20
Filipino Paghihinuha sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng Lugar Modyul 1, Unang Markahan JEASON L. MASAUDING 7 (SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT) A Joint Project of SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

  • Upload
    others

  • View
    35

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

Filipino Paghihinuha sa Kaugalian at

Kalagayang Panlipunan ng Lugar

Modyul 1, Unang Markahan JEASON L. MASAUDING

7

(SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT) A Joint Project of

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Page 2: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

Filipino– Ikapitong Baitang

Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 1: Paghinuha sa Kaugalian at Kalagayang

Panlipunan ng Lugar

Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.

Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region IX- Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: dipolog.city @ deped.gov.ph.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jeason L. Masauding

Editor: Jeason L. Masauding

Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS-Filipino

Tagalapat: Christine E. Teves

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto –Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien – Chief, Education SupervisorSGOD

Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Page 3: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

1

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.

Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

A. Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao

1. Ang Kuwentong Bayan (Si Usman, Ang Alipin) Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: MELC (Week 1)

Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. (F7PN-Ia-b-1)

Inaasahan din na ikaw ay:

a.Natutukoy angmga kuwentong bayan na sumasalamin sa Mindanao. b.Nakapaghihinuha sa mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. c. Naisasagawa ang lahat ng gawain sa modyul na ito.

Page 4: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

2

Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang

tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang

mga sagot.

1. Ito ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa dumating

ang mga Espanyol. Nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng

kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.

a. alamat

b. kuwentong-bayan

c. maikling kuwento

d. nobela

2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga kwentong-bayan sa

Mindanao, maliban sa:

a. Si Maria Makiling

b. Si Manik Buangsi

c. Si Monki, Si Makil, at ang mga Unggoy

d. Si Usman, Ang Alipin

3. Ano-ano ang sumasalamin sa isang kwentong-bayan?

a. Kultura, kaugalian at pamumuhay

b. Relihiyon, paniniwala at kultura

c. Tradisyon, kaugalian at rehiyon

d. Kaugalian, pananampalataya at suliranin

4. Sino ang sumulat ng kwentong- bayan “Si Usman, Ang Alipin”?

a. Efren R. Abueg

b. Eldifonso Santos

c. Jose Abad Santos

d. Arthur P. Casanova

5. Bakit sinasabing si Usman ay isang alipin? a. Dahil siya ay mahirap b. Inalipin siya ng Sultan dahil nagtaksil siya c. Dahil hindi siya marunong rumespeto d. Inalipin at kinulong siya dahil ayaw ng Sultan na mapasakanya ang

kanyang anak na dalaga

Page 5: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

3

6. Sa kwentong- bayan “Si Usman, Ang Alipin”? Sinong sultan ang may masamang ugali?

a. Sultan Sulatanato

b. Sultan Arabo

c. Sultan Zacaria

d. Sultan Kudarat

7. Sino ang dalagang napupusoan ni Usman? a. Potre Maasita

b. Maria Blanca

c. Normina

d. Almera

8. Si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng Sultan.

Mahihinuhang ang lugar ng Sultan ay…

a. Ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao.

b. Katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak.

c. Mas maunlad at may mas malaking palengke dinarayo ng mga tao.

d. Tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman.

9. “Aking ama maawa ka!,”pakawalan mo si Usman. Wala po siyang

kasalanan,” Nagmamakaawa si Potre Maasita sa kanyang ama subalit

hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria

ay…

a. matigas ng kalooban b. mapaghiganti c. mapagtimpi d. matalino

10.Si Usman, Ang Alipin ay isang kwentong-bayan na nagmula sa? a. Luzon b. Visayas

c. Mindanao d. Bicol

11. Saang Lungsod sa Mindanao nagmula ang kuwentong-bayang Si Usman, Ang Alipin?

a. Lungsod ng Dapitan b. Lungsod ng Cotabato c. Lungsod ng Marawi d. Lungsod ng Lanao

