busug-na-busog pagkatapos ng panangha1ian. Sa iba namang pagkakataon. pitong matanda at apat na bata ang nagpunta sa Sinalhan, Sta. Rosa, Laguna. Doon sila tumira sa bahay ni Arsenio de Guzman. Si Arsenio de Guzman di-umano ay katulong ni Rizal sa Dagupan. Ayon sa kaniya, kinumisyon siya ni Rizal na magtayo ng simulain sa buong Pilipinas, pati na ang Iglesia Watawat ng Lahi sa Lecheria, Calamba. Laguna.

Page 6: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

6

Ikinuwento ni Carmen Herbosa kung papaano siya nagdala ng bigas at dalag. Ang matanda ay waring walang kibo. Sa Pilipinas, insulto sa dinatnan kung ikaw ay magdala ng iyong pagkain lalo na kung bumibisita ka lamang. Gayunman, niluto rin nila ang pagkain. Silang lahat ay namangha sapagkat hindi nila naubos ang handa na sa akala nila ay kulang. Ang kanin sa palayok ay nag-uumapaw. Upang ipakilala ang kagalingan ni Rizal, ito ang ulat ni Jose Baricanosa. Nang si Rizal ay nasa Espanya, ang anak na lalaki ni Reyna Victoria, si Alfonso III ay nagkasakit. Ang ulo niya ay lumaki kayat ito'y kailangang operahin. Wala sa Espanyang makapagpagaling dito. Nang malaman ni Riza1 ang pangyayari, nag-alok siya ng kaniyang serbisyo. Humiling siya ng kuwartong bubog bilang opersting room. Ito naman ay naihanda kaagad. Nan gang lahat ay handa na, siya ay pumasok sa operating room na nag-iisa. Ang mga dignitaryong nagmamasid ay namangha sapagkat tatlo ang nag-ooperate. Matagumpay ang operasyon. Pagkatapos ay tinanong si RizaJ ng Reyna Victoria kung ano ang ibig niyang kabayaran. Hindi siya humingi ng anomang kabayaran. Gusto lamang niyang ipakita sa mga Kastila na ang Pilipino ay matalino. Para sa akin, ang sa1aysay na nabanggit ay nagpapakilala ng mga katangian ni Dr. Jose P. Rizal gaya ng mga sumusunod: (1) kagalingan niya bilang doktor, (2) ang kaniyang pagka-Makapangyarihan, (3) ang kaniyang paniniwala na ang lahat ng tao ay pantay-pantay, at (4) ang pagtangkilik niya sa nangangailangan. Gayundin naman, minsang si Riza1 ay nasa Alemanya, napag-alaman niya na ang asawa ng hari ng Alemanya ay may sakit. Kaniyang ipinagkaloob ang. kaniyang serbisyo. Hindi halos makapaniwa1a ang hari dahilan sa kaliitan ni Gat Dr. Jose P. Rizal. Binilinan siya na kapag namatay ang kaniyang maybahay, si Rizal ay pupugutan ng ulo. Hinipo ni Rizal ang maybahay. Siya ay nakagalaw. Hinipo ulit ni Rizal ang maysakit at ang reyna ay naka-upo. Pagkatapos. ng pangatlong hipo, ang reyna ay nakalakad. Tuwang-tuwa ang hari. Pinagkalooban siya ng isang bunton ng gintong kasingtaas niya subalit ito'y kaniyang tinanggihan. Dahilan dito, binigyan ng Hari si Rizal ng abanikong mahika. Mayroon itong nakamamatay na kapangyarihan. Pinagkalooban naman siya ng reyna ng mahikang payong. Ito'y nakapagdadala sa mayhawak kahit saan. "Mga bata, sundin ninyo ang inyong mga magulang," isang paalalang ipinahihiwatig ng sumusunod na pangyayari. Noong 1887, pagkarating ni Rizal mula sa Maynila, ibinigay ng ina ni Rizal ang isang liham. Walang sulat na mabanaag dito. Pagkatapos tingnan ang liham, humingi si Rizal ng lampara at inilagay ang sulat sa ibabaw nito. Ang sulat ay lumitaw. Napag- alaman na kailangan si Rizal sa Alemanya sapagkat may sakit ang Hari. Hindi sumang-.yon ang ina. "Dapat na magpahinga ka muna," ang payo, "sapagkat kararating mo lamang mula Europa." Bilang masunuring anak. sinunod niya ang kaniyang ina…ngunit hindi nagtagal. Ang ina ay nagluto ng pananghalian. Sinusian nya ang anak sa kuwarto. Nagtungo ang ina sa kusina upang tikman ang ulam. Nagulat na lamang siya sapagkat naunahan pa siya ng kaniyang anak. Ans ina ay hindi nagsalita. Pumunta siya sa kuwarto ni Riza; upang ito'y alamin. Si Rizal ay nagbabasa. Tinanong siya ng kaniyang ina, "Hindi ba nasa kusina ka kani-kanina lamang?”

