22
Pagpili at Paglilimita sa Paksa Mga Paghahanguan ng Paksa Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa Batayan ng Paglilimita sa Paksa

FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Pagpili at Paglilimita sa Paksa

Mga Paghahanguan ng Paksa Konsiderasyon sa Pagpili ng

Paksa Batayan ng Paglilimita sa

Paksa

Page 2: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga Paghahanguan ng Paksa

Sarili – sariling karanasan, maaaring simulan sa sarili ang pag-iisip ng mga paksang pagpipilian

Page 3: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga Paghahanguan ng Paksa

Dyaryo at Magazin – mga napapanahong isyu

Hal. Magiging Epekto ng

Pagkapanalo ni Obama sa Ekonomiya ng Pilipinas

Page 4: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga Paghahanguan ng Paksa

Radyo, TV at Cable TV – mga programang edukasyunal, balita, talk shows, variety show, sports, atbp.

Page 5: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga Paghahanguan ng Paksa

Mga Awtoridad, Kaibigan, at Guro – sa pamamagitan ng pagtanung-tanong

Page 6: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga Paghahanguan ng Paksa

Internet – pinakamadali, mabilis, malawak na paraan ng paghahanap ng paksa, mga websites na tumutugon sa iba’t ibang interes

Page 7: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga Paghahanguan ng Paksa

Aklatan – tradisyunal na hanguan ng paksa

Page 8: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga Paghahanguan ng Paksa

Larangan – mas praktikalInteres – maaaring iba sa larangang kinabibilangan

Page 9: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa

Kasapatan ng Datos – kailangang may sapat ng literatura hinggil sa paksang pipiliin

Page 10: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa

Limitasyon ng Panahon – siguraduhing maisasakatuparan ang paksa sa panahong ibibigay ng guro

Page 11: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa

Kakayahang Pinansyal

Page 12: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa

Kabuluhan ng Paksa – kailangan ay kapakipakinabangInteres ng Mananaliksik

Page 13: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Batayan ng Paglilimita sa Paksa

Sakop ng PanahonPangkalahatang Paksa (PP):

Brain drain at epekto nito sa larangan ng medisina sa bansa

Nilimitang Paksa (NP) Brain drain at epekto nito sa larangan ng medisina sa bansa: 2000-2008

Page 14: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Batayan ng Paglilimita sa Paksa

Sakop ng EdadPP: Mga imbentor na Pilipino at ang hinaharap ng teknolohiya sa Pilipinas

NP: Mga batang imbentor na Pilipino (edad 10-15) at ang hinaharap ng teknolohiya sa Pilipinas

Page 15: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Batayan ng Paglilimita sa Paksa

Sakop ng KasarianPP: Ang mga NGO bilang tagapuno ng

kakulangan sa serbisyo ng pamahalaanNP: Ang papel ng mga kababaihan sa

NGO bilang tagapuno ng kakulanagn sa serbisyo ng pamahalaan

Page 16: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Batayan ng Paglilimita sa Paksa

Sakop ng Propesyon/Grupong Kinabibilangan

PP: Pag-aaral sa Wika ng mga Bakla

NP: Pag-aaral sa Wika ng mga Baklang Propesyunal

Page 17: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Batayan ng Paglilimita sa Paksa

Sakop ng Anyo/UriPP:Pagtutol ng mga

mamamayan sa relokasyon bunga ng pagtatayo ng golf course sa Boracay

NP:Pagtutol ng mga mahihirap na mamamayan sa relokasyon bunga ng pagtatayo ng golf course sa Boracay

Page 18: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Batayan ng Paglilimita sa Paksa

Sakop ng Perspektiba

PP: Epekto ng pedopilia sa mga biktima

NP: Epektong sikolohikal ng pedopilia sa mga biktima

Page 19: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Batayan ng Paglilimita sa Paksa

Sakop ng LugarPP: Naiibang tradisyon ng

piyesta sa KatagaluganNP: Naiibang tradisyon ng

piyesta sa Bulacan

Page 20: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Pagdidisenyo ng Pamagat

Kailangang maging malinaw (hindi matalinhaga), tuwiran (hindi maligoy), at tiyak (hindi masaklaw)

Ang mga salita ay hindi kukulangin sa 10 at hindi hihigit sa 20

Hal:Sino si Bill Gates?Bata…Bata…Paano ka Ginawa?Sa Kabataang Pilipino

Page 21: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Mga tamang halimbawa ng pamagat ng pananaliksik

“Mga Istratehiya ng Promosyon ng mga Produktong Pabango ng Bench Phils.: Isang Analisis ng Efektivnes”

“Mga Piling Estudyanteng May Malalang Violation sa Patakaran ng Chiang Kai Shek College: Mga Aral Kaso”

“Pahambing na Pagsusuri sa Preperensya ng mga Kababaihan at Kalalakihang Mag-aaral ng CKSC sa Panonood ng mga Telenobela”

Page 22: FILIP12-Pagpili at Paglilimita Sa Paksa

Gawain#9 Ilimita ang mga sumusunod na paksa upang makapagdisenyo ng isang mahusay na pamagat pananaliksik.

1. Preperensya ng mga Kabataan sa Pag-inom ng Alak

2. Ang Kulturang Muslim at ang kanilang mga Paniniwala

3. Pag-aangkop ng mga Igorot sa Teknolohiya

4. Epekto sa Ekonomiya ng mga Call Center Companies

5. Pagtutol ng mga Iskwaters sa Relokasyon