68

Doble Karit

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ikasampung taon ng Pagsingil ng Hustisya para kin Eden Marcellana at Eddie Gumanoy

Citation preview

Page 1: Doble Karit
Page 2: Doble Karit
Page 3: Doble Karit
Page 4: Doble Karit

DOBLE KARIT:Sampung taon ng pagsingil ng hustisya parakay Eden Marcellana at Eddie GumanoyAbril 2013

Inilathala ng Kilometer 64 Poetry Collectivesa pakikipagtulungan ngCollege Editors Guild of the Philippines- Southern Tagalog

Para sa mga katanungan, suhestyon at kopya,maaaring mag-email sa [email protected]

Reserbado ang lahat ng karapatan.

Disensyo sa pabalat ni Syeril GarciaLikhang Sining sa likurang pabalat ni JL BurgosInilapat ni Stum Casia

Page 5: Doble Karit

Maraming maaaring mangyari sa loob ng sampung taon. Dalawang presidente. Ilang ulit na pagbalasa sa gabinete, militar, at pulisya. Kabi-kabilang pananakot, torture, at summary execution. Taon-taon, nadaragdagan ang listahan ng desaparecidos.

Sampung taong mahigit, nagkalat ng lagim si Gen. Jovito Palparan sa bawat lugar kung saan siya madestino na siyang dahilan kung paano niya nakuha ang bansag na “Berdugo.” Walang pagkakamali, ang mamang naka-fatigue ay utak-pulbura. Nagdeklara siya ng giyera hindi lang sa New People’s Army kundi pati sa mga aktibistang legal na kumikilos sa lungsod man o kanayunan.

Hindi nakaligtas ang Timog Katagalugan sa sindak na inihasik ng Berdugo. Noong Abril 22, 2003, sampung taon na ang nakararaan, lumitaw ang mga bangkay nina Eden Marcellana, isang human rights activist, at ng lider-magsasakang si Eddie Gumanoy sa Oriental Mindoro.

Sa kasalukuyan, nagtatago ang Berdugo para takasan ang pang-uusig ng katotohanan at katarungan. Makakamit lang nina Ka Eden at Ka Eddie ang katahimikan kung mapapanagot si Palparan sa lahat ng mga kaso ng tortyur at pagpatay na siya ang itinuturong mastermind.

Hayaang maging mga sulo ng liwanag ang mga tula sa kalipu-nang ito para gunitain ang pakikibaka nina Ka Eden at Ka Eddie para sa tunay na repormang agraryo. Hayaang sambitin ng mga tula sa kalipunang ito ang kanilang tapang at paninidigang bungguin at gibain ang tanggulan ng Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo, at Pyudalismo sa ating bayan. Buhay sina Ka Eden at Ka Eddie hindi lang sa mga kumikilos sa Timog Katagalugan kundi sa ating lahat na nagnanasa ng paglaya. Buhay sina Ka Eden at Ka Eddie at winawasiwas pa rin sa mga kaaway ang kanilang doble karit.

Page 6: Doble Karit
Page 7: Doble Karit

Mga Tula

Page 8: Doble Karit

4

Page 9: Doble Karit

PAHIMAKAS NG MGA MARTIR NG SAMBAYANAN-gilyer

KamiMga martir ng sambayanang PilipinoAy nagpapahayag ng ganito:

HindiHindi mapatatahimik ang aming kalooban kailanmanNg mga papuri't parangalHangga't naririyan ang kawalang katarungan!Kami'y paulit-ulit na ibabangon at itutulakNg sakdal buting lupa na yumakap sa aminPatungo saanman, kailanmanUmiiral at naghahari ang mga tampalasan!

Kami ang kapeng mainit ng mga manggagawa sa pabrika at piketlaynKami ang balabal ng maralita sa mga barikadaKami ang kadenang bisig sa welgang bayanKami ang bandila't islogan sa bawat kilos-protesta

Kami sa misang bayan ang tinapay na pinagsasaluhanKami sa dulang mapanghimagsikAng gitara, ang sayaw, ang awitKami sa eskwela't kalsada ang sariwang dugo ng kabataanKami ang diwa, ang pana at palaso ng bawat katutubo

Kami ang tinik at putik sa mga palayanKami ang apoy sa kaingin, ang asin sa palaisdaanKami ang bala sa armalayt at masingganKami ang daliri sa gatilyo, ang hukbo sa labanan

Kami ang turban at belo sa ulo ng bawat AraboKami ang hapag kainan ng bawat AsyanoAng dula, ang tula sa Timog AmerikaAng ritmo sa tambol saanman sa Aprika!

Page 10: Doble Karit

6

Sapagkat kami'y hindi pataySapagkat kayo'y hindi namin iniwanSapagkat ang taksil na kaawayAy `di nagtagumpay kailanman!

Sapagkat kami ang sambayananMakauri, lumalakas, lumalawak, lumalalim, lumalaban.Lumalaban!

Pamatay na bigwas sa rehimeng tirano!Sumpa at salot sa mga asendero!Litid at laman na wawasak sa monopolyo,Ang sigwa, ang daluyong,Ang lindol sa mundong nagbabago!Magiging tinik ang mga damuhangtatalim ng mga balang amorsekona kakapitan ang dilim ng mga uniporme,lilitanya ng garalgal ng panawaganang lalim ng dinadaluyan ng batispatungong ilog hanggang karagatanna isisigaw ang panawagang kaparehong prinotesta sa mga kampo at ahensiya.

Kukuyom na kamao ang mga batona ihahalimbawa ang inyong hindi pagsuko,uugat bilang mga talata ang paanan ng mga punoat muling iaalingawngaw ang inyong mga balintatawsa balat ng pakikiisa sa mga programaat kandili ng mga kulisap sa di matahimik na parangal.

Hanggang ang mga punongkahoyay magbabanggit ng katotohananng inyong iniwang bakas ng alamatsa bawat batang naghahanap ng silong,nakikiusap ng espasyo ng kaginhawaanmula sa nagugulumihanang panaginipna aalayan ng mga prutas ng sustansya

Page 11: Doble Karit

ng inyong inambag na mga aralsa lahat ng inosenteng bibigat kay liit na mga palad.

Kung mabubuhay at makapagsasalitaang lupaing siyang testigo sa inyong pagkabuwal:

Dadagundong sa galitang lindol ng mga kalooban,titinding at mamartsa nang hindi nagpapahingahanggang magiba ang kahariang kinatatayuanng mga kinatawan ng mga angkan,at magsisilbing aming palatandaanang inyong mga ngiti sa nauuhawna damdamin ng hustisyang ipinagkaitng mga hinibang na awitinng bayarang salarin.

At tulad ng lupaing siyang may nuotna magbibigay buhay sa bagong mga halaman,ang inyong mga dugong idiniligsa tagtuyot na mga parangang magsisilang ng panibagongmga rebolusyonaryonghigit sa higantiang ihahatid sa lupainghindi na muli dadanakanng karanasan ng karahasan,kundi katiwasayan.

Katiwasayan tulad ng lupangsiya ring pagmumulanng walang kamatayang epikong gintong palayang alayay walang hanggang kasaganaan

mula sa mga muntingpulang butil

Page 12: Doble Karit

8

na itinanimnang humandusayang mga katawan niyo,sumibol sa balitang inyong pagkawalaat ganap na namukadkadsa malusog na alaalang mainit niyong pakikisalamuha

sa amingmga pusongpatuloy na nakikibaka.

