Upload
siopao
View
87
Download
1
Tags:
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Bedia, F., et.al. (2019, November). Epekto Ng Kolonyalismo Sa Musikang Pilipino (OPM). Academia Edu. Retrieved November 16,2021, from https://www.academia.edu/40929824/EPEKTO_NG_KOLONYALISMO_SA_MUSIKANG_PILIPINO_OPM_
Citation preview
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
“EPEKTO NG KOLONYALISMO SA PERSEPSYON SA ESTADO NG
PAGTANGKILIK SA MUSIKANG PILIPINO (OPM) NG MGA
MAG-AARAL SA UNANG TAONG NG UMAK-COLLEGE
OF COMPUTER SCIENCE A.Y. 2019-2020”.
Isang Parsyal na Pagtupad
sa Kailanganin sa Asignaturang
GEFIL 3: Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
Ipinasa nina:
Bedia, Fel Adrian M.
Ocampo, Jonas Feruriel A.
Telan, John Patrick P.
Ipinasa kay:
PROF. LORNA M. ESQUIVEL
Nobyembre 2019
KABANATA 1
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
Ang Suliranin at Kaligiran nito
Introduksyon
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ipaliwanag at
talakayin ang “Persepsyon sa estado ng pagtangkilik sa Musikang
Pilipino (OPM) ng mga mag-aaral ng Information and Network
Security”.
Sa Modernong panahon na kung saan ang musika ay
mayroong epekto sa ating industriya, kultura, relihiyon at pananaw
sa buhay ay hindi mapagkakaila na ang musika ay may malaking
ginampanan sa ating buhay at maging kasaysayan. Ang pagbabago
at pag-progreso ng musika, maraming mga pagapakinig ang
naimimpluwensyahan nito at dahil rin sa pag pasok ng mga Foreign
Music tulad K-pop, mga mang-aawit gaya nila Justine Bieber, Taylor
Swift, Katy Perry, atbp. sa pamamagitan ng musikang ito ay
mayroong rin itong epekto sa ating komunidad, pag-uugali at
pakikitungo sa iba. Dulot nga ng pag-babago maraming kabataan
ngayon ay iba na ang pag-iisip at wala na halos alam sa ating
sariling musika na onti-onti ng nag-lalaho ang ating musika na kung
saan ito ay naglalaman ng ating kasaysayan at meron malalim na
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
kahulugan at may kabuluhan, ito ay kung gawagin ay “Orignal Pinoy
Music” o “OPM”.
Ano nga ba ang “Orignal Pinoy Music” o sa madaling salita ay
“OPM” ito ay uri ng musika na kung saan ang kanta ay kinompose at
kinakanta ng mga Filipino na mang-aawit. Ito ay naging daan upang
ipahiwatig ang emostyon, kalagayan, at kultural ng mga Filipino. Sa
mga nag-daang panahon ang “OPM” ay sumailalim ng pag-babago
dala ng kolonya tulad ng Asya, España, at Estados Unidos. Hatid ng
pag-babago nagkaroon ng tinatawag na “OPM Industry” na
ipinangungunahan nina Nora Aunor, Ryan Cayabyab, Freddie Aguilar,
Joy Albert, atbp. ang kantang “Anak” ni Freddie Aguilar na nakilala
at bumenta sa Asya at maging sa buong-mundo dahil sa taglay
nitong liriko at matingkad itong kweto tungkol sa kayang
karanasan( Figuracion, 2015), Taong 1980s-1990s ang “OPM” ay
lalo pang umangat dahil ang industrya ay nag simulang pag
samahin ang iba’t-ibang genre tulad ng pop, rock, hip-hop, atbp.
Tinaguriang “Golden Age of Pinoy Music” noong lumabas ang mga
mang-aawit tulad nila Francis Magalona, Gloc-9, Andrew E., at mga
banda tulad ng Eraserheads, Rivermaya, atbp..Pinaangat lalo nina
Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Jose Marie Chan, and Vina
Morales ang “OPM” dahil sa mga tema ng kanta nila na tungkol sa
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
“unconditional love and heartbreak”(Angel, 2016; Figuracion, 2015).
Taong 2000s at Kasalukuyang panahon, Maraming mga genre ng
“OPM” ang lumitaw at nabuo gaya ng Alternative Rock, Heavy Metal
mga bandang tulad Kamikazee, Wolfgang, Slapshock, atbp. mga
banda. Dahil sa paglitaw ng mga ganitong uri ng musika ito ay
nagkaroon ng mga pagdidiwang at mga kaganapan tulad ng “Rock
Festival at Pulp Slammer” na kung saan ay dinarayo ito ng mga
taong mahilig making sa mga ganitong uri ng musika. Dala ng
pagbabago nabigyan daan rin ang mga genre tulad ng Hip-hop, R&B,
Pop, atbp. klase ng musika, maraming panibagong uri ng musika
ang nagsisilabasan dulot pag-bago ng persepsyon ng mga mang-
aawit. Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya patuloy parin
ang pagbunga ng panibagong uri ng musikang Filipino at nag-
aambag sa ating Kultura.
Layon ng mga mananaliksik na alamin at pag-aralan ang
epekto ng kolonyalisasyon sa persepsyon sa estado ng pagtangkilik
sa musikang “OPM”, dahil sa kasalukuyang panahon karaniwang na
namakikita ang mag-aaral ng Information and Network Security na
kakaiba ang persepsyon pagdating sa musikang “OPM”. Nais ng
pananaliksik na ito na pag-aralan ang demograpikong profayl ng
mga mag-aaral ng nasabing kurso, kung ito ba ay mayroon
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
kinalaman pagdating sa persepsyon ng kanilang pagtangkilik sa
musing “OPM”, bahagi ng ng pananaliksik na pag-aralan kung anong
klaseng genre ang kanilang pinakikinggan, at kung bakit nila ito
tinatangkilik, at paano ito na kakaapekto sa kanilang persepsyon sa
musikang “OPM”. Tatalakakin rin dito saklaw at limitasyon ng
pananaliksik na kung saan naka focus lamang sa epekto ng
kolonisasyon sa persepsyon ng mag-aaral sa estado ng pagtangkilik
ng mga ito sa musikang Pilipino na kung saan kukuha ang
mananaliksik na 50 respondente mula sa College of Computer
Science. Ang gagawing pananaliksik ay maituturing mahalaga dahil
ito ay mag bebenipisyon sa mga susunod na mga mananaliksik at
magkaroon ng bahagyang impormasyon ang mga mambabasa
tungkol sa persepsyon sa estado ng pangtangkilik ng musikang
“OPM”.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa Epekto ng
Kolonisasyon sa Persepsyon sa estado ng pagtangkilik sa Musikang
Pilipino (OPM) ng mga mag-aaral sa unang antas ng College of
Computer Science sa taong 2019-2020.
