39
!!"# $%$&$%$’’()%*+) &%%! Kapuri-puri ang paggamit ng pangulo sa wikang pambansa sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na binigkas noong ika-25 ng Hulyo 2011 (bagamat may ilang mali sa talumpati, sa gramatika/grammar at iba pa). Senyal o sign ito ng kahandaan o readiness ng pangulo na kausapin ang taumbayan sa wikang higit nilang nauunawaan. Isang malaking hakbang pasulong, alalaon baga’y leap sa Ingles, ang pagfiFilipino ng pangulo. Katumbas ito ng pagsasabing “Mga kababayan, narito ang aking talumpating para sa inyo. Sabihin n’yo sa akin ang inyong mga hinaing. Handa akong makinig. Sinasalita ko ang inyong lenggwahe.” PAPURI SA MILITAR Gayunman, unang talata pa lang ay kagimbal-gimbal o scary na ang nilalaman ng talumpati: “Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan ; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan...” Espesyal ang pagbanggit sa mga militar at pulis. Senyal ito na ang gobyerno ni Noynoy Aquino ay laging magiging palaasa o dependent sa militar at pulis. Tandaan na kahit si Gloria Macapagal-Arroyo na kilalang “mabait” at “mapagbigay” sa mga paboritong opisyal ng militar at pulisya ay hindi nagtakda ng special mention sa unang talata pa lamang ng talumpati. Karaniwan, ang mga opisyal ng lehislatura (mga kongresista at senador/a) at hudikatura (punong mahistrado ng Korte Suprema) lamang ang isinasama sa pagbati. Kung binati ang militar at pulis, dapat binati rin ang mga guro ng Department of Education at ng state colleges and universities. Kung tutuusin, dapat binati rin lahat ng empleyado ng bawat

FULL CRITIQUE at FULL TEXT NOYNOY SONA 2011:

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Noynoy's SONA 2011 Full Critique and Full Text

Citation preview

� �������

�������������� ����������������������������������

������������������ !� !��"��� #�

�$%$&�$%$�' �'��������������������() %��� �*�+���)&�%% ! �

Kapuri-puri ang paggamit ng pangulo sa wikang pambansa sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na binigkas noong ika-25 ng Hulyo 2011 (bagamat may ilang mali sa talumpati, sa gramatika/grammar at iba pa). Senyal o sign ito ng kahandaan o readiness ng pangulo na kausapin ang taumbayan sa wikang higit nilang nauunawaan. Isang malaking hakbang pasulong, alalaon baga’y leap sa Ingles, ang pagfiFilipino ng pangulo. Katumbas ito ng pagsasabing “Mga kababayan, narito ang aking talumpating para sa inyo. Sabihin n’yo sa akin ang inyong mga hinaing. Handa akong makinig. Sinasalita ko ang inyong lenggwahe.”

PAPURI SA MILITAR

Gayunman, unang talata pa lang ay kagimbal-gimbal o scary na ang nilalaman ng talumpati: “Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan...” Espesyal ang pagbanggit sa mga militar at pulis. Senyal ito na ang gobyerno ni Noynoy Aquino ay laging magiging palaasa o dependent sa militar at pulis. Tandaan na kahit si Gloria Macapagal-Arroyo na kilalang “mabait” at “mapagbigay” sa mga paboritong opisyal ng militar at pulisya ay hindi nagtakda ng special mention sa unang talata pa lamang ng talumpati. Karaniwan, ang mga opisyal ng lehislatura (mga kongresista at senador/a) at hudikatura (punong mahistrado ng Korte Suprema) lamang ang isinasama sa pagbati. Kung binati ang militar at pulis, dapat binati rin ang mga guro ng Department of Education at ng state colleges and universities. Kung tutuusin, dapat binati rin lahat ng empleyado ng bawat

� �������

ahensya. Kagimbal-gimbal ang espesyal na pagbanggit sa militar at pulisya. Kagimbal-gimbal...

May pakunswelong pagbati sa sambayanan “At sa mga minamahal kong kababayan, ang aking butihing mga boss...” na isa lamang pambobolang malalantad kapag binasa ang buong talumpati at kapag sinuri ang mga patakaran o policy ng gobyernong Aquino.

