Fil. Gr.1 TG(Q3&Q4)InsidePp.10-12-12

Embed Size (px)

DESCRIPTION

teachers guide

Citation preview

  • 1

    Ikatlong Yunit LINGGO 21

    TEMA: Ang Aming mga Sayaw

    MGA LINGGUHANG LAYUNIN

    1. Wikang Binibigkas: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa narinig na personal na salaysay ng iba

    2. Gramatika: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Masagot ang tanong na Ano-ano ang mga katutubong sayaw sa ating lugar? ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: CD / tugtog ng katutubong sayaw, video ng katutubong sayaw PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya

    Itanong: Ano-ano ang mga katutubong sayaw dito sa ating lugar? 2. Tukoy-Alam

    a. Tanungin ang mga bata kung ano-ano ang mga sayaw na alam nila. b. Isulat sa pisara ang mga sayaw na babanggitin; ibukod ng hanay ang mga

    katutubong sayaw sa inyong lugar na babanggitin ng mga bata. c. Pumili ng ilang bata at ipakita ang mga kilos na ginagawa sa katutubong sayaw sa

    inyong lugar.

    3. Tunguhin Tanungin ang mga bata: Ano-ano muli ang mga katutubong sayaw dito sa ating

    lugar?

    4. Paglalahad Gawain: Tumawag ng ilang piling bata at tanungin kung paano nila natutuhan ang

    kilos o galaw sa katutubong sayaw sa kanilang lugar. Maaari ring tanungin kung gusto ba nila ang sayaw na ito at kung bakit.

    5. Pagtuturo at Paglalarawan

    Ituro / magpakita muli ng video sa mga bata kung paano isinasayaw ang katutubong sayaw at ipagaya ito sa ilang piling mga bata. Pasayawin ang lahat ng bata. Gumamit ng tugtog / CD para sa ibat ibang sayaw.

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap sa wikang Filipino

  • 2

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: mga larawan ng pinakatanyag na katutubong sayaw sa inyong

    lugar, mp3 player, musikang ginagamit para sa pinakatanyag na katutubong sayaw sa inyong lugar

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, susubukin nating gamitin sa mga payak na pangungusap ang pandiwa.

    2. Paglalahad

    Gawain: Tatalakayin ang pinakapopular na sayaw sa inyong bayan.

    a. Ipakita sa mga bata ang mga larawan tungkol sa tanyag na sayaw sa inyong lugar.

    b. Hingian ang ilang piling bata ng pangungusap hango sa larawang ipinakita.

    c. Iparinig nang bahagya ang musika para sa sayaw na tinatalakay. Hingian din ng pangungusap na naglalarawan ng musika ang mga bata.

    3. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Pangkatin ang mga bata.

    b. Bigyan ang bawat pangkat ng larawang hango sa katutubong sayaw na tatalakayin.

    c. Hikayating bumuo ng isang payak na pangungusap na may pandiwa tungkol sa larawan ang bawat pangkat.

    d. Atasang magtalaga ng taga-ulat ang bawat pangkat. Ang taga-ulat ang siyang magsasabi ng pangungusap na nabuo nila sa harapan ng buong klase.

    4. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Magtala ng ibat ibang pandiwa sa pisara. b. Tumawag ng ilang piling bata at bigyan ng pandiwa ang bawat isa.

    c. Bigyan ang mga bata ng ilang segundo para makapag-isip ng isang payak na pangungusap tungkol sa katutubong sayaw na natalakay gamit ang pandiwang nakatalaga sa kanila.

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap sa wikang Filipino ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: mga larawang nagpapakita ng ibat ibang pandiwa

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, susubukin nating gamitin sa tamang pangungusap ang mga pandiwa.

  • 3

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Sabihin: May mga larawan akong ipapakita sa inyo. Sasabihin ninyo kung ano ang kilos na ginagawa ng mga tao sa larawan. Kailangan ninyong gamitin ang salitang kilos o pandiwa sa isang payak na pangungusap.

    Tumawag ng ilang piling bata.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Sabihin: May mga larawan akong ipakikita sa inyo. Magbigay ng mga pangungusap na may pandiwa. Kung tama ang paggamit ko ng pandiwa, sabay-sabay kayong tumayo. Kung mali naman ang gamit ko, manatili kayong nakaupo.

    Pangkatang Gawain: Bawat pangkat ay magbibigay ng 3-5 pandiwa at gagamitin ang mga ito sa pangungusap.

    Magpasadula ng isang eksena. Ipatukoy ang mga pandiwa na nakita. Gawin ito nang pangkatan.

    I - Sa Parke III - Sa Ospital

    II - Sa Palengke IV - Sa Paaralan IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa salaysay ng kamag-aral tungkol sa ibat ibang sayaw gamit ang mga pandiwa

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: larawan ng ibat ibang sayaw, larawang nagpapakita ng pandiwa

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, isasalaysay natin ang tungkol sa ating paboritong sayaw.

    Ang mga tagapakinig ay maaari ding magtanong tungkol sa inyong salaysay.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Gawain: Tumawag ng ilang piling bata at ipakilos ang kanilang paboritong kilos sa sayaw na tinalakay.

    Maaari rin namang turuan ang mga bata ng isang katutubong sayaw.

    Tukuyin ang mga pandiwang isinakilos.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Tanungin: Bakit ito ang paborito mong kilos sa buong sayaw?

    Tumawag ng ilang piling bata.

    4. Pagtataya

    Ipakita ang paboritong kilos at sabihin sa kaklase kung bakit ito ang napiling paboritong kilos; siguraduhing tama ang pandiwa na gagamitin sa pangungusap.

    IKALIMANG ARAW

  • 4

    LAYUNIN: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: ibat ibang larawan ng mga pandiwa

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, magbibigay at gagamitin natin ang pandiwa sa mga payak na pangungusap.

    2. Pagtataya

    a. Pangkatin ang mga bata sa lima. b. Magpakita ng larawang may pandiwa. c. Ang bawat pangkat ay dapat bumuo ng limang payak na pangungusap na may

    pandiwa. d. Kapag nakabuo na ang pangkat ng pangungusap, ang kanilang unang kinatawan

    ay dapat tumakbo sa harap at sabihin ang nabuong pangungusap. e. Ang pangkat na unang magkakaroon ng 5 puntos ang tatanghaling panalo.

    LINGGO 22 TEMA: Ang Aming Sining

    MGA LINGGUHANG LAYUNIN

    1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig at nagtatanong patungkol sa personal na salaysay ng iba

    2. Gramatika: Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangungusap

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Natutukoy ang mga likhang sining sa sariling lugar

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: ibat ibang likhang sining na natatangi sa bayan (halimbawa: taka sa Paete, Laguna; tnalak sa Cotabato; atbp.)

    PAMAMARAAN

    1. Paunang Pagtataya

    Itanong sa mga bata: Ano ang mga alam ninyong likhang sining sa ating lugar?

    2. Tukoy Alam

    Ipaliwanag sa klase kung ano ang sining. Ipaliwanag na ang mga Filipino ay tanyag sa ibat ibang sining.

    3. Tunguhin

    Sabihin: Aalamin natin ngayon ang mga likhang sining sa ating lugar.

    4. Paglalahad

  • 5

    Leron, leron sinta Buko ng papaya Dala dalay buslo

    Sisidlan ng bunga

    Pagdating sa dulo

    Nabali ang sanga

    Kapos kapalaran

    Humanap ng iba.

    Ipakita sa klase ang ibat ibang likhang sining sa lugar. Kung maaari, hayaang hawakan ng mga bata ang mga ito.

    5. Pagtuturo at Paglalarawan

    Talakayin ang ibat ibang likhang sining. Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong at makipagtalakayan.

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang salitang kilos sa pangungusap ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: ibat ibang likhang sining na natatangi sa bayan

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, gagamit tayo ng mga salitang kilos sa pangungusap.

    2. Paglalahad

    Ipakitang muli ang mga likhang sining. Tanungin ang mga bata kung ano ang masasabi nila sa mga ito.

    3. Pagtuturo at Paglalarawan

    Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng mga likhang sining na ipinakita. Ipagawa sa mga mag-aaral ang kilos. Itanong: Sino-sino ang gumawa nito?

    4. Kasanayang Pagpapayaman

    Sabihin: Pumili ng paboritong likhang sining mula sa mga ipinakita. Magsabi ng pangungusap tungkol sa likhang sining na may salitang kilos. Halimbawa: Nagtatanim ang mga magsasaka sa obra.

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang mga salitang kilos sa isang payak na pangungusap ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na Leron, Leron Sinta PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, gagamitin natin ang mga salitang kilos sa mga

    pangungusap.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Ituro sa klase ang awit na Leron, Leron Sinta.

  • 6

    b. Ipagawa sa mga bata ang sumusunod:

    Umisip ng isang kilos para sa awit na natutunan. Kantahin ang Leron, Leron Sinta. Sa bahagi ng awit na Humanap ng iba,

    umikot at humanap ng kapareha. Sabihin sa kapareha: Lagi akong ____ (kilos na hilig gawin). Awiting muli ang Leron, Leron Sinta at sabihin ang: Lagi akong ____ sa

    ibang kapareha.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    a. Sabihin sa mga bata na humanap ng kapareha.

    b. Ang unang bata ay magsasabi ng pangungusap tungkol sa kapareha. Kailangang may salitang kilos ito. Halimbawa: Tumatakbo si Lito.

    c. Ang pangalawang bata ay isasakilos ang sinabi ng kapareha.

    d. Hayaang magpalit ng gawain ang magkapareha.

    IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap; Nakikinig at nagtatanong tungkol sa personal na salaysay ng iba

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: papel. lapis, pangkulay, clay, at iba pang gamit na maaaring gamitin

    sa paglikha ng sining

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, gagawa tayo ng likhang sining na nagpapakita ng kilos. Ibabahagi natin sa klase ang ating gagawin.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Ipakita sa mga bata ang mga kagamitan. Sabihin sa mga bata na gagawa sila ng sariling likhang sining. Kailangang nagpapakita ng kilos ang likhang sining. Halimbawa: Guhit ng mga batang naglalaro, clay na hugis hayop na tumatakbo, atbp. Malaya silang pumili ng ano mang kagamitang nais.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Tawagin ang ilang mga bata upang ipaliwanag sa klase ang kanilang likha. Ipapaliwanag ang kilos sa likhang sining na ginawa.

    4. Pagtataya

    Hayaang magpakita ng isang kilos ang Bata A. Sasabihin naman ng Bata B sa kumpletong pangungusap ang isinakilos ng kapareha.

    IKALIMANG ARAW

  • 7

    LAYUNIN: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: likhang sining ng mga bata

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, pipili tayo ng paboritong gawa ng kaklase at ipaliliwanag natin kung bakit ito ang ating napili.

    2. Pagtataya

    Magkaroon ng isang gallery walk na itinatampok ang mga likhang sining ng mga bata sa mga naunang araw.

    Tanungin ang bawat isa kung ano ang kanilang paborito sa gawa ng mga kaklase. Pumili ng mga batang nais ibahagi ang sagot. Tanungin din ang dahilan kung bakit ito napili at kung ano ang kilos na ipinakikita ng likhang sining na napili.

    LINGGO 23

    TEMA: Mga Paborito Naming Pagkain

    MGA LINGGUHANG LAYUNIN

    1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa narinig na personal na salaysay ng iba

    2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga kaklase

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa kuwentong binasa ORAS: 30 minuto

    KAGAMITAN: aklat na Haluhalo Espesyal ni Yvette Ferreol at Jill Arwen Posadas

    (Adarna House, 2006) PAMAMARAAN

    1. Paunang Pagtataya

    Tanungin ang klase: Ano ang iyong paboritong pagkain?

