80
“ISANG PAG-AARAL SA MGA KADAHILANAN NG PAGLIPAT NG MGA UERMMMC NARSING NA MGA MAG-AARAL SA IBANG KURSO” Isang Pananaliksik na iniharap kay Propesor Rosalie G. Yap Propesor sa Filipino 112 Ipinasa nina Miguel Adrian A. Yu Wyona Marie C. Young Regine H. Reboquio Jason C. Aguila Micah Zamin E. Jainani Julia Gray B. Marquez Paula Marie O.Borja Alex Rhey V.Rogacion 1

Filipino Thesis (1)

Embed Size (px)

Citation preview

“ISANG PAG-AARAL SA MGA KADAHILANAN NG PAGLIPAT NG MGA

UERMMMC NARSING NA MGA MAG-AARAL SA IBANG KURSO”

Isang Pananaliksik na iniharap kay

Propesor Rosalie G. Yap

Propesor sa Filipino 112

Ipinasa nina

Miguel Adrian A. Yu Wyona Marie C. Young

Regine H. Reboquio Jason C. Aguila

Micah Zamin E. Jainani Julia Gray B. Marquez

Paula Marie O.Borja Alex Rhey V.Rogacion

Jhanalyn H. Dela Cruz Charisse M. Socan

BSN-IL

Marso 17, 2009

Ikalawang Semestre 2008-2009

Pamantasan ng Silangan

Lungsod ng Maynila

TALAAN NG MGA NILALAMAN

1

Pahina

Pamagat………………………………………………………………….1

Talaan ng Nilalaman…………………………………………………….2

Dahon ng Pagpapatibay…………………………………………………4

Abstrak…………………………………………………………………....5

Pasasalamat……………………………………………………………….9

Paghahandog……………………………………………………………..16

Kabanata 1: Mga Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral

Panimula…………………………………………………..17

A. Sanligan ng Pag-aaral…………………………………19

B. Balangkas Teoretikal………………………………….21

C. Balangkas Konseptwal………………………………..22

D. Paglalahad ng mga Suliranin…………………………25

E. Hypotheses……………………………………………..26

F. Kahalagaan ng Pag-aaral……………………………..27

G. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral………………...29

H. Depinisyon ng mga Katawagan……………………….30

Kabanata 2: Kaugnay na mga Pag-aaral at Literatura

2

Panimula………………………………………………33

A. Kaugnay na Literatura……………………………34

B. Kaugnay na Pag-aaral…………………………….36

C. Sentesis……………………………………………..37

Kabanata 3: Metodolohiya

Panimula…………………………………………........38

A. Paraan ng Pananaliksik……………………………39

B. Mga Respondents…………………………………..39

C. Paraan ng Pagsasagawa……………………………40

D. Teknik at Instrumento……………………………....41

E. Pagbibigay Halaga sa Datos………………………...41

Pansariling Tala ng mga Mananaliksik………………………………42

Mga Talasanggunian…………………………………………………..53

DAHON NG PAGPAPATIBAY

3

Bilang pagtupad sa mga pangangailangan sa asignaturang Fil112, Pagbasa at

Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Isang

Pag-aaral sa mga Dahilan ng Paglipat ng mga UERMMMC na Mag-aaral ng

Narsing sa Ibang Kurso” ay inihanda at ipinasa ng pangkat 2 ng mga mananaliksik

mula BSN-1L na binubuo nina:

Miguel Adrian Yu Wyona Young

Regine Reboquio Jason Aguila

Micah Jainani Julia Marquez

Paula Borja Alex Rogacion

Jhanalyn Dela Cruz Charisse Socan

Ang pananaliksik na ito ay minarkahang ____%

Ng Dalubgurong si

_____________________

ROSALIE G. YAP

Propesor. Filipino 112

Dalubhasaan ng mga Sining at Agham

ABSTRAK

4

Pangalan ng mga Mananaliksik: Miguel Adrian A. Yu

Wyona Marie C. Young

Micah Zamin E. Jainani

Paula Marie O. Borja

Jhanalyn H. Dela Cruz

Regine H. Reboquio

Jason C. Aguila

Charisse M. Socan

Alex Rhey V. Rogacion

Julia Gray B. Marquez

Pamagat ng Tesis: “Isang Pag-aaral sa mga Dahilan ng Paglipat ng mga

UERMMMC Narsing na mag-aaral sa Ibang Kurso”

Mga Layunin

5

Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang mga kadahilanan sa kabila

ng paglipat ng mga mag-aaral ng Narsing sa UERMMMC sa ibang kurso. Nais rin

ng mga mananaliksik na mabatid ang epekto nito sa paaralan na nilisan at sa

kursong Narsing. Isa rin sa mga layunin ng mga mananaliksik ang makita kung

gaano kalaki ang epekto ng paglipat ng Kurso ng mga dating mag-aaral ng

Narsing, kung ano ang naging epekto ng bagong tinahak na kurso sa mga mag-

aaral. May layunin din itong malaman kung may kaugnayan ba ang istilo ng

propesor sa pagtuturo sa ginagawang paglisan ng mga mag-aaral ng Narsing sa

UERMMMC.

Metodolohiya

Ang ginamit na pamamaraan ay Deskriptiv o Palarawang Pamamaraan.

Tinatangka ng pananaliksik na ito na malaman ang mga kadahilanan sa likod ng

mga isinasagawang paglipat ng mga estudyante ng narsing sa UERMMMC.

Lahat ay kumalap ng datos at impormasyon sa silid-aklatan ng Pamantasan

ng Silangan, Manila at Ramon-Magsaysay Campus. Kumuha rin sila ng datos sa

6

pamamagitan ng pag-iinterbyu sa mga ilang mag-aaral ng UERMMC na lumipat

ng ibang kurso na nagmula sa kursong narsing. Kumuha rin sila ng mga

importanteng datos tulad ng ilang mga teoryang maiuugnay sa aming

isinasagawang pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay kumalap ng impormasyon

gamit ang mga libro at iba pang babasahin na maaaring mapagkunan ng mga

impormasyon o mga datos na may kaugnayan

sa kanilang mga pag-aaral. Gumamit rin sila ng internet upang gamiting

karagdagang sanggunian sa kanilang pag-aaral. Sila rin ay tila mga mag-aaral ng

kursong narsing.

Sa Pamantasan ng Silangan, Manila Campus at Ramon Magsaysay Campus

isinigawa ang pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay isinigawa sa loob ng isang

buwan mula Pebrero 2009 hanggang Marso 2009.

