Eteeap Fil Modyul 1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Moduloe

Citation preview

EXPANDED TERTIARY EQUIVALENCY EDUCATION AND ACCREDITATION PROGRAM

MARIA CECILIA M. JALBUENA, MAEd Assistant Professor IVEmail address: [email protected]

FILIPINO MODYUL 1

1. WIKA, DEPINISYON, KAHALAGAHAN, KATANGIAN AT GAMIT NITO MGA DEPINISYON NG WIKA

1. Binubuo ng mga simbolikong salita na kumakatawan sa mga bagay at pangyayaring nais ipahayag ng isang indibidwal sa kanyang kapwa (Cruz, 2002).2. Paraan ng pananagisag o pagbibigay-kahulugan sa mga tunog ng mga bahagi ng katawan sa pagsasalita upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan ng iba (Tumangan, 1997).3. Paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal para makapagpahayag (Bouman, 1990).4. Kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang itinuturing na komunidad. Naririnig at binibigkas na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na mga sangkap ng pananalita (Webster).5. Isa sa pinakadakilang bagay na kaloob ng Diyos sa Tao (Garcia, 2010).6. Napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan (Otanes,1996).7. Itinuturing na ang wika bilang saplot ng kaisipan, gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan (Thomas Carlyle).

KAHALAGAHAN NG WIKA

Ang wika ay isang kodigo ng pakikipagtalastasan na karaniwang ginagamit ng ilang grupo ng tao na kumakatawan sa isang lahi o bansa tungo sa pag-ukit ng isang Malaya at maunlad na bansa o sa pagpapatatag nito. Sa wika nagkakaisa ang kaisipan, damdamin at adhikain ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng wika, naitatala at naihahayag ng tao ang mga karanasan at kasaysayan ng sinaunang panahon. Sa wika, nasasalamin ang mga pangyayari sa lipunang ginagalawan. Naipapahayag ng tao ang kanyang malalim na pag-ibig o galit at pagkasuklam na naging daan ng paghihirap ng kanyang loob. Ang wika ang siyang puno at dulo ng mga pangyayaring kinasasangkutan ng tao sa lipunang kanyang kinabibilangan. Sa pamamagitan ng wika, naikipag-usap at napapalapit ang tao sa kanyang kapwa, bayan, at higit sa lahat, sa ating Poong Maykapal. Bihisan mo man ng hiyas, ginto anumang palamuti sa mundo ang isang tao ay mistula pa ring alipin o damong ligaw kapag ito ay walang masasabing sariling wika.

Tatlong pangkalahatang uri ng kahalagahan ng wika:1. Kahalagahang pansarili. Napapaloob dito ang indibidwal na kapakinabangan. Sa oras na matutuhan ng isang indibidwal ang kakayahang magsalita, kailangan na magamit nang wasto ang wikang kanyang kinagisnan.

2. Kahalagahang panlipunan. Walang alinlangang ang tao ay hindi namumuhay nang mag-isa. Kailangan niya ang kanyang mga kapwa upang bumuo ng isang lipunang sasagisag sa kanilang mithiin, sa kanilang natatanging kultura. Ito ang dahilan kung bakit may ibat ibang lipunan.

Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat; isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa, isang ingat- yaman ng mga tradisyong nakalagak ditto. Sa madaling salita, ang wika ang kaisipan ng isang bansa kayat kailanman, itoy tapat sa panganga- ilangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang mga haka-haka at katiyakan ng isang bansa.

3. Kahalagahang Global/Internasyonal. Ang kahalagahang ito ay kalian lamang ganap na napag-ukulan ng pansin. Maging mainit ang isyung ito nang magkaroon ng 2001 Revisyon ng alfabeto. Maraming nagtaas ng kilay sa paggamit ng letrang F, J, V at Z bilang mga letrang maaari nang gamitin sa pagbabaybay ng mga karaniwang salitang hiram.

Sa paggamit ng apat na letrang nabanggit sa dakong unahan, maraming salita ang papasok sa leksikong Filipino na hindi na kailangan pang baguhin ang ispeling. Pansinin ang ilang salita:

fantofujamvisaovalzebra KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay tunog. Sa pagsisimula ng pag-aaral ng wika ay unang natutuhan ang mga tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa ang pasulat na paglalahad. Ang mga ito ay niririprisinta ng mga titik.

2. Ang wika ay arbitrary. Maraming tunog na binibigkas at ang mga ito ay maaaring gamitin para sa isang tiyak na layunin. (Ang taong mahilig makipagtalo, ay tiyak mahilig magbasa, making at magsuri ng mga pangunahing balita o isyung malimit pag-usapan sa isang umpukan, kailangan maging maingat sa pagpili ng mga salita o pangungusap na kanyang bibigkasin).

3. Ang wika ay masistema. Kung pagsasama-samahin ang mga tunog ay makabubuo ng makahulugang yunit ng salita, gayundin, kung pagsasama-samahin ang mga salita ay mabubuo ang pangungusap o parirala. Ang sistema ng wika ay nakasalalay sa antas na taglay nito..

4. Ang wika ay sinasalita. Nabubuo ang wika sa tulong ng ibat ibang sangkap ng pananalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong, ngalangala at lalamunan. (Ang paglalapat ng labi ay nakalilikha ng tuno na p, b, at m. Ang tunog na t, d at n ay nalilikha dahil sa pagdikit ng sa itaas na likurang bahagi n gating ngipin, atb.5. Ang wika ay nagbabago. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng wika ay patuloy rin itong nagbabago. Bahagi ng pagbabagong ito ang pagkawala sa sirkulasyon ng ibang salita na itinuturing na luma na o hindi na gaanong gamitin tulad ng mga sumusunod:lelong - matandang lalakisalumpuwit- silya o bangko salipawpaw - eroplano

MAHALAGANG KONSEPTO NG WIKA

Ang wikang buhay ay dinamiko, nahuhubog ito ng panahon upang makaagapay sa pangangailangan at makatugon sa kaunlaran. Higit na mabisa ang wika kung ito ay patuloy na umuunlad kasabay sa pagsulong ng kaunlaran ng bayan, edukasyon, lipunan, pulitika, pamahalaan, relehiyon, kultura, komunikasyon at iba pang latangan. Nababakas sa wika ang panahon ng pinagdaanan ng bansa at sa wika rin nakikita ang kaunlaran at katalinuhan ng isang bayan (Rodrigo, 2001). Ang wika ay may sariling kaangkinan at kakanyahan. Dahil sa sariling katangian, ang wika ay nagkakaroon ng ibat ibang anyo o varayti.

DAYALEKTO Ang dayalekto ay wika ng tao noong siya ay natutong magsalita. Ito ang wikang ginagamit sa tahanan ng isang pamilya, ang wikang ginagamit sa limitadong pook o pamayanan. Maaaring ang wikang ito ay hindi pa gaanong maunlad at maayos, halimbawa ang Tagalog na ginagamit sa ibaibang lalawigan na nakapaligid sa Metro Manila gaya sa Bulacan, Batangas, Bataan, Kabite, Laguna, Rizal at Quezon. Makikita ang paggamit ng salita, pagbuo ng pangungusap at sa tono o intonasyon. Ang dayalekto, katulad ng tinatawag na bernakular. Maaring mali ang istruktura at iba ang mga salita ngunit ang mga gumagamit ay nagkakaintindihan at nagkakaunawaan.

