Upload
others
View
16
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3.2(Week 5):
Ang Mapanagutang Paggamit ng
Kalayaan
10
ii
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3.2 (Week 5) : Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax : (032) 255-6405
E-mail Address : [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jocelyn P. Anguring
Editor: Jane O. Gurrea
Tagasuri: Hipolito Q. Pegarido Jr.
Tagaguhit: Jocelyn P. Anguring
Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin
Management Team
Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico
Dr. Ester A. Futalan
Dr. Leah B. Apao
Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores
EPS in LRMS Mr. Isaiash T. Wagas
EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
iii
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
iv
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
v
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
vi
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
1
Alamin
Panimula
Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob. Ito ang
dahilan kung bakit binibigyan din tayo ng laya na magpasiya para
sa ating sarili. Isa itong gawain na hindi maiiwasan ng sinuman
araw-araw. Ang mga pagpapasiyang ito ay tumutukoy sa kung
anong damit ang isusuot, kung papasok ba o hindi sa paaralan,
sasama ba sa kaibigan nang walang paalam sa magulang o
pakokopyahin mo ba ang kaibigan mo sa pagsusulit, o maglilinis
ba ng bahay ,at marami pang iba. Sa mga sitwasyong ito makikita
ang pagiging malaya ng isang tao na may kakayahang piliin
kung paano siya magpapasya at kikilos bilang tugon sa tawag ng
sitwasyon o pangyayari.
Ngunit ang tanong, sapat na ba ang iyong kaalaman para
magpasiya at mimili ng angkop na kilos na dapat isagawa at
tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan? Sa lahat ng mga
pasya at kilos na ginawa mo araw-araw ay nangangailangan ng
kasanayan at kapanagutan upang ang mga ito ay tutugon sa
tunay na kahulugan ng pagiging isang tao na tunay na malaya.
Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na
gamit ng kalayaan;
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan sa pagsagawa ng
mapanagutang pagpapasya at kilos ; at
3. Naipakita ang mga hadlang at epekto sa pagsasagawa ng
isang mapanagutang pasya at kilos.
2
Panuto: Ilagay ang tsek ( √ ) kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
isang mabuting kilos at pagpapasya at ekis ( X ) kung nagpapakita nang hindi
mabuting kilos at pagpapasya.
_______1. Nagpapakita si Jay ng mayroong malasakit sa kapuwa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon.
_______2. Nag-aral nang mabuti si Lisa. Nakakuha siya ng mataas na marka.
_______3. Nagtatapon ng basura si Mark sa tamang kalalagyan.
_______4. Naiinggit si Jed sa kanyang kaklase na mayroong mataas na marka
sa pasulit kaya naghahanda siya ng kodigo.
_______5. Mag-isa lang si John sa kanilng bahay kaya sumama siya kaniyang
barkada na hindi papasok sa klase.
_______6. Mas pinili ni Laica na magka-pokus muna sa pag-aaral bago
magkakaroon ng kasintahan.
_______7. Dahil sa sobrang galit, nasampal ni Judy si Anna.
_______ 8. Si May ay ang pinakamagaling sa kanilang seksiyon kaya siya dapat
ang lagging masusunod. Hindi siya makikinig sa suhestiyon ng iba.
_______9. Dahil sa pandemic sa kasalukuyan, marami ang walang trabaho
kaya nag-aalay ng donasyon si Andy sa isang organisasyon para makatulong.
______10. Ikinakalat ni Art ang kaniyang aklat sa sala dahil may katulong
naman sila na siyang maglilinis ng kaniyang kalat.
Subukin
3
Balikan
Gawain A : Ang Aking Libreng Oras
Sa iyong mga libreng oras, ano-ano kaya ang mga gawain na pinagtutuunan
mo ng halaga? Ang mga sumusunod ay ang kadalasan gawin sa iyong libreng oras.
Ito ay iyong aayusin mula sa pinakauna na bibigyan mo ng oras o halaga at sa
pinakahuling gagawin mo sa iyong libreng oras. Lagyan mo ng 1 ang kahon na
pinakauna mong binibigyan ng halaga at 10 sa pinakahuli. Maging tapat sa
paggawa ng aktibiti. Gawing gabay ang pormat sa ibaba.
Makipag-bonding sa pamilya
Gagamit sa Social Media/Gadgets
Sasama sa barkada
Tumutulong sa gawaing pansibiko/komunidad
Manunuod ng tv
Mag-aaral ng leksiyon
Maglilinis ng bahay
Gagawa ng mga outputs
Matutulog
Maghahalaman
Gawain B: Sagutan sa iyong kwaderno ang mga sumusunod na
tanong.
