45
Page | 1 KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Maraming tao ang nag-hahangad makapunta ng ibang bansa, isa sa mga paraan upang makamit ang masaganang buhay ayon sa ibang mga Piliino, at mamuhay ng masagana at matiwasay. Likas na sa mga Pilipino ang pagiging ma-aruga sa pamilya at pati na rin sa kapwa. Kaya nang mag-simula ang kursong narsing sa Pilipinas, dali-dali naman itong sinunggaban ng ating mga kababayan. Sa una ay sapat lamang ang mga nars na nailalabas ng Pilipinas taon-taon, ngunit ng lumaon ay masyado ng naging sobrang dami ng mga nars na nagtatapos, naka-papasa at nag nanais na maka-punta sa ibang bansa. At sa kasalukuyan, mayroon ng mahigit- kumulang na walumpung- libong nars na rehistrado sa Pilipinas at walang trabaho.

Final Draft

  • Upload
    al-lim

  • View
    509

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Final Draft

P a g e | 1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Maraming tao ang nag-hahangad makapunta ng ibang bansa, isa sa mga paraan upang

makamit ang masaganang buhay ayon sa ibang mga Piliino, at mamuhay ng masagana at

matiwasay.

Likas na sa mga Pilipino ang pagiging ma-aruga sa pamilya at pati na rin sa kapwa. Kaya

nang mag-simula ang kursong narsing sa Pilipinas, dali-dali naman itong sinunggaban ng ating

mga kababayan. Sa una ay sapat lamang ang mga nars na nailalabas ng Pilipinas taon-taon,

ngunit ng lumaon ay masyado ng naging sobrang dami ng mga nars na nagtatapos, naka-papasa

at nag nanais na maka-punta sa ibang bansa. At sa kasalukuyan, mayroon ng mahigit- kumulang

na walumpung- libong nars na rehistrado sa Pilipinas at walang trabaho.

Kaya naman nilalaman ng napapanahong papel na ito ang ilan sa mga bagay na

kinahaharap na problema ngayon ng mga bagong henerasyong nars. Hindi lamang suliranin ang

nais ipag-bigay alam ng mga mananaliksik kundi pati na rin ang ilang mga kaalaman upang

matulungan ang mga mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha nito pati na rin ang ilang mga hayskul

na nag-babalak kumuha ng kursong ito.

Page 2: Final Draft

P a g e | 2

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may layuning maglahad at talakayin ang mga karanasan,

problema at mga nasasangkot na isyu ukol sa mga nars sa ating henerasyon. Nais nitong bigyang

silip ang tunay na sitwasyon ng mga nars sa panahong ito; ang mga problemang kanilang

hinaharap at kung papaano ito makaaapekto sa kanilang kinabukasan. Tinatalakay rito ang mga

isyu ukol sa kakulangan ng mga nars sa bansa at sa iba pang panig ng mundo, ang kakulangan sa

trabahong ninanais at ang mga problemang kaugnay nito. Hangad din nitong masuportahan ang

mga impormasyong nalikom sa pananaliksik at mapataas ang antas ng kaalaman ng masa ukol sa

kanilang tunay na estado. Ang lahat ng ito ay upang mabigyang linaw, mas pahalagahan, at mas

maintindihan ng karamihan ang tunay na kalagayan ng mga nars sa ating panahong.

3. Kahalagahan ng Pag- aaral

Binuo ang pamanahong papel o pananaliksik na ito upang magbigay

impormasyon sa mga tao o mambabasa kung anu- ano ang mga hinaharap na problema o

suliranin ng mga nars at ng mga magiging nars pa lamang. Isama narin natin dito ang pagbibigay

kaalaman sa mga mambabasa kung anu-ano ang kailangang nilang paghandaan sa kurso na ito.

Page 3: Final Draft

P a g e | 3

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag- aaral

Saklaw ng pag- aaral na ito ang lahat ng isyu at problema na konektado sa kursong

narsing at paanong nakaaapekto sa mga kumukuha nito ang bawat suliranin. Isa na rito ang mga

isyu na lumalabas sa telebisyon, radio at dyaryo na sobra- sobra na ang mga nars sa mundo, na

maari naming patunayan sa aming pananaliksik na wala itong katotohanan.

Nais iparating ng grupo sa mga mambabasa kung anu- ano ang mga ito upang

maiwasan at hindi para i-diskrimina ang kursong narsing.

5. Definisyon ng mga Terminolohiya

Upang mapdali ang pag-basa at pag-intindi sa pamanahong papel na ito, narito ang ilang

mga kahulugan ng mga piling salita:

Ang narsing ay larangan ng pag-aaral at paglilingkod bilang isang nars o dalubhasang

tagapag- alaga (o tagapangalaga) ng maysakit. Isa itong trabaho at propesyong nakatuon sa

pagtulong sa mga indibidwal, mga mag-anak, at mga pamayanan upang makamit, mapanatili, at

mapanumbalik ang mataas na antas ng kalusugan.

Ang nursing Board Exam Leakage ay ang illegal na pagkalat ng mga tanong sa nursing

board exam.

Ang nursing Board Exam ay kinukuha ng mga taong gradweyt ng kursong Narsing

bilang lisensya upang masabing sila ay isang ganap na propesyonal na nars na.

