20
NAT REVIEWER in FILIPINO IV

Filipino 4 Nat Reviewer

Embed Size (px)

DESCRIPTION

NAT Reviewer

Citation preview

Page 1: Filipino 4 Nat Reviewer

~1~

NAT REVIEWER

in

FILIPINO IV

Page 2: Filipino 4 Nat Reviewer

~2~

PANUTO: Basahin at unawain ang mga teksto/pahayag, pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan. piliin ang sagot at itiman ang bilog sa sagutang papel na tumutugon sa inyong kasagutan.

1. Nakakulapol ang ulap sa pinagtutuunan niya ng tingin.

2. Nagtatago ang nais niyang makita sa pook na ito.

3. Dinayo pa man din niya ang layong ito upang makita lamang ang kabuuan ng bantog na tulay na ito... ang tinatawag na Golden Gate Bridge ng San Francisco.

4. Unti-unti namang humu-hulagpos sa bilangguang ulap ang matatayog na palatan-daan ng tulay

1. Aling bilang ng pangungusap ang

nagpapahiwatig ng talinghaga? A. 1 C. 3 B. 2 D. 4 1. Dahil iyang edukasyon pangunahing priyoridad,

2. Ang parirala na nagpapahayag ng larawang-diwa ay nasa bilang ___. A. 1 C. 3 B. 2 D. 4

Si Matilde ay nagjng tampok na bituin ng araw na 'yon Sa kanyang kariktan at husay sa pagsayaw, nilupig niya sa rangya ang lahat ng mga babaing naroon. Lahat ng lalaki'y nagpako ng tingin sa kanya, nag-usisa ng kanyang pangalan at gumawa ng paraan upang makadaupang-palad siya. 3. Ang larawang ipinakikita sa akda ay

isang babaeng _____. A. kabighabighani B. kagilagilalas C. dalubhasa D. dakila

“Aalis' na kami, Alice, Maraming salamat sa iyong kagandahang loob,paalam ni Andres. "Hindi pangkaraniwang gabi ito sa akin.”

4. Ang salita sa pahayag na nagpapakita ng pagpapatungkol kay Alice ay ____. A. ito B. iyong C. akin D. kami

Page 3: Filipino 4 Nat Reviewer

~3~

Para sa bilang 5-7

"Lito, halika't ibili mo ng sigarilyo ang iyong Lolo, "tawag ni Gener sa kanyang matandang anak.

“Huwag ka nang magpabili, may sigarilyo ako."

"E, kahit kape Tatay... uminom kayo ng kape...

"Huwag na...busog pa ako!" Impit ang buntunghiningang

pumulas sa labi ni Gener. Sa ubod ng kanyang puso, naramdaman niyang muli ang kung anong nakapagitan sa kanilang mag-ama. Malawak ang pagitang iyon. Ang kanyang ama ay larawan rig isang taong kuntento dahil siya ay nakakaraos nang mag-isa sa buhay kahit hindi humingi ng tulong sa anak.

Ngunit ito ay ipinagdaramdam ng puso ni Gener. Kaya nang minsang humiram sa kanya ng pera ang kanyang kumpareng Blas para pandagdag sa perang ibibigay sa kanyang ina, ay nawika ni Gener ang ganito sa asawang Si Ellen. “Alam kong kahit madalas magipit ang kumpare, pagka’t maliit lamang ang kanyang kinikita, ay magkaibayo ang kaligayahan niyang natatamo sa gayong pagbibigay. Marahil ay gayon talaga ang anak... ibig niyang masabing kahit paano'y nakatutulong din sa magulang.... Ibig niyang maipakilala sa kanyang sarili na siya'y isang mabuting anak.

Hapon na ng gumayak sa pag-alis si Mang Bidong. Malungkot na tinanaw ni Gener at Ellen si Mang Bidong habang akay-akay ng dalawang apo sa

pagpanaog. Alam nilang hindi na kailangang alukin siya na magdala ng kahit anong maiuuwi o bigyan kaya ng pera dahil hindi rin lamang niya ito tatanggapin. Ngunit nang bumalik ang anak upang humingi ng limang piso para sa kanyang lobo ay laking gulat ni Gener. Napatindig at dating sumungaw sa bintana upang tingnan kung naroon nga ang ama at totoong nagpapahingi ito ng limang piso.

“Nakalimutan ko nga palang magsabi sa inyo kanina," ani ni Mang Bidong na gumaralgal ang tinig."Wala nga pala akong pera...baka mayroon pa kayo ay….?

Si Gener ay naluluhang dumukot ng pera sa kanyang bulsa at patakbong nanaog para iabot ang kuwalta sa ama. Naluluhang nangingiti si Mang Bidong na tinanggap ang pera. Si Gener ay patuloy naman sa pagluha sa kaligayahan.

Isang Maipagmamalaki ni Bueneventura S. Buluran, Hiyas ng Wika IV pp116-120

5. Ang tagpong nagpapakita ng kasukdulan ay kinakitaan ng igting sa _______. A. pagkikita ng mag-ama B. pagdaramdam ni Gener C. paghingi ng pera ng ama D. pagluha ni Gener dahil sa

kasiyahan

Page 4: Filipino 4 Nat Reviewer

~4~

6. Ang katangian ng pagwawakas na ito

ay_____. A. lumutas sa suliranin ng darndamin

ng pangunahing tauhan. B. may iba't ibang makabagbag

damdaming tagpo ng mga tauhan. C. kinakitaan ng mga talinghagang

salita. D. may mabilis na takbo ng mga

pangyayari.

