EPP V 3 rd grading Date: ____________ I. LAYUNIN: 1. Makapagplano ng isang nursery II. PAKSA: Pag-aayos ng Tahanan Sanggunian: ELC, A2.2.2.3 pah.6 Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Kagamitan: larawan ng maayos na tahanan III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Ano ang talatakdaan? Kailangan bang gumawa nito? 2. Pagganyak: Marami ang kasangkapan sa bahay tulad ng nasa larawan. Alin sa mga ito ang mayroon sa bahay ninyo? B. Panlinang na Gawain: 1. Paglalahad: Gawain: Iayos ang mga kasangkapan sa H.E. 1. Ano-anong kasangkapan ang inyong nilipat? Saan? 2. Saan dapat ilagay ang sofa? 3. Paano ito naayos sa sala? 2. Pagtatalakay: Upang isaayos ang malalaking kasangkapan bago ang mga maliliit iayos ito sa tamang lugar. 3. Paglalahat: Ano ang inyong ginagawa sa inalis mong kasangkapan? Bakit mo inilipat? 4. Paglalapat: Saan dapat iaayos and dresser? Bakit? Pag-aayos ng mga kasangkapan sa H.E. Bldg. silid-aralan IV. PAGTATAYA:
1. EPP V 3rd grading Date: ____________ I. LAYUNIN: 1.
Makapagplano ng isang nursery II. PAKSA: Pag-aayos ng Tahanan
Sanggunian: ELC, A2.2.2.3 pah.6 Makabuluhang Gawaing Pantahanan at
Pangkabuhayan 5 Kagamitan: larawan ng maayos na tahanan
III.PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Ano ang
talatakdaan? Kailangan bang gumawa nito? 2. Pagganyak: Marami ang
kasangkapan sa bahay tulad ng nasa larawan. Alin sa mga ito ang
mayroon sa bahay ninyo? B. Panlinang na Gawain: 1. Paglalahad:
Gawain: Iayos ang mga kasangkapan sa H.E. 1. Ano-anong kasangkapan
ang inyong nilipat? Saan? 2. Saan dapat ilagay ang sofa? 3. Paano
ito naayos sa sala? 2. Pagtatalakay: Upang isaayos ang malalaking
kasangkapan bago ang mga maliliit iayos ito sa tamang lugar. 3.
Paglalahat: Ano ang inyong ginagawa sa inalis mong kasangkapan?
Bakit mo inilipat? 4. Paglalapat: Saan dapat iaayos and dresser?
Bakit? Pag-aayos ng mga kasangkapan sa H.E. Bldg. silid-aralan IV.
PAGTATAYA: Sabihin kung tama o mali 1. Ang kama ay dapat nasa gitna
ng silid tulugan. 2. Ang aparador ay iayos ng pahalang sa sulok ng
silid. 3. Iaayos ang malalaki bago ang maliliit na kasangkapan. 4.
Ilagay ang mga kasangkapan sa lugar na dapat paggamitan. 5.
Kasangkapan maliliit ang bagay sa malaking silid. V.
TAKDANG-ARALIN: Isulat sa kuwaderno ang mga kasangkapan sa bawat
bahagi ng tahanan. Paramihan pero tiyakin sa lugar na iyon dapat
iayos.
2. EPP V Date: ______________ I. Layunin: Nakasusunod sa
talatakdaan ng mga gawain at sa panuntunang pangkalusugan
pangkaligtasan. II. Paksa: Pagsunod sa Talatakdaan ng Gawain
Sanggunian: ELC, A2.2.2.4 pah.6 Makabuluhang Gawaing Pantahanan at
Pangkabuhayan 5 Kagamitan: larawan ng mag-anak na nagtutulungan sa
pagpapaganda ng tahanan III.Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1.
Balik-aral: Ano ang nakasulat sa talatakdaan. Basahin ang ginawang
talatakdaan, karaniwan anu-ano ang magkasunod-sunod na gawa sa
talatakdaan. 2. Pagganyak: Anu-ano ang gawaing bahay ang palagian
ninyong ginagawa? B. Panlinang na Gawain: 1. Paglalahad:
Pagpapakita ng halimbawa ng talatakdaan. Pagtatanong: Nasusunod ba
ang ginagawang talatakdaan? Kulang o sobra ang palugit na oras?
Pantay-pantay ba ang pakikilahok ng mag-anak sa mga gawaing bahay?
