2
OPISYAL NA BULETIN NG MIGRANTE INTERNATIONAL | UNITED ARAB EMIRATES DAKILANG MIGRANTE MIGRANTE INTERNATIONAL UNITED ARAB EMIRATES Ang MIGRANTE-UAE ay may layuning isulong ang kagalingan at karapatan ng Migranteng Pilipino (OFW’s) sa United Arab Emirates. Itinatag nuong Hulyo 2003, ang Migrante ay kabilang sa malawak na network ng MIGRANTE INTERNATIONAL na may sangay sa iba’t-ibang bansa. MATAGUMPAY na idinaos ang ika-apat na pangkahalatang asembliya ng migrante-uae noong ika-16 ng Abril sa Samaya hotel, Deira, Dubai. Dinaluhan ng 40 delegado mula sa iba’t-ibang Emirates ng UAE ang naturang pagtitipon na may temang ‘Dakilang Migrante Nakikibahagi sa Panlipunang Pagbabago.’ Nakibahagi rin ang mga representante ng Marcom (Maranao Community at BMLO (Bangsa Moro Labour Organisation). Isinalaysay ni Noel Tolentino, taga-pangulo ng Migrante-UAE, ang historikal na konteksto ng migrasyon mula sa panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyang panahon. Ipinakita niya ang iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa mga migrante at kung paano sila tumugon para maipagtanggol ang kanilang hanay. Tinalakay ni Yuri Cipriano, pangalawang pangulo, ang pambansang kalagayan ng Pilipinas partikular na ang halalang 2010. Binigyan diin niya ang pagtalakay sa patuloy na pagpapadala ng pamahaalaan ng mga manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo bilang pamamaraan upang maisalba ang ekonomiya ng Pilipinas. Binigkas rin ni Cipriano ang alay na tula ng premyadong makatang si Rogelio Ordoñez para kay Rahima Jamal, namatay na Pinay DH sa Ras Al Khaimah, at isinalaysay naman ni Dr. Vencer Montes ang kalagayan ng kanyang ama at 42 pang manggagawang pangkalusugan na ikinulong ng pamahalaang Arroyo. Sinuri naman ni Nhel Moroña, pangkalahatang kalihim, ang polisiya ng migrasyon kung nakapagdulot ito ng kaunlaran o kabiguan para sa mga Pilipino. Binaybay niya ang mga uri ng pagsasamantala ng gobyerno sa mga OFW at ang social cost o mga negatibong epekto ng malawakang migrasyon sa pamilyang Pilipino. Matapos ang pagtalakay sa iba’t ibang isyu, binuo ang mga komite ng Migrante-UAE. Naitalagang mamuno sa Komite ng Pag oorganisa si Yuri Cipriano; Komite ng Edukasyon at Impormasyon - Jhasmin Cipriano; Media at Propaganda - Budo Baylosis at Angel Tesorero; Kababaihan - Amor Bautista; Kagalingan - Shayne Ramero; Pinansya - Lailyn Lopez. Nagkaisa naman ang Migrante-UAE, Marcom at BMLO na magtulungan para ipagtanggol ang mga karapatan at kagalingan ng mga Pilipino sa UAE.# Pangkalahatang Asembliya ng Migrante-UAE tagumpay Kinuwestiyon ng ilang Pilipinong mamahayag ang pagbabawal sa kanila na malayang mag-obserba sa isinasagawang Overseas Absentee Voting sa UAE. Humingi ng paglilinaw si Mariecar Jara-Puyod, tagapangulo ng Filipino Press Club-UAE at senior reporter ng Gulf Today, sa kanyang liham na ipinadala kina Amb. Grace Princesa at ConGen Benito Valeriano kung bakit hindi pinapayagang makalapit ang media sa mga voting center gayong pinapahintulutan namang malayang magmasid ang mga mamamahayag sa ibang bansa sa Gitnang Silangan. Nagpahayag naman ng pagdududa si Ares Gutierrez, copy editor ng Gulf News, sa patakarang ito ng Embahada at Konsulado. “Hindi interesado ang mga mambabasa at mga tagapanood na makita ang pader ng villa o malaman kung gaano kataas ang flagpole ng Embahada at Konsulado. Nais nilang malaman paano ba nagaganap ang botohan sa labas ng Pilipinas,” ani Gutierrez. Nananawagan naman si Noel Tolentino, tagapangulo ng Migrante-UAE, na igalang ang malayang pamamahayag at maging mapagmatyag hindi lamang ang mga mamamahayag kundi pati na rin ang mga migranteng Pilipino sa UAE na bantayan ang halalan at tiyaking walang dayaang magaganap.# Mamamahayag pinagbawalan sa loob ng Konsulado isyu bilang 4 - Abril 30 2010 07 10 Gaano kalaki ang magiging partisipasyon ng mga OFW sa darating na eleksyon? Source: Committee on Overseas Absentee Voting, Commission on Elections | OAV = Overseas Absentee Voters Alam mo ba? ? Nagparehistrong OAVs sa UAE Bumotong OAVs sa UAE 11,717 Nagparehistrong OAVs sa UAE 35,304 Bumotong OAVs sa UAE 3,604 (10.2%) Nagparehistrong OAVs sa UAE 47,725 Bobotong OAVs sa UAE 2010 2007 2004 (55.2%) 21,236