    2. Tukoy Alam

    Tanungin ang klase: Bakit mo ito paborito?

    3. Tunguhin

  • 8

    Ipakilala ang aklat, awtor, at tagaguhit ng kuwento. Sundin ang Reading Plan. Itanong: Paano kaya gumaling ang bata sa kuwento?

    4. Paglalahad

    Ikuwento ang Haluhalo Espesyal ni Yvette Ferreol at Jill Arwen Posadas (Adarna House, 2006).

    5. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Ipagawa sa bawat pangkat ang sumusunod:

    I - Isadula ang mga pangyayari sa kuwento.

    II - Gumawa ng parada ng mga tauhan sa kuwento.

    III - Iguhit ang mga pagkain na nabanggit sa kuwento.

    IV - Gumawa ng poster para ipakita ang tamang gawain ng isang bata upang maiwasan ang pagkakasakit.

    b. Hayaang mag-ulat ang bawat pangkat.

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Nakapagbibigay ng mga salitang naglalarawan ORAS: 30 minuto KAGAMITAN: larawan ni Jackie, ang bata mula sa kuwentong Haluhalo Espesyal

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Itanong: Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

    2. Paglalahad Magpakita ng larawan ni Jackie, ang bata mula sa kuwentong binasa. Tanungin ang

    klase kung ano ang masasabi nila kay Jackie ayon sa kaniyang mga katangian tulad ng kaniyang hitsura at ugali. Gumawa ng character map.

    Halimbawa: Ano ang kulay ng kaniyang buhok? Ano kaya ang ugali niya? 3. Pagtuturo at Paglalarawan Ipagawa ito nang pangkatan. Pumili ng isang pahina sa aklat upang mapunan ang

    hinihingi ng tsart. Ipatala ang mga bagay at tao na makikita sa larawan. Ipalarawan ang bawat isa.

    TAO BAGAY

    4. Kasanayang Pagpapayaman

    Magpalaro ng taguan. Itago ang ibat ibang larawan ng mga bagay na makikita sa kuwentong binasa (Halimbawa: Jackie, monggo, haluhalo, yelo, lola). Ilarawan ang bawat bagay at ipahanap ang mga nakatagong larawan.

  • 9

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nailalarawan ang sarili sa pamamagitan ng wastong paggamit ng pang-uri ORAS: 30 minuto KAGAMITAN: lapis o mga pangkulay, papel, salamin

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Humarap sa salamin at ilarawan ang sarili.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Magtawag ng ilang bata upang ilarawan ang kanilang mga sarili sa harap ng salamin.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    a. Ipaguhit sa mga bata ang kanilang sarili at ipaulat sa klase ang kanilang ginawa sa pamamagitan ng paggamit ng wastong pang-uri.

    Halimbawa:

    Ang aking buhok ay kulay________.

    Ang aking paboritong pagkain ay ______ dahil ito ay _________.

    Siya ay may mahabang buhok!

    b. Magsagawa ng isang laro. Hatiin sa apat na pangkat ang mga bata. Hayaang pumila ang bawat pangkat ayon sa:

    haba ng buhok hugis ng mata taas bilang ng miyembro ng pamilya (maaaring magdagdag pa ng ibang kategorya)

    IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Nailalarawan ang mga kaklase sa pamamagitan ng wastong paggamit ng

    pang-uri ORAS: 30 minuto KAGAMITAN: tsart ng Nasaan ang kaibigan ko? PAMAMARAAN

    1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, ilalarawan natin ang ating mga kaklase.

  • 10

    2. Kasanayang Pagpapanayam Anyayahan ang klase na maglaro ng Sino ang kaklaseng tinutukoy? Ilarawan ang

    ilang bata sa pamamagitan ng paggamit ng wastong pang-uri at ipatukoy ang kaklaseng inilalarawan.

    Halimbawa: Nasaan ang kaibigan ko? Kaibigan ko? kaibigan ko? Nasaan ang kaibigan ko? Siya ay may mahabang buhok! Pagpangkatin ang klase at bigyan ng oras ang bawat pangkat na pumili mula sa

    mga kaklase ng kanilang ilalarawan gamit ang wastong pang-uri. 3. Pagtataya Bigyang pagkakataon ang bawat pangkat na maibahagi sa klase ang kanilang

    ginawang paglalarawan sa isang kaklase. Huhulaan naman ng ibang pangkat ang tinutukoy na kaklase.

    IKALIMANG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga kaklase ORAS: 30 minuto KAGAMITAN: mga piraso ng papel na may nakasulat na bahagi ng katawan o kasuotan

    (halimbawa: buhok, mata, sapatos, atbp.)

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, ilalarawan natin ang ating sarili at ang ating mga kaklase.

    2. Pagtataya

    a. Tumawag ng dalawang bata upang bumunot ng tig-isang piraso ng papel.

    b. Basahin ang nakasulat sa papel. Sabihin ang parte ng katawan o ng kasuotan na nabunot upang kanilang ilarawan.

    Halimbawa:

    Bata A buhok Ang buhok ko ay mahaba. Ang buhok niya ay maigsi.

    Bata B blusa Ang blusa ko ay bughaw. Ang blusa niya ay bughaw din.

    c. Tumawag pa ng ibang bata upang gawin ito.

    LINGGO 24

    TEMA: Mabuting Pagkamamamayan

    MGA LINGGUHANG LAYUNIN

  • 11

    1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalahad muli ang salaysay ng iba gamit ang mga payak na salita

    2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga kaklase

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Natutukoy kung sino ang inilalarawan ng iba gamit ang mga pang-uri dito sa wikang Filipino

    ORAS: 30 minuto PAMAMARAAN

    1. Paunang Pagtataya

    Magpakita ng mga larawan sa mga bata. Hayaang magbigay ang mga bata ng isang salitang maglalarawan sa ipinakita.

    2. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang ating mga kaibigan sa paaralan gamit ang mga pang-uri.

    Maaaring gumawa ka ng sariling likhang kuwento upang maipakilala ang mga kaibigan sa paaralan.

    3. Tukoy-Alam

    Itanong: Sino-sino ang mga kaibigan natin sa paaralan? Ipalarawan ang bawat isa gamit ang character map.

    4. Paglalahad

    a. Ilarawan ang isang bata sa klase gamit ang mga pang-uri at ipahula sa mga bata kung sino ito.

    b. Maglarawan pa muli ng lima hanggang sampung bata.

    5. Pagtuturo at Paglalarawan

    Ipalarawan ang paboritong kaibigan ng bata sa paaralan. Pahulaan kung sino ito sa ibang bata.

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Nailalahad muli ang mga salaysay ng iba tungkol sa mga pamamaraan ng pagiging mabuting mamamayan sa wikang Filipino

    ORAS: 30 minuto PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tatalakayin natin ang mga gawain ng isang mabuting

    mamamayan.

    2. Paglalahad

    Magkuwento tungkol sa mga ginagawa bilang isang mabuting mamamayan.

  • 12

    Halimbawa: Tuwing umaga, nagwawalis ako sa loob at harap ng aming bahay para malinis ang paligid.

    3. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Tumawag ng mga batang magbabahagi ng kanilang mga gawain bilang mabuting mamamayan.

    b. Ipaliwanag na may mga salitang naglalarawan at tinatawag itong mga pang-uri.

    4. Kasanayang Pagpapayaman

    Tumawag ng mga batang maglalahad muli ng mga mabubuting gawain ng mga kaklase at magbigay ng opinyon tungkol dito gamit ang mga pang-uri.

    Halimbawa: Sina _____, ______, at _____ ay masisipag dahil naglilinis sila ng bakuran araw-araw.

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng kaklase sa wikang Filipino

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: lapis, papel, at mga pangkulay PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, iguguhit natin ang ating kaklase.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Papiliin ang mga bata ng isang kaklase na gusto nilang iguhit.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Ipabahagi ang iginuhit sa mga kaklase. Hayaang bigyang larawan ito ng ibang bata. IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga gawain ng isang mabuting mamamayan sa wikang Filipino

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: ibat ibang larawan na nagpapakita ng mga gawain sa pamayanan (Halimbawa: nagbibigay sa mga mahihirap, nagtatapon ng basura sa kalsada)

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, tayo ay magpapakita ng mga gawain ng mabuting mamamayan sa pamamagitan ng pag-arte.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipasadula ang mga posibleng solusyon sa

  • 13

    sumusunod na suliraning makikita sa ibibigay na larawan: I - maruming kapaligiran II - lantang mga halaman sa hardin III - namatay na mga halaman dahil sa paglalaro ng mga bata IV - tambak na mga basura sa tabi ng daan

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Tumawag ng mga batang magbibigay ng kanilang opinyon tungkol sa mga ipinakitang solusyon ng mga pangkat gamit ang mga pang-uri.

    4. Pagtataya

    a. Magpakita ng mga larawan.

    b. Tanungin ang mga bata kung ang larawan ay nagpapakita ng mabuti o di-mabuting gawain ng isang mamamayan gamit ang mga salitang mabuti o hindi mabuti.

    IKALIMANG ARAW

    LAYUNIN: Nakapagbibigay ng ilang angkop na pang-uri para sa mga pangngalang naibigay sa wikang Filipino

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: mga pangalan ng mga mag-aaral na nakasulat sa papel PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, tayo ay magkakaroon ng isang laro gamit ang mga pang-uri.

    2. Pagtataya

    Ipaliwanag na ang klase ay magkakaroon ng isang laro kung saan ang bawat bata ay bubunot ng pangalan ng isang kaklaseng kaniyang ipahuhula gamit ang mga pang-uri.

    LINGGO 25

    TEMA: Mga Pagdiriwang sa Ating Komunidad

    MGA LINGGUHANG LAYUNIN

    1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalahad muli ang salaysay ng iba gamit ang mga payak na salita

    2. Gramatika: Nagagamit ang pandiwa sa isang payak na pangugusap

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Nailalarawan ang dahilan ng mga pagdiriwang sa tahanan ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: output ng gawaing bahay mula sa linggo 24

  • 14

    PAMAMARAAN

    1. Paunang Pagtataya

    Pangunahan ang klase sa isang gawain kung saan ang bawat isa ay magbibigay ng pangugusap na may salitang kilos ukol sa kanilang paboritong pagdiriwang. Magbigay ng sariling halimbawa at tumawag ng ilang bata upang sumagot.

    Halimbawa: Kumakain ako ng masarap na pagkain tuwing Pasko.

    2. Tukoy Alam

    Bigyang pagkakataon ang ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang karanasan ukol sa mga pagdiriwang na naranasan sa kanilang sariling tahanan at ipalarawan ito.

    3. Tunguhin

    Tanungin ang klase: Ano-ano ang mga pagdiriwang sa inyong tahanan? Paano ito ipinagdiriwang?

    4. Paglalahad

    Itanong: Ano-ano ang mga pagdiriwang sa inyong tahanan? Paano ninyo ito idinadaos?

    Magpaguhit ng pagdiriwang sa tahanan batay sa kanilang sariling karanasan. Ipalarawan ito sa mga bata.

    5. Pagtuturo at Paglalarawan

    Sumahin ang aralin. Talakayin ang mga dahilan ng pagdiriwang sa tahanan at tukuyin ang kahalagahan ng mga ito sa pamilya. Tukuyin din kung ano ang karaniwang nararamdaman ng bawat isa ukol dito.