Page 7: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

7

"Opo," ang tanggap ni Rizal. Pagagalitan na sana siya subalit ito'y nagsalita kaagad, "hindi ninyo ako makukulong sa kuwarto. Kung gusto kong pumunta sa Alemanya. magagawa ko iyon, kahil walang pahintulot." Kaya't pinayagan ng ina si Rizal na tumungo sa Alemanya upang gamutin ang hari. PAGKABAYUBAY SA KRUS Si Jesus ay ipinako sa krus, Si Jose Rizal ay binaril sa Bagumbaya. Ang paraan ng pagpaparusa ay tradisyunal sa kapwa lipunan. Dito nakasalalay ang paghahambing. Ito ay matutunghayan sa mga sumusunod na pangyayari. Sa daan patungong Kalbaryo, ang unang tao na naawa kay Jesus sa pagpasan ng krus ay si Simon ng Sirenia, ang pangalawa ay si Hudas T adeo. Si Hudas Iscariot naman ang lumibak sa kaniya. Ang unang bumati sa kaniya ay si Simulatok, at ang pangato ay si Juan Bawtista. Ang gumawa ng krus dignum ay Dios Ama. Ang kahoy na dignum ay may labindalawang dahon at sa bawat dahon ay nakasulat ang pangalan ng kaniyang disipulo. Ang hagdan na ginamit sa pagbababa ng katawan ni Jesus mula sa krus ay gagamitin ng mga sumusunod sa kaniyang kautusan. Pagkatapos siyang mamatay, si Sta. Maria, Nikodemus, at Jose ng Arimateya ang humingi ng kaniyang katawan kay Pilato. Ito nama'y ipinagkaloob. Ang kaniyang libingan ay binantayan ng uuong araw. Ang bato na pantakip sa kaniyang libingan ay tinatawag na Piedra Amor. Siya ay inilibing kung saan si Adan at Eva ay inilibing. Nabuhay siyang magmuli pagkatapos ng tatlong araw. Sa paghahambing. sinasabi ng Iglesia Watawat ng Lahi at iba pang samahang milinaryan na noong umaga ng 30 Disyembre 1896, hiniling ni Galt Dr. Jose p, Rizal sa kaniyang bantay na bigyan siya ng puno ng saging at ito naman ay pinagbigyan. Sila'y naniniwalang ang nasabing puno ng saging ay ginawa niyang kamukha niya. Kanila ring isinalaysay na bago pa si Rizal barilin sa Bagumbayan kinuha ni Dr, Felipe Ruiz ng Military Medical Corp ang pulso nito at ito ay napag-alamang normal. Dagdag pa ni Jose Baricanosa na doon sa kaniyang pinagbarilan ay wala man lamang katiting na dugong nabuhos. Pagkatapos na siya ay barilin ang kaniyang katawan ay hindi ibinigay sa kaniyang kamag-anak. Ito ay inilibing sa libingan ng Paco. Ito ay binantayan ng labinglimang araw ng limampung sundalo, isang kapitan, isang tenyente, isang sarhento at isang kabo. Ilang mga sundalong IIokano ang nagsabi na pagkalipas ng ilang araw nakita nila ang katawan ng saging at hindi ang katawan ni Jose Rizal ang nasa libingan. Sila ay pinagbawalang magsalita tungkol dito sa malaking himala. Upang patunayan m hindi si Dr. Jose P. Rizal ang binaril sa Bagumbayan. ang pahayag ni Jose Baricanosa ay ganito: pagkatapos ng pangyayari sa Bagumbayan, ilang sundalo ang pumunta sa Hotel de Francia na dati'y kinatatayuan ng Ideal Theatre, Ang mga sundalo ay nagyayabang na naibagsak na rin nila ang hambog na Pilipino, Ang waiter ay nagsalita. "Papaano ninyo siya binaril ay sinilbihan ko pa siya rito sampung minuto lamang ang nakalilipas. Kayo ay hindi nagsasabi ng totoo," Pinagtawanan ng mga sundalo ang waiter.

Page 8: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

8

Ang katapangan ni Rizal sa kanutayan ay pinatunayan ng mga sumusunod na tala. Isang araw si Rizal ay nagkaroon ng premonisyon tungkol sa kamatayan. Sinabihan niya si Pio Elasegui, Melquiades Be!armino, Tomas Jarumayan ,at Paciano Rizal na "kung ita ay kagustuhan ng mga tao, hindi siya mamamatay; subalit kung ito ay kalooban ng Dios, sa gayon ay wala siyang magagawa, Ama ko, kung maaari'y ilayo mo sa akin ang saro ng paghihirap na ito. Gayunman, huwag ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari," Mateo 26:39. Ang Watawat ng Lahi gaya ng iba pangsamahang milinaryan ay naniniwala na si Jose P. Rizal ay hindi patay, Sampung taon pagkaraan ng pangyayari sa Bagumbayan. isang Alemang pintor ang nagpunta sa Lecheria. Palagi siyang nagtutungo rito upang ipinta ang magagandang tanawin ng bundok Makiling. Isang araw, isang Pilipino ang nakita niyang nagliliwaliw sa Lecheria. Ang Aleman ay ibig ipinta ang isang Pilipino. kayat pinaki-usapan niya ang tao kung maaaring siya'y maging modelo niya. Nagkasundo sila na sampung araw silang magkikita sa burol. Habang ipinipinta ng Aleman ang Pilipinong modelo, ipinipinta rin ng Pilipino ang Aleman. Ito ay nagpapakilala na si Rizal ay isa ring pintor. Isang araw bago ipakita sa publiko ang kaniyang pinta. biglang umulan nang malakas sa Calamba kayat ang "final touches" ng pinta ay ginawa sa bahay ng Aleman sa Calamba. Ang Pilipinong mode!o ay hindi nakarating sa kanilang tipanan. Nanangan na lamang ang Aleman sa kaniyang gunita at imahinasyon. Sa pagbubukas ng pinta.. kaniyang sinabi na sa wakas ay nagtagumpay siyang maipinta ang pagkatao ng isang tunay na Pilipino. Ang mga taong dumalo ay nagulantang na lamang sapagkat ang ipininta nito ay walang iba kundi si RizaI. Ang pintor ay pumunta sa bahay ni Rizal at ipinagtanong sa katulong kung talagang totoo na ang kaniyang ipininta ay si Dr. Jose P. Rizal. Kaniya tuloy nasambit. "papaano na ang isang taong binaril sa Bagumbayan pagkatapos ng sampung taon ay buhay pa rin?" Si Juanito Briones ay nagdagdag ng kaniyang patutoo tungkol dito na si Rizal ay buhay, Sinasabi niya na siya ay kaibigan ni Mauricio Cruz. ang anak ni Maria, isang kapatid ni Rizal. Mayroon silang bahay sa San Pablo C:ity. Nang siya ay walong taong gulang. may nagsabi sa kaniya na mayroong lihim na kuwarto sa bahay nina Doña Maria. Si Rizal at ang kaniyang kumpanyeros ay doon nagtatago. Sa katunayan, ayon sa katulong. si Dona Maria mismo ang naghahanda ng kuwarto para sa kanila, pati na ang pagkain. Kung gabi ay nakakarinig siya ng pag-uusapan. Kinaumagahan lilinisin ng katulong ang kuwarto na ginamit ng nakaraang gabi. Upang patotohanan na si Rizal ay buhay, ang Iglesia Watawat ng Lahi at iba pang samahang milinaryan ay binabanggit ang ika-10 taludtod ng kay Rizal na huling pahimakas. Pinaninindigan ng Watawat ng Lahi na kung si Rizal ay patay ay bakit umaawit pa siya sa Inang Bayan? Ang umaawit, ayon sa kanila. ay walang iba kundi ang Banal na Tinig. Ang Banal na Tinig ay naglalagalag sa iba't ibang dako upang ipahayag ang kaniyang muling pagdating. Sa pamamagitan ng mga kuwento sa itaas. ang Iglesia Watawat ng Lahi ay nakuhang paghambingin ang buhay. ministeryo at misteryo ni Jesucristo at Jose Rizal. Sa ganito ring paraan nila ipinaliliwanag ang kay Jose Rizal na pagbabalik. PAGTATAYO NG BAGONG KAHARIAN