Page 4: Final Draft

P a g e | 4

Ang lisensya ay tumutukoy sa na pahintulot pati na rin sa dokumento record na

pahintulot.

Ang zero-passing Rate School ay ang mga paaralan o institusyon na nag- aalok ng

kursong Narsing na kung saan wala ni isa man sa mga estudyanteng grumadweyt sa mga

institusyong ito ang nakakapasa sa Nursing Board Exam.

Ang overpopulation ay isang kondisyon kung saan ang isang organismo numero ay

lumampas sa kakayahan magpadala ng kanyang tahanan . Ang kataga ay madalas na tumutukoy

sa mga relasyon sa pagitan ng tao populasyon at ang kanyang kapaligiran , ang Earth.

Ang reports ay mga dokumento na kasalukuyan nakatutok, kitang-kita na nilalaman sa

isang tiyak na madla. Ito ay madalas na ginagamit upang ipakita ang mga resulta ng isang

imbestigasyon ng eksperimento,, o pagtatanong.

Ang oversupply ay ang pag lampas ng supply sa kung ano ang angkop o kinakailangan

Ang visa ay isang dokumento na nagpapakita na ang isang tao ay may pahintulot na

ipasok ang mga teritoryo para sa kung saan ito ay inisyu, na napapailalim sa pahintulot ng isang

opisyal ng imigrasyon sa oras ng aktwal na entry.

Ang iskandalo ay isang pangit o nakahihiyang pangyayari na maaring makaaapekto sa

pagkatao o pamumuhay ng isang indibidwal.

Page 5: Final Draft

P a g e | 5

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa paglipas ng panahon, ang mga tao ay naengganyo sa ideyang maraming trabaho sa

loob at labas ng Pilipinas kapag nakapagtapos ang isang indibidwal ng kursong Narsing. Hindi

nagtagal, naglabasan ang maraming institusyon na nag-aalok ng nasabing kurso kung kaya’t

marami sa mga nagtatapos dito ay hindi alinsunod sa pamantayan ng kalidad.

Nawalan ng tiwala ang mga bansang malalakas kumuha ng nars sa Pilipinas dahil sa

malaking iskandalo ng leakage sa Nursing Board Exam noong 2006. Sa taon din na ito bumaba

ang bilang ng mga nars na nangingibang bansa sapagkat ang bansang katulad ng United

Kingdom (UK) ay mas tinangkilik ang mga nagtapos ng Narsing sa sarili nilang bansa. Bukod pa

dito, marami pang hinaharap na problema ang mga Pilipinong nars sa kasalukuyan ukol sa

paghahanap ng trabaho.

Ayon isang serbey na isinagawa noong panahong NCLEX exam noong 2007, Pilipinas

ang nag-tamo ng pinaka-mataas na bilang ng mga kumukuha ng kursong narsing sa labas ng

bansang Estados Unidos at 39.7 pursyento naman ang kabuuan nito.

Umabot na sa 150,000 ang mga lisensyadong nars na walang trabaho noong Setyembre

ng 2008 (ANC News, 2008). Malaking sweldo ang habol ng karamihan sa mga kumukuha ng

kursong ito, at ang kalidad ng mga nagtatapos dito ay bumababa (Melencio, 2008). Isang

malaking suliranin ng lipunan sa kasalukuyan ang patuloy na pagdami ng mga nars ngayon. Sa

sobrang dami ng mga nars, napipilitan ang iba na magtrabaho ng libre para lamang

makapagsanay. Marami na ring mga paaralan at programa ng Narsing sa Pilipinas na mababa

Page 6: Final Draft

P a g e | 6

ang kalidad dahil ginagawang negosyo at pinakikinabangan ang matinding pangangailangan ng

mga nars (Nordqvist, 2006).

Isang malaking salik sa sitwasyong ito ay ang lubhang pagdami ng mga estudyante ng

Narsing na pumapasok at nagtatapos sa iba’t ibang mga paaralan sa bansa. Dahil dito, natural na

tumataas ang dami ng mga nars na naghahanap ng trabaho. Gayumpaman, hindi kasabay nito ang

pagtaas ng dami ng nagbubukas na posisyon ng trabaho kaya’t sa kalaunan ay nasasala rin ang

mga nars na talagang nakakukuha ng trabaho.

Noong 2006, naganap ang isang nakahihiyang pangyayaring nakasira sa imahe ng mga

Pilipinong nars. Ito ay ang leakage sa Nursing Board Exam. Dahil sa iskandalong ito, nagkaroon

ng pangamba ang mga malalaking bansang nagbibigay ng trabaho sa ating mga nars. Maganda

pa nga ba ang kalidad ng mga nagtatapos at nakakakuha ng lisensya sa Pilipinas? Isa sa mga

epekto nito ay ang pagbaba ng bilang ng kinukuhang nars sa ibang bansa katulad ng United

States (US).

Oktubre ng taong 2006 nang aprubahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang

pagpapalabas ng isang listahan na naglalaman ng mga pangalan ng mga paaralan ng Narsing sa

bansa. Ito ay sinasabing magiging gabay sa mga magbabalak kumuha ng nasabing kurso sa

paaralang kanilang papasukan. Sinabi rin ni Press Secretary at Presidential Spokesperson Ignacio

Bunye na mayroong mga tinatawag na zero-passing rate schools o mga paaralan ng Narsing na

walang estudyanteng nagtatapos na nakapapasa sa Nursing Board Exam. Isang malaking salik at

panira ito sa kalidad ng mga Pilipinong nars dahil ang kanilang mismong edukasyon ay mababa

ang kalidad (SunstarManila, 2006).

Page 7: Final Draft

P a g e | 7

  Hindi dapat na isisi lahat sa overpopulation ng mga Pilipinong nars ang kanilang

kawalan ng trabaho dahil hindi lamang lubos na maparaan ang mga Pilipinong nars sa

paghahanap ng trabaho, ayon kay dating Department of Health (DOH) Secretary Dr. Jaime

Galvez-Tan (Ubalde, 2008). Sinasangayunan rin ni Marco Antonio Sto. Tomas, miyembro ng

Philippine Regulation Committee (PRC) Board of Nursing, na hindi lamang sapat ang tiyaga ng

mga gradweyt at dapat nilang subukang maghanap ng ibang bansa upang pagtrabahuhan. Sabi pa

ni Sto. Tomas, “Ang problema, ang gusto ng mga Pilipino ay sa Amerika at sa UK lang

magtrabaho.” Dagdag pa niya, “Marami namang job vacancies sa France, Canada, Australia at

New Zealand,” (Uy, 2008). Mula naman kay Department of Labor and Employment (DOLE)

Secretary Marianito Roque, “Nakikipag-ugnayan na ang Canada at Southern Australia para sa

pagtanggap ng mga nars sa kanilang bansa, ang Libya at Saudi Arabia ay nagsimula naring

maging aktibo sa pagtanggap ng mga Pilipinong Nars.” (Ortiz, 2008)

Ayon kay DOLE Secretary Marianito Roque, marami siyang natatanggap na reports

tungkol sa kakulangan sa trabaho para sa mga nars. Taliwas ang daing ng mga may-ari ng mga

ospital dahil kulang ang mga aplikante nila. Sa kanyang palagay, kaya lamang nasasabing may

kakulangan sa trabaho ay dahil sa kagustuhan ng mga gradweyt na ang makuhang trabaho ay sa

ibang bansa (Ortiz, 2008). 

Wika nga ng dating president ng Philippine Nursing Association (PNA) na si Dr. Leah

Primitiva Samaco-Paquiz, wala mang makuhang trabaho sa mga ospital ay maaari namang

maghanap ng pansamantalang solusyon ang mga nars. Kung kinakailangan ay maglagay ng mga

karatula sa labas ng mga bintana ng kani-kanilang mga tahanan at mag-alok ng basic health

education o pagtuturo ng mga esensyal sa kalusugan (Ubalde, 2008).

Page 8: Final Draft

P a g e | 8

  Dahil sa oversupply ng nars at kakulangan ng trabaho sa Pilipinas, nangingibang-

bansa ang mga Pilipino nars upang makapagkamit ng mas maayos na pamumuhay. Ngunit sa

kasalukuyan, nagiging mahirap para sa mga Pilipinong nars na na makakuha ng trabaho sa US at

UK.

Napagdesisyunan ng mga ospital sa UK na mas bigyang-halaga ang mga nars na

nagtapos sa UK kaysa sa mga nars galing sa ibang bansa. Ito ay para tangkilikin ang kanilang

sariling mga gradweyt at hikayatin ang pagkuha ng Narsing ng mga Europeo.

Ito’y magiging suliranin sa bahagi ng mga taga-UK dahil kakaunti lamang ang nagtatapos

ng Narsing sa kanila (Nordqvist, 2006).Nagkaroon naman ng bagong patakaran sa US ukol sa

pagbibigay ng visa, kung kaya’t nahihirapan ang mga nars mula sa ibang bansang, lalo na ang

mga Pilipinong nars, na makakuha ng trabaho dito. Mas matagal na ngayon ang paghihintay para

sa pagsasaayos ng mga papeles upang makapunta sa US. Problema ito sa bahagi ng US sapagkat

hindi naman bumaba ang kanilang pangangailangan sa mga nars, tumataas pa nga ito (Simmons,

2005).

Malaki ang pangangailangan ngayon sa mga nars sa ating bansa at sa buong mudo

na nagbibigay ng kaukulang pansin at pag- aalaga sa kanilang pasyente. Ngunit dahil sa ilang

mga bagay, marami sa mga propesyonal na nars ang napipilitang kumuha ng ibang (mas malaki

ang kita) trabaho dito sa ating bansa. Ang ilan dito ay ang pagiging ‘call center agent’ o di kaya

sa networking, na kung saan mas malaki ang kanilang kinikita.

Page 9: Final Draft

P a g e | 9

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. Disenyo ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ginawa, ginamit ng mga mananaliksik ang paraan na tinatawag –

deskribtib-analitik. Ito ay ang pangangalap ng mga datos at impormasyong na may kinalaman sa

mga bagay na kaugnay sa napiling paksa ng mga mananaliksik. Binigyang linaw nito ang iba’t-

ibang salik ng paksa gaya ng pananaw, kaalaman at iba pa ukol sa mga problema o suliraning

kinakaharap ng mga nars ngayon at kung papaanoito makaka-apekto sa mga paparating

palamang na mga nars.