12. Sa kuwentong Si Usman, Ang Alipin, anong katangian ang ipinakita ng

Sultan? a. mapagkunwari

b. matulungin c. mabait d. malupit at masama

Page 6: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

4

13. Hindi matanggap ng sultan ang itsura ni Usman, kaya nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanya ng pisikal na anyo ay dapat kitlin at maglaho. Sinunod lahat at hindi man lang ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na

___________________________________ . a. malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan b. kinatatakutan ang makapangyarihang sultan c. mayaman at maraming ari-arian ang sultan d. masipag at mapagmalaki ang sultan

14. Sa wakas ng kwento, ano ang nangyari sa Sultan? a. nabagsakan ng malaking bato ang ulo ng hari at namatay b. nagkulong sa loob ng kwarto sa loob ng isang taon c. pumunta sa ibang lugar at nagbakasyon d. naglaho parang bula

15. Sa bandang huli, ano ang kapalarang sinapit ng isang aliping si Usman?

a. naging sikat na alipin b. naging isang magiting na mandirigma c. maraming pera at yumaman d. si Usman, na isang alipin, ay naging sultan ang naging isang mabuting pinuno

Page 7: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

5

Modyul

1

Paghihinuha sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng Lugar

Si Usman, Ang Alipin (Kuwentong-Bayan)

Ang mababasa mo ay isang kuwentong-bayan ng Maguindanao na tinatawag ding Maguindanaon, Maguindanau, o Magindanaw. Ang kanilang wika ay may pareho ring katawagan. Ang mga taga-Maguindanao na nangangahulugang mga taong tagakapatagan o people of the food plains ay itinuturing na pinakamalaking pangkat etniko ng mga Pilipinong Muslim. Matatagpuan sila sa gitna ng katimugang bahagi ng Mindanao at ang kanilang rehiyon ay kilala bilang Cotabato, isang lambak na napaliligiran ng mataas na kabundukan maliban sa bahaging

kanluran. Isang ilog, ang Ilog Mindanao ang dumadaloy rito na nagdadala ng tubig at baha lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan ang malaking bahagi ng lambak ay nagmimistulang mababaw na lawak. Sanggunian: Stewart, James. “Maguindanao.” Encyclopedia.com.1996. Accessed July 26,2016. http://www.encyclopedia.com/doc/1G2-3458000839.html

Tuklasin

Gawain A:Pinuno Ko, Kilalanin Ko! (Character Mapping) Sitwasyon: Pumili ng isang pinuno na iyong iniidolo na maaaring lokal, nasyonal o internasyonal. Isulat sa ulo ang pangalan ng pinuno at sa ibang bilog naman ang mga katangiang nagustuhan mo sa kanya.

Page 8: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

6

KAHULUGAN NG KUWENTONG-BAYAN

Ang mga kuwentong bayan ay bahagi na ng panitikan ng mga Pilipino bago

pa man dumating ang mga Kastila. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t

ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga

kuwentong bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar

kung saan ito nagsimula at lumaganap.

Maraming kuwentong bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang

pangyayari tulad ng nangingitlog ng ginto, o kaya’y mga nilalang na may

pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyos at diyosa, mga anito, diwata,

engkantada, sirena, siyokoy atbp. Masasalamin sa kuwentong bayan ang mga

kaugalian, pananampalataya at mga suliraning panlipunan sa panahon kung

kailan ito nasulat.

May mga kuwentong bayang ang pangunahing layunin ay makapanlibang

ng mga mambabasa o tagapakining subalit ang karamihan sa mga ito ay

kapupulutan ng mahahalagang aral sa buhay.

May mga tampok o kilalang kuwentong bayan ang bawat rehiyon sa

Pilipinas. Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang bersiyon ang mga ito dahil sa

lumaganap ito nang pasalita, kaya’t minsay binabago ng tagapagkuwento ang mga

detalye na nagdudulot ng ibang bersyon dahil sa pagbabago sa banghay o

pagdaragdag ng mga tauhan bagamat nananatili ang mga pangungahing tauhan

gayundin ang tagpuan kung saan naganap ang kuwentong bayan.

Mga Kuwentong-Bayang Tagalog Si Maria Makiling Si Malakas at Maganda Mga Kuwento ni Juan Tamad

Mga Kuwentong-Bayan sa Bisaya

Ang Bundok ng Kanlaon Ang Batik ng Buwan

Mga Kuwentong-Bayan sa Mindanao

Si Manik Buangsi Si Monki, si Makil at ang mga Unggoy Si Lokes a Babay, si Lokes a Mama, at ang Munting Ibon Si Usman, Ang Alipin

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Suriin

Sa bahaging ito ng modyul,ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang

tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin.

Page 9: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

7

“SI USMAN, ANG ALIPIN” Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova

batay sa pagkukuwento ni Datu Abdul Sampulna, isang Maguindanaoan mula sa Lungsod ng Cotabato (1983).

Nang mga nagdaang panahon, may isang lalaking nagngangalang Usman. Pinaniwalaang nananahan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, malakas, mataas, at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat. Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengkeng malapit sa palasyo ng namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Sultan Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang mga tauhan sa sultan tungkol sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kaya nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan. Nang makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binata. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at nagmakaawang patawarin at pakawalan si Usman.

“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang

kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama. Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak. “Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili. “Hu, hu, hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.

Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit lahat ng mga ito’y ipinarating nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na

malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din. Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman at Potre Maasita. Higit na tumindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa. Sa panahong iyon lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo. Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan para sa malupit na tao. Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalaya mula sa bilangguan. Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang tinulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako, tumulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga nangailangan ng tulong at pagkalinga.

Page 10: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

8

Isang malupit at pangit ang itsura.

Mga Patunay:

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

https://www.canva.com/design/DAECf4R7YyQ/yYLV9zOwBRcT6IzXR_t90Q/view?utm_content=DAECf4R7YyQ&utm_campaign=

designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelink

Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si Usman! Mabuhay si Potre Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y

may mabuting kalooban. Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana. Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang panahon kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Gawain A: Tanong Ko, Sagutin Mo! Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga nababanggit na katangian ni Usman?Bakit kahit walang nagawang kasalanan si Usman ay nais siyang ipakulong ng sultan? 2. Ayon sa kuwento, ano naman ang katangian ni Sultan Zacaria? Tungkol saan ang kanyang kakaibang kautusan? 3. Ano ang dahilan kung bakit nagmakaawa ang dalagang anak ng sultanna si Potre Maasita, upang palayain si Usman? 4. Pinakingganba ng sultan ang kaniyang anak? Ano ang kaniyang ginawa? 5. Batay sa mga pangyayari sa kuwento, ano-ano ang mga nagbago sa kaharian nang sina Usman at Potre Maasita na ang naging sultan at sultana?

Gawain B: Katangian Ko, Patunayan Mo! Panuto: Patunayan ang katangian ng mga tauhan na nasa loob ng kahon gamit ang mga pangyayari sa kuwento. Itala ang mga pangyayaring ito sa inyong sagutang papel.

Sultan Zacaria

Page 11: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

9

Isang mabait at makisig na binata.

Mga Patunay:

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

https://www.canva.com/design/DAECf4R7YyQ/yYLV9zOwBRcT6IzXR_t90Q/view?utm_content=DAECf4R7YyQ&utm_campaign=

designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelink

Isang mapagmahal at maalalahaning dalaga.

Mga Patunay:

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

https://www.canva.com/design/DAECf4R7YyQ/yYLV9zOwBRcT6IzXR_t90Q/view?utm_content=DAECf4R7YyQ&utm_campaign=

designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelink

Usman

Potre Maasita

Page 12: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

10

Pagyamanin

Gawain A: Kilalanin Mo Ang Pinagmulan Ko! Panuto:Tukuyin kung saan nagmula ang mga kuwentong-bayan na nasa larawan. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1.

https://www.youtube.com/watch?v=1YGNnW8ykmU

2.

https://www.pinterest.ph/pin/15481192451794071/ 3.

https://www.youtube.com/watch?v=oKYnZI-jsMI

A. Luzon B. Visayas

C. Mindanao

Page 13: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

11

4.

https://www.youtube.com/watch?v=MUjjtB8eGEk 5.

https://adarna.com.ph/products/manik-buangsi

Isaisip

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

1. Ang kuwentong-bayan ay kailangang mapanatili at mapahalagahan ng

mga kabataan upang hindi ito mawala at maipagpatuloy pa itong basahin at

tangkilikin maging sa susunod pang henerasyon.