Ano ang dapat gawin sa ginamit na kasangkapan para maiwasan ang
aksidente. 2. Pagtatalakay: Isaayos ang talatakdaan upang maiwasan
ang suliranin sa paggawa makasunod sa panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan. a. Paano nililigpit ang pinagtrabahuhan. b. Ano ang
maaaring bunga ng kababuyan sa paggawa 3. Paglalahat: Ang
talatakdaan ay bagay sa pangkalusugan at pangkaligtasang paggawa.
Paano ligpitin ang mga may talim? Bakit mo inilipat? 4. Paglalapat:
Pumili ng gawain at ipakita kung ito ay matapos sa oras. Masusunod
sa tuntuning pangkalusugan/pangkaligtasan. IV. Pagtataya: Sagutin
ng tama o mali. 1. Nasunod ba ang pangkat ang oras na nakatakda sa
paggawa? 2. Sa pagsunod sa talatakdaan maari bang iliban ang ibang
gawain? 3. Gawain pahapyaw ang paggawa ng gawain. 4. Piliin lamang
ang nais gawin sa talatakdaan. 5. Para masunod ang nakatakdang gawa
mag-overtime na lang.
3. V. Takdang-Aralin: Ipakita sa magulang ang ginagawang
talatakdaan at ipaalam kung naganap ito ng bata.
4. EPP V Date: _____________ I. Layunin: Nakagagawa ng
kagamitang pantahanan tungo sa pagpapaganda sa pag-aayos ng tahanan
sa mahusay at matipid na pamamaraan II. Paksa: Paggawa ng
Kagamitang Pantahanan Sanggunian: ELC, A2.2.2.5 pah.6 Makabuluhang
Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Kagamitan: Mga retasong tela,
sewing box III.Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga uri ng palamuti na makikita sa ating tahanan?
Anu-ano ang nilalaman ng sewing box? 2. Paghawan ng balakid:
Centerpiece, retaso, palamuti 3. Pagganyak: Pagpapakita ng center
piece. Ano ang gamit nito? Saan ito karaniwang inilalagay? Alin sa
palagay ninyo ang maganda na, mura pa ang halaga? B. Panlinang na
Gawain: 1. Paglalahad: Pagpapakitang turo ng hakbang sa paggawa ng
centerpiece na yari sa retaso. Ipaliwanag ang bawat hakbang. 2.
Pagtatalakay: Pag-usapan ang gawa ng bata. Naguhitan ba at nailapat
ang pardon sa retaso? Naglagay ba ng pataas o palugit para sa tupi?
3. Paglalahat: Anu-ano ang mga hakbang ng paggawa ng centerpiece?
4. Paglalapat: Pagbalik pakitang gawa ng mga bata. Pagsubaybay ng
guro. IV. Pagtataya: Iskor sa Pagmamarka ng Gawain Mga Pamantayan
Oo Bahagya Hindi 1. Naihanda ko ba kaagad ang mga materyales at
kagamitan bago ako magsimulang gumawa? 2. Nasunod ko ba ng wasto at
maayos ang bawat hakbang ng gawain? 3. Nagpamalas ba ako ng
kasiyahan at kasiglahan sa paggawa?
5. V. Takdang-Aralin: Ipagpatuloy sa bahay ang hindi natapos na
proyekto.
6. EPP V Date: _____________ I. Layunin: Natutukoy ang gawaing
makapagpapabuti ng kapaligiran II. Paksa: Gawaing Makapagpapabuti
ng Kapaligiran Sanggunian: ELC, A2.2.3.1 pah.6 Makabuluhang Gawaing
Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Kagamitan: Larawan ng tahanan at
pamayanan III.Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral:
Anu-ano ang ibat ibang uri ng polusyon? Magbigay ng halimbawa. 2.
Pagganyak: Pagmasdan ninyo ang kapaligiran, katulad ba ito nang
lugar sa lungsod? B. Panlinang na Gawain: 1. Paglalahad: Bakit amy
polusyon sa ating lugar? Ano ang nagiging sanhi nito? 2.
Pagtatalakay: Pagkakaroon ng panel discussion tungkol sa
kahalagahan ng I - basurahan/basura II - paglilinis ng kapaligiran
III - paghahalaman/pagtatanim IV - pinagdadaluyan ng tubig o kanal
V - pagbabakod 3. Paglalahat: Anu-ano ang magagawa ng batang
katulad mo upang mapabuti ang kapaligiran? 4. Paglalapat: Pagsasabi
ng ginagawang pagtutulungan upang mapabuti ang kapaligiran. IV.