B. Ang Mga Respondente

Ang mga respondent ng ginawang pag-aaral ay mga piling estudyante ng iba’t-ibang

kilalang mga unibersidad sa Maynila (LPUM, CEU, MADOCS, FEU at SBC) pati na rin ang

ating butihing paaralan. Lahat ng mga respondente ay nag-mula sa iba’t-ibang lebel ng kursong

narsing. May bilang na pitumpong studyante ang nabigyan ng pagkakataon na hingan ng

pahayag sa pamamagitan ng pag-sagot sa mga ipinamahaging serbey kwestyoner.

C. Instrumento ng Pananaliksik

Mula sa tatlong miyembro ng grupo ng mananaliksik ibinahagi ang proyekto na ito upang

mas maging mabuti at mas mabisa ang paggawa ng nasabing papel. Ang mga mananaliksik ay

Page 10: Final Draft

P a g e | 10

lumikom ng mga datos mula sa mga aklat, magasin, internet at interbyu. At ang pinaka-mainam

na ginawa na naayon sa disenyo ng isang deskriptib-analitik, gumawa ang mga mananaliksik ng

isang serbey kwestyoner na may kinalaman sa kanilang paksa.

D. Tritment ng mga Datos

Dahil sa ang pamanahong-papel na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi

kailangan sa pagkuha ng isang digri sa kolehiyo, kaya naman walang ginawang pagtatangka

upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging pag-

tabulate at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik.

Page 11: Final Draft

P a g e | 11

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumu-sunod na datos at impormasyon:

Ipinapakita sa unang grap ang distribusyon ng mga respondent ayon sa kanilang kasarian. Sa

pitumpung (70) respondent,

Page 12: Final Draft

P a g e | 12

Ang grap na ito ay nagpapakita ng bilang ng mga respondent na nag-mula sa iba’t-ibang

lebel ng narsing.

Page 13: Final Draft

P a g e | 13

Ang unang katanungan na pinasagot sa pitumpung respondent na may kinalaman sa isyu

kung ang mga nars ba sa mundo ay nagkukulang o hindi kasalungat sa mga nadidinig ng mga

mamamayan sa balita.

Sa pitumpong (70) lumahok na respondente para sa serbey na ginawa ng mga

mananaliksik labing-anim (16) sa kanila ang sumagot ng – oo, nagkukulang na ang mga nars sa

mundo. Dalawampu’t siyam (29) naman ang sumagot hindi sila naniniwala na nagkukulang na

ang mga nars sa mundo at sa tingin pa nga nila ang mga nars ay sobra na sa dami kung kaya’t

wala ng trabaho ang ilan sa kanila o di kaya nauuwi nalang sa pagko-call center agent. At ang

pinaka-huli dalawampu't lima (25) naman ang nagsasabi na maaring sa ibang bansa nagkukulang

ang mga nars pero sa Pilipinas naman sumosobra.

Page 14: Final Draft

P a g e | 14

Ang ikalawa namang katanungan ay umiikot sa konsepto na kung ninanais ba talaga ng

mga estudyante ang kursong narsing sa simula pa lamang. Sa pitumpong respondente na aming

natanong dalawampu’t walo (28) ang nagsasabi na ang kursong narsing ay matagal na nilang

ninanais, at gusto nilang makatulong sa mga tao; labing- anim (16) hindi nila gusto ang kursong

narsing at nagsabing pinilit lamang sila ng kanilang mga magulang sa kursong narsing at

dalawampu’t anim (26) naman ang nagsabing dati ayaw nila ang kursong narsing pero nang

lumaon ay nagustuhan na talaga nila.

Ang ikatlong katanungan naman ay nagpapatungkol sa kalidad ng mga Pilipinong nars na ayon

sa iba ay bumaba na nang nabalita ang leakage na nangyari noong dalawang libo at tatlo (2003),

Page 15: Final Draft

P a g e | 15

kasama na rin ang pag-iisip ng marami na kung kaya’t kinuha ng mga estudyante ang narsing

bilang kanilang kurso ay dahil ninanais lamang nila na maka-punta sa ibang bansa.

Ayon naman sa aming isinagawang serbey sa pitumpong estudyante mula sa iba’t-ibang

paaralan marami ang hindi sumasangayon sa ganitong pag-iisip. Dalawampu’t pito (27) ang

nagsasabing ang mga Pilipino nars ang pinaka-maalaga na nars sa mundo ikunsidera na rin na

kilala tayong mga Pilipino dahil sa sinasabing hospitality natin. Dalawampu’t isa (21) naman ang

sumasang-ayon sa ideya na ang mga Pilipino nars mgayon ay bumababa na ang kalidad, lalo na

ang mga darating na magtatapos. At labing- siyam (19) naman ang nagsasabi na wala silang

maisasagot sapagkat parang dinidiskrimina na rin nila ang kanilang kurso kung sakali man na

sasagot sila.