DAKILANG MIGRANTE...manggagawang pangkalusugan na ikinulong ng pamahalaang Arroyo. Sinuri naman ni Nhel Moroña, pangkalahatang kalihim, ang polisiya ng migrasyon kung nakapagdulot

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • OPISYAL NA BULETIN NG MIGRANTE INTERNATIONAL | UNITED ARAB EMIRATES

    DAKILANGMIGRANTE

    MIGRANTEINTERNATIONALUNITED ARAB EMIRATES

    Ang MIGRANTE-UAE ay may layuning isulong ang kagalingan at karapatan ng Migranteng Pilipino (OFW’s) sa United Arab Emirates. Itinatag nuong Hulyo 2003, ang Migrante ay kabilang sa malawak na network ng MIGRANTE INTERNATIONAL na may sangay sa iba’t-ibang bansa.

    MATAGUMPAY na idinaos ang ika-apat na pangkahalatang asembliya ng migrante-uae noong ika-16 ng Abril sa Samaya hotel, Deira, Dubai.Dinaluhan ng 40 delegado mula sa iba’t-ibang Emirates ng UAE ang naturang pagtitipon na may temang ‘Dakilang Migrante Nakikibahagi sa Panlipunang Pagbabago.’ Nakibahagi rin ang mga representante ng Marcom (Maranao Community at BMLO (Bangsa Moro Labour Organisation).Isinalaysay ni Noel Tolentino, taga-pangulo ng Migrante-UAE, ang historikal na konteksto ng migrasyon mula sa panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyang panahon. Ipinakita niya ang iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa mga migrante at kung paano sila tumugon para maipagtanggol ang kanilang hanay.Tinalakay ni Yuri Cipriano, pangalawang pangulo, ang pambansang kalagayan ng Pilipinas partikular na ang halalang 2010. Binigyan diin niya ang pagtalakay sa patuloy na pagpapadala ng pamahaalaan ng mga manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo bilang pamamaraan upang maisalba ang ekonomiya ng Pilipinas.Binigkas rin ni Cipriano ang alay na tula ng premyadong makatang si Rogelio Ordoñez para kay Rahima Jamal, namatay na Pinay DH sa Ras Al Khaimah, at isinalaysay naman ni Dr. Vencer Montes ang kalagayan ng kanyang ama at 42 pang manggagawang pangkalusugan na ikinulong ng pamahalaang Arroyo.Sinuri naman ni Nhel Moroña,

    pangkalahatang kalihim, ang polisiya ng migrasyon kung nakapagdulot ito ng kaunlaran o kabiguan para sa mga Pilipino. Binaybay niya ang mga uri ng pagsasamantala ng gobyerno sa mga OFW at ang social cost o mga negatibong epekto ng malawakang migrasyon sa pamilyang Pilipino. Matapos ang pagtalakay sa iba’t ibang isyu, binuo ang mga komite ng Migrante-UAE. Naitalagang mamuno sa Komite ng Pag oorganisa si Yuri Cipriano; Komite ng Edukasyon at Impormasyon - Jhasmin Cipriano; Media at Propaganda - Budo Baylosis at Angel Tesorero; Kababaihan - Amor Bautista; Kagalingan - Shayne Ramero; Pinansya - Lailyn Lopez.Nagkaisa naman ang Migrante-UAE, Marcom at BMLO na magtulungan para ipagtanggol ang mga karapatan at kagalingan ng mga Pilipino sa UAE.#

