8

Filipino 4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Fabulous

Citation preview

Mga Gawain , Pagsusulit at Eksaminasyon

Repleksyon sa

Bawat Aralin

I. Pagbabagong Morpoponemiko

Sa araling ito, aking napahalagahan ang paggamit ng iba’t ibang istilo upang baguhin ang anyo ng isang salita upang mas magbigay kulay sa paggawa ng mga pangungusap maging sa talata. Ang Pagbabagong Morpoponemiko ay isang magandang paraan ng pagpapalawig lalo ng ating kaalaman sa ating bokabularyo. Ito ay mas nagpapalalim ng ating makabuluhang paggamit at pagpapakakahulugan sa ating wika dahil sa panahon ngayon, mapupunang marami na sa atin ang binabalewala ang tamang pagbigkas at paggamit nito.

Gayundin, aking natutunan ang wastong pagbago sa anyo ng mga salita sa ating wika. Mahalagang

ang ating mga nabagong salita ay angkop at tama mula sa orihinal nitong pinanggalingan. Ito ay isa sa mga maaari nating gamiting batayan sa tuwing tayo ay magbabago ng salita.

II. Pagsasaling Wika

Samantala, sa aralin naming ito, aking napalalim amg layuning magbigay ng kahulugan ng isang akda sa ibang wika. Naalala kong mayroon kaming naging isang gawain kung saan kami ay pumili ng isang Ingles na awit at isinalin namin ito sa Filipino. Kung kaya aking napagtanto na hindi madali at biro ang pagsasalin ng isang wika sa isa pa; isang eksperto o bihasa ang marapat na gumawa ng tungkuling ito dahil kinakailangang tama ang maipalaganap na impormasyon at mensahe ng isang akda gamit ang ibang mga wika. Maaaring magkaroon ng kalituhan at ibang mensahe ang orihinal na akda kung hindi tama ang pagkakasalin nito sa ibang wika.

Ang gawaing ito ay isang malaking tulong upang mas maunawaan at maisapuso ng mga mambabasa ang akda. Sa pamamagitan nito, mas marami tayong maibabahaging kwento gamit ang iba’t

ibang wika.

Mga Kwento ng Epiko at

Mitolohiya

III. Indarapatra at Sulayman

Ito ay isang epiko mula sa Mindanao na nagtatampok sa kabayanihan nina Haring Indarapatra at Prinsipe Sulayman. Sa epikong ito, marami kaming natunghayang kababalaghan kabilang na ang kakayahan ng isang indibidwal na makipagsagupaan sa mga halimaw. Kasama rin sa mga kababalaghan ang muling pagkabuhay ni Prinsipe Sulayman matapos itong madaganan ng pakpak ni Pah; ang paggamit ni Haring Indarapatra ng isang tubig mula sa nahabag na bathala upang mabuhay si Prinsipe Sulayman muli, ang pagpapasalamat ng isang diwata kay Haring Indarapatra para sa pagsagip nito sa bayang kinubkob ng ibong halimaw at ang pagpapakasal ni Haring Indarapatra sa diwata.

Ngunit ang pinakamahalaga sa epikong ito ay ang aral ng kakayahan nating magpamalas ng kabayinahan kahit saan at kahit kailan. Ang katapangan ng kalooban at paninindigan sa mga tamang bagay ay ilan lamang sa mga elementong makakatulong upang tayo ay maging mga bayani. Mahalagang tandaan na ang kabayanihan ay hindi lamang matatagpuan sa pagbuwis ng buhay, bagkus ito din ay nasa anyo ng pagsasakripisyo at pagtulong higit sa mga kapos palad at sa mga nangangailangan.

IV. Pyramus at Thisbe