Page 16: Final Draft

P a g e | 16

Ang ika-apat na katanungan ay alin sunod sa panagalawang tanong; marami sa mga

estudyanteng nars ngayon ang nag-nanais na lumipat ng kurso at marami din naman ang gusto na

manatili sa kursong narsing.

Ayon sa labintatlong (13) katao na nag-partisipa sa ginawang serbey, gusto nilang

lumipat ng ibang kurso sapagkat napaka-hirap daw ng kursong narsing para sakanya; tatlumpu’t

apat (34) naman ang nagsasabing hindi, ayaw nilang lumipat pa ng ibang kurso dahil gusting-

gusto na daw nila ang narsing ang iba naman ay nanghihinayang sa kanilang nagawang progreso

sa kurso at ang huli, dalawampu’t tatlo (23) naman ang nagsabing wala silag masasabi ukol sa

isyu sapagkat hindi sili ang nag-didisisyon para sa kanilang buhay.

Page 17: Final Draft

P a g e | 17

Sa pitumpo na estudyante na aming tinanong ukol sa isyu ng diskriminasyon sa edad ng

mga nars, labing lima (15) ang nagsasabing kung mas matanda ang nars mas epektibo dahil sa

kanilang mga karanasan at natutunan; apatnapu (40) naman ang nagsasabing depende yan sa

nars, minsan din naman kasi ang mga matatanda ay mabagal ng kumilos at kadalasang

nagkakamali dahil na rin sa katandaan nila. Labing lima (15) din ang nag-sasabing parehas lang

nang nagagawa ang bata at matandag nars, panatay lang ang kanilang nagagawa sa ospital.

Ang katanungang ito ay hindi para mag diskrimina kundi para mahingan ang mga

estudyante ng opinyon; hindi dahil isang mas batang nars sila sa hinaharap kundi pati sila ay

nakaranas na ng serbisyo ng mga nars na nanggaling sa parehas na kategorya ng edad.

Page 18: Final Draft

P a g e | 18

Sa tingin mo ba may makukuha kang propesyonal na trabaho pagkatapos sa kolehiyo? –

yan ang ika’anim na katanungan sa serbey na naisagawa; na nakakuha din mahigit pitumpong

respondente na nag-karoon ng iba't-ibang uri ng kasagutan. Mayroong tatlumpu't siyam (39), ang

nag-sabing 'OO,' dahil bukod sa narsing meron pang ibang propesyonal na trabaho silang

makukuha - tulad nalang ng care-giving at iba pa, ang sabi pa nga ng ilang ay kailangan positibo

sa ating mga pananaw.

Labing apat (14) naman ang nag-sabing hindi, wala ng ibang trabahong propesyonal pang

makukuha ang mga nakapag-tapos sa ilalim ng kursong narsing at maaring sa bahay nalang sila

manatila, alin tulad sa karamihan ng mga nakapg-tapos ng kursong narsing sa ngayon. Labing-

pito (17) naman ang nag-sabi na wala pa silang maaring masabi ukol sa bagay na ito at sa pag-

tapos nalang nila ito malalaman kung saan sila na mismo ang makararanas nito.

Ang kabuuhan mas marami ang nag-sabing maari pang makakuha ng ibang trabaho ang

mga maptatapos ng kursong narsing at nakapag-tapos ng kursong ng propesyonal na trabaho sa

hinaharap.

Page 19: Final Draft

P a g e | 19

Ang ika-pitong katanungan ay ukol na sa balitang nag-kakaroon ng bayaran sa loob ng

ospital para lamang makapag-OJT ang mga nakapag-tapos at lesensyadong mga nars. Labing-

pito (23) ang nagsasabing - oo, sang-ayon silang mag-bayad kung makakatulong ba ito sa pag-

punta ng bawat indibedwal sa ibang bansa. Labing-anim (22) naman ang nagsasabing - hindi sila

sang-ayon sa ganitong kasunduan at kung maari lamang mas ninanais nalamang nila na manatili

sa Pilipinas at mag-trabaho dito at sila ang bayaran kaysa sa sila ang mag bayad sa ospital. At

dalawampu't-dalawa (25) naman ang nagsabing siguro o wala pa silang kasiguraduhan kung

darating nga sila sa sitwasyon kung saan sila na ang mag-babayad sa isang ospital para lamang

makapag-OJT, pero kung sakali man ay wala na talagang iba pang maaring gawin mag-babayad

nalamang sila.

Page 20: Final Draft

P a g e | 20

Sa kabuuhan mas marami parin ang mga hindi sumasang-ayon sa pag-babayad sa mga

ospital upang mabigyan lamang ng pagkakataon ang bawat mga nars na makapag-serbisyo sa

ibang tao, ngunit kung wala naman nang iba pang solusyon, bakit hindi.