ADIK SA WANG-WANG

Napakaraming beses na binanggit ang “wang-wang” na totoo namang masakit na sa tenga ng bayang naghihintay ng bago at ng pagbabago: “Humarap po ako sa inyo noong aking inagurasyon at sinabing: Walang wang-wang sa ating administrasyon.” Ang pagpapatigil daw nito ay “(n)aging hudyat at sagisag...ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipan sa lipunan.” Kunsabagay, pagbabago na nga rin. Pero anong silbi ng pagkakapantay-pantay sa kalsada kung palaki naman nang palaki ang agwat o gap ng mayaman at mahirap sa Pilipinas. Sa buong Timog-Silangang Asya o Southeast Asia, sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang may pinakamataas na “Gini co-efficient” na ginagamit na panukat o measuring tool sa agwat ng kita ng mayaman at ng mahirap sa isang bansa (ang mas mataas na “Gini co-efficient” ay nangangahulugang mas mataas na agwat o gap ng mayaman at mahirap) ayon sa Stratbase Research Institute <http://mb.com.ph/node/327788/philippine-income-di>.

May wang-wang o wala, walang pagbabago sa Pilipinas: dambuhala ang gap ng mayaman at ng mahirap. Bigo at palpak ang gobyernong Aquino na magdulot ng relatibong pagkakapantay-pantay (dahil imposible pa sa ngayon ang absolutong pagkakapantay-pantay) sa kita na gaya ng umiiral o nag-eexist sa mga mauunlad na bansang gaya ng nasa Scandinavia. Ang paulit-ulit na pagbibigay-diin ni Noynoy sa wang-wang ay isang ebidensya na sa susunod na 5 taon, walang aasahang anumang makabuluhan o significant na pagbabago. Ang gobyerno niya’y isang gobyernong adik sa katiting, kapiraso at mga solusyong tapal-tapal (Band-aid solutions) na hindi uubra at tiyak na hindi makapagpapagaling sa mga nagnanaknak na kanser ng ating lipunan.

MINIMALISMO, PAGSASALSAL NG DIWA

Lantad na lantad ang minimalismo ng gobyernong Aquino sa pangungusap na ito at sa mahaba pang kasunod nito na walang ibang nais sabihin kundi ipagyabang ang kampanyang kontra-katiwalian ng gobyernong Aquino: “Kung sa trapiko nga ay ‘di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan?” May punto ang pangulo ngunit dapat bigyang-diin o i-emphasize na kailangang agad lutasin ang hindi pagsunod sa mga batas tungkol sa “mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan.” Siyempre pa, alam na ng buong bansa na bigo at palpak ang gobyernong Aquino sa aspektong ito: hanggang ngayon ay wala pa ring nakukulong sa mga makapangyarihang personalidad na kinasuhan ng

� �������

katiwalian, pandarambong/plunder at iba pa. Kumbaga, puro tilapya pa lang ang pinupuntirya ng lambat ni Noynoy habang ang mga balyena, lumba-lumba at pating sa ating lipunan ay malayang-malaya pa rin sa kanilang katakawan. Mananatili retorika, antas-salita, pagsasayang lamang ng laway, pagsasalsal ng diwa o intellectual masturbation, feel-good blah-blah-blahs lamang ang kampanyang kontra-korapsyon kung walang makapangyarihang magnanakaw o mandarambong ang maikukulong agad.

MILAGRO: KULANG NA PREMISE(S), BROKEN PROMISE(S)

Tila hindi nag-aral ng pilosopiya at retorika, patalun-talon ng premise ang pangulo: “Narito po ang halimbawa ng resulta ng ating kampanya kontra wang-wang sa sistema. Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabing nabawasan ang nagugutom sa kanila. Mula sa 20.5 percent na self-rated hunger noong Marso, bumaba na ito sa 15.1 percent nitong Hunyo, katumbas ng isang milyong pamilyang Pilipinong nagugutom dati, pero ngayon ay nakakakain na nang tama kada araw.”