Resulta:

7

Ang pinakamaraming naisaad na kadahilanan ng paglipat ay ang istilo ng

mga propesor sa pagtuturo. Tila napakahirap at komplikado raw ng mga asignatura

nila dahil sa estratehiyang ginagamit ng kanilang mga propesor. Ito ang naging

dahilan ng karamihan sa kanilang paglipat. Maiuugnay dito ang nararanasang

brain drain ng ating bansa kung saan ang ating mga de-kalibreng propesor sa

larangan ng Narsing ay isa isa ng umaalis ng bansa upang kumita ng dolyar. Ang

mga natitira tuloy ay tila mga baguhang walang sapat na ekspiriensiya upang

maging epektibo sa pagtuturo. Isa rin sa mga dahilan ng paglipat ng mga

estudyante ay ang kahirapan o problemang pangpinansyal. Sa taunang pagtaas ng

matrikula at dami ng kailangan gastusin sa pagkuha ng Narsing, nagiging mahirap

na ito sa mga magulang kaya kahit hirap man ang sasapitin ng kanilang mga anak

ay wala silang magawa kundi ang palipatin ang kanilang anak ng kurso, o kung

hindi naman ay pinatitigil na ng pag-aaral.

PASASALAMAT

8

Nais kong pasalamatan ang aking mga magulang na gumabay sa akin sa

aking isinigawang pananaliksik. Nais ko ding bigyang pugay ang aking mga

kagrupo na siyang naging daan tungo sa tagumpay ng aming pananaliksik.

Pinapasalamatan ko din ang aming guro na si Propesora Rosalie Yap sa kanyang

walang humpay na paghahatid ng gabay at supporta para sa aming pag-aaral.

Hindi ko rin maipagpapaliban ang pagbibigay pugay sa kanyang mga naipabatid

na kaalaman sa amin, ang kanyang mga estudyante. Nais kong bigyang pugay

muli ang aking mga miyembro sa kanilang pagpapasensiya at pakikiiisa para sa

aming tesis. Sadyang hindi magiging possible ang lahat ng ito kung hindi nila

ipinahiram ang oras at pangunawa nila sa akin. Nais ko din pasalamatan ang

Panginoong Diyos na walang humpay na dininig ang aking mga panalangin. Wala

ako sa aking kinalalagyan kung hindi dahil sa kanyang paggabay at pagmamahal.

Maraming Salamat!

Miguel Adrian A. Yu

Buong puso akong nagpapasalamat una sa lahat sa Poong Lumikha, sa

pagbibigay ng sapat na kaalaman at gabay sa aking isinasagawang

pananaliksik.  Nagpapasalamat din ako sa mga tao na tumugon sa aking mga

ginawang interbyu upang maging ganap ang pananaliksik na ito.

9

At nagpapasalamat din ako kay Dr. Rosalie Yap sa pagbibigay ng sapat na

panahon upang mapagtuunan ng pansin ang gagawin naming pananaliksik.

At ang pag-gabay niya sa gagawin naming ito.

Regine H. Reboquio

Nagpapasalamat ako sa suporta ng aking mga kagrupo at sa kanilang

pagsisikap. Nagpapasalamat din ako sa aking sarili sa pagtitiyagang gawin

ang aking parte sa aming pananaliksik.

Jhanalyn H. Dela Cruz

 

Ang pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay hindi magiging posible kung

hindi dahil sa tulong, kooperasyon at suporta ng mga sumusunod:

Sa aking guro na nagbigay ng walang katapusang suporta na nakatulong sa

aming mga mananaliksik, na matapos ang pananaliksik na ito. Na nag-engganyo

10

sa amin na gawin itong proyekto, para sa kanyang mga suhestiyon na nagsilbi sa

amin bilang hamon upang matapos namin ang riserts na ito.

Sa mga mag-aaral ng UERMMMC, na nagsilbing aming mga respondents,

na nagbigay ng buong suporta at tumulong sa pamamagitan ng pag-sagot n gaming

sarbey.

Sa aming grupo, na nagpakita ng buong kooperasyon at interes upang

matapos ang aming pananaliksik.

Sa aking mga magulang na tumulong at nagbigay ng suportang pinansyal at

nagsilbing aking inspirasyon.

At higit sa lahat, sa panginoong Diyos na gumabay sa amin sa pagsasagawa

ng aming riserts.

Charisse M. Socan

Marami ang nakatulong sa pagpapaunlad ng aming pag-aaral. Nais

kong pasalamatan ang mga tumulong na iyon, ang aking pamilya at gabay ng

Panginoon. Sila ay mahahalagang aspeto na nakatulong sa akin sa aming

pag-aaral.

Julia Gray B. Marquez

11

Bilang isa sa mga kinatawan sa pananaliksik na ito, Nais kong pasalamatan

ang Panginoon sa ispiritual na gabay na kanyang ipinagkaloob sa akin. Ang aking

pamilya ay nais ko ring bigyang pasasalamat sa pagbigay sa akin ng inspirasyon sa

paggawa ng pananaliksik na ito. Ang aking mga kaibigan, dalubguro at higit sa

lahat, ang aking mga kagrupo na tumulong upang mapaganda at mapaayos ang

pananaliksik na ito.

Micah Zamin E. Jainani

Nais kong magpasalamat, unang-una sa mahal na Panginoon, sa aking mga

magulang, kapatid, kamag-aral at sa aking mga kagrupo sa gawaing ito. Isang

napakalaking pagtitipon ang nangyari at nagpapasalamat ako sa lahat ng taong

tumulong upang maisagawa namin itong pagaaral na ito. (kung hindi dahil sa inyo

ay malamang hindi namin ito natapos.) Salamat sa kooperasyon at sa pagging

12

andyan sa mga oras na kailangan ko kayo, sa mga bagong kaalamanan na

natutunan ko kasama kayo. Lubos din akong nagpapasalamat kay Bb. Rosalie Yap

sa pagtuturo sa amin ng mga bagong kaalaman tungkol sa Filipino, kung hindi

dahil sa kanya ay hindi matututo ang iba. Maraming salamat po!

Wyona Marie C.Young

Nagpapasalamat ako sa aking mga kamag-anak sa kanilang walang sawa na

pagsuporta. Tinulungan nila ako sa aking mga gawain tulad ng pag-hahanap

ng referens sa internet.

Alex Rhey Rogacion

Para sa aking mga magulang, ako ay nagpapasalamat sa inyong pagiging

mabuting patnugot at gabay para makamit ko ang aking mga pangarap. Sana’y

manatili kayong inspirasyon sa aking buhay at pagbibigay ng pag-asa upang

maabot ang magandang kinabukasan. Muli ako ay nagpapasalamat at bilang

inyong anak, asahan ninyong patuloy ko kayong aalagaan at mamahalin habang

tayo ay magkakasama.

13

Para naman sa aking mga kaibigan, una sa lahat, nais kong magpasalamat

sa walang sawang pagsuporta ninyo sa akin at sa mabuting pakikitungo sa

panahon na tayo ay magkakasama. Naging masaya ako dahil nagkaroon ako ng

pagkakataon na makilala ang katulad ninyong kaibigan na handing tumulong sa

anumang oras.

