9
Ilang Pangunahing Manunulat na Pilipino Dr. Jose Rizal Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata." Francisco Baltazar Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang

Dakilang Pilipinong Manunulat

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Dakilang Pilipinong Manunulat

Ilang Pangunahing Manunulat na Pilipino

 

Dr. Jose Rizal

Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata."

 

Francisco Baltazar

Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas.

Page 2: Dakilang Pilipinong Manunulat

 

Graciano Lopez Jaena

Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na nangangahulugang bundat na prayle.

 

Marcelo H. del Pilar

Si Del Pilar, na nakilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena sa pagiging patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling ginagawa ng mga prayle.

 

Jose Palma

Page 3: Dakilang Pilipinong Manunulat

Isang makatang kawal si Jose Palma. Siya ang sumulat ng tula sa Español na may titulong "Filipinas" bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe. Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang isang manunulat.

 

Lope K. Santos

Hindi lamang isang magaling na makata at nobelista si Lope K. Santos. Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa.

 

Jose Corazon de Jesus

Isa pang pangalan ni Jose Corazon de Jesus ay Huseng Batute. Tulad nina Balagtas at Rizal, marami siyang sinulat na mga tula. Naging isang kolumnista siya sa pang-araw-araw na pahayagang Taliba. Nasa anyong patula ang kanyang kolum. Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang "Manok Kong Bulik" at "Isang Punongkahoy."

 

Amando V. Hernandez

Si Amado V. Hernandez ang makata ng mga mangagawa. Siya ay naging patnugot ng pahayagang Pakakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya ng mga nobela, kuwento, at dula. Siya ang kauna-unahang

Page 4: Dakilang Pilipinong Manunulat

manunulat sa wikang pambansa na kinilalang National Artist. Kabilang sa kanyang mga popular na tula ang "Isang Dipang Langit," "Bayani," at "Bayang Malay."

 

Severino Reyes

Isinulat ni Severino Reyes ang "Mga Kuwento ni Lola Basyang" sa magasing Liwayway. Kinilala rin siyang Ama ng Dulang Pilipino. Pinakakilalal sa kanyang mga dula ang sarsuwelang "Walang Sugat" ma pumapaksa sa kagitingan ng mga Katipunero.

Nick Joaquin

Mandudula rin si Nick Joaquin. Ngunit higit siyang kilala bilang kuwentista at nobelista. Ang The Woman Who Had Two Navels ang kanyang pinakamahalagang nobelang nagtatampok sa mga gawi at pag-uugali ng mga Pilipino. Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait of the Artist as Filipino.

 

Page 5: Dakilang Pilipinong Manunulat

Jose Garcia Villa

Si Jose Garcia Villa ay isang makata at kuwentista sa Ingles na nagkamit ng Republic Cultural Heritage Award at National Artist Award. Kinilala ang kanyang koleksyon ng mga tula na pinamagatang Doveglion atJose Garcia Villa's Many Voices.

 

N.V.M. Gonzales

Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni Nick Joaquin. Ang The Bamboo Dancers ang pangunahing nobelang kanyang isinulat. Kinikilalang kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na maiikling kuwento sa bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa.           

 

Page 6: Dakilang Pilipinong Manunulat

MGA MANUNULAT SA PANAHON NG AMERIKANOMANUNULATKILALA SA… / OBRA MAESTRA KILALA DIN SA… Pascual PobleteEl Grito del Pueblo (Ang Tinig ng Bayan) -Sergio OsmenaEl Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) -Rafael PalmaEl Renacimiento (Muling Pagsilang) -Aurelio TolentinoKahapon, Ngayon at Bukas -Juan AbadTanikalang Ginto -Tomas RemegioMalaya -Severino ReyesWalang Sugat“Ama ng Dulang Tagalog” Cecilio ApostolA Rizal -Fernando Ma GuerreroCrisalidas (Mga Higad) Unang Hari ng Panulaan sa KastilaJesus BalmoriEl Recuerdo y el Olvido BatikulingClaro M RectoBajo Los Cocoteros (Sa Lilim ng Niyugan) -Trinidad Pardo de TaveraPinasok ang w at k sa Abakada -Adelina GurreaEl Nido Unang babae na magaling sa KastilaIsidro MarpriAromas del Ensueno (Halimuyak ng Pangarap) -Macario AdriaticoLa Punta del Salto (Ang Pook ng Pamulaan) -Efifanio Delos Santos-“Don Panyong” Pedro AunarioDecalogo del Protocionismo -

Page 7: Dakilang Pilipinong Manunulat

Francisco BalagtasFlorante at Laura -Modesto de CastroUrbana at Feliza -Lope K SantosBanaag at SIkat“Ama ng Balarilang Tagalog” Jose Corazon de JesusIsang Punungkahoy“Huesong Batute” Florentino CollantesLumang Simbahan“Kuntil Butil” Amado V HernandezIsang Dipang Langit, Mga Ibong MandaragitLuha ng Buwaya, Bayang MalayaAng Panday -Valeriano Hernandez PenaNene at Neneg“Tandang Anong,” “Kintin Kulirat” Inigo Ed RegaladoDamdamin“Odalager” Hermogenes IlaganCompana Ilagan -Patricio MarianoNinay / Anak ng Dagat -Julian Cruz BalmacedaBunganga ng Pating -Jose Garcia VillaDoveglion Pinakatanyag na manunulat sa InglesJorge BacoboFilipino Contact with America -Zoilo GalangChild of Sorrow (unang Pilipinong nobela sa Ingles) -Zulueta de CostaLike the Molave -NVM GonzalesMy Islands / Children of the Ash Covered Loom -Angela Manalang GloriaApril Morning -

Page 8: Dakilang Pilipinong Manunulat

Estrella AlfonMagnificence / Gray Confetti Unang babaeng manunulat sa InglesArtuo RotorThe Wound and the Scar -Pedro Bukaneg-“Ama ng Panitikang Iloko” Claro Caluya-“Prinsipe ng Makatang Iloko” Leon Pichay-“Pinakamabuting Bukanegero” Juan Crisostomo Soto-“Ama ng Panitikang Kapampangan” Eriberto Gumban-“Ama ng Panitikang Bisaya”