Pagtataya: Piliin ang titik ng wastong sagot. 1. _________ ay may
tungkuling panatilihin ang kalinisan at kagandahan ng kapaligiran.
a. anak b. kapitbahay c. lahat 2. Ang nakakalat na basura ay
dinadapuan ng mga langaw na nagdadala ng ____________. a. ibat
ibang uri ng sakit b. kalusugan c. kalinisan. 3. Ilagay ang
basurang _____________ sa harap ng bakuran. a. may pangalan b. may
takip c. mamahalin V. Takdang-Aralin: Tumulong sa pagpapanatili ng
kapaligiran.
7. EPP V Date: _____________ I. Layunin: Natatalakay ang ibat
ibang paraan ng pagtulong sa mga kapitbahay upang mapabuti ang
kapaligiran. II. Paksa: Paraan ng Pagtulong sa Kapitbahay
Sanggunian: ELC, A2.2.3.2 pah.7 Makabuluhang Gawaing Pantahanan at
Pangkabuhayan 5 Kagamitan: Larawan ng kapaligiran na may
nagtutulungan sa paggawa. III.Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1.
Balik-aral: Pagpapaktia ng larawan ng isang magandang kaugaliang
Pilipino na dapat paunlarin at palaganapin. B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad: Sinu-sino ang inyong kapitbahay? Kaibigan ba ninyo
sila? 2. Pagtalakay: Pagbibigay ng sitwasyon/role playing tungkol
sa pagmamahalan at pagdadamayan ng mga magkakapitbahay. - madaling
pangangailangan/pag-alok ng tulong sa bagong lipat na kapitbahay. -
pagbibigay ng impormasyon tungkol sa pamayanan - pagtulong sa
paglilinis at pag-aayos ng kapaligiran 3. Paglalahat: Bakit dapat
nating tulungan sa ibat ibang paraan an gating kapitbahay upang
mapabuti ang kapaligiran. 4. Paglalapat: Paano mapapanatili ang
kagandahan at kalinisan ng kapaligiran. Magbigay ng ilang gawaing
maaaring pagtulung-tulungan ng mga magkakapitbahay. IV. Pagtataya:
Lagyan ng tsek () ang mga gawaing nakatutulong sa pagpapabuti ng
kapaligiran at pagsasamahan ng magkakapitbahay at ekis ( x ) naman
ang hindi. ______1. Pagtatambak ng basura sa lugar ng kapitbahay.
______2. Pakikipagdaldalan tungkol sa mga bisyo ng kapitbahay.
______3. Pagtulong sa pag-aalis ng bara sa kanal at pinagdadaluyan
ng tubig. V. Takdang-Aralin: Anu-ano ang maaaring gawin ng isang
mag-anak upang mapagbuti ang pakikitungo nila sa kapitbahay?
8. EPP V Date: _____________ I. Layunin: Naipapakita ang kusang
loob na pakikipagtulungan sa mga kapitbahay upang mapabuti ang
kapaligiran. II. Paksa: Kusang loob na Pakikipagtulungan sa mga
Kapitbahay. Sanggunian: ELC, A2.2.3.3 pah.7 Makabuluhang Gawaing
Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Kagamitan: Larawan/pamayanan
III.Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Nakapaglinis na
ba kayo ng inyong kapaligiran? Magbigay ng isinagawang pagpapabuti
at kapaligiran? 2. Pagganyak: Sino ang unang nakatutulong sa
mag-anak kapag may madaling pangangailangan? B. Panlinang na
Gawain: 1. Paglalahad: Pagmamasid sa paligid ng paaralan. Suriin
kung may isinagawa ang magkakapitbahay upang maisaayos at malinis
ang kapaligiran. 2. Pagtatalakay: Pag-isa-isa sa dapat na gawain
ang magkakapitbahay upang mapabuti ang kapaligiran. I - Kalinisan
ng basura/basurahan II - Paggawa ng comfort pit III - Paglilinis ng
kanal IV - Pagtatanim 3. Paglalahat: Paano mo ipinakikita sa inyong
kapitbahay ang pagmamalasakit at pagtulong sa kanila uapng mapabuti
ang kapaligiran? 4. Paglalapat: Bakit mahalagang ipakita natin ang
pakikipagtulungan sa mga kapitbahay sa pagpapanatili ng kalinisan
at kaayusan ng kapaligiran? IV. Pagtataya: Paano mo naipakikita nag
lusang-loob na pakikipagtulungan sa kapitbahay? Sagutin ang tseklis
kung naisasagawa ang sumusunod. Pamantayan Oo Hindi 1. Nailagay ba
ang basurahang may takip sa harap ng bakuran? 2. Nakagawa ban g
comfort pit? 3. Natiyak ba na walang nakabarang basura sa kanal? 4.