Page 21: Final Draft

P a g e | 21

Tinatalakay naman sa ika-walong katanungan ang pagiging praktikal ng mga Pilipino

ukol sa pag-pili ng narsing bilang kanilang kurso at mas marami ang sumasang-ayon na praktikal

parin naman ang piliin ang kursong narsing sa kabila ng mga negatibong balita na nag-

susulputan kaliwa't-kanan. Nag-tamo ng tatlumpu't pito (37) respondente ang nagsasabing oo -

praktikal pa ang kursong narsing at kung patungkol lamang ito sa mga balitang nag-kakaroon ng

sobra-sobra ng mga nars sa Pilipinas ang masasabi lamang nila na hindi lamang ang Pilipinas o

ang Estados Unidos ang nangangailangan ng mga nars, nariyan din ang iba pang mga bansa.

Labing- apat (14) na respondente naman ang nagsasabing hindi na praktikal para sa mga Pilipino

ang piliin pa ang kursong narsing dahil sa rason na sobra na sa dami ang mga nars na Pilipino at

bina-balak pang mag dag-dag taon-taon. At ang pinaka-huli labing- siyam (19) naman ang nag-

sasabing siguro pratikal pa naman ang pagpili ng kursong nasabi ngunit sa pag-tatapos wag

lamangmaging pihikan sa uri ng nars na mitatalagta, sapagkat may iba't-ibang klase naman ng

mga nars na makikita sa loob ng isang ospital.

Page 22: Final Draft

P a g e | 22

Kasabay ng pagtatanong kung nais ba ng mga mag-aaral ang kursong kanilang tinatahak

ngayon, ito rin ay isang katanungan na konektado dito, iyon ay kung may iba pa bang interes na

kursong kuhanin ang mga estudyante bukod sa narsing. Sa pitumpong (70) tao na tinanong

tatlumpu't siyam (39) ang nag-sabi na oo, may iba pa silang interes na kurso bukod sa narsing at

sa simula pa lamang hindi na ito ang kanilang natitipuhang kurso. Labing pito (17) naman ang

nagsasabing wala na silang mga balak pa na lumipat ng kurso dahil ito na talaga ang kanilang

nais kunin sa umpisa palang. Labing- apat (14), naman ang wala pang kasiguraduhan kung gusto

o ayaw nilang lumipat mula sa kanilang inisyal na kurso (narsing) patungo sa kursong iba pa.

Page 23: Final Draft

P a g e | 23

Ang pinal na katanungan ay umiikot sa mismong paksa ng napapanahong papel, 'ang

tinggin ng mga rehistrado, bagong tapos at nag-aaral ng narsing tungkol sa mga problema

ngayon ng propesyon at kung paano ito makaka-apekto sa magiging nars ng susunod na

henerasyon. Sa pag-ikot ng tanong tatlumpu’t dalawa (32) ang nagsabing maka-aapekto ito sa

mga nars na parating, sapagkat para din itong domino effect, kung saan may nangyaring

kaguluhan o magpapa-sira ng pangalan ng mga nars ng Pilipinas ngayon ay masasangkot ang

mga kabilang sa susunod sa grupo ng mga nars. Dalawampu’t isa (21) naman ang nag-sabing

hindi maapektohan ang mas naka-babata kung ano man ang gawin ng mga naunang grupo

sakanila. At sa huli labing- pito (17) ang tumulong at karamihan din ng mga romesponde ang

nagsabing malalaman na lamang ng bawat indebedwal kung talaga bang maapektohan sila pag-

dating ng tamang panahon.

Page 24: Final Draft

P a g e | 24

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Sa paglipas ng taon parami ng parami ang mga estudyante at magulang ang naakit sa

pagkuha ng popular na kursong narsing, na nangangako ng magandang buhay sa oras na

nakapag-tapos ka rito. Kasabay din nito ang mag negatibong isyu na nag lalabasan kaliwa't-

kanan tungkol sa narsing. At ukol sa mga impormasyong nakalap, may alam ang mga estudyante

ukol sa mga isyu ng mga nars at ang ilan sa mga ito ay naapektohan sila - tulad na lamang ng

leakage na nangyari noon na naka-apekto sa pagtingin nila sa kalidad ng mga nars na nagmula sa

Pilipinas.

2. Kongklusyon

Mula sa mga panayam at pananaliksik, nadiskubre ng grupo ang iba’t ibang suliranin ng

mga Pilipinong Nars ukol sa paghahanap ng trabaho.

Isa sa pinaka-usong kurso ang Narsing sa Pilipinas ngayon, at ang propesyong ito ay nasa

kanyang peak patungkol sa bilang ng mga pumapasok dito. Ang matinding pangaingailangan sa

buong mundo para sa mga nars ang dahilan nito. Bukod pa roon, maraming bansa ang pumipili

ng mga Pilipinong nars dahil sa iba’t ibang katangian nila.

Page 25: Final Draft

P a g e | 25

Nakita naman ito ng mga Pilipino bilang isang pagkakataong mas mapabuti ang kanilang

pamumuhay. Marami ang kumukuha ng Narsing dahil sa pagnanais na makapag-abroad. Ngunit

sa kasalukuyan, nahihirapan ang mga Pilipinong nars dahil sa pagpapalit ng patakaran sa iba’t

ibang bansa ukol sa pagbibigay ng visa at pagkuha ng banyagang nurse. Isa pang dahilan ay ang

kakulangan ng bakante sa mga ospital. Hindi sila nakakakuha ng sapat na pagsasanay upang

makakuha ng trabaho dito man o sa ibang bansa dahil dami ng kakumpetensya.

