14
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) 9 Filipino 9 Unang Markahan – Modyul 8 Katotohanan, Kabutihan at Kagandahan sa Nobela ROLANDO T. CAGATIN A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

  • Upload
    others

  • View
    28

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

9

Filipino 9 Unang Markahan – Modyul 8

Katotohanan, Kabutihan

at Kagandahan sa Nobela

ROLANDO T. CAGATIN

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Page 2: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

Filipino – Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 8: Katotohanan, Kabutihan at Kagandahan sa Nobela Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: dipolog.city @ deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rolando T. Cagatin

Editor: Beferly S. Arcillas at Sheila Mae M. Magale

Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD

Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Page 3: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

1

Ang modyul na ito ay ginawa upang matutunan ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng pinakamataas na katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa napakinggan/nabasang bahagi ng nobela. Sakop sa modyul na ito na magamit sa ano mang iba’t ibang paraan at sitwasyon ng pagkatuto. Ang mga leksyon ay naisasaayos sa standard na pamamaraan.

Ang modyul na ito ay tatalakay sa isang nobelang pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka

Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista. Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela. (F9PN-Ic-d-40)

Panimulang Gawain: Basahin at suriin. A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Dear asawa ko na nasa Saudi, padalhan mo agad ako ng isang milyong dolyar pambili ng gown ng anak mo na isusuot sa beauty contest. Aba baka hindi mo alam, kandidato ang anak mo sa pagka Miss Kinder!

1. Ang pangyayari sa itaas ay sumasalamin sa _____ sa buhay ng tao.

a. kagandahan b. kabutihan c. katotohanan d. kasamaan

2. Ang paggalang ni Lea sa pasya ni Maya na sasali sa beauty contest ay nagpapahiwatig ng

_____ loob ng isang ina.

a. kagandahan b. kabutihan c. katotohanan d. kasamaan

3. Ang pagtatapos ni Maya na Honor Student ay sumasalamin sa _____ sa buhay.

a. kagandahan b. kabutihan c. katotohanan d. kasamaan

4. Ang madaling pagkainip ng mga bata sa mga programa ay nagpapakita ng ________. a. kagandahan b. kabutihan c. katotohanan d. kasamaan

5. Karaniwan na ina lang ang may gustong mapalaban ang anak nila sa paligsahan masabing

kabilang ito sa magaganda lalo pa at pitong taong gulang pa lamang ang anak. a. kagandahan b. kabutihan c. katotohanan d. kasamaan

Alamin

Subukin

Page 4: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

2

B. Basahin ang mga pahayag sa ibaba at alamin kung ang uri ng mga ito ay nagpapahiwatig ng katotohanan, kabutihan, at kagandahan sa buhay. Gamitin pa rin ang simbolo na nasa ibaba.

_____ 6. Alas syete ang usapang mag-uumpisa ang programa ngunit alas otso pasado na nagsimula. _____ 7. Ang mga taong nanonood sa programa panay reklamo. Nagsisiksikan, paypayan, singhalan. _____ 8. Nanalo pa rin si Maya sa paligsahan gamit ang kasimplehan at tiwala sa sarili. _____ 9. Binigyan ng prinsipal ng malaking importansya ang pag-anunsyo ng mga Honor Student sa kabila ng pagkakaroon ng beauty contest. _____ 10. Ang pagsuporta, pag-unawa at tulong na ibinigay ng bawat miyembro ng pamilya ni Maya ay nakakatulong sa kanya upang manalo sa paligsahan at maging Honor Student sa kanilang paaralan.

Modyul 8

Katotohanan, Kabutihan at Kagandahan sa Nobela

Balikan

Sa nakaraang modyul, natutunan mo na kung ano ang maikling kuwento at ang bahagi

nito. Ngayon ay sariwain mo ito sa pagtukoy sa bahagi mula sa ibinigay na kahulugan. Letra

lamang ang isulat sa patlang bago ang bilang.