7. Ang kaisipang maiuugnay sa binasa ay hinggil sa _____. A. pagiging bahagi ng buhay ang mga

munting sigalot. B. katatagan ng pamilya pagkatapos

ng sigalot sa buhay. C. suliraning pampamilya na madaling

malutas kung mapag-uusapan. D. kaligayahang maipadama ang

pagmamahal ng anak sa magulang.

Hindi mapigil ang mabilis na pag-inog ng daigdig. Naging marunong ang tao sa tulong ng agham at teknolohiya. Kapansin-pansin ang kaunlaran sa medisina, pati na rin ang pagdami ng tao.

8. Ano ang kaisipang mahihinuha mula

sa binasa? A. Mabilis umikot ang mundo. B. Ang karunungan ay nagdudulot ng

kaunlaran. C. Dumarami ang tao dahil sa mabilis

na pag-inog ng mundo. D. kaunlaran ay bunga ng

pagpupunyagi ng mga tao.

"Ibuhos natin ang ating buong kakayahan at gawin ang lahat ng magagawa upang ang ating bansa'y maging tunay na malaya at nagsasarili, at ang mga mamamayang Pilipino'y siyang maging tahas na panginoon sa kanilang lupain. Mga loong Mandeopga— Amodo V. trandos

9. Ang ibig ituro ng pahayag sa mga

Pilipino ay ____. A. pangalagaan ang bansa laban sa

mga dayuhan. B. isulong ang kasarinlan ng bansa C. ipagmalaki ang nakamit na

kasarinlan sa kamay ng dayuhan. D. makapagtatag ng isang huwarang

pamahalaan ng taong-bayan. "Makatarungang demokrasya, pagka-kapantay-pantay sa batas at pagkaka-taon sa buhay. lto ang ating panata at hantungan, sukdulang tayo'y magbuwis ng ating buhay." 10. Ipinapahayag ng binasang bahagi na

ang _____. A. pagbubuwis ng buhay ay isang

kabayanihan. B. pagbubuwis ng buhay ang

kasagutan para matamo ang demokrasya.

C. bawat nilalang ay may tinatamasang mga karapatan.

D. kapakanan ng mga mamamayan ang dapat na maging pangunahing hangarin.

Page 5: Filipino 4 Nat Reviewer

~5~

Para sa bilang 11-13

Nag-uusap ang mag-asawang Celso at Cita tungkol sa pambayad ng matrikula ng kanilang anak.

"Huwag ka nang mabahala.

Ipinag-ipon ko siya nang unti-unti para sa pangangailangang iyon. Ipinangako ni Inay ang pagtulong niya sa pagtatapos ng anak natin sa haiskul," sabi ni Cita.

"Sadyang napakabait sa atin ng

Panginoong Diyos. Sa pamamagitan ng patnubay ng Panginoon sa atin, maitataguyod natin ang pag-aaral ng ating anak sa kolehiyo, madali nating naihahanap ng kalutasan ang ating suliranin sa tulong Niya, sagot ni Celso sa asawa.

Hango sa: Hiyas ng Lahi IV, Nina Iluminada Balozo atbp.

11. Sa ikinilos ni Celso, ang naging

saloobin niya sa pagpapatnubay ng Panginoon sa kanilang mga pangangailangan ay isang____. A. pananalig B. pamamanata C. pangarap D. pananagutan

12. Naniniwala si Celso na ______. A. kapag humingi ka ng tulong sa

Panginoon ikaw ay pagbibigyan

B. ang kinabukasan ng anak ay dapat iasa sa mga panalangin

C. palagi silang ginagabayan ng Poong Maykapal sa kanilang mga pangangailangan

D. madalas na naihahanap ng kalutasan ang kanitang '- ittibranin sa buhay

13. Bilang isang kabiyak at ama, ang katangi-tanging pag-uugali ni Celso ay lubusang pagtitiwala sa Panginoon at _________. A. pagtataguyod sa pag-aaral ng

anak niya sa panghihingi ng tulong sa kanyang ina.

B. paghahanda niya sa kinabukasan ng kanyang buong pamilya.

C. pag-iipunan lamang ang mga biglaang pangangailangan ng kanilang anak.

D. pagpaplano nang marapat na gagawin para matutas ang suliranin.

Page 6: Filipino 4 Nat Reviewer

~6~

Para sa bilang 14-15.

Tuwing dadalaw si Dr. Tan ay nakangiti ang munti niyang pasyente.

"Malapit na po akong gumaling. Lagi po akong nagdarasal. Sabi po ni Sister Analiza ay wala raw pong imposibie sa dasal."

Itinuturing ni Dr. Tan na isang milagro ang pagkagaling ni Yeye. Pagkaraan ng kalahating buwan ay sinundo na siya ni Sister Analiza.

Bago umalis si Yeye, nagwika ng ganito ang manggagamot, "Ang Teddy Bear na ito ay aginaldo ko sa iyo. Alam mo, dalawampung taon na akong hindi nagsisimba ni magdasal mula nang mamatay ang kaisa-isa naming anak.

Hango sa Gintong Pamana IV, nina Iluminada G. Belazo atbp.

14. Ang angkop na pagwawakas sa

akda ay ____. A. nailigtas sa panganib ang

buhay ng batang maysakit sa ampunan.

B. sabay na nanalangin ang manggagamot at si Sister Analiza.

C. kinuha ng madre ang batang maysakit.

D. muling nagbalik-loob sa Panginoon ang manggagamot.

15. Saan maaaring ibatay ang paniniwalang nais ibahagi ng akda? A. Ang pagdarasal ay dapat isagawa

araw-araw. B. Panalangin ang tugon sa lahat ng

paghihirap natin. C. Maaaring magbago ng

paninindigan at paniniwala ang tao.