Ang dayalekto sa ibang libro ay mas tradisyonal, ang tawag dito ay wikain. Ang Tagalog ay wika at bilang isang wika, nagkakaroon ng varayti ayon sa lugar na ginagamit ito, kasama na rito ang punto, bokabularyo o pagkakabuo ng mga salita (Zafra at Constantino, 2001).

PITONG TUNGKULIN O GAMIT NG WIKA (Halliday)

1. Instrumental - pagpapakilos sa taong kausap( panghihikayat, pag-uutos)2. Interaksyonal- pakikipag-kapwa, pakikisalamuha (pagbati/pagngiti)3. Personal - pagpapahayag ng damdamin o katauhan (pagkaaliw, pagkagalit)4. Representasyonal pagpapahatid ng mensahe, pangyayari, kaalaman ( pagtatalumpati)5. Regulatori pagpapahayag na kasangkot ang sarili at ang kapwa (pakikipag-usap, pagbibigay direksyon at pagtataya)6. Imahinasyon paglikha ng tula, maikling kuwento at iba pa (kasangkot ang pagkatha ng isang bagay sa pamamagitan ng imahinasyon)7. Hyuristiko - pagkuha ng impormasyon kaugnay ng paksang pinag-aralan (interbyu, pagbabasa ng aklat at pahayagan)

LIMANG TUNGKULIN AT GAMIT NG WIKA (Gordon Wells)

1. Pag-kontrol sa kilos o gawi (Controlling Function) pakikiusap, pag-uutos, pagmumungkahi, pagpupunyagi, pagtangi, pagbibigay babala.2. Pagbabahagi ng damdamin (Shared Feelings) pakikiramay, pagpuri, pagsang-ayon sa pahayag, pglibak, paninisi, pagsalungat.3. Pagbibigay o pagkuha ng impormasyon (Getting Information) pag-uulat, pagpapaliwanag pagtutukoy, pagtatanong, pagsasagot.4. Pagpapanatili sa pakikipagkapwa at pagkakaroon ng interaksyon sa kapwa (Ritualizing) pagbati, pagpapakilala, pagbibiro, pagpapasalamat, paghing, ng paumanhin at iba pa.5. Pangarap/paglikha (imagining/Creating function) pagkukwento, pagsasagula, pagsasatao, paghula.

MGA ANTAS NG WIKA

Sa pamamagitan ng wikang ginagamit, nakilala ang kultura, ugali at kilos ng isang tao at mababakas ang lipunang ginagalawan, antas na kinabibilangan at pinag-aralan. Ang wika ang nagpapakilala ng kaisipan, kinagigiliwang gawin o libangan, pilosopiya sa buhay ng isang tao dahil paraan ng paggamit ng wika at paano ginagamit ang wika. Ang salitang mabigkas ay hindi mababawi o maaalis ngunit maaaring palitan. Likas sa tao ang kanyang wika, kaya ito ang nagpakilala ng kanyang pakatao, pasalita man o pasulat.

1. Pormal - Maituturing na pormal ang isang wika kung ang mga salitang ginagamit ay malawakang kinikilala ng pamayanan, ng bansa o maging ng mundo. Sa kadahilanang ito, tinatanggap ang mga salitang ito ng nakararaming dalubhasa, nakapag-aaral o nagtuturo ng wika.a. Pampanitikan - Ito ang pinakamataas na antas ng wika. Dito makikita ang kagandahan, yaman, retorika at kariktan ng wika. Ginagamitan ito ng mga idyomatikong pagpapahayag, tayutay, salawikain. Dito rin makikita ang kagandahan at masining na pagpapahayag ng damdamin ng pagsulat, kagaya ng tula, nobela, maikling kuwento, sanaysay at iba pa. Ginagamit din sa mga pormal na panayam o usapan.b. Pambansa Wikang ginagamit bilang lengua-franca ng bansang Pilipinas. Nasa ganitong antas sapagkat umabot na sa pagiging opisyal na wika ng ating bansa. Sapagkat pambansa, nararapat ituro sa mga paaralan.

IMPORMAL

a. Balbal Pinadinamiko sa lahat ng antas ng wika sapgkat ito ang pinakamabilis magbago o magpalit ng anyo, na hindi kontralado at sibilisado. May kagaspangan ang mga salita. Ito ay salitang kalye o salitang kanto. Salitain ng mga kabataan na dagli ring nawawala, sapagkat pana-panahon, sumisikat, maaaring nawawala at hindi nagtatagal.

1.1. Pagbuo ng salita na binibigyan ng sariling kahulugan

Salita Kahulugan Syota katipan/kasintahanBeki bakla Atik peraJowa asawa Tsibog kainMacho lalaking-lalaki 1.2 Pagpapaikli

SalitaKahuluganKano AmerikanoMunti muntinlupaPa pakialam Ma malay1.2. Panghihiram at pagpapaikli

SalitaKahuluganAmboyAmerican boyAnggeAmerican girlPromdifrom the province

b. Lalawiganin Wikang ginagamit sa tiyak na pook, tiyak na panahon. Ito ay dayalekto ng isang wika. Maaaring mali ang gamit ng salita, mali ang panahunan, mali ang bigkas ngunit nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang nag-uusap. Maaaring naiiba ang tono o intonasyon. Hal. Nagbili ka ba ng tinapay? Imbis na, Bumili ka bang tinapay? c. Kolokyalismo ang wikang ginagamit sa mga usapang impormal sa bahay, sa mga kaibigan sa paaralan. Hindi maingat na paggamit ng wika at hindi pinapansin ang wastong gramatika o ayos ng pangungusap. Ginagamit din ito sa mga dayalogo sa kuwento kung karaniwan ang tagpuan o taugan na inilalarawan o nais bigyang buhay ng may akda.

Halimbawa: May talk ako mamaya. Nice naman ng boses mo.Type kita.

PAGSASANAY BLG. 1

Ilagay sa isang mahabang typewriting na papel.

1. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng wika. (20 points)

ANG ALPABETO AT ORTOGRAPIYANG FILIPINO

Hindi pa man nakakarating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon ng sariling paraan ang pagsulat ng ating mga ninuno. ALIBATA ang tawag sa unang paraan ng pagsulat na maaaring nakasulat sa mga dahon, kawayan o nakaukit sa mga puno o sa mga bato. Ito ang nagpapatunay na ang mga Pilipino ay may sariling kultura, edukasyon at sibilisado bago dumating ang mga kastila.

Sipol ang tawag sa ginagamit na panulat, gawa sa isang kawayan o kahoy. Ang ALIBATA ay may 17 simbolo, 3 ang patinig (a,e,u) at 14 ang katinig (ba, ka, da, ga nga, la, ma, na, pa, ha, sa, ta, wa, ya). Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, sinunog ang lahat ng bakas ng sibilisasyon at sinikap na mabago ang kultura at pamumuhay ng mga katutubo. Ang paraan ng pagsulat ay isa sa binago mula sa Alibata ay pinalitan sa paraang Romano. Nababakas ang impluwensya ng mga Kastila sa mga akda sa nasulat sa kanilang kapanahunan.

