Click here to load reader

Emilio Jacinto

  • View
    8.834

  • Download
    1

Embed Size (px)

Text of Emilio Jacinto

Emilio Jacinto Si Emilio Jacinto ay anak nila Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Namatay agad ang kanyang ama ilang sandali lamang matapos na siya ay isilang na nagtulak sa kanyang ina na ipaampon si Emilio sa kanyang tiyuhin na si Don Jose Dizon upang magkaroon ng magandang buhay. Si Emilio ay bihasa sa pagsasalita ng Tagalog at Kastila pero mas gusto niya ang Kastila. Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran at nang maglaon ay lumipat sa Pamantasan ng Sto. Tomas para mag-aral ng batas. Hindi niya natapos ang kurso at sa edad na 20 ay sumapi siya sa isang sikretong samahan na ang pangalan ay Katipunan. Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa mga Kastila bagamat hindi siya sumali sa puwersa ni Aguinaldo. Namatay si Emilio Jacinto sa sakit na malaria noong Abril 16, 1899 sa Majayjay, Laguna sa edad na 23. Mga Akda ni Emilio Jacinto Ang Liwanag at Dilim - Ito ay ang kodigo ng rebolusyon. Pahayag - Ito ay isang manipestong humihikayat sa kanyang mga kababayan upang ipaglaban ang kalayaan. Sa May Nasang Makisanib sa Katipunang Ito - Ito ay isang pamantayan ng mga dapat ugaliin ng mga sasapi sa katipunan. Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan. - Ito ay kartilyang naglalaman ng mga kautusan ng mga kaanib sa katipunan. Pag-kumpara at Kontrast Ang mga bayaning manunulat na aking nasaliksik ay may pagkapare-parehas, lahat silay nagsulat ng mga akda noong nasa panahon ng pananakop ng mga espanyol. Ngunit, sila Rizal at Del Pillar ang mga nagumpisang gumawa ng mga akda noong panahon ng pagabagong diwa. Sinundan lamang ito nila Mabini, Bonifacio at Jacinto noong nasa panahon na ng himagsikan ang Pilipinas laban sa mananakop. Isa din sa mga similaridad ng mga akda ng msa bayaning manunulat ay ang mga akda nila ay sinulat hango sa kanilang mga naranasan at iilan din ay tungkol sa mga nangyari sa bayan mga kababayan nila. Meron din mga pagkakaiba ang mga akdang naisulat ng mga bayaning manunulat. Tulad na lamang ng paraan ng kanilang paraan ng pagsulat ng kanilang mga akda. I-ilan sa kanila ay gumamit ng sanaysay, tula, nobela at talinhaga. Isa din sa mga pagkakaiba nila ay ang mga taong tinutukoy ng may-akda sa kanilang mga akda. Tulad na lamang ng mga sulatin ni Andres Bonifacio kung saan ay karamihan ay para sa mga katipunero at sa paghihimagsik laban sa mga

mananakop. At tulad din ng mga sulatin ni Rizal kung saan ay inaalay niya ang karamihan sa kanyang mga akda para sa mga pilipino upang makita ang maling pamamalakad ng gobyerno at pang-aabuso sa mga pilipino noong tayo ay nasa kamay ng mga mananakop. . Konklusyon Ayon sa aking pananaliksik, ang mga akda ng i-ilang bayaning manunulat ay nahahango sa kanilang mga napagdaan at naranasan noong panahon nila. Ilan din sa mga akda nila ay tungkol sa mga pangyayari noong panahon ng mga mananakop at ang mga karahasan na ginawa nila. Malaking kontribusyon ang kanilang mga akda dahil isa ito sa mga paraan upang malaman ng mga kabataan ang mga nangyari sa ating bayan noong panahon ng pagsakop sa atin at lubusan nilang maunawaan ang mga ginawa ng ating mga kababayan noon upang ipaglaban ang ating kalayaan. Posted by juni at 8:18 AM 0 comments Home Subscribe to: Posts (Atom)

Mga Bayaning ManunulatBlog Archive

2008 (1) o April (1) Bayani.

About Mejuni View my complete profile

AN ACT IS NOBLE ONLY IF IT IS DONE IN THE PUREST INTENTION. E.J.