Isang malaking kahunghangan ang pagkokonekta ng kampanyang kontra-wang-wang o kontra-katiwalian sa mahimala o miraculous na pag-unti ng bilang ng mga Pilipino na nagsasabing sila’y dumaranas ng gutom. Sa simpleng salita, gustong sabihin ni Noynoy na “Dahil sa dakdak (daldal) tayo nang dakdak laban sa korapsyon, nabusog ang mga Pilipino!” Matatawa na lamang sina Socrates, Plato at Aristotle, at lalo na si Pilosopong Tasio sa ganitong pambobola.

Unang-una, dapat alalahanin na wala pang nababawing nakaw na yaman o nakaw na pera ang gobyernong Aquino. Retorika o dakdak lang ang kampanyang anti-korapsyon dahil hindi pa naman nakukuha ang bilyun-bilyong pisong ninakaw ng mga nakaraang pinuno.

Pangalawa, totoong nakatipid ang pamahalaan sa pagkansela ng mga maanomalyang kontrata na pinirmahan ng rehimeng Macapagal-Arroyo, ngunit wala pa rin itong saysay o sense kung hindi magagamit nang tama o wasto ang pera.

Pangatlo, sa pamamagitan ng simpleng obserbasyon ay tiyak na mapatutunayang isang malaking pambobola ang estadistika o statistics ng pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila’y nakaranas o dumaranas ng gutom o starvation. Katiwa-tiwala ang mga survey firm sa Pilipinas ngunit dapat tandaan na ang reyalidad ay maaaring hindi rin maipakita nang maayos ng mga survey. Sa pamamagitan ng simpleng obserbasyon, maaaring mapatunayang hindi pa rin bumababa ang bilang ng mga Pilipinong gutom. Tuwing alas dose ng tanghali at alas tres ng hapon, pumunta sa harap ng Simbahan ng Quiapo at pagmasdan ang mahabang pila ng mga tao. Hindi ito pila sa game show ni Manny Pacquiao o ni Willie Revillame. Hindi rin ito pila sa passport processing. Hindi rin ito pila sa lotto. Pila ito ng mga umaasa sa libreng lugaw na ipinamimigay ng Simbahan ng Quiapo araw-araw. Obserbahan ang nangyayari sa labas ng mga fast-food chain bandang alas onse ng gabi. Saku-sakong basura ang ilalabas ng crew ng fast-food chain, kasama na ang mga

� �������

tira-tirang pagkain. Ang mga tira-tirang pagkaing ito ay kinokolekta ng ilang Pilipino, inilulutong muli at ibinebenta sa murang halaga. “Pagpag” ang tawag dito. Suriin din ang dami ng brand ng noodles sa bansa. Noong mga unang bahagi ng dekada 90, Maggi, LuckyMe at Payless lang ang noodles. Ngayon, napakarami na. Ginagawang pamalit ng mga Pilipino sa kanin at ulam ang noodles dahil mas mura ito at malasa rin naman. Basura ang anumang estadistika o statistics sa gutom hangga’t may Pilipinong nagugutom at matibay ang aktwal na ebidensya sa kalsada at sa bawat bahay ng maralitang Pilipino: marami pa ring nagugutom.

Pang-apat, ni wala ngang komprehensibong programa ang gobyernong Aquino para wakasan ang gutom kaya paano nito masasabing ang pagbaba ng dami ng nagugutom ay dahil sa husay ng pangulo?

GOBYERNONG ELITISTA, WALANG PAKIALAM SA MASA

Pinaglaway ni Noynoy ang taumbayan sa mga pigurang wala namang silbi sa totoong buhay ng mga simpleng mamamayan: “Sa larangan po ng negosyo, sino ba ang nag-akalang pitong ulit nating malalampasan ang all-time-high ng stock market? Ang dating 4,000 index na inaakalang hindi maaabot, o kung maabot man ay pansamantala lang, ngayon, pangkaraniwan nang hinihigitan.”