Page 9: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

9

Sa Pahayag 19:11-16, ganito ang nasasaad:

11 Pagkaroon nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinatawag na Tapat at Totoo pagkat matuwid siyang humatol at makidigma. 12 Parang nagniningas na apoy ang kanyang mga mata, at napuputungan siya ng maraming korona. Nakasulat sa kanyang katawan ang panga.lan niya, ngunit siya ang tanging nakababatid . ng kahulugan niyon. 13 Tigmak ng dugo ang kanyang kasuutan. "Sa.lita ng Diyos" ang tawag sa kanya. 14 Sumusunod sa kanya ang mga hukbong langit, na nakadamit ng malinis at puting lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. 15 May lumabas na tabak sa kanyang bibig; gagamitin niya itong panlupig sa mga bansa. At pamamahalaan niya sila sa pamamagitan ng kamay na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. 16 Sa kanyang kasuutan at sa kanyang hita ay nakasulat ang pangalan "Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon."

Ipinaliwanag ni Penid ang simbolismo ng mga bersikulo. Ang tinutukoy ng "Tapat at Totoo" ay walang iba kundi si Dr. Jose P. Rizal, sapagkat siya ay tapat at totoo sa ipinangangaral ni Cristo. "Parang nagniniingas na apoy ang kaniyang mata," ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa kaniya upang ang kaniyang katapangan at galit ay maranasan ng masasama. "At ang putungan siya ng maraming korona," ay tumutukoy sa kaniyang larangang pinag-aralan. "Tigmak ng dugo ang kanyang kasuutan" ay tumutukoy sa kaniyang walang awang pagkamatay sa Bagumbayan. "Salita ng Diyos" ang tawag sa kaniya ay nagpapatutoo na ibinigay ni Jesucristo kay Jose Rizal kung ano yaong tinanggap niya mula sa Diyos na Makapangyarihan. Ang ika-14 na bersikulo ay nagtatanto na ito ay hindi tumutukoy kay Cristo kundi kay Riza.l sapagkat ayon na rin sa Kasulatan, si Jesus ay babalik na kasama ang mga angheles at arkangheles. Sa bersikulo 14 "sumusunod sa kaniya ang mga 'hukbong langit." Ang ika-l5 bersikulo ay nagpapahiwatig na ang lahat ng salita buhat sa bibig ni Rizal ay maglalansag sa bansa. At ang bersikilo 16 ay nagpapatutoo ng Pahayag 3: 12 na aniya:

Pahayag 3:12 Ang magtatagumpay ay gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos at hindi na siya maaalis doon magpakailanman. Iuukit ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos, ang pangalan ng Lunsod ng aking Diyos. ang bagong Jerusalem na bababa mula sa langit buhat sa aking Diyos. Iuukit ko rin sa kaniya ang aking bagong pangalan.

Page 10: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

10

Samakatuwid, ang kapangyarihan na itayo ang Bagong Kaharian sa Lecheria ay ipinagkaloob na. Mayroon pa ring mga katanungang dapat sagutin gaya ng mga sumusunod: Kailan siya darating? Ano ang mga sinyales ng pagdating niya? Ano ang mga pagbabago na mangyayari? Saan ito mangyayari? MGA SINYALES Mayroong isang ulat na noong ika-13 ng Oktubrc 1887. si Melquiades Belarmino. Tomas Jarumayan, Lt. Jose Taviel de Andrade. at Dr. Josc P. Rizal ay umakyat sa bundok Makiling. Nang nasa taluktok na sila. isinulat ni Rizal ang pangalan ng kaniyang mga kasama sa papel, tiniklop ito, inilagay sa bote ng Vichy, tinakpan ng tapon, at ikinabit sa kawayang tagdan. Itinayo niya ang tagdan. Hindi naglaon, mayroong kawayang tumubo sa pinagbaunan ng tagdan na ang katawan ay hindi mayapos ng isang tao. Nagkaroon ng sapantaha ang mga kasama niya na marahil dito iwawagayway ang gintong bandila ng Bagong Jerusalcm. Ang ulat na nabanggit ay ayon sa doktrina ng Iglesia Watawat ng lahi at kagaya nitong samahan. Sila ay naniniwala na ang bahay ng Panginoon ay matatayo sa taluktok ng bundok Makiling. na nakaharap sa bayan ng Calamba. Maraming mga simbolo ang lilitaw: gintong bandila. gintongg simbahan. at gintong palasyo. Ang lahat ng bansa ay paroroon sa Bundok Makiling sapagkat ayon sa Isaias 2: I -2:

1 Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem: 2 Sa mga huling araw. ang bundok na kinatatayuan ng Tcmplo ni Yahweh ay mamumukod sa taas sa lahat ng bundok. Daragsa sa kaniya ang lahat ng bansa.

Ang paglalarawan sa itaas ay tumpak sa katatayuan ng Lecheria kaugnay ng bundok Makiling. "Daragsa sa kaniya ang lahat ng bansa" ay pinatotohanan ng pagdagsa ng mga turista at banyaga sa Calamba. Laguna. ang bayang sinilangan ni Jose Rizal. Ang bersikulo 3-5 ng Isaias ay itinuturing din ang Lecheria bilans lugar na doon mangangaral ang Banal na Tinig: Isaias 2:3 Ang maraming taong lalapit sa kaniya ay magsasabi ng ganito

"Halikayo, umahon tayo sa bundok ni Yahweh, sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang malaman natin ang kaniyang mga daan at matuto tayong lumakad sa kaniyang mga landas. Sapagkat sa Sion magmumula ang Kautusan, sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh.

4 Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng kapayapaan. Kung magkagayon, gagawin na nilang sudsod ang kanilang mga tabak, at karit ang kanilang mga sibat. Wala nang magsasanay sa pakikibaka at mawawala na ang digmaan.