Layon nito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
1. Ano-ano ang mga profayl ng mga mag aaral/respondente ayon sa:
1.1 Gulang;
1.2 Kasarian;
1.3 Edad; at
1.4 Genre ng musikang pinakikinggan
2. Bakit kadalasang tinatanglik ang iba’t ibang uri genre ssa
larangan ng Musika?
3. Ano ang epekto ng kolonisasyon sa persepsyon ng mga
estudyante ng UMAK-College of Computer Science na nasa unang
taon ukol sa pagtangkilik ng Musikang Pilipino (OPM) alinsunod sa:
3.1 Kultural na Kadahilanan;
3.2 Social na kadahilanan;
3.3 Personal na kadahilanan; at
3.4 Psychological na Kadahilanan
4. Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral sa Musikang Pilipino(OPM)
base na din sa kolonisasyon na nagaganap sa panahon ngayon?
5. Batay sa naging resulta ano ang maaaring maging solusyon
upang mas tangkilikin na musikang “OPM”?
Batayang Teoretikal/Konseptwal
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
Sa pag - aaral na ito na pinamagatang “Ang Epekto ng
Kolonisasyon sa Persepsyon sa Estado ng Pagtangkilik sa Musikang
Pilipino (OPM) ng mga Mag-aaral sa ika-Unang Taon ng UMAK –
College of Computer Science” ay gumamit ang mga mananaliksik ng
dalawang teorya upang lalong mapatibay ang resulta ng pag-aaral.
Ang mga teorya na ito ay ang sumusunod:
Pavlovian theory ni Pavlov (1897), sa isang sikat na
eksperimentong pinangunahan ni Pavlov, nadiskubre niya na kapag
nagpatunog ka ng kampanilya bago bigyan ng pagkain ang isang
aso, sa kalaunan ay maaari mong mapasabik ang aso gamit lamang
nag pagpapatunog ng kampanilya kahit wala nang pagkaing
nakahain para dito. Matapos ito, pinagtibay niya na kagaya ito halos
ng pag-uugali o persepsyon ng isang tao. Ito ay isang resulta ng
nakundisyong tugon. Makatutulong ang teoryang ito upang
magpatunay na ang kultural at social na kadahilanan ay maaaring
makaapekto sa persepyon ng isang idibidwal sa estado ng
pagtangkilik nito sa musikang Pilipino o “OPM”.
Psychoanalytic theory ni Freud (1900). Pinaniniwalaan ni
Freud na hindi lubos na nauunawaan ng isang indibidwal ang
dahilanan nito sa pagtangkilik sa isang bagay sa kadahilanang
naniniwala siya na may mga psychological na sanhi raw ang
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
humuhubog sa persepsyon o pananaw ng isang tao ng hindi nito
namamalayan. Sabi rito, ang isang indibidwal ay tumutugon sa mga
simbolismo katulad ng pagtugon nito sa ekonomiko at tungkulin nito.
Sinabi rin ditto ni Freud na ang edad at ang kinikita ng isang
indibidwal ay hindi lubos na nakaaapekto sa persepsyon o pananaw
nito sa isang bagay. Ito raw ay makikita sa mas malalim na parte ng
pag-iisip ng isang indibidwal. Ang teoryang ito ni Freud ay
makatutulong upang higit na mapagtibay ang resultang mailalabas
ng mga mananaliksik ukol sa personal at psychological na mga
kadahilanang nakaaapekto sa perspsyon ng isang indibidwal sa
estado ng pagtangkilik sa musikang Pilipino.
Pinili at gagamitin ng mga mananaliksik ang mga nasabing
teorya upang makapagbigay ng lubos na katiwa-tiwalang resulta sa
kanilang pananaliksik. Sa teoryang nabanggit, malaking koneksyon
ito pananaliksik, dahil ang musika ay syang pagkain ng tenga. Ang
musikang nagbubuklod sa mga tao at dahilan kung bakit nagiging
makulay ang bawat buhay. Sa mga pelikulang ating napapanood,
kung wala ang musika, paano napapahayag ang isang genre o
kategorya ng pelikula kung di malalaman na kung ito ba ay katakot-
takot, katawa-tawa, nakakaiyak, o kaya naman magpapamangha sa
atin atbp.. Ang kanta din ay isang musika, may iba-iba lang genre,
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
ngunit kung paano ang ating musika ay sumasalamin din sa ating
pagkatao, sa ating nararamdaman o kaya naman ang ating
kasiyahan. Napapasunod tayo sa musika dahil ito ay isang sagisag
din sa ating mundong ginagalawan. Sa ibang topiko, ang OPM ay isa
sa pinagmamalaki ng bansang Pilipinas, magpa hanggang noon.
Ngunit paano na sa ngayon ay dumadating ang musikang dayuhan
at karamihan ay nagugustuhan din ang musikang ito. Sa
pananaliksik na ito, aalamin ng mga mananaliksik kung paano ang
kolonisasyon ay nakakaapekto sa estado ng OPM sa tao, pangunahin
na ang mga mag-aaral.
Input-Process-Output (IPO)
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
Pakay ng pag-aaral na ito na malaman kung nakaaapekto ba
ang kolonisasyon sa persepyon sa pagtangkilik ng musikang Pilipino
o “OPM” ng mga mag-aaral ng UMAK – College of Computer Science.
Upang makalakap ng sapat na datos at impormasyon na gagamitin
sa pag-aaral, ang prosesong gagabay sa grupo ng mga mananaliksik
ay ipakikita sa pamamagitan ng I-P-O (Input-Process-Output).