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang pandiwa sa pagkukuwento ng mga pagdiriwang sa paaralan ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: larawan mula sa mga pagdiriwang sa paaralan

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang ating paboritong pagdiriwang sa paaralan. Ano kayang mga pandiwa ang nasasagawa kapag may pagdiriwang?

    2. Paglalahad

    Pangunahan ang klase sa pagbabalik-tanaw sa mga naranasang pagdiriwang sa paaralan. Maaaring gumamit ng larawan kung mayroon. Talakayin ang nabanggit na pagdiriwang.

    3. Pagtuturo at Paglalarawan

    Balikan ang kuwento ng bawat isa. Tulungan ang klase na tukuyin ang mga ginamit

  • 15

    na salitang kilos sa mga nasabing pangugusap. Isulat ang mga salitang kilos sa pisara.

    4. Kasanayang Pagpapayaman

    Bigyang pagkakataon ang bawat isa na magbahagi ng sariling kuwento ukol sa mga naranasang pagdiriwang sa paaralan. Himukin ang bawat isa na gumamit ng mga salitang kilos sa pangugusap.

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nailalahad ang paboritong pagdiriwang sa komunidad gamit ang mga salitang kilos

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: larawan ukol sa mga pagdiriwang sa pamayanan

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Tanungin ang klase: Ano ang paborito ninyong pagdiriwang sa ating komunidad / pamayanan?

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Magpakita ng ibat ibang larawan ng mga pagdiriwang na maaaring maganap sa pamayanan. Bigyang pagkakataon ang ilang bata upang ilarawan ang mga ito o magbahagi ng mga sariling karanasan ukol dito.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Balikan ang kuwento ng bawat isa. Tumawag ng mga bata upang tukuyin ang mga ginamit na salitang kilos sa mga nasabing pangugusap. Isulat ang mga salitang kilos sa pisara.

    IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Naibabahagi ang karanasan ng kaklase ukol sa mga pagdiriwang sa tahanan, paaralan, o komunidad sa pamamagitan ng pagguhit nito

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: papel at pangkulay

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin ang paboritong pagdiriwang ng bawat isa sa pamamagitan ng pagguhit.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

  • 16

    Ipagpares ang mga bata (o himukin ang bawat isa na humanap ng kapareha). Bigyan ang klase ng walong minuto upang magbahagi ng kuwento ukol sa kanilang paboritong pagdiriwang.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Bigyan ng oras ang klase upang maiguhit ang ibinahaging kuwento o karanasan ng kanilang kapareha.

    4. Pagtataya Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase.

    IKALIMANG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang pandiwa sa isang pangugusap ukol sa paboritong pagdiriwang ng kamag-aral.

    ORAS: 30 minuto

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, babalikan natin ang gawain kahapon at ibabahagi natin ang ginawa ng bawat isa sa klase. Ano-ano ang mga pandiwang ginamit sa pagdiriwang? Gamitin ang mga ito sa pangungusap.

    2. Pagtataya

    a. Bigyang pagkakataon ang bawat bata na ibahagi ang ginawa nila sa klase gamit ang isa o dalawang pangungusap na may salitang kilos. Maaaring gawin ito ng magkapareha o dalawahan.

    b. Ipabigay kung ano ang saloobin ng kapareha ukol dito.

    LINGGO 26

    TEMA: Mga Pagdiriwang sa Ating Komunidad

    MGA LINGGUHANG LAYUNIN

    1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakapagbibigay ng pagpapakahulugan sa narinig na salaysay sa pamamagitan ng paggawa ng sariling katapusan o pagsasadula ng piling tagpo

    2. Gramatika: Nagagamit ang mga pandiwa sa isang payak na pangungusap

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Nailalarawan ang isang karanasan ng kaklase sa isang pangungusap na may salitang kilos

  • 17

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na Lubi-Lubi PAMAMARAAN

    1. Paunang Pagtataya a. Itanong sa mga bata kung ano-ano ang kanilang hindi malilimutang karanasan

    (gaya ng kaarawan, Pasko, atbp). b. Himuking ibahagi nila ito sa kanilang katabi. c. Tumawag ng ilang piling bata at ipasalaysay sa kanila ang karanasang ibinahagi

    sa kanila ng kanilang kamag-aral. Bigyang-diin na ito ay isasalaysay na may salitang kilos.

    2. Tukoy Alam Itanong sa mga bata kung paano ipinagdiriwang ang pista ng kanilang pamayanan.

    Itala ang mga ito sa pisara.

    3. Tunguhin a. Ipaawit ang "Lubi-lubi." (Sundin ang protocol para dito). b. Isulat sa pisara ang 12 buwan na bumubuo ng isang taon. c. Itanong sa mga bata kung ano-anong mga pagdiriwang ang ginaganap sa bawat

    buwan ng taon -- mga pagdiriwang sa pamayanan, sa bayan, maging sa buong mundo.

    d. Tumawag ng ilang piling bata na magbibigay ng mga pagdiriwang.Itala ang mga pagdiriwang sa pisara.

    4. Paglalahad a. Ipaawit muli ang Lubi-lubi sa klase. b. Hingian ng angkop na aksyon para sa bawat pagdiriwang ang ilang piling bata. c. Ipaawit ito muli habang ipinapakita ang tamang aksyon ng awit.

    5. Pagtuturo at Paglalarawan Tumawag ng ilang piling mga bata at tanungin sila kung ano ang paborito nilang

    pagdiriwang at kung paano nila ipinagdiriwang ito.

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Makabuo ng payak na pangungusap na mayroong salitang kilos

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: larawang nagpapakita ng salitang kilos, larawang kuha mula sa ibat

    ibang pagdiriwang ng mga festivals PAMAMARAAN 1. Tunguhin

  • 18

    Sabihin: Ngayong araw, gagamit tayo ng mga pandiwa sa isang payak na pangungusap tungkol sa pagdiriwang na nasaksihan.

    2. Paglalahad

    Magtalakayan tungkol sa mga pagdiriwang na nasaksihan. Itala ang mga pangungusap at pandiwang binanggit ng mga mag-aaral. Itala rin ang sarili mong pangungusap.

    3. Pagtuturo at Paglalarawan

    Tumawag ng ilang mga bata at sabihin na ibigay o tukuyin nila ang mga pandiwang ginamit ng kanilang mga kamag-aral at ng guro.

    4. Kasanayang Pagpapayaman

    Tumawag ng ilang piling mga bata upang ilarawan at ikuwento ang kanilang karanasan at saloobin tungkol sa isang pagdiriwang na kanilang nadaluhan. Bigyang diin na dapat gumamit sila ng salitang kilos sa pagkukuwento.

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng mga pista sa pamayanan ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: larawan ng isang piling pagdiriwang sa pamayanan (tulad ng pista

    ng pamayanan)

    PAMAMARAAN:

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, isasalaysay natin ang ibat ibang paraan ng pagdaraos ng mga pagdiriwang sa ating pamayanan.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Ipangkat ang klase sa sampu. Bigyan ang bawat pangkat ng puzzle na bubuuin.

    b. Itanong: Ano ang nabuong larawan? Magtalakayan tungkol sa mga nabuong larawan.

    c. Ipaulat sa mga pangkat ang kanilang maikling kuwento.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Magpakita ng mga larawan. Hayaang magbigay ng mga salitang maglalarawan sa ipinakita.

    IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Naisasadula ang mga salaysay tungkol sa pagdiriwang ng pista ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: larawan ng ibat ibang pagdiriwang

  • 19

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, isasadula natin ang ibat ibang pagdiriwang sa ibat ibang lungsod.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Hatiin ang klase sa sampung pangkat at bigyan ng takdang pagdiriwang na isasadula ang bawat pangkat.

    b. Bigyan ng ilang minuto para makapaghanda ang bawat pangkat para sa kanilang presentasyon.

    c. Maglaan ng 10 minuto para sa mga presentasyon.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang inihandang pagtatanghal. Ipalarawan sa mga nanood ang mga eksenang nasaksihan.

    4. Pagtataya a. Tumawag ng ilang piling bata at papiliin sila mula sa mga larawan ng mga

    pagdiriwang na natalakay sa klase. b. Ipaulat o ipasalaysay sa bata kung ano ang nagaganap sa larawang kaniyang

    napili.

    IKALIMANG ARAW

    LAYUNIN: Nailalarawan ang isang karanasan ng kaklase sa isang pangungusap na may salitang kilos

    ORAS: 30 minuto

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, ilalarawan ninyo ang ibat ibang karanasan ng inyong mga

    kamag-aral gamit ang mga salitang kilos. 2. Pagtataya

    a. Tumawag ng ilang piling mga bata at ipalarawan sa kanila ang mga naging karanasan ng kanilang mga kamag-aral sa pamamagitan ng pagbuo ng isang payak na pangungusap.

    b. Paalalahanan ang mga bata na gumamit ng wastong salitang kilos sa kanilang mga pangungusap.

    c. Maaaring papuntahin ang mga piling mag-aaral sa harap para doon nila ibahagi ang kanilang pangungusap.

    LINGGO 27 TEMA: Ang Aming Transportasyon

  • 20

    MGA LINGGUHANG LAYUNIN 1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng

    isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon 2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Naibabahagi sa klase ang karaniwang sinasakyan ng pamilya ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na Bangkang Papel, bangkang papel, papel at

    pangkulay, malaking batya na may tubig PAMAMARAAN

    1. Paunang Pagtataya Itanong sa mga bata kung ano ang kariniwang sinasakyan ng kanilang pamilya.

    Halimbawa: jeep, tren, bangka, atbp.

    2. Tukoy Alam Itanong: Ano-ano ang ibat ibang uri ng transportasyon sa inyong lugar?

    3. Tunguhin Hayaang gumawa ang mga bata ng isang bangkang papel.

    4. Paglalahad Ipakita sa mga bata ang bangkang papel. Talakayin ang gamit ng bangka sa mga

    tao. Ituro sa mga bata ang awit na Bangkang Papel.

    Pagkatapos ng ulan, paligid ay pagmasdan

    At sa ating bakuran, may naipong tubig ulan

    Tubig ulan (2x), may naipong tubig ulan...

    Kayat kumuha ng papel, itupi-tupi ito ayan bangkang papel, makakapaglaro ako!

    Bangkang papel (2x), gumawa tayo ng bangkang papel! Halika na, halina, palutangin na natin, Sa ibabaw ng tubig, bangka ay paglayagin May malaki, at maliit, at may pinakamalaki...

    Dali lakasan ang ihip, unahan, unahan tayo,

    talunin mo ang bangka ko, tatalunin ko ang sayo... Bangkang papel (2x), kay tulin, ng bangkang papel (2x)

    **Mula sa http://www.isp101.net/2011/04/batibot-songs-lyrics-and-video.html

  • 21

    5. Pagtuturo at Paglalarawan Talakayin ang kahalagahan ng bangka sa pamumuhay at kabuhayan ng mga tao.

    Itanong: Ano-ano ang mga uri ng sasakyan na makikita sa sariling pamayanan?

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng sasakyan ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na Bangkang Papel, bangkang papel PAMAMARAAN

    1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, ating ilalarawan ang mga bangkang papel na ginawa natin. 2. Paglalahad Ipaawit muli sa mga bata ang Bangkang Papel. 3. Pagtuturo at Paglalarawan Ipalarawan sa mga bata ang sariling bangkang papel. Halimbawa: Ito ang aking

    bangkang papel. Ito ay malaki at kulay pula. 4. Kasanayang Pagpapayaman Tumawag ng ilang bata upang ilarawan ang kanilang bangkang papel. Kung may

    sapat na panahon, hayaang lahat ng bata ay ilarawan ang kanilang bangkang papel. IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng mga sasakyan ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: larawan ng mga sasakyan

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin Itanong: Ano ang paborito mong sasakyan? O Ano ang pangarap mong

    sasakyan? Ilarawan ito na parang hinihimok mo ang iba na bilihin ito. 2. Kasanayang Pagpapayaman Ilarawan ang ibat ibang uri ng sasakyan. Itanong sa mga bata kung anong

    sasakyan ito. Isulat ang kanilang mga sagot sa pisara. 3. Kasanayang Pagkabisa

    a. Ipakita ang iginuhit na sasakyan sa mga kaklase.