5 Halina kayo, sambahayan ni Jacob at tayo'y lumakad sa liwanag ni Yahweh.

ARMAGEDON

Page 11: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

11

Ang Iglesia Watawat ng Lahi ay naniniwala na magkakaroon ng Armagedon bago matayo ang kaharian ng Dios. Ang armagedon ay ang paglalaban ng kasamaan at kabutihan. Magkakaroon ng digmaan sa Kanluran. Samantalang ang Silangan ay masgsasaputan ng dilim upang ito'y mailigtas sa digmaan. Magkakaroon ng kalungkutan sa kalupaan. Ang basihan sa Bibliya ng doktrinang ito ay mula sa Mateo 24:3-8; 24:

Mateo 24:3 Nasa Bundok ng mga Olibo si Jesus. Samantalang siya’y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kaniyang mga alagad: "Kailan po ba mangyayari ang mga bagay na ito? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo? 4 Sumag0t si Jesus, "Mag-ingat kayo na huwag kayong maligaw. ninuman! 5 Sapagkat maraming paririto sa aking panga1an at magsasabi, "Ako ang Mesias! At marami silang maililigaw. 6 Makaririnig kayo ng alingawngaw ng 1abanan at ng mga balita tungkol sa digmaan. Huwag kayong mababagabag. Dapat mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang wakas. 7 Sapagkat makikibaka ang bansa 1aban sa kapwa bansa at ang kaharian sa kapwa kaharian. Magkakagutom at lilindol sa iba't ; ibang dako. 8 Ang lahat ng ito'y pasimula pa 1amang ng mga paghihirap. 24 Sapagkat may mga magpapanggap na Mesias at may mga lilitaw na mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga kagilagilalas na tanda at mga kababalaghan upang iligaw kung maaari, pati ang mga hinirang ng Diyos.

Si Jose Baricanosa (Dasalan 1971 pp. 98-101) ay kumbinsido na malapit nang mangyari ang armagedon. Ito ang mga pangunahing sinyales: mga digmaan sa iba't ibang bahagi ng daigdig; taggutom, mga lindol, pagputok ng mga bulkan, walang trabaho, mataas na bilihin, atbp. At pagkatapos ng digmaang nukleyar saka darating ang mananakop. PAGBABAGO NG LIPUNAN AT KALIKASAN Mula sa aklat na Biographicus Apokalipticus, isa sa tatlong aklat na hindi pa hayag sa mambabasa, ang pagdating ng mananakop ay magdadala ng mga sumusunod na pagbabago ng kalikasan:

1. Ang kaparangan, kabundukan, at karagatan ay mayayanig. Ang bundok ay guguho. Ang mga bulkan ay puputok. Ang lupa sa ilalim ng dagat ay lilitaw. 2. Ang tiwangwang na lupain ay sasagana. Ang yaman nito'y ipamamahagi sa mga taco 3. Ang mina ay miminahin. Ang bahay ng tao ay magiging yari sa bakal at bronze 4. Ang mga bagong pananim ay lilitaw. Marami ang kanilang ibubunga.

Page 12: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

12

5. Ang katawan ng tao ay magiging iba. Ang kanilang laman ay magiging marupok. Ang kanilang mga ugat ay litid ay siyang lalong gagamitin. 6. Ang hubog ng mga babae ay magiging simetrikol angkop sa iba't ibang gawain. 7. Ang mga hayop ay magiging mabangis. Ang hayop at tao ay mag-aaway, Ang tao ay maglalaho. 8. Ang araw at buwan ay mababago. Ito ay magiging kapahamakan ng lahat ng may buhay.

Ang pagbabagong ito ng kalikasan ay kailangan upang salubungin ang pangalawang pagdating ng Panginoon. Sa pamamahala ng Mananakop, bagong kaayusan ng lipunan ang iiral. Ang Bagong Jerusalem ay ganito ang anyo:

1. Ang unang maniwala at ang unang pagsapi sa isang samahan ay hindi sapat upang maging karapat-dapat siya sa Panginoon.

2. Ang titulo sa pangalan ng relihiyon ay magiging balewala. Ang lahat ng tao ay mag-aaral at durunong.

3. Ang kabanalan, pagiging karapat-dapap, at katwiran ay nasa mga bagay na hindi nakikita.

4. Ang salita ng Diyos ay ipangangaral ng mga tao ng Diyos sa kanilang mga pulpito sa kanilang mga bahay na walang kongregasyon.

5. Ang mga tao sa kabundukan at ilang na lugar ay makakaunawa ng katotohanan. Hindi na kailangang sila'y magsama-sama sa ilalim ng iisang simbahan.

6. Ang kaligtasan ay para sa lahat, nasa lahat at gawa ng lahat. Ang pagka-ministro ay ibabase sa kaniyang gawa: marangal, katotohanan at wagas.

7. Ang mga walang kuwentang ministro ay maglalaho. Mangangailangan ng mga ministrong may panatang maglingkod ng tapat sa sangkatauhan. Hindi na ituturing ang paglilingkod sa simbahan na pagsamba sa Diyos.

8. Hindi pagsasamantalahan ang mga walang muwang. Ang mga naglilingkod para sa kanilang katawan at tiyan ay mamamatay. Magkakaroon ng tapat na paggawa.

9. Ang mga bagay na katotohanan ay doroon sa gumagawa ng mabuting gawa. Ang pagsasama-sama sa pagsamba ay walang kabutihan.

10. Yaong tumutupad ng katotohanan ng kabanalan na walang pag-iimbot ay tatanggap ng korona ng Walang Hanggang Buhay.

11. Ang Espiritu ay sisinag sa kamalayan ng tao at hindi na sa simbahan o samahan.

12. Sa araw na yaon, ay wala ng Hebreo, Griego, Catolico, Protestante. Iglesia ni Cristo, puti, itim o ano pa mang kulay sapagkat kung sino man ang may katotohanan sa kabanalan ay siyang karapat-dapat sa korona ng Walang Hanggang Buhay.

Page 13: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

13

13. Katalinuhan, kayamanan, karangalan at popularidad ayon sa lahi at kulay ay hindi magiging basihan upang ang tao ay tawaging anak ng Diyos.