Panimulang Haka o Haypotesis
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
Lubos na nakakaapekto ang kolonisasyon sa persepyon ng
mga estudyante batay sa pagtangkilik ng musikang Pilipino o “OPM”
ang social na kadahilan marahil sa impluwensya ng mga kaibigan o
kapamilya. Sumunod ang personal na pagpili o ang pagiging malaya
na magkaroon ng pansariling kagustuhan. Ikatlo ang kultural na
kadahilanan dahil mas nakikita o kapansin-pansin na patuloy ang
paglago o paglaganap ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa musikang
banyaga. Hindi naman lubos na nakaaapekto ang psychological na
kadahilanan sa persepsyon ng pagtangkilik sa musikang Pilipino o
“OPM”.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang mga makabagong awitin ay tuwirang tinatangkilik ng mga
kabataang Pilipino. Karamihan sa atin ay naka-hiligan at
nakagawian nang makinig ng iba’t ibang uri ng awitin at wari ba’y
parte na rin ito ng pang araw-araw nating buhay. Nais ng
mananaliksik na tuklasin ang Persepyon ng mga mag aaral sa
Estado ng patuloy na pagtangkilik sa Musikang Pilipino sa unang
antas ng Kolehiyo ng Computer Science. Ang mga impormasyong
nakolekta at katotohanang nabuo sa pag-aaral na ito ay maaring
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
magamit sa mga pag-aaral na gagawin ng ibang mananaliksik. Ang
mga sumusunod ang makikinabang sa pag-aaral:
MAGULANG. Malalaman ng mga magulang kung may
pagkakakapareho ba ang mga musikang pinakikinggan ng mga
kabataan ngayon sa musikang tinatangkilik nila noon. Maaari rin
itong maging tulay sa mas malalim na ugnayan o mas masiglang
pakikisama o pakikitungo ng kanilang mga anak sa kanila.
MGA KABATAAN. Makatutulong ito sa pagkatuto ng kabataan upang
mas maunawaan kung bakit patuloy na umuunlad ang musikang
Pilipino o “OPM”. Malalaman rin nila kung bakit patuloy na
tinatangkilik at maaaring tgangkilikin pang lubos ng mga susunod
na henerasyon ang “OPM”.
MGA GURO NG UMAK. Sa pamamagitan ng pagkatuto sa uri ng
musikang tinatangkilik ng kanilang mga estudyante, maaari nila
itong i-apply o gamitin patungo sa isang masining na pagtuturo na
maaaring magbunga ng mas makabuluhan at buhay na talakayan,
tungo sa mas maunlad na pagkatuto ng mga estudyante.
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
MGA MAMBABASA. Matututo ang mga mambabasa ng mga
kadahilanang nakaaapekto sa persepyon ng pagtangkilik sa musika
ng isang indbidwal.
MGA SUSUNOD NA MGA MANANALIKSIK PATUNGKOL NITO. Ang
pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga susunod na mananaliksik
sa kanilang mga pag-aaral sa hinaharap. Kung magkataon man na
magkaroon ng pagkakapareho ang pag-aaral na ito sa bagay na
kanilang sinasaliksik, maaari nila itong magamit bilang sanggunian.
Makatutulong rin ito sa kanila upang makabuo ng pansariling
persepyon na mas tutugma sa kanilang pag-aaral.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito na ito ay patungkol sa "Epekto ng
Kolonisasyon sa Persepsyon sa estado ng pagtangkilik sa Musikang
Pilipino (OPM) ng mga mag-aaral ng UMAK - College of Computer
Science sa taong 2019-2020", at ang pananaliksik ay nakapokus
lamang sa epekto ng kolonisasyon sa persepsyon ng mag-aaral sa
estado ng pagtangkilik ng mga ito sa musikang Pilipino at kung
nabubuhay pa't pinakikinggan sa araw-araw na pamumuhay.
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
Ang mananaliksik ay nangangailangan ng (50) respondyente
mula sa mga unang antas ng College of Computer Science Students
na sasagot sa mga inihandang katanungan. Ang datos ng mga
respondyente ay nauuri ayon sa gulang, kasarian, at edad.
KAHULUGAN NG MGA TERMINO
Ang mga terminolohiya o katawagan sa pananaliksik na ito ay
binigyang-kahulugan sa kung paano ito ginamit o tinukoy sa pag-
aaral. Ito ay ang mga sumusunod:
OPM (Original Pilipino Music). Mga awiting nagmula sa Pilipinas na
nagpapakita ng tradisyonal at modernong komposisyon ng isang
awitin. (https://prezi.com/ebnmp6euinsv/opm-original-pilipino-
music/) (2014)
Kultural na Kadahilanan. Sakop nito ang pangkat ng mga paniniwala,
mga paghahalagang moral, tradisyon, lingwahe, at mga batas, na
pinanghahawakan ng isang bayan, komunidad, o isang tukoy na
grupo ng mga indibidwal.
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
(https://www.encyclopedia.com/education/encyclopedias-almanacs-
transcripts-and-maps/cultural-factors) (2019)
Social na Kadahilanan. Mga katotohanan at karanasang
nakaaapekto sa personalidad, pag-uugali, at pamumuhay ng isang
indibidwal. (http://www.businessdictionary.com/definition/social-
factor.html) (n-d.)
Personal na Kadahilanan. Mga indibidwal na kadahilanan ng isang
tao na lubusang nakaaapekto sa pag-uugali ng isang tao pagdating
sa pagtangkilik ng isang bagay.
(https://businessjargons.com/personal-factors-influencing-
consumer-behavior.html) (n-d.)
Psychological na Kadahilanan. Ito ay ang lebel ng isang indibidwal
sa pagproseso at pagbibigay kahulugan na direktang
nakaiimpluwensya sa estado ng pag-uugali nito.
(https://link.springer.com/referenceworkentry/10.1007%2F978-1-
4419-1005-9_422) (2013)
Kolonisasyon. Isang akto o kaganapan na nagpapakita ng pagpasok
ng isang makabagong kolonya sa isang pook o lugar mula sa malayo
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
dala ang mga sariling paniniwala at kultura na siyang
nakakaimpluwensya sa lugar kung saan sila maninirahan. Isang
halimbawa nito ay ang pagpasok ng mga banyagang musika sa
Pilipinas at lubos na kinagigiliwan ng mga tagapakinig.