Jason C. Aguila

Nais kong pasalamatan ang aming dalubgurong si Bb. Yap, na siyang

naging gabay namin upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito. Naging

magaling siya sa paghubog sa amin lalo na sa pagiging bihasa sa maraming

bagay lalo na ang mag-aral upang makapasa sa aming kurso. Naging sandigan

naming siya at inspirasyon upang kami ay magtagumpay.  At ngayon ay nagawa

naming matapos ito kaya’t laking pasasalamat ang handog namin sa kanya.

14

Nagpapasalamat din ako sa aking mga magulang na siyang inspirasyon ko sa lahat

ng bagay. Sila ang tumutulong sa akin upang makamit ko ang tagumpay na hangad

nila para sa akin. Sinusuportahan nila ako sa aking pag-unlad at ganon din ang pag

suporta sa gastusin namin sa paaralan at sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Kaya sa kabila ng kanilang paghihirap sa pag-trabaho, alay ko ang aking

mumunting nakamit na ito sa kanila bilang tanda ng pasasalamat sa lahat ng

nagawa nila para sa ikakabuti ng aking buhay.

Paula Marie O. Borja

PAGHAHANDOG

Inihanhandog namin ang aming pananaliksik sa Panginoong Diyos na

Maykapal. Handog rin namin ito sa aming mga kamag-aral na lumisan na sa

kurong Narsing. Nawa’y maging matagumpay sila sa landas na kanilang tatahakin.

Alay namin ang pananaliksik na ito para sa mga mag-aaral na kumukuha o

15

nagbabalak pa lamang kumuha ng kursong Narsing. Ito sana ay magsilbing

gabay niyo sa inyong kursong kukunin. Handog rin namin ang pananaliksik

na ito para sa aming mga magulang na nagsumikap upang bigyan kami ng

edukasyon, ito rin ay nagsisilbing patunay na hindi namin wawaldasin ang

paghihirap na pinagdaanan nila para lang sa amin.

Miguel Adrian A. Yu Wyona Marie C. Young

Regine H. Reboquio Jason C. Aguila

Micah Zamin E. Jainani Julia Gray B. Marquez

Paula Marie O.Borja Alex Rhey V.Rogacion

Jhanalyn H. Dela Cruz Charisse M. Socan

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

Panimula

16

Ang ating bansa ay isa sa mga pinakatanyag na suplayer ng mga nars sa

ibang bansa. Dahil sa sobrang laki ng demand sa mga narses, lumago ang

industriya ng narsing sa ating bansa. Ngunit, subalit, datapwat, unti-unti ng naubos

ang trabaho at oportunidad sa ibang bansa gawa ng nararanasang pangdaigdigang

krisis pampinansyal. Dahil dito, unti-unti nang bumabagsak ang industriya ng

Narsing. Isa sa mga salik ng pagbagsak nito ay ang paglipat ng mga mag-aaral ng

narsing sa ibang kurso. Ano kaya ang mga salik at suliranin sa likod ng mga

paglipat na ito? Ito na nga ba ang katapusan ng kasaganahan ng Industriya ng

Narsing sa ating bansa? O mananatili pa rin itong matatag sa mga susunod na

taon?

Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang bansang Pilipinas ay isa sa

mga bansa na may pinakamataas na demand pagdating sa pagkuha ng

kursong Narsing, ngunit ibig ba talaga ng mga estudyante ang kursong ito?

Bukas nga ba sa puso nila ang pagkuha ng kursong ito o napipilitan lamang

sila at sadyang mailap para sa kanila ang kursong ito? Masasabi pa rin kaya

na sadyang marami ang kukuha ng naturang kurso?

Sa panahon ngayon, marami nang institusyon ang gumagawa ng mga

tanyag na narses sa ating bansa. Karamihan ay nag-aaral ng Narsing sa

kadahilanang in demand at malaki ang makukuhang sweldo nito. Napakalaki ang

17

maitutulong ng mga nars sa pagbibigay ng matinding pag-aalaga sa kadugo man o

hindi. Kung kaya’t marami nang mga eskwelahan ang adbans sa pagtuturo upang

masiguro ang kahandaan ng ating mga narses. Ngunit, dahil sa pagiging adbans ng

mga eskwelahan, nahihirapan na ang mga mag-aaral ng kursong narsing na hatiin

ang kanilang oras sa pag-aaral. Minsan ay hindi na sila nakakatulog o nakakakain

sa tamang oras dahil sa dami ng ginagawa. Ang pagpunta ng mga narses sa ibang

bansa at ang mahirap na kurikulum ng kursong narsing ang ilan lamang sa dahilan

kung bakit bumabagsak na ang bilang ng mga nars at kung bakit lumilipat sa ibang

kurso ang mga mag-aaral ng narsing. Ngayon, paano kaya natin masosolusyonan

ang mga ito? Papaano na kaya kung patuloy pa rin itong mangyayari sa ating

bansa? Hihintayin pa ba natin ang oras na maubusan na ng mga nars dito? Kaya

naman nagsagawa kami ng pananaliksik tungkol dito upang makahanap ng

solusyon sa mga nabanggit o kaya naman ay upang malaman kung ilan na ba ang

nasa ganitong kalagayan.

Sandigan ng Pag-aaral

Ang kursong Narsing ay laganap halos sa buong daigdig, lalung-lalo na sa

Pilipinas. Ito ay naghahain ng magandang kinabukasan lalo na’t parami ng parami

18

ang mga ospital, klinika, at ibang mga industriya na nangangailangan ng mga nars.

Karamihan pa sa mga nangangailangan ng mga nars ay mula sa ibang bansa. Tiyak

na nakaeenganyo para sa mga nars na magsikap upang makapunta sa ibang bansa

at kumita ng sapat na pera para sa kanilang magandang kinabukasan. Marami sa

mga magulang ngayon ay pinipilit ang mga anak na kuhanin ang kursong Narsing

para lamang makaahon sa kahirapan ng buhay. Sadyang kaawaawa tuloy ang mga

napilitang mag-aral ng kurso. Sa taong ito, sumiklab ang paglipat ng mga mag-

aaral ng Narsing sa kursong siyang tinitibok ng kanilang puso.

Sa kasalukuyan, ang kursong Narsing ay pahirap nang pahirap at pataas

nang pataas ang pamantayan nito. Isang epekto ng pagtaas ng istandards sa

kursong ito ay ang pagdami ng mga kumukuha ng Narsing. Dahil sa brain drain

na nararanasan ng bansa, isa isa nang lumisan ang ilang mga de-kalibreng

propesor ng naturang disiplina, ang resulta ay ang pagbaba ng kalidad ng mga

bagong nakapagtatapos ng Narsing. Ito ang kadalasang kadahilanan kung bakit

hindi makahanap ng trabaho ang ilang nars ng bansa. Isa pa, ay ang paghihigpit ng

ibang bansa sa mga nangingibang bansang mga nars mula sa ating bansa.