Dahil sa pagdami ng mga gustong kumuha ng nasabing kurso, nagsulputan naman ang

iba’t ibang paaralan at institusyon ng Narsing. Idinulot naman nito ang pagbaba ng kaledad ng

mga Pilipinong nars.

Ang mga pangyayaring ito ay ikinadidismaya ng maraming nars at kani-kanilang pamilya

na nangarap ng mas maayos na buhay. Gayumpaman, nananatiling sumusuporta ang mga

magulang at puno ng pag-asa ang mga nars.

3. Rekomendasyon

Batay sa mga pag-aaral na naisagawa, nais magbigay ng grupo ng ilang mga payo o

rekomendasyon sa mga maaaring makaranas sa isyung ito. Nabigyang-diin sa pamanahong papel

ang isang talamak na problemang dinaranas ng napakaraming nars sa bansa. Dahil dito,

maraming nananatiling walang trabaho bagamat lisensyado at nakapagtapos ng kursong BS

Nursing. Hindi sila maka-usad sa kadahilanang walang sapat na trabahong magbibigay-daan sa

kanilang pag-unlad. Nais ibahagi ng grupo ang ilang mga ideyang maaaring makatulong sa mga

nars at sa mga nagbabalak maging nars sa hinaharap:

Page 26: Final Draft

P a g e | 26

Una, para sa mga nag-iisip ng pasukin ang propesyon ay dapat na mabuting pag-isipan

ang pagpili ng propesyong papasukin. Hinihikayat na pasukin lamang ang propesyon kung bukal

sa loob at hindi dahil uso, makapag-iibang bansa, o nakapagpapayaman. Piliin ang propesyon na

talagang nais pasukin at handang pagsikapan kahit ano pa mang pagsubok ang kinakailangang

harapin upang makamit ang inaasam na patutunguhan.

Ikalawa, hinihikayat ang lipunan, ang bayang Pilipinas na binubuo ng tao at gobyerno na

bigyang-halaga ang mga nars sa ating bansa na kasalukuyang nagsisilbi upang mapanatili ang

kalusugan ng marami. Hinihikayat na bigyan ng sapat na kredibilidad ang nasabing propesyon

dahil na rin sa dami ng mga pumapasok rito. Isang paraan nito ay ang mabuting pagsasala ng

mga mag-aaral na papasok sa propesyon sa pamamagitan ng mabuting pagsusuri sa kanilang

mga nalalaman at kakayahan na may kaugnayan sa mga kakailanganin sa kinabukasan.

Ikatlo, nais iparating sa mga nakatataas sa gobyerno, lalung-lalo na sa mga nasa Nursing

Board na panatilihing mataas ang kalidad ng mga nars na nabibigyan ng lisensyang magtrabaho.

Sa ganoong paraan, mapaniniguradong ang mga nars na nakakukuha ng trabaho ay may esensyal

na kwalipikasyon at sapat na kaalaman sa propesyon.

Page 27: Final Draft

P a g e | 27

VI. APENDIKS

Page 28: Final Draft

P a g e | 28

A. Halimbawa ng Liham

Marso 1, 2011

Dean Tessie R. Da Jose, RN, MAN

Dekana, Kolehiyo ng Narsing

638 Mendiola Street

1005 San Miguel, Manila

Kagalang-galang na Dean Tessie R. Da Jose, RN, MAN

Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 2 ng kursong nasrsing sa Manila Adventist Medical Center and Colleges sa ilalim ng gabay ni G. Rodel Omayana. Humihingi po kami ng inyong pahintulot para po kami ay makapagbigay ng serbey kwestyoner sa inyong mga estudyante.

Ang aming serbey ay may kaugnayan sa mga problema o isyu sa kasalikuyan ng mga nars at kung papaano ito maka-aapekto sa mga kumukuha ng kursong narsing. Ang serbey na ito ay makakatulong sa mga estudyante upang mapag-desisyunan ng maayos kung tama ba ang kursong kinuha nila at hindi lamang sa estudyante kundi sa mga mas nakakataas din.

Page 29: Final Draft

P a g e | 29

Muli maraming salamat po sa pagtugon sa aming maliit na hiling.

Lubos na gumagalang,

Al Hyazinth Lim

Lider ng pangkat

Binigyang Pansin:

G. Rodel Omayana

Propesor, Filipino II

Page 30: Final Draft

P a g e | 30

B. Halimbawa ng Serbey Kwestyoner

Mahal naming Respondent,

Magandang araw!

Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang gumagawa ng aming pamanahong papel ukol sa temang - “Isang pananaliksik na nag-susuri sa mga problema ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong narsing at epekto nito sa kanilang kinabukasan.”

Kaugnay dito inihanda ng grupo ang mga katanungan na ito upang makatanggap ng datos na kinakailangan sa aming papel.

Maari po lamang sagutan ng buong katapatan ang mga sumusunod na mga katanungan. Sinisiguro po namin na mananatiling sa pagitan lamang ng mananaliksik at respondente ang inyong mga sagot.