    Pangkalahatang Asembliya ng Migrante-UAE tagumpay

    Kinuwestiyon ng ilang Pilipinong mamahayag ang pagbabawal sa kanila na malayang mag-obserba sa isinasagawang Overseas Absentee Voting sa UAE.Humingi ng paglilinaw si Mariecar Jara-Puyod, tagapangulo ng Filipino Press Club-UAE at senior reporter ng Gulf Today, sa kanyang liham na ipinadala kina Amb. Grace Princesa at ConGen Benito Valeriano kung bakit hindi pinapayagang makalapit ang media sa mga voting center gayong pinapahintulutan namang malayang magmasid ang mga mamamahayag sa ibang bansa sa Gitnang Silangan.Nagpahayag naman ng pagdududa si Ares Gutierrez, copy editor ng Gulf News, sa patakarang ito ng

    Embahada at Konsulado.“Hindi interesado ang mga mambabasa at mga tagapanood na makita ang pader ng villa o malaman kung gaano kataas ang fl agpole ng Embahada at Konsulado. Nais nilang malaman paano ba nagaganap ang botohan sa labas ng Pilipinas,” ani Gutierrez.Nananawagan naman si Noel Tolentino, tagapangulo ng Migrante-UAE, na igalang ang malayang pamamahayag at maging mapagmatyag hindi lamang ang mga mamamahayag kundi pati na rin ang mga migranteng Pilipino sa UAE na bantayan ang halalan at tiyaking walang dayaang magaganap.#

    Mamamahayag pinagbawalan sa loob ng Konsulado

    isyu bilang 4 - Abril 30 2010

    04 07 10

    Gaano kalaki ang magiging partisipasyon ng mga OFW sa darating na eleksyon?

    Source: Committee on Overseas Absentee Voting, Commission on Elections | OAV = Overseas Absentee Voters

    Alam mo ba?

    ?NagparehistrongOAVs sa UAE BumotongOAVs sa UAE11,717Nagparehistrong

    OAVs sa UAE

    35,304

    BumotongOAVs sa UAE

    3,604(10.2%)

    NagparehistrongOAVs sa UAE

    47,725

    BobotongOAVs sa UAE

    201020072004

    (55.2%)

    21,236

  • HALALAN: Limang Tanagani Amos TaranaIHalalan, ano ka ba?Sumpa ba o pag-asaSa bansang nagdarahopAt salat sa ginhawa

    IIIkaw ba ay pagkainNa puwedeng ihainSa harap ng sikmurangLaman ay puro hangin

    IIWalis ka bang panglinisAt pandurog ng ipis –Sa tuko ng palasyoAy siyang mag-aalis

    IVKaya mo bang wakasanHirap at kalungkutanNg aming ama’t inangPilit nangibangbayan

    VBaka nama’y bangungotNa muling maglalagotSa buhay at pangarapNg bansang nababansot

    Ika-2 ng Abril 2010Al Satwa, Dubai, UAE

    E D I T O R Y A L

    OPISYAL NA BULETIN NG MIGRANTE INTERNATIONAL | UNITED ARAB EMIRATES isyu bilang 4 - Abril 30 2010DAKILANGMIGRANTE

    PUNO NG PASAKIT ANG BUHAY ng isang migrante, nariyan ang dumanas ng pang-aabuso maliban pa sa labis na pangungulila sa pamilya. Sa gitna ng mala-kumunoy na kalagayang ito, mayroon kayang ahensya ng gobyerno ang maaaring asahan upang sumagip sa kababayang naghirap at pinahihirapan?Matuto tayo sa mga naging karanasan nina Arnaldo Miralles at Rahima Jamal.Natagpuang patay sa kanyang silid si Arnaldo Miralles, 51, noong Hulyo 2009. Hindi malinaw ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nanatili ang kanyang labi sa himpilan ng pulis sa Sharjah sa loob ng limang buwan. Hindi agad naiuwi ang kanyang bangkay sa kadahilanang walang makapagsabi kung paano mauugnayan ang pamilyang maaaring sumalo sa kanya sa Pilipinas. Dahil nagpursige ang Migrante-UAE na mahanap ang kanyang pamilya, naiuwi noong Disyembre 2009 ang kanyang katawan. Apat na buwan namang nanatili ang bangkay ni Rahima Jamal, 19, sa morge sa isang ospital sa Ras Al Khaimah bago naiuwi sa Pilipinas. Hindi malinaw ang kanyang pagkamatay maliban sa matitinding tama sa