D. Higit na pinakikinggan ng Panginoon ang dalangin ng isang batang paslit.

Namimili ang kaluluwa ng lipuna't kaibigan.

At matapos na mamili'y Sinasarhan ang pintuan.

Sakali ma't may karwaheng tumigil sa tarangkahan di kikilos, di titinag maging hari man ang lulan.

Sa loob ng isang bansa na maraming mamamayan siya'y akin nang nakitang pumili ng isa lamang.

Halaw kay Emily Dickinson ni Federico L Espino Jr.

16. Ipinapahiwatig ng tula na ___. A. ang tao ay namimili ng lipunang

kanyang kabibilangan B. ang tao ay may kakayahang

pumili ng gusto niyang kaibigan C. kailangang maging tapat ang tao

sa kanyang magiging kaibigan

D. may isang katangi-tanging ugali ang kaibigang pinipili ng mamamayan sa lipunan

Page 7: Filipino 4 Nat Reviewer

~7~

Para sa bilang 17-20

I. Ang apat na taon sa mataas na paaralan ay madalas mamagitan sa hangganan ng kamusmusan at sa pagiging ganap na dalaga o binata ng isang mag-aaral. Sa loob ng panahong iyon ay umuunlad di lamang ang katawan o anyo, kundi pati na ang isipan at ang puso.

II. Ang bawa’t magtatapos sa haiskul ay tiyak na makararamdam ng kabigatan sa kanyang paglisan sa paaralang sumaksi sa pag-aaral niya ng apat na taon at nagbukas sa kanya sa malawak na karunungan.

III. Hahanap-hanapin ng mga magsisipagtapos sa haiskul ang dating mga mukhang naging kaniig-niig sa pag-aaral at ang magiliw na pakikisama ng mga kaklase.

IV. Tulad ng kabataan, ang pag-aaral sa haiskul ay minsan lamang dumaraan sa buhay. Ang pagtatapos sa haiskul, na maaaring walang kasing-ligaya at kasing saya, ay saka lang lubos na mauunawaan, na yao'y simula lamang ng totohanang pag-aaral sa buhay.

17. Batay sa kaisipang pakapaloob sa unang talata, ang kaugnay na pagbabagong makikita sa mga mag-aaral sa haiskul ay ang ____. A. pag-unlad na pisikal at

pangkatauhan B. paglaki ng katawan at muscles C. pagkakaroon ng kalayaang gawin

ang nais D. pagiging ganap na dalaga at

binata

18. Ang mga mukhang naging kaniig-niig sa pag-aaral ay maaaring mangahulugan na mga kamag-aral na naging ____ sa pag-aaral. A. tagapagturo C. taga-tustos B. kasama D. inspirasyon

19. Sa mga kaisipang nakapabob sa

Ikalawa at ikatlong bahagi ng akda, pinaniniwalaang ang haiskul ang ____. A. pinaka-nakaaasiwang yugto ng

buhay ng mga mag-aaral. B. pinakamasayang karanasan sa

buhay ng mga mag-aaral. C. batayan ng pagtatagumpay ng

mga mag-aaral sa kolehiyo. D. kaganapan sa buhay ng mga

mag-aaral.

20. Sa huling bahagi ng akda, aling paliwanag ang inilahad tungkol sa pagtatapos sa haiskul? A. Pinakamasayang yugto sa

buhay ng lahat ang haiskul. B. Ang karanasan ay magdudulot

ng totoong karunungan. C. Ito ang simula ng totoong

pakikibaka sa buhay. D. Ang karunungang natamo ay

magpapatuloy habang-buhay.

Page 8: Filipino 4 Nat Reviewer

~8~

Para sa bilang 21- 25

Ang Lihim Kaldero, Kandila at Lumang Pitaka

Nung una, masaya at tahimik ang pamumuhay ng kanilang mag-anak. Subalit nang sita ay maulila, huminto si Remedios sa pag-aaral sa haiskul at si Oscar na nasa ikaapat na baitang pa lamang ang nagpatuloy. Sinusundo ni Remedios si Oscar sa paaralan. Minsan dahil se pag-iisip, tinitisud-tisod niya ang bawat bagay na madaanan. Natisod niya ang isang kalderong kupi. Pinulot niya ito at minasdan. Mga ilang hakbang pa ay natisod naman niya ang isang kandila na gamit na. Kinuha rin niya ito. Kasabay na niya s Oscar nang nakapulot sila ng isang lumang pitaka.

Pagdating sa kanilang bahay, nilinis niya ang kaldero. Ang napulot na kandila at pitaka ay itinago niya sa altar.

Kinabukasan, laking gulat nila nang makita ang laman ng kaldero. Kalahati'y kanin, kalahati’y adobong manok. Natakot sila subalit kumain pa rin sila. Tuwang-tuwa sila sa bigay na biyaya. Ang gayong pagkakataon ay naulit nang naulit.

Makalipas ang ilan pang panahon, naalala nila ang kandila. Sinindihan nila ang kandila sa kanilang altar. Muli, isang kababalaghan na naman ang nangyari. Sa bawat tulo ng kandila at patak nito sa kahoy, nakabubuo ito ng isang kandila hanggang umabot ito sa dalawandaan. Ipinasya nitang itinda ito sa harapan ng simbahang malapit sa kanila.

Nakapagtabi sila ng dalawandaang piso sa lumang pitaka na nasa ibabaw ng kanilang altar. Isang bagay pa ang nadiskubre, ang dalawang daang-piso ay dumoble at naging apat na raang piso na. Natuwa ang magkapatid dahil nakapagpatuloy na sila ng kanilang pag-aaral.