  • 22

    b. Tumawag ng ibang bata upang ilarawan ito.

    IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na Ang Jeepney ni Tatay, larawan ng jeepney,

    larawan ng mga miyembro ng pamilya

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Pagbabahaginan ng karanasan tungkol sa pagsakay sa isang jeep.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Ipakita sa klase ang larawan ng jeepney. Ituro ang awit na Ang Jeepney ni Tatay. Ang jeepney ni Tatay ay may butas sa gulong Ang jeepney ni Tatay ay may butas sa gulong

    Ang jeepney ni Tatay ay may butas sa gulong Takpan natin ng bubble gum!

    Itanong: Ano-anong mga pang-uri ang ginamit sa awit?

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Ipalarawan ang jeep na inyo nang nakita at nasakyan.

    4. Pagtataya

    Magpalarawan ng iba pang jeep bukod sa inyong mga nasakyan na.

    IKALIMANG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: papel, lapis, at pangkulay

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Magpaguhit ng ideya ng mga mag-aaral ng isang pambihirang sasakyan o jeep.

    2. Pagtataya

    Ipabahagi sa mga mag-aaral ang ginawa nila sa klase at ipalarawan ito.

  • 23

    LINGGO 28

    TEMA: Komunikasyon: cell phone / telepono, radyo, warning signal, telebisyon, word of mouth

    MGA LINGGUHANG LAYUNIN 1. Wikang Binigbigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng

    isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon 2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng pamilya

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa kuwentong binasa

    ORAS: 30 minuto

    KAGAMITAN: aklat na Si Pilong Patago-tago ni Kristine Canon at Leo Alvarado (Adarna

    House, 2004) PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya Tanungin ang klase: Ano ang paborito mong laro sa bahay?

    2. Tukoy Alam Tanungin ang klase: Masaya bang maglaro ng taguan? Nakapaglaro na ba kayo ng

    taguan sa loob ng bahay? Sino-sino ang inyong mga kalaro sa taguan?

    3. Tunguhin Sabihin: Ang kuwento natin sa araw na ito ay tungkol sa isang batang mahilig

    magtago. Sino-sino kaya ang kaniyang mga tinataguan? (Sundin ang Reading Plan). 4. Paglalahad Ikuwento sa malikhaing paraan ang Si Pilong Patago-tago ni Kristine Canon at Leo

    Alvarado (Adarna House, 2004). 5. Pagtuturo at Paglalarawan Tanungin: Sino-sino ang mga tinaguan ni Pilo?

    a. Kilalanin ang bawat miyembro ng pamilya ni Pilo at ang kanilang ginagampanan sa pamilya. Halimbawa: Ang kuya ni Pilo ay ang kaniyang kalaro.

    Magkaroon ng malawak na talakayan tungkol sa kuwento. b. Itanong: Ano-ano ang mga naganap sa kuwento? Sino-sino ang mga tinaguan ni

    Pilo?

    IKALAWANG ARAW LAYUNIN: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o

    nakalap na impormasyon

  • 24

    ORAS: 30 minuto

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na

    impormasyon sa aralin at kuwento na tinalakay kahapon. 2. Paglalahad Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin kung ano-ano ang ginawa ng mga kasama

    ninyo sa bahay sa buong maghapon. 3. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Pangunahan ang talakayan sa pagbibigay ng ulat ng mga bagay na ginawa ng mga kasama ninyo sa bahay noong nakaraang araw. (Halimbawa: Ang nanay ko ay nagpunta sa palengke upang bumili ng isda. Si kuya ay naglaro ng habulan kasama ang kaniyang mga kaibigan.)

    b. Bigyang pagkakataon ang bawat bata na ibahagi sa klase ang kanilang takdang aralin. Gawin itong isang laro (pass the message) na lalaruin ng sampung mag-aaral.

    4. Sabihin ang mga natatandaang naganap sa loob ng silid-aralan / paaralan ng

    nagdaang mga araw.

    IKATLONG ARAW LAYUNIN: Nailalarawan ang pamilya sa pamamagitan ng wastong pang-uri

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: lapis, papel, at pangkulay

    PAMAMARAAN:

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, makikilala at mailalarawan natin ang bawat miyembro ng ating pamilya.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Magpaguhit ng mga miyembro ng pamilya sa mga bata gamit ang lapis, papel, at mga pangkulay.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Hayaang ipakilala ng mga bata ang bawat miyembro ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbahagi sa klase. Ipalarawan ang bawat miyembro ng mag-anak gamit ang wastong pang-uri.

    IKAAPAT NA ARAW

  • 25

    LAYUNIN: Natutukoy ang mga miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng wastong paglalarawan ng pamilya

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: iginuhit ng mga bata noong nakaraang araw

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, tayoy maglalaro ng Sino siya? kung saan huhulaan ninyo ang miyembro ng inyong pamilya na ilalarawan ko.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Ipakita ang larawan ng bawat kasapi ng mag-anak. Hayaang magbigay ang mga bata ng mga pang-uri na maglalarawan sa katangiang pisikal at di-pisikal ng bawat kasapi.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Tumawag ng ilang bata upang ilarawan ang mga miyembro ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng paggamit ng pang-uri.

    4. Pagtataya

    a. Ipalarawan ang isang miyembro ng pamilya at maglaro ng pass the message. Halimbawa: Si Nanay ay mabait.

    b. Bumuo ng 4-5 na pangkat. Papilahin ng tig-isang hanay ang bawat pangkat. Kailangang makarating ang mensahe sa pamamagitan ng pagbulong sa kasunod sa hanay.

    IKALIMANG ARAW

    LAYUNIN: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan sa bahay ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: lapis, papel, pangkulay, iginuhit ng mga bata noong ikatlong araw

    PAMAMARAAN:

    1. Tunguhin

    Sabihin: Sino ang nanonood ng balita? Ngayong araw, tayoy magiging mga tagapag-balita.

    2. Pagtataya

    a. Bumuo ng 4-5 pangkat, ipamahagi ang kanilang iginuhit noong ikatlong araw at muling balikan ang tinalakay noong nakaraang araw tungkol sa paglalarawan ng mga miyembro ng pamilya.

    b. Ang bawat pangkat ay muling magkakaroon ng talakayan tungkol sa mga miyembro ng kanilang pamilya. Ang bawat isa ay mamimili ng kanilang paboritong miyembro ng pamilya at iguguhit ito.

  • 26

    c. Tawagin ang bawat pangkat upang ibalita sa klase ang kanilang natalakay.

    d. Tumawag ng mga batang magbabahagi at maglalarawan ng kanilang iginuhit gamit ang mga wastong pang-uri.

    LINGGO 29

    TEMA : Mga Likas na Yaman sa Ating Pamayanan

    MGA LINGGUHANG LAYUNIN

    1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nakagagawa ng paglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na impormasyon

    2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng kapaligiran UNANG ARAW

    LAYUNIN: Nakapagbibigay ng mga produktong galing sa ating kapaligiran sa wikang Filipino

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: ibat ibang larawan ng kapaligiran (Halimbawa: tabing-dagat,

    bukirin, tabing-ilog), kopya ng awiting Tong, tong, tong, pakitong-kitong PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya Sabihan ang mga bata na magbigay ng isang produktong alam nilang galing sa

    ating kapaligiran. Halimbawa: bigas

    2. Tukoy-Alam

    Magpakita ng mga larawan ng kapaligiran at ipalarawan ang mga ito sa mga bata gamit ang mga pang-uri.

    3. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga produktong nakukuha sa ating kapaligiran.

    4. Paglalahad

    Ituro ang awiting Tong, tong, tong, pakitong-kitong.

    Tong, tong, tong, pakitong-kitong

    Alimango sa dagat

    Malaki at masarap

    Mahirap hulihin sapagkat nangangagat

    5. Pagtuturo at Paglalarawan

    Tumawag ng mga batang makapagbibigay ng mga produkto mula sa mga larawan ng kapaligiran at sa awiting natutuhan. (produktong nakukuha sa anyong tubig at anyong lupa)

  • 27

    IKALAWANG ARAW LAYUNIN: Nakapaglalahad ng isang kaganapan batay sa mga hayag o nakalap na

    impormasyon sa wikang Filipino ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: mga larawan ng ibat ibang produkto sa kapaligiran PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, muli nating pag-uusapan ang mga produktong nakukuha sa

    ating kapaligiran.

    2. Paglalahad a. Hatiin ang klase sa sampung pangkat. b. Pagtambalin ang pangkat 1 at 2, 3 at 4, 5 at 6, 7 at 8, 9 at 10. c. Ang bawat pangkat ay magbabahagi sa kapares na pangkat tungkol sa mga

    produktong nakukuha mula sa kani-kanilang kapaligiran. d. Ang kapares na pangkat ay magbabahagi rin ng tungkol sa kanilang mga

    produkto.

    3. Pagtuturo at Paglalarawan a. Tawagin ang isang miyembro ng bawat pangkat upang ilahad ang kaniyang

    nakuhang impormasyon mula sa kapares na pangkat tungkol sa kanilang mga produkto.

    b. Ipaliwanag na ibat ibang produkto ang makukuha sa ating kapaligiran.

    4. Kasanayang Pagpapayaman Tumawag ng mga batang maglalarawan ng mga nailahad na produkto gamit ang

    mga pang-uri.

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nakapaglalarawan ng kapaligiran gamit ang mga wastong pang-uri ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: lapis, papel, at pangkulay

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, iguguhit natin ang ating kapaligiran.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Magpaguhit ng kapaligiran sa mga bata gamit ang lapis, papel, at mga pangkulay.

  • 28

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Ipabahagi sa mga bata ang kanilang iginuhit na kapaligiran gamit ang mga pang-uri. IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Natutukoy ang mga produktong nanggaling sa kapaligiran sa wikang Filipino ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: ibat ibang larawan ng mga produktong nakukuha sa ating

    kapaligiran

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin Itanong: Saan nagmula ang lapis? lamesa? plastik?

    2. Kasanayang Pagpapayaman Magpapakita ng mga larawan ng produktong mula sa kapaligiran. Ipatukoy sa mga

    bata kung saan galing ang bawat isa. 3. Kasanayang Pagkabisa Tumawag ng mga batang maglalarawan ng mga produktong ginamit sa laro gamit

    ang mga wastong pang-uri. Halimbawa: bangus masarap; malinamnam 4. Pagtataya a. Magkaroon muli ng isang laro. b. Pabunutin ang mga bata ng isang larawan ng produkto. c. Ipalarawan ang mabubunot na larawan gamit ang pang-uri.

    IKALIMANG ARAW

    LAYUNIN: Nakapaglalarawan ng isang produkto sa pamayanan gamit ang wastong pang-uri sa wikang Filipino ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: lapis, papel, pangkulay PAMAMARAAN

    1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tayo ay guguhit ng ating paboritong produkto. 2. Pagtataya

    a. Magpaguhit sa mga bata ng kanilang paboritong produkto. b. Tumawag ng mga batang magbabahagi at maglalarawan ng kanilang iginuhit

    gamit ang mga wastong pang-uri. c. Ipatukoy ang mga pang-uring ginamit ng bawat bata.