1. Ano ang iyong naramdaman sa gawain?
2. Ano ang gawain pinakauna mong binigyan ng halaga at ano naman ang
pinakahuli? Bakit?
3. Kung iyong pag-iisipan nang mabuti, wasto kaya ang iyong naging pasiya
at kilos na ginawa mo sa iyong libreng oras? Bakit?
4
Tuklasin
A. Balikan mo ang Gawaing “Ang Aking Libreng Oras”. Ano-ano ang
mga kilos at pagpapasya na iyong nagawa ang tumutugon sa tunay na
kahulugan ng kalayaan at ano naman ang hindi?Magtala ng tatlong pasiya
o kilos na iyong nagawa. Isulat ang sagot sa kwadern. Sundin ang pormat sa
ibaba.
Mga kilos/pasya na
tumutugon sa tunay na
kahulugan ng kalayaan
Mga kilos/pasya na
hindi tumutugon sa
tunay na kahulugan ng
kalayaan
Pangkalahatang
Pagpapaliwanag
1.
1.
2.
2.
3.
3.
B. Ano kaya ang kahalagahan sa pagtutukoy na mga pasiya at kilos na
tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan? Isulat sa kwaderno ang iyong
mga sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________
5
Ano nga ba ang tinutukoy na mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay
na gamit ng kalayaan? Basahing mabuti at suriin ang sanaysay sa ibaba.
Noong nasa Baitang 7 ka, naipaliliwanag sa iyo na ang kilos ng tao ay
bunga ng proseso ng pagpapasiya. Nagmumula ito sa simpleng pagpapasiya
katulad ng: kuna anong damit ang isusuot, kung papasok ba o hindi sa
paaralan, sasama bas a barkada o maglilinis ng bahay, mag-aaral ba ng
leksyon o mag-internet, tutulong ba sa mga proyekto ng komunidad o
matutulog lamang sa bahay. Alinman mga ito ay nangangailangan ng
kasanayan upang makagawa ng matalinong pasiya lalo na sa mga
sitwasyong moral.
Dahil dito naaalala natin na mula’t sapul pa, tayo ay may kalayaan at
walang mapanagutang pagpasiya ang nagaganap nang walang kalayaan.
Kaya natutuhan mo sa modyul 9, ang kahulugan na ilnilahad ni Sto.
Tomas de Aquino na “Ang kalayaan ay ang katangian ng kilos-loob na
itinakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at
ang itakda ang paraan upang makamit ito.”
Bagama’t may kalayaan ang taong piliin at gawin ang isang kilos, hindi
sakop ng kalayaang ito ang piliin ang kahihinatnan ng kilos na pinili niyang
gawin. Ang ibig sabihin nito ay palaging may pananagutan ang tao sa
kahihinatnan ng kaniyang pinipiling kilos.
Ito ang ipinahiwatig ni Robert Johann, na ang kalayaan ay may
kakambal na responisibilidad o pananagutan.
Dalawang pakahulugan ng pananagutan:
1.Malayang kilos ay kilos na “Managot ako”. Ito ang kilos na nagmula
sa akin. Halmbawa: sa pagsasabi ng oo o hindi sa mga nakapalibot sa akin,
tutulong o hindi sa mga gawaing bahay at sa komunidad, sa pagpapasiya
kung ano ang aking gagawin. Kaya may pananagutan ako sa kahihinatnan
ng aking ginawa.
2. Subalit, bagama’t ako ay responsible sa aking ginawa, hindi ito
nangangahulugan na ang kilos ko ay mapanagutang kilos. Bilang isang tao,
ako ay responsable sa aking mga kilos subalit hindi ito nangangahulugang ako
ay responsableng tao. Ibig sabihin, kakabit ng pananagutan ang kakayahan
na tumugon sa obhektibong tawag nga pangangailangan ng sitwasyon. Ang
Suriin
6
pokus na ito ay ang pagpapahalaga sa kapuwa at paglalagay sa kanila na
una bago ang sarili; tumugon sa ano ang pangangailngan ng kapuwa kaysa
sa sariling pangnanasa at kapritso.
Ano kung gayon ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na
gamit ng Kalayaan? Ito ang mga pasya at kilos na may kakambal o kasunod
na responsibilidad o pananagutan na tumutugon sa tawag ng pagmamahal
at paglilingkod.
7
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng
iyong naunawaan, sagutan mo ang mga sumusunod. Isulat ang salitang
TAMA kung ito ay nagpapakita ng pasya at kilos na tumutugon sa tunay na
kahulugan ng kalayaan at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.
______1.Ang reponsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng
pangangailangan ayon sa sitwasyon.
______2. Ang tao ay may kalayaang piliin ang kahihinatnan ng kilos na pinili
niyang gawin.