Matuling lumipas ang mga araw. Naging doktor .na si Remedios at si Oscar naman ay isang inhinyero.

Dahil pa rin sa dulot ng suwerte ng kaldero, kandila at lumang pitaka, nakapagpatayo sila ng isang malaking kilinika at naging matagumpay ang magkapatid. Subalit ang lihim, ay pinanatili nilang lihim.

21. Inilarawan sa unang bahagi ng kuwento na si Remedios bilang kapatid ni Oscar ay ___ dahil sa mas pinili niyang huminto sa pag-aaral at itaguyod ang pag-aaral ni Oscar. A. masipag at maalalahanin B. mapagbigay at matiisin C. masikap D. maingat

22. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kasukdulan ng kwento? A. kung paano mababago ng mga

pangyayari ang kanilang buhay B. nang matagpuan ni Remedios ang

mga mahiwagang bagay sa daan. C. kung ang sikreto ng mga bagay na

kanyang napulot sa daan. D. nang maulila sina Remedios at

kung paano niya bilang panganay itataguyod ang buhay nilang

magkapatid.

Page 9: Filipino 4 Nat Reviewer

~9~

23. Ang wakas ng kwento ay ______. A. makatuwiran sa naging takbo

ng mga pangyayari. B. kulang at di-akma sa tunay na

takbo ng kuwento C. nag-iwan ng tanong sa isipan

ng mga mambabasa. D. nagtapos sa pangungusap na

sinipi o famous quotation.

24. Sa mga pangungusap sa unang bahagi ng kuwento na nakasutat ng italisado, ipinahihiwatig nito na si Remedios ay _____. A. nag-iisip ng desisyon para sa

kanilang magkapatid. B. palaisip ng kung ano-anong

bagay. C. balisa ang isipan D. nawala sa katinuan

25. Ang kuwentong isinalaysay ay

nagpapahiwatig na _______. A. ang buhay ay isang pakikibaka. B. habang may buhay, may pag-

asa. C. Pana-panahon lang ang

suwerte. D. ang tao ang gumagawa ng

kanyang kapalaran.

Ang sumusunod ay mga halaw Sa El Filibusterismo. Basahin at sagutin ang mga tanong sa mga aytem bilang 26-30.

Si Placido ay mag-aaral na mahinahon at matiisin. Ngunit nang araw na iyon, hindi na siya nakatiis sa mga paghamak at pangungutya ni Padre Milan. Ibinalibag ni Placido ang kanyang mga aklat. lpinamukha niya sa guro na wala itong karapatang siya ay hamakin. Pagkatapos lumabas siya ng silid nang walang paalam. Lahat ng kanyang kamag-aral ay nabigla sa ginawa ni Placido.

26. Anong kaisipan ng maiuugnay sa

edukasyon sa pagpapasiyang ginawa ni Placido? A. Dapat maging mahinahon sa

pagpapasiya sa gawain ang isang mag-aaral.

B. Ang bawat mag-aaral ay may karapatang ipagtanggol ang kanyang karangalan.

C. Ang guro ang nararapat tumayong pangalawang magulang ng mag-aaral

D. Di dapat manghamak at mangutya ng kanyang mag-aaral ang isang guro.

Page 10: Filipino 4 Nat Reviewer

~10~

“Ang pamahalaan ay itinatag sa ikagagaling ng bayan. Upang maka-tupad lubos sa layunin ay higit na kailangang umalinsunod ito sa kahilingan ng mamamayan na nakababatid ng kanilang mga kailangan. 27. Ang kaisipang ito ay

nangangahulugang _______. A. nararapat magpasaklaw ang

mamamayan sa kanilang pamahalaan

B. dapat isulong ang katatagan ng pamahalaan kaysa kapakanan ng mamamayan

C. masusing pagpapatupad ng mga kautusan ang kailangan para sa kaayusan ng mamamayan

D. dapat unahin at bigyang pansin ng pamahalaan ang mga pangangailangan at mga hinaing ng mamamayan.

"Maningal na pagmamahal sa bayan ang mamatay dahil dito”

28. Ang pahayag ay naglalarawan ng_____. A. marangal na pagsasaayos para

sa huling hantungan ng isang bayani.

B. pagnanais na mamatay sa sariling bayan kaysa sa ibang tupain.

C. kahandaan sa pagbubuwis ng

buhay para sa kalayaan ng bayan.

D. pagpapadama ng kabayanIhan para sa ikauunlad ng bayan.

Ang mga tapat na loob at ang mga

karapat-dapat ay kailangang magtiis upang ang kanilang adhikai'y makilala, Lumaganap at kailangang pingkiin ang bato upang magbigay -ningas 29. Ang kaisipang ito ay

nangangahulugang______. A. ang taong may Pangarap ay

taong may prinsipyo B. kailangang maghirap muna

upang makamit ang nais C. dapat panindigan ang mithiin at

ituon ang pansin sa ikapagtatagumpay nito

D. kahanga-hanga ang taong may paninindigan sa kanyang gawain

Page 11: Filipino 4 Nat Reviewer

~11~

“lkaw at ako ay kapwa nauuhaw sa katarungan kaya't sa halip na tayo'y magbangayan ay kailangan tayong magtulungan."

30. Ang prinsipyong pinaniniwalaan ng taong nagsabi nito ay ____. A. makakamit natin ang ating

adhikain kung tayo ay magkakaisa.

B. gaano man kasama ang paguugali ng isang tao, ito ay maaari pa ring magbago.

C. huwag tayong palulupig sa mga taong kaaway natin bagkus makipagkaibigan tayo sa kanila

D. pahalagahan natin ang ating kapwa sa gayon ay matulungan nila tayo.

1) "Siya ang aking paraluman," parang nahihibang na nasabi niya, 2) nang hapong mahipo ang dulo ng dalawang daliri. “O, maganda kong paraluman! 3) kapag natarok mong ikaw ang aking pangarap at ikaw ang pag-uukulang handugan ng lahat kong makakaya, marahil ay hindi ka magiging 4) isang ibong mailap na tatalilis pagkarinig sa dalisay na pagibig na aking ihahandog"

31. Alin sa may bilang na pangungusap ang nagpapahayag ng tatinghaga? A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

Palibhasa’y taga bagong panahon si Daniel at palibhasa'y may salaping ikinasusunod sa lahat, ang kanyang mga kilos at bihis ay naaalinsunod sa lakad ng kabihasnan.

32. Anong larawang-diwa ang

ipinapakita sa talata? A. taong anuman ang naisin ay

nakakamit B. taong kabilang sa bagong

henerasyon C. taong madiskarte sa buhay D. taong masalapi

May luha siya sa mata ngunit may

galak siyang nadama. Luwalhati Hinagud-hagod niya ang-mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang sl Ogor. Pagkaraa'y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha.

33. Anong larawangtdiwa ang

nakapaloob sa talata? Isang taong_______

A. Isang taong nagmamalaki B. naging mahinahon C. may matigas na kalooban D. natuktasan ang kanyang

kakayahan

Page 12: Filipino 4 Nat Reviewer

~12~

Sa mga unang sandali pa lamang na namalas ng binata ang ilarawan ng mabait na dalaginding ay ganap ng napag-unawa na yaon ang gandang-kaniyang hinahanap, tumutugon sa kaniyang mga pangarapin at alinsunod sa tibukin ng kaniyang puso. 34. Alin sa sumusunod ang

pinapatungkulan ng salitang kaniyang ginamit sa pangungusap? A. puso C. dalaginding B. pangarap D. binata

Para sa bilang 35.

Tumayo ang dalawang kapatid ko, Hindi na nila matimpi ang kanilang pag-iyak. Ibig kong lumabas. Ibig kong iwasan ang pagtitig ko sa paghawak ni lna sa isang kamay ni Ama: ang mahigpit na paghawak.

Alam, mga anak, ngayon larnang kami talagang mapag-iisa ng inyong ama."

May kumurot sa aking laman. Pilit kang nilunok ang panunuyo ng aking bibIg. Saka ako napabuntunghininga. Halaw sa: Dayuhan ni Buenaventura S. Medina p 174-181, Daloy np Aida Marie Guimatie atbp

35. Sa bahaging ito ng kasukdulan, ipinamalas ng may-akda_____.

A. maspahayag ang igting ng damdamin ng pangunahing

tauhan. B. gumamit ng makulay na

paglalarawan ng tagpuan.

C. gumamit ng masining na mga salita at pahayag

D. maipakita ang kalunos-lunos na eksena.

Para sa bilang 36

NaraMdaman kong may nagpupumilit na bumalong sa aking mata. Ngayon ko lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking Ama: dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong pook na ito! Lumapa ako kay Ama. Halaw sa: Dayuhan ni Buenaventura S. Medina , p.174- 181, Daloy ng diwa nina Aida Marie Guimarie atbp.

36. Ang wakas ng kuwento ay____. A. Nag-iwan ng katanungan sa

isipan ng mga mambabasa. B. nasa mambabasa kung paano

nila ito gustong wakasan. C. nagpapakita ng kalutasan sa

suliranin ng pangunahing tauhan.

D. may napipinto pang kasunod o sequel.

Page 13: Filipino 4 Nat Reviewer

~13~

Humahangos ang mga tao sa lahat ng lansangan ng Maynila. Gumagalaw ang lahat ng bisig, ang lahat ng isip, ang buong katawan ng Maynila. 37. Ang kaisipang maiuugnay sa

nakapaloob na teksto ay _____. A. madaling manirahan sa lungsod. B. daglian ang pag-angat ng buhay

sa lungsod. C. maraming tao ang walang tigil sa

pagtatrabaho upang mabuhay sa Maynila.

D. isang malaking pangarap para sa lahat ng Pilipino ang manirahan sa Maynila.

"Mahalaga sa ilalim ng anumang

pamahalaan ang karapatan ng tao sa katarungan. Ngunit sa ibabaw ng karapatan sa katarungan ay lalong mahalaga ang karapatan ng tao na ipagsanggalang ang kanyang buhay." 38. Anong kaisipan ang nakapaloob sa

talata? A. Mahalaga na ipagtanggol ang

karapatan. B. Gamitin ang karapatan upang

ipagtanggol ang sarili. C. Karapatan ng tao ang mabigyan

ng katarungan sa lipunan.

D. Ang buhay ng tao ang higit na dapat pangalagaan ng pamahalaan.

Gaya ng lahat ng mabait na anak na laki sa hirap, si Ineng ay tumutulong sa magulang sa lahat ng gawain sa bahay at gayon din naman sa ano pa mang pagsisikap ng kanyang ina na maaaring pagkakitaan ng salapi upang kahit paano'y makatulong sa pamilya.

39. Anong magandang asal ang itinuturo nito sa kabataan? A. ang bumuo ng pangarap B. ang pagtulong sa pamilya C. ang pagpapahaIaga sa

hanapbuhay D. ang maagang pagkita ng

salapi

Ang katapatan sa kapwa bilang mahalagang katangian ay bihira nang makita sa ngayon. Sinasabi ng matatanda na lubha na raw mailap ang salitang ito sa ngayon. Higit na madalas daw magtalusira o magtaksil ang karamihan sa atin dahil sa hirap ng buhay.

