20
8

Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Filipino-8-Q... · 2020. 10. 1. · name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Filipino- Grade 8 Alternative Delivery Mode Unang Markahan-Module 3: Karunungang bayan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

    Inilimbag sa Pilipinas 2020 Department of Education- Region VII – Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Kriza April H. Gallego

    Tagasuri: Dr. Eugenia M. Solon

    Tagaguhit: Kriza April H. Gallego

    Tagapag-ugnay: Dr. Necifora M. Rosales

    Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province Division

    Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province

    Dr. Cartesa M. Perico, ASDA, Cebu Province

    Dr. Ester A. Futalan, ASDS Cebu Province

    Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID

    Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS

    Mrs. Araceli A. Cabahug, EPSVR, Filipino

    i

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • ii

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Paunang Salita

    Para sa tagapagdaloy:

    Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)

    Modyul para sa mga Akdang Pampanitikang sa Panahon ng Katutubo.

    Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

    mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong

    tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng

    Kurikulum ng

    K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-

    ekonomikong hamon sa pag-aaral.

    Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

    malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.

    Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang

    pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at

    kalagayan.

    Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito

    sa pinakakatawan ng modyul:

    Para sa mag-aaral

    “Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan sa lahat ng

    aspekto ng buhay.”

    Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at

    pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at

    pagbibihis mula sa makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay

    maipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa kabataan ang kayamanang angkin ng

    Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino.

    Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang higit na maiangkop sa

    uri ng mag-aaral ang mga gawain sa yunit na ito. Naniniwala ang Kagawaran ng

    Edukasyon na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang

    Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.

    Mga Tala para sa Guro

    Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

    estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-

    aaral.

    iii

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

    Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

    modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong

    laktawan ang bahaging ito ng modyul.

    Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang

    kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

    Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan

    tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang

    sitwasyon.

    Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

    matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

    Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay

    upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari

    mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

    pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

    Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o

    talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

    Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang

    bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

    Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa

    pagkamit ng natutuhang kompetensi.

    Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin

    ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

    Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

    Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng

    modyul na ito.

    Ang modyul ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi

    ALAMIN

    SUBUKIN

    BALIKAN

    TUKLASIN

    SURIIN

    PAGYAMANIN

    ISAISIP

    ISAGAWA

    TAYAHIN

    KARAGDAGANG

    GAWAIN

    SUSI SA

    PAGWAWASTO

    SANGGUNIAN

    iv

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

    1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o

    sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa

    pagsagot sa mga pagsasanay.

    2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

    napapaloob sa modyul.

    3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

    4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

    pagwawasto ng mga kasagutan.

    5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

    6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

    sagutin lahat ng pagsasanay.

    Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

    huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

    humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa

    iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong

    isipang hindi ka nag-iisa.

    Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

    makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay

    na mga kompetensi. Kaya mo ito!

    v

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Panimula

    Ang pahayag ay ang salitang tumutukoy sa paggamit ng mga salita na nakapagpapagaan sa bigat ng reyalidad o katotohanan. Upang ito ay hino lubos na

    makapagpalungkot at makasakit sa damdamin ng isang indibiduwal na makakarinig nito. Ang paggamit ng pahayag na ito ay naglalayon na pahalagan ang damdamin ng

    iba.

    Batay sa obserbason, ang mga Pilipino ay pangkat ng mga tao ba mapagpahlaga sa uri ng wika na ginagamit. Pansinin ang mga sumusunod na impormasyon:

    • Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: a. Paksa ng usapan b. Tanong sangkot sa usapan c. Lugar

    • Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lang.

    • Gumagamit ng talinghaga para di tuwirang tukuyin ng nais ipahiwatig na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita sa kinakausap. Ang pagsasalita ay isa lang sa likas na gawain ng tao. Naipakilala ang sarili sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit. Sa layuning hindi ka makasakit ng damdamin ng iba.

    • Ito ay sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipang na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. Nakakatulong ito sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal, na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.

    ALAMIN

    Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: Kasanayang Pampagkatuto:

    * Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na

    angkop sa kasalukuyang kalagayan (F8PU-Ia-c-20)

    Matapos ang araling ito, inaasahang nagagawa mo na ang mga sumusunod:

    Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain, at Bugtong Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop

    sa kasalukuyang kalagayan napapahalagahan ang salawiakin, sawikain, at bugtong sa kasalukuyang

    kalagayan na dinaranas ng mga tao sa

    Page 1

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • PINAGHALONG SALITA

    I. Panuto: Ayusin ang bawat pinaghalong mga salita ayon sa tamang pagkakasunod-sunod upang makabuo ng makabuluhang pangungusap. Isulat sa kwaderno o sa sagutang papel ang iyong sagot.

    SUBUKIN

    1. Ang ay higit na mabuting kaysa halimbawa kaysa na dakila pahayag.

    _________________________________________

    2. Inihahandog ko bukal sa loob tulong anumang sa mga

    nangangailangan

    ____________________________________________

    3. Lapit-lapit na kay sa mata makikita rin di mo pa

    _____________________________________

    Page 2

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • PAGPIPILI-PILI Panuto: Basahin at intindihin ang mga tanong at isulat ang mga naging tugon sa kwaderno.

    1. Siya ang dakilang lumikha sa lahat at itinuturing na diyos.

    a. Bathala b. anito c. diwata

    2. Siya ang tagapayo at takbuhan ng mga taong may bumagbagabag sa isipan.

    a. Pantas b. canao c. uwak

    3. Sila ang sinasamba noong unang panahon.

    a. Anito b. sugo c. diwata

    4. Anong gantimpala ng Bathala na ibinigay sa mga Igorot?

    a. Isang balon ng ginto b. Gintong Puno c. manok na nanginngitlog ng ginto

    5. Ano ang pangunahing kaisipan sa alamat na , “Kung Bakit Nasa Lupa ang Ginto”?

    a. Pangalagaan at bigyang halaga ang mga bagay na ipinagkaloob. b. Gamitin hanggang maubos ang bagay o mga bagay na ibinigay. c. Maging sakim at angkinin ang lahat upang gumanda ang buhay.

    BALIKAN

    PAGPAPALIWANANG I. Panuto: Basahin at intindihin ang bawat tanong

    at ipaliwanag ang inyong tugon. Isulat sa inyong kwaderno o sa sagutang papel.

    1. Ano ang mga pangungusap na inyong nabuo sa mga salita? 2. Paano ninyo binuo ng tama ang bawat pangungusap? 3. Ano kahulugan ng bawat pangungusap? Ipaliwanag.

    Page 3

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Bugtongan Na!

    1. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin. Sagot:

    2. Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo Sagot:

    3. Sa araw ay bumbong, sa gabi ay dahon Sagot:

    4. Nagbibigay na, sinasakal pa Sagot:

    5. Hindi tao, hindi ibon, bumabalik ‘pag itapon Sagot:

    Magaling! At nabigyan

    mo ng tamang tugon

    ang mga naunang mga

    gawain.

    TUKLASIN

    Alam kong masisiyahan ka habang binabalikang muli

    ang bugtong na iyong natutunan sa mga nagdaang taon.

    Sagutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagbuo sa puzzle.

    Punan ang bawat kahon ng angkop na titik upang mabuo ang

    kasagutan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

    s g

    u n

    n i

    b t

    o y

    Page 4

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Ang ibig sabihin ng karunungang bayan ay ang sumusunod:

    Ito isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.

    Ito ay tumutukoy sa isang klase o uri ng panitikanng idinadaan sa pamamagitan ng pagsasagot o paghuhula.

    Kailangan din ng karunungang bayan malalim na pag iisip Ginagamit ito bilang idyomatiko na may malalim na kahulugan kesa sa literal na

    kahulugan nito. Ito ay ginagamit upang mapatalas ang kaisipan. Ito ay hango sa karanasan ng mga matatanda Nagbibigay ng payo tungkol sa kagandahang asal at mga paalala.

    Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.

    na nagsisilbing tuntunin sa pagtataglay ng kagandahang asal Patalinghagang pahayag na ginagamit ng matatanda noong unang panahon

    bilang pangaral sa kabataan Ayon kay Lope K. Santos, ang salawikain ay isang kaalaman ng tao na hindi

    natutuhan sa aklat, Ito’y nababasa sa karanasan ng matatanda na nagpapatuloy dahil sa pasalin-salin sa bibig ng madla

    Mga halimbawa ng Katutubong Salawikain

    Nagmamatandang kulit, Nagmumurang kalumpit

    Natutuwa kung pasalop Kung Singili’y napopoot

    Kung tubig ay magalaw Ang ilog ay mababaw

    Buhay-alamang Paglukso, patay

    SURIIN

    Noon pa man ang tao ay mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng kanilang damdamin tungkol sa ibat ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa. Ang panitikan din ang nagiging daan upang mabatid ang kaugalian, tradisyon at kultura. Mayroog ibat-ibang uri ng panitikan isa sa mga ito ang karunungang bayan.

    Salawikain

    Page 5

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Sawikain

    Ang Sawikain ay mga patalinghagang pananalita. Isang paraan ng pagpukaw at paghasa sa kaisipan ng tao. Nakalilibang bukod sa nakadaragdag ng kaalaman.

    Mga Halimbawa ng Sawikain

    ❖ matatalinghagang pinahuhulaan ang napiling paksa na maaring bigkasin ng patulang paraan sa pagbibigay-kahulugan

    Mga halimbawa ng Katutubong Bugtong

    May katawan walang mukha, Walang mata’y lumuluha

    Di matingalang bundok Darak ang nakakamot

    Isda ko sa Mariveles Nasa loo bang kaliskis

    Kinain na’t naubos Nabubuo pang lubos

    Hulog ng langit = Biyaya o suwerte Maluwang ang turnilyo Luko-luko

    Makati ang dila = Madaldal Anak pawis = dukha

    Bugtong

    Sa puntong ito ay batid ko na nabasa at na intindihang

    mabuti ang tungkol sa Salawikain, Sawikain, at

    Bugtong.

    Pagtibayin mo ang iyong natutuhang mahahalagang

    konsepto sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga

    sumusunod na gawain.

    Page 6

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • I. Panuto: Piliin sa Hanay B ang angkop na karugtong upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa kuwaderno ang iyong sagot.

    HANAY A HANAY B

    ___1. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan

    a. ang masipag

    ___2. Kapag may tiyaga b. kung patay na ang kabayo

    ___3. Daig ng maagap c. hindi makakarating sa paroroonan

    ___4. Habang maikli ang kumot d. may nilaga

    ___5. Aanhin pa ang damo e. matutong mamaluktot

    II. Panuto: Sagutin ang bawat katanungan. Isulat ang sagot sa kwaderno.

    ➢ Ano ang pagkakaiba ng salawikain, sawikain, at bugtong? ➢ Sa iyong palagay, ano ang tungkuling ginagampanan ng matatandang

    panitikan sa kasalukuyang sitwasyon natin ngayon na pandemya?

    Sagot:

    Page 7

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Ibigay mo, Kahulugan Ko! Panuto: Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng mga karunungang-bayan (bugtong, salawikain, kasabihan at sawikain). Bigyang kasagutan ang mga ito. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sagot.

    PAGYAMANIN

    1. Salawikain Anak na di paluhain Ina ang patatangasin

    Kahulugan:

    3. Salawikain Kapag may itinanim May aanihin

    Kahulugan:

    5. Bugtong Heto na si bayaw, Dala-dala ay ilaw

    Kahulugan:

    6. Bugtong Dalawang magkaibigan Palaging nag-uunahan

    Kahulugan:

    7. Sawikain Itaas ang watawat

    Kahulugan:

    8. Sawikain

    maging anak-dalita

    Kahulugan:

    9. Bugtong Kay lapit-lapit na sa mata Di mo pa rin makita.

    Kahulugan

    10. Salawikain Kung hindi ukol, hindi bubukol.

    Kahulugan:

    4. Sawikain Sanga-sanga ang dila

    Kahulugan:

    2. Bugtong Tag-ulan o tag-araw Hanggang tuhod ang salawal

    Kahulugan:

    Page 8

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • PAGKURO- KURO Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

    Isulat ang sagot sa kwaderno.

