8

Distrungka Sampler

Embed Size (px)

Citation preview

8/6/2019 Distrungka Sampler

http://slidepdf.com/reader/full/distrungka-sampler 1/7

8/6/2019 Distrungka Sampler

http://slidepdf.com/reader/full/distrungka-sampler 2/7

distrungka

8/6/2019 Distrungka Sampler

http://slidepdf.com/reader/full/distrungka-sampler 3/7

Pagdistrungka sa sarili

Ngayo’y dinidistrungka ang di mapakaling sarili

upang kahit minsa’y, muling sumariwa ang guniguni.

Hindi dapat paulit-ulit ang takbo ng buhay,papataas nang papataas ang mithiing lantay.

Nagsimula sa aking ulo ang pagdistrungka,ilong, bibig, tenga’t makasalanang mata.

Isinunod ang katawang umiibig sa mundo,kamay, bisig, hita’t paang marurumi ang kuko.

Parang robot na pinaghiwa-hiwalay ang piyesang ekspertong mekaniko sa planta ng makina.

Kasama ang apdo, atay baga’t bitukang nag-aaklas

sa aking buong katawang tinutungkab.

Nakahiwalay ang pusong mapusok umibigat utak na lagi’t laging naghihimagsik.

Pero buong-buo ang balisang diwaat rumaragasa ang pag-ibig na matalinghaga.

Sa kabila ng paghihiwa-hiwalay ng buong katawanbakit buong-buo pa rin ang maselang kaakuhan?

8/6/2019 Distrungka Sampler

http://slidepdf.com/reader/full/distrungka-sampler 4/7

Maraming sinasabi tungkol sa tula na iba’t-iba,Pero kapag inihagkis ang parikala’t haraya,Nagaganap ang pintig at pitlag ng mga ibinurdang salita.

13 Mayo 2003

8/6/2019 Distrungka Sampler

http://slidepdf.com/reader/full/distrungka-sampler 5/7

ganyan talaga

Kapag ang problema’y sa iba sinasabi,

“Ganyan talaga ang buhay pare.”

Pinagagaan ang ating pagdadalasa akala nati’y masalimuot na problema.

Humahaba ang usapan sa inumanmaraming payo’t salitang ating nakakamtan.

Para bang ang problema’y madaling burahingayong simbigat ng mundo ang ating dalahin.

Gumagaan ang ating dala-daladahil may mga taong nagbibigay-pag-asa.

Ganyan talaga ang buhay natin

parang ang pagsubok ay humahalik na hangin.

Pero, mahalagang may kamay na nag-aabotupang ibangon tayo sa pagkakalugmok.

 Ang mahirap wala kang makausapupang ihinga ang suliraning umaantak.

May kamay na nasa ating paligidnaroroon sila upang tayo’y itindig.

8/6/2019 Distrungka Sampler

http://slidepdf.com/reader/full/distrungka-sampler 6/7

Mahalagang may dibdib na handang sandalanna maihihinga angking pagdaramdam.

Dahil ang kinikimkim na kirot at sugat

dapat umagos na alon sa kalakhan ng dagat.

12 Agosto 2004

8/6/2019 Distrungka Sampler

http://slidepdf.com/reader/full/distrungka-sampler 7/7

Walang Pangalan

Halimbawang walang pangalan

ang iyong ginagawang pagsulat ng tula. Wala ring pangalan ang pagigingmanggagawang humahabi ng mga salita.

 Wala ring depinisyon at pangalanang panghuhuli ng imahen, parikala’t talinghaga.

 Ano ang isasagot pag nagtanongkung sino ka at ano ang iyong ginagawa?Marahil sasagot ka, “Wala lang.”

23 Agosto 2004