Sa aking palagay. ang mga nabanggit na pagbabago sa paniniwala, paraan ng pagsamba at iba't ibang uri ng mananamba ay komentaryong panlipunan na di ayon sa karaniwang paraan ng buhay ng mga simbahan kasama na rin ang sa kanila. Sa konteksto na ang buhay ngayon ay isang paghahanda sa darating na buhay, ang Iglesia Watawat ng Lahi, kagaya rin ng maraming samahang miliaryan ay dapat magbago rin. NAGHIHINTAY NA LAMANG Gaya ng patutuo patutuo ni Aling Diding, “tapos na ang misteryo. Kailangan na lamang ang panalangin. “Si Suprema Isabel Suarez kasama ng mga taga-Cuidad Mistica de Dios ay tumutupad sa banal na kautusan. Ang pagganap ng buhay sa araw-araw ay ayon sa sampung utos ni Gat Dr. Jose P. Rizal, na aniya: I

Manalig ka na may isang Diyos: ang Diyos ng Katarungan, ng Habag ng Kalayaan at Pagkakapantay-pantay. II Ibigin mo't ipagtanggol ang iyong bayan, at pagyamani't tangkilikin ang lahat ng katutubong sa kaniya. III Pagsikapan mong ang inyong pamahalaa'y maging malaya, makabaya't makatarugan, pagka't diyan nasasalig ang kapamayanan mo. IV Mahalin mo't parangalan ang iyong magulang at tahanan, at huwag tulutang lapastanganin na kahit sino. V Huwag mong nasaing matanghal ang sarili, ang pagpilita'y matampok ang bayan at makapagturo sa kapwa VI Pasiglahin mo't patnubayan ang kabataan, "upang makabuo ka ng bayang marangal, mariwasa, matalino at dakila. VII Huwag kang sa tuwi' tuwina'y maing mapanuyo, mapagpaumanhin at mapagpakumbaba, pagka t ika'y kaimbihang nagpapalala sa paniniil. VIII Sa bayang ibig lumaya, kailanga'y pagkakaisa't paglalangkilikan; kaya maki-isa ka't tumangkilik sa iyong mga kababayan. IX Panindigan mo ang iyong mga kapangakua't pananalig, nguni't igalang ang kuru-kuro't pananampalataya ng iba, X Mag-aral ka at ,matutong makibaka pagka't nasa dunong ang ilaw at nasa pakikibaka ang kalayaan.

Page 14: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

14

Ang layunin ni Jose Rizal at Jesucristo ay nakapaloob sa tatlong katangian ng mananampalatayang Rizalista. Ang mga ito ay ang pagka: (1) Maka-Diyos, (2) Maka- Tao, at (3) Maka-Bayan. Kaipala, ito ay kahambing ng pagsasabuod ng sampung kautusan ng Dios Ama na ibinigay kay Moises na, "ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili." SEMlYONTIKA AT HERMlNIYONTIKA NG DISKURSO NG SAMAHA NG MILINARYAN Sa madaling salita. sa papel na ito, si ]esucristo ang tagapaghiwatig (signifier). Si Jose Rizal naman ang ipinahihiwatig (signified). Sa konteksto ng kultura ng mga samahang Rizalista. ang diskurso ay dapat liwanagin sa kabuuang kamalayan at hindi sa katotohanan ng mga salik na pangyayaring panlipunan. Dito nakasalalay ang herminiyotika ng diskursong ito. MGA TALA NG PATNUGUTAN "Ang Pagtanggap ng Samahang Milinaryan kay Gat Dr. Jose P. Rizal" ni Prospero R. Covar ang isa sa mga unang sistematikong pagtatala't pag-aaral sa kakaibang hugis at anyo ng pagtanggap kay Jose Rizal ng mga Samahang milinaryan. Gayong sadyang sinulat ng may-akda ang lathalaing ito para sa kanyang kasalukuyang aklat, nag-uugat ang pag-aaral sa mga nauunang sulatin, na hanggang sa kasalukuyan ay naghihintay pa ng paglilimbag. Tingnan ang hindi pa nailalathalang tesis masteral ni Prospero R. Covar, "The Iglesia Watawat ng Lahi, a sociological study of a social movement," Unibersidad ng Pilipinas, 1961; gayundin ang higit na malawak, isang magnum opus katunayan, ang hindi pa rin nailalathlang disertasyong doktora1 ni Prospero R. Covar, The Iglesia Watawat ng Lahi, An Athropological Study of a Social Movement in the Philippines, University of Arizona, 1974. Higit na nakatuon ang mga pagtatala't pagsusuri ni Prospero R. Covar sa Samahang Iglesia Watawat ng Lahi sa baryo Lecheria, Calamba, Laguna. Ngunit sa buong Pilipinas, hindi lamang ang Iglesia Watawat ng Lahi ang samahang milinaryan na kumikilala at tumanggap kay Jose Rizal. Marami pang iba. Matitingnan ang "Cults Honoring Rizal" ni Marcelino A. Foronda, Jr. Historical Bulletin. V (1961), ph. 47- 1 44.

* Inilathala sa Patricia Melendrez-Cruz at Apolonio Bayani Chua (mga patnugot), Himalay : kalipunan ng mga pag-aaral kay Jose Rizal, Manila : Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, 1991, p 426-442.