    ulo. Kawalan diumano ng pondo ng Konsulado ang dahilan ng pagkaantala sa pag-uwi ng labi. Naiuwi lamang nitong 21 Abril ang bangkya ni Jamal sa tulong ng hindi na nagpakilalang tao na nagbigay ng AED 8,000. Sa dalawang kasong nabanggit, makikita ang kainutilan ng ating gobyerno para tugunan ang pangangailangan ng tinagurian nitong mga “bagong bayani.”Sakaling makapagbigay ng tulong, asahan naman ang labis na kabagalan. Katunayan, kamakailan lamang naisampa ang kasong pagpatay laban sa amo ni Jamal; at hindi pa rin nakakasuhan gayong hindi naman accredited ng Konsulado ang Universal Services Agency na siyang nag-empleyo sa minor de-edad na biktima.Nakakadismaya. Tayo mismong mga migrante sa UAE ang makapagsasabi kung maaasahan ba o hindi ang POLO-OWWA at Konsulado. Baka nga hindi nila mismo batid ang kadahilanan kung bakit sila nilikha at pinasasahuran. Mismong sa website ng Konsulado walang laman ang pahina na dapat sana’y magtatalakay ng kanyang “misyon” at “gawain.”Lalo lang pinatunayan ng ating gobyerno na tanging remitans lang ang habol nila sa ating mga OFW. Tila bang natutulog sa pansitan ang Konsulado at parang walang pagpapahalaga sa pagtitiyak ng ating mga karapatan. #

    Habang lalong tumitindi ang batuhan ng putik ng mga pulitiko, nangangamba naman ang mga militanteng kandidato sa pagkasenador sa panibagong bugso ng pagdukot at pagpatay sa mga mga kasapi ng mga progresibong grupo. Ayon kina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Gabriela Rep. Liza Maza, mga panauhing kandidato sa pagka-senador ng Nacionalista Pary, kapansin-pansin ang pag-igting ng mga malisyosong propaganda laban sa mga grupong nasa ilalim ng Koalisyong Makabayan sa nakalipas na tatlong buwan.Tinawag na mga komunistang grupo ang Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis, Kabataan, Act Teachers Party at Katribu at sinabi ring kandidato ng CPP-NPA-NDF sina Ocampo at Maza.“Simula pa noong 2001, desperado na ang militar at pamahaalang Arroyo na sirain ang progresibong puwersa subalit lagi silang bigo. Ngayong tumatakbo kami sa Senado lalo silang nagiging desperadong pigilan kaming paglingkuran ang sambayanan at isulong ang pulitiko ng pagbabago,” ani Ocampo at Maza.Sinabi pa nina Ocampo at Maza na sinisiraan ang kanilang grupo hindi lamang upang pahinain ang kanilang tsansa sa darating na halalan kundi upang huwag magkaroon ng masusing debate sa mga isyung panlipunan at upang bigyang katuwiran ang pag-atake sa mga aktibista.“Sinisiraan kami dahil nananawagan kami ng tunay na repormang agrayo at pambansang industriyalisyon; ipinagtatanggol namin ang karapatang pantao; ipinaglalaban naming bigyan ng kapangyarihan ang mga mamamayan na organisahin ang kanilang sarili; kontra kami sa opresyon at eksploytasyon; at nananawagan kaming ihalal ang mga patriyotiko at makakamamayang kandidato,” dagdag nina Ocampo at Maza.#

    Tulog sa Pansitan

    Matapang. MakamasaLIZA MAZA

    Atake sa mga militanteng kandidato lumalala

    Palaban. Makabayan.SATUR OCAMPO

    Tagapagtanggol ng MIGRANTE sa kongreso

    Iboto para sa Party-list:GABRIELA WOMENS PARTY

    P A R T Y - L I S T

    Iboto sa senado!

    B a l i t a n g P i l i p i n a sB a l i t a n g P i l i p i n a sB a l i t a n g P i l i p i n a s

    SATUR OCAMPO

    Iboto sa senado!

    #33

    MIGRANTEINTERNATIONALUNITED ARAB EMIRATES

    Para sa karagdagang impormasyon, suhestiyon o kontribution sumangguni sa:+971 50 423 8851 Nhel Morona | [email protected] | http://migranteuae.multiply.com/Facebook group search: Migrante UAE

    MAAARI LAMANG PO NA PAKIPASA SA IBANG KABAYAN ANG BULETIN NA ITO PAGKATAPOS BASAHIN

    Matapang. Makamasa

    Palaban. Makabayan.SATUR OCAMPO

    Iboto sa senado!

    #37

    Cartoon by Pol Medina JR, Philippine Daily Inquirer