(https://www.vocabulary.com/dictionary/colonization) (n-d.)
KABANATA 2Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Ang parteng ito ng pananaliksik ay magpapakita ng mga
kaugnay na pag-aaral at literatura na inipon mula sa iba’t ibang
nakalipas na pag-aaral, sa internet, at sa iba pang nailimbag na
babasahin na nakapag-ambag o nakatulong sa pagbuo ng konsepto
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
ng pag-aaral na ito. Saklaw nito ang mga konsepto, pag-aaral, at
iba pang mas malawak na karunungan na kalinya ng mga baryante
ng pag-aaral; mahalagang lumikha ng komprehensibong pagsusuri
ng mga kaugnay na pag-aaral at literature upang makapaglahad ng
mas malawak na pananaw tungkol sa paksang pinag-aaralan.
Ang epekto ng kolonyalismo sa ating bansa ay patuloy pa ring
makikita hanggang ngayon. Lalo’t higit ang mentalidad ng pagiging
kolonyal. Ang paraang ito ng pag-iisip ay nakaaapekto kung paano
tingnan ng isang tao ang kanyang sarili. Maging sa pang-araw-araw
na desisyon ng isang tao sa kaniyang buhay ay mayroon itong
malaking impluwensya.
Ayon kina Ambag, Baslot, Celeste, et al. (2016), kapag
nakararamdam ang isang tao ng pagkababa kung ihahalintulad ang
sarili sa mga banyaga tulad ng mga Ingles, maaari nitong gayahin
ang kultura o pamamaraan ng mga ito upang maging kaisa ng mga
ito. Naging sukatan na rin dawn g pagiging intelehente ng isang
Pilipino ang pagiging bihasa nito sa wikang Ingles. Pagdating sa
musika, maaari itong makaimpluwensya sa pamamaraang mas
pipiliing making ng ibang Pilipino ng mga banyagang kanta,
partikular ng mga musikang nasa wikang Ingles, upang
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
maramdaman na mas superior sila sa ibang kapwa nila Pilipino dahil
mas nakikinig sila ng mga musikang banyaga.
Ayon naman kay Ong (2016), Mayroong apat na pamamaraan
kung paano nakaaapekto ang kolonyalismo sa isang Pilipino at ang
isa sa mga ito ay ang ibang batang Pilipino aniya ay hindi natuto o
naturuan ng wikiang Filipino. Siya raw ay isang Filipino na lumaki sa
isang tahanang hindi tinotolera ang pagsasalita ng wikang Filipino o
kahit ano pang dayalekto nito. Ang lebel raw ng kaniyang pag-
intindi sa wikang Filipino hanggang sa kasalukuyan ng isinulat niya
ang literaturang ito, ay para lamang daw lebel ng pag-intindi ng
isang tatlong taong gulang na bata. Malaking pursyento ng
musikang Pilipino ay tagalog.
Marami sa Pilipinas at hindi lang siya ang pinalaki ng ganito ng
kanilang mga magulang. Kung magpapatuloy ito at mas lalaki pa
ang bahagdan ng mga tahanang para sa wikang Ingles lamang,
malaki ang magiging negatibong epekto nito sa pagtangkilik ng mga
Pilipino sa industriya ng OPM.
Marahil may epekto nga ang kolonyalismo sa persepyon ng
estado ng pagtangkilik ng isang tao sa mga pinakikinggan nyang
musika, higit pa rin na nasisiyahan ang mga tagapakinig at
tumatamgkilik ng musika sa mga lokal na genre nito. 66% ng mga
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
nakikinig sa Japan ang mas tumatangkilik sa J-pop, 69% ng mga
nakikinig sa Pransya ang tumatangkilik sa Variété Française, at, sa
Brazil, 55% ang nakikinig sa musikang brasileira.
Ayon kay B. Beltran (2019), bagaman patuloy pa ring
tinatangkilik at umuunlad ang OPM sa Pilipinas. Ang lokal na
industriya ng musika ay patuloy pa din sa pagpapakita o
pagpapasikat ng mga bagong Pilipinong mang-aawit o mga
manunulat ng kanta. Bilang patunay, ang PhilPop ay tumatanggap
ng libu-libong mga entry bawat taon. Mayroon ding hyperactivity ng
eksena ng musika sa mga lugar ng VisMin, kasama ang pagdating
ng Bisaya Music Festival, VisPop at Mindanao Music Festival.
Sinabi ni Ms. Hernandez na ang mga artista na tulad niya ay
maaaring gumamit ng independyenteng mga serbisyo sa
pamamahagi ng musika ng digital tulad ng DistroKid upang mai-
publish ang kanilang discography sa mga platform tulad ng Spotify,
Amazon, at iTunes. Sa ganitong pamamaraan, makakatulong ito
upang patuloy pa rin na yumabong ang kultura ng musikang Pilipino
para sa mga susunod pang henerasyon ng mga tagapakinig.
Ang pakikinig rin ng OPM ng isang Pilipino ay nagpapakita raw
ng pagiging isang makabayan, Rappler (2018). Sa palagay ni Ayala
ang paglalaro ng mga instrumento at beats ng ating mga ninuno ay
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
isang mahiwagang karanasan. Inilalarawan ito ni Lago bialng isang
bagay na praktikal, likas na likas sa kanya ang pagkagusto dito
nang una niyang marinig ang mga ritmo ng Bagobo, at naniniwala
siyang may kinalaman ito sa genetics.
Sinabi naman ni Ayala na sa palagay niya ay kailangan ng
musika upang maging matapat ang mga artista, mga tao sa
pangkalahatan, upang maging kung sino ka o maipakilala ang sarili.
Idinagdag niya na ang lahat, kabilang ang nasyonalismo, ay
ephemeral.
Dahil naninirahan ang mga Pilipino sa isang bansa na may
isang mayamang kasaysayan ng kolonyalismo, hindi nakakagulat na
ang mga mamamayan ng Pilipinas ay nakararamdam ng kahinaan
laban sa kanilang mga kolonyalista noon tulad ng Espanya at
Amerika. Habang ang kolonyalismong Espanya ay nakatulong upang
hubugin ang wikang Pilipino, relihiyon, at mga pagpapahalaga sa
kultura, ito ay ang matinding bias ng mga Pilipino patungo sa
kulturang Amerikano na nagpapakain sa kanilang kaisipang kolonyal.