Mangilan-ngilang simpleng mamamayan, mga nasa middle class at elite lang ang makakaintindi ng pagbanggit sa “4,000 index.” Ang “index” ay tumutukoy sa lebel ng “stock market.” Mas mataas na “index,” mas mataas na lebel (na mabuti para sa mga namumuhunan o investor sa stock market). Ang stock market ay isang ispesyal na pamilihan kung saan maaari kang bumili ng stocks o shares ng isang kumpanya o korporasyon. Ibig sabihin, sa pagbili ng stock, nagiging stockholder/shareholder/co-owner ka ng may-ari ng kumpanya o korporasyon. Kapag nalugi ang kumpanya, lugi ka rin. Kapag tumubo ito, tutubo ka rin. Mahal ang mga stock sa Pilipinas at kahit saan pa. Limanlibong piso (5,000 piso) ang minimum na puhunan at 1,000 stocks o shares ang karaniwang minimum (kaya kapag lagpas sa piso ang presyo ng isang stock na gustong bilhin, gaya ng sa Globe na nagkakahalaga ng 970 piso bawat stock, as of July 26, 2011, lagpas 5,000 piso ang kailangang initial investment). Samakatwid, ang stock market ay para lamang sa upper middle class at sa elite. Walang kakayahan ang lower middle class at masang Pilipino na mamuhunan o mag-invest sa stock market. Samakatwid, ang pagyayabang ni Noynoy hinggil sa mataas na “index” ng stock market sa Pilipinas ay walang saysay o sense. Wala itong kabuluhan o meaningless sa sambayanan. Tandaan na ang SONA ay STATE OF THE NATION, alalaon baga’y KALAGAYAN NG BAYAN at HINDI STATE OF THE ELITE o KALAGAYAN NG MAYAYAMAN.

Gumamit ng jargon ng mga ekonomista ang pangulo upang ma-impress ang sambayanan ngunit walang saysay ang pahayag dahil bukod sa hindi maiintindihan ng karaniwang mamamayan, wala rin naman itong gaanong kaugnayan sa kanilang pang-

� ������

araw-araw na buhay: “Kung dati napako na ang bansa sa mababang credit ratings, itinaas ng Moody’s, Standard and Poors, Fitch, at Japan Credit Ratings Agency ang ating ranking, bilang pagkilala sa ating tamang paggugol ng pondo at sa malikhain nating pananalapi...”

Credit ratings ang tawag sa gradong ibinibigay ng mga bangko, mga institusyong nagpapautang at mga institusyong nagsusuri sa kalagayang pinansyal ng mga bansa at ng mga kumpanya, sa mga bansa o kumpanya na umuutang/nangungutang. Samakatwid, ang credit rating ay pagtatantya o estimate sa kakayahan ng isang bansa o kumpanya na makabayad ng utang (sumasagot ito sa tanong na: “Makakabayad ba?”). Ang credit rating na A ay maganda (malaki ang tsansa na makakabayad ka, kaya mababa lang ang interes sa mga inuutang mo). Ang credit rating na D ay masama (malaki ang tsansa na di ka makakabayad, kaya mas mataas ang interes sa mga uutangin mo kung mayroon pa ngang magpapautang sa iyo).

Kung gayon, may kaunting benepisyo ang mataas na credit rating gaya ng sinabi ng pangulo: “Ang mataas na credit rating, magpapababa ng interes sa perang inuutang natin. Kumpara sa unang apat na buwan ng nakaraang taon, mas malaki po ng 23 billion pesos ang natipid nating interest payments mula Enero hanggang Abril ng 2011...”

KUMUNOY NG UTANG

Kaya lang, may catch, may panira: HINDI SINABI ni Noynoy kung bakit mataas ang credit rating ng Pilipinas. Mataas ang credit rating ng Pilipinas dahil bayad tayo nang bayad ng utang. Tuwang-tuwa sa ating bansa ang mga credit rating agency dahil bayad tayo nang bayad ng utang kahit na gutom ang sambayanan at wala na tayong perang natitira para sa mga serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon, kalusugan at pabahay. Katunayan, 823.27 bilyong piso o halos 40% ng 2011 Pambansang Badyet ng Pilipinas ang inilaan ng gobyerno Aquino sa pagbabayad ng utang (principal at interest payments; principal payment ang tawag sa bayad sa aktwal na halagang inutang). Samakatwid, HINDI BINANGGIT ni Noynoy na gaya ni Gloria, siya rin ay sunud-sunuran sa mga institusyong nagpapautang gaya ng International Monetary Fund at World Bank. Samakatwid, ang TUWID NA DAAN ay TUWID NA DAANG DERE-DERETSO SA DAAN NA DINAANAN NA RIN NG PILIPINAS SA PANAHON NI GLORIA. Walang pagbabago! Tandaan na malaking porsyento ng ipinambabayad ng Pilipinas sa mga utang ay galing din sa utang. Debt cycle o debt trap ang tawag dito. Sa kasamaang-palad, HINDI BINANGGIT SA SONA 2011 kung paano makakawala ang Pilipinas sa cycle o trap na ito.