40. Ano ang nais ipaliwanag ng talata tungkol sa salitang katapatan? A. Nababalewala na ito dahil sa

kahirapan. B. Nawawalan ng tiwala ang

bawat isa sa sarili. C. Nasisira ang samahan ng mga

magkakaibigan. D. Nababago ang pananaw ng tao

dahil sa pagbabago ng buhay.

Page 14: Filipino 4 Nat Reviewer

~14~

Para sa bilang 41 - 46.

I. Sina Selmo at Gado ay magkababayan, magkaibigan at magkamag-aral. Nang sila'y magtapos sa haiskul, si SeImo ay kumuha ng karera sa kolehiyo samantalang si Gado ay hindi na pinag-aral pa ng kanyang ama na si Tata Genio. Nais kasi ng ama ni Gado na siya ay magsaka na lamang tutal naman daw ay marunong na siyang magbasa at sumulat.

II. Ngunit iba ang nais ni Gado. Hindi pagsasaka. Gusto niyang maging inhinyero kaya siya ay naglayas. Naghinanakit si Gado sa ama nang tinutulan nito muli ang kanyang iniungot na makapag-aral sana sa susunod na semestre. Siya ay nagpunta ng Maynita upang makipagsapalaran.

III. Isang araw umuwi si Selmo sa bayan nila ng siya ay nakapagtapos na ng edukasyon. Si Gado ay nagkataong umuwi rin upang makita ang mga magulang at ibalita ang kanyang pagsisikap ngunit kinagatitan pa rin siya ni Tata Genio. Bago siya umalis ay dumaan muna siya kina Selmo upang ibalita sa kaibigan na siya ay mayroon ng trabaho sa Maynita at kumukuha siya ng inhinyero elektrikal.

IV. “Nauna lang kayo sa akin kaibigan, wika niya, ngunit makatatapos din ako ng aking pag-aaral. Darating ang araw Selmo, kapag ganap na akong inhinyero, ipakikilala ko kay ama na mali siya."

V. Lumipas ang apat na taon, at muling nagkita ang magkaibigan isang hapong pauwi si Selmo mula sa kanyang pinagtuturuan. Nagsadya siya sa bahay nina Gado nang gabing iyon. Sila ay nag-usap. Napansin ni Selmo na kaylaki ng itinanda ni Gado. Nabanggit ni Gado na siya ay nagtatrabaho

na sa isang kompanyang Amerikano bilang inhinyero. Ganap na pala siyang inhinyero at matagumpay kaya umuwi muli sa San Roque. Marami siyang dalang mga pasalubong para sa kanyang mga magulang at pati na rin kay Selmo. Si Tata Genio ay matanda na ngunit sadya pa ring matigas ang loob at pilit na itinatago ang tuwa sa mga pares ng tsinelas na pasalubong sa kanya ni Gado.

VI. Nang sumunod na gabi, muling bumisita si

Gado kina SeImo. Laking gulat nila ng kanyang nanay dahil umitim si Gado. "Lumusong po kami ni ama sa bukid. Nag-araro pa po ako ng bukid habang pinanonood ako ni ama. Natawa pa nga siya dahil bumalangkad ang daan ng araro. Sinabi kong iiwan ko po ang trabaho na sa Maynila at papalitan ko na po siya sa pagsasaka. Ngunit alam nyo po ba ang kanyang sinabi? Hindi ko iyon malilimutan."

VII. Saglit na napatungo si Gado, ngunit narinig

ni SeImo ang sinabi niva. Mahina, ngunit punung-puno ng galak ang sinabi ni ama. Isasauli ko na ang saka, sasabihin ng mga tao sa akin na papayagan kong magsaka ang aking anak, samantalang siya ay . . . .

41. Sa ikaapat na talata (1V) ng kuwento,

ipinakikita nito na si Gado ay____. A. naguguluhan sa mga pangyayari B. nag-aalangan sa kanyang desisyon C. determinadong makamtan ang kanyang

pangarap D. handang ipamukha sa ama ang kanyang

kamalian.

Page 15: Filipino 4 Nat Reviewer

~15~

42. Sa takbo ng mga pangyayari, naniniwala si Gado na upang makamit ang pangarap, kailangan ang ____. A. tulong ng ibang tao. B. basbas ng rnagulang. C. edukasyon at suwerte. D. edukasyon at pagsisikap.

43. Batay sa pakikitungo ni Selmo kay

Gado, masasabi na siya ay ____. A. matiisin B. matulungin C. may mataas na pangarap D. may malasakit sa kaibigan

44. Kung ibabatay sa pinakahuling pangungusap ng pahayag ng ama ni Gado, ang angkop na wakas nito ay _____. A. magsasaka na rin lang si Gado ng

kanilang bukid dahil ayaw niyang sumama muli ang loob ng kanyang ama ngayong matanda na ito.

B. mamamahinga na sa pagsasaka si Tate Genio dahil sila’y maalwan nang makapa-mumuhay ngayong matagum-pay na si Gado bilang inhinyero.

C. ibebenta ni Gado ang lupang sinasaka at mag-iiba na lang sila ng hanapbuhay sa kanilang bayan.

D. Hihikayatin ni Tata Genio si Gado na magtrabaho na lang sa kanilang bayan bilang isang ordinaryong inhinyero sa kompanya ng kanyang kumpare.