A. Resolusyon B. Kasukdulan C. Panimulang Pangyayari D. Pababang Pangyayari E. Papataas na Pangyayari

_______1. Matatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.

_______2. Nagkaroon ng pagtatangkang malutasan ang suliraning magpapasidhi sa interes o kapanabikan.

_______3. Magkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas.

_______4. Pagpapakilala ng tauhan, tagpuan at suliraning kakaharapin.

_______5. Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.

Kagandahan

Katotohanan

Kabutihan

Page 5: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

3

Tuklasin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mga tiyak na bahagi ng akda at ang bahagi na

nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahan Sa nobela.

Sa pagkakataong ito, ipabasa sa isang miyembro ng pamilya o kasama sa bahay

ang nobela. Makinig nang mabuti at unawain ang bawat pangyayari.

“Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata - Lualhati Bautista)

At sa wakas, tumugtog ang graduation march at nagmartsa papasok ang mga batang

magsisipagtapos. Ladies and gentlemen, here comes kindergarten class, section one, handled by Mrs.

Erlinda Macasaya! Please give them a big hand! Palakpakan. Itinaas ni Lea ang nakahanda ng kamera, isinentro sa anak na nasa kalagitnaan ng

linya. Saglit na huminto sa pagmamartsa si Maya, itinaas ang baba, nameywang, at ngumiti nang maluwang, Klik! Itinulak ito ng kasunod. Hinarap ni Maya’t tinampal ang kamay ng kaklase. Pinandilatan sila ni Mrs. Macasaya.

“Coming next is kindergarten class, section two, led by their adviser, Miss Elvira Sagun. Ladies and gentlemen, please give them a big hand!”

Martsa papasok ang section two. Oo nga’t tinuruan sila ng titser ng mga chest out, stomach in, pero sa oras na ito’y wala na sa mood ang mga bata.

May dumadarag na, may nagkakalkal na ng ulo. Aba nga naman, alas siyete ang usapang mag-uumpisa ang programa’y alas-otso pasado na ngayon. Mataas na’t mainit ang araw. At sa school ground lang, sa open air, idinaos ang graduation.

Pati mga manonood ay ngayon lang napipirmi. Kanina’y nagkisaw-kisaw na ang mga tao, reklamuhan kabila-kabila, paypayan, singhalan.

Higit kasi pang matindi sa lahat ng pagkakayamot ng mga magpipitong taon. Pinapawisan nga naman sila sa suot nilang toga. Hindi yata nakatiis ang isa, sa kalagitnaan ng pila’y hinablot ang toga niya at ginawang pamaypay.

“Sst! Balik ‘yan, balik!” gigil na singhal ni Miss Sagun sa bata. Bubulong-bulong na isinalpak ng bata sa ulo niya ang toga.

Humingi rin ng palakpak ang tagapagsalita para sa dumarating na section three. Inihatid din ng adviser ang mga ito sa kanilang takdang upuan. Isang batang mukhang pilyo ang huminto sa tapat ng titser at nagsabi:

“Tetser, may I go out!” Napahindig ang titser. “Mamaya!” “Iihi ako!” “Mamaya sabi!” Nagbanta ang bata. “Ba’la kayo!” “Ssh!” Bahala naman kayo. Pagdating sa upuan (Nakatayo pa ang lahat habang hindi pa

kompletong nakakapasok ang mga ga-graduate) inilabas ng pilyong bata ang ano niya at sinabayan ng ihi. Lingunan ang mga batang babaeng natilamsikan. Gimbal sa “pagkadungis” ng kanilang mga “dangal!”

“Maam, si Roderick, dito umiihi!”

Page 6: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

4

Tawanan ang mga tao. Natukso si Lea, itinaas ang kamera at isinentro sa batang umiihi.

Klik! Inanawns ng tagapagsalita ang pagsisimula ng programa sa pamamagitan ng

Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang mabilis na pagkilos

ng maraming ina. Puntahan sila sa kanya-kanyang anak para hubaran ang mga ng toga, na magbibilad ng suot nilang bikini suit. Ito ang mga batang kasali sa pilian ng Miss Kinder, kasali sa fashion show na gaganapin sa stage.

Si Ding ang taya sa pag-aalis ng damit ni Maya. Iyon ang usapan nina Lea at Ding: si Ding, katulong si Flor na pamangkin ni Lea, ang mag-aasikaso kay Maya dahil si Lea ang kukuha ng mga retrato ng anak.