CCT: POSITIBO AT NEGATIBO

Ipinagyabang pa ng pangulo na ang “natipid” na pera dahil sa mas mababang interes sa utang ay magagamit sa conditional cash transfer (CCT) para sa “...dalawang milyon at tatlongdaan libong benepisyaryo...” Ang CCT ang isa sa ipinagyayabang na programang kontra-kahirapan na siyempre pa’y pagpapatuloy lamang ng sinimulan ni

� ������

Gloria. Sa ilalim ng CCT, binibigyan ng 500 piso kada buwan ang pinakamahihirap na pamilya sa bansa para sa mga gastusing pangkalusugan at pangnutrisyon (halimbawa’y pagkain). Binibigyan din ng karagdagang 300 piso ang bawat pamilya, bawat buwan, para sa bawat anak na nag-aaral (hanggang 3 anak lamang ang maaaring bigyan sa bawat pamilya).

Kapuri-puri ang ideya ng CCT: pagtulong sa mahihirap (kaysa naman nga manakaw pa ang pera ng bayan ng mga mandarambong sa pamahalaan, mas mainam na ang taumbayan na ang makatanggap nito). Gayunman, isa lamang itong solusyong tapal-tapal o Band-aid solution. Hindi nito nilulutas ang mga ugat ng kahirapan gaya ng kawalan ng lupa ng mga magsasaka, kawalan ng sapat na hanapbuhay ng mga maralitang tagalunsod o urban poor at iba pa. Katunayan, hindi ito panghabambuhay! Sa 2013 ang nakatakdang pagtatapos ng CCT na inaasahang makakatulong sa 4.6 milyong pamilya. Ano na ang mangyayari sa 4.6 milyong pamilya kapag wala na ang CCT? Mamamatay na lang sila sa gutom? Magiging puta o prostitute? Magbebenta ng sariling ngipin, dugo at bato o kidney nila? Magiging tagahalukay ng basura habambuhay? Magiging contractual-forever employee ng Jollibee, McDo, Robinsons o SM?

Mas mainam sana kung ang napakalaking pera na ginagamit sa CCT ay gamiting puhunan o investment para sa mga negosyo at/o industriya na makapagluluwal ng mga pangmatagalang trabaho. Sa 2011 pa lamang, 21.1 bilyong piso ang nakatakdang gastusin para sa CCT at ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kailangan pa nila ng karagdagang 2 bilyon dahil napaaga ang pamimigay nila ng pera <http://newsinfo.inquirer.net/14910/p2b-more-needed-to-cover-cct-beneficiaries-in-2011%E2%80%94dswd>.

ALTERNATIBO SA CCT

Kung bibigyan ng pera ang target na 4.6 milyong pamilya sa 2013, 46.2 bilyong piso ang kakailanganin sa taong iyon. Ipagpalagay na na 2.4 milyong pamilya lang ang mabigyan sa 2012, kakailanganin ang 23.1 bilyong piso. Sa kabuuan, 92.4 bilyong piso ang magagastos mula 2011-2013! Ang halagang ito ay halos 1/3 na ng lahat ng ari-arian o assets ni Henry Sy (pinakamayamang tao sa Pilipinas ayon sa Forbes.com) na nagkakahalaga ng $7.2 bilyon o 305.424 bilyong piso (as of July 26, 2011). Halos katumbas na rin ito ng kabuuang yaman ni John Gokongwei, Jr. (pangatlong pinakamayaman sa Pilipinas) na nagkakahalaga ng $2.4 bilyon o 101.808 bilyong piso. Kung gayon, ang perang gagastusin sa CCT mula 2011-2013 ay sapat na para bilhin ang Cebu Air (Cebu Pacific), Universal Robina Corporation (tagamanupaktura ng mga popular na chichirya gaya ng Piattos), Robinsons (popular na chain ng mga mall) at iba pang pag-aari ni Gokongwei, Jