18
TOMAS CLAUDIO MEMORIAL COLLEGE Morong, Rizal Elementary Department Special Education Demonstration Lesson Plan in Araling Panlipunan 1 I. Layunin Sa loob ng animnapung (60) minuto na aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang: a. Natutukoy ang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan, lokasyon, at mga bahagi b. Nasasabi ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata c. Nakukulayan ng tama ang pisikal na kapaligiran ng paaralan II. Paksang Aralin Paksa: “Ang Aking Paaralan” Sanggunian: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 1 Alma M. Dayag (pahina 161-166) Kagamitan: Mga iba’t ibang larawan na kadalasan nakikita sa paaralan (Flashcards), Mga larawan ng mga bahagi ng paaralan (Slide Presentation), Laptop, DLP, Pisara, Yeso, Tsart, Talang Gawain at Sagutang Papel Pagpapahalaga: Kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata. III. Pamamaraan

Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A detailed lesson plan in Araling Panlipunan for Grade 1 - SPED. Topic: Ang Aking Paaralan.

Citation preview

Page 1: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

TOMAS CLAUDIO MEMORIAL COLLEGEMorong, Rizal

Elementary DepartmentSpecial Education

Demonstration Lesson Plan in Araling Panlipunan 1

I. LayuninSa loob ng animnapung (60) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay

inaasahang:a. Natutukoy ang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan, lokasyon, at

mga bahagib. Nasasabi ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng batac. Nakukulayan ng tama ang pisikal na kapaligiran ng paaralan

II. Paksang AralinPaksa: “Ang Aking Paaralan”Sanggunian: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 1

Alma M. Dayag (pahina 161-166)Kagamitan: Mga iba’t ibang larawan na kadalasan nakikita sa paaralan

(Flashcards), Mga larawan ng mga bahagi ng paaralan (Slide Presentation), Laptop, DLP, Pisara, Yeso, Tsart, Talang Gawain at Sagutang Papel

Pagpapahalaga: Kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata.

III. Pamamaraan

Page 2: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

A. Panimulang GawainGawain ng Guro

1. Panalangin-Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Susundan ng bata ang pagbigkas ng guro ng panalangin)

2. Pagbati-Magandang umaga mga bata!-Maaari nang umupo ang lahat.

3. Balitaan-Ang araw ngayon ay Martes, ano ang araw ngayon? Exodus?

-Ang araw kahapon ay Lunes, ano ulit ang araw kahapon? Sam?

-Ang petsa ngayon ay ika-isa ng Oktubre, taon dalawanglibo at labingtatlo, ano ang petsa ngayon? Zaldy?

-Ang panahon ngayon ay Maaraw, ano ulit ang panahon ngayon? Vincent?

-Maaari bang tumayo ang mga batang lalaki? Ilang batang lalaki ang pumasok ngayon? Patrick?

-Maaari bang tumayo ang mga batang babae? Ilang batang babae naman ang pumasok ngayon? Jilliane?

Gawain ng Bata

TCMC Ecumenical PrayerPanginoon, maraming salamat

po sa dakilang araw na ito! Kami po ay nagpupuri at niluluwalhati ang inyong mga kaloob na biyaya sa amin.

Gabayan po ninyo kami sa aming pag-aaral at pagtuklas ng bagong kaalaman na magtataguyod sa amin upang maging mahusay mong tagapaglingkod.

Ipadala po ninyo ang inyong banal na Espiritu upang magningas sa puso ng bawat isa sa amin ang maalab na pagnanais na maging mahusay na mamamayan na may malasakit sa pamilya, kapwa, kalikasan at sa mahal na bansang Pilipinas.

Ang lahat ng ito ay hinihiling naming sa matamis at dakilang pangalan ni Hesus na aming tagapagligtas. Amen.

Magandang umaga din po, Sir John!

Ang araw po ngayon ay Martes.

Ang araw po kahapon ay Lunes.

Ang petsa po ngayon ay ika-isa ng Oktubre, taon dalawanglibo at labingtatlo.

Ang panahon po ngayon ay Maaraw.

Pitong batang lalaki po ang pumasok ngayon.

Dalawang batang babae po ang pumasok ngayon.

Page 3: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

-Maari mo bang iulat kung ilan lahat ang mga batang pumasok na nasa baitang isa? Gab?

4. Balik-Aral-Kahapon ay pinag-aralan natin ang aralin tungkol sa “Ang Aking Pamilya” na kung saan ay pinag-aralan natin ang mga kasapi ng isang pamilya.

-Sinu-sino ang mga kasapi ng isang karaniwang pamilya? Magbigay ka ng isa, Jasmine?

-Magaling!

-Sino pa ang kasapi ng isang karaniwang pamilya? Mark?