Page 13: Doble Karit

Sa Bayan Ni Juan-Rogelio Ordoñez

sa bayan ni juanmortal na kasalananang maging makabayanbaka pulutin ka sa kangkungano saanmang basurahanlasug-lasog ang katawanutak at mukha’y pinagpipistahanng mga langaw at langgambaka di ka na rin makita kailanmankapag isinilid sa dramsementuhan at ipalamonsa pusod ng karagatan.sa bayan ni juan… pakatandaanhuwag kang magsasabi ng katotohananbasta paniwalaang umuunlad ang kabuhayankahit lugaw at asin ang nagliliwaliwsa bituka ng maraming mamamayandumarami man nagkakalkal ng basurapara magkalaman ang tiyanmilyun-milyon man damit ay basahanbata-batalyon man palaboy sa lansanganmga parke’t damuhan man ang himlayano nagtitiis paalipin sa banyagang bayanbasta isiping mahalimuyak ang buhaysa bawat pagsikat ng araw sa bayan ni juanugaliing itaas ang mga kamaymaghosana sa kaitaasanmaghaleluya sa mga diyus-diyosanlaging may glorya daw sa bayan ni juan.sa bayan ni juanhuwag mong isasaysay sa sambayananhokus pokus at kahiwagaanng kung anu-anong pandarambongsa pondo ng bayanhuwag palalabasin sa lalamunaninhustisya’t kasuwapangan

Page 14: Doble Karit

10

ng iilang hari-harian sa lipunanbaka dila mo’y hiwainmga ngipi’y lagariinpati mata ay dukitiniturnilyo mga labi’t pasabugin.

sa bayan ni juanhuwag na huwag makipagkaisasa mapagpalayang adhikainng manggagawa’t magsasakahuwag makipagtaling-pusod sa masasa uring alipin at ibinartolinang balintunang sistemahuwag kang sasamasa kanilang sagad-langit na protestalaban sa uring mapagsamantalababansagan kang subersibo’t teroristabanta sa seguridad ng republika.sa bayan ni juanmalupit mga senturyon ng unanokaya huwag matigas ang ulokapag dinampot ka’t pinalad na ikalabosoat hindi naging desaparecidobababuyin ka ng mga utak-kurtadopaaaminin kang rebelde laban sa estadoingungudngod ang mukha mosa mataeng inodorohubo’t hubad kang pahihigainsa bloke ng yelopipilitin kang uminom nang uminomng tubig na naninilaw sa mikrobyohanggang pumintog nang pumintogang tiyan mosaka biglang tatadyakan ng demonyodi ka titigilan kapag di umaaminsa nilubid na mga kasalananbayag mo’y kukuryentihinisasaksak sa titi mo

Page 15: Doble Karit

bagong sinding palito ng posporoo bibigtihin ng kuwerdas ng gitaralupaypay na ulo nitoo diyos ni abrahammalilibog ang senturyon ng unanokung babae kang isinalampak sa kalabosolalaruin ang suso’t kiki mosaka kakabayuhin ka nang hustomatapos laspagin ang puri moat hingal-aso ang berdugoiiwan pang nakapasak sa ari moanumang boteng nakatuwaan nito.talagang ganyan sa bayan ni juandinuduhagi’t sinisikil ang mga makabayanipinagkakait ang demokratikong prosesomapapalad lamang ang basalyos ng unanoat kauri nilang salabusab at tusomga payaso’t sirkeromga batikang salamangkeronilalaklak nila ang dugo ng bayannilalamon ang laman ng mamamayansa paulit-ulit na pagtatanghalsa karnabal ng kasinungalinganisasakay sa ruweda ng panlilinlanghinihilong masang sambayananiduruyan sa ilusyon ng huwad na kaunlaranat doble-karang katarungantalagang ganyan sa bayan ni juanang taksil sa pambansang kapakananat interes ng kumain-diling mamamayansilang mga tulisan sa kalunsuransilang nagpipista sa mesa ng kawalang-hiyaanmay lakas ng loob pang mangalandakanna sila’y lantay na makabayan.sa bayan ni juan… talagang ganyanmortal na kasalanan ng masang sambayananang maging makabayanat maghayag ng sagradong katotohanan

Page 16: Doble Karit

12

pero di habang panahong laging ganyansa bayan ni juannaglalagablab na ang liwanag sa silanganbumabangon na sa dilim ng nagdaang gabiang mga alipinupang sa wakas mga sarili’y palayain!

Page 17: Doble Karit

Sampung taon na ang nakalilipas-Cristina Guevarra

Sampung taon na ang nakalilipas,Napagkamalan akong kapatid ni Ka Eden.

Ilang araw matapos silang paslangin,Sa labas ng bilog na simbahan sa Diliman,Kung saan itinanghal ang mga bangkay Ni Ka Eden at Ka EddieNilapitan ako ng isang grupo ng kababaihan“Nasaan ang ate mo?”

Hinahanap nila si Ka EdenPara parangalan.Ilang araw bago itoHinanap din siya ng mga berdugo Pero ang ginawad nila kay Ka Eden at Ka EddieAy bala sa katawan at lamat sa bungo.

Sampung taon na ang nakalilipas,Napagkamalan akong kapatid ni Ka Eden.

Hindi ko itinanggi Ang tanong ng babae.Dahil sino ba naman Ang hindi ikararangal Na mapagkamalang kapatidNg isang martir at bayani?

Hindi rin itinanggi ni Ka Eden noonNa siya si Eden MarcellanaSiya ang “kaaway” na hanap nila.Kaya hindi sila nabigo sa pagkitil sa buhay Na sanlibong beses mas matimbang Kaysa kanilang hukbo ng mga gahaman.

Sampung taon na ang nakalilipas,Napagkamalan akong kapatid ni Ka Eden.

Page 18: Doble Karit

14

Kamakailan, kahit nahihiyaIkinuwento ko ang tanging alaala koTungkol ka Ka Eden sa kanyang mga anak.Bahagyang ngumiti ang magkapatidSa biro kong baka hindi sila pumayag.

Pero hindi nila itinanggiDahil may konti naman daw hawigAng kanyang bilugang mukhaAng tsokolateng balatO kahit ang maiksing buhokNg mahal nilang Nanay.

Sampung taon na ang nakalilipas,Napagkamalan akong kapatid ni Ka Eden.

Pero ngayon, alam kong kailangan ko nang tumanggi.Dahil si Ka Eden ay si Ka Eden.Ang mapagmahal nilang inaAt magiting na asawa ni Ka Orly.

Siya’y nagtanggol sa magsasaka at katutuboAt humamon sa berdugo ng MindoroSiya’y isa lang sa utang na dugo ni Jovito Palparan.Ngunit gaya ng marami, Maraming beses na itinanggingAng militar ang may utak at may kasalanan.

Sampung taon na ang nakalipas,Hindi na ako napagkakamalang kapatid ni Ka Eden.

Pero hanggang nandito tayoHuwag kailanman itanggiHuwag kailanman bitawan

Page 19: Doble Karit

Dahil gaano man katagalDapat silang parangalanAt bigyang katarungan.

Page 20: Doble Karit

16

Kayong mga walang alam sa kasaysayan-Mac Ramirez

Mangmang sa kasaysayanang sinumang maniwalangmapipigilan ang pagdaluyong,ang pananagumpay,ng paglabanng aping mamamayanAng mga estrelya sa balikatng mga nagtataasang Heneral,ang mga armas pandigmang pasistang militar,ay yuyuko sa kayang itumbasng taumbayang hindi nanakadarama ng takot,ng taumbayang hindi na alamkung ano ang ibig sabihin ng hirapat pasakit sa pakikihamok;dahil inari na nilangkataas-taasang tungkulinang pagtatanggolsa laya nilangmalaon nang ginupoAno’ng panamang pasistang may barilsa magsasakangkarit lamang ang bitbit?Kung ang karit namang itoay mabisang ginagamithindi lamang sa panamin,lalo’t higit,sa paggapas sa ulong mga palalong magkakaitsa kanila ng katarungan,kung kinakailanganAno’ng saysay ng ‘bullet proof vest’kung hindi mo man lang makita,

Page 21: Doble Karit

ni mamalayan ang dahilankung bakit mo ito suot?dahil ang tunay na hukbo ng mamamayanay parang mga hunyangonghumahalo sa paligid ng kaparangan,sa sukal ng mga kagubatan,maging sa mga larangan ng labanan,dahil wala nang mas mabisang ‘bullet proof vest’kundi ang wagas na pagmamahalng masang pinagsisilbihanKaya’t kayong mga mangmang sa kasaysayannararapat lamang na matutosa mga maningning na aralni Bonifacio, ni Ho Chi Minh, ni Mao Ze Dong -kakapit-bisig ang mga mamamayansila’y nagpaluhod, nagpalayas,sa naglalakihang mga pasistang hukbo’t mga emperyoAno pa’t ampawang ipinagmamalaki ninyongmga ‘kontra-insurhensyang’ operasyon.Nagawa ba nitong maampat man lamangang paglagablab ng deka-dekada nangmakatwirang digmang mapagpalaya?Sa tuwing mangdudukot o papataykayo ng inosenteng walang kalaban-laban,nadadagdagan ba ang inyong kapangyarihan,o mas lalo lang humuhulas ang katangian ninyongmga nag-komoplaheng halimaw?Nanininiwala pa rin ba kayongkayang ikubli sa ngalang ‘bayanihan’ang inyong terorismo?Kung gayon, mamangha kayo sa di mapigil-pigilang agosng mga bagong dugo sa rebolusyon!Mangatal kayo sa pagpula ng mga nayon!At bago kayo matauhan sa kasaysayangmatagal na ninyong kinukutya’t dinuduraan,tapos nang likhain ng mga mamamayanang sarili nilang kasaysayan!

Page 22: Doble Karit

18

UNTITLED-matic

Pagka-gradweyt ko sa hayskul, gusto ko nang maging tibak.Di ko alam kung bakit, marahil puro Rage Against the Machine pinapakinggan ko noon. At cool na cool para sa akin ang itsura ni Che Guevara, mababaw diba?

Taong 2003, unang sabak sa isang kolehiyo sa Morayta, sabi ko sa sarili ko, eto na, game na to.Kalsada kung kalsada, bundok kung bundok. Iba pa nga nasali-han ko noon, mga taga-RJ.Di ko sila trip, mejo iba tabas ng dila nila, di ok pakinggan.

Pag nagyoyosi ako noon sa Morayta, abang ako nang abang. Hindi chiks, pero rally inaabangan ko.Astig daw kasi yung grupong Anakbayan at LFS, pula ang bandila nila, katulad ng paborito kong kulay. Pati mga kaklase ko noon, pinaabangan ko itong org na to, nakikihingi ako ng reg form, kasi kating-kati na akong sumali.

Ayun na nga, sakto may rally. Human rights ang dalang issue, para sakin pag human rights ang pag-uusapan, naku po, eh absolute yan, di yan dapat mababali, rights yan eh. Nakakapang-init nga naman ng dugo di ba?

‘Tsaka ko nalaman ang issue na nangyayari sa Timog Kataga-lugan. Doon ako mas nahikayat na sumali at maging aktibista. Lalong lalo na noon, may bago kami na galing mismo ng ST, itago ko nalang sa pangalang "Cards". Sa mga kwento niya, at sa first hand experience niya, grabe, grabe pala doon, grabe pala maging aktibista, mainit sa lespu. Mas exciting! Pero sa kabilang banda, delikado, mukhang ako rin kelangan na magdala ng baril ko. Pinanood pa sa akin yung Alingawngaw ng mga Punglo. Dito ko nalaman ang mga pangalang Eden Marcellana at Eddie Gumanoy. Grabe ang ginawa sa kanila, sarap gumanti. Mula noon, nagpatuloy-tuloy ang aking tinahak na landas sa pagiging tibak.

Page 23: Doble Karit

Napunta dito, napunta roon, madami akong natutunan. Natutu-nan ko na tulad ni Eden at Eddie, at tulad ng pinaglalaban nila, may mga karapatan ako na nasisikil ng gubyerno.

Ngayon, aminado ako, laylow ako. Hirap balansehin ang trabaho, pamilya at aktibismo. Pero pag maalala ko silang dalawa, alam ko na sa malapit na hinaharap, babalik ang "aktib" sa aktibismo ko.

Hustisya para kay Ka Eden Marcellana at Ka Eddie Gumanoy!

Page 24: Doble Karit

20

Alay-Glen Sales

Isang dekadang sugat,Pilat ng lamat sa hinagap.

Sa mga tulad nating Nagmamahal sa kalayaan at karapatan,Hinding hindi natin hahayaangTubuan ng lumot ng paglimotAng lupang pinagtapunanNg kanilang katawan.

Hindi nito mapatatahimikAng mga handang magsiwalat,Marami man ang magkapangalanSa mahabang kasaysayan ng dahas.

Ang mapait na sinapit Nina Ka Eddie at Ka EdenAy hindi, hindi lamang sugatNa madaling maghihilom--Ang gamot na pang-ampatAy pagkilos at pagtanawUpang makamitAng makatarungang lipunan.

Page 25: Doble Karit

Eden-MJ Rafal

nasaan ka ba ngayon? literal namanna wala ka na sa piling namin, sampung taon na.

at wala ka na rin sa piling ni Ka Orlyat ng dalawa ninyong anak.

hindi ka na matatagpuan sa balakangng bundok, sa Timog Katagalugan

o kahit saan na mayroong paglabagat pagyurak sa dangal at karapatan.

binabansagan ka nilang rebeldeng walangbaril, rebeldeng rebelde na walang baril.

literal silang mag-isip. ang alam nila'yalam lamang nila. katulad ng panggagahasa

sa karapatan, at pagsusulsi ng katahimikanat takot sa mga namumulat at nabuklat.

nasaan ka ba ngayon? literal namanna wala ka na sa piling ng lupa, sampung taon na.

o kung nasa langit ka man, o kahit saan,batid mong hindi napigtal at napipigtal

ang mga simulain mong sinimulan rin ng iba pang katulad mo'y ninakaw sa amin.

matagal pa raw ang tagumpay, at inaakusahantayong hibang at nahihibang ng mga "been there

Page 26: Doble Karit

22

done that". kailangan ba nating mainis? magalit?gantihan, abutan na lamang natin sila ng ngiti

habang abala't matapat tayong tumutugpa salandas ng pagwawagi; pulang petalya ang iyong mga labi.

Page 27: Doble Karit

Eddie at/sa Eden ni Mark Angeles

Sambitin mo, Genesis, ikaw na burdadong alamat ng mundo—

Sa dakong silanganan, ang bukiringhalamanan ni Eden,hitik sa bunga at handa nang pagapas.

Naroon din si Eddie, nakatindigsa dugsungan ng mga talampas.

May karit ang Berdugo—itinulos niya sa langit at kumalat ang aninosa bukiring umiindak sa hangin.

Inakala niyang tutumba isa-isa ang mga magbubukid

sa armas niyang mas ganid pa sa ganid,mas marahas pa sa lintik.Ngunit hindi sila natinag.

Ibang kuwento na ito. Wala na sa hinagapng mga eskriba. Ngunit banal. Ano pa’t dalisay.

Page 28: Doble Karit

24

Pagbabalik-Teryana Malicot

April 2013

April 2003

Tumatakbo ang kamay ng orasan nilalampasan lamang ang mga numero't guhitkada todos los santos dumadalaw ang naiwanansampung taon na kitang inaalala wala pa rin akong dalang magandang balitadumadagdag ang araw gayon din ang inip

Pagsampa ng unang paasa bukana ng pintuan ng atin bahayestranghero ang sakin ay sumaklob Kahapon, kiniskis ko ang kaldero't kawali pinilit kong inalis ang uling dumikitpinataob ko't pinagtabi-tabiganito mo inaayos ang kusinaibinalik ko ayon sa kinagawianpagkakasalansankahit sana sa ganitong pagkakataonmabigyan ka ng kaayusan

Pinunasan ko ang electric fanhalos di ko na maaninag ang mukha ng basahan sa kapal ng alikabok na nahagipNang ikaw natagpuan,Hindi kita nakilalasa tinamong sugat at pasa

Sinunod ko ang pagwawalis sumiksik ang dumi sa bawat singit ng sulok

Page 29: Doble Karit

mga nalagas na hibla ng buhoknakakaladkad ng mga ipiskung nalalaman lamang nila ang iyong hirap at pinaglabandi sana'y nirespektokahit paano, ang bahagi mona sa amin ay iniwan

Bukas makalawababalik sila sa gulomababahiran uli ng dumimapababayaan dahil nasa kalsada ako't naglalakadnagkukumahod makamit ang katarunganpinupukaw ang hustisyang natutulog sa kankungan

Nakadagan sa'kin ang lungkot sa pag-alis ng bahaykalahati ng pagkatao ko ay kakambalnitong atin tahanannaging kanlungan ng patuloy na pagbabakasali mga pangarap na tinuring kapansananna pilit winawakasan

mamaalam ako't dadating

pagsusumikapan kong buuin ang nasira

Bukas, kukumpuniin ko ang upuankung saan lagi kitang naabutan nakaupo papantayin ko ang balikosasabayan ko ang takbo ng orasBukas, matatapos rin itong kaguluhansasapitin din natinang inaasam na kaginhawaan

Page 30: Doble Karit

26

Isang Dekada-Marko Vicencio

Isang DekadaNang umalingaw-ngaw ang balitaMay dumanak na dugoMay buhay na kinitil‘Sing-dilim ng gabiAng lungkotPighatiHapisNa nagpabuwal Kina

Si Ka EdenSi Ka EddieMga bayaniNag-alay ng buhay

Isang DekadaNa ang bawat sugat na tinamoKatumbas ng nagngangalitNa hiyaw sa kalsadaHustisya! Hustisya!Bawat latay, pasakit, hagupitDalit!Bawat patak ng luhaDanak ng dugoUngolGalit!Katumbas ng pusposang pagbabakaNg Huwad na katarunganTungo sa tunay na paglaya

Isang Dekadang pananatiliNg apoy na iniwanNg Martir ng uring apiDahil kung sino mang mag-alay ng dugo

Page 31: Doble Karit

Sa ngalan ng abaHindi kailanman mawawalaMananatiliMagiging binhiSisibol sa napakarami pang kamalayanNa tulad ng Doble-karitSusuong sa init ng lansanganSasabak sa panganibPipiliin ang pagtahakSa dakilang larangan ng pakikibakaUpang sa pagputok ng pagkakapatas-patasLulanBala ng hustisyaAt pagkakapantay-pantay

Isang Dekada ng pagpanawPagpupunyagiPag-uusigPaniningilHindi titigilAntipara ng hustisya’yNag-aabangSa bandang huliPag-ibig, malasakitKamalayan, katotohanan,kasarimlanKalayaan.

Page 32: Doble Karit

28

HULING LIHAM PARA KAY BERDUGO*-Lorena Castro

Jovito, nakalulungkot isipingnagmaliw na ang iyong pagtingin,dahil ba sa kagandahang kumupaso sa aking pagkabirheng dinahas? Bakit ka tumatakbo Berdugo?natatakot ka ba sa anyo ko? Wag kang mag-alala,matatakpan naman ng "make-up"ang mga pasa at sugat sa balat. Pagkatao kong dinungisa't ginahasa,matatakpan din ng trahe de boda;ternuhan pa ng gwantes na malinisupang kulang na daliri't kuko'y di mapansin;Ipinatahi na rin yaring sugat sa uloupang bumagay sa ipapatong na belo. Palparan,maaari mo silang takbuhanngunit ang nalalapit nating pag-iisaay di mo matatakasan. Dahil matapos ang sumpaanat matagal na takbuhan,ay mag-iisa rin ang ating buhayat magsasama panghabambuhay sa hukay! *Sa punto de bista ng mga kasamang pinaslang ni Palparan.PAIGTINGIN ANG MANHUNT KAY BERGAGONG PALPARAN!

Page 33: Doble Karit

Terorista-Faye Sagun

Wala kang baril, Ka Edenngunit tinugis ka nila,tinawag kang teroristaat salot sa masa,

Marahas kang pinatay,parang baboy ka nilang kinatay.

Paano ka naging teroristatulad ng iginigiit nila?

Dahil ba sa iyong paninindigan?Sa iyong tapang na di mapasusubalian?Dahil kritiko ka ng pamahalaan?O dahil sa iyong pakikipaglabanpara sa ating mga karapatan?

Teka,lapatan natin ng lohika---

Dinukot kayo ng mga armadong lalakidala nila'y mga baril na de-kalibre;

Kayo ni Ka Eddieay kargado lamang ng paninindiganat mataas na kamulatan.

Walang baril.Walang ginawang krimen.Ngunit tinugis kayo,tinawag na terorista,marahas na pinatay,parang baboy na kinatay.

Page 34: Doble Karit

30

Ngayon,Sino ang terorista?Sino ang salot sa masa?

04/05/2013

Page 35: Doble Karit

Ka Eden-Oliver S. Carlos “Ka Eden, kasama ka naming naghahanap ng patay, naghuhukay ng bangkay. Ngayon, ikaw naman ang pinatay nila “ ~ Irein Cuasay, secretary general of Karapatan-Mindoro Oriental~ Sabihin mo, Ka Eden, na huwag kaming masuklamtumambad man sa amin ang basag mong bungoang dalawang tila-tarak ng icepick sa iyong batokat ang di mo makilalang larawan; Sabihin mongito’y walang anuman,at huwag kaming magdamdamsa kanila na di man namin matukoy at mapangalanansa tinakluban nilang mukha ng kalapastangan.Sa kanilang sa inyo’y humarang, nagtanong sa iyong pangalan,at tinugon mo ng “ako po iyon”, kasabay ng dalanginghuwag na silang mandamay, ikaw na lang… ikaw na lang. Isatinig mong kamatayan nga’y isang pagpapahingalayat walang-anumang ituturing na isa ka, isa ka langsa maraming bilang ng maaamong tupang walang kalaban-labang kinaladkad sa bitayan. Ibulong mo sa amin, ngayon,ikaw nga mismo’y walang pagdaramdamat magaan sa loob mong tinatanggap ang kinasapitanupang masambit naming “siya nga po’y payapa na sa bisig ng maykapalkasama nang iba pang mga pinaslang na hindi pa namin nahuhu-kay” Sabihin mo, Ka Eden, upang harinawa’y hindi na pagdimlan pa ng isipYaring bayang wala nang masulingan. Walang mapagsumbungan.

Page 36: Doble Karit

32

Sabihin mo ito, Ka Eden,Sa bayan kong daluyong na humuhugos ngayon sa mga lansan-gan.Sa mamamayang tumutugon sa anyaya ng kabundukan.

***April 6, 2013Oran, Algeria

Page 37: Doble Karit

SA TUWING NAAALALA KITA-Aris Remollino

Sa tuwing naaalala kitahindi lamang simpleng saya ng ating pagsasamaang aking naaalala.Naaalala ko rin ang ating sayakapiling ang mga katukayo sa paninindigangnagtatanim ng punla ng makabagong umaga.(Isang makabagong umagangpinanday ng tagumpay ng bawat bisig na kaugnayng mga bisig na nagpapanday sa mga pabrika at bukirin.)Sa tuwing naaalala kitahindi lamang pagpaslang sa iyoang aking naaalala.Naaalala ko rin sina Eddie Gumanoy, Beng Hernandez, Willem Geertmanat marami pang katulad n’yongkinitil ang karapatang tumindigat ipaglaban ang katwiran ng mga inaapi.At sa tuwing naaalala kitahindi lamang kirot ng pangungulilaang aking nararamdaman.Nararamdaman ko rin ang paghataw ng ngitngit,kasama ang ngitngit ng iba pang katulad kongpinutulan at pinuputulan ng aming mga katali-sa-kaluluwa.Sa tuwing naalala kita,Ka Eden Marcellana:kaibigan, kapatid,ina, asawa,kasama.Natitiyak kong hinding hindi magkakamaliang sulong ng aking mga yabagdito sa pinili kong landas.

2013, Abril 7

Page 38: Doble Karit

34

ayaw kong iyong makita ang aking pamamaalam-Lenkurt Lopez

sabi mo,bawat pangamba’ypanganibna nakaabangngunit hindi natin alamkung kailan magpapasya.sa mga panahonginaalipin ng dilimang katahimikan.at ang katahimikanay para lamang sa atin.wari’y nais mong iparating:na lagi akong mag-iingat.dahil batid mongang katahimikanay maaaring maging ingaysa panahong tayo namanang aalipin sa dilim.hahanapin mo marahilkung saan nanggalingang mga salitang iniluwalng ating bibig noong huli tayong-magkita.kaya’t ayaw kongiyong makitaang aking pamamaalam.ayaw kong isipin mona isang kasinungalinganang pagnanais kang makita.kahit walang katiyakankung muli ka pang mapagmamasdan.

Page 39: Doble Karit

Eden*-Rogene Gonzales

Kinilala mo ang bawat pinatay,higit pa sa kanilang bangkay,hinanap ang hinablot na mga kaluluwasa pagitan ng tabing ng mga talahiban,yumuko at binusisi ang bakanteng lotenang matiyak na hindi sila maiwanansa ilalim ng mga nag-umpugang batoo anurin sa pagkaagnas ng batasng dumadaloy na ilog ng kawalan.

Niyakap mo ang humagulgolna mga kapamilya nang ipabalitaang turok na bumuo ng maliit na butas,bumitak saka dumurog sa damdamin sa pagkarinig ng trahediya ng bawat isa,inalayan sila ng puting luhang hindi nagmamaliw na kandilakahit hindi mo sila kaano-ano,kahit hindi mo sila nakilalao nakadaupang palad ng kamao sa iyong mahabang krusada.

Nagalit ka sa mga salarinna nagkubli sa kanilang krimen,sinabay mo ang ngitngit sa martsa,sinabuyan ng kulay dugoang kampo ng mga berdugo,pinagliyab ang papel ng huwadat pangako ng kasinungalingangnagkatawang tao sa palasyo.

Hanggang sa huling sandali, nanatili kang naninindigan nang ikaw ay nabuwal:Binigyan ng dahilan kung paano

Page 40: Doble Karit

36

maunawaan ang hakbang-hakbangna paraan ng pagsabuhay ng natutunanpara sa bayang hinarang ng hinagpis,piniringan sa paghirang ng puntod,hinubaran ang tapis sa gahasa ng mga gahaman,at kinitil sa kamandag ng kalayaang kinantisa pagpilas ng mga punglong nagpakilalang laso.

Maraming salamat,dahil hanggang sa huling tigmaknang inalay ang kariktang nagpuyossa mga ugat ng paghihirap,tinuruan mo kami kung paanoipaglaban ang aming karapatansa unang pagtapak man sa lansangano sa pinigang hiningang kumalinga sa naghihingalong masa sa nayonna dapat lamang higitanang paraan ng pagpaslang sa iyo sa hustisyang makakamit lamangsa nag-aalab na higpit ng mga gatilyo:

Gatilyo na siyang iaasintasa mga walang pusong dibdibng mga nag-utos na mapagsamantala,gatilyong magsisilbing gabaysa hinahangad naming katiwasayansa mundong ibabaw,gatilyong siyang magiging tulayna mag-uugnay sa kinabukasan

nang marating ng taumbayan,ang paraisong siya ring

iyong tanging ngalan.

Page 41: Doble Karit

KAY EDEN-Jun Panganiban Austria

Bawat aktibistang nabaon sa hukaySa bangis-militar ng Palparang kamayAy mitsang kandila ng pakikiramaySa hustisya’t layang malamig na bangkay.Subalit pag-asa ay di mamamatayAng pakikibaka ay di mananamlayBawat aktibistang tinortyur, pinatayKapalit ay dugo’t buhay ng kaaway!

Sinulat ng may-akda noong 2003 pagkamatay ni Eden Marcellana, isa sa mga prominenteng biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa Oriental Mindoro noong nakatalaga roon si Maj. Gen. Jovito Palparan, Jr at unang nalathala sa Bulatlat.com

KAY EDDIE-Jun Panganiban Austria

Nanabog sa lupa ang utak at dugoNa mula sa lupit at dahas ng pungloNgumisi, tumango itong naka-fatigueHindi nakonsensiya, hindi natigatigSubalit kahit ang hininga’y napatidAy hindi nalimot silang nangabulidMay bukangliwayway itong paniningilBangungot sa idlip nitong mapaniil

Page 42: Doble Karit

38

tatlong talim (3den)-Orly Lato Oboza

post-mortem tinali ka na parang baboykasama si eddie gumanoy maraming marka sa buong katawannagpapakita ng labis na pagpapahirapbago ang paghinga mo'y pinanawan may saksak ang iyong mukha ka edenhabang ang iyong leeg ay may gilitpagkasahol ay dumaig sa pagkatay ng biik ang totoo hindi lang ganoon ang iyong sinapitnoong gabi na ginawa sa iyo ang krimen tadtad ng pasa ang iyong katawan dahil sa bugbog mula sa mga duwag na dinaig pa ang mga hayop ka eden, ganoon karuwag ang estadong itonakaasa sa mga naka-uniporme't bayarang berdugo upang ang tulad mong malaking tiniksa kanilang lalamunang napakaganidmaglaho na't maibsan ang nadarama nilang sakit ka eden... ang hindi nila alamat di kailanman nila mauunawaanpinag-alab lamang nila ang ating galitat nag-anak lamang ito ng libong ka eden dinagdagan lamang nila ang sakitngunit ang lalatay sa kanilang mga lintik

Page 43: Doble Karit

sa sandaling maramdaman nila ang bagsikkapag ang ganti ng paghihimagsikay sa katawan na nila humalikanino lang nila ang di makakaramdam ng sakit! anino lang nila ang walang latay!at magsusumamo na silang dagling mamataykaysa unti-unting naghihirapsa sandaling kanilang malasapang ganting dapat nilang matanggap! 2013_11_03 hindi ka lamang ina

dalawang supling ang iyong iniluwalinaruga ng mga kamay mong mapagmahal subalit hindi ka lamang ina, ka edenipinaglaban mo din ang laganap na krimensa karapatan ng mga anak dito sa atin kung paanong sa araw-araw pinagkakaitannitong mga dayo't nasa estado-kapangyarihanang kalakhan ng mamamayanna dapat makatamasa ng mga karapatan marami ang naghihirap at palaging kumakalam ang tiyanmarami ang napapagkaitang makapag-aralpero sa maliit mong tinigitinindig mo sila upang madinig hindi ka lamang inadakila ka! 2013_12_03

Page 44: Doble Karit

40

bayani ka na ka eden, hindi ka lamang nanaybayani ka na bago ka pa man nila pinataydahil sa paglabanpara sa karapatan 2013_13_03

*Alay para kay kina ka EDEN MARCELLANA, mother of two, a human rights worker, murdered April 21, 2003. Siya ang butihing asawa ni ka Orly Marcellana at kay ka Eddie Gumanoy. Alay para sa patuloy na paghahanap natin ng hustisya sa mga biktima ng extra-judicial killings.