Teka, hindi pa pala ‘yong bikini ang kailangan. Iyon muna pa lang gown. Sinuotan ni Flor ng gown si Maya. Sunusuklayan. Kinakabitan ng Dekorasyon sa buhok.

Sa paligid, hindi lang gown at suklay ang dala ng maraming ina sa kanilang anak kundi pati make-up at lipstick. Pinupulbuhan nila nang makapal ang mga anak nila, nilalagyan ng eye liner, pinapahiran ng pampapula sa pisngi. May sinasabi si Ding kay Flor at batay sa pagsulyap nito sa paligid, nahulaan ni Lea na itinatanong nito kung si Maya ba ay hindi nila pinipintahan din.

Hindi. Mahigpit ang order ni Lea na h’wag lalagyan ni Maya kahit lipstick. Para kay Lea, maruming tingnan ang isang batang naka make-up at lipstick. Imbis na makaganda’y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyong kamunduhan at karanasan.

Inihanda na ng mga hurado ang papel at lapis nila. Mag-uumpisa na silang bigyan ng kaukulang marka ang personalidad ng mga batang kandidato.

Maya-maya’y umaakyat na sa stage ang mga bata; idinidisplay ang gown nila, lumalakad nang nakapameywang, nagpa-pause, nagpo-pose, habang sinasabi ng tagapagsalita ang mga pangalan nila na sinasagot naman ng palakpakan ng mga tao. Panay ang klik ng mga kamera, na sinisingitan pa ng kislapan ng mga fliush bulbs. Ke tatanga nila sa loob ni Lea. Sa kainitan ng araw, hindi ka gagamit ng flush bulb.

“Arlina delos Santos!” Isang bata sa gown na kulay ginto at nagkikislapang mga palamuti ang nagpapalahaw

dahil ayaw umakyat sa stage. Hatak-hatak ito ng ina, pinipilit, pinapalo pa man din. Nagtatawanan na ang marami, nanghihinayang ang ilan

Gagang bata ‘yan, ang ganda-ganda pa naman ng suot!” “Ay, mahal ‘yan, mare! Mahigit isang libo ang ginasta ni Corazon diyan!” ‘Yong Corazon

siguro ang ina. Nag-concentrate si Lea sa pagkuha ng retrato ni Maya. Sa parisukat na camera lens,

aaminin niyang maganda nga ang anak niya. Manang-mana sa ina, sabi niya sa sarili. Pero hindi iyon ang kahanga-hanga dito kundi ang tiwala sa sarili na masasalamin sa mga hakbang nito, sa mga pa-cute nito. Puwedeng mag-artista paglaki, sabi nga ng iba. Pwedeng mag-leader.

Kung manatili siyang ligtas sa mundo ng isang musmos, naisip ni Lea. Kung hindi siya wawasakin ng mga kawalang-katiyakan. Nanay, nagkakalkal ng ulo si Ojie sa tabi ni Lea. Kanina pa nga naman siya tinatawag ni Ojie.

Sumisilip uli sa lens ng kamera si Lea. “Ano?” tanong niya. “Gusto ko ng soft drinks.” “Don ka humingi ng pera sa tatay Ding mo. Wala akong dala dito.” “Malayo siya, e!” “Lapitan mo.” “Hindi ako makadaan!” “Di mamaya ka na mag-soft drinks, pag makakadaan ka na!” Dumadarag na lumayo si Ojie, at nakadaan papunta kay Ding. Tatay Ding. Ba’t may

Ding pa, tanong ng isang kapitbahay kay Lea no’ng bagong lipat pa lang sila sa lugar na ito. Ba’t hindi basta tatay na lang?

Page 7: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

5

To differentiate, sagot niya. Dahil meron siyang Tatay Raffy. Nag-anawns ang tagapagsalita ng kasunod na bahagi ng programa. Sayaw mula sa

isang grupo ng mga mag-aaral. Ehersisyong sayaw. Bumanat ng kanta si Florante, Abakada…… egahaila…..manangaopa…..

rasatauwaya! Umentra sa stage ang grupo at sinasayawan ang kanta ni Florante. Naghuhubaran na naman ng gown ang mga batang kasali sa contest. Ngayon, ang

iniwan nila sa katawan ay ang saplot na bikini. Kinambatan ni Lea ang tatanga-tangang pamangkin. Mabilis namang tintulungan ito ni Ding sa pag-iintindi kay Maya.