  • 29

    Sino ang Pilipino (Titik ni Rene O. Villanueva, Musika ni Mike Pedro)

    Sino ang Pilipino? Ikaw ba o ako? Ako ay maputi

    Ika'y kayumanggi. Sino ang Pilipino? Sino ang Pilipino?

    Ikaw ba o ako? Itim ang buhok ko

    Kulay-kalawang ang sa 'yo.

    LINGGO 30 TEMA: Komunikasyon pasulat dyaryo, pasalin-dila, liham, posters /

    billboards, streamers

    MGA LINGGUHANG LAYUNIN 1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Natutukoy, nailalarawan, at

    nagagamit ang ilang karaniwang pasalita at di-pasalitang katangian sa isang hanay ng teksto

    2. Gramatika: Nailalarawan ang sarili, pamilya, at kapaligiran gamit ang mga karaniwang pang-uri

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Natutukoy ang mga katangian ng mga batang Filipino ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: tsart para sa awit na Sino ang Filipino?, mga larawan ng

    kapaligiran PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtaya

    Tumawag ng ilang piling bata at ipalarawan ang alinman sa sumusunod:

    sarili (kasuotan, haba o kulay ng buhok, kulay ng balat, atbp.)

    pamilya

    kapaligiran

    2. Tukoy-Alam Magpakita ng mga larawan ng batang Filipino at ipalarawan ang mga ito sa mga

    bata gamit ang mga pang-uri.

    3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga katangian ng batang Filipino.

    4. Paglalahad Iparinig sa

    mga bata ang awiting Sino ang Pilipino.

  • 30

    KORO:

    O sino kaya? Sino kaya? Sino ang Pilipino?

    O sino kaya? Sino kaya? Sino ang Pilipino? Sino ang Pilipino?

    Sino ang Pilipino?

    Ikaw ba o ako? Bilog ang mata mo.

    Singkit ang mata mo. Sino ang Pilipino?

    Ikaw ba o ako? Bakit magkaiba ang ating mga anyo?

    Sino ang Pilipino?

    KORO: Tayo ay Pilipino Ito'y alam natin

    Kung nanay o tatay Ay Pilipino rin

    Tayo ay Pilipino Pare-parehong Pilipino.

    5. Pagtuturo at Paglalarawan

    Tumawag ng mga bata at: a. Magpabunot sa mga bata ng

    paraan kung paano sasagutin ang iyong tanong sa pasalita o di-pasalitang paraan.

    b. Magbigay ng mga tanong na naglalaman ng mga pang-uri at maaaring sagutin ng oo o hindi, thumbs up / down, atbp. (hal: Malinis ba ang hardin ng ating paaralan?)

    IKALAWANG ARAW LAYUNIN: Nasasagot ang mga tanong

    ng guro gamit ang mga di-pasalitang paraan

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na

    Sino ang Pilipino? PAMAMARAAN

    1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, sasagot tayo ng mga tanong sa di-pasalitang paraan.

    2. Paglalahad Pasagutin sa pamagitan ng kilos, galaw, o guhit ang sumusunod:

    a. Masakit ba ang mamatayan ng magulang? Paano? b. Galak na galak ang taong nanalo sa lotto. Paano mo isasakilos ang kagalakan? c. Ikaw ba ay nagugutom? Paano mo ito ipapahiwatig sa kilos? d. Masaya ba ang iyong pamilya? Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng guhit.

    3. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Ipakita muli ang tsart ng Sino ang Pilipino? at awitin ito kasama ng mga bata. b. Bigyang pokus ang unang saknong ng awitin at tumawag ng ilang piling bata

    upang magbigay ng angkop na kilos para sa saknong na ito. Awitin ang unang saknong na may kasamang kilos kasabay ng buong klase.

    4. Kasanayang Pagpapayaman a. Pangkatin ang klase ayon sa bilang ng natitirang mga saknong ng awit. b. Bawat pangkat ay mag-iisip ng angkop na kilos para sa saknong na nakatalaga sa

    kanila. c. Bigyan ng 10 minuto ang mga pangkat para mag-isip. d. Isa-isang magtatanghal ang bawat pangkat sa harap na klase.

  • 31

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nasasagot ang mga tanong ng guro gamit ang mga pasalitang paraan.

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: ibat ibang larawan, cartolina (sapat para sa 8 hanggang 10 pangkat), lapis, pangkulay, at mga tanong na gagamitin sa kasanayang pagpapayaman

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, sasagutin ninyo ang mga tanong ko gamit ang mga

    pasalitang paraan.

    2. Kasanayang Pagpapayaman a. Magpakita ng isang larawan at magtanong tungkol dito. Bigyan ng dalawang

    tanong ang bawat batang tatawagin ang una ay tanong na may pang-uri at ang ikalawang tanong naman ay tanong na mangangailangan ng sagot na mayroong pang-uri.

    b. Tumawag ng ilang piling bata para sa pagsasanay na ito.

    3. Kasanayang Pagkabisa a. Pangkatin ang klase. Bigyan ng kalahating cartolina, lapis, at mga pangkulay ang

    bawat pangkat. b. Ipalarawan ang isang bagay o lugar na nais mong ipaguhit sa bawat pangkat. c. Bigyan ng 10 hanggang 15 minuto ang bawat pangkat na gawin ang kanilang

    poster. d. Ipalagay sa harap ng silid aralan ang mga poster na natapos ng bawat pangkat.

    Hayaang ipabahagi ito sa ng bawat pangkat sa buong klase.

    IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Natutukoy, nailalarawan, at nagagamit ang ilang karaniwang pasalita at

    di-pasalitang katangian sa isang hanay ng teksto ORAS: 30 minuto PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, tutukuyin, ilalarawan, at gagamitin natin ang ilang

    karaniwang pasalita at di-pasalitang katangian sa isang hanay ng teksto. Talakayin muli ang kahulugan ng pasalita at di pasalita. 2. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Sabihin na ang klase ay magkakaroon ng laro kung saan huhulaan nila kung ano ang sinasabi ng kilos ng guro.

  • 32

    b. Tumawag ng ilang piling bata na gustong humula sa kilos na ipapakita mo.

    3. Kasanayang Pagkabisa a. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. b. Ang unang pangkat ang magpapakita ng kilos na huhulaan ng ikalawang pangkat. c. Kapag nahulaan na, ang ikalawang pangkat naman ang magpapakita ng kilos at

    ang kalabang pangkat naman ang huhula. d. Sa ikalawang ikot ng laro, ang unang pangkat ang magbibigay ng isang pasalitang

    palatandaan na kailangang ikilos ng kalabang pangkat. e. Kung nahulaan na ito, yung pangalawang pangkat naman ang magbibigay ng

    pasalitang palatandaan at ang ikalawang pangkat naman ang huhula.

    4. Pagtataya a. Magkaroon muli ng isang laro. b. Pabunutin ang mga bata kung paano nila dapat sagutin ang iyong tanong s a

    pasalita o di-pasalitang paraan.

    IKALIMANG ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit nang tama ang mga pangkaraniwang pang-uri ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: lapis, papel, pangkulay

    PAMAMARAAN

    1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, gagamit tayo ng mga pangkaraniwang pang-uri sa ating mga pangungusap.

    2. Pagtataya

    a. Magpaguhit sa mga bata ng kanilang paboritong lugar sa pamayanan.

    b. Tumawag ng mga batang magbabahagi at maglalarawan ng kanilang iginuhit gamit ang mga wastong pangkaraniwang pang-uri.

  • 33

    Ikaapat na Yunit LINGGO 31

    TEMA: Kabuhayang Pampamayanan / Trabaho, Industriya ng

    Pakikipagkalakalan (One Town One Product o OTOP, industriyang lokal,

    tiangge, atbp.)

    MGA PANLINGGUHANG LAYUNIN 1. Wikang Binibigkas: Nailalarawan ang tono (pataas, pababa) ng boses ng bumabasa o

    naglalahad ng kuwento 2. Gramatika: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga

    larawan

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Nailalarawan ang mga trabaho / hanapbuhay, negosyo sa pamayanan

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: mga larawan ng mga salitang magkasalungat (mainit na siopao,

    malamig na haluhalo), Ibabaw at Ilalim (Adarna House, 2007) PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya at Tukoy-Alam

    a. Magdikit ng mga larawan na magkasalungat. b. Tumawag ng ilang piling bata na maghahanap ng kapares na larawan.

    2. Tunguhin

    Itanong: Ano-ano ang iba't ibang trabaho sa ating pamayanan?

    3. Paglalahad

    a. Ipakita ang aklat na Ibabaw at Ilalim. b. Ipakita ang bawat pahina at tanungin ang mga bata kung ano ang nakikita nila sa

    larawan. Maaaring magbigay ng mga tanong na nagsisimula sa nasaan? 4. Pagtuturo at Paglalarawan Tumawag ng mga bata at pumili ng dalawang larawang magkasalungat. Ipagamit

    ang magkasalungat na mga salita sa iisang pangungusap. Halimbawa: Ang tatay ay matangkad ngunit ang anak niya ay maliit.

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Nailalarawan ang tono (pataas, pababa) ng boses ng bumabasa o naglalahad ng kuwento

  • 34

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: aklat na Tiktaktok at Pikpakbum ni Rene Villanueva (Adarna

    House,1980), listahan ng mga linyang babasahin hango sa kuwento PAMAMARAAN: 1. Tunguhin Itanong: Ano ang nararamdaman mo ngayon? Paano mo ito ipapakita?

    2. Paglalahad Basahin ang kuwentong Tiktaktok at Pikpakbum ni Rene O. Villanueva. Bigyang diin ang damdamin ng mga tauhan sa pamamagitan ng pagpapalit-palit

    ng paraan ng pagsasallita (tono ng boses, tataas, pababa).

    3. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Bumanggit ng isang linya mula sa kuwento. b. Tumawag ng isang bata upang magpaliwanag kung ano ang damdamin ng tauhan

    ayon sa iyong pagkabigkas. (Halimbawa: masaya, malungkot, galit, atbp.;

    malakas o mahina / pabulong ang pagkakasabi)

    4. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Kung masaya ang tono, tumakbo papunta sa harapan ng silid aralan;

    kung malungkot, tumakbo papunta sa likod ng klasrum. b. Magbigay ng tatlong halimbawa ng masaya at tatlong halimbawa ng malungkot.

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nailalarawan ang mga litrato batay sa kuwento at naibibigay ang kasalungat nito

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: ibat ibang larawan, bond paper,lapis, at ibat ibang pangkulay PAMAMARAAN 1. Tunguhin

    a. Ano ang masasabi mo sa larawang ito? (ipakita ang litrato) b. Ano ang kasalungat o kabaliktaran ng ___? (salitang naglalarawang binanggit ng

    bata) 2. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Pumili ng sampung bata. Bigyan ng mga larawan ang unang limang bata at ang

    mga kabaliktarang mga larawan ay ibigay naman sa limang batang natitira.

    b. Bumilang ng isa hanggang tatlo. Pagkatapos banggitin ang Go!, sisimulan na ng mga batang hanapin ang kanilang kapareha sa kabilang pangkat.

    c. Ang unang pares na pupunta sa harapan ang siyang panalo.