Page 45: Doble Karit

NILILIKHA SA BAYANG ITO ANG SEMENTERYO NG KATOTOHANAN-Alexander Martin Remollino

(Handog kina Sulficio Tagud, Jr., Beng Hernandez, Crispin Beltran, Acsa Ramirez, Satur Ocampo, Eden Marcellana, Antonio Trillanes IV, Tina Panganiban-Perez, Bernadette Sembrano, Panfilo Villaruel, at iba pang nagsikap na magbunyag ng katotohanan subalit ginipit o pinarusahan ng rehimeng ito)

Huwag mo nang hanapinsa mga lantad na lugar ng bayang itoang katotohanan.Magsasayang ka lamang ng panahon.Matutulad ang gayong paghahanapsa walang hanggang pakikinigsa mga kantang karaniwang tinutugtog ngayon:mga kantang kayhahaba ng saknong sualitni isang salita ay wala.

Ang katotohanan sa bayang itoay tila kriminal na tinutugis ngayonng mga posas at punlo.Gamit ang mga kasangkapan mula sa Malacañang,nililikha sa ating hayan ngayonang isang sementeryo ng katotohanan.

Kasabay nito'y umuupa ng mga manikin ang Palasyoupang magtanghalng isang komedya ng kabulaanan.

Kinakailanganghilahin ang halimawpababa ng trono.

Page 46: Doble Karit

42

Ganito kami ngayon sa Bondoc Peninsula, Sana hindi na ito maranasan sa buong Filipinas(Siyam na taon pagkaraan ng marahas na pagdukot at pagpaslang kay Ka Eden ay Ka Eddie at sa iba pang biktima ng militarisasyon sa Timog Katagulagan o sa buong kapuluan.)-Hermano Pulibok I. Nagkumoplaheng dagim sa lapulap-talukap ng Bondoc Peninsula,Ang laksa-laksang batalyon ng AFP-PNP tangan ang "Oplan Bayanihan"Na mapanlinlang sa masa't mamamayan dito sa aming probinsiya ng Quezon. Tila mga asong bangag silang inaamoy ng inip-na-inip na M-14 at M-16;Ang mga mangingisda, magsasaka at manggagawa sa pamilihang bayan.At isa-isang inuusisa ang mga mamamayan ng Quezon, saan man sulokNa pinaghihinalaan nilang balwarte ng mga subersibo't rebolusy-onaryo. Niyayanig nila ng halakhak-ratrat ng armalayt at granada ang mga kabundukan,Gulod o burol, ang mga sakahan at kabayanan sa mga araw at gabing pagkaburyongSa de-kadinang utos at batas ng kanilang mga heneral-opisyal na may dilang-diyablo. Gamit ang dahas-interogasyon; Paulit-ulit at uulit-ulitin nilang tinutortyur-pinaaaminKahit ang mga batong-dalig, batumbuhay at mga abo’t buhangin sa mga baybayin o daungan.Maging ang mga buho't kawayan sa bingit ng mga talampas, at ang mga bakawan sa pagitan

Page 47: Doble Karit

Ng tubig alat at tubig tabang—ay marahas nilang tinatabas, pinipilipit-pinapaawit na kilala nilaAng mga NPA, at sa sumusuporta at yumayakap sa prinsipyo-ideolohiya ng Partido Komunista. Hala sige mangagtawanan kayo mga sunod-sunurang-aso-sundalong mga hayok sa laman.Hala sige magpakasaya kayo mga opisyal, Chief of Staff na gahaman sa salapi't promosyon.Hala sige mangagkuyakoy ka lang sa Malacañang, commander-in-chief Benigno S. Aquino III. Habang pinaluluha ninyo ng pinakamalapot na dugo ang aming inang lalawigan-Bondoc Peninsula. Isang umaga, Mamumulias rin ang pulang araw—magigising at mamumulat ang buong sambayananUpang lumahok sa pakikibaka—ang mga anak, apo-at-kaapu-apohan ni Hermano Pule. II. Sa mga ditatsment-kampo ng Infantry Battalion ng Philippine Army,Nakabayubay ang duguang mapa ng buong lalawigan ng Quezon.Ipinako wari ang kamay at paa nila ng dilaw na corkpin sa blakbord— Hinatulan ng Order of Battle ng mga pasistang heneral at Pangulo. † Agdangan Buenavista Catanauan General Luna Macalelon Mulanay Padre Burgos

Page 48: Doble Karit

44

Pitogo San Andres San Francisco San Narciso Unisan Masinsing inaaral; Ang likaw at tibay ng bituka at ugat ng dalawamput-dalawangKaligiran ng bayan, na umano'y kanlungan ng mga kaaway nitong estado’t gobyerno.Nakalatag na parang mga rebulto ang sinasamba nilang mga bala, armalayt, granada, Amunisyon, at ang "Oplan Bayanihan" na may basbas-atas ng kanilang Panginoon. † Alabat Atimonan Calauag Guinayangan Gumaca Lopez Tagkawayan Plaridel Perez Quezon Ω Dito sa dibdib ng Gumaca, San Diego de Alcala araw-gabing nananaghoy ang batingaw ng katedral. Kaalinsabay ang walang habas na pagdukot at turtyor; At pananakot—pagpapaputok ng mga riple't granada ang militar. Manalig, may resureksiyon ang rebolusyon ng sambayanang ipinagpakasakit ng pasista’t naghaharing-uri.

Page 49: Doble Karit

KUNG ANO ANG KATUTURAN NG KAGITINGAN-Alexander Martin Remollino

Dati nang nasabitan ng Medalya ng Kagitingansi Jovito Palparan, Jr.Hindi raw magiging heneral si Palparan kung hindi isang "tunay na lalaki,"ayon sa dating heneral na si Eduardo Ermita --na ang pagpapakahulugan sa pagiging isang "tunay na lalaki"ay pagiging isang huwaran ng katapangan.

Ano ang katuturan ng kagitingan?

Itanong natin sa mga paslit na Tausugna pinagpapatay ng mga sundalo sa Suluupang, diumano,huwag nang makasapi pa sa "rebeldeng" mga Moro.Itanong natin kay Marcelo Fakila, ulama sa isang baryo sa Sagada --dinukot at pinahirapan ng mga sundalo.Itanong natin sa lilimahing taong gulang na batangpinaslang sa Laguna;at kay Niña Angela Apolinar,walong taong gulang,na ginapos sa mga kamay bago kinitlan ng buhay sa Oriental Mindoro.Itanong natin kay Marvin Montabon,binaril at sinilaban isang madaling-arawsa sariling tahanan.Itanong natin kina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan:sinugod sa dampang tinuluyan habang natutulog, binati sa paggising ng nakatutok na mga baril,piniringan -- at sariling kamisetang hinubad kay Karenang ipinampiring sa kanya --binitbit at hindi ilitaw ng mga sundalo.

Page 50: Doble Karit

46

Itanong natin sa mga Expedito at Manuela Albarillo, sa mga Choy Napoles, Eden Marcellana, Eddie Gumanoy,Felidito Dacut, at Orlando Rivera --mga walang sandata, pawang pinagbabaril hanggang mamatay.

Sila ang makapagsasabikung kagitingan nga bang maituturing ang manakit ng mga di-makalaban,ang pumatay ng mga di-makapagtanggol ng sariling buhaylaban sa mga baril.

Page 51: Doble Karit

Sa alaala nina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy-usman abdurajak sali Hindi ninyo alintana ang hirap at panganib,sa landas ng mapagpalayang paglilingkod.At sa araw ng inyong pagpanawnaging ganap ang inyong pag-aalay. Ngunit hindi nagtatapos sa kamatayanang inyong kasaysayan.Ang inyong pag-aambag ay panandang batona mananatili sa puso ng masang api,na pinili ninyong paglingkuran.Magiging tuntungan ito ng bawat masangsusunod sa inyong mga yapaksa iba’t ibang larangan ng paglaban.Magbabanyuhay ito sa bawat tinig ng himagsikna maniningil sa utang na dugong mga naghaharing ganid at sakim ang puso.Mabubuhay ito sa bawat bisig na nagbabalikwasna magpapasyang humawak ng armas,susulong pinakamataas na antas ng pakikibaka.Muli itong isisilang sa bawat damdaming naglalagablabsa wagas na mithiing lumaya,sa dalisay na layon ng paglaya! Ka Eddie, magbabanyuhay ka sa bawat magsasakangtitindig upang ipaglaban ang kapakanan ng masang api!Ka Eden, mabubuhay ka sa bawat inang tutuligsa,at uusig sa mga berdugong maiitim ang budhi! Sa araw ng inyong pagkabuwal, nagsimula ang inyong pagiging imortal;Dahil ang inyong kamatayan ay simula ng inyong kawalang kamatayan.Kasamang Eddie at Kasamang Eden, nagpupugay kami sa inyo!