Nakapagtanim ba ng puno at halamang gulay sa bakanteng lote?.
9. V. Takdang-Aralin: Ipagpatuloy ang wastong pakikitungo sa
kapitbahay upang mapabuti ang kapaligiran. Isagawa ito nang may
kusangloob.
10. EPP V Date: _____________ I. Layunin: Natatalakay ang mga
salik na dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng pagkain II. Paksa:
Pagbabalak ng pagkain Sanggunian: ELC, A2.2.4.2 pah.7 Makabuluhang
Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Kagamitan: tala ng mga
pagkain, huwaran ng pagkain, mga larawan ng pagkain o tsart
III.Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Anu-ano ang mga
pagkaing kailangan n gating katawan? 2. Paghawan ng balakid:
Menu-tala ng mga pagkain Meal pattern huwaran ng pagkain 3.
Pagganayak: - Ipakita ang halimbawa ng huwaran ng pagkain na
karaniwang idinudulot sa agahan, pananghalian at hapunan. - Anu-ano
ang mga pagkaing nakikita ninyo? B. Panlinang na Gawain: 1.
Paglalahad: Ipakilala ang mga kagamitan sa pagbabalak - huwaran ng
mga pagkain o meal pattern - halimbawa ng menu - tsart ng mga
pagkain 2. Pagsusuri/Pagtatalakay: Naisaalang-alang ba ninyo ang
mga salik na pagbabalak ng pagkain? Paano? 3. Paglalahat: Ano an
gating gagamiting gabay kapag nagbabalak ng pagkain upang matiyak
na lahat ng pangangailangan ng baat kasapi ng mag-anak ay
matugunan? 4. Paglalapat: Gumawa ng pagbabalak ng pagkain at sa
tulong ng guro para sa agahan pananghalian at hapunan. Gamitin ang
huwaran ng pagkain. IV. Pagtataya: Bigyang halaga ang paggamit ng
kaalamang napag-aralan sa pamamagitan ng tseklis. Iskor-kard Oo
Bahagya Hindi 1. Mura ba at napapanahon ang mga pagkain na
nakalista sa tala ng pagkain. 2. Madali bang ihanda ang mga putahe.
3. Maayos ba ang kumbinasyon ng mga putaheng inihain?
11. V. Takdang-Aralin: Sumipi ng mga nakahandang panlingguhang
tala ng pagkain sa mga magasin o diyaryo. Suriin kung sapat na
sustansiya at maayos ang pagkakahanda ng tala.
12. EPP V Date: _____________ I. Layunin: Nakapagbalak ng
masustansiya, mura at sapat na pagkain para sa mag-anak. II. Paksa:
Pagbabalak ng Masustansiya, Mura at Sapat na Pagkain ng Mag-anak
Sanggunian: ELC, A2.2.4.2 pah.7 BEC B.8.5 d.68 Makabuluhang Gawaing
Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Kagamitan: Hulmahan ng Pagkain (meal
pattern) Talaan ng Pagkain (menu) 3 pangkat ng pagkain
III.Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Anu-ano ang mga
salik na dapat isaalang-alang sa pagbabalak ng pagkain? 2.
Pagganyak: Ipasalaysay sa mga bata ang kanilang kuru-kuro o
karanasan sa pagpaplano o pagbabalak ng pagkain sa kanilang
mag-anak. B. Panlinang na Gawain: 1. Paglalahad: a. Ipakita ng guro
ang mga kagamitan/gabay sa pagbabalak ng masustansiya, mura at
sapat na pagkain tulad ng. - Hulmahan ng Pagkain o Meal Pattern -
Halimbawa ng mga Menu o nilutong Pagkain - Pangkat ng Pagkain 2.