Ang malaking pagnanais ng Pilipino na makamit sa napagtanto na
"superyor" na kultura ng Kanluran ay lumala sa pamamagitan ng
wikang Filipino, media, pamantayan ng kagandahan, at iba pang
aspeto ng modernong pamumuhay. Gayunpaman, ang
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
nakapipinsalang epekto ng mentalidad na ito ay nakakaapekto sa
bansa sa mas malalim na antas.
Ayon kay Comia J.(2011) sa kanyang pag-aaral na Pahambing
Na Pagsusuri Sa Makabago at Makalumang OPM pg. 1 ay sinasabi
dito na likas na sa mga Pilipino ang pagkahilig sa mga awitin, isang
katangian na buhat pa sa ating mga ninuno. Kahit anong klase ng
awitin ay tiyak na tatangkilikin ng mga Pilipino dahil ang pakikinig
ng musika ay parte na ng buhay ng isang tunay na Pilipino. Bilang
pagpapatunay, isa nga sa mga nakahiligang pakinggan ng mga
Pinoy ay ang OPM.
Sa pahayag ni Garcia (2010) sa Manila Bulletin, sinabi ni Ogie
Alcasid, ang kasalukuyang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong
Mang-aawit, “napapahalagahan ng ibang kultura ang ating sariling
musika, ang OPM. May panahong nahilig ang mga Pilipino sa samba,
sa Brazilian. Ngunit hindi natin dapat itigil ang pagsusulat ng mga
kanta. Ang mga Pilipinong manunulat ay may sapat na katalinuhan
sa paglikha upang maipagpatuloy ang pagsulat ng mga nasasaloob
nila… makakatulong din ng malaki ang edukasyon dahil ito ang
magpapakilala ng Filipino Music sa mga kabataan… Maganda ang
musika natin”.
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
Sa deskriptibong pag aaral ni Dyane Tsamse (2017) ay
sinasabi rito na ang musika, tugtugin, o awitin ay naging bahagi na
ng buhay ng bawat isa at hindi maitatangging mayroong mga tao na
hindi nakukumpleto ang bawat araw ng walang musikang
napakikinggan ano pa man ang tempo, ritmo, at tono nito,
makahulugan man ang mensahe ng mga awiting ito o hindi
Maituturing na isang napakalaking bahagi sa musika ang mga
manunulat na mayroong talento, malawak na pag-iisip o maging
imahinasyon na nakakalikha ng mga awiting napapakinggan sa pang
araw-araw. Maikokonsiderang, ang mga manunulat ng mga awitin o
“song writer” ang nagsisilbing unang hakbang upang magkaroon ng
awitin dahil kung hindi dahil sa mga manunulat na ito maaaring
walang mga awitin ngayon. Mula sa mga ideyang naiisip ukol sa
inspirasyon ng bawat manunulat ang bawat lirikong naisusulat ng
bawat manunulat kaya't inspirasyonal ang bawat awitin ng mga
manunulat.
Ngunit sa salaysay naman ni Pareño, E.L. (2013) sa kanyang
pag aaral na OPM: Patay o Hindi?, Bahaging III. Mga Argumento
Kung Bakit Patay na ang OPM sa website na sinasabi na patay na
ang OPM dahil palagi na lang paulit-ulit na ipinapatugtog ang mga
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
lumang awitin paulit-ulit sa radyo, o kaya sa mga palabas tulad ng
ASAP o Eat Bulaga.
Kung ito ang kanyang argumento, puwede ring sabihin na
maraming orihinal na OPM, hindi lang ito naririnig kasi hindi ito
napupuntahan sa mga tamang lugar kung saan may mga bagong
banda na may talento.
Higit dito, sinasabi rin sa kanyang pananaliksik ng ibang akda
tulad ni Leloy Claudio sa kanyang artikulo na patay ang OPM dahil
sa ang gobyerno ay hindi pinagbubuti ang pagpapa-unlad ng mga
arte at musika sa Pilipinas. Sa mga taong 1970s sumikat ang OPM
dahil sa suporta ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa isang artikulo sa ‘radiorepublic.ph,’ isang malaking
problema na sinasabi ng mga Pilipino na ang mga artista ngayon na
kumakanta sa mga palabas kagaya ng ‘Showtime’ o ‘ASAP’ ay
simpleng kumakanta ng mga banyagang awit kasi iyun ang mga
sikat na pinapakinggan ng mga masa ngayon. Hindi nila sinusuporta
raw ang lokal na talento sa pag-kanta ng OPM.
Pero, hindi natin pwede isalang ang lahat ng mga artistang ito,
kasi meron namang mga ibang artista kagaya nina Ogie Alcasid at
Gary Valenciano na kumakanta ng mga banyagang kanta, pero
nanalo ng sobrang raming parangal sa musikang Pilipino tulad ng
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
‘Awit Awards.’ Ang problema ayon naman kay Noel Cabangon na
galing sa bandang “Buklod” at bise-presidente ng Organisasyon ng
Pilipinong Mang-aawit (OPM), maraming mga independenteng
artista na may magagandang musika, wala lang silang paraan para
maipakita at itanghal ang kanilang musika.
Ayon sa Pahayag ng Pag-aaral nila Buenrostro, I., Cabbab, J.F
(2013) na may titulong “Reliving the Filipino Classical Music Heritage:
Preservation and Restoration of Philippine Art Music Manuscripts of
the University of the Philippines-Diliman College of Music”, Ang
musika raw ay isang masiglang pagpapahayag ng sarili at ebidensya
ng kultura, tradisyon ng mga tao at ng buong sibilisasyon.
Maihahalintulad ito sa kasalukuyang pananaliksik dahil batid nitong
pag-aralan ang magiging epekto sa nito sa isang tao sa ukol sa
kanilang persepsyon sa musikang”OPM”.