Ang alpabetong Romano ay binubuo ng 29 na letra sa panahon ng Kastila: A B C D E F G H I J K L LL M N N O P Q R RR S T U V W X Y Z (Rodrigo,2009)

Alpabetong Tagalog

Ang Abakadang Tagalog ay binubuo ng limang (5) patinig (a, e, i, o, u) at labinglimang (15) katinig ( b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, at y).

Mga Tuntunin ng Alpabeto ng Wikang Pambansa

Noong Oktubre 4, 1971, ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay nagsagawa ng pagbabago sa Alpabetong Tagalog at tinawag itong Modernisasyon ng Alpabeto ng Wikang Filipino. Ang pagsusulong nito ay nakatulong sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa. Ayon sa SWP, ang 20 letra ay nakapagpabagal sa proseso ng pagpapaunlad ng Wikang Pambansa kaya kailangang magkaroon ng reporma. Nagpalabas ng Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Filipino sa pamamagitan ng Memorandum ng DECS BLG. 194, noong 1976. Ang dating 20 letra ay naging 31 na. Ang mga letrang c, ch, f, j, ll, n, q, rr, v x, at z, ang mga idinagdag na letra. Ang layunin ng pagdaragdag na ito ay upang mapaunlad pa ang ating wika.

Batay sa mga isinagawang simposyum sa repormang ortograpiko at bilang tugon sa implikasyon ng Konstitusyon ng 1987, binuo ang mga tuntunin sa ispeling o pagbaybay.

Ang Alpabetong Filipino. Bubuuin ng 28 letra ang alpabetong Filipino na ang ayos ay ganito:A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, , NG, O, P, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z.

Sa 28 letrang-alpabeto, ang 20-letrang orihinal na abakada: Gamitin ang A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y, at walong (8) letrang dagdag ditto (C,F,J,N,Q,V,X at Z) na galling sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Ang ngalan ng mga letra. Ang tawag sa mga letra ng alpabetong Filipino ay ayon sa tawag-Ingles maliban sa N (enye) na tawag-Kastila.Ang Pagbasa sa mga Letra. Ayon sa bigkas-Ingles ng mga Pilipino maliban sa (enye) na tawag-Kastila ang tawag sa mga letra na alpabetong Filipino.

A,B,C,D,E,F,G,H,I, J K L M Ey bi si di I ef ji eyts ay jey key el em

N N NG O P Q R S T U V W X Y Z En enye endzi o pi kyu ar es ti yu vi dobolyu eks way zi

Patnubay at Mga Tuntuning Panlahat sa Ispeling

Una.Sa pangkalahatang pagbabaybay ng mga karaniwang salitang Filipino, hiram man o katutubo, sinusunod ang simulaing kung ano ang bigkas ay gayon din ang baybay. Halimbawa:Katutubo:bundok, ilog, sampalatayaKastila:bintana, silya, makinaIngles:magasin, bolpen, balibol Latin:kurikulum, awditoryum, akwaryumPranses:bunggalo, tralet, bupey

Ikalawa. Ang dagdag na walong titik C, F, J, , Q, V, X, Z, ay gagamitin sa mga:

a. Pangngalang PantangiHalimbawa:

TaoLugarGusaliSasakyanCarmelitaCanadaJablaza BldgVictory LinerQuirinoLuzonTwin TowersQantas AirlinesExequielVisayasFilipinas HotelDoa MonseratJoelSan FernandoState CondominiumThai AirwaysVinzonJoloJAM LinerFerrerTexasZuigaNovaliches

b. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas

Halimbawa:caao(panseremonyang sayaw ng Igorot)mosque (pook dalanginan ng mga Muslim)hadji(lalaking Muslim na nanggaling sa Mecca)ifun(pinakamaliit na banak)vutfa(mumu-butil ng kaning tira pagkatapos kumain)vakul(panakip sa ulo na yari sa kugon)azan(unang panawagan sa pagdarasal)

Pangatlo. Ang mga salitang banyaga na ginagamit sa Filipino ay sinusulat nang alinsunod sa baybay nito sa wikang pinanghiraman.Halimbawa:diskette, betamax, stereo, coach, video, cassette, xerox

Pang-apat. May ilang salitang hiram na maaring baybayin sa dalawang kaanyuan ngunit kailangan ang konsistensi sa paggamit.

Halimbawa:KomonweltCommonwealthBaranggaybarangayKonggresokongreso

Panglima. Hinihiram nang walang pagbabago ang mga salitang pang-agham at teknikal, gayon din ang simbolong pang-agham.Halimbawa:Pang-agham at Teknikal Simbolo ZnO (Zinc oxide)Fe (bakal)F (Fluorine)x-rayLatexC (uling, carbon)

Pang-anim. Ang mga salitang may magkasunod na patinig ay maaring baybayin sa dalawang kaanyuan ngunit kailangang may konsistensi sa paggamit nito.

Magkasunod na patinigHalimbawa

1. ia - ya o iyadiario - dyaryo - diyariyo Biblia - biblya - bibliya 2. ie - ye o iyebiernes - byernes - biyernes

3. io - yo o iyoleccion - liksyon - liksiyon 4. ua - wa o uwacuaderno - kwaderno - kuwaderno 5. ue - we o uwesuerte - swerte - suwerte

6. ui - wi o uwi buisit - bwisit - buwisit

PAGSASANAY BLG. 2

A. Sagutan kung tama o mali ang mga pangungusap. Kapag tama, isulat ang T. Kapag mali, isulat ang M.

____________ 1. Ang salitang banyaga ay maituturing na salitang hiram.____________ 2. Hindi na kailangang baybayin kapag ang salita ay magkasunod na patinig. _____________ 3. Ang walong dagdag na letra ay hindi naman mahalaga sa pag-unlad ng wika.______________ 4. Ang vakul ay salitang katutubo na pantakip sa ulo na yari sa bulaklaking mga tela.______________ 5. Mayroong dalawamput walong (28) letra ang makabagong alpabeto.______________ 6. Alibata ang tawag sa matandang alpabeto.______________ 7. Ang walong dagdag na letra ay sa pangalang pantangi lamang kailangang gamitin. ______________ 8. Ang alibata ay may 15 simbolo.______________ 9. Sipol ang tawag sa panulat na gawa sa kawayan noong unang panahon.______________10. Naging masigasig ang mga Kastila sa pagtuturo ng wikang Espanyol.

B. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng salitang panghihiram? At bakit kailangang manghiram ng wikang dayuhan ang mga Filipino? (10 pts.)