Page 15: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

15

MANANALANGIN SA BUNDOK BANAHAW: ANG RELIHIYON AT ANG PAGKATAONG PILIPINO

(Liham ng Isang Pilipinong Antroplohista sa Kanyang Kaibigang Kristiyano) Parang, Sta. Lucia Dolores, Quezon Unang Linggo ng Marso1976 Kaibigang Dioning, Maligayang Pagbati! Nawa'y sapitin ka ng liham na ito na malakas ang pangangatawan at mayaman sa buhay na espiritwal. Sa ngayon, marahil ay batid mo na ang pagtungo namin dito sa Bundok Banahaw. Ilang beses ko na noong nabanggit sa iyo ang aking hangad na ipagpatuloy ang aking pananaliksik tungkol sa katutubong relihiyon sa Pilipinas, at tunay, nakatutuwa ang Bundok Banahaw. Mayaman ito sa kasaysayan, mababait ang mga tao at puspos ng kabanalan kanilang mga kilos dahilan marahil sa paniniwala. nila na ang bundok na ito ay hindi lamang mahiwaga, manapa'y banal. Ang Bundok na ito ay tinaguriang Santong Lugar ng mga tagarito ng mga libu-libong nagsisidayo. Alam mo, nang nabubuhay pa ang butihin kong ama, isinalaysay niya minsan sa akin ang kahiwagaan at di-karaniwang kilos ng mga tagarito. Batay sa kuwento ng aking ama sumulat ako ng isang maikling sanaysay sa Lagunian tungkol sa mga kalikasang itinuturing ng mga mananalangin dito sa mga puwesto. Natatawa, ginamit ko pa ang salitang Virtud bilang isang alyas. Siyanga pala, si Virtud at sina Andy ay nasa States pa hanggang ngayon. Ang sabi, nagbabalak daw silang bumalik sa Pilipinas upang magbakasyon lamang, green card carriers na sila, eh. Doon sila ngayon sa Nachitoches, Louisiana. Pare! Nakidos pala ang pagpronounce niyan. May kahirapan, ano? Alam mo, isang alamat tungkol sa Bundok Banahaw ang nabatid ko sa pag-uusap minsan ni Mamay at ng kanyang panauhing dati'y seminarista ngunit palagian nang naninirahan dito. Ayon sa sabi-sabi, ang Holy Land sa dating Palestina ay inilipat sa Bundok Banahaw daang taon na ang nakararaan. Ito'y muling ibabalik pagkaraan ng Armageddon. Sa taong 1986 ito magsisimula. Ang kaguluhan ay magiging mainit sa taong 1995. Sa taong dalawang libo ay lilitaw ang gintong bandila, gintong simbahan, at gintong palasyo pagbuka ng Bundok Banahaw. Maraming palatandaan silang nababakas dito, gaya halimbawa sa Kinabuhayan na isang batong dinadaluyan ng malamig at malakristal na tubig na kakikitaan ng itinuturing nilang bakas ni Cristo. Dito sila kumukuha ng iniinom, at sa dakong ibaba, daan-daan ang naliligo.

Di-kalayuan sa puwestong ito, sa dakong itaas ay makikita roon ang isang malaking bato na may marka ng lubid. Ito nama'y tinatawag na pinaggapusan. Ayon din sa sabi-sabi, isang hindi mapaniwalain ang bumiyak sa gilid nito upang ipakilala na ang marka ng lubid ay isang ukit lamang, gawa ng tao. Subalit tila ang marka ng lubid ay naglalagos hanggang kalooban. Ipinapalagay tuloy ng marami na ito'y isang kababalaghan.

Page 16: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

16

Ang Kinabuhayan ay isang barrio ng Dolores, Quezon. Oo nga't patag na ang daan at kakaunti pa rin ang mga sasakyan. Tuwing a-siete, desi-siete, at beynte-siete ng buwan, maraming tao ang sumisimba rito sa Kinabuhayan. Mga miyembro sila ng Tatlong Persona Solo Diyos. Ang Tatlong Persona Solo Diyos ay rehistrado sa Securities and Exchange Commission. Ito ay pinangungunahan ni Jose Ilustre -ang anak ng nasirang Agapito Illustrisimo. Siya ang kinikilalang pinuno; ang kanyang maybahay ang suprema; ang kanyang anak ang obispa. May tatlo silang pari na pawang mga babae at anim na sakristan na babae rin.

Sa dakong kanan ng kanilang Sentral, sa bandang ibaba, sa kabila ng ilog, sa gilid ng bundok ay may isang kuweba. Sa bukana ng kuwebang ito ay may isang bato na hugis sapi-saping nakatayo. Ito raw ay si Birheng Maria. Sa pagpasok sa kuweba ay malalanghap mo ang amoy ng kandila na di-dapat pagtakhan, sapagkat sa isang sulok ng kuweba ay may mga nakatirik ngang kandila. Mga lima hanggang sampung tao ang doon nangakaluhod, may inuusal na dasal, taimtim sa kanilang isinasagawang ritwal. Sa dakong kanan sa loob ng kuweba ay may isang pasukan. Sumama kami ni Mike sa isang grupo ng mga tao na sumuot. Wala kaming dalang kandila. Hindi kami handa. Naiwan kami ng mga may dalang ilaw. Nagtangka akong bumalik, subalit nalito ako sa sapot ng dilim. Pinakiusapan namin ang may dalang kandila na huwag masyadong bilisan ang pagsuot. Inalalayan naman kami. Sa loob ay may isang di- kalakihang balon na dinadaluyan ng tubig buhat sa pader ng kuweba. Isa- isang nagbubuhos ng tubig sa kani-kanilang mga ulo ang nagsisipagdaan dito. Pagkatapos ng baptismo ay isa-isa rin silang lumusong sa maliit na puwang, papalabas, subalit may tubig na hanggang binti ang itaas.

Sa tuwing dumarating ang mahal na araw, mga sampung libo ang nagyayaot dito sa Kinabuhayan, pati na nga sa Santong Lugar na nakakasakop dito.

Dioning, sumagi na ba sa iyong isipan kung bakit ang petsa ng Mahal na Araw ay pabagu-bago taun-taon?

Ipinatanto sa akin ni Marnay (Amador Suarez), Monsinyor ng Ciudad Mistica de Dios, na permanente nilang ipinangingilin ang Mahal na Araw mula sa Marso 10 hanggang disi-siete. Akinse ng Marso ang kamatayan ni Cristo, at dise-siete naman ang pagkabuhay. Hindi ko matandaan ngayon ang kanyang paliwanag tungkol dito. Marahil sa susunod kong liham ay masasabi ko na sa iyo. Baka gusto mong makinig ng tape? May dalawampu at apat akong tape na hindi ko pa naitatranscribe. Dalawang College of 7 Music students ang sumubok na magtranscribe (sa rekomendasyon ni Ramon Santos), ngunit sumuko. Medyo nahihirapan daw. . Maiba ko naman ang usapan. Kumusta si Inang at si Tatang? Ipakihalik mo naman ako ng kamay sa kanila. May balak ba silang pumunta sa Orani? Buhay pa ba si Nana Teta? Sino ang papalit sa kanya kung sakaling... mabigat iyan para sa mga Maka-Apo! Hindi ko pa naikukuwento sa iyo na noong kami'y nagtungo sa Paraiso, Orani, kasama ko si Melchor, napilitan si Miriam na pabasbas kay Nana Teta. Hindi siya makaurong, kinalawit kasi siya ni Inang. Alam mo naman si Miriam, may pagkasaradong Protestante. Sumakit tuloy ang