Sa pananaliksik ni Willis C. G.(2016) na pinamagatang
“Impact of Music Education on Mathematics Achievement Scores
Among Middle School Students” ayon sa pahayag, ang pagkakaroon
ng edukasyon o karanasan sa musika ay mayroong benipisyo na
may kaulakang epekto sa mga kakayahan ng isang estudyate,
nakabase ang nasabing kakayahan sa klase ng musikang kanilang
pinakikinggan. Ayon naman sa kanyang konklusyon, ang
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
kakayahang nabuo sa pamamagitan ng pagkaroon ng ekspirsyen sa
musika ay nag papakita na ito ay maililipat sa “cognitive functions”o
sa kanilang pag-katao.
Ayon naman sa pagaaral ni Stubing J. L.(2012) na
pinamagatang “Music, Mood, and Memory: An In-Depth Look at How
Music Can Be Used as a Trigger to Elicit Specific Emotional
Responses and Associated Memories” may kaulakang epekto sa
memorya at emosyon ng isang tao sa pamamagitan ng pag alala o
sa naranasan nila sa musikang napakinggan at maari ito makaranas
ng galit o anong emosyon na nararamdaman nila sa pagkinig sa
kanta.
Ayon kina Thanh X. T Aloisio, et al.., (2015) ang musika ay
gumaganap ng isang mahalagang papel sa ating pang-araw-araw na
buhay, ang pagkatanto sa mga benepisyo na maaaring dalhin ng
musika sa emosyon ay makakatulong sa amin upang ayusin ang
mga emosyon pati na rin ang stress ngunit ito parin ay naka
depende sa musikang pinakikinggan at sa kanilang personal na
kadahilanan.
Ayon kay sa pag-aaral ni Barton, G.(2018) na pinamagatan na
The Relationship Between Music, Culture, and Society: Meaning in
Music: Implications for Classroom Practice, ang musika bilang mga
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
phenomena ay hindi magiging posible nang hindi kinikilala ang mga
paraan kung saan ang epekto ng kultura at lipunan sa epekto sa
mga kasanayan sa musika. Ang mga tradisyon ng musika ay
pabago-bago at tulad sa paglipas ng panahon at ito ay dahil narin sa
malaking pandaigdigang paggalaw ng mga tao at hindi kapani-
paniwalang pag-access sa mga kultura ng musika ng iba sa online
aplikasyon tulad ng youtube, spotify, atbp.
Sintesis
Ang mga pag-aaral at literatura na inilahad sa kabanatang ito
ay nagpapatunay ng importansya ng pananaliksik na ito. Tulad ng
literatura nina Ambag, Baslot, Celeste, et al., (2016) sa Pagsukat ng
pagiging intelehente at superiyoridad ng isang pilipino kapag ito ay
bihasa ng wikang ingles o iba pang mga bahayagan salita, ang
aming pag-aaral ay naglalayon na alamin ang mga kadahilahanan
kung ano ang tulak para makarating sa ganitong sitwasyon.
Isa pang pagkakatulad ng literaturang na ito ay makikita sa
sinabi ni Ong (2016) na nagbunga ng negatibong epekto sa
pagtangkilik ng mga Pilipino sa industriya ng OPM sapagkat hindi
natutunan o lumaki ang isang pilipino sa sariling wika.
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
Naiiba naman ang mga pahayag na ito sa aspetong pokus ng
kasanayan dahil batid lang ng mga mananaliksik na alamin ang
persepyon ng pagtangkilik ng isang mag-aaral(isang pilipino).
Sa pananaliksik naman ni Beltran B.(2019) na nagresulta sa
pisitibong epekto dahil patuloy parin ang pagtangkilik sa musikang
OPM sa pamamagitan digital na pamamaraan at mga kaganapan na
nag papayambong sa musika.
Sa pahayag naman ng Rappler (2018), Nasabi ni Ayala na
may relasyon ang pagtugtog ng intrumento dahil ito daw ay
mahiwagang karasan para sa ating mga ninuno at naniniwala na ito
ay may kinalaman sa genetics, nabanggit rin na kailangan ng
musika para maging artista at makilala ang sarili.
Sa pag-aaral naman ni Comia, J.(2011) nalikas naman sa
Pilipino ang pagkahilig sa mga awitin na katangian pa ng mga ating
ninuno, na nagging patunay na patuloy paring pinapakinggan ng
Pilipino ang OPM. Ito ay maihahalintulad sa pananaliksik dahil
bahagi ito sa pagkuha ng impormasyon sa pananaliksik.
Sa pag-aaral ni Garcia(2010) nasabi sa pahayag ni Ogie
Alcasid kahit napapahalagahan ang ibang kultura ay hindi nagging
hadlang upang sumulat parin musikang OPM ang isang Pilipino at
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
Malaki rin ang magiging ganap ng edukasyon dahil mapapakilala
nito ang angking kagandahan ng Filipino Music.
Ayon naman sa Pag-aaral Tsamse D.(2017) na ang musika ay
bahagi ng pang araw-araw na buhay sinabi na ang tempo, ritmo, at
tono ay mayroon makulugan at makokonsidirang ang mga
manunulat o “song writer” ay hakbang upang makaroon ng musika
dahil sa kanilang talento sa pag sulat at maideyang pag-iisip na
nagging inspirasyon sa pagsusulat.
Ngunit sa sanaysay naman ni Parreno E.L.(2013) sinabi na
patay na ang OPM dahil paulit-ulit na itong pinapatugtog at
pinapalabas ng sikat na entablado at marahil rin hindi ito napupunta
sa tamang lugar para maipakita ng talento ng mang-aawit. Higit pa
sinabi ni Leloy Claudio sa kanyang artikulo na ang mga artista ay
umaawit lamang dahil iyon ang sikat na trends sa masa dahil para
makahakot ng mga manonood.
Bagamat sa nasabi sa artikulo hindi pwede isalang ang lahat
ng mga artista o mang aawit tulad nina Noel Cabangon ng “Buklod”
na independenteng artista, sila ay walang paraan para maipakita
ang kanilang musika na may magandang at orihinal na konsepto.
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
Ayon naman sa Pag-aaral Buenrostro, I., Cabbab, J.F (2013)
Ang musika ay ang pagpapayahag ng sarili at ebidensya ng kultura,
na maihahalintulad sa pananaliksik dahil kukunin nito ang mga
nagging epekto sa perspyon na pagtangkilik ng mag-aara.