2. VARAYTI NG WIKA/ VARYASYON NG WIKA

1. Nagkakaroon ng pagbabago ang wika batay sa ibat ibang sitwasyon gaya ng pook, antas ng buhay, propesyon o pinag-aralan at lipunang ginagalawan o kinabibilangan.

a. Istandard na Dayalekto Ang wikang ginagamit na katanggap-tanggap sa lahat ng antas ng lipunan sa mga pormal na usapan, paaralan, unibersidad, pamamahayag o broadcast o anumang pagpupulong.

b. Idyolek Nagpapakilala ng kakayahan ng nagsasalita bunga ng kaalaman, karanasan o pag-aaral, paraan ng pagsasalita o uri ng wikang ginagamit, timbre ng boses o kwaliti ng boses o paboritong ekspresyon ng nagsasalita.

Halimbawa: as a matter a factby the wayanoexactlyalrightokayactually

Maaaring makilala mo ang nagsasalita kung sino siya, kagaya ng dating Pangulong Ramos, Pangulong Cory Aquino o maging si dating Pangulong Joseph Estrada, ayon sa timbre ng kanilang boses.

c. Dayalektong pampook ang mga salita ay nagkakaiba-iba sang-ayon sa pook na pinagmulan.Halimbawa: BatangasBulacanmercadopalengkeapuyanpospororepinadoasukalmalibagmarumimabanasmainitamargosoampalaya

d. Dayalektong Pamanahon Ang wika ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang panitikan na nasulat sa panahon nina Balagtas, Rizal, Lope K. Santos ay naiiba sa kasalukuyang panahon. Maliban sa nabagong istruktura, maligoy ang mga pangungusap at may mga salitang hindi na ginagamit sa pagsasalita at pagsulat.Halimbawa: sinisintaminamahal kaisang dibdibasawa marikitmaganda dambanaaltar

e. Dayalektong Sosyal o Panlipunan.Halimbawa:may hika, asthmamay allergymahina ang isip o matalinospecial childsasakyanwheelstunog o musikasounds

Walang ganda ang mundo kung walang pagkakaiba-iba o varayti. Bawat wika ay may sariling henyo o likas na kakayahan. May kapasidad itong bunuo ng mga salita, kakaibang mga pardon, paraan ng pagsasama ng mga grupo ng salita para makabuo ng pangungusap at sailing pananda ng diskurso.

Ang varayti ng wika ay isang maliit ng grupo ng pormal na makabuluhang katangian na nauugnay sa particular na katangiang sosyo-sitwasyonal. Hinati ni Cattford ang varayti ng wika sa dalawang malalaking uri. Una, ang humigit kumulang ay permanente para sa tagapagsalita/tagabasa (performer) at ikalawa, ang humugi-kumulang ay pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.

Ang mga varayting permanente ay binubuo ng idyolek ay dayalekto. Idyolek ang varayti ng wikang kaugnay sa personal na kakanyahan ng tagapagsalita; ang varayti ng wikang ginagamit ng particular na indibidwal. Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idiyosinkratikong katangian na istatistikal tulad ng tendensiyang gumamit ng particular na bokabularyo ng napakadalas. Permanente na humigit- kumulang, ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang.Dyalekto naman yaong varayting batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Kayat may tinatawag na diyalektong heograpiko, diyalektong temporal at diyalektong sosyal. Ito ay varayti ng wika na nakikita sa pormal o substantibong katangiang kaugnay ng pinanggalingan ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal.

VARAYTI NG WIKA SA KATAGALUGAN

Tagalog ang wikang ginagamit sa Maynila at dahil sa ang Maynila ang kabisera ng Pilipinas, ang naturang wika ang napiling sandigan ng ebolusyon at adapsyon ng pambasang wika at ginawa pa ring sa opisyal na wika ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ang Kamaynilaan, kasama ng Bulacan, ay maituturing na pinakasentrong Tagalog. Samantala, may iba pang mga lalawigang malayu-layo sa Maynila, gaya ng Batangas at Quezon na gumagamit din ng Tagalog subalit naiiba sa bigkas, tono at kahulugan. Ang Batangas at Quezon at mga karatig na lalawigan ay nasa katimugan kayat silay halos magkakapareho ng gamit.

Narito ang ilang paghahambing:

A. Magkaibang salita ngunit magkasinghahulugan

KatimuganSentrong Tagalogbabagawaypanospositampiyasanggimabanasmaalinsanganhumiyawsumigawbahogkalatmaalwanmaginhawa

B. Magkakaparehong kahulugan

TagalogIlocanoBicolPampangoCebuano

magandanapintasMagayonmalaguguapa

dalagabalasangDaragadalagadalaga

ilongagongIrongarungilong

maitimnangisitMaitummatulingmaitum

kilaykidayKiraykilekilay

pagkainnakanPagkaonpamanganpagkaun

niyogniogNiogngutngutlubi

babaebabaiBabayibabaibabaye

kamayimaKamotgamotkamot

tubigdanumTubidanumtubig

bahaybalayBalaybalebalay

PAGSASANAY BLG. 3

A. Panuto. Kilalanin kung anong tungkulin at gamit ng wika:a) Pagkontrol sa kilosb) Pagbabahagi ng damdaminc) Pagbibigay o pagkuha ng impormasyond) Pagpapanatili sa pakikipagkapwa e) Pangarap o paglikhaIsulat ang letrang kasagutan sa patlang.

______________ 1. Sino ang bibigyan natin ng pardon sa mga bilanggo? ______________ 2. Binabati kita, talagang mahusay ka.______________ 3. Pasensya ka na, wala talaga akong pera.______________ 4. Kung nakinig ka lang sa akin, di ka mapapahamak.______________ 5. Marami ang naghihirap ngayon dahil sa bagyong dumaan.______________ 6. Maraming tao sa panahon ngayon ang bumabalewala sa kapaligiran.______________ 7. Maging alerto ka kapag tumatawid ka sa kalsada.______________ 8. Hindi ko sinasadya, ipagpaumanhin ninyo.______________ 9. Ipinagmamalaki ko ang pagiging bayani mo.______________ 10. Batay sa aking nakita, talagang magalling na boksingero si Manny Pacquiao. B. Sagutan kung anong antas ng wika ang mga sumusunod: (balbal, lalawiganin, kolokyalismo o pampanitikan)

__________________________ 1. So, sad sakit naman.__________________________ 2. Astig mo!__________________________ 3. Mabanas ga?__________________________ 4. Kailangang gawin ninyo ang mga proyektong ibinigay ng guro.__________________________ 5. Yayao na kami.__________________________ 6. Lulunin mo muna ang banig bago ka umalis.__________________________ 7. Nandyan na ang syota mo!__________________________ 8. Lalaklak ka na naman.__________________________ 9. Naarok ko ang damdamin ng magandang dalaga.__________________________ 10. Feel na feel ko ang sinabi niya.

3. ANG RETORIKA SA PROSESO NG MABISANG PAGPAPAHAYAG

RETORIKA

Higit ang kabihasaan ng pagpapahayag kung makikita ang kasiningan sa tulong ng paglalakip ng wastong gramatika at angkop na retorika sa mga pangungusap. Ang kasiningan ng pagpapahayag ay maipamamalas sa paggamit ng angkop at tamang mga salita at parirala sa loob ng pangungusap batay sa kahulugan at damdaming nais ipaabot ng nagsasalita o nagsusulat. Magiging mabisa lamang ang anumang pagpapahayag na pasalita o pasulat kung may kasiningan, kawastuhan at kagandahan ang pagpapahayag malaking tulong ang pag-unawa sa pag-aaral ng RETORIKA.