45. Sa kabuuan, ang prinsipyo ni Gado

ay batay sa paniniwala na ang __.

A. kailangan ang tatag ng loob

upang magtaumpay

B. kahirapan ang magtatakda ng

iyong tagumpay at hindi ang

kapalaran.

C. kahirapan ay hindi hadlang sa

pagtatamo ng tagumpay.

D. kailangang gawin para

magtagumpay ay sumunod sa

nais ng magulang.

46. Si Tata Genio ay isang ama. Bilang

bahagi ng lipunan, ang dapat niyang

naging papel sa kuwento ay ___.

A. igiit ang pagsasaka ng bukid kay

Gado

B. itakda ang magiging kapalaran ni

Gado.

C. Ipadama ang pagmamahal kay

Gado sa pagbigay ng mga

materyal na bagay.

D. Itaguyod ang pag-aaral ni Gado

hanggang sa abot ng kanyang

makakaya.

Page 16: Filipino 4 Nat Reviewer

~16~

Para sa bilang 47 – 50

Sa lahat ng panahon, kinikilala at

pinagtitibay na saligan ng pamahalaan at

ng bayan ang tahanan. Ito ang unang

pamahalaan at bayan ng tao. Kung ang

tahanan ay maayos, at kung ang

magulang ay nabubuhay ng tahimik,

naaaruga at natuturuan ng magandang

aral ang mga anak, sila ay hindi lamang

magiging kapurihan ng magulang kundi

gayon din ng pamahalaan at ng bayan.

Samakatuwid, ang magulang ay

may malaking pananagutan sa

pamahalaan at bayan. Nasa kanila ang

bigat ng mga tungkulin at ang

magandang pag-asa sa kinabukasan. Sila

ang mga unang tagahubog ng tao. Mga

kamay nila ang pumapanday, at

katauhan ng mga anak, ito;’y malaking

kapinsalaan sa lipunan, sa pamahalaan at

sa bayan man.

47. Ayon sa binasa, ang mga anak na

maayos ang pag-aaruga at

pagpapalaki ay ____.

A. Mula sa katangi-tanging lipi ng

pamilyang Pilipino.

B. karangalan ng magulang,

pamahalaan, at bayan.

C. Huwaran ng susunod na

henerasyon ng kabataan.

D. Nagtatagumpay sa buhay.

48. Ang ibig sabihin ng salitang saligan

ay ____.

A. bunga

B. batayan

C. kasangga

D. kapanalig

49. Ayon sa binasa; bakit may malaking

pananagutan sa lipunan at bayan

ang mga magulang?

A. Huwaran silang kabataan sa

kagandahang asal

B. Patnubay ng magulang ang

kailangan ng kabataan na pag-asa

ng bansa.

C. Sila ang tagahubog ng katauhan

ng kabataan na pag-asa ng bansa.

D. Sila ang unang tagapagpatupad

ng batas kaya sila ay magiging

mabuting mamamayan.

50. Batay sa teksto, ano ang ibig sabihin

ng “ang tahanan ang unang

pamahalaan at bayan ng tao”?

A. Sa tahanan unang nahubog ang

mga karanasan ng anak

B. Ang magulang ang nagpalaki sa

mga anak

C. Ang magulang ang katuwang ng

pamahalaan sa pagpapatatag ng

bansa.

D. Sa tahanan unang natutuhan ang

pagsunod sa mga tagubilin at

batas.

Page 17: Filipino 4 Nat Reviewer

~17~

Para sa bilang 51-55

TIMAWA

Si Andres Talon ay naghuhugas ng mga pinggang kinainan sa ladies dormitory sa isang unibersidad sa Amerika. Ito lamang ang paraan upang makapagpatuloy siya ng pag-aaral ng medisina as kolehiyo. Ito ang tagpong nakita ni Alice nang gabing bumaba siya sa may kusina. At maya-maya’y durnating naman ang kanilang kaibigang si Mark.

“Ang sipag mo naman Andres”, bati ng dalawa. “Kailangan kasi para matupad ang pangarap ko.”

“Magkwento ka naman sa amin ng iyong buhay, napapansin namin na lagi kang tahimik.”

“Ako ay napadpad sa Amerika ng sumama ako as aking tiyuhin na sumasakay ng barko na nagyayaot sa Pilipinas at Amerika.

Pagdating ng Amerika, marami akong pinasukang trabaho upang mabuhay at ito nga ang huli ang pumasok na tagalinis ng dormitoryo ng isang unibersidad.

Gusto ng aking ama ang makatapos ako ng pag-aaral upang makawala sa paghihirap.

Hindi ko makalimutan ang pangyayari minsan ng isama ako ng aking ama nung pista ng bayan sa bahay ng

may-ari ng aming lupang sinasaka. Ganoon ang tradisyon sa aming lugar, ang lahat ng magsasaka ay tumutulong sa paghahanda. Nang nagkakainan na ang mga nanunulungan ay biglang dumating ang donyang asawa ng may-ari ng lupa. Pinagalitan kaming nagaisikain, dahil hindi pa raw natatapos kumain ang mga panauhin ay inuuna na raw namin ang aming rnga bituka, at tinawag niya kaming mga timawa. Kaya't ito ang naging ugat ng pagsusumigasig ko sa buhay. Nag-aaral ako upang ganap na makawala sa kahirapan.

Hango: Timawa ni Agustin Fabian Hamaka IV nina Castillo atbp. Pp. 301 – 305

51. Ipinahihiwatig sa kuwento na si

Andres ay isang taong ____. A. masikap B. masinop C. mabilis magtrabaho D. maraming alam na trabaho

52. Ano ang isa sa nais ituro ng kuwento

sa mga mambabasa? A. Ang kahirapan ay nangyayari sa

mga tamad at walang suwerte sa buhay.