Sa pag-aaral ni Willis C.G.(2016) ang edukasyon may
benepisyo taga-pakinig at naisasalin ito sa kanilang pang araw-araw
na Gawain ang nasabing kakayahan na ito ay naka depende sa
kanilang pinakikinggang musika. Sa pag-aaral naman Stubing
J.L.(2012) ang musika daw ay may epekto sa memorya at emosyon
ng tagapakinig. Sa isang pag-aaral naman nina Thanh; Aloisio, Tång,
Pesonen(2015) ang musika naman daw may nakakatanggal sa
negatibong emosyon ng tao tulad ng depresyon at nakabantay ito sa
kanilang personal na kadahilanan.
At sa Pag-aaral ni Barton G.(2018) ang phenomena kinikilala
dahilan ng epekto sa kultura. Sapagkat pabago-bago ang musika sa
paglipas ng panahon at dahil narin sa malaking pag-access sa mga
aplikasyon ng internet.
Naihahalintulad ito sa pananaliksik sapagkat kabilang rito ang
kultural na kadahilanan ng pag-aaralan ng mananaliksik. Ang
mulitilinggwal na katangian ng mga Pilipino ay bunsod na nagiging
mas madali na matuto ang mga Pilipino ng iba't ibang lenggwahe,
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
maging sa kadahilanan na madami din ang Pilipino na lumilipad pa
ibang bansa.
Sa mga makabagong panahon ngayon na kung saan naging
mas madali na ang transmisyon ng impormasyon, kaalamaan, at sa
kahiligan, binabago ng teknolohiya ang pag uugali at ang kultural na
ginagawa sa pang araw-araw. Ang pakikinig sa musika ay mas
madali nang naipapamahagi. Musikang iba-iba ang genre, musika na
iba rin ang lenggwahe, hindi maintindihan ngunit labis parin
tinatangkilik ng iba sa atin. Musika na nagbubuklod sa tao, musika
na nagbibigay ng iba't ibang interpretasyon at emosyon.
Malaking paghahalintulad ito sa pananaliksik, dahil ang
Musikang Pilipino (OPM) ay isa sa pinagmamalaking kagandahan na
meron ang bansang Pilipinas, ngunit paano sa panahon ngayon na
ang mga Pilipino ay hindi na nilalagi ang pakikinig sa musikang
sariling atin, at kung paano nakakaapekto ang kolonisasyon sa
musika o iba-ibang musikang pandayuhan na dumadating sa bansa,
sa estado ng pagtangkilik sa Musikang Pilipino (OPM).
Ayon naman sa mga kahuli-hulihang pahayag ang
kolonyalismo ang ay magkakaroon ng malaking epekto sa bansa
dahil hinubog nito ang Wikang Pilipino lalo na sa relihiyon, kultura at
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
maging sa mentalidad ng isang Pilipino na nakakaapekto sa antas
ng bansa.
KABANATA 3Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Ipinaliliwanag ng kabanatang ito ang metodong ginamit upang
maisagawa ang pananaliksik na ito. Ipinaliliwanag din nito ang
prosesong isinagawa upang makalikom ng mga datos, ang disenyo
ng pananaliksik, at ang metodong ginamit sa pagpili ng mga
respondente. Ang layunin at mga problema ng pananaliksik ay sinuri
sa pamamagitan ng pagpapaliwanag kung paano nakalikom ng mga
mahahalagang datos, kung paano ito ipinakikita, at kung paano ito
pinag-aralan.
Disenyo ng Pananaliksik
Iminumungkahi ni Heppner atbp. (1992) na para sa isang
pagsisiyasat o isang listahan ng mga pagtutukoy at pamamaraan
para sa pagsasagawa at pagkontrol sa isang proyekto ng
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
pananaliksik, kinakailangan ang isang disenyo ng pananaliksik sa
pagpaplano at para sa istraktura nito. Sa madaling salita,
mailalarawan ito bilang master plan kung aling mga pamamaraan
ang nabibigyang katwiran. Ginagamit ito upang mangolekta at pag-
aralan ang mga datos o impormasyon na kinakailangan ng upang
epektibong makagawa ng desisyon. Bukod dito, ang disenyo ng
pananaliksik ay sadyang binalak na pag-aayos ng mga kondisyon
para sa tumpak na pagtatasa at pagkolekta ng mga datos sa isang
paraan na nauugnay sa layunin ng pananaliksik
Ang descriptive na disenyo ng pananaliksik ay ginamit sa
pangangalap ng mga kinakailangang impormasyon para sa pag-
aaral na ito. Ayon kay Saunders et al., (2003) ang deskriptibong
pamamaraan ay "may matinding katumpakan sa mga phenomena
ng sandaling ito at pagkatapos ay inilarawan nang eksakto kung ano
ang nakikita ng mananaliksik." kaya, ito ay naglalarawan lamang ng
mga katangian ng isang problema. Ang Key Informant group (KII)
at survey ay ang dalawang pamamaraan na ginamit upang
magbigay ng impormasyon sa pananaliksik na ito.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang isang descriptive na
disenyo ng pananaliksik ay tumutulong sa paglarawan ng isang
tumpak na profile ng mga tao, mga kaganapan, at mga sitwasyon.
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
Sa gayon, nagbibigay-daan sa malalim na pagsusuri ng “Epekto ng
Kolonyalismo sa Persepsyon sa estado ng pagtangkilik sa Musikang
Pilipino (OPM) ng mga mag-aaral ng Information and Network
Security”. Pinapayagan nito ang henerasyon ng mga opinyon at
impormasyon tungkol sa pag-aaral mula sa halimbawang napili.
RESPONDENTE
Ang pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga datos at
impormasyon mula sa mga piling estudyante ng UMak – College of
Computer Science, na nasa Unang taon ng pag-aaral sa Kolehiyo sa
kursong Bachelor of Science in Information Technology –
Information and Network Security na may bilang ng halos mahigit
sa limampung (50) respondente. Napili ng mga mananaliksik ang
mga respondente sa kadahilanan na upang maunawaan din ang
persepsyon ng mga mag-aaral ng impormasyong teknolohiya at
kung paano ang kolonyalismo ay labis na nakakaapekto sa di labis
na pakikinig at pagkahilig sa Musikang Pilipino (OPM).