DEPINISYON NG RETORIKA

Ang Retorika ay galing sa salitang rhetor na mula sa wikang Griyego na ang ibig sabihin ay guro o isang taong mahusay na manalumpati o isang mahusay na orador. Sa malalim na pagtalakay, ito ay tumutukoy sa sining at agham maging pasalita o pasulat na pagpapahayag.

Sa pagdaan ng panahon ang retorika ay lalong lumawak at naging mahalaga nang maimbento ang mga limbagan na lalong nagpalawak sa larangan ng pagsulat dahil dity mas lalong nakilala sa ngayon ang retorika sa larangan ng pagsulat kaysa sa sining ng pagtatalumpati.

Nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa isang isla ng Syracuse sa bansang Sicily noong Ikalimang siglo bago pa dumating si Kristo (Ika-5 B. C.), matapos bumagsak ang pamahalaang diktatoryal, ang mga mamamayan ay binigyan ng pagkakataong ipaglaban sa korte ang karapatan sa kanilang mga lupain na kinuha ng mga nagdaang rehimen.

Si Socrates, kinikilalang retorisyan, ay nagtatag ng sariling paaralang nagtuturo ng istilo ng pagtatalumpati. Ayon sa kanya, ang talumpati ay kailangang magtaglay ng maiindayog at magagandang pagkakatugma ng mga salita sa isang paraang tuluyan at prosa na kinakikitaan ng mga maiikli subalit malaeleganteng nakabiting pangungusap na nagtataglay ng kasaysayan at pilosopiya. Nabanggit din ni Socrates na ang kahulugan ng retorika ay isang siyensya o agham ng panghihimok o panghihikayat.

Sa retorika ni Aristotle, sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat. Lumikha siya ng ideya na probabilidad o maaaring mangyari sa pamamagitan ng panumbas na retorikal sa lohikong kaisipan o ideya; ang enthymeme na kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa medyor na batayan na sa halip na silohismo ay magmumula sa unibersal na katotohanan, isa sa magandang halimbawa ditto ay ang pangangatwirang pabuod at induktibo. Ayon pa rin sa kanya, ang retorika ay ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan ng panghimok.

ANG BAGONG RETORIKA

Ayon kay Sr. Jose Villa Panganiban, ang retorika ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig.

Sa aklat ni Simplicio Bisa, ang retorika ay sining ng mabisa at magandang pagpapahayag na sumasaklaw sa maraming sangkap na may kaugnayan sa pagsusulat gaya ng pananalita, himig, kultura, at kalinawan ng pagpapahayag. Dagdag pa ni Bisa, ang retorika ay isang sining o agham sa pagsulat ng kathang pampanitikan.

Ayon naman kay Sebastian, ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita.

Para kay Dr. Venancio Mendiola, ang kaayusan ng salita ay dinidikta ng gramatika at ang pagpili ng salita ay retorika. Iniuutos ng gramatika ang tamang paggamit ng salita upang mabuo ang pangungusap na gramatikal; iminumungkahi ng retorika ang pinakamabisang paggamit ng mga salita, upang makapaghatid ng pinakamabisang mensahe. Ang kabisaan sa bawat pahayag o kaso ay sinusukat sa labas o dating ng mensahe sa nakikinig o nababasa.

MGA SANGKAP NG RETORIKA

Sa anumang pagpapahayag, ang retorika ay kailangang magtaglay ng mga kasangkapang ito upang maging mabisa ang pagpapahayag.

Ito ay ang mga sumusunod:

1. Kaisipang Nais Ipahayag. Mahalaga na bago pa tayo magpahayag ay may mga ideya na tayong naiisip na nais nating ipahayag sa mga nakikinig o mambabasa. Kung walang paksa, wala ring mabubuong ideya o kaisipan.

2. Pagbuo ng mga Pahayag. Dito nakasalalay ang lubos na pag-unawa ng mga mambabasa o nakikinig. Kailangang ang mga salita o pangungusap na gagamitin ay makatutulong upang makabuo ng isang diwa o isang pagpapahayag. Ang mga pananalitang hindi makatutulong sa pag-unlad ng diwa o paksa ay dapat ng alisin o tanggalin sapagkat itoy maaring magdulot lamang ng pagkalito o di pagka-unawa sa nais ipahayag.

3. Ang Istilo ng Pagpapahayag. Bawat manunulat ay may kanya-kanyang istilo o pagpapahayag. Ang pagkakaiba-iba sa paraan ng pagpapapahayg ay masasalamin sa kanyang istilo ng pagsulat. Ang payak subalit epektibong mga salita ay makatutulong nang malaki sa paglikha ng isang akda. Dito nakabatay ang tamang paggamit ng wastong balarila.

KAHINGIAN/CANONS/DIVISYON NG RETORIKA

Ang retorika ay nahahati sa mga sumusunod:

1. Imbesyon

Sa bawat pagdaan ng panahon ay may sinisilang na manunulat, may mga bagong imbensyon na niyayakap natin tulad ng pag-usbong ng mga hi-tech na kagamitan gaya ng cellphone, texting, i-pod at iba pa. Kaalinsabay ng mga imbensyong ito, kasabay ding bumubulusok ang mga salita o pananalitang kaakibat ng pagbabago ng panahon at nagbabago din an gating pananalita. Nakakaimbento tayo ng mga katawagang umaakma sa ating panahon tulad ng message sent, teksbak, music player at iba pa.

2. Pagsasaayos

Sa larangan ng pagsasalita at pagsulat, nangangailangan ng kaayusan sa paggamit ng mga pananalita o balarila upang makinis at malinaw ang pagpapahayag. Kailangang nakahayag ang mga ideyang nais iparating. Tulad halimbawa ng paggawa ng isang talumpati, kailangang nakahanay o nakaayos ang mga ideya sa bawat talata na tulong-tulong sa pagbuo ng isang kaisipan. Bawat talata ay may kaugnayan sa bawat isa upang makabuo ng isang diwa. Ang bawat bahagi nito ay nakalahad nang maayos.

3. Estilo

May isang manunulat na nagsabing ang istilo ay nasa tao. Ibig sabihin, nasasalamin sa kanyang sinusulat ang kanyang pagkatao halimbawa kung ang manunulat na iyon ay hiwalay sa asawa, kadalasan ang kanyang mga akda ay tumatalakay sa kapangyarihan ng isang babae kaysa sa lalaki sapagkat sumasalamin ito sa buhay ng manunulat. Ang mga bagay na ito ag nagpapasya sa kanyang pagpili ng mga salitang gagamitin at kung paano niya mabibigyang-buhay ang kanyang akda sa tulong ng mga pananalitang maaring gamitin sa kanyang pagsulat.

4. Memorya

Sa pagpapapahayag maging pasalia man o pasulat, ang mga ito ay nangangailangan ng memorya. Ang memorya ay mga nakaimbak na kaalaman at karanasan nang sa gayoy maipapahayag natin ito ng mabuti. Ang ating isipan ang siyang nagdidikta sa ating sarili kung ano ang dapat isulat o dapat sabihin. Kapag nagawa n gating isipan ang mga bagay na ito, diretso itong titimo sa ating sarili at makagagawa tayo o makalilikha ng akda na bunga ng ating memorya. Wala tayong magagawa kung ang ating memorya ay ayaw gumana o lumikha ng mga bagay na nais nating likhain.

5. Paghahatid

Isa sa ginagampanan ng retorika ay ang maghatid ng mga ideya sa mga tagapakinig o mambabasa kasama ang manlibang o manghikayat sa pamamagitan ng pakikinig o pagsasalita. Maihahatid ang mga ito sa mabisa at kaakit-akit na pananalita sa tulong ng balarila o gramatika at pananalitang pampanitikan. Ang mga nakita, nabasa, narinig, naranasan ay mga bagay na makatutulong sa paghahatid ng mga magandang ideya o kaisipan.

Saklaw ng Retorika

Upang higit na maunawaan kung ano ang retorika, ipinakikita sa dayagram ang mga saklaw nto:

RETORIKA

Wika SiningPilosopiya LipunanPanahon at Sitwasyon

1. Ang retorika ay gumagamit ng wika maging pasalita o pasulat. Ginagamit ang wika upang bigyang-buhay ang isang ideya. Ito ang nagpapaantig sa ating damdamin, pinalulungkot, pinasasaya o pinagagalit tayo bunga ng paggamit ng mapanlikhang pananalita.

2. Mula sa ating imahinasyon ay napapagana natin ang ating isipan dahil dito ay nakalilikha tayo ng isang sining.

3. Ang isang tao ay maaring maging pilosopikal ngunit kailangan din niyang maipakita na ang kanyang katwiran ay katanggap-tanggap sa ibang tao.

4. Lahat tayo ay kabilang sa bawat lipunang kinabibilangan kung kaya kailangang isaalang-alang din natin ang kapakanan ng ibang tao sapagkat iisa lamang ang mundong ating ginagalawan. Ito ang tungkuling ginagampanan ng retorika sa atin.

5. Anumang laranganang ating kinabibilangan, responsible tayo sa tamang pagpapahayag na hindi makasasakit sa damdamin ng ibang tao. Sa madaling salita, kailangang gumamit tayo ng mga angkop na pananalta na nakabatay sa panahon at sa sitwasyon ng ating kausap.

PAGSASANAY BLG. 4

I. Tukuyin ang mga sumusunod ayon sa hinihingi ng pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Ang retorika ay mula sa salitang Griyego na ____________________________.2. Higit na nakilala ngayon ang retorika kaugnay ng sining ng pagsulat kaysa sining ng ______________________________.3. Ayon kay ________________________________, ang retorika ay ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok.4. Ayon kay _________________________________, ang retorika ay isang siyensya o agham ng paghimok o pagsang-ayon.5. Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa isang isla sa Syracuse sa bansang _______________________________________ noong ika-5 siglo.6. Ang nagtatag ng sariling paaralan na nagtuturo ng istilo ng pananalumpati ay si ________________________________.7. Ginagamit ang __________________________ upang bigyang-buhay ang isang ideya.8. Nakalilikha tayo ng isang __________________________ mula sa ating imahinasyon.9. Ang isang tao ay maaring maging ________________________________ .10. Ang lahat ng tao ay kabilang sa iisang _____________________________ dahil iisa lamang ang mundong ating ginagawalan.

II. Pagtiyak sa Pag-unawa

1. Bakit itinuturing na isang sining at agham ang pag-aaral ng retorika? (10 puntos)2. Gaano kahalaga ang mga sangkap ng retorika para maging mabisa ang pagpapahayag? (10 puntos)

1. ANG MGA TAYUTAY (FIGURE OF SPEECH)Madalas hindi natin nauunawaan na sa bawat salitang lumalabas sa ating bibig, nagbibigay ito ng pagpapala o sumpa. Ang kagandahan ay hindi lamang panlabas, kundi naglalarawan din ito ng kagandahan ng kalooban. Wika ang nagdadala sa ating pagkakakilanlan, wika rin ang sumasalamin sa ating pagkatao. Anumang lalabas na salita o wika sa ating bibig, tiyak na ito ay nanggagaling sa ating mga puso. Sa pagsasalita, di nawawala ang pananayutay. Ano nga ba ang Tayutay?

Ang tayutay ay mga matalinghagang salita o pahayag na nagbibigay ng mabisang kahulugan upang higit na maging mabisa at makulay ang isang paglalarawan.

Mga Uri ng Tayutay 1. Pagtutulad (Simili)Ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa.Ito ay ginagamitan ng mga salitang tulad ng: gaya ng, para ng, kapara, kawangis, tila, katulad.

Halimbawa: Ang lalaking iyon ay parang asong ulol kapag nagagalit. Animo isang maliwanag na bituwin ang ngiti ng dalagang iyon.

2. Pagwawangis (Methapor)Gaya ng pagtutulad, ito ay naghahambing din, ngunit hindi na ginagamitan ng mga salitang: kapara, kawangis, katulad, gaya ng, tulad ng, sapagkat tiyakan ang paghahabing nito.

Halimbawa: Bakal sa tigas ang kamay ng tatay ko. Sukang Iloko ang amoy ng batang ito.

3. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole)Sobrang pagpapahayag at lampas sa dapat asahan ng kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.

Halimbawa: Nabutas ang bumbunan ko sa lakas ng boses mo. Bumaha ng pera ng dumating ang kanyang ina buhat sa ibang bansa.

4. Personipikasyon o Pagbibigay-katauhan (Personification)Ito ay pagsasalin ng ng talino, gawi at katangian ng tao sa mga bagay-bagay sa paligid natin.

Halimbawa: Lumuha ang langit sa pagkamatay ng aking ina. Bumati ng magandang umaga ang araw.

5. Pagpapalit-tawag o Metonomiya (Metonymy)Pagpapalit katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang salitang meto sa metonomiya ay nangangahulugan ng paghalili o pagpapalit.Halimbawa: Nagngangalit ang bagang (matinding galit) ni Mang Juan nang kainin ng kambing ang kanyang mga halaman. Di mapaliparanguwak (napakalawak) ang bukid na minana niya.

6. Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)Sa pagpapahayag na itoy maaaring banggitin ang bahagi ng bilang pagtukoy sa kabuuan at maaari namang ang isang taoy kumakatawan sa isang pangkat.Halimbawa: Sampung bibig ang umaasa sa akin. Apat na maliliit na paa ang dahan-dahang tumatawid sa tulay.

7. Pagtatanong (Rhetorical Question)Ito ay ginagamit upang tanggapin o di tanggapin ang isang bagay.Ang pagpapahayag na ito ay hindi naghihintay ng sagot.Halimbawa: May ina kaya na makatitiis sa anak? Matiis mo kayang makasama ang isang lalaking mabisyo, taksil, maingay at nambubugbog?

8. Pagdaramdam (Exclamation)Isinasaad ng pagpapahayag na ito ang di pangkaraniwang damdamin.Halimbawa: Namatay ang lalaking iyon na di man lamang nakamit ang kapatawaran ng kanyang ina. Ang kawawang ama, matapos patapusin sa pag-aaral ang anak, ay ikinahiya at itinakwil pa siya.

9. Pagtatambis (Antithesis)Ang pagpapahayag na ito ay bumabanggit ng mga bagay na magkakasalungat upang mapabisa ang pangingibabaw ng isang natatanging kaisipan.Halimbawa: Hindi ko malaman kung ano ang ipapakain ko sa aking bunso, ayaw ng matabang at maalat, ayaw ng malambot at maligat na kanin, ayaw ng mainit at malamig, ayaw ng lutong- luto at malasado. Kay hirap ipagluto ng batang ito.

10. Pagtawag (Apostrophe)Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang dinaramang kaisipan na para bang nakikipag-usap sa isang buhay ng tao o isang taong gayong wala naman na parang naroon at kausap at kaharap.Halimbawa: Araw, sumukat ka naman para makapamasyal naman ako. O Diyos, patawad.

11. Pagtanggi (Litotes)Gumagamit ito ng panangging hindi upang magpahiwatig ng isang makabuluhang pagsang-ayon.Halimbawa: Hindi ko sinasabing magnanakaw ka, pero ikaw lang ang pumasok sa silid na ito. Hindi naman ako sobrang tanga para paniwalaan ko na mahal mo ako, kung lagi mo naman akong sinasaktan. 12. Pag-uyam (Irony)Ang pagpapahayag na ito ay ginagamitan ng mga pananalitang nagungutya sa pamamagitan ng mga salita kung kukuning literal ang kahulugan ay tila kapuri-puri.Halimbawa: Ang galing mong sumayaw, parehong kaliwa ang paa mo.Kay bait mo naman, inubos mo ang pagkaing nakahanda sa mga matatanda.

TAKDANG ARALIN:

Humanap at magbasa ng isang maikling kwento at pumili ng labing-limang salitang patayutay. Isulat sa isang buong papel at isumite sa susunod na pagkikita.

6. PANITIKAN AT ANG MGA PANGKALAHATANG URI NITO

Kahulugan ng Panitikan

Ang panitikan ay mula sa unlaping pang, salitang-ugat na titik at hunlaping an (pang + titik + an) naging panitikan ito ayon sa tuntunin natin sa ortograpiya, alomorp ng panlaping pang at asimilasyon ng t ng titik. Ang panitikan ay panumbas ng Filipino sa literature ng Kastila at literature sa Ingles. Ito ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasan ng ibat ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, takot at pangamba.

Salamin din ito ng lahi, sapagkat masasalamin ang matatayog, mararangal, malikhain at madamdaming kaisipan at saloobing sinasabi ng mga karanasan at lunggati ng bawat mamamayan. Naririto ang kariktan, at kapangitan, ang tamis at pait, ang tagumpay at kasawian ng bawat tao sa isang lipunan. Isinasalaysay ng panitikan ang buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng ibat ibang uri ng damdamin.

Dalawang Uri ng Panitikan

1. Patula - Nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong.

2. Tuluyan o prosa Nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may akda. Kabilang ditto ang mga maikling kuwento, nobela, dula, alamat, parabola, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editorial.

Ibat ibang katuturan ng Panitikan

1. Ang panitikan ay nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.2. Pag-aaral ng kariktan at kahulugan ng buhay at pamumuhay na nagmumulat sa bayan upang paglirip-liripin ng balana ang maraming palaisipan na dumarating sa buhay ng bawat nilalang.3. Ito ay talaan ng buhay.4. Bungang isip at isinasa-titik.5. Nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan ng sangkatauhang nasususlat sa maganda, makahulugan at masining na mga pahayag. Ito ay kabuuan ng mga kaisipan, karanasan ng isang bansa, paniniwala, at pamahiin, pangarap ng isang lahi na ipinapahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at makasininfg na paraan.6. Kathang pampanitikang nag-iiwan ng bias sa isip at puso ng mambabasa.

Sa tradisyonal na pananaw, maraming bilang na katuturan ng panitikan ang nabgyan-daan at mabilis namang tinaggap ng mga guro at mag-aaral. Ito ang ilang mga kombensyonal na katuturan:Ito ay salamin ng buhay.Binubuo ng mga akda tungkol sa kabutihan, kagandahan at katotohanan;Representasyonal ng mga karanasan sa buhay sa pamamagitan ng paggamit ng wika;Nagtataglay ng aliw-iw at himig ng buhay.

Mga sangkap ng binuong institusyon ng panitikan

1. May dalang impluwensya sa buhay, kaisipan atugali ng tao at ito ay may dalawang kalagayan:

a. Nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalingan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng panitikan.b. Ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin at kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan.

Mga halimbawa ng mga akdang pampanitikan na may dalang malaking impluwensya sa daigdig:

1. Banal na Kasulatan (Bibliya) naging batayan ng pananampalatayag Kristyano2. Koran (Arabia) Aklat ng mga Muslim3. Iliad at Odyssey Ni Homer (Gresya) kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya4. Maha-Bharatas (Italya) Dante nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano.

MGA URI NG PANITIKAN SA SINAUNANG PANAHON

1. Alamat pinaniniwalaang nagsimula sa lalong kauna-unahang panahon ng ating lahi, ayon sa kayang maaabot ng mga mananaliksik at nagtapos sa paglipas ng ikalawang pandarayuhan sa mga pulo ng Malay sa pali-palibot ng taong 1300 A.D.

2. Mito kabilang din ito sa mga panahon ng kuwentong bayan. Ang mga ito ay ginampanan ng mga diyus-diyosan.

3. Bulong bahagi ito ng panitikang katutubo, isang uri ng tradisyonal nadula, ginamit sa panggagamot o sa paghingi ng pahintulot sa mga nuno sa punso.

4. Kuwentong bayan istorya tungkol sa pinagmulan ng bayan. Hal: Mariang Makiling, Prinsesang Makapuno, Pagkakalikha ng daigdig, Bakit patayong natutulog ang kabayo.

ANG PAGTUTURO NG PANITIKAN SA FILIPINO

Ang pagkakaroon ng suliranin sa pagtuturo ng panitikan sa Filipino ay hindi gaanong mabigat sa unag malas, Pinakamadalas mabanggit ang kasaklawan ng material na pag-aaralan. Kaugnay ng mga suliranin ay ang kalawakan ng material, antas ng pagbibigay diin sa pagtuturo ng mga akda. Isa pang dahilan ng suliranin ay ang paraan ng pagtuturo. Formalismo ba ang dapat payayanihing pananaw? Sa Formalismo, pagtuunan ng pansin ang panitikan bilang daigdig ng may sarling batas. Labas ang akda sa kasaysayan, sa talambuhay ng may akda, at sa pagtanggap ditto ng mambabasa. Nararapat na suriin ang prespektiba, itapat sa akda sa kongkretong pangyayari sa kasaysayan ng bansa, at suriin ang panitikan batay sa reaksyon nito sa kasaysayan. 7. Salawikain (Proverbs)

Nalilikhang may kasamang rima at tugma at nagpapahayag ng talinghaga. Madalas gamitin ng matatanda noong unang panahon ang salawikain upang mangaral sa kabataan sapagkat kinapapalooban ito ng mga butil ng karunungan at paalalang hango sa tunay na buhay. Madalas binibigkas ng patula kaya masarap pakinggan at madaling isaulo.

Mga Halimbawa:

Kung ano ang buka ng bibig,Munti man at paslit,Siyang laman ng dibdid.Daig ang malaki.

Biro-biro kung sanlanAng magtanim ng hangin,Totoo kung tamaan.Bagyo ang aanihin.

Kung talagang tubo,Kapag daw nanunuyo,Matamis hanggang dulo magdadala ng bukayo.

8. KasabihanPagpapahayag ng katotohanan, gamit ang katalinuhang nagbibigay paalala, idinadaan din sa matalinghagang pagpapahayag. Pagpapahayag na binibigyang diin ang kagandahang-asal at mga gawi ng tao. Binubuo ng mga salitang makahulugan, may tugma at kung minsan ay may himig kung bigkasin. Ginagamit rin sa pamumuna ng kilos o gawi ng isang tao. Sabi-sabing naging palasak na tinaggap ng bayan sa pagdaraan ng panahon.

Ang mga magulang ay igalang at mahalin, sapagkat darating ang araw, sila lamang ang matitira mong kaibigan

Ang paggawa ng mabuti, ay siyang maghahatid sa iyong magandang kapalaran

Sino man ay hindi makapagsasabi na siya ay mabuti kung ang kanyang gawi ay masama

Mabuti pang mamatay ng mahirap ngunit may dangal, kaysa taong mamamatay ng mayaman subalit wala namang dangal

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.

9. Bugtong (riddles)

Paglalarawan ng isang bagay sa paraang tuwirang kaiba sa tinutukoy. Sa pamamagitan ng pariral o pangungusap, maihahanay ang mga piling salita nang patula at naglalaman ng talinghaga. Kailangan ang talas ng kaisipan at kakayahang kumilala ng likas na katangian ng bagay na tinutukoy upang mahulaan ang tamang kasagutan sa bugtong.

Masaklaw ang bugtungan sapagkat halos lahat ng bagay ay maaaring maging paksa ditto. Bukod sa ito ay nakalilibang, ang bugtungan ay nakakapagpayaman pa rin ng talasalitaan dahilan na rin sa paggamit ng mga piling salita ng paghahambing sa paglalarawan.

Mga halimbawa ng bugtong:

Bugtong Katugunan

Ayon si Ingkong nakaupo sa lusong kasoy

May binti, walang hita, may ulo, walang mukha kabuti

Isang balong malalim, punong-puno ng patalim bibig

Nagdaan si itim, lahat, natahimik mandin gabi

May puno, walang bunga, may dahon, walang sanga sandok

Bumaril si Pusong, pinuntiryay sakong, tinamaay ilong utot 10. Kuwentong Bayan

Uri ng kuwento noong unang panahon na pinag-uusapan sa mga pondahan at naging libangan ng ating mga ninuno. Kuwentong ang isinasaad ay tungkol sa mga kababalaghan at katatakutan, kagaya ng kapre, tikbalang at kung anu-ano pa. Ang mga kuwentong ito ay nagpapasalin-salin.

11. PalaisipanGamit ang kaisipan sa isang bagay na dapat bigyang kasagutan. Ginagawang itong libangan sa pamamagitan ng paglalaro ng mga kadalagahan at kabinataan noong unang panahon

Saan man siya pumaling, nakikisayaw sa hangin, sarap ng pag-asa laging nakakiling, bitbit ang sarap na nagdudugtong ng buhay sa puti niyang laman na kahali-halina di maiiwasang ako ay sumaya. (Kawayan)

Dalang biyaya, ng prutas na ito. Anumang bahagi na mayroon ay di pagsasawaan; sa lupa man ito nakahilig, hahanga ka sa taglay na kulay, kapag natikman mo ang tamis, dagli kang maglalaway, tiyak pati uhaw, dagling mapaparam, (pakwan)

Ang katawan kong nakaratay sa banig ng karamdaman, tanging ang dahan-dahan mong galaw ang aking kaulayaw. Nagpapasalamat sa ibinibigay mong ginhawa tuwing ako ay mamamahinga. Sa piling mo ay umiindayog ang katawang nanghihina, kahit pa abutin ng gabi, di ka nagsasawa. Araw-araw, ikaw ang kapiling, di ko na ninanais ang aking higaan, nais ko na lang ay sa iyo humimlay, ang iyong kandungan ay di pagsasawaan. (tumba-tumba o tungga tungga)

TAKDANG ARALIN:Magbigay ng limang halimbawa sa bawat isa:1. Mga salawikan (Proverbs)a) Tungkol sa pamumuhay b) Tungkol sa pakikipagkapwa-taoc) Tungkol sa paglutas ng problemad) Salawikain na matatagpuan sa Bibliya2. Gumawa ng sampung makabagong bugtong 3. Gumawa ng limang kasabihan na naaayon sa kasalukuyang pamumuhay.

12. PAGLALARAWAN (description) - Isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat, tinatala ng sumusulat ng paglalarawan ang mga detalye ng kanyang namasid o kayay nakatawag ng kanyang pansin. Layunin ng paglalarawan na maipakita kung paano ang isang bagay naiiba sa mga kauri niya.

MGA KATANGIAN NG PAGLALARAWAN

1. Pagpili ng paksa 2. Pagpili ng pananaw3. Pagbuo ng pangunahing larawan4. Pagpili ng mga sangkap5. Pagsasama sama ng mahahalagang sangkap

Dalawang Uri ng Paglalarawan

1. Karaniwan Ito ay pagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.2. Malikhain o Masining Ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may -akda. Pumupukaw ito sa guni-guni o imahinasyon.

TAKDANG ARALIN:

Gawain: Pagsulat ng masining at karaniwang paglalarawan.

Panuto: Gumawa ng isang halimbawa ng masining at karaniwang paglalarawan. Sa karaniwang paglalarawan na iyong ginawa salungguhitan ang mga pang-uri. Samantalang sa masining na paglalarawan na iyong ginawa salungguhitan ang mga matatalinghagang salita. Pumili lamang ng isa sa mga sumusunod na paksa:a. Masining na paglalarawan ng taob. Masining na paglalarawan ng bagayc. Masining na paglalarawan ng damdamind. Masining na paglalarawan ng pooke. Masining na paglalarawan ng pangyayari

Mga paalala:

1. Sagutin ang mga pagsasanay sa Modyul 1.2. Isulat ang inyong mga kasagutan sa long typewriting na papel.3. Maaaring computerize o typewritten.4. Ang pagsusumite ng mga kasagutan ay sa susunod nating pagkikita, Agosto 15.

CECILLE M. JALBUENA Professor