Iyong iba ina, nireretoke ang make-up ng anak nila. Lumapit si Flor kay Lea at ibinulong: “Tita Lea, si Maya lang ang walang make-up. Lalagyan ko siya maski lipstick.” “Wala akong lipstick.” “Manghihiram ako.” “Tumigil ka.” Isa pang palabas at balik sa stage ang mga kandidato sa pagka-Miss Kinder. Dumarami

ang mga batang nagmamarakulyo. Ang isa’y nagpoposing nga pero halatang napipilitan na lang. Halatang malapit nang umiyak. Ginulo naman ng isa pa ang buhok niya bago nag-fashion show….. isang maliwanag na paninirya sa ina’t titser.

Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contest? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.

Karaniwan na ina lang ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda, maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya’n mo nang masabak siya sa rehearsal pagkatapos ng klase. Baya’n mong maibilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ng tropeo, gusto ng nanay ng karangalan.

Dear asawa ko na nasa Saudi: padalham mo agad ako ng isang milyong dolyar pambili ng gown ng anak mo na isusuot sa beauty contest. Aba, baka hindi mo malalaman, kandidato ang anak mo sa pagka-Miss Kinder!

Naturalmente, kailangang pinakamaganda ang suot niya sa okasyong iyon. H’wag mong sabihing maitim siya, hindi na mapapansin ang kulay niya pag napansin ang suot niya. At susuotan ko siya ng gold, sasabugan ko ng sequence para kumislap. Pag nagmarakulyo siya, hahatakin ko siya. Babanatan ko. Naku, makikita ng batang yan pagdating namin ng bahay!

Naisip ni Lea na kung anong banat kaya ang aabutin ng bata sa suot na gold pag-uwi nila ng bahay. T’yak na maraming kurot at amba ng suntok at mura. Sayang ang gown e. Biro mo, isang milyon ang halaga, hindi naidisplay?

Iniisip din ni lea kung hindi kaya si Maya lang ang napaiba sa pagkakataong ito. Si Maya mismo ang pinagdesisyon niya kung gusto niyang sumali.

“Syempre naman!” tiyakang sagot sa kanya ni Maya. “Magpapagod ka sa kare-rehearsal. Siyempre araw-araw me praktis kayo.” “S’yempre!” “Baka mamaya, iiyak ka?” “Baka ikaw ang iiyak, Nanay?” “Bakit ako?” “Bibili mo ‘ko ng toga saka gown saka bikini. Maraming perang kailangan do’n!” May mga pumunta sa kanya sa pagkomperme niya na sumali si Maya sa nasabing

beauty contest. Lalo na’t nasa sirkulo siya ng mga taong may matibay na paniwala na ang mga pagandahan ay isa pa ring uri ng pagsasamantala sa mga babae.

Pero gano’n din naman ang damdamin niya. Ang totoo’y nagalit na siya nang makita niya ang ipinapagod ni Maya sa rehearsals. Hanggang sa huling praktis kahapon, hanggang sa mag-umpisa na ang programa kanina, ay gusto na niyang i-withdraw sa contest ang anak…. gusto na niyang iuwi! May lagnat na ito kahapon. 38.2. Nag-aalala siya na tumaas pa iyon.

Kaso’y disidido talaga si Maya na maging parte ng programang ito. Hindi ito papayag na mag-pull out. Ano man nag dinaramdam ni Maya ay ginagawa pa rin nito ang kanyang the best.

Page 8: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

6

Sport siya, sabi ni Lea sa sarili. Manang-mana sa nanay. At kakambal ng nararamdaman niyang pag-aalala’y nakadarama din siya ng pagmamalaki.

“Ngayon naman po, ang mga bata natin ay magpapakita ng kanilang talino sa pamamagitan ng pag-awit, tula at sayaw!”