    Karunungan Mo, Itala Mo

    Panuto: Mula sa mga bagay na nakalarawan sa ibaba, bumuo ng sariling bugtong,

    salawikain, at sawikain batay sa salitang nakatala. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

    Bugtong: Unan

    Sawikain: isang taong palagi handang tumulong

    Sawikain: huwag mong sabayan ang galit ng iyong mga kaaway

    1. Bakit kailangang pag-aralan ang karunungang-bayan?

    2. Sinasabi na marami na ang anak na marunong making sa magulang ay magkakaroon ng magandang kinabukasan, totoo ba? Mangatwiran.

    3. Magmungkahi ng libangan na makabubuti at makapagtalas ng isipan ng mga kabataan.

    ISAISIP

    ISAGAWA

    Page 9

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • TUKUYIN MO!

    Panuto: Suriin at tukuyin kung anong uri ng pahayag. Isulat B kung ito ay BUGTONG, SL kung ito ay SALAWIKAIN, at SW kung ito ay SAWIKAIN.

    ________1. Ang malinis na kaluoban ay walang kinatatakutan ________2. Mataas kung naka upo, mababa kung naka tayo ________3. Sa kabila ng mga kabutihan na kanyang ipinakita, inahas parin siya ng kanyang kaibigan. ________4. Bukal sa loob ang anumang tulong ang ibinigay ng pamahalaan sa bayan. ________5. Dalawang batong itim, malayo ang nararating ________6. Pag may kalungkutan, may kasiyahan ________7. Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay. ________8. Tunkod ni apo, hindi mahipo. _______9. Kung hindi ukol, hindi bubukol. ________10. Karamihan sa ating mga kababayan ngayon ay nagbibilang ng poste dahil walang mapasukang trabaho.

    Pagsulat ng Islogan

    Panuto: Bumuo ng Islogan na ang tema ay angkop sa kasalukuyang kalagayan ng mga tao sa pandemya dulot ng Covid-19. Pumili lamang kung sawikain, salawikain, o bugtong ang gagamitin sa pagsulat ng islogan.

    TAYAHIN

    KARAGDAGANG GAWAIN

    Page 10

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Rubriks para sa Gawain:

    KRAYTERYA 10

    8

    7

    5

    Pagkamalikhain

    Lubos na nagpamalas ng pagkamalikhain sa paghahanda.

    Naging malikhain sa paghahanda.

    Hindi gaanong naging malikhain sa paghahanda.

    Walang ipinamalas na pagkamalikhain sa paghahanda.

    Presentasyon Lubhang naging malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe.

    Naging malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe.

    Hindi gaanong malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe.

    Hindi naging malinaw ang pagbigkas/paghahatid ng mensahe.

    Organisasyon Buo ang kaisipan konsistent, kumpleto ang detalye at napalinaw.

    May kaishan at may sapat na detalye at malinaw na intension.

    Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye at hindi gaanong malinaw ang intension

    Hindi ganap ang pagkakabuo, kulang ang detalye at di-malinaw ang intensyon

    Kaangkupan sa Paksa

    Angkop na angkop ang mga salita (islogan) at larawan sa paksa.

    Angkop ang mga salita o islogan sa larawan ng paksa.

    Hindi gaanong angkop ang mga salita at larawan sa paksa

    Hindi angkop ang mga salita at larawan sa paksa.

    Page 11

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • SUSI SA

    PAGWAWASTO

    Page 12

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Marquez, Servillano Jr. T. Phd., “Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

    Pananaliksik”, SIBS Publishing House Inc. 2016

    Pacay, Wilmor III L.,2016, “Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa

    Pananaliksik”, JFS Publishing Services, Inc. 2016

    Enjiro, W., et al., “Panitikang Pilipino- Ikawalong Baitang”, Book Media Press, Inc. At

    Printwell, Inc. 2013

    SANGGUNIAN

    Page 13

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • For inquiries or feedback, please write or call:

    Department of Education: DepEd-Cebu Province

    Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu

    Telefax: (032) 255 – 6405

    Email Address: [email protected]

    Page 14

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark