Upload
others
View
16
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
PAKSA 9: MGA POPULASYONG NAGBIBIGAY NG
PRODUKTO
Layunin: Natatalakay ang mga populasyong nagbibigay ng produkto
POPULASYONG NAGBIBIGAY NG PRODUKTO
Ang mga pangkat ng tao na nabibbilang sa populasyong
nagbibigay ng mga produkto ay ang magsasaka, mangingisda, minero,
panadero, sapatero, karpintero, manggagawa, mananahi, magtotroso
at arkitekto.
Sila ang nagbibigay sa atin ng pang-araw-araw na kailangan tulad
ng pagkain, tirahan at mga kasuotan.
Ang mga yamang tao ay nangangailangan ng mga produkto upang
mamuhay na malusog at kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa.
Ang mga yamang tao na nagbibigay ng mga produkto sa bawat isa ay
mahalaga upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng
bawat miyembro ng mag-anak.
Alam nyo ba?
Si Henry Sy ang pinakamayamang Pilipino sa
ngayon na ayon sa Forbes Magazine ay
maykabuuhang kayamanan na nagkakahalaga ng $
12 bilyon. Siya ang may-ari ng SM Malls, Banco de
Oro, China Banking Corporation at iba-iba pang
negosyo sa lupain.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
Ilan sa mga uri ng yamang tao sa bansa:
1. Magsasaka – nagtatanim ng mga
palay, prutas, gulay at iba pang mga
produkto upang may ipangtustos na
pagkain sa mga mamamayang Pilipino.
2. Mangingisda – nanghuhuli ng isda at
iba pang mga pagkaing-dagat tulad ng
alimasag, hipon, talaba at iba pa.
3. Minero – nagmimina o nangunguha
ng ginto at pilak na ginagawang alahas.
Nagmimina din sila ng buhangin,
graba, semento, bato at iba pa na
ginagamit sa pagpapatayo ng mga
gusali, tahanan at iba pa.
4. Panadero – nagluluto o gumagawa ng
mga tinapay at iba pang mga
produktong gawa sa harina tulad ng
keyk, biskwit at iba pa.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
5. Mananahi – gumagawa ng mga
kasuotan at gamit sa bahay tulad ng
kurtina, punda ng unan at iba pa para
sa bawat miyembro ng pamilya.
6. Kusinero – nagluluto ng mga
pagkaing ititinda.
v
7. Manggagawa – nagtatrabaho sa mga
pribadong kompanyana gumagaqawa ng
produkto tulad ng pagawaan ng kape,
asukal, sabon at iba pa.
8. Sapatero – gumgawa ng mga
sapatos at inaayos ang sirang sapatos,
tsinelas, sandals at iba pa upang may
magamit na sapin sa paa ang mga tao.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
Mga Gawain
A. Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B
Hanay A Hanay B
1. Nanghuhuli ng isda at iba pang
pagkaing dagat
a. sorbetero
2. Nagtatrabaho sa pabrika b. mananahi
3. Gumagawa ng kasuotan c. kusinero
4. Nagluluto ng mga pagkaing
itinitinda
d. manggagawa
5. Gumagawa at nagtitinda ng
sorbetes
e. mangingisda
B. Kilalanin ang mga populasyong gumgawa ng mga produkto.
Isulat ang sagot sa patlang.
___________ 1. Nagluluto ng pandesal at iba’t ibang uri ng tinapay.
___________ 2. Gumagawa ng plano para sa itatayong tahanan,
kalsada o gusali.
___________ 3. Nanghuhuli ng isda at mga pagkaing dagat.
___________ 4. Nagmimina ng ginto, pilak, buhangin, graba at
semento.
___________ 5. Nagtatanim ng palay, mga gulay at mga prutas.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
PAKSA 10: MGA POPULASYONG NAGBIBIGAY NG
SERBISYO
Layunin: Natatalakay ang mga populasyong nagbibigay ng serbisyo.
POPULASYONG NAGBIBIGAY NG SERBISYO
Ang mga pangkat ng tao na nabibbilang sa populasyong
nagbibigay ng mga produkto ay ang mga guro, doktor, nars, pulis,
inhinyero, abogado, bumbero, tubero, tsuper, karpintero at kaminero.
Sila ang nagbibigay sa atin ng serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan ng mamamayan sa isang pook.
Alam nyo ba?
Ang Komisyon ng Serbisyong Sibil o Civil Service
Commission ay isang pantauhang sentral na ahensya
ng Pamahalaan ng Pilipinas.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
Ang mga yamang tao ay nangangailangan din ng serbisyo o
paglilingkod. May mga nagbibigay ng serbisyo sa kalusugan, pag-aaral,
kaligtasan at kaayusan.
1. Guro – nagtuturo sa mga
batang bumasa, bumilang,
sumulat at maging mga
kagandahang asal at gawi.
2. Doktor – nanggagamot ng
mga may sakit o nangangalaga
sa kalusugan ng mga
mamamayan.
3. Nars – katulong ng doctor
sa pag-aasikaso sa mga
pasyente o may sakit.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
4. Bumbero – sumasagip sa mga
bahay o gusali na nasusunog at
maging buhay ng tao.
5. Arkitekto – gumagawa ng
plano upang makabuo o
makapagpatayo ng tahanan,
gusali, kalsada at iba pang
konstruksyon.
6. Karpintero – nagtatayo ng
mga bahay, gusali at iba pang
at maging ang pagkukumpuni ng
mga sirang gamit ay ginagawa
din nila.
7. Kaminero – nangangalaga sa
kalinisan at kaayusan ng
kapaligiran sa pamayanan,
katulong ang mga taga-hakot
ng basura.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
8. Pulis – nangangalaga sa
kaligtasan ng mga tao laban sa
masasamang tao at kaayusan
at katahimikan sa isang
pamayanan.
9. Tsuper – nagmamaneho ng
traysikel, pedicab, taksi, bus
at dyip upang maihatid ang
mga tao sa kanilang mga
patutunguhan nang ligtas.
10. Dentista – nangangalaga sa
ngipin ng mga mamamayan.
DEL ROSARIO CHRISTIAN INSTITUTE
#DRCiLearn
Mga Gawain
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang nais mo sa mga populasyong naglilingkod o ngbibigay ng
serbisyo? Bakit ito ang iyong napili?
2. Ano ang ayaw mo sa mga ppopulasyong naglilingkod o nagbibigay ng
serbisyo? Bakit ito ang iyong napili?
3. Paano mo ipakikita ang pagmamahal sa iyong guro sa paaralan?
4. Paano naman naiiba ang binibigay ng populasyong nagbibigay ng
produkto sa populasyong nagbibigay ng paglilingkod?
5. Dapat ba nating igalang ang mga taong nagbibigay ng paglilingkod o
serbisyo sa mga mamamayan ng bansa?