Pagsusuri/Pagtatalakay: Ano ang kaibahan ng hulwaran sa Agahan at
sa tanghalian o hapunan? Makakuha ba ang sustansiya na kaibigan n
gating katawan? 3. Paglalahat: Anu-ano ang dapat tandaan sa
pagbabalak ng pagkain? Kung mahusay ang pagbabalak ng pagkain, ano
ang naibibigay nito sa mag-anak? 4. Paglalapat: Papagbalakin ang
mga bata ng masustansiya, mura, sapat at napapanahon na pagkain
para sa agahan o almusal. IV. Pagtataya: Magbalak ng pagkain o menu
para sa hapunan. Bigyang halaga ang kaalaman o kasanayang
napag-aralan sa pamamagitan ng iskor kard. Iskor-kard Oo Bahagya
Hindi 1. Mura ba at napapanahon ang mga pagkain na nakalista sa
tala ng pagkain. 2. Madali bang ihanda ang mga putahe. 3. Maayos ba
ang kumbinasyon ng mga napiling sangkap para sa putaheng inihain ng
bawat pangkat.
13. V. Takdang-Aralin: Magbalak ng talaan ng pagkain para sa
buong mag-anak para sa isang lingo.
14. EPP V Date: _____________ I. Layunin: Naisasawa ang wastong
paraan ng pamimili II. Paksa: Wastong Pamamaraan ng Pamimili
Sanggunian: ELC, A2.2.4.1 pah.7 BEC. B.8.3 pd.68 Makabuluhang
Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Kagamitan: larawan ng
namimili sa palengke III.Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1.
Balik-aral: Paano makapagbalak ng mura ngunit masusustansiyang
pagkain? 2. Pagganyak: Saan kaya kumukuha ng mga sangkap na
kailangan sa pagluluto ng pagkain? Nakapunta na ba kayo sa
palengke, groserya sa supermarket? Anong paghahanda ang dapat gawin
upang mapadali ang inyong pamimili? B. Panlinang na Gawain: 1.
Paglalahad: Magpakita ng mga pagkaing sariwa o mataas ang uri.
Pag-uusap ang mga katangian ng bawat isa at iba pang tuntunin at
paala-ala sa pamimili. 2. Pagtatalakay: Anu-ano ang mga dapat
tandaan sa pamimili ng pagkaing sariwa gaya ng isda, karne ng
baboy, baka at manok, mga gulay, prutas at iba pang uri ng pagkain?
3. Paglalahat: Anu-ano ang dapat tandaan sa pamimili ng mga
pagkaing sariwa at iba pang mataas na uri ng pagkain? 4.
Paglalapat: Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Papaghandain ng
dula-dulaan tungkol sa wastong paraan sa pamimili. IV. Pagtataya:
Punan ang patlang nang tamang sagot. 1. Gumawa muna ng
_______________ bago mamalengke. 2. Bumili ng pagkaing
________________ upang makatipid. 3. Ang sariwang karne ng baboy ay
_____________ ang laman. V. Takdang-Aralin: Gumawa ng listahan o
talaan ng mga pagkaing bibilhin ng inyong Nanay para sa
kinabukasang pangangailangan.
15. EPP V Date: _____________ I. Layunin: Nakasusunod sa mga
panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda at
pagliligpit ng mga kagamitang ginamit. II. Paksa: Mga panuntunang
Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Paghahanda at Pagliligpit ng mga
Kagamitang Ginamit. Sanggunian: BEC B. 8.4 d.68 Makabuluhang
Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Kagamitan: larawan ng
kasangkapan at kagamitan sa pagluluto III.Pamamaraan: A. Panimulang
Gawain 1. Balik-aral: Anu-ano ang mga paraan ng pamimili? 2.
Pagganyak: Ano ang inihandang pagkain ng nanay mo kaninang umaga?
Alam mo ba kung paano niya ito ginagawa o hinhanda? B. Panlinang na
Gawain: 1. Paglalahad: Pagtatalakay sa wastong paraan ng paggawa
upang maging mabilis ang paghahanda ng pagkain. 2. Pagtatalakay:
Pag-uulat ng apat na pangkat sa mga gawaing kamay na dapat malaman.
Pagpapakitang gawa ng guro habang nagsasanay ang bawat pangkat. 3.
Paglalahat: Kailangang gamitin ang wastong kagamitan, kasangkapan,
sundin ang kasanayan, gawaing pangkaligtasan at pangkaligtasan sa
paghahanda ng pagkain nang may kasiyahan. 4. Paglalapat:
Pagsasagawa ng mga wastong paraan ng paghahanda ng pagkain. IV.
Pagtataya: Gamitin ang tseklis sa paghahanda ng pagkain. Lagyan ng
tsek () ang hanay na sinunod? Tseklis sa Paghahanda ng Pagkain Mga
Kaugalian Oo Hindi 1. Inalis ko ang aking relos at alahas. 2.