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang instrumento na gagamitin ay isang survey-questionnaire
na ginawa ng mga mananaliksik. Ito ay inangkop mula sa mga
nakaraang pag-aaral tungkol sa mga epekto ng kolonyalismo sa
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
persepsyon sa estado ng pagtangkilik nga mga tao sa ano mang
bagay. Ang talatanungan ay binuo sa pamamagitan ng isang
komprehensibong pagsusuri ng mga kaugnay na panitikan at pag-
aaral ng mga natukoy na posibleng mga item na maaaring isama sa
instrumento. Ang talatanungan sa pananaliksik ay binubuo ng
dalawang bahagi; unang bahagi ay ang profile ng mga respondent.
ang ikalawang bahagi naman ay tumutukoy sa epekto ng
kolonyalismo sa persepsyon sa estado ng pagtangkilik sa musikang
pilipino (opm) sa napiling mga tagapagpahiwatig na itinakda ng mga
mananaliksik.
TRITMENT NG MGA DATOS
Ang mga impormasyong natipon ay na-tabulate, sinuri, at
binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng paggamit ng mga
sumusunod na statistical treatment:
Ang Frequency at pamamahagi ng porsyento ay ginagamit
upang matukoy ang profile ng mga mag-aaral ng Umak – College of
Computer Science – Bachelor of Science in Information Technology
– Information and Netwrok Security I. Ang Porsyento ay nakuha sa
pamamagitan ng sumusunod na formula:
� =���100
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
Kung saan:
P = Porsyento
f = frequency ng mga respondente
N = kabuuang bilang ng mga respondente
Weighted Mean naman ang ginamit upang matukoy ang pang-
unawa ng mga sumasagot sa e epekto ng kolonyalismo sa
persepsyon sa estado ng pagtangkilik sa Msikang Pilipino (OPM) sa
mga respondente. Ang Weighted Mean ay maaaring makuha sa
pamamagitan ng sumusunod na formula:
���
Kung saan:
n = Sum ng mga scores
N = kabuuang bilang ng mga respondente
Upang bigyang-kahulugan ang mga tugon ng mga respondent, ang
mga sumusunod na scale ay ginamit:
Scale Interpretasyon
4.5 – 5.00 Sa lahat ng pagkakataon
3.5 – 4.49 Madalas
2.5 – 3.49 Hindi masyadong madalas o minsan
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
1.5 – 2.49 Minsan
1.0 – 1.49 Hindi sa lahat ng pagkakataon
Statistics
Pearson R:
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
TALAAN NG HANGUAN
Literatura
Ambag A.T., Baslot, T.L., Celeste, C.M., et al., (2016). The Effects of
Colonial Mentality on the Filipino Culture.
https://arndreblog.wordpress.com/2016/05/17/the-effects-of-
colonial-mentality-on-the-filipino-culture/
Beltran, B. (2018). The Fall and Rise of Filipino Music.
https://www.bworldonline.com/the-fall-and-rise-of-philippine-
music/
Canto, J. (2019). ‘Louder for the People in the Back,’ indie vs.
popular Filipino music.
https://www.sunstar.com.ph/article/1798516
Ong, S. (2016). 4 Ways Colonialism Affects the Everyday Lives of
Filipino Americans.
https://everydayfeminism.com/2016/06/colonialism-filipino-
americans/
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
RAPPLER (2019). [PODCAST] Love of Country: When is music
patriotic? https://www.rappler.com/views/237881-podcast-
love-country-when-is-music-patriotic
Tan, C (2016). Colonial Mentality in the Philippines: A Summary.
http://cismconnect.org/dragonchronicles/2016/02/14/colonial-
mentality-in-the-philippines-a-summary/
Pag-aaral
Parreno, E.L. (2013). OPM? Patay o Hindi?. Retrieved From
https://uclaliwanagatdilim2013.wordpress.com/2013/06/07/o
pm-patay-on-hindi-enzo-parreno/
Tsamse, Dyane (2017). FINAL.docx. Retrieved From
https://www.academia.edu/31330893/FINAL.docx
Buenrostro, I., Cabbab, J.F (2013). “Reliving the Filipino Classical
Music Heritage: Preservation and Restoration of Philippine Art Music
Manuscripts of the University of the Philippines-Diliman College of
Music”. Retrieved From
https://www.academia.edu/6781868/Reliving_the_Filipino_cla
ssical_music_heritage_Preservation_and_restoration_of_Philip
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
pine_art_music_manuscripts_of_the_University_of_the_Philip
pines-Diliman_College_of_Music
Comia, Jophet (2011). Pahambing na na Pagsusuri sa Makabago at
Lumang OPM. Retrieved From
https://www.scribd.com/doc/47503774/Pahambing-Na-
Pagsusuri-Sa-Makabago-at-Makalumang-OPM
Lograbo, Rochelle (2015). Pag-aaral sa pagbabago ng Musika sa
Paglipas ng Panahon. Retrieved From
https://www.academia.edu/36174314/LORD-PATAWAD
Aloisio L., Tång K., Pesonen R., (2015). HOW MUSIC AFFECTS
PEOPLE. Retrieved From
https://pdfs.semanticscholar.org/9797/3ae8ffa345c063dbcb1e
fef6c83f77c826fd.pdf
Barton G. (2018). The Relationship Between Music, Culture, and
Society: Meaning in Music: Implications for Classroom Pratice.
Retrived From
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS
https://www.researchgate.net/publication/326993769_The_Re
lationship_Between_Music_Culture_and_Society_Meaning_in_
Music_Implications_for_Classroom_Practice
Stubing J.L. (2012). Music, Mood, and Memory: An In-Depth Look at
How Music Can Be Used as a Trigger to Elicit Specific
Emotional Responses and Associated Memories. Retrived
From
https://scholarsarchive.jwu.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1
%20015&context=ac_symposium
Thanh X.T. (2015).How Music Affects Our Emotions?. Retrived From
https://scholarsarchive.jwu.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1
%20015&context=ac_symposium
Willis C.G. (2016). Impact of Music Education on Mathematics
Achievement Scores Among Middle School Students. Retrived
From
http://pdfs.semanticscholar.org/3346/aafac05cdc40e2812914
59b321634ce6deca.pdf
UNIVERSITY OF MAKATICOLLEGE OF ARTS AND LETTERS