PilipinismoPAGBABALIK KASAYSAYAN

Ang rurok ng Pilipinisasyon ng nasyonalismo ay narating noong mga huling yugto ng Kilusang Propaganda na kung kailan marami sa mga kasama rito ay lubusan nang nawalan ng pag-asa sa pananalig na ang pamahalaang Espanya ay magsasagawa ng mga repormang kanilang hinihiling. Matatandaan na sa simula, ang Kilusang Propaganda ay humihingi lamang ng pantay na karapatan para sa mga Pilipino at Kastila. Sa kanilang pakikibaka noon para sa bayan ay Hispanismo ang kanilang sinusunod at hindi pa Pilipinismo.

Ang pagwawaksi sa Nasyonalismong bihag ng di-Pilipinong pag-iisip ay nangyari lalunglalo na kay del Pilar, Mariano Ponce, Lopez-Jaena, at iba pa. Sa isang editoryal ng La Solidaridad noong Enero 31, 1894 binalaan ni del Pilar ang mga Kastila na ang mga bayang naaapi ay gumagamit ng dahas ng himagsikan kung sa kanilang paniwala ay lahat ng mahinahong paraan upang supilin ang kasamaan ay nagawa na. Sang-ayon kay Epifanio de los Santos, nang marating ni del Pilar ang yugto na siya ay tunay nang siphayo, noon siya nakaisip ng rebolusyon. Kung hindi siya ang nagtatag ng Katipunan, siya ang naging inspirasyon upang ito ay maitayo ni Andres Bonifacio.

Sa tula ni Bonifacio na may pamagat na Katapusang Hibik ng Filipinas, isinaad ang tuwirang pagtiwalag sa mga Kastila: Ikaw nga oh inang (Espanya) pabayat sukaban/kamiy di na iyo saan man humanggan.

Si Emilio Jacinto, ang kanang kamay ni Bonifacio at siyang Utak ng Katipunan, ay tinalakay rin ang himagsikan bilang isang huling lunas sa kanyang A La Patria na sinulat noong 1897. Ang daang taong pagwawalang-kibo ay nawakasan na, ayon kay Jacinto, at ang maamong ahas na siyang dahilan ng pagkaalipin ng taong bayan ay dapat nating durugin nang walang awa, at walang takot, at hayagang paraan.

Gaya ng Kilusang Propaganda, ang mga rebolusyonaryo ay nangailangan din ng pagkakaisa; ngunit ang pagkakaisang ibig ng Katipunan ay Kaisahan ng mga Filipino bilang isang malayang bansa at hindi bilang bahagi ng Pandaigdig na Bansang Kastila. Ito

ay buong linaw na nasaad sa Kartilla ni Jacinto. Ang Katipunan, ayon sa Kartilya ay may layuning pag-isahin ang kuro at layunin ng mga Pilipino.

Ayon pa rin kay de los Santos, si Bonifacio ay siyang ama ng Demokrasyang Pilipino at siyang tanging naniniwala sa bisa at kabanalan ng demokrasya bagamat siya ay napangunahan nina Rizal at del Pilar. Sa mga naunang propagandista ang demokrasya ay bahagi lamang na Ideyang Imperyal ng Kastila. Kay Bonifacio, ito ay ideyang labas sa Pandaigdig na Lipunang Kastila, at dahilan sa kanyang kaliitan at kahirapan ng buhay ang ideya ay naging radikal at populistiko, mga nilalamang una sa panahon at lugar sa kasaysayan ng ating bansa.

Ang maliwanag na pangungusap tungkol dito ay binigkas ni Jacinto sa Kartilla. Ang Artikulo IV ng nasabing akda ay nagsasaad ng isang saligang ideya na tumutukoy sa pagkakapatiran ng tao at ang kanilang pagkapantay-pantay nang walang pagsasaalangalang sa kanilang kulay, yaman, dunong, at iba pang katangiang pangkatawan. Ang konseptong pagkapantay-pantay ng tao ay karapatang ibinigay rin sa kababaihan. Sila ay katulong at kawaksi ng mga kalalakihan at ang kanilang kahinaan ay dapat igalang, ayon sa Artikulo IX.