Naghugas ako ng kamay bago ko hinawakan ang pagkain. 3. Nagdala ako
ng kumpletong kagamitan na kailangan sa paghahanda ng pagkain. 4.
Hinuhugasan ko ang mga kagamitan bago ko sinisimulan ang
gawain.
16. V. Takdang-Aralin: 1. Sundin ang wasto at matipid na paraan
ng paghahanda ng pagkain. 2. Magdala ng lulutuin ang bawat
pangkat.
17. EPP V Date: _____________ I. Layunin: Nakapagdudulot ng
pagkain sa buong mag-anak sa wastong paraan at may kasiyahan. II.
Paksa: Pagdudulot ng Pagkain Sanggunian: ELC, A2.2.4.5 pah.8
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Kagamitan:
larawan ng kagamitan sa pagdudulot ng pagkain III.Pamamaraan: A.
Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Anu-ano ang wastong pamamaraan sa
paghahanda ng pagkain? 2. Pagganyak: Magpakita ng larawan ng
hapag-kainan na nakaayos. Ipalarawan ito sa mga bata. B. Panlinang
na Gawain: 1. Paglalahad: Ipakita ang mga kagamitan sa pagdudulot
ng pagkain. Isagawa ang aktuwal na mga hakbang sa pagdudulot ng
pagkain sa hapag-kainan. Pangkatang Gawain Pangkat I - Istilong
Pampamilya Pangkat II - Buffet o Bupey o Impormal Pangkat III -
Russian o Pormal 2. Pagtatalakay: Pagsasagawa ng bawat pangkat sa
pagsubaybay ng guro. Isa-isahin ang gawaing pangkalusugan at
pangkaligtasan sa paggawa. 3. Paglalahat: Tiyakin na maayos at
maganda ang paglalagay at pagdudulot ng pagkain. Sa bawat okasyon
gamitin ang ibat ibang paraan ng pagdudulot ng pagkain. 4.
Paglalapat: Paano idudulot ang buffet, formal at pampamilya? IV.
Pagtataya: Gamitin ang iskor kard sa paggawa. Mga Kaugalian Oo
Hindi 1. Kumpleto ba ang mga kagamitan na kailangan sa pagluluto.
2. Malinis at maingat ba ang pagkatuto sa mga sangkap ng pagkain.
3. Wasto ba ang pagkakasunud-sunod ng pagluluto sa mga putahe? 4.
Natapos ba sa sapat na panahon ang pagluluto sa mga putahe? 5.
Masarap at maganda bang tingnan ang nilutong pagkain? V.
Takdang-Aralin: Magsanay sa pagdudulot ng pampamilyang istilo?
18. EPP V Date: _____________ I. Layunin: Naipakikita ang
kasiyahan sa paggawa paglilinis ng pinaglutuan at ng hapag-kainan
ng mgay kasiyahan. II. Paksa: Paglilinis ng Pinaglutuan at ng
Hapag-Kainan Sanggunian: BEC. B. 8.8 d.68 Makabuluhang Gawaing
Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Kagamitan: Mga larawang nagpapakita
ng wastong pagliligpit paghuhugas ng pinaglutuan at hapag-kainan.
III.Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral: Tinatawag ng
dalawang bata upang ayusin ang isang cover. 2. Pagganyak:
Pagkatapos magluto at kumain ang mag-anak, ano ang gagawin sa
pinaglutuan, hapag- kainan? Sino ang gagawa nito? Naranasan naba
ninyong magligpit, maglinis at maghugas ng mga pinaglutuan at
pinagkainan. B. Panlinang na Gawain: 1. Paglalahad: Pag-aralan ang
mga larawan. Anu-ano ang ipinapakita ng bawat isa? Pag-uulat ng
isang pangkat sa paglilinis ng pinaglutuan at ikalawang pangkat sa
paglilinis ng hapag-kainan. 2. Pagtalakay: Pagsunud-sunurin ang mga
pamamaraan sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkainan. IV.
Pagtataya: Piliin ang titik ng wastong sagot. 1. Huwag ibabagsak
ang ulo ng makina sapagkat maaring _____________ ang mga bahagi
nito. a. humaba b. lumuwag c. tumibay 2. Punasan ang basahang may
__________ upang maalis ang alikabok at himulmol ng sinulid sa
makina. 3. ______________ ang makinang matapos gamitin upang hindi
ito maalikabukan. a. takpan b. buhatin c. walisan V.
Takdang-Aralin: Magsanay tumapak at magpaandar ng makina.