______3. Ang makataong kilos ay mapanagutang kilos.
______4. Ang kilos at pasya na mapanagutan ay nagpapahalaga sa
pangangailangan ng sitwasyon o ng kapuwa.
______5. Bagama’t ang tao sa kaniyang kalikasan ay mabuti
nangangahulugan ito na ang kaniyang kilos ay responsableng o
mapanagutang kilos.
______6. Ang taong responsable o mapanagutang sa kaniyang kilos ay ang
totoong malaya.
______ 7. Dahil ang tao ay may kakayahang pumili at gumawa nang tamang
kilos o pasya, lahat ng kaniyang napili ay tama.
______ 8. Ang kilos ng tao ay bunga ng pansariling kagustuhan.
______ 9. Ang pokus ng kilos na malaya ay ang pagpapahalaga sa sarili bago
ang kapuwa.
______10. Ang bawat isa ay responsible sa kani-kanilang kilos.
Pagyamanin
8
Panuto: Ngayon ay naunawaan at nalaman mo na ang mga pasya at
kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaa. Suriin at pag-iisipan ang
pangungusap sa loob ng kahon.
1. Ano kaya ang halimbawa ng kapahamakan na puwede maging
epekto ng maling pagpapasiya at pagkikilos ng tao na makikita mo sa iyong
sarili, pamilya, o sa komunidad? Magbigay ng isang halimbawa ng mga
pangyayari tungkol dito.
Epekto ng Maling Pagpapasiya
Halimbawa:
Sarili : _______________________________________
Pamilya : _______________________________________
Lipunan/Komunidad : _______________________________________
2. Sa iyong palagay, bakit kaya makagawa ang tao ng maling pagpapasiya
at kilos?
Sa aking palagay, ang tao ay makagawa ng maling pagpapasiya at kilos
dahil _____________________________________________________________________.
3. Bakit kaya mahalaga ang paggawa ng isang mapanagutan o
responsableng pasya at kilos? Isulat sa kwaderno ang sagot.
Para sa akin mahalaga ang paggawa ng isang mapanagutan o
responsableng pasya at kilos dahil/upang _______________________________.
Isaisip
Ang maling pagpapasiya ay nagdudulot ng
kapahamakan sa tao.
9
Panuto: Ngayon, balikan at suriin mo naman ang iyong mga naging
pasya at kilos nitong mga nagdaang araw. Ano-ano kaya ang negatibong
katangian na naging hadlang sa pagtukoy mo ng mga pasya at kilos na
tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan? Magtala lamang ng dalawang
negatibong katangian. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
Isagawa
Mga Negatibong
Katangian na naging
Hadlang sa pagkaroon
ko ng isang
mapanagutang o
responsableng pasiya
at kilos.
Epekto nito sa Akin at
sa Aking Kapuwa
Paraan na aking
gagawin upang
mapgtagumpayan o
malampasan ang
negatibong katangiang
taglay na nakahadlang
sa tunay na kalayaan.
1.
2.
10
Tayahin
Gawain : AKO BA AY MALAYA?
Suriin ang sarili. Magtala ng tatlong (3) nagawang pasiya at kilos na
mapanagutan at responsable dahil tumutugon ang mga ito sa tunay na gamit
ng kalayaan. Gawing gabay ang pormat sa ibaba. Isulat ito sa
kuwaderno/papel.
Ang Aking Nagawang Mapanagutan at
Responsableng Kilos na tumutugon sa Tunay
na gamit ng Kalayaan ay:
1.____
_____
2. ____ 3.____
__
Ang naramadaman
ko sa aking
nagawang pasya
at kilos ay _____
Ang naging epekto nito sa akin at kapuwa ay
____________________________________ .
11
Karagdagang Gawain
Panuto: Mag-isip ng isang tao sa iyong komunidad na nakagagawa ng
pasiya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan. Isulat ang
kaniyang pangalan at ang kaniyag ginawang pasiya at kilos. Gawin ito sa
kuwaderno/papel.
Pangalan :_______________________________________________________
Lugar : _______________________________________________________
Mga nagawang kilos at pasiya: _____________________________________
12
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.C
2.B
3.D
4.A
5.B
Tuklasin
A & B: Answer may vary
Balikan
A & B : Answer may
vary
Pagyamanin
1.Tama
2.Mali
3.Tama
4.Mali
5.Tama
Tayahin
Answer may vary
Isagawa
Answer may vary
13
Sanggunian
Arnedo, P.J., Brizuela, M.J., et.al. (2015). Modyul sa Edukasyon sa
Pagpapakatao 10.: FEP Printing Corporation, Pasig City.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: [email protected]