Maaaring ang pagbabago ng pamantayan o kurikulum ay sanhi ng paglipat ng mga

estudyanteng nars sa ibang kurso. Maging, hindi man nila kaya ang grading

system o sadyang masyadong mabigat sa kanila ang mga inaaral dahil sa

19

kakulangan nila sa dating kaalaman sa mga adbans na sabjek. Marami ang kumuha

ng Narsing sapagkat sila’y pinilit lamang.

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga posibleng dahilan ng paglipat

ng mga mag-aaral ng Narsing sa ibang Kurso. Ito rin ay may layong magbigay

impormasyon sa mga gustong lumipat o ipagpatuloy lang ang kursong Narsing.

Balangkas ng Teoretikal

Ayon sa Free-will theory ni Jeremy Bentham, maiuugnay ito sa lahat ng

tao. Ito ay nagsasabi na ang bawat tao ay may kalayaan at kakayahan na gawin ang

kung anong naisin niya. Humigit kumulang, ito ang nakapagpapaliwanag kung

bakit pilit ipinaglalaban ng mga mag-aaral ang kursong kanilang gusto maliban sa

Narsing.

Ayon sa Social Influence Theory ni Cialdini, kapag hindi alam ng isang tao

ang gagawin, walang pag-dadalawang isip na sinusunod niya ang salita o galaw ng

20

isang tao. Maaaring ito ang naging dahilan ng mga ilang mag-aaral na napilitang

mag-aral ng Narsing, ito ay kung saan sila’y walang nagawa sa utos o salita ng

kanilang mga magulang at pati na rin sa mga impluwensiyang umaalidgid sa

kanilang buhay.

Balangkas ng Konseptwal

Kapag ang landas o propesyon na pinili ng isang tao ay ang siyang talagang

hilig o nasa kanyang interes, higit na malilinang niya ang kanyang mga kaalaman,

kakayahan at talento sa larangang iyon.

Ang estratehiya ng mga propesor ay may direktang kadahilanan sa paglipat

ng mga estudyante ng narsing sa ibang kurso. Kung hindi man sila sobrang

istrikto, sila naman ay pawang mga hindi de-kalibreng propesor. Nawawala tuloy

ang gana ng mga mag-aaral na makinig at ang kalimitang kinalalabasan nito ay

ang kawalan ng pagkatuto. Kapag hindi natuto ang mag-aaral, ang kanyang mga

21

grado sa mga pagsusulit ay nanatiling mababa, at ito ang nagiging dahilan sa

kanyang pagkakatanggal sa naturang pamantasan. Kung minsan naman, ang

namumugtong galit at pagkainis sa pagitan ng estudyante at propesor dahil sa

hindi pagkakaunawaan sa loob ng silid-aralan, ang siyang nagiging ultimo dahilan

ng paglisan ng estudyante sa larangan ng Narsing.

Datapwat, maraming maaring maging dahilan ang mga mag-aaral upang

lumipat ng kurso, ang kakulangan ng sapat na pondo at estratehiya ng propesor

ang kadalasan nilang dahilan sa isinisasagawang paglipat.

Ang nararanasang pandaigdigang krisis pampinansiyal ay may direktang

epekto na sa sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sinamahan pa ito ng brain

drain kung saan unti-unti nang lumilisan ang ating mga pinakamagagaling na

manggagawa, propesor, nars, doctor, at iba pa.

Ang buhay ngayon ay ibang iba sa buhay noong unang panahon. Ang ating

ekonomiya ay bagsak at hirap na. Kaya sa panahon ngayon, mas kailangan ang

pagiging praktikal at pagtitipid. Hindi ganoong kadali ang makapagtapos dahil sa

laki ng bilihin, pamasahe at lalo na ng matrikula. Mahirap din makahanap ng

trabaho kung ikaw ay mag-aaral sa mababang pamantayan na mga paaralan. Ang

mga mag-aaral sa panahon ngayon ay nahihirapan pumili ng magandang kurso sa

kalagayan ng ating bansa. Nais din ng mga magulang nila na sila ay maiahon sa

22

hirap kaya't nais nilang mag narsing ang kanilang anak upang sila ay makapunta sa

ibang bansa upang kumita ng malaki. Pinipilit nila ang kanilang mga anak na

aralin ito, dahil sa kanilang paningin, ito lang ang makakatulong sa kanilang pag-

unlad. Ito ang kadahilanan kung bakit sila kumuha ng Narsing. Ngunit nang sila ay

makapasok na at naranasan ang pag-aaral, lalo silang nahirapan at napag-alamang

hindi nila kaya ang mga hirap ng pag-aaral ng isang nars.

Balangkas Konseptwal Paradigma

Batayan Proseso Kinalabasan

23

Propayl ng mga dating mag-aaral ng Narsing sa UERMMMC.

Bilang ng mga mag-aaral na lumipat na ng ibang kurso at anong kurso ito.

Bilang ng mga kadahilanang nasaad ng mga mag-aaral na lumipat ng kurso.

Mga rekomendasyon ng mga dating mag-aaral ng Narsing sa UERMMMC.

Pagbibilang ng mga mag-aaral ng Narsing sa UERMMMC na lumipat na ng kurso at alamin kung ano ang kursong ito.

Alamin ang kadalasang kadahilanan ng paglipat

Alamin kung may kinalaman ba ang mga propesor o sistema ng unibersidad sa isinagawang paglipat

Alamin ang mga rekomendasyon ng mga dating mag-aaral ng Narsing sa UERMMMC.

Napagalamang ang kadalasang kadahilanan ng paglipat ay dahil sa mga propesor(46%) at sa pampinansiyal na kadahilanan(38%)

Ang naging rekomendasyon ng mga mag-aaral ay bawasan ang tuition fee at humanap ng magandang estratehiya ang mga propesor sa pagtuturo. Isagawa ng madalas ang mga hands on na gawain.

Paglalahad ng Suliranin

Karamihan sa mga mag-aaral ng Narsing ay hindi nakatatapos sa naturang

kurso sa kadahilanang paglipat sa ibang kurso. Ang mga suliranin sa likod nito ay

24

sadyang dapat bigyang atensyon upang malaman ang mga maaring maging epekto

nito. Ilan lamang sa mga suliraning ito ay:

1.) Ano ang propayl ng mga respondent ayon sa:

1.1) Kasarian

1.2) Edad or Gulang

1.3) Taon ng pag-aaral; at

1.4) Kursong nilipatan?

2.) Ano ang mga kadahilanan sa paglipat ng mga narsing na mga mag-

aaral sa ibang kurso?