Unang bata, ala-Celeste Legaspi sa mga angat na balikat, liyad ng katawan at lukot ng mukha.

“Matayog ang lipad ng saranggula ni Pepe!….” Pangalawang bata, nagpakuha pa man din ng gitara’t upuan:”Nang isilang ka sa

mundong ito, laking tuwa ng magulang mo!….” “Talo’ng anak mo ro’n,” biro niya kay Ding na tumabi sa kanya. “Marunong siyang

maggitara.’ Seryoso’t may kaba si Ding sa panonood. Naisip ni Lea kung napakahalaga ba kay

Ding ng paligsahang ito. Kung matter of life and death ba sa kanya ang na manalo ang anak.

Huminga nang malalim si Lea….. Wala kang magagawa, sabi niya sa sarili. Simpleng tao lang si Ding….. sing-simple ng karaniwang ama’t ina.

“Oh, Captain, my captain!” banat ng ikatlong bata. Nagpayanig din ang ikaapat na bata sa pamamagitan ng pagbabali-bali ng katawan

nito sa saliw ng tugtuging rock. “Talo na nga yata ang anak mo,” bulong ni Ding kay Lea. Na-insecure na nga si Ding. HIndi na yata humingi si Ding nang pumapagitna si Maya at magbandila ng tula niya: “Ang tiyan ng nanay, malaki’t mabilog. Ano ‘yon? Tanong ni Ojie sa nanay. Bola? Bola ng basketball? Hindi, iba. Puwedeng paglaruan? Hindi at may laman. Ano’ng laman, ha ‘Nay? Sorpresa, sorpresa! Ang sorpresa nang lumabas, ako pala! Pa’nong ang bola ay naging si Maya? Biglang tawa si Nanay: Paglaki mo na, Ojie, saka mo malalaman! Hindi siguro akalain ni Ding, pero pinakamasigabo ang palakpakan ng kay Maya. May

kasama pang malakas na tawanan. Pero hindi pumalakpak ang prinsipal. Hindi natawa. Kundi napahindig. “Que barbaridad!” Natawa uli ang tao sa reaksyon ng prinsipal. Nalagay sa alanganin si Ding. Hindi malaman kung matatawa o mapapahiya. Ngayon

lang narinig ni Ding ang tula ni Maya. Pag tinatanong kasi nito ang anak kung ano’ng gagawin sa stage, ang laging sagot ni Maya: “Malalaman

Nalaman nga niya ngayon. “Sinong nagturo sa anak no’n? “usig ni Ding kay Lea. Nakangiti si Lea. “Sino pa!” at nagmamalaki pa! Tumalim ang tingin ni Ding kay Lea. “Talagang wala kang turong mabuti.” Babaan na naman ang mga bata para isuot uli ang kanilang toga. Aabutan muna ng

diploma habang nagde-deliberate ang mga hurado. Isa-isang tinawag ang mga ga-graduate. Sa huli na raw ibibigay ang medalya ng

karangalan. Hanggang sa oras na ito, walang nakakaalam kung sinu-sino ang magsabit ng

medalya. Nakabitin sa suspense ang mga magulang. “Una muna po, pagkaraang pagtibayin natin ang pag-graduate ng hihingin natin ang

pasiya ng mga hurado sa ating paligsahan bago iproklama ang mga honor students natin.”

Page 9: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

7

At least may sapat na isip naman sila na ilagay sa huli ang pagsasabit ng honor students. At least alam nila na ang pinaka-importante sa umagang ito hindi kung sino ang pinakamaganda kundi kung sino ang pinakamarunong.

Panhikan na naman sa stage ang mga kandidato suot ang kanilang gown. Tulad sa lahat ng beauty contest, nagpilian muna ng Miss Photogenic, Miss Talent, at kung anu-ano pang Miss. Naubos na ang tropeo sa pagka-Miss. Kung anu-ano ay wala pang nakukuha si Maya.