-Tama!

-Bukod sa tatay at nanay, sino o sinu-sinu pa ang mga kasapi ng isang karaniwang pamilya? Exodus?

-Magaling!

-Napag-aralan din natin ang mga tungkulin ng mga kasapi ng pamilya.

-Anu-ano ang mga tungkulin ng tatay at nanay? Sam?

-Tama!

-Ano naman ang tungkulin ng mga anak? Zaldy?

-Magaling mga bata, natutuwa ako dahil natandaan niyo pa ang pinag-aralan natin kahapon.

B. Pagganyak -Mga bata, may ipapakita ako sa

inyo na iba’t ibang larawan. Ang mga larawan na ito ay may kinalalaman sa ating aralin.

Siyam po lahat ang mga batang pumasok na nasa baitang isa.

Tatay po!

Nanay po!

Anak o mga anak po!

Ang tatay at nanay po ang nagtu-tulungan sa pagha-hanapbuhay, paggawa sa bahay at pag-aalaga sa mga anak.

Ang anak naman po ang tumutulong sa gawaing-bahay.

(Upuan) (Libro)

Page 4: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

-Anu-anong mga larawan ng bagay ang inyong nakita? Magbigay ng isa, Vincent?

-Tama!

-Anu pang bagay ang iyong nakita? Patrick?

-Magaling!

-Magbigay ka pa ng isang bagay na nasa larawan, Jilliane?

-Tama!

-Anong bagay pa ang nasa larawan, Gab?

-Magaling!

-Magbigay ka pa nga ng isang bagay na nasa larawan, Jasmine?

-Tama!

-Bukod sa upuan, libro, kompyuter, pagkain at mga bola, ano pang bagay ang nasa larawan, Mark?

-Magaling!

-Sa tingin ninyo saan kaya madalas makita ang mga bagay na inyong nakita?

-Tama ang lahat ng inyong mga sinabi, ang mga bagay tulad ng

(Kompyuter) (Pagkain)

(Mga Bola) (Lagayang Gamot)

Upuan po.

Libro po.

Kompyuter po.

Pagkain po.

Mga Bola po.

Lagayan ng Gamot po.

Sa paaralan po!

Page 5: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

upuan, libro, kompyuter, pagkain, mga bola at lagayan ng gamot ay kadalasang nakikita natin sa loob ng paaralan.

-Ngayon ay tutungo na tayo sa ating bagong aralin, handa na ba kayo?

C. Paglalahad/Talakayan(Magpapakita ang guro ng “slide presentation” para sa bagong aralin)-Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa “Ang Aking Paaralan”

-Ang paaralan ay mahalaga sapagkat dito natututo ng maraming bagay ang mga batang tulad ninyo.

-Ang paaralan ay tulad ng pangalawang tahanan at ang mga guro naman ang ating pangalawang magulang.

-Ang pangalan ng ating paaralan ay Tomas Claudio Memorial College. Ang lokasyon ng ating paaralan ay nasa Taghangin, Morong, Rizal.

-Ano ang pangalan ng ating

-Opo!

-Ang pangalan po ng ating paaralan ay Tomas Claudio Memorial College.

Tomas Claudio Memorial College

Ang Aking Paaralan

Page 6: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

paaralan? Gab?

-Magaling!

-May iba’t ibang bahagi ang paaralan tulad ng silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter rum, kantina, gymnasium at klinika.

- Anu-ano ang mga bahagi ng isang paaralan? Magbigay ng isa, Jasmine?

-Tama!

-Ano pa ang bahagi ng paaralan? Mark?

-Magaling!

-Magbigay ka pa ng isang bahagi ng paaralan, Exodus?

-Tama!

-Ano pa ang bahagi ng paaralan, Sam?

-Magaling!

-Magbigay ka pa nga ng isang bahagi ng paaralan, Zaldy?

-Tama!

-Bukod sa silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter rum, kantina at gymnasium, ano pa ang bahagi ng paaralan, Vincent?

-Magaling!

-Makatutulong ang mga bahaging ito para lalo pang matuto ang mga

Silid-aralan po.

Silid-aklatan po.

Kompyuter Rum po.

Kantina po.

Gymnasium po.

Klinika po.

Page 7: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

mag-aaral.

-Ito ang silid-aralan. Dito nagtuturo ang mga guro at natututo ang mga mag-aaral.

-Anong bahagi ng paaralan nagtuturo ang guro at natututo ang bata? Patrick?

-Tama!

-Ito naman ang silid-aklatan. Dito natin madalas makikita ang mga aklat at magasing nagagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

-Saan madalas nakikita ang mga iba’t ibang aklat? Jilliane?

-Magaling!