Page 17: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

17

ulo hanggang sa ako'y makauwi, eh nadalawahang araw ako. Akala tuloy niya, siya'y nakulam na! Saka pinagsabihan kami ng mga tao roon na bawal kumuha ng retrato. Kita kasi ang dala-dala kong kamera. Bueno, hindi ako nagtangkang kumuha ng retrato. Ang ginawa ni Melchor ay pinapose sina Verna at Melanie sa may tabi ng simbahan upang pilit niyang makunan ang simbahan at karamihan ng tao. Alam mo ba ang nangyari, nang ina-unload ko na ang camera ay naistak. Pilit kong i-"rewind," nasira ang "tread," naputol tuloy ang film. Baka nga totoo, ah? Alam mo naman na hindi ako mapaniwalain. Dapat nagsabi muna ako o dili kaya si Melchor kay Nana Teta. Tulad din naman diyan sa Orani sa mga Maka-Apo, dito sa Santong Lugar ay maraming paniniwala at kilos na hindi ko na mataho ang buong kahulugan kaya't iniipon ko muna ang aking mga obserbasyon bago gumawa ng pormal na pag-uulat at interpretasyon. Ang Santong Lugar ay parang isang bahay - may pinapasukan. Segun sa tradisyon, kakatok ka muna bago pumasok. Ang panalangin siyang paraan ng pagkatok. Sa bukana ng Santong Lugar ay may malaking halo. Nilumot na ito ng panahon. Isang umaga, papunta ako noon sa San Pablo upang bumili ng gas para sa aming Coleman, nasalabat ko ang isang pulutong na mga nakabarong Tagalog at nakasayang sinamay. Nakahanay sila sa harapan ng malaking halo sa bukana ng Santong Lugar. Sa aking pagtatanong sa mga nakasakay sa jeep, walang makapagsabi kung anong grupo iyon. Hindi rin nila masabi ang pangalan ng puwestong nabanggit. Ibig ko na sanang bumaba ng jeep ngunit sa kadalangan ng jeep na nagyayaot dito, minarapat kong magpatuloy sa aking pagbili ng gas. Aking naisaloob na magtatagal naman sila marahil at maaabutan ko pa sila sa aking pagbabalik.

Pagkatapos naming makapananghalian, pati ang aking dalawang katulong na tagasaliksik ay yumao sa bundok upang sundan at hanapin ang nakawalang grupo. Nakalayo na sila. Bumalik kami sa bahay na pagod na pagod. Minarapat naming manatili at magpahinga sapagkat hindi lamang hapon na, malapit na rin ang paglibot ng mga taga-Ciudad Mistica. Itinanong namin kay Aling Gloria ang pangalan ng puwestong pinagkakitaan ko sa grupo. Yaon pala ay Santong Pepe. Kung bigkasin naman ng iba ay Santong Pipi. Tuloy ang akala ko ay Pipe. Wala naman akong natatandaang Santong Pipe. Hanggang ngayon, hindi ko pa batid ang misteryo ng puwestong ito. Hindi kaya ito puwestong alay kay Doktor Jose Rizal? Isa lamang haka-haka o pagtatanong.

Dioning, laging umuukilkil sa aking isipan ang bansag mo sa akin na ako'y masitsit. Sa aking palagay, walang mararating ang isang antropolohista na hindi masitsit. Bintang mo pa sa akin ay lagi kong inuurirat ang buhay-buhay ng mga tao. Makatwiran, subalit hindi upang sirain at pulaan kundi manapa'y intindihin at linangin ang kabihasnang Filipino. Sa pakikihalubilo ko sa mga nandirito, nakikintal sa aking isipan at nadarama ko ang pagkataong Filipino.

Ang Tres Personas Solo Dios Ulirang Mananampalataya sa Lopez, Quezon ay di-sangay ng Tatlong Persona Solo Dios ng Kinabuhayan. Nang sila'y magkakilala, ipinagkatiwala ng mga taga-Kinabuhayan ang simbahan at Sentral nila bilang mga kapatid.

Page 18: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

18

Ayon sa matatanda, may mga reglang sinusunod sa Bundok Banahaw. Isa na rito ang pagkatok sa pamamagitan ng panalangin. Noong unang panahon, marahil mula sa panahon ni Hermano Pule o sa mga Lontok o Illustrisimo, ang mga mananalangin sa Bundok Banahaw ay may password na inuusal kung nagsasalubong. Ang unang bumabati ay nagsasabi ng "Ave Maria Purisima." Ang binabati naman ay sumasagot ng "Sin Pecado Consebida." Nagbibigayan sila ng daan at nagpapatuloy sa kanilang sacrificio na ginagawa. Sa bayan ng Liliw, Laguna, sa harapan ng simbahan ay may bakal na arko na sa itaas ay nakasulat ang "Sin Pecado con se Vida."

Ang pamumuwesto ay isang sacrificio. Ang mga Mistico ng Ciudad Mistica de Dios ay naghahandog ng panalangin sa mga puwesto tuwing huli at unang araw ng buwan. Ang sunduang pamumuwesto ay tumatagal ng dalawa o tatlong taon. Karaniwan, dalawang puwesto ang natatapos sa maghapon. Ito ay nagsisimula pagkatapos ng misa sa umaga at bumabalik sa simbahan bago magsimulang lumibot sa prusisyon sa bandang alas-singko ng hapon. Ang mga Mistico ay hindi kumakain ng tanghalian bilang pag-aayuno sa araw ng pagsasakripisyo at pagsusuplina. Ipinahihintulot ang pag-inom ng tubig bagamat nakababawas ito sa kabuuan ng indulhensiya. Dioning, kung sakaling masintahan mong magtungo rita, sumakay ka ng BLTB sa San Pablo. Malapit sa estasyon ng BLTB sa San Pablo, may paradahan ng jeep patungong Dolores. Sumakay ka roon sa patungong Parang, Sta. Lucia. Ipagtanong mo ang bahay ni Mamay o Kuya Badong at dili't hinding ituturo ka sa aming tinitirahan. Lamang, may isang kondisyon ang pagtira mo rito. Sasama ka sa puwesto, maliligo ka sa Sta. Lucia. May mahigit na isang daang piye ang iyong lulusungin sa matarik na tipas. Huwag kang mababahala, may lubid naman sila ritong inilagay na guyabnan.

Mula sa Sta. Lucia ay aahon kang muli patungong Hilamusan. Sasahod ka ng tubig sa pamamagitan ng iyong kamay. Ang kati-katitik na inipong tubig ay ihihilamos mo sa iyong mukha. Magpapatuloy ka sa paglalakbay, tutop ang iyong damdamin. Madaraanan mo ang puwesto ni San Isidro. Dito'y may isang bukal. Kakadlo ka ng tubig sa pamamagitan ng isang biyas na kawayan. Iinom ka ng tatlong lagok. Ang iyong kasamang pastor ay magbubuhos sa iyong ulo ng tubig - tila pagbabawtismo. Tutungo ka sa Santong Jacob. Ito'y isang malalim na butas na husto lamang ang iyong katawan. Dahan-dahan kang lulusong, dala ang isang kandilang may sindi. Kaagapay mo ang iyong pastor habang nag-uusal ito ng dasal para maiwasan ang sakuna. Sa itaas ng butas na ito ay may malaking bato na tila babagsak - ang naghahawak lamang sa "bato ay mga baging na nagsali-salimuot. Maganda ang kasaysayanng Santong Jacob. Malaking ibon ang :sinundan-sundan nina Mamay dahil sa atas ng isang boses upang hanapin ang Santong Jacob. Sa paglipad ng ibon ay bigla itong sumisid pailalim at pagtaas ay namayagpag, tumalsik ang tubig -nagpapakilalang isang balon ang natatago sa masukal na ilang. Sa balon ni Jacob, ikaw ay maliligo. Wari bagang itinataas ka ng tubig na may asupre. Hindi mo halos maarok ang ilalim. May mga nagsasabing sa Candelaria pa naglalagos ang tubig na nanggagaling dito. Tatlong beses kang lulubog sabay ang paglagok ng tubig. Aahon kang umaaso ang iyong katawan.

Page 19: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

19

Mula rito ay tutungo kayo sa Prisintahan. Ang Prisintahan ay dalawang kuwebang magkalapit ngunit iisa ang bunganga at pasukan. Sa may kanan mo ay ang kuweba ni San Pablo. Sa iyong kaliwa naman ay kay San Pedro. Sa maliit na papel ay isusulat mo ang iyong pangalan, o dili kaya'y sasambitlatin mo ang iyong pangalan bilang pagpepresinta. Mananalangin ka ayon sa itinitibok ng iyong puso. Ikaw at ang iyong pastor ay magpapatuloy sa puwesto ng Ina ng Awa. Gaya ng lahat mong naraanang puwesto ay magtitirik ka ng kandila. Kalimitan sa puwestong ito ay maraming mga tao, hindi lamang nananalangin kundi umaawit ng sari-saring awitin, kabilang na ang Pasyon. Kung nais mong sumanib sa kanila, walang magbabawal sa iyo. Didiretso naman kayo sa Husgado. Subalit mayroon pa ritong isang puwesto na nasa tabi lamang ng kuweba. Mag-aalay ka rin ng isang dasal. Dito'y may isang krus na pinapalamutian ng mga sampaguita at sari-saring bulaklak. Mayroon din namang maliliit na bote ng tubig at langis na sadyang iniiwanan doon ng mga nananalangin upang balikan pagkatapos na akyatin nila ang Kalbaryo. Sa kisame ng altar sa simbahang Katoliko ng Lucban, Quezon ay nakaguhit ang Kalbaryo. Pagpasok mo sa Husgado, isang regla ang iyong tatandaan. Aalisin mo ang iyong panyapak, relo, singsing, wallet, at iba pa na maaaring malaglag o maiwanan. Tutungtong ka sa isang batong nakausli sa pader ng kuweba. Sa pamamagitan ng kandila ay tatanglawan mo ang susunod mong yapak. May kadiliman ang ilalim, dahilan sa bartolina ang iyong kahihinatnan kung magkabiso ang iyong pagbaba. Uupo ka nang bahagya upang kumuha ng ayos na puwesto para maiunat mo ang iyong paa. Tatagilid ka nang bahagya para ka magkahusto at utay-utay kang uusad. Ibabaluktot mo ang iyong katawan. Ngayon una naman ang iyong ulo. Gagapang kang utay-utay na hindi mo ibabaluktot ang iyong tuhod. Kung magkamali ng pag-ayos ay mahirap kang hihigitin. Dalawang butas ang bubulwagan mo. Gagamitin mo ang iyong sentido upang mamili ka ng papasukin -paitaas o pababa. Sa pababa ay malalayo ka sa labasan. Sa paitaas ay may kahirapan sapagkat dudukwangin mo ang butas na lusutan at mangungunyapit ka sa nakausling bato na pinadulas ng patak ng kandila. Kung pinapalad ka ay mahinahon kang makalalabas. Huwag kang matatakot, hindi iyan makatutulong sa iyo. Ang labasan ng Husgado ay kalawakan ng isang bahay. Ang mga taong naglakas-ioob na pahukuman ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsuot sa makipot na butas ng kuwebang tunnel ay sasalubong sa iyo ng makaalis-pagod na ngiti. Mamamahinga ka. Sa pagpupunas mo ng pawis ay maiibsan ka ng mabigat na pasanin. Sariwa ang ihip ng hangin sa itaas ng bundok. Uuwi kayo ng iyong pastor sa Sentral at doon ay ipaghahanda ka namin ng masarap na pagkain. Marami pa akong ibig isalaysay sa iyo subalit waring nagdaramot na ang panahon. Kumusta uli sa inyong lahat diyan… kay Sanko, Dikong, Ate, Ine, Sense, at Ditse. Pakisabi mo lamang kay Inang at Tatang na marami akong natutuhan sa ipinahiram nilang libro - yaong sinulat ni Melencio Sabino, Karunungan ng Diyos. Hindi ko pa naipakokoypa. Isasauli ko sakaling makaluwag ako rito sa Bundok Banahaw. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Page 20: Covar - Pagtanggap Ng Samahang Milinaryan

Michael Charleston B. Chua, KasPil1 readings, DLSU-Manila

20

Ang iyong kaibigan, Poping