“Wala pang nakukuha si Maya,” ninenerbiyos nang bulong ni Ding. “May makukuha ‘yan,” pampalakas-loob ni Lea. “Yong pinakamalaki,” iyong

pinakamalaking trophy ang nakalaan sa Miss Kinder. Third Princess! Second Princess! Wala pa ring hawak si Maya at na-insecure na rin pati si Lea. Minumura na niya nang

pabulong ang hurado. Ipinagngingitngit na niya ang tila pagpapakaseryoso ng mga ito sa pamamahagi ng trophy.

Kung siya ang hurado, titiyakin niya na bawat bata’y may iuuwing tropeo. Na wala sa kanilang uuwi nang bigo.

At nahihiya. Dahil sa gano’ng edad, ang pagkabigo’y laging may kakabit na pagkapahiya.

“Tinatawagan po sa entablado ang Miss Kinder ng nakaraang taon para siyang magputong ng korona sa ating Miss Kinder, ‘83. Ladies ang gentlemen, Miss Kinder ‘82 Dolores Villafuerte! Let’s give her a big hand, please!

Sabog ang palakpakan. Taas-noo, aral ang lakad, tulad ng isang Miss sa pandaigdig na pagandahan, naka-gown ng kulay rosas na tinataya ni Lea na nagkakahalaga na rin ng libo, kuntodo naka-guwantes at parang isinubsob sa make-up, dala ang makislap na korona ng karangalan, ang nakaraang Miss Kinder:

Diyos ko, usal ni Lea sa sarili. Diyos ko, ano’ng ginagawa nila sa mga bata? “And now, Miss Kinder ‘83, Ladies ang gentlemen…. because of her simplicity, her

freshness, poise and total pernonality….” pause. Birada ng tugtog. Mga nakabiting hininga. “Maria Natalia Gascon!”

Napalundag si Ding. At sa kabla ng damdamin niya, napalundag din si Lea. Pati puso yata niya’y tumalon at nawala sa lugar. Pero siyempre di dapat malimutan ang kamera lalo na sa pagkakataong ito. Klik! Teka, ang likot ng kamera! Nanginginig ba kamay niya? Klik! Lumalabo ang lens sa mga mata niya. Ano ‘to, umiiyak ba siya? Klik! Habang sa tabi niya’y hindi rin makontrol ni Ding ang buhos ng kaligayahan.

Klik! Anak ko ‘yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko ‘yon! Klik! Narinig n’yo ba? Anak ko ‘yon!

Klik! Klik! Anak ko sa labas. “Yong batang konti ko nang tinunaw no’ng araw. Kundi ko lang naisip

na lahat ng bata’y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao. Klik! Maya, naririnig mo ba, anak? Si Raffy ang naging katumbas mo! Alam mo ba kung

sino si Raffy? Iyon ang pinakamalaking pag-ibig ki! Klik! Klik! “Ding, ‘yong film! Sagad na ‘to, Ding ‘yong film!” “Eto, eto! “Diyos ko, matagal pa ba bago malagay ‘yan! Mae-expose ‘tong nauna!” “Misis, isi ka lang. Eto’ng kamera ko, me film pa!” Inagaw niya halos ang kamera sa kamay ng lalaking nagmamagandang loob. Klik! Naloko na, fixed focus. Malabo ang kuha! T…… mama ito, mumurahin ang

kamera! Umiiyak siya. P…. na, pati leeg niya, basang basa na sa luha! Diyos ko, e alam mo namang hindi ako mahilig sa mga beauty contest e bakit

nagkakaganito ako? Idineklara rin si Maya bilang honor student, pangatlo sa mga nakakuha ng karangalan.

Dito sana dapat mapaiyak sa tuwa si Lea. Pero by that time e wala na siyang luha…. kung

Page 10: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

8

paanong wala ring film ang kamera ng lalaking nagmamagandang-loob sa kanya, at binayaran na lang niya ang commercial photographer na gumagala sa school ground para kunan ang mga dagdag na retrato ang kanyang anak.

(Bagong Pinagyayamang PLUMA at Panitikan para sa ikasiyam na Baitang. Pp 31-38)

Kilalanin ang mga tauhang gumawa ng kilos sa bawat bilang. Isulat ang kanilang pangalan sa

patlang.