2. Maraming aral ang napapaloob sa mga kuwnetong-bayan na maaaring

gamitin sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

3. Ang kuwentong-bayan ay kawili-wiling basahin at magiging interesado ka

kung ito’y iyong paglalaanan ng iyong oras at panahon.

4. Hinihikayat ko kayong manaliksik pa sa iba’t ibang kuwentong bayan na

mayroon ang ating bansa upang madagdagan pa ang iyong mga kaalaman.

Page 14: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

12

Isagawa

Panuto:Isaliksik at basahin ang mga sumusunod na kuwentong bayan.

Isulat ang mga aral na iyong napulot mula rito na maaaring magagamit mo sa

iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

1. Aral:

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

https://www.youtube.com/watch?v=1YGNnW8ykmU

2. Aral:

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

https://adarna.com.ph/products/manik-buangsi

3. Aral:

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

https://www.pinterest.ph/pin/15481192451794071/

Page 15: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

13

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang

tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang

mga sagot.

1. Ito ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa dumating

ang mga Espanyol. Nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng

kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.

a. alamat

b. kuwentong-bayan

c. maikling kuwento

d. nobela

2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga kuwentong-bayan sa

Mindanao, maliban sa:

a. Si Maria Makiling

b. Si Manik Buangsi

c. Si Monki, Si Makil, at ang mga Unggoy

d. Si Usman, Ang Alipin

3. Ano-ano ang sumasalamin sa isang kwentong-bayan?

a. Kultura, kaugalian at pamumuhay

b. Relihiyon, paniniwala at kultura

c. Tradisyon, kaugalian at pamumuhay

d. Kaugalian, pananampalataya at suliranin

4. Sino ang sumulat ng kwentong- bayan “Si Usman, Ang Alipin”?

a. Efren R. Abueg

b. Eldifonso Santos

c. Jose Abad Santos

d. Arthur P. Casanova

5. Bakit sinasabing si Usman ay isang alipin? a. Dahil siya mahirap b. Inalipin siya ng Sultan dahil nagtaksil siya c. Dahil hindi siya marunong rumispito d. Inalipin at kinulong siya dahil ayaw ng Sultan na mapasakanya ang

kanyan g anak na dalaga

6. Sa kwentong- bayan “Si Usman, Ang Alipin”? Sinong sultan ang may masamang ugali?

a. Sultan Sulatanato

b. Sultan Arabo

c. Sultan Zacaria

d. Sultan Kudarat

Page 16: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

14

7. Sino ang dalagang napupusoan ni Usman?

a. Potre Maasita

b. Maria Blanca

c. Normina

d. Almera

8. Si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng Sultan.

Mahihinuhang ang lugar ng Sultan ay…

a. Ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao.

b. Katatagpuan ng kayamanan at mahahalagang pilak.

c. Mas maunlad at may mas malaking palengke dinarayo ng mga tao.

d. Tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman.

9. “Aking ama maawa ka!”,pakawalan mo si Usman. Wala po siyang

kasalanan,” Nagmamakaawa si Potre Maasita sa kanyang ama subalit

hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria

ay…

a. matigas ng kalooban b. mapaghiganti c. mapagtimpi d. matalino

10. Si Usman, Ang Alipin ay isang kwentong-bayan na nagmula sa? a. Luzon b. Visayas c. Mindanao d. Bicol

11. Saang Lungsod sa Mindanao nagmula ang kuwentong-bayang Si Usman, Ang Alipin?

a. Lungsod ng Dapitan

b. Lungsod ng Cotabato c. Lungsod ng Marawi d. Lungsod ng Lanao

12. Sa kuwentong Si Usman, Ang Alipin, anong katangian ang ipinakita ng

Sultan? a. mapagkunwari b. matulungin c. mabait d. malupit at masama

Page 17: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

15

13. Hindi matanggap ng sultan ang itsura ni Usman, kaya nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanya ang pisikal na anyo ay dapat kitlin at maglaho. Sinunod lahat at hindi man lang ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na …

a. malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan b. kinatatakutan ang makapangyarihang sultan c. mayaman at maraming ari-arian ang sultan d. masipag at mapagmalaki ang sultan

14. Sa wakas ng kwento, ano ang nangyari sa Sultan? a. nabagsakan ng malaking bato ang ulo ng hari at namatay b. nagkulong sa loob ng kwarto sa loob ng isang taon c. pumunta sa ibang lugar at nagbakasyon d. naglaho parang bula

15. Sa bandang huli, ano ang kapalaran sinapit ng isang aliping si Usman? a. naging sikat na alipin

b. naging isang magiting na mandirigma c. maraming pera at yumaman d. Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan ang naging isang mabuting pinuno.

Page 18: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

16

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa isang buong papelgumawa ng iyong sariling kathang kuwentong-bayan.

____________________________________

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 19: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

17

Pamantayan sa Pagsulat ng Kuwentong Bayan

Binigyan ng Tuon 5 puntos

Natatangi

3-4 puntos Katamtamang

Kagalingan

2-1 Nangangailangan

ng Tulong

Paksang-Diwa Makabuluhan, naging parang bago dahil sa pamamaraan ng pagsasalaysay at estilo.

Makabuluhan, bagama’t hindi nagmistulang orihinal.

Naging napakakaraniwan ng paksa.

Banghay Maayos ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari.

May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari ngunit may ilang bahaging naging masalimuot.

Magulo at nakalilito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Tauhan Maingat ang paglalarawan ng katauhan. Umaangkop ang kilos at pananalita sa katauhang ginagampanan sa kuwentong-bayan.

Umaangkop ang kilos at pananalita sa katauhang ginagampanan sa kuwentong-bayan ngunit may pagkakataong hindi nagiging konsistent.

Hindi umaangkop sa kilos at pananalita ang mga tauhan sa katauhang ginagampanan.

Simula at Wakas Naging kaakit-akit ang simula ng kuwentong bayan at ang wakas ay nakapagkalas sa suliranin ng kuwentong-bayan.

Naipahiwatig ang suliranin sa simula ng kuwentong-bayan ngunit hindi naging kawili-wili ang kakalasan patungong wakas.

Naging kawili-wili ang simula upang maakit ang mga mambabasa ngunit hindi naging kawili-wili ang wakas upang maikintal sa isipan ng mga

mambabasa ang tema ng kuwentong-bayan.

Kabuuang Puntos

https://www.scribd.com/document/416864419/Rubric-Maikling-Kwento

Page 20: Filipino · magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng

18

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Dayag, Alma M., Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, at Carmela Esguera-Jose.

Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix Publishing House 2017.

Stewart, James. “Maguindanao.” Encyclopedia.com.1996. Accessed July 26,2016.

http://www.encyclopedia.com/doc/1G2-3458000839.html

https://www.canva.com/design/DAECf4R7YyQ/yYLV9zOwBRcT6IzXR_t90Q/view?utm_content=DAECf4R7YyQ&utm_campaign=designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelink https://www.youtube.com/watch?v=1YGNnW8ykmU

https://www.pinterest.ph/pin/15481192451794071/

https://www.youtube.com/watch?v=oKYnZI-jsMI

https://www.youtube.com/watch?v=MUjjtB8eGEk

https://adarna.com.ph/products/manik-buangsi

https://www.scribd.com/document/416864419/Rubric-Maikling-Kwento

https://brainly.ph/question/2198634