Ang magandang kahulugan ng pantay-pantay na ideya ay inulit na tinalakay ni Jacinto sa kanyang Liwanag at Dilim. Sa kabanatang may pamagat na Ang mga Tao ay Pantaypantay, ang kalayaan ay binigyan ng kahulugang ganito - pag-iisip at paggawa ng anumang ibig ng isang tao ngunit hindi sa ikapipinsala ng kapwa. Ang salitang Karapatan ay kawangki at kasinghulugan ng kalayaan sapagkat kung wala ang isa ang ikalawa ay walang saysay at gayon din ang huli sa una. Pinag-isa ni Jacinto ang nasyonalismo at demokrasya at sinabi niya na ang mga Tagalog (o Pilipino) ay kailangan ang pamahalaan upang sila ay mabigyan ng mabuting direksiyon at halimbawa, upang ang kaisahan ay mapanatili, at upang ang layunin ay makamit. Ang pamahalaan ay dapat lamang gumawa ng bagay na ikabubuti ng mamamayan at ang puno ay may tanging katungkulan na paligayahin ang lahat! Ang mga batas ay nagpapahayag ng kaloobang bayan at hindi ng kalooban ng isang puno na isa lamang pinagkatiwalaan ng tagapasunod ng batas. Marahil, ang pinakamahalagang alay ng konseptong demokrasya sa pakahulugan ni Jacinto ay ang ideyang Kadakilaan ng Paggawa. Ang paggawa ay biyaya ng sangkatauhan, ayon kay Jacinto, at ang taong gumagalang sa kadakilaan ng paggawa ay maraming pakinabang dito: una ay aliwan, ikalawa ay lakas, at ikatlo ay kasaganaan. Ang masinop na manggagawa ay isang taong may masayang kalooban sapagkat ang paggawa ay isang gantimpala at biyaya ng Maykapal na nagpapahayag ng Kanyang Malaking Pag-ibig sa sangkatauhan. Sa akdang Ang mga Dapat Mabatid ng mga Pilipino, inilarawan ni Bonifacio ang kagitingan at kadakilaan ng mga Pilipino noong matandang panahong wala pa ang Kastila. Sila ay namumuhay sa kasaganaan at kaluwalhatian. Ang kanilang mga puno ay sarili rin nilang kabalat at katahimikan ang naghahari sa kanilang pakikitungo sa kalapit nilang tao, sa pamamagitan ng kalakalan. Ang lahat ng tao ay may kaloobang banal. Bata at matanda ay marunong sumulat at bumasa sa sariling wika. Ngunit ang katahimikan ng paraisong ito ay ginulantang ng mga dayuhang puti na kumaibigan at kumasundo sa kanila na magiging gabay sa pag-unlad at pagtuklas ng karunungan. Sa kanilang pagtitiwala at kawalan ng masamang isipin ang mga Pilipino ay madaling naniwala at

isang kasunduan, na tinatakan ng sanduguan nina Legazpi at Sikatuna, ang ginanap. Sa halip na maging gabay ng Pilipino, ang mga dayuhan ay naging mapagsamantala. Wala nang pagpipilian ang mga Pilipino kung hindi ang maghimagsik. PUNDAMENTAL NA BATAYAN NG MGA BALYUS NG PILIPINISMO Diyos, Bayan, Kapwa. Ito ang mga pangunahing pinagbabatayan ng mga balyus ng Pilipinismo.

Malalim ang sampalataya ng mga Pilipino sa isang Dakilang Lumikha. Bagamat malayo na ang narating ng siyensiya sa pagpapaliwanag sa mga ikinokonekta pa rin ng mga Pilipino sa kagustuhan ng Maykapal. Ang mga paghihirap ay tinitingnang parusa o pagsubok ng Panginoon. Ang anumang gawaing nakasasakit at nakapipinsala sa kapwa ay itinuturing na taliwas sa pagiging maka-Diyos. Sa anut ano pa man ang mga Pilipino ay naniniwala na nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Ibig sabihin kahit na gaano karelihiyoso ang isang Pilipino ang pagkaligtas niya sa kahirapan at pagkaapi sa lipunan ay nasa kanya pa ring pagkukusa at pakikibaka. Ang pananalig sa Diyos ay hind

Search related