-Mga Mananaliksik

________________________________________________________________________

Lebel ng taon sa Narsing: O unang lebel O ika-lawang lebel

O ika-tlong lebel O ika-apat na lebel

Kasarian: 0 Lalake 0 Babae

Maari lamang pong lagyan ng tsek sa loob ng kahon ang inyong sagot na napili:

1. Naniniwala ka ba na nagkukulang ang mga nars sa mundo?

Oo, nagkukulang na ang mga nars sa mundo. Hindi, sobra-sobra pa nga at dahil dito marami sa kanila ang walang trabaho. Siguro, maaring sa ibang bansa nagkukulang at sa iba naman ay sumusobra kagaya ng sa Pilipinas.

2. Gusto mo ba talaga ang kursong narsing?

Page 31: Final Draft

P a g e | 31

Oo, dati ko ng ninanais maging nars upang makatulong sa mga tao Hindi, pinilit lamang ako ng aking mga magulang sa kursong ito. Siguro, dati ayaw ko pero parang ngayon gusto ko na.

3. Nawawalan na ba ng kalidad ang mga nars sa nagmula sa Pilipinas?

Oo, lalo na ang mga parating na mag tatapos ngayon. Hindi, ang mga Pilipino na nars ang pinaka-maalaga na nars sa mundo. Siguro, wala akong maisagot dahil isa din akong nars na estudyante.

4. Ninanais mo bang lumipat ng kurso?

Oo, masyadong mahirap ang kursong narsing para sa akin. Hindi, dahil gustong-gusto ko talaga ang kursong nursing. Ewan, hindi ako makapag desisyon para sa aking sarili.

5. Makaapekto ba ang edad sa pagtukoy kung epektibo ba ang nars o hindi?

Oo, mas matanda na nars masepektibo. Hindi, depende naman yan sa nars Siguro, kahit sino okay lang

6. Sa tingin mo ba may makukuha kang propesyonal na trabaho pagkatapos ng kolehiyo?

Oo, bukod sa narsing meron pa naman siguro. Hindi, wala nang ibang trabaho na maari sa narsing Siguro, malalaman ko nalang pag-gradute ko

7. Handa ka bang magbayad sa ospital para lang makapag-OJT at makapunta sa ibang bansa?.

Oo, kelangan nito para lang makapunta ako sa ibang bansa. Hindi, masaya na ako na mag-trabaho kahit dito lang sa Pilipinas. Siguro, kung wala na talagang magagawa maaring mag-bayad na lang kami.

8. Praktikal pa ba na piliin ang kursong narsing sa kabila ng nadidinig mo sa mga balita?

Oo, dahil kahit naman puro negatibo ang mga lumalabas na balita, sa ibang lugar naman meron pading naghahanap ng mga nars.

Hindi, sapagkat sobra na nga ng dami ng mga nars dadagdag pa tayo. Siguro, kasi na ganun pa man ang nangyayari marami pa naman ang uri ng mga nars dyan na pwede mong

kunin wag ka lang mapili.· 9. May iba ka pa bang interes maliban sa narsing?

Oo, dahil hindi naman ito ang unang napili ko'ng kurso. Wala, narsing na talaga ang nais kong kurso sa simula palang. Siguro, hindi ko alam

10. Sa tingin mo lahat ng isyu na tungkol sa mga nars ngayon ay maka-apekto sa mga magiging nars sa hinaharap?

Oo, sapagkat para itong domino effect, nadadamay ang mga nasa ibaba Hindi, dahil ang nars mismo ang gumagawa ng kanyang kapalaran. Siguro, malalaman natin pag tapos namin ng kursong narsing.

VII. LISTAHAN NG SANGGUNIAN

Page 32: Final Draft

P a g e | 32

Barbee, E. L., & Gibson, S. E. 2001. Our dismal progress: the recruitment of non-whites

into nursing. New York: Springer Publishing Company.

Bean, J. P., & Eaton, S. B. 2001. The phsychology underlying successful retention.

Nashville TN:Vanderbilt University Press.

Braxton, J. M. 2000. Reworking the student departure puzzle. Nashville TN:Vanderbilt

University Press.

Conde, C. H. 2006. Scandal over nurses’ exam stirs in phlippines. Philippine journal of

nuses.

http://ezinearticles.com/?How-to-Effectively-Tackle-the-Problem-of-Nursing-

Shortage&id=4657403

http://www.arabnews.com/?[age=4&section=0&article=108527&d=3&m=4&y=20081`

http://www.cna-nurse.ca/CNA/documents/pdf/publicatios/phase/Fina_Report_e.pdf

http://www//-hhrchair.ca/images/CMS/images%20the%20future%20Research-Sythsis-

Report.pdf

Jeffreys, M. R. 2002. Student's perceptions of variables influencing retention: a pretest and

post-test approach. New York: Springer.

Jeffreys, M. R. 2004. Nursing student retention: understanding the process of making a

difference. New York:Springer Publishing Corp.

Page 33: Final Draft

P a g e | 33

Muncada, F. J. (2008, Jan-June). Nurses lef behind: the case of three caolic hospital

nurse.Philippine journal of nursing,

Nordquist, C. 2006. UK hospital barred from taking on foreign nurses. Medical news

today.

Stevenson, E. L. 2003. Future trends in nursing employment. New York: Grolier Inc.