Page 52: Doble Karit

48

LARAWAN NI EDEN(tulang alay kay Eden Marcellana at iba pangbiktima ng pagsasamatala ng militar)-Joel CostaMalabanan (Abril 20, 2004)

Binilang, inilista, ni Eden Marcellana ang mga larawangipinahiram sa akinLarawang ang lama’y pagsasamantala’t mga pamamaslangSa mga biktima ng mga militarSa Mindoro, Quezon, Laguna, Cavite at iba pang lugar

Ang mga larawan ang siyang nagbubunyagNa di pa payapa ang bayan kong liyagMaraming paglabag sa karapatang pantaoAng di nalalahad, o nalalathala sa alin mang diyaryo!

Nang ipakita ko, sa estudyante ko, ang mga larawanSila ay nasindak, ang iba’y nanlumo at nahintakutanAng iba’y namulat, sa katotohanan na sa karangyaan sila’y nagtatampisawHabang sa Mindoro, lupain ng Mangyan pala’y inaagaw“Nasaan ang hustisya?” ang isinisigaw

Ngunit isang araw sa buwan ng Abril, pumutok ang barilDi ko akalain na madadagdagan itong paniniilNgayo’y kasama na, ang mukha ni Eden sa mga larawanBangkay ng hustisya waring nanunumbat sa aking kamalayanAt parang ang sabi: “Ipagpatuloy mo ang pagmumulat sa mga kabataan !”

Page 53: Doble Karit

MAGANDA KA PA RIN, KASAMA-Stum Casia

Maganda ka pa rin.Kahit lagas ang halos lahat ng iyong ngipinat pilas ang maganda mong pisngi.Maganda ka pa rin.Kahit hirap na kitang makilala.Kahit hindi ko na makita ang ngiting dati ay para sa akin.Maganda ka pa rin, aking asawa.Magandang, maganda ka pa rin sa aking paningin,mahal kong asawa. Bigla ko tuloy naaalala,noong hindi pa tayo magkakilala.Palagi kita tinitignan. Mula sa malayo.Sa likod ng mga streamer. Sa likod ng mga banner.Parang stalker. Tinitignan kita. Kaya naman parang umaakyat sa hagdanan ang aking kaligaya-hannang ikaw ay magpasyang mag-fulltime.Nang tanggapin mo ang aking laking-bukid na pag-ibig,At mas lalo, siyempre nang ikasal tayo sa opisina ng KOMPRA. Pero, mahal na kasama, ngayong gabi,ibig sana kitang sarilinin.Tayo lang sana ng mga anak natin.Pwede bang kahit ngayong gabi ay maipagdamot ka namin?Pwede bang dito ka muna sa amin? Oo, alam ko,di mo iyon nanaisin. Sasabihin mo pihado, sigurado.Pamilya mo rin sila- manggagawa, magsasaka, mga kasama.

Page 54: Doble Karit

50

Kaya't kasama nila,bubuhayin ko ang iyong alaala.Bubuhayin namin ang iyong mga alaala. Ang huling araw na ikaw ay nakasama.Ang huling text message na iyong pinadala. Ang iyong mga aral at mga hamon.At batid naming lahat saan ka man naroroon.Tiyak namin san ka man naroroon. Tumatawa ka nang malakas,tinatawanan mo ang mga ungas.Mga ungas sila. Bigo sila. Epic fail sila.Nabigo silang ika'y patahimikin.Nabigo silang pag-aaklas natin ay pahupain.Akala nila nagwakas,Pero tumutupok pa rin ang sinindihan mong ningas.At sa muling pagbalikwas ng malayang bukas.I-aabot natin sa tarangkahan ng kanilang mga kaluluwa ang wakas.

Page 55: Doble Karit

Mahal Kong Orly-Axel Pinpin

`Wag kang masyadongmag-alalamahal kong asawa,kung inakalamong naging mahirapang aking pagpanaw.

Katunayan

halos hindi ko naramdamanang mga paso ng sigarilyosa aking hita.Higit akong naluha,nang sumagi sa aking isipang mga tahanangsinunog ng militar.

Kahit ang dalawang tusokng icepick sa aking batok,ay naging madalidahil inagaw ang kirotng alaalang mga matang dinukotat tinapyas na leeg,ang hapdi nito.

Hindi ko na rin pinansinang matigas na bagayna ibinagsak sa akingmukha. Kahit pa nga ikinadurogito ng lahat ng aking ngipin.Kahit halos magtalitaang aking mga pangaat lumuwa ang aking mga mata.

Page 56: Doble Karit

52

Paano,higit na mas masaklapang mga di-nabalitangmasaker,straffing,pamumugot ng ulo,

ang mga di na natagpuang bangkayang mga inulilang anakat nilisang tahananng kapwa mo rin magsasaka.

Mahal kong asawa,kung maari, `wag mo nangipatak ang iyong luha.

Ngayong gabi,tiyakmagtitipon kayo sa isang parangal,mag-aawitan,magtatalambuhayan,aalalahanin ang aking mga ambag.

Sa huling pagkakataon magdudulotng kilabotang aking kabaong sa inyong harapan.

Ngunit may hamon ang pagkahapis,kukuyom ang inyong kamao sa iisang nais,sa pag-awit ng Internasyunalemaaring hindi nyo mapipigilan,papatak ang inyong luha,hahalo sa lupa,sa lupang pinatakan ng aking dugo.

Kung magkaganito,maari ba mahal kong asawa,tipunin mo ang kanilang mga luha.

Page 57: Doble Karit

Sa anumang paraangkinakailangan,ihulma mo sa hugis ng punglongitinubog sa kumukulong asero.

At sa dulo ng aking libingay ang sigaw ng makauringpaghihiganti tungo sa kalayaan.

Page 58: Doble Karit

54

Ang na-ipinid na kahapon-Orly Marcellana

Ayaw ko nang gunitain ang mapait na nakaraanAyaw ko nang isalaysay ang buong kaganapanNais ko nang ipinid ang madilim na karanasanNa nagdulot sa akin ng ibayong kapighatian Sa bawat salaysay na aking binibitiwanPunyal na tumatarak sa aking dibdibPatuloy na nagdurugo ang pusong sugatanIsang bangungot na nangyari na ayaw ng balikan Kamakailan lamang ako ang naglalahadNang kaganapan ng anakpawis na mahihirapKapos palad na kalagayan na sa kanila’y nagsadlakNgunit kwento nila ito ang sa aki’y naganap Nais ko nang itago dito sa aking pusoAng ligaya at lungkot na aking nadaramaSa mga pumanaw at nawawalang kasamaDito sa aking puso nakatayo ang bantayog nila Pilitin ko mang baybayin ang nakaraanKahulugan nito ay luha ng pagkalumbayDi maarok ang mga naging kaganapanSa makahayop na ginawa nilang pamamaslang Nanatili silang bayani sa puso ko’t isipanTataglayin ko ito habang akoy nabubuhayInspirasyon ko sa gawain ang naging buhay nilaInialay sa bayan para sa ganap na paglaya Ititiklop kuna ang aklat na itoHayaan ko nalang na iba na ang mag kwentoNariyan si anak at mga kasamahanBuhay na halimbawa ng aking buhay December 14, 2008

Page 59: Doble Karit

Kambal-Pia Montalban

Iniire ng pagsasamantala ang pakikibabaka,Kakambal nito ang pagtataya.Iniire ng pagtataya ang pagtindig,Kakambal nito ang banta ng mga sinasadyang sakuna.Iniire ng mga banta ng mga sinasadyang sakuna ang tapang,Kakambal nito ang pagsulong.Iniire ng pagsulong ang pagtaas ng antas ng pakikibaka,Kakambal nito ang pagtangan ng karit at maso.Iniire ng pagtangan ng karit at maso ang latigo ng estado,Kakambal nito ang dahan-dahan at yugto-yugtong paglaya.