B. Ang kahirapan ay gawing hamon upang pagbutihin ang ginagawa at mapaunlad ang buhay.

C. Kung minsan kailangang maranasan ang pait ng buhay upang magising sa katotohanan.

D. Ang taong wolang ambisyon ay walang mararating sa buhay.

Page 18: Filipino 4 Nat Reviewer

~18~

53. Ipinaliwanag ng kuwento na upang magtagumpay kailangang _____. A. mag-aral at magsikap upang

maabot ang pangarap B. maranasan ang kaunting hirap

upang may ginhawang matamo. C. Maging matibay ang loob sa

anumang hirap ng buhay. D. May magbibigay ng inspirasyon

at gabay.

54. Ang kuwento ay nagtatapos na ___. A. matagumpay si Andres bilang

doktor B. may balakid pang nakaamba sa

tagumpay ni Andres. C. palaisipan sa mga mambabasa

ang magiging wakas nito D. nagsasaad ng dahilan ni Andres

ng pagsisikap sa buhay. 55. Ang timawa ay isang ____.

A. alipin B. dukha C. katuwang D. kasambahay

Ang sumusunod ay mga halaw sa El Filibusterismo. Sagutin ang mga tanong sa aytem bilang 56 – 60.

“Ang eskwelahan ang batayan ng isang lipunan, ang eskwelahan ang librong kasusulatan ng kinabukasan ng mga mamamayan,” sambit ni Simoun.

56. Mahihinuhang pinahahalagahan na ng mga Pilipino ang edukasyon noon pa man dahil ito ang ___. A. pinakamagandang kontribusyon

ng mga Espanyol B. magiging daan para sa ikatatag

at ikasusulong ng bansa C. magbibigay kakayahang

maipagtanggol ang lipi mula sa mga abusadong Espanyol.

D. magiging paraan para makatuklas ng pagbabago at imbensyon.

Para sa bilang 57 - 58

“Kayo’y hindi hinirang ng bayang Pilipinas,” ang sagot ng Mataas na Kawani sa Heneral, kundi ng bayang España. Ito ang isang dahilan kung bakit dapat ninyong lingapin ang mga Indiyo upang wala silang maipintas sa España. Nang pumarito kayo sa Pilipinas, Ipinangako ninyong ilalagay sa katwiran ang pamamahala.”

57. Isinasaad ng pahayag na ___.

A. dapat ay ganap nating tinanggap ang pamamalakad ng mga pinunong Español.

B. ang pamahalaan ay matatag na sandigan ng mga mamamayan.

C. ang pamahalaan ay kailangan maging pantay para sa interes ng pinuno at ng mamamayan.

D. Tungkulin ng mananakop na iayos ang bayang kanyang sinakop.

Page 19: Filipino 4 Nat Reviewer

~19~

58. Mahihinuha sa pahayag ng mataas na kawani ang kaisipang bahagi ng pamamahala sa bayan ang ____. A. Itaguyod ang kanyang

karangalan sa pamumuno nang tapat at may malasakit sa tao.

B. gumawa nang mabuti lamang sa mga taong tapat sa kanilang tungkulin.

C. protektahan ang pangunahing karapatan ng tao upang di sila makagawa ng labag sa pamahalaan.

D. sikilin muna ang pansariling hangad hanggang sa maabot ang panlahatang tagumpay.

Para sa bilang 59. “May pananagutan kayo sa walong angaw na Pilipino na hubugin ang kanyang kabataan, hindi lamang ang isip kundi pati ang kanilang katawan tungo sa paglikha ng isang bayang marangal, matalino, mabait, dakila at tapat,” ang sabi ni Isagani kay Padre Florentino. 59. Ang kaisipang ipinahihiwatig ng

pahayag ni Isagani ay tungkol sa mga ____. A. di mabubuting gawa ng mga

prayle sa edukasyon ng mga kabataan

B. hiling na pagbabago ng mga estudyanteng Pilipino sa pamahalaang Español.

C. Karapatan ng mga estudyanteng Pilipino na mabigyang halaga sana ng mga namunong Espanyol.

D. tungkulin ng namunong Espanyol na pangalagaan ang interes ng mamamayang tao.

Para sa bilang 60 “Ako’y ma’y Kastila rin, ngunit bago ang aking pagka-Kastila ay una ang aking pagka-kastila ay una ang aking pagkatao, at una sa España ay minamahalaga ko ang aking karangalan. Hindi ko ibig na balang-araw ay matawag siyang ina-inahan ng mga bansa, manlulupig ng maliliit na bansa,” patuloy na sabi ng Mataas na Kawani sa Heneral. 60. Mahihinuha sa pahayag ng mataas

na kawani ang kaisipan na kailangan ang ______. A. malinaw na programa para sa

kagalingan ng mamamayang sinakop.

B. dakilang adhikain upang lubusang makiisa ang mga nasasakupan.

C. matalinong pinuno upang mapatakbo ng maayos ang bansa.

D. pamunuang may mahabang karanasan sa pamamalakad ng bansa

Page 20: Filipino 4 Nat Reviewer

~20~

A B C D

31. 32. 33. 34. 35. 36. 37. 38. 39. 40. 41. 42. 43. 44. 45. 46. 47. 48. 49. 50. 51. 52. 53. 54. 55. 56. 57. 58. 59. 60.

A B C D

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. 18. 19. 20. 21. 22. 23. 24. 25. 26. 27. 28. 29. 30.

ANSWER SHEET