3.) Sa anong kurso kadalasang lumilipat ang mga mag-aaral sa narsing?

4.) May kaugnayan ba ang pagtuturo o istratehiya ng mga propesor sa

kadahilanan ng paglilipat sa ibang kurso ng mga mag-aaral ng

narsing?

5.) Ano ang maaraing maisagawa ng Pamantasan upang maiwasan ang

paglipat ng mga mag-aaral ng narsing sa ibang kurso?

6.) Maaaring bang nakaapekto ang pandaigdigang krisis pampinansiyal

sa mga paglipat na ito?

Hypotheses

25

Sa aming pag-aaral, nais naming taluntunin ang dahilan ng paglipat ng

mga mag-aaral ng Narsing sa UERMMMC sa ibang kurso. Ilan sa aming

mga palagay ay ang mga sumusunod na dahilan: (1) Maaring mataas na ang

pamantayan ng bagong kurikulum ng paaralan at hindi angkop sa antas ng

mag-aaral ang sabjek na kinukuha; (2) Mabigat ang disiplina at trabaho

bilang isang estudyante ng UERMMMC; (3) Ang ibang propesor sa kursong

Narsing ay may hindi epektibong istilo o estratehiya ng pagtuturo kaya

naman ay mabababa ang marka ng estudyante na nagiging dahilan ng

kanilang paglipat; (4) Hindi epektibo ang patakaran at disiplina sa naturang

Pamantasan at ; (5) Walang sapat na pera ang mga magulang ng estudyante

upang ipagpatuloy ang naturang kurso.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga salik at suliranin sa

likod ng mga dumaraming estudiyanteng umaalis sa larangan ng narsing sa

UERMMMC. Mahalaga ito upang malaman ang mga problemang siyang nagiging

salik sa naturang kurso. Ito rin ay maaaring maging daan sa pagpapaunlad ng mga

26

patakaran sa paaralan upang mabawasan ang pursyento ng mga lumilipat na

estudyante. Magiging tulay din ito upang lalong malinang natin ang maaaring

maging epekto nito sa ating ekonomya. Magdudulot ito ng magandang gabay sa

mga pagkakamaling dapat ayusin sa ating ekonomiya. Magsisilbi ring boses ang

pananaliksik na ito sa mga mag-aaral na may sari-sariling pangangailangan at

hiling hingil sa kursong narsing. Maaaring ang mga estudyanteng ito’y magbago

pa ang isipan at manatali sa institusyon. Maaaring maimulat natin ang mga mata

ng mga estudyanteng ito o ng mga tao sa kanilang paligid ukol sa hiling, hangarin

at pakiusap nila. Magbibigay daan din ang pag-aaral na ito sa mga institusyon ng

narsing upang mas mapagbuti at mas mapaganda pa ang kanilang mga programa

sa naturang kurso.

Ang pananaliksik na ito ay kumakatawan sa mga mag-aaral na

kumukuha ng kursong Narsing ngunit sa kalaunan ay lumilipat din sa ibang

kurso. Ito ay ginawa upang magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa

kursong kukunin para maiwasan ang paglilipat-lipat ng kurso. Dito

malalaman ng bawat isa ang kanya-kanyang dahilan kung bakit nga ba

lumilipat sila ng kurso. Dito mabibigyan tayo ng iba't-ibang ideya gaya ng

pagkuha ng kursong Nursing bilang pangunahing kurso o hindi na lamang at

sa halip ay iba ang kursong kuhain. Masasabing isa ito sa madalas na

27

nagiging problema ng estudyante kung kaya't bibigyan namin sila ng

panuntunan upang maging gabay sa kursong kukunin.

Ang pag-aaral sa paksang ito ay makakatulong sa mga estudyante na

nagnanais na kumuha ng Narsing. Makakapagbigay ito sa mga estudyante ng

karagdagang disiplina sa kanilang sarili upang makapag-rebyu ng maayos at

mapaghandaan ang mahirap na antas ng pagsusulit na ibinibigay sa kursong

ito. Malaki rin ang maibibigay ng pag-aaral na ito sa mga estudyante na

napipilitan lamang kumuha nito dahil lamang sa kagustuhan ng kanilang

mga magulang.

Ito rin ay magsisilbing batayan ng mga magulang para maipaliwanag

nila sa kanilang mga anak na ibig kumuha ng kursong ito na ito ay

nangangailangan ng taos pusong dedikasyon at tiyaga. Nawa’y

matutulungan ng pananaliksik na ito ang mga magulang na bigyan ng

magagandang payo ang kanilang mga anak tungkol sa kursong dapat

tahakin.

Para sa mga propesor at dalubguro, makakatulong ang pananaliksik

na ito para mas malinang pa nila ang antas ng kanilang pagtuturo para lubos

o mas madaling maunawaan ito ng kanilang mga estudyante.

28

Ang pag-aaral na ito ay may layong maipabatid sa mga mambabasa ang

iba’t – ibang dahilan ng paglipat ng Kurso ng may ilang mag-aaral ng

UERMMMC. Maaaring makinabang rito ang institusyong nabanggit sapagkat

maaaring ang kanilang sistema ang isa sa mga dahilan ng paglipat ng mga mag-

aaral, ang pagaaral na ito ay maaari nilang gamitin upang mas mapagbuti at

mapaganda ang kanilang institusyon.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Sa taong, 2009 ng Pebrero hanggang ika 17 ng Marso, ay aming isinagawa

ang pag-aaral sa mga dahilan ng paglipat ng mga UERMMMC Narsing na mga

mag-aaral sa ibang kurso. Ito ay isinigawa lamang sa loob ng institusyon ng

UERMMMC at UE Manila Campus. Ang mga kabilang sa pag-aaral ay ang mga

dating mag-aaral ng Narsing sa UERMMMC mula ika-unang antas hanggang

ikaapat na antas lamang.

Katuturan at Depinisyon

29

Narsing. Ito ay isang kurso na kinukuha sa kolehiyo; isang larangan kung saan

nagpapakadalubhasa ang estudyante upang maging isang propesyonal na Nars.

Kurso. Ito ay isang serye ng pag-aaral na kinukuha sa kolehiyo; pagpapadlubhasa

sa isang larangan.

Mag-aaral o estudyante. Ito ay ang mga taong nagnanais matuto ng isang larangan

o propesyon.

Institusyon. Ito ay isang komunidad ng eskwelahan kung saan binubuo ito ng

administrasyon, mga guro, at estudyante.

Respondente. Ito ay pawang mga mag-aaral na isinailalim sa isang interbyu.

Larangan. Ito ay isang propesyon na pinagkakadalubhasaan ng mga estudyante;

disiplina.

Pamantayan. Ito ang istandard o antas ng pagkatuto.

30

Dalubguro. Ang mga ito ay pawang mga dalubhasa sa pagtuturo ng isang

asignatura.

Income. Ito ang halaga o pera na kinikita ng isang tao sa trabaho.

Tuiton Fee. Ito ang halaga o pera na binabayaran sa isang institusyon ng pag-aaral.

Problemang Pangpinansyal. Ang isa sa mga nagiging pangunahing dahilan ng

paglipat ng Kurso ng mag-aaral ng kursong Narsing.

UERMMMC. Ito ang institusyon kung saan nanggaling ang mga mag-aaral ng

Narsing na lumipat ng ibang kurso.

Proyekto. Ito ay ang pananaliksik na ito na aming natapos at naisagawa ng

maayos. Tumutukoy sa pag-aaral tungkol sa mga narsing na lumilipat ng ibang

kurso.

Matrikula. Halaga ng ibabayad ng isang estudyante sa paaralan para sa mga

matiryales na gagamitin.

31

Bilihin. Ginamit ito upang sumimbulo sa mga gamit pang-eskwelahan lalo na ang

mga kagamitan ng mga nars.

Propesyon. Ang pagiging magaling at bihasa ang sarili sa pag-lilingkod. 

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAGAARAL

Panimula

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng iba’t-ibang aspeto ng kaugnay na

literatura at kaugnay na pag-aaral tungkol sa aming pag-aaral- kung ano nga ba

ang dahilan kung bakit lumilipat ng ibang kurso ang mga mag-aaral ng kursong

Narsing sa UERMMMC. Makikita rin sa sentesis ang pagkakatulad at pagkakaiba

ng aming pananaliksik sa mga ibang kaugnay nito na thesis, dissertation, journals

at aklat na aming nakalap.

32

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga sanggunian na makatutulong

upang makapangalap ng impormayon. Nakakuha rin sila ng mga artikulo na galing

pa sa mga propesyonal na jornal sa larangan ng Narsing upang mas mabigyang

linaw ang mga usapin ukol sa pag-impis ng bilang ng kumukuha ng Narsing.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Chit Estella, mayroon isang radiology technologist na

nagngangalang Lani ang nakapagsabi na kanyang napupuna na taon-taon na

lamang ay dumadami ang kanyang nakikitang “resignation papers” ng mga Nars

sa kanilang ospital pati mga ordinaryong mangagawa ay nagsisialisan patungong

Estados Unidos, London o saan mang sulok ng daigdig para doon na manirahan

and magtrabaho nang panghabang buhay. Ayon pa raw kay Lani ay sa kanilang 40

na staff members ay 4 lang ang natira pati siya kasama na roon, ngunit siya rin ay

may balak ng lumisan ng bansa. Marami rin ang magtatapos sa kursong nursing sa

nasabing taon sapagkat patuloy na ang paglobo ng mga paaralan at unibersidad na

nagtuturo ng Narsing. Ang malaking problema nga lang dito ay ang pagbaba ng

33

kalidad ng edukasyon at serbisyo ng mga nakapagtatapos na Nars. Dadami ang

mga maghihintay na makaalis ng bansa, kaya sa ating bansa ay kung mayroon

mang naiiwang magtrabaho rito bilang Nars ay kakaunti na lamang. Ang mga

magagaling sa mga nakatapos ay handa nang umalis ng bansa at ang mga ito ay

kadalasang hindi na nagkakaroon ng karanasan sa trabaho rito. Sa nakalipas na

sampung taon, ang Pilipinas ay nakapagpadala na ng mahigit pa sa 90,000 na

Nars. Ang malaking epekto nito ay ang pagbaba ng kalidad na naibibigay ng mga

ospital sa kanilang mga pasyante o ang mas kagimbal-gimbal na pagsasara ng mga

ospital. Ang isa pang epekto nito ay ang pag-alis ng mga doktor dito upang

maging Nars sa ibang bansa. Sa nakalipas na apat na taon, mahigit sa 3,500 doktor

ang nilisan ang ating bansa para magtrabaho bilang Nars.

Ayon naman sa NIH o National Institutes of Health ay pabata nang pabata

ang mga nagtratrabaho sa ospital ngunit ang mahalaga ay maibigay ang tamang

pag-aaruga sa pasyente. Kapansin-pansin rin ang pagtaas ng bilang ng mga

kalalakihang nag-aaral ng Narsing at Nars na lalaki ngunit wala pa rin naman

masyadong pagbabago sa mga kababaihan, marami pa rin sila. Sa paglobo ng mga

Nars na nagtratrabaho sa ibang bansa ay asahan na ang pagdami ng mga mga

aksidente, mga komplikasyon matapos ang mga operasyon, at mga kaso laban sa

34

mga Nars sapagkat ang mga kadalasang naiiwan sa ating bansa ay di na

masyadong eksperyensiyado. Nagkakaroon na rin ng siklo ang mga nagaganap sa

industriyang ito, ang mga nakakapagtapos ng kursong ito na magaling ay agad

nakakaalis ng bansa at naiiwan sa atin ay mga di masyadong bihasang nars, at

matapos makalipas ang isa hanggang dalawang taon, sila ay aalis na rin at ang

matitira ay ang mga kakatapos lang, na sila namang aalis ulit, paikot lamang ito na

nangyayari. Tayo ang pumapangalawa sa India sa pagsupply ng mga doktor at

Nars abroad, sa katunayan ay ang ating bansa ang nag-susuplay ng 25% ng mga

Nars sa buong mundo. Ngunit sa mga susunod na taon, inaasahan ang pagbagsak

sa demand ng mga nars dahil sa nararanasang oversupply of nurses sa ating bansa.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon naman sa isang pag-aaral na may pamagat na “Student Problems in

Southeast Asian Universities” na nagmula sa ASAIHL o Association of Southeast

Asian Institutions of Higher Learning ay isang problema ng mga mag-aaral ay ang

problemang pangpinansyal na nakaka-hadlang sa kanila. 10% lamang ang

35

nanggagaling sa mayayamang pamilya at 90% sa mga mag-aaral ng Narsing ay

galing sa mahihirap na pamilya.

Sentesis

Ang mga nabanggit na mga literatura at pag-aaral ay parehong nagsasabing

marami nga talagang nars ang lumilisan sa ating bansa, ang resulta nito ay ang

pagbaba sa kalidad ng serbisyo ng ating mga ospital. Sinasabi rin dito ang mga

disadvantages ng pagiging isang nars.

Ang implikasyon ng paglisan ng mga nars ay may masasamang dulot hindi

lamang sa ating serbisyong pangkalusugan kundi pati na rin sa mga pasiyenteng

nagagailangan ng mapag-arugang sistema. Dumarami na rin ang bilang ng mga

kalalakihang nars sa kadahilanang in demand ang mga ito sa ibang bansa tulad ng

Estados Unidos at Europa. Sinasabi rin sa itaas na malaking hadlang ang kawalan

ng suportang pampinansyal sa pag-aaral ng kursong Narsing kung kaya’t masasabi

nating marahil ay dala na ng kahirapan ang paglisan ng mga nars sa ibang bansa.

Ang pagkakahalintulad ng mga literatura at pag-aaral na ito sa aming

pananaliksik ay sumasaklaw sa mga kadahilanang nakapag-uudyok ng hangaring

lumipat ng ibang kurso mula sa kursong Narsing.

36

Ang pag-aaral na ito ay isinigawa upang malaman ang mga posibleng

kadahilanan na nakapanghihikayat sa mga mag-aaral ng Narsing na lumipat na sa

ibang kurso.

KABANATA 3

METODOLOHIYA

Panimula

Ipinapakita sa kabanatang ito kung paano namin ipinagtibay ang aming

pananaliksik sa pamamagitan ng deskriptiv riserts. Nagsagawa kami ng interbyu

sa mga mag-aaral ng UERMMMC upang malaman kung ano ba ang dahilan ng

paglilipat ng mga mag-aaral ng narsing sa ibang kurso. Ang ginawa naming

interbyu ay nagsilbing aming gabay upang matukoy kung ano ang magiging

kalalabasan ng aming pag-aaral.

Ang nilalaman ng tsapter na ito ay ang bahagi ng tesis o pananaliksik kung

saan ipinapaliwanag ang pamamaraan na ginamit sa pananaliksik, ang mga

respondents, ang paraan ng pagsasagawa, mga teknik at instrumentong ginamit at

ang pagbibigay halaga sa datos. Ang mga datos na inyong makikita sa bahaging

ito ay bunga ng mga pamamaraan na aming ginamit upang isagawa ang

37

pananaliksik na ito. Ito ay magsisilbing aming pamantayan sa aming pagsasagawa.

Dito rin namin tatalakayin ang iba't-ibang istratehiya upang maipakita ang bilang

ng mga estudyanteng lumipat at ang mga kadahilan nito.

Paraan ng Pananaliksik

Ang ginamit na paraan sa aming pananaliksik ay ang Palarawang

Pamamaraan. Pinagsikapan ng aming pangkat na ipakita o isaad ang mga

kadahilanan kung bakit lumilipat ng ibang kursong ang mga mag-aaral ng

Narsing sa UERMMMC.

Kumalap kami ng impormasyon mula sa mga dating mag-aaral ng

Narsing sa UERMMMC na siyang lumipat na ng ibang kurso.

Mga Respondents

Ang mga respondente ay pawang mga mag-aaral na kumuha ng

kursong Narsing sa UERMMC ngunit sa kalunan ay lumipat ng ibang kurso.

Ang mga respondente ay nasa 17-20 taong gulang, at may kabuuang bilang

na 40. Lahat ng respondente ay dating nag-aral sa UERMMMC bilang isang

38

Narsing na mag-aaral, sila’y kasalukuyang nagpapatuloy na ng pag-aaral sa

mga pamantasan tulad ng UE Manila Campus, CEU, DLSU, UP, etc. na may

mga kursong Engineering(3%), HRM(41%), Accounting(22%),

Psychology(16%), Biology(6%), at Mass Communication(12%). 37% ng mga

bilang ng mga respondente ay mga kababaihan at ang nalabing 63% naman

ay mga kalalakihan.

Paraan ng Pagsasagawa

Kami ay nagsimulang magtanong ng mga katanungan sa aming mga

respondente noong ika-20 ng Pebrero 2009. Sila’y aming ipinasailalim sa

isang interbyu sa pamamgitan ng telepono, harap-harapang pagtatanong, at

pagtsatsat sa internet. Ang mga katanungan ay personal naming itinanong,

ang mga kasagutan naman, ayon sa aming mga respondente, ay buong

katapatan nilang sinagot. Ang proseso ng aming pagtatanong at pagkalap ng

impormasyon ay tumagal ng ilang linggo sa kadahilanang magkasalungat ang

aming iskediyul at ng mga respondente. Kami rin ay kumalap ng

impormasyon sa mga silid-aklatan ng UE Manila, at UERMMMC.

39

Teknik at instrumento

Upang makalikom ng makatotohanan at kapanipaniwalang

impormasyon, kami ay nagsagawa ng mga interbyu sa mga mag-aaral ng

Narsing na lumipat ng ibang kurso. Kami rin ay nakakalap ng impormasyon

mula sa mga mag-aaral na ito ng mga kadahilanan kung bakit nga ba sila

lumilipat ng kurso. Naging moderno kami sa pagkalap ng impormasyon

sapagkat gumamit kami ng mga modernong teknolohiya tulad ng kompyuter,

cellphone at iba pa.

Pagbibigay Interpretasyon sa Datos

40

Percentage

P = (F/N) x 100

Kung saan:

P= porsiyento

F= bilang ng naitalang aytem

N= Kabuuang bilang ng aytem

PANSARILING TALA NG MGA MANANALIKSIK

Mga Mananaliksik: Miguel Yu

Micah Jainani

Wyona Young

Paula Borja

Jhanalyn Dela Cruz

Regine Reboquio

Jason

Aguila

Charisse Socan

Alex Rogacion

Julia Marquez

41

Pangalan: Miguel Adrian A. Yu

Address: #6 Ensure St. Oro Vista Royale, Antipolo City

Number/Email address: 6829135/ 09228682913/ [email protected]

Kurso: BSN

Personal na Tala

Kapanganakan: August 8, 1991

Lugar ng kapanganakan: Mandaluyong City

Edad: 17

Kasarian: Lalaki

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Katoliko

Pangalan ng Ama at Ina: Michael G. Yu at Arlene A. Yu

Edukasyon

Tersarya: Pamantasan ng Silangan

Sekondarya: Jubilee Christian Academy

Primarya: Jubilee Christian Academy

42

Pangalan: Paula Marie O. Borja

Address: #23 Rizal Avenue Taytay Rizal

Number/Email address: 09154165122 / [email protected]

Kurso: BSN

Personal na Tala

Kapanganakan: Nob. 21, 1990

Lugar ng kapanganakan: Morong, Rizal

Edad: 18

Kasarian: Babae

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ama at Ina: Crispalo C. Borja Jr. at Miriam O. Borja

Edukasyon

Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay

Sekondarya: Siena College Taytay

Primarya: Taytay United Methodist Christian School

43

Pangalan: Charisse M. Socan

Address: Alegria St. Sta. Mesa, Manila

Number/Email address: 09179281069 / [email protected]

Kurso: BSN

Personal na Tala

Kapanganakan: June 21 1992

Lugar ng kapanganakan: Ilagan, Isabela

Edad: 16

Kasarian: Babae

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Katoliko

Pangalan ng Ama at Ina: Mario B. Socan at Maribel M. Socan

Edukasyon

Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay

Sekondarya: Isabela National High School

Primarya: Ilagan South Central School

44

Pangalan: Julia Gray B. Marquez

Address: 044 Ipil St. Marikina Heights, Marikina City

Number/Email address: [email protected] / 09165500004

Kurso: BSN

Personal na Tala

Kapanganakan: Agosto 15, 1991

Lugar ng kapanganakan: Mandaluyong City

Edad: 17

Kasarian: Babae

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ama at Ina: Alfonso Marquez Jr. at Jocelyn B. Marquez

Edukasyon

Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay

Sekondarya: St. Scholastica’s Academy of Marikina

Primarya: St. Scholastica’s Academy of Marikina

45

Pangalan: Micah Zamin E. Jainani

Address: 19 Bonanza St. Rancho II Concepcion 2 Marikina

Number/Email address: 9344167 / [email protected]

Kurso: BSN

Personal na Tala

Kapanganakan: Sept. 30, 1990

Lugar ng kapanganakan: Greenhills, San Juan

Edad: 18

Kasarian: Babae

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan ng Ama at Ina: Andy Jainani at Ester Jainani

Edukasyon

Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay

Sekondarya: Miriam College

Primarya: Miriam College

46

Pangalan: Jhanalyn H. Dela Cruz

Address: 1776 B. Consuelo St. Sta. Cruz, Manila

Number/Email address: 09238419124/ [email protected]

Kurso: BSN

Personal na Tala

Kapanganakan: Hulyo 25, 1992

Lugar ng kapanganakan: Manila

Edad: 16

Kasarian: Babae

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: B.A.C

Pangalan ng Ama at Ina: Jaime R. Dela Cruz at Everlyn H. Dela Cruz

Edukasyon

Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay

Sekondarya: Pamantasan ng Silangan

Primarya: Pamantasan ng Silangan

47

Pangalan: Alex Rhey V. Rogacion

Address: 1735 Kalimbas St. Sta. Cruz Manila

Number/Email address: [email protected]

Kurso: BSN

Personal na Tala

Kapanganakan: Agosto 28, 1991

Lugar ng kapanganakan: Manila

Edad: 17

Kasarian: Lalake

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Katoliko

Pangalan ng Ama at Ina: Rizaldie Rogacion at Ma. Belen Rogacion

Edukasyon

Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay

Sekondarya: Lourdes School of Quezon City

Primarya: Lourdes School of Quezon City

48

Pangalan: Wyona Marie C. Young

Address: G42 K-ville THSE, Sanville Subd. Proj. 6, Ouezon City

Number/Email address: 09155759152 / [email protected]

Kurso: BSN

Personal na Tala

Kapanganakan: Dec 9 1991

Lugar ng kapanganakan: Quezon City

Edad: 17

Kasarian: Babae

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Katoliko

Pangalan ng Ama at Ina: Warren T. Young at Judith C. Young

Edukasyon

Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay

Sekondarya: Mary Immaculate Academy of Quezon City

Primarya: St. James College of Quezon City

49

Pangalan: Regine H. Reboquio

Address: 14-061 Eastwind St. Brgy. Rizal, Makati City

Number/Email address: 091678602421/ [email protected]

Kurso: BSN

Personal na Tala

Kapanganakan: Sept. 09, 1991

Lugar ng kapanganakan: Sta. Mesa

Edad: 17

Kasarian: Babae

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Katoliko

Pangalan ng Ama at Ina: Nicolas A. Reboquio at Evangeline Reboquio

Edukasyon

Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay

Sekondarya: La Immaculada Concepcion School

Primarya: La Immaculada Concepcion School

50

Pangalan: Jason C. Aguila

Address: 3131-G Westside Apt. Nagtahan. Sta. Mesa

Number/Email address: [email protected]

Kurso: BSN

Personal na Tala

Kapanganakan: 4/30/1984

Lugar ng kapanganakan: Guam, USA

Edad: 24

Kasarian: Lalaki

Nasyonalidad: Amerikano

Relihiyon: Katoliko

Pangalan ng Ama at Ina: Leonardo M. Aguila at Eden C. Aguila

Edukasyon

Tersarya: Pamantasan ng Silangan Ramon Magsaysay

Sekondarya: EL Camino High School

Primarya: San Rafael Elementary School

51

MGA TALASANGGUNIAN

A. Mga Aklat

Lim, Manuel. 2000. Shortcomings of the Philippine Educational System,

Remedial Measures Adopted, And Proposed Solution.

Sevilla, Gadja C. 2003. The Philippine’s Yearbook: Education.

Singh, Edward. 1999. Student Problems in Southeast Asian Universities.

Estella, Chit. 2005. Lack of Nurses Burdens an Ailing Healthcare System.

Benguayan, Michael. 2003. Philippine Doctors and Nurses: Going, Going, Gone.

Ilby, Willkinson L. 2000. Strategies for Improving Teaching Strategies: A

Comprehensive Approach to Faculty Development.

Harms, J.Y. 2001. The Transfer Process as Viewed by Asians.

B. Mga Nalathala at Hindi-Nalathalang Tesis at Disertasyon

A.S.A et al. 2007. Isang Pag-aaral sa pananaw ng mga mag-aaral ng nursing sa

UERMMMC tungkol sa pagdami ng bilang ng mga propesyunal(Nars at Doktor)

na nagtatatrabaho sa ibang bansa. UERMMMC. Hindi Nalathala.

Anderson, Carole A. 2003. Barriers to Increasing Native Hawaiian, Samoan, and

Filipino Nursing. Nalathala.

C. Mga Sangguniang Nakalap Mula sa Internet

52

http://www.uerm.edu.ph/nursing/curriculum.html

http://www.ched.gov.ph/policies/CMO2008/CMO%20No.%205%20s.

%202008%20new.pdf

http://countrystudies.rs/philippines/34.htm

http://www.onlinenursingdegrees.org/theregisterednursepopulation.pdf

http://www.milkeninstitute.org/pdf/asia_philippines.pdf

http://www.adb.org/Documents/Books/Poverty-in-the-Philippines/chap6.pdf

http://www.census.gov.ph/data/sectordata/popproj_tab3r.html

http://mensnewsdaily.com/2006/06/28/brain-drain-hits-philippines/?

akst_action=share-this

http://www.varsitarian.com/detail.asp?

ArticleID=76020804&Sections=Editorial&id=1341&source=archive.asp&Archive

ID=7602

http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=226310&page=2

http://www.asianewsnet.net/news.php?id=1750&sec=1

http://www.pcij.org/stories/2005/nurses.html

http://nursingguide.ph/articles_archive-4/Nursing_News_Updates.html

53

54

55