  • 35

    d. Ulitin ang palaro hanggang sa makapaglaro ang lahat ng mga bata. Maaaring

    gumawa ng limang pares o higit pa sa bawat round.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    a. Bigyan ng malinis na papel, lapis, at mga pangkulay ang bawat bata. b. Magdikit ng tatlong larawang may kinalaman sa trabaho sa pamayanan. c. Papiliin ng isang larawan ang mga mag-aaral at ipaguhit sa mga bata ang mga

    posibleng kasalungat ng mga larawan sa pisara.

    IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Nagagamit ang ibat ibang tono para maipakita ang kasalungat na damdamin

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: mp3, player / cellphone speakers, naka-rekord na mga pangungusap

    at / o parirala, ibat ibang ekspresyon ng mukhang nakaguhit sa bilog na papel / cardboard at nakadikit sa popsicle sticks

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, makikinig tayo sa ilang mga pangungusap at susubukin

    nating tukuyin ang mga kasalungat na tono ng mga ito.

    2. Kasanayang Pagpapayaman at Kasanayang Pagkabisa

    a. Ipakinig sa mga bata ang mga pangungusap. Ulitin hanggang tatlong beses ang

    bawat isa para lubos itong mapakinggan ng mga bata.

    b. Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng bawat pangungusap?

    c. Tanungin kung ano-ano ang maaaring damdaming ipinapahayag ng nagsasalita

    (galit, tuwang-tuwa, nasasabik, atbp).

    d. Tanungin ang ilang piling bata kung paano nila ipahahayag ang pangungusap sa

    kasalungat nitong damdamin (hal: galit-natutuwa).

    3. Pagtataya Sabihin: Makinig nang mabuti sa pangungusap na iparirinig ko sa inyo.

    Pagkatapos ng bawat pangungusap, itaas ninyo ang popsicle stick na nagpapakita ng

    damdaming ipinapahayag ng mga nagsasalita.

    IKALIMANG ARAW LAYUNIN: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: lapis, papel, pangkulay

  • 36

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magtutugma tayo ng mga salitang magkasalungat sa

    tulong ng mga larawan.

    2. Pagtataya

    a. Bigyan ng lapis, papel, at mga pangkulay ang mga bata upang makaguhit sila ng

    tatlong pares ng magkakasalungat na salita. b. Tumawag ng mga batang magbabahagi at maglalarawan ng kanilang iginuhit.

    LINGGO 32

    TEMA: Mga Pinagkukuhaan ng Enerhiya

    MGA PANLINGGUHANG LAYUNIN 1. Wikang Binibigkas: Nabibigyang kahulugan ang diin at haba sa pagbigkas ng mga

    salita ng bumabasa o naglalahad ng kuwento 2. Gramatika: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga

    larawan

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Nasasagot ang tanong na Ano ang nagagawa ng hangin para sa atin?

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na Umihip Tulad ng Hangin ni Rene O. Villanueva PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya Itanong sa mga bata kung ano ang nagagawa ng hangin para sa kanila. 2. Tukoy-Alam Gumawa ng semantic web ng hangin.

    Pag-usapan ang mga bagay na naaalala o naiisip

    ng mga bata tuwing naririnig ang salitang hangin.

    Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.

    hangin

  • 37

    3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang kahalagahan ng hangin.

    4. Paglalahad Ituro sa mga bata ang awit na Umihip Tulad ng Hangin ni Rene O. Villanueva.

    (Matatagpuan sa http://www.youtube.com/watch?v=uU9BlD80aQM )

    5. Pagtuturo at Paglalarawan

    Pag-usapan sa klase ang kahalagahan ng hangin. Bigyang-diin ang hangin bilang

    pinagkukunan ng enerhiya. Maaaring magpakita ng larawan ng Bangui Windmills

    mula sa Ilocos Norte.

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Natutukoy ang mga salitang magkasalungat

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: tsart ng awit na Umihip Tulad ng Hangin PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ano ang ibig sabihin ng salitang magkasalungat? 2. Paglalahad Ipaawit muli sa mga bata ang Umihip Tulad ng Hangin. 3. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Ipalarawan sa mga bata ang ihip ng hangin ayon sa awit. b. Sabihin sa mga bata na ipakita ang malakas na ihip ng hangin sa pamamagitan ng

    pagpapalabas ng hangin mula sa kanilang mga bibig. Itanong sa mga bata kung

    ano sa kanilang palagay ang kasalungat ng malakas. Sabihin sa mga bata na ang

    kasalungat nito ay mahina. Tumawag ng ilang bata upang ipakita ang mahinang

    ihip ng hangin. Maaaring gumamit ng ribbon o anumang malambot na tela para dito

    upang maipakita nang mabuti ang konsepto. c. Sabihin sa mga bata na ipakita ang marahang ihip ng hangin sa pamamagitan ng

    pagpapalabas ng hangin mula sa kanilang mga bibig. Itanong sa mga bata kung

    ano sa kanilang palagay ang kasalungat ng marahan. Sabihin sa mga bata na ang

    kasalungat nito ay mabilis. Tumawag ng ilang bata upang ipakita ang mabilis na ihip

    ng hangin. d. Sabihin sa mga bata na ipakita ang maingay na ihip ng hangin sa pamamagitan ng

    pagpapalabas ng hangin mula sa kanilang mga bibig. Itanong sa mga bata kung

    ano sa kanilang palagay ang kasalungat ng maingay. Sabihin sa mga bata na ang

    kasalungat nito ay tahimik. Tumawag ng ilang bata upang ipakita ang tahimik na

  • 38

    ihip ng hangin. e. Isulat ang pares ng magkakasalungat na salita sa pisara.

    malakas - mahina

    marahan - mabilis

    maingay - tahimik

    4. Kasanayang Pagpapayaman

    Magpakita ng ilang mga kilos. Ipasakilos naman sa mga bata ang kasalungat nito.

    Halimbawa: Kapag marahan ang ihip ng guro, kailangang umihip nang mabilis ng mga bata.

    IKATLONG ARAW LAYUNIN: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: larawan ng mga bagay na malamig, mainit, malaki, maliit, mabigat,

    magaan, mahaba, at maiksi PAMAMARAAN 1. Tunguhin: Magpakita ng isang larawan. Tukuyin ang kasalungat nito.

    2. Kasanayang Pagpapayaman Idikit ang mga larawan sa pisara. Itanong sa mga bata kung ano ang katangian ng

    mga bagay na nasa larawan. Kumuha ng dalawang larawan at itanong sa mga bata kung ang mga ito ay magkasalungat o hindi. Tumawag ng ilang mga bata upang ipaliwanag ang sagot.

    Halimbawa ng mga larawan: a. apoy at araw (Hindi magkasalungat dahil parehong mainit.) b. apoy at yelo (Magkasalungat dahil mainit ang apoy ngunit malamig ang yelo.) c. kabayo at aso (Maaaring magkasalungat dahil malaki ang kabayo ngunit maliit

    ang aso. Maaaring hindi magkasalungat dahil parehong mabilis tumakbo.)

    3. Kasanayang Pagkabisa Bigyan ang bawat bata ng isang larawan. Sa iyong hudyat, kailangang hanapin ng

    bawat isa ang kamag-aral na may hawak ng larawang kabaliktaran ng nasa kanila.

    Tukuyin kung paano naging magkasalungat ang magkapares.

    IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan

    ORAS: 30 minuto

  • 39

    Halimbawa: Lumangoy tulad ng isda. Mabilis na langoy ng isda. Swoosh, swoosh. Lumangoy tulad ng isda. Mabagal na langoy ng isda.

    MGA KAGAMITAN: larawan ng mga bagay na magkasalungat, (halimbawa: basa at

    tuyong damit, mahaba at maiksing buhok, malaki at maliit na bola, atbp.), papel, panulat, at pangkulay

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magsasanay tayong muli sa pagtukoy ng mga salitang

    magkasalungat sa tulong ng mga larawan.

    Magpakita ng ilang mga larawan. Pagsamahin ang dalawang larawang

    magkasalungat.

    2. Kasanayang Pagpapayaman Idikit sa pisara ang mga larawang magkasalungat. Itanong sa mga bata kung ano

    ang kanilang masasabi sa mga larawan. Tumawag ng ilang mga bata upang itugma

    ang mga larawang magkasalungat.

    Paghambingin ang dalawang larawan. Tukuyin kung paano sila nagkaiba.

    3. Kasanayang Pagkabisa Magpaguhit ng larawan ng isang bagay na makikita sa loob ng silid-aralan.

    Ipaguhit din sa katabi nito ang larawan na nagpapakita ng kasalungat nito.

    Halimbawa: mahabang lapis at maikling lapis.

    IKALIMANG ARAW LAYUNIN: Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: papel, lapis, at pangkulay PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, gagawa tayo ng sariling awit na may mga salitang

    magkasalungat. 2. Pagtataya

    a. Awiting muli ang Umihip Tulad ng Hangin. b. Bigyan ng papel, panulat, at pangkulay ang

    bawat bata. Sabihin sa mga bata na gawan ng

    palit-salita ang awit: _____ tulad ng ____. Ipasulat ang sagot sa papel.

    c. Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang ginawang awit.

  • 40

    LINGGO 33

    TEMA: Konserbasyon ng Enerhiya at Likas na Yaman

    PANLINGGUHANG LAYUNIN 1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nabibigyang kahulugan ang diin

    at haba sa pagbigkas ng mga salita ng bumabasa o naglalahad ng kuwento

    UNANG ARAW LAYUNIN: Nakikibahagi sa talakayan tungkol sa awit ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: tsart ng awiting Maliit na Gagamba, larawan ng gagambang

    itinaboy ng ulan, larawan ng gagambang gumagawa ng sapot sa ilalim ng araw PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya Itanong sa mga bata kung sino sa kanila ang naabutan na ng ulan. Tumawag ng

    ilang bata upang ibahagi ang kanilang karanasan tungkol dito.

    2. Tukoy-Alam Talakayin ang kahulugan ng salitang itinaboy.

    Habang umuulan noong isang gabi, naisipan kong uminom ng mainit

    na tsokolate. Pagbukas ko ng ilaw sa kusina, laking gulat ko nang may

    nakita akong malalaking daga. Agad kong itinaboy ang mga ito sapagkat

    takot ako sa daga. Anong ibig sabihin ng salitang itinaboy?

    Pumili ng ilang bata upang imuwestra o sabihin sa klase ang sagot.

    3. Tunguhin Ngayong araw, tatalakayin natin ang awiting Maliit na Gagamba.

    Maliit na gagamba

    Umakyat sa sanga

    Dumating ang ulan

    Itinaboy siya

    Sumikat ang araw

    Natuyo ang sanga

    Maliit na gagamba

    Ay laging masaya.

    4. Paglalahad Ituro sa mga bata ang awiting Maliit na Gagamba.

  • 41

    5. Pagtuturo at Paglalarawan

    Itanong ang mga sumusunod: Ano ang ginagawa ng gagamba sa awit?

    Ano ang nangyari nang umulan?

    Ano sa inyong palagay ang naramdaman ng gagamba nang itinaboy siya ng ulan? Ipaliwanag ang sagot.

    Anong nangyari pagkatapos ng ulan?

    Anong naramdaman ng gagamba nang sumikat ang araw? Bakit?

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Nabibigyang kahulugan ang diin at haba sa pagbigkas ng mga salita ng

    bumabasa o naglalahad ng kwento

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: larawan ng gagambang itinaboy ng ulan

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, ating aalamin ang nararamdaman ng mga tauhan sa

    pamamagitan ng diin at haba ng kanilang mga sinabi.