__________ 1. Napahindig matapos marinig ang tula ni Maya.

__________ 2. Desididong sumali sa pageant kahit sa murang edad.

__________ 3. Umiiyak siya, pati leeg niya, basang basa na sa luha.

__________ 4. Siya ang taya sa pag-alis ng damit ni Maya.

__________ 5. Ang nakatokang mag-aasikaso kang Maya.

Suriin

Ang kabutihan ay nangangahulugan ng kabaitan, kaaya-aya at kaayusan. Ito ang katangian o kalagayan ng pagiging mabuti; kahusayan sa moral at kagalingan. Isa itong positibong katangian at naipamamalas ito sa pamamagitan ng mabubuti at kapaki-pakinabang na mga gawa para sa iba.

Ang kahulugan ng katotohanan ay kaugnay ng prinsipyo ng katumpakan, katamaan, katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtiman, at mabuting paniniwala. Isang bagay, konsepto o kasabihan na tiyak na tama o may balididad na hindi mapagtatanungan.

Kadalasan din ginagamit ang katotohanan upang ikahulugan ang isang pagpapalagay na kaisa ng katunayan o realidad, o katumpakan sa isang orihinal o pamantayan.

Ang kagandahan ay isang katangian ng isang tao, hayop, lokasyon o pook, bagay, o ideya na nagbibigay ng karanasan ng pananaw o hiwatig ng kaligayahan, kahulugan, o pagkapuno (satispaksiyon). Ang katangiang ito na makikita hindi lamang sa panlabas na kaanyuan maging sa kalooban at pag-uugali.

Page 11: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

9

Basahin ang mga pangyayari sa ibaba at pag-aralan kung ang uri ng mga ito ay

nagpapahiwatig ng katotohanan, kabutihan, at kagandahan sa buhay. Isulat sa patlang ang KT kung nagpapakita ito ng katotohanan, KB kung kabutihan at KG naman kung kagandahan. _____1. Kung siya ang magiging hurado, titiyakin niya na ang bawat bata’y iuuwing tropeo dahil

kahit sa ganoong edad, ang pagkabigo’y lagging may kakabit na pagkapahiya.

_____2. Buong pamilya ang katulong ni Lea sa pag-aaasikaso sa kanyang sa kanyang pagsali

sa paligsahan mula sa pag-eensayo ng sasabihin hanggang sa kanyang mga susuotin sa araw

ng kompetisyon.

_____3. Hindi pinalalagyan ni Lea ng kolorete ang anak dahil nadudungisan nito ang kalinisan

ng isang batang mukha.

_____4. Kitang-kita ang tiwala sa sarili ng kanyang anak na masasalamin sa mga hakbang at

pag-cute nito.

_____5. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contest? Laro

lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa

mood sila.

Isaisip

Ang iyong binasa ay isang kabanata lamang ng nobelang Bata, Bata Paano Ka Ginawa?

Ni Lualhati Bautista. Makikita sa akda ang pagkamakulay, pagkamayaman at pagkamakabuluhan

nito bilang isang akdang tuluyan. Ang mga pangyayari rito ay ay parang buhay na nakikita dahil

karaniwang namamalas sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Ang isang nobela ay nagtataglay

ng maraming ligaw na tagpo. Ito ay may mahabang kawing ng panahon at ginagalawan ng

maraming mga tauhan kung hindi pagtutuonan ng pansin, di gaya ng maikling kuwento ay hindi

ito mabilis na mababasa sa isang upuan lamang.

Ang nobelang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? Ay sumasalamin sa isang modelo at

simpleng pamilya na kung saan ang suporta, pag-unawa at tulong na maibibigay ng bawat

miyembro ng pamilya ay nakatutulong sa pagtatagumpay ng bawat isa. Ang tagumpay ng isa ay

tagumpay ng lahat. Kung magiging ganito lang sana ang lahat ng mag-anak at wala sanang

wasak o magkakahiwalay na pamilya.

Pagyamanin

Page 12: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

10

KAGANDAHAN

Isagawa

Isulat sa ibaba ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan

at kagandahan sa nobela.

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng may tanong at

sagot.

Dear asawa ko na nasa Saudi, padalhan mo agad ako ng isang milyong dolyar pambili ng gown ng anak mo na isusuot sa beauty contest. Aba baka hindi mo alam, kandidato ang anak mo sa pagka Miss Kinder!