-Ang ibang paaralan ay may mga espesyal na siliid tulad ng kompyuter rum. Dito natututo ang mga bata na gumamit ng kompyuter.

Sa silid-aralan po.

Sa silid-aklatan po.

Page 8: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

-Anong bahagi ng paaralan natututong magkompyuter ang mga batang katulad niyo? Gab?

-Tama!

-Ito ang kantina. Dito bumibili ng masusutansiyang pagkain at kumakain ang mga mag-aaral.

-Saan madalas bumibili ang mga bata ng masustansiyang pagkain? Jasmine?

-Magaling!

-Ang paaralan ay karaniwang mayroon ding gym o gymnasium kung saan ginagawa ang malalaking okasyon tulad ng pagtatapos o graduation.

-Anong bahagi ng paaralan

Sa kompyuter rum po.

Sa kantina po.

Sa gymnasium po.

Page 9: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

madalas ginaganap ang graduation? Mark?

-Tama!

-Ito ang klinika. Dito binibigyan ng pangunang lunas o gamut ang mga simpleng sakit ng mga mag-aaral.

-Saan naman binibigyan ng paunang lunas kapag nagkasakit ang mga bata? Exodus?

-Magaling!

-Ang ating paaralan ay mahalaga dahil ito ang ating pangalawang tahanan kaya’t ating mahalin at ipagmalaki dahil dito tayo natututo ng maraming mabubuting bagay.

D. Paglalahat-Mga bata, may ipapakita ako sa inyong larawan at sasabihin ninyo sa akin kung ano ang inyong nakikita, Sam?

-Ano ang pangalan ng ating paaralan?

-Anu-ano pa ang mga larawan na inyong nakikita?

Sa klinika po.

Tomas Claudio Memorial College

Silid-aralan po.Silid-aklatan po.Kompyuter rum po.Kantina po.Gymnasium po.Klinika po.

Mga bahagi po ng paaralan.

Page 10: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

-Ano ang tawag natin sa mga lugar na nabanggit?

-Maari mo bang basahin ang nakasulat sa pisara, Zaldy?

-Maari mo bang bashing muli ang nakasulat sa pisara, Exodus?

-Sabay sabay nating basahin ang nakasulat sa pisara.

E. Paglalapat-Bakit mahalaga ang paaralan sa buhay ng isang batang tulad mo? Zaldy?

-Paano mo maipapakitang mahalaga sa iyo ang paaralan mo? Vincent?

F. Talang Gawain-Ngayon naman ay bibigyan ko kayong lahat ng isang Talang Gawain. Maaari niyo bang ilabas ang inyong mga pangkulay?

-Babasahin ko ang panuto na inyong susundan.

Panuto: Kulayan ang larawan ng paaralan tulad ng larawan na nasa ibaba.

-Bibigyan ko kayo ng sampung (10) minuto para sa pagkukulay.

-Maaari niyo nang ipasa ang inyong mga talang gawain.

IV. Pagtataya-Ngayon naman ay bibigyan ko kayong lahat ng Sagutang Papel

1. Ang pangalan ng ating paaralan ay Tomas Claudio Memorial College.

2. May iba’t ibang bahagi ang paaralan tulad ng silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter rum, kantina, gymnasium at klinika.

Ang paaralan po ay mahalaga dahil dito po natututo ng maraming bagay ang mga bata.

Sa pamamagitan po ng pagpapanatili ng kalinisan po ng paaralan.

Page 11: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

para naman sa isang maikling pagtataya. Ito ay inyong sasagutan sa loob ng limang (5) minuto.

-Babasahin ko ang panuto na inyong susundan.

Panuto: Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa Hanay A sa mga larawan ng bahagi ng paaralan na nasa Hanay B.

V. Takdang AralinGumupit ng iba’t ibang larawan ng bagay na makikita sa loob ng paaralan. Lagyan ng pangalan kung saang bahagi ng paaralan ito makikita. Idikit ito sa inyong kwaderno.

Page 12: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

Talang GawainPangalan: ____________________________________________________________________________________

Petsa: ______________________________

Panuto: Kulayan ang larawan ng paaralan tulad ng larawan na nasa ibaba.

Page 13: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

Sagutang Papel

Pangalan: _________________________________________________________________

Petsa: ____________________

Nakuha: __________

Panuto: Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa Hanay A samga larawan ng bahagi ng paaralan na nasa Hanay B.

HANAY A HANAY B1.

2.

3.

4.

5.

Page 14: Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan for Final Demonstration

Inihanda ni:

JOHN EMMANUEL H. VILLARIÑAGurong Nagsasanay

Iwinasto ni:

MS. BERNADETH B. RIVERA Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:

G. RUEL G. MANALOHead Teacher, Elementary Department

Pinagtibay ni:

G. DINDO C. PUNZALANPrincipal