    2. Paglalahad Balikan ang awiting Maliit na Gagamba. Awitin itong muli kasabay ng mga bata. 3. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Idikit sa pisara ang larawan ng gagambang itinaboy ng ulan. b. Talakayin ang ibat ibang posibleng damdamin ng gagamba (takot, malungkot,

    atbp). c. Idikit sa pisara ang larawan ng gagamba sa ilalim ng araw. d. Talakayin ang ibat ibang posibleng damdamin ng gagamba (nananabik, masaya,

    atbp). e. Ipaliwanag kung paanong ang emosyon ng tao ay nakatutukoy sa diin ng

    kaniyang sinasabi.

    4. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Sabihin ang salitang Naku! nang malungkot. Pahulaan sa klase kung ano ang damdamin pinahihiwatig.

    b. Ulitin ito ng may ibat ibang emosyon gaya ng masaya, galit, takot, atbp. c. Hayaang tukuyin ng mga bata ang ilang ekspresyon na magagamit upang ipakita

    ang iba't ibang emosyon.

  • 42

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nasasabi ang mga salita na may diin at habang akma sa emosyong

    babanggitin ng guro

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: larawan ng mga mukha na may ibat ibang emosyon (galit, takot,

    masaya, malungkot, atbp.)

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magsasanay tayo sa pagsasabi ng ibat ibang salita nang

    may ibat ibang emosyon. 2. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ng isang larawan ng mukha ang bawat

    pangkat. b. Isulat ang salitang hindi sa pisara at basahin ito sa klase. c. Kapag itinuro mo ang pangkat, sasabihin ng mga miyembro ang hindi na may

    tamang diin at haba batay sa mukhang ibinigay sa kanila. d. Ulit-ulitin ang laro gamit ang iba pang salita gaya ng ayoko, sunog, ako, atbp.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    a. Idikit ang takot na mukha sa pisara. Sabihin sa mga bata na sabihin sa katabi ang

    salitang Pilo na parang natatakot. b. Magdikit ng ibang mukha sa pisara at ulitin ang gawain.

    IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Nasasabi ang mga salita nang may tamang diin at haba

    ORAS: 30 minuto

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magsasanay tayo sa pagsasalita nang may tamang diin

    at haba.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Hatiin ang klase sa mga pangkat na may tig-limang miyembro. b. Bigyan ng eksena ang bawat pangkat (halimbawa: nasusunog ang mga bahay,

    may ahas sa loob ng banyo, nagkukuwentuhan ang pamilya sa hapagkainan, may

    magnanakaw na kumuha ng bag, nasira ang paboritong laruan). c. Itanong sa klase kung ano ang emosyon ng mga tauhan sa bawat eksena.

  • 43

    3. Kasanayang Pagkabisa Tulungan ang bawat pangkat na gumawa ng maigsing dula-dulaan ayon sa

    eksenang ibinigay ng guro.

    IKALIMANG NA ARAW

    LAYUNIN: Nasasabi ang mga salita ng may tamang diin at haba ORAS: 30 minuto PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, ipakikita natin sa klase ang dula-dulaang ginawa natin

    kahapon. Sabihing mabuti ang mga linya na may tamang diin at haba.

    2. Pagtataya Tawagin ang bawat pangkat upang isa-isang ipakita ang hinanda nilang

    dula-dulaan

    LINGGO 34

    TEMA: Pagtulong sa Aking Pamayanan-Pagpapanatili ng Kalinisan ng Ating

    Pamayanan (pagtapon ng mga basura sa basurahan, pag-recycle,

    pag-segregate) MGA PANLINGGUHANG LAYUNIN 1. Wikang Binibigkas: Nabibigyang kahulugan ang lakas at hina sa pagbigkas ng mga

    salita ng bumabasa o naglalahad ng kuwento 2. Gramatika: Napagtutugma ang mga salitang magkasingkahulugan gamit ang

    larawan

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Nakikinig at nagtatanong tungkol sa kuwentong binasa

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: aklat na Nang Magkakulay ang Nayon ni Susan dela Rosa Aragon

    (Adarna House, 2003) PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya Tanungin ang klase: Paano mo malalaman kung galit, malungkot, masaya, o

  • 44

    nasasabik ang isang tao?

    2. Tukoy-Alam Bigkasin ang ilang salita gamit ang ibat ibang emosyon tulad ng: masaya,

    malungkot, galit, at paiyak.

    3. Tunguhin Sabihin: Ang kuwento natin ngayon ay tungkol sa isang nayon. Ano kaya ang

    hitsura ng nayong iyon?

    Hikayatin ang mga bata na makagawa ng ilang mga tanong na nais nilang

    masagot sa kuwento.

    4. Paglalahad

    Ikuwento ang Nang Magkakulay ang Nayon ni Susan dela Rosa Aragon.

    5. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Bumuo ng pangkat at tanungin ang bawat pangkat kung ano ang kanilang

    paboritong tagpo mula sa kuwentong binasa. b. Bigyan ng oras ang bawat pangkat upang paghandaan ang pagsasadula ng

    kanilang paboritong tagpo mula sa kuwentong binasa.

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Nabibigyang kahulugan ang lakas at hina sa pagbigkas ng mga salita ng

    bumabasa o naglalahad ng kuwento

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: larawan mula sa isang tagpo sa kuwentong binasa

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, magkakaroon tayo ng pagsasadula. 2. Paglalahad Bibigkasin ng guro ang ilang salita gamit ang ibat ibang emosyon tulad ng:

    masaya, malungkot, galit, at paiyak. Halimbawa: Alikabok- sabihin sa tonong masaya Alikabok - sabihin sa tonong paiyak 3. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Tanungin: Pare-pareho ba ang tono ng bawat salita? Nag-iiba ang pagsabi natin

    sa isang salita depende sa ating emosyon. b. Ipakita ang isang tagpo mula sa kuwentong binasa noong unang araw kung saan

    nakita ng mga tao sa nayon ng Alikabok ang pagdating ni Pintor. Ipaarte ito sa

  • 45

    mga bata.

    Tanungin: Paano kaya sasabihin ng batang lalaki ang may parating na lalaki!? Sasabihin ba niya ito sa tonong paiyak?

    Sasabihin ba niya ito sa tonong galit?

    Sasabihin ba niya ito sa tonong masaya?

    4. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Hikayatin ang mga bata na ipakita ang ibat ibang emosyon. Halimbawa: masaya, malungkot, galit, at paiyak b. Magbigay ng isang salita at sabihin ito gamit ang ibat ibang emosyon tulad ng:

    masaya, malungkot, galit, paiyak, at iba pa. c. Hatiin ang klase sa 4-5 pangkat at ipamahagi ang larawan ng isang tagpo mula sa

    kuwentong binasa noong unang araw. d. Tanungin: Ano kaya ang sinasabi ng mga tauhan sa tagpong ito? e. Bigyan ang bawat pangkat ng oras sa paghahanda at ibahagi sa klase.

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Napagtutugma ang mga salitang magkasingkahulugan gamit ang larawan

    ORAS: 30 minuto

    KAGAMITAN: larawan na hango sa kuwentong binasa noong unang araw,

    ginupit na larawan (puzzle) na hango sa kuwentong binasa noong unang araw

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin

    a. Ipakita ang mga larawang hango sa kuwentong binasa noong unang araw. b. Tanungin: Ano ang masasabi ninyo sa kapaligiran ng kanilang nayon?

    2. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Ipakita ang mga larawan na mula sa kuwentong binasa noong unang araw.

    Halimbawa: Ipakita ang tagpo kung saan puro alikabok ang nayon ng Alikabok. Tanungin: Ano ang masasabi ninyo sa nayon ng Alikabok? Makalat o madumi ba ang nayon ng Alikabok?

    b. Muling gawin sa iba pang larawan gamit ang mga salitang magkasingkahulugan

    ang sumusunod:

    maganda-kaakit-akit malinis-maayos

    c. Sabihin: May mga salita na pareho ang kahulugan tulad ng mga sumusunod:

    makalat - madumi maganda - kaakit-akit

    malinis - maayos

    3. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Hatiin ang klase sa anim na pangkat at bigyan sila ng puzzle.

  • 46

    b. Ipaayos ang mga bahagi ng larawan upang mabuo ito. c. Talakayin, ilarawan, at paghambingin ang mga nabuong larawan.

    4. Kasanayang Pagkabisa Hikayatin ang bawat pangkat na pagtambalin ang larawan ng

    magkasingkahulugang salita.

    IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Masagot ang tanong na Ano-ano ang inyong ginagawa upang mapanatiling malinis ang pamayanan?

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: papel,lapis at pangkulay

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga paraan kung

    paano mapananatiling malinis ang pamayanan.

    2. Kasanayang Pagpapayaman Magtawag ng ilang mga bata upang sagutin ang tanong na: Paano

    mo mapananatiling malinis ang inyong komunidad?

    3. Kasanayang Pagkabisa

    a. Hatiin ang klase sa anim pangkat. b. Bigyan ang bawat pangkat ng salita na may kasingkahulugan na

    tinalakay noong ikatlong araw. Halimbawa: Pangkat 1 - maganda

    Pangkat 2 - kaakit-akit

    Pangkat 3 - makalat

    Pangkat 4 - madumi

    Pangkat 5 - maayos

    Pangkat 6 - malinis Itanong: Ano kaya ang hitsura ng isang pamayanang malinis?

    c. Ipalarawan ang isang komunidad sa pamamagitan ng pagguhit. d. Ipamahagi ang mga materyales.

    4. Pagtataya

  • 47

    Ipabahagi sa klase ang pangkatang gawain.

    IKALIMANG ARAW

    LAYUNIN: Naibabahagi sa klase ang pangkatang gawaing iginuhit

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: mga iginuhit noong ikaapat na araw

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin

    Naibabahagi sa klase ang paraan ng pagpapanatili ng kalinisan ng sariling pamayanan sa pamamagitan ng paglalarawan gamit ang mga salitang magkasingkahulugan.

    Halimbawa: Maayos ang aming pamayanan dahil walang kalat sa paligid. 2. Pagtataya Naibabahagi sa klase ang mga paraan upang mapanatiling

    maganda at malinis ang kanilang pamayanan.

    LINGGO 35

    TEMA: Pagtulong sa Aking Pamayanan - Pagpapaganda ng Ating Pamayanan (Pagtatanim at pag-aalaga ng bulaklak, halaman, paglinis ng mga ilog at iba pang pinagkukuhaan ng tubig)

    MGA PANLINGGUHANG LAYUNIN 1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan

    ang lakas o hina sa pagbigkas ng mga salita ng bumabasa o

    naglalahad ng kuwento 2. Gramatika: Nakapagbibigay ng pang-uring kasalungat batay sa

    larawan o salitang ibinigay ng guro

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Nakikinig at nagtatanong patungkol sa kuwentong binasa

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: Si Inggolok at ang Planeta Pakaskas isinulat nina ni

    Rene O. Villanueva at Lem Garcellano, iginuhit nina Bernard Bunag

  • 48

    at Jojo Topacio (Cacho Publishing House, 1988)

    PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya

    a. Tanungin ang klase: Ano ang naiisip ninyo kapag sinabi ang salitang planeta?

    b. Isulat sa pisara ang mga ideya ng klase sa pamamagitan ng

    paggawa ng semantic web.

    2. Tukoy-Alam Tanungin ang klase: Nakakain ba ang lahat ng bagay sa inyong

    paligid? 3. Tunguhin Sabihin: Ang kuwento natin ngayon ay tungkol sa isang kakaibang

    planeta. 4. Paglalahad Ikuwento ang Si Inggolok at ang Planeta Pakaskas. 5. Pagtuturo at Paglalarawan

    Muling balikan ang kuwentong binasa at umpisahan ang talakayan sa pamamagitan ng pagsagot ng ilang tanong mula sa kuwento. Halimbawa: Ano ang tawag sa kakaibang planeta? Bakit ito kakaiba? Mayroon kaya talagang planeta kung saan lahat ng bagay sa paligid ay

    puwedeng kainin?