Iniire ng dahan-dahan at yugto-yugtong paglayaAng mga Eddie at Eden ng bayang ito,Mga Juan dela Cruz na iniluwal ng pagsasamantala,At natutong makibaka, magtaya, tumindig,Magpakita ng tapang sa gitna ng mga banta Ng mga sinasadyang sakuna at tumikim ng latigo ng estado,Sa pagtangan ng karit at maso--

May kakambal ang bawat pangyayari’t kalagayan.Iniire ng takot ang tapang,Kakambal nito ang pagdoble’t triple ng ating bilang.

Page 60: Doble Karit

56

Magpatuloy Sa Pakikibaka-g.magdiwang

Oo mga Kasama,sadyang nakapanghihinayang angkanilang pagkawala.Nilagot ng mga pasistang pungloang kadakilaan ng kanilang hininga.Subalit sa kabila ng panghihinayang,huwag nating tulutang mapariwara sa kawalanang kanilang ipinaglaban.Huwag nating hayaangmawalan ng saysayang inialay nilang buhay.Sana'y hindi pighati ang atingmasumpungansa kanilang kamatayankundi kaluwalhatian.Sana'y hindi lungkot angmaglambong kasabay ngpamamaalamkundi panibagong lakas at tapang.Sana'y kapalit ng kanilang buhay ay ibayong pagsisikhay,pakikibakang mas maalab,poot natin sana'y maglagablabat tupukin hanggang kahuli-hulihang himaymaynagi-itimang buto ng mga kaaway.Oo mga Kasama,Ang kanilang kamatayan ay isang kabayanihan.Subalit makakamit lamang nila ang kaluwalhatiankasabay ng pagkamit natin ng tagumpay.Mawawalan ng saysay ang inialay nilang buhaykung hindi tayo magtatagumpay.Walang saysay ang mga parangal.Walang saysay ang mga inuusal na dasal.Walang saysay ang mga gabi ng paglalamay.

Page 61: Doble Karit

Maging ang tulang ito ay walang halagakung isusuko natin ang laban nila.Oo mga Kasama,tayo'y tatangis, magluluksa,at malulumbay pansamantala.Subalit kasabay ng pagpahid sa ating mga luhaPawiin natin ang mga agam-agamAt magpatuloy sa pakikibaka!

Page 62: Doble Karit

58

Tanggapan-Ipe Soco

Ka Eden*, umiiksi na ang pila-baldesa lasog-lasog na katawangpinagsasahuran ng dugong mga berdugo

1,206** ang inabot na Gloriang Oplan Bantay Laya

Pero umiiksi na ang pila-balde

137*** pa lang ang napagbabayanihanng mga berdugo ng hasyenderong pangulo

Subalit umiiksi na ang pila-baldeng mga pinapaslang na kriminal

Oo, Ka Edenkriminal ang mga pinatayat mga iwinalaat mga ipiniitna reklamo nang reklamosa batas ng diyos-diyosang nagtatakdang wasto sa altar ng kasalukuyang sistema:wasto ang baluktot atkrimen ang maghanap ng katarungan

Kaya’t umiiksi na ang pila-balde ng mgaduguang katawan

Subalit, Ka Edenumiiksi na maging ang pila ng mga dumudulogsa iniwan mong tanggapanNgunit hindi nangangahulugang

Page 63: Doble Karit

wala nang paglabag sa karapatan

Ka Eden, batid na ng karamihanna mailap ang katarungansa mga hungkag na hukumanmas pinipili na nilang dumulogsa mga kampo at himpilan doon sa ilangng Merardo Arce Commandat ng Pulang Bagani Commandat ng Melito Glor Commandat ng iba pang yunit ng Bagong Hukbong Bayan

Ka Eden, nag-aarmas na ang sambayananpara wakasan ang pila ng kawalang katarungan

*Eden Marcellana – Kasalukuyangpangkalahatang kalihim ng Karapatan nangpaslangin noong Abril 22, 2003

**Bilang ng biktima ng pampulitikangpamamaslang na naitala ng Karapatan sabuong panahon ng panunungkulan ni GloriaArroyo

***Bilang ng biktima ng pampulitikangpamamaslang na naitala ng Karapatan mulaHulyo 2010 hanggang Disyembre 2012

Page 64: Doble Karit

60

ISANG DEKADA-Orly Marcellana

Isang dekada nang kawalan ng hustisyaIsang dekada ng hindi napaparusahan si Palparan at GloriaSa pagkakapaslang ng dalawang lider aktibistaInutil si Noynoy na usigin ang may mga pagkakasala

Hindi lamang sila ka Eden at Ka Eddie ang nagging biktimaHindi lang kami ang pinagkaitan ng hustisyaLibong pamilya ang patuloy na nakikibakaPara usigin ang mga berdugo at pasista

Tila kalian lang, ngayon at isang dekada na!Dati hinagpis ang aking nadaramaNagkasakit din ako at nagkaroon ng tromaNgaunit ngayon ay malilintikan sila

Maraming salamat sa lahat ng masa, kasama at kaibiganMaraming salamat at akoy inyong sinamahanMula noon hanggang ngayon akoy ginabayanPinatatag at pinatibay ang paninindigan

Buhay na kanilang inutang ay buhay rin ang kabayaranWalang kapatawaran ang kanilang kasalananNaghahanda ang masa at bagong hukbong bayanMga salarin ay lilitisin sa hukumang bayan

Ka Eden Marcellana at Ka Eddie GumanoyLalagi kayong nasa puso ng hukbo at masaPaalam mahal na kabiyak at kasamaKamatayan kay Palparan at Gloria

Marso 28, 2013Bacoor City, Cavite

Page 65: Doble Karit

Sulyap ng Kadakilaan-Orly Marcellana

Sila’y mga kasamang dakila at bayaniSa pakikibaka inialay ang buhaySa Oriental Mindoro sila ay pinaslangSa pamumuno ni Jovito Palparan

Abril 21, 2003 sila ay dinukotLabing isang myembro ng fact finding teamLima ang dinala ay anim ay iniwan sa banAng tatlo ay hinihulog sa mga sasakyan

Abril 22, 2003 natagpuan ang kanilang bangkaySa tabi ng kalsada sa taniman ng palayMay tama ng baril ang kanilang katawanSi Ka Eden at Ka Eddie malamig ng bangkay

Timog Katagalugan nagluksa at nagalitBangkay nila ay dinala sa UP DilimanSa Mendiola at DND, SOLCOM na kampo militarIpinadarada para ipakita ang kanilang kabuktutan

Bigo ang estado na kilusang masa ay takutinPagkat ang masa ay lalong nagisingMga instromento ng estado ay dinagsaNang kilos protestang katarungan ang nais

Kasamang Eden Marcellana at Ka Eddie GumanoyAng naiwang gawain nyo ay aming ipinagpapatuloyAng berdugong estado ay aming sisingilinSa kamatayan ninyo at marami pang kasamahan

Sulyap sa kadakilaan ng mga marter ng bayanSila ay ating tala sa gabi ng paglalamaySilay huwaran ng masang nakikipaglabanPara sa kalayaan ng mahal na bayan

Enero 7, 2011

Page 66: Doble Karit
Page 67: Doble Karit
Page 68: Doble Karit

64