1. Ang pangyayari sa itaas ay sumasalamin sa _____ sa buhay ng tao.

a. kagandahan b. kabutihan c. katotohanan d. kasamaan

2. Ang paggalang ni Lea sa pasya ni Maya na sasali sa beauty contest ay nagpapahiwatig ng

_____ loob ng isang ina.

a. kagandahan b. kabutihan c. katotohanan d. kasamaan

3. Ang pagtatapos ni Maya na Honor Student ay sumasalamin sa _____ sa buhay.

a. kagandahan b. kabutihan c. katotohanan d. kasamaan

4. Ang madaling pagkainip ng mga bata sa mga programa ay nagpapakita ng ________. a. kagandahan b. kabutihan c. katotohanan d. kasamaan

5. Karaniwan na ina lang ang may gustong mapalaban ang anak nila sa paligsahan masabing

kabilang ito sa magaganda lalo pa at pitong taong gulang pa lamang ang anak. a. kagandahan b. kabutihan c. katotohanan d. kasamaan

Tayahin:

BATA, BATA PAANO KA GINAWA?

KATOTOHANAN KABUTIHAN

Page 13: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

11

B. Basahin ang mga pahayag sa ibaba at alamin kung ang uri ng mga ito ay nagpapahiwatig ng katotohanan, kabutihan, at kagandahan sa buhay. Gamitin ang simbolo na nasa ibaba.

_____ 6. Alas syete ang usapang mag-uumpisa ang programa ngunit alas otso pasado na nagsimula. _____ 7. Ang mga taong nanonood sa programa panay reklamo. Nagsisiksikan, paypayan, singhalan. _____ 8. Nanalo pa rin si Maya sa paligsahan gamit ang kasimplehan at tiwala sa sarili. _____ 9. Binigyan ng prinsipal ng malaking importansya ang pag-anunsyo ng mga Honor Student sa kabila ng pagkakaroon ng beauty contest. _____ 10. Ang pagsuporta, pag-unawa at tulong na ibinigay ng bawat miyembro ng pamilya ni Maya ay nakakatulong sa kanya upang manalo sa paligsahan at maging Honor Student sa kanilang paaralan.

Karagdagang Gawain

Isulat sa iyong journal notebook ang kagandahan, kabutihan at katotohanan ng pahayag sa

pagbibigay ng halimbawang sitwasyon.

“Mahalagang magkakabuklod ang pamilya sa hirap man o ginhawa”.

RUBRIK (Pamantayan sa Pagmamarka)

Mga Pamantayan Napakahusay

(5 puntos)

Mahusay (4 na

puntos)

Katamtaman

(3 puntos)

Di-gaanong Mahusay

(2 puntos)

Sadyang di-

mahusay (1 puntos)

Nilalaman

Tatlo hanggang limang talata

Kawili-wili

Kagandahan

Katotohanan

Kabutihan

Page 14: Filipino 9 - znnhs.zdnorte.net · Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan….. Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang

12

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian Aklat

Baisa-Julian, Ailene et.al.2015. Pinagyamang Pluma 9 (K to 12) Aklat 1. Quezon City:

Phoenix Publishing House, Inc.

Website

https://brainly.ph/question/2078727

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1200001742

https://tl.wikipedia.org/wiki/Katotohanan

https://tl.wiktionary.org/wiki/katotohanan

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kagandahan

Subukin A. 1. c 2. b 3. a 4. c 5. c B.

6.

7.

8.

9.

10. Tuklasin 1.Prinsipal 2.Maya 3.Lea 4.Ding 5.Flor Balikan

1.D 2.E 3.A 4.C 5.B

Pagyamanin 1.KB 2.KB 3.KG 4.KG 5.KT

Isagawa Nakadepende sa sagot ng mag-aaral ang pag-iskor ng guro. Tayahin A. 1. c 2. b 3. a 4. c 5. c B.

6.

7.

8.

9.

10. Karagdagang Gawain Nakadepende sa sagot ng mag-aaral ang pag-iskor ng guro. Ibabatay sa rubrik ang pagtataya