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Nakapagbibigay ng pang-uring kasalungat batay sa larawan o

    salitang ibinigay

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: Si Inggolok at ang Planeta Pakaskas isinulat nina ni Rene O. Villanueva at Lem Garcellano, iginuhit nina Bernard Bunag at Jojo Topacio (Cacho Publishing House, 1988)

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, muli nating babalikan ang kuwento ni

    Inggolok. 2. Paglalahad

  • 49

    Hatiin ang klase sa 5-6 na pangkat at isadula ang isang tagpo sa

    kuwentong binasa noong unang araw. Halimbawa ng mga tagpo:

    Umiinom ang mga Nguyamyam ng maraming tsokolate mula sa ilog. Kinakain ng mga Nguyamyam ang masarap na bahay. Napasigaw nang malakas si Inggolok nang makita niyang nauubos

    na ang planeta Pakaskas.

    3. Pagtuturo at Paglalarawan

    a. Talakayin ang mga tagpo mula sa kuwentong binasa. b. Isulat sa pisara ang mga pang-uring ginamit sa bawat tagpo at

    ipabasa ito sa klase. c. Tanungin ang klase sa kung ano ang ibig sabihin ng bawat pang-uri. d. Sabihin ang salitang kasalungat ng mga pang-uring nakasulat sa

    pisara at tanungin kung magkapareho ng ibig sabihin. Halimbawa: malakas - mahina Itanong: Magkapareho ba ng ibig sabihin ang malakas at mahina?

    4. Kasanayang Pagpapayaman Hikayatin ang klase na maglaro ng modified Simon Says.

    Halimbawa: tumakbo nang mabilis Sa halip na sundin ang sinabi mo, ang dapat gawin ng klase ay ang

    salungat nito.

    Halimbawa: tumakbo nang mabilis - tumakbo nang mabagal o dahan

    dahan

    IKATLONG ARAW

    LAYUNIN: Nailalarawan ang magandang pamayanan

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: lapis o mga pangkulay ,papel, larawan ng pamayanan

    na: may maraming puno, bulaklak, halaman; may malinis na ilog at iba pang pinagkukuhaan ng tubig

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin

    Sabihin: Maganda ba ang pamayanan nina Inggolok? Ngayong

    araw, susubukan nating ilarawan ang isang magandang

    pamayanan.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    a. Magpakita ng larawan ng isang pamayanan na may

  • 50

    maraming puno, bulaklak, halaman, at may malinis na

    pinagkukuhaan ng tubig. b. Ilarawan ang pamayanan.

    3. Kasanayang Pagkabisa

    Gumuhit ng isang pamayanan na nais mong tirahan.

    IKAAPAT NA ARAW

    LAYUNIN: Nakapagbibigay ng mga paraan kung paano magkaroon ng

    isang magandang pamayanan na may maraming puno at

    halaman, may malinis na ilog at iba pang pinagkukuhaan ng

    tubig

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: papel, lapis, at pangkulay

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, pag-uusapan natin ang mga paraan upang

    mapaganda ang ating pamayanan.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Pangunahan ang talakayan sa tanong na: Ano ang inyong maaaring

    gawin upang maging maganda ang inyong pamayanan?

    3. Kasanayang Pagkabisa

    a. Ipagawa ito nang pangkatan. b. Isadula ang mga paraan kung paano magkakaroon ng isang

    magandang pamayanan.

    4. Pagtataya

    Ipaguhit sa mga mag-aaral ang isang paraan upang maging

    maganda ang pamayanan.

    IKALIMANG ARAW

    LAYUNIN: Naibabahagi sa klase ang iginuhit

  • 51

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: ang mga iginuhit noong ikaapat na araw

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin

    Magsagawa ng isang gallery walk na nagtatampok ng mga iginuhit ng mga bata nang nagdaang araw.

    2. Pagtataya Hayaang ibahagi ng klase ang kanilang natutunan sa pamamagitan

    ng pagbuo ng pangungusap na Upang maging maganda ang ating pamayanan, kailangan natin mag_______.

    LINGGO 36

    TEMA : Pagtulong sa Pamayanan--Pagtatanim ng mga Puno

    MGA PANLINGGUHANG LAYUNIN 1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nabibigyang

    kahulugan ang facial expression ng bumabasa o naglalahad ng

    kuwento 2. Gramatika: Nakapagbibigay ng pang-uring kasalungat batay sa larawan

    o salitang ibinigay ng guro

    UNANG ARAW

    LAYUNIN: Nakapagbabahagi ng mga pang-uring naglalarawan sa mga

    bagay; nakikilahok sa isang laro kung saan nagbibigay ng

    pang-uring kasalungat sa ibinigay ng kaklase

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: Si Inggolok at ang Planeta Pakaskas, isinulat nina ni

    Rene O. Villanueva at Lem Garcellano, iginuhit nina Bernard Bunag

    at Jojo Topacio (Cacho Publishing House, 1988), mga larawan ng

    maganda at di magandang kapaligiran

    PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya Tanungin sa klase: Bakit mahalaga ang pagtatanim at pag-aalaga

    ng mga puno? Bakit mahalagang naglilinis at inaalagaan ang

    kapaligiran?

  • 52

    2. Tukoy-Alam Tumawag ng ilang mga bata upang magbahagi ng kanilang sagot. 3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin kung ano ang katangian ng

    maganda at malinis na kapaligiran pati ang marumi at hindi

    magandang kapaligiran.

    Magpakita sa klase ng mga larawan at tumawag ng dalawang bata upang ilarawan nila ang mga ito gamit ang mga magkasalungat na pang-uri.

    4. Paglalahad Ipabahagi ang kuwentong Si Inggolok at ang Planetang Pakaskas. 5. Pagtuturo at Paglalarawan Simulan ang talakayan ukol sa kuwento sa paglalarawan ng mga

    Nguyamyam, ng Planetang Pakaskas, at kay Inggolok.

    IKALAWANG ARAW

    LAYUNIN: Nabibigyang kahulugan ang facial expression ng bumabasa o

    naglalahad ng kuwento

    ORAS: 30 minuto

    MGA KAGAMITAN: kopya ng kuwento

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, susubukan nating tukuyin ang tamang

    facial expression sa paglalahad ng kuwento.

    2. Paglalahad Pangkatin ang mga bata. Bigyan ang bawat isang pangkat ng tagpo

    mula sa kuwento. Ipaalala ang paggamit ng tamang facial expression sa

    pagbabahagi ng mga tagpo.

    3. Pagtuturo at Paglalarawan Simulan ang talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga

    bata kung alin ang angkop na facial expression sa mga piling damdamin

    na ipinakita ng tauhan sa kuwento.

  • 53

    Sa dulo ng talakayan, sumahin ang mga pagkakataon kung kailan

    ginagamit ang mga akmang facial expression sa pagsasalaysay sa

    kuwento.

    4. Kasanayang Pagpapayaman Ibigay ang panuto sa laro kung saan magbibigay ang guro ng tagpo

    o pangyayari at ipapakita ng mga bata ang angkop na facial

    expression para dito. IKATLONG ARAW LAYUNIN: Natutukoy ang kasalungat ng nabanggit na pang-uri ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: malalaking memory game card na may pares ng mga

    larawang kumakatawan sa mga pang-uri

    PAMAMARAAN 1. Tunguhin

    Sabihin: Ngayong araw, ibibigay natin ang kasalungat ng mga pang-uri.

    2. Kasanayang Pagpapayaman

    Magbigay ng mga pangungusap ukol sa pangangalaga ng

    kapaligiran na may mga pang-uri. Pangunahan ang klase sa pagtukoy

    sa mga pang-uri sa bawat pangungusap. Talakayin (sa pamamagitan

    ng paglista) ang kasalungat ng mga ito.

    3. Kasanayang Pagkabisa Pangunahan ang klase sa isang memory game sa pisara kung saan

    magpapakita ang guro ng mga larawang kumakatawan sa

    magkasalungat na mga pang-uri.

    IKAAPAT NA ARAW LAYUNIN: Nagagamit ang lakas at hina ng pagbigkas sa pagkukuwento o

    paglalahad ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: pangkulay, papel para sa bawat isa PAMAMARAAN 1. Tunguhin Magbalik-aral sa mga pamantayan sa paggamit ng malakas at

  • 54

    mahinang paraan ng pagkukuwento.

    2. Kasanayang Pagpapayaman Ipakilala ang gawain sa pagtalakay ng mga paraan kung paano

    mapangangalagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pag-aalaga at

    pagtatanim ng mga puno. Payuhan ang klase na iguhit nang malikhain

    ang kanilang mga sagot. Ipamahagi ang mga materyales para sa

    gawain. 3. Kasanayang Pagkabisa Matapos ang pagguhit ng kanilang sagot, bigyang pagkakataon ang

    klase na ibahagi ang kanilang sagot sa kanilang katabi.

    4. Pagtataya Tumawag ng ilang piling mag-aaral upang ibahagi ang kanilang

    gawa sa harap ng klase, gamit ang tamang facial expression sa

    pagsasalaysay.

    IKALIMANG ARAW LAYUNIN: Nailalahad ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno bilang

    pagtulong sa pamayanan ORAS: 30 minuto PAMAMARAAN 1. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, susubukan natin ang ating galing sa

    pagtatanghal at talino sa pagbibigay ng paraan upang mapangalagaan

    ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno.

    2. Pagtataya Ipangkat ang klase sa tig-walong bata, at bigyan ng pagkakataon

    ang bawat pangkat upang magpulong at magplano para sa gagawing

    malikhaing pagtatanghal upang maipakita ang paraan ng pangangalaga

    ng kapaligiran. Payuhan ang klase na gamitin ang tamang facial

    expression upang maipahayag ang layon ng pagtatanghal.

    Magtatanghal ang bawat pangkat matapos ang pulong.

    LINGGO 37

    TEMA : Pagtulong sa Pamayanan -- Pagtatanim ng mga Halamang Gulay

  • 55

    MGA PANLINGGUHANG LAYUNIN 1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nabibigyang

    kahulugan ang galaw ng kamay at katawan ng bumabasa o

    naglalahad ng kuwento 2. Gramatika: Nakapagbibigay ng pang-uring kasingkahulugan base sa

    larawan o salitang ibinigay

    UNANG ARAW LAYUNIN: Nakapagbabahagi ng mga pang-uri na naglalarawan sa mga

    bagay; nakikilahok sa isang laro kung saan nagbibigay ng pang-uring kasingkahulugan sa ibinigay ng kaklase

    ORAS: 30 minuto MGA KAGAMITAN: tsart ng Ako ay Nagtanim (awiting bayan)

    PAMAMARAAN 1. Paunang Pagtataya Tanungin sa klase: May mga tanim ba kayong halaman sa bahay?

    Ano-ano ang mga ito? Bakit sila mahalaga? Para sa inyong pamilya?

    Para sa pamayanan?

    2. Tukoy-Alam Tumawag ng ilang mga bata upang magbahagi ng kanilang sagot. 3. Tunguhin Sabihin: Ngayong araw, aalamin natin kung ano ang katangian ng

    mga halamang gulay at kung bakit mahalagang tayo ay nagtatanim ng

    mga ito sa tahanan.

    Magpakita sa klase ng mga larawan at tumawag ng dalawang bata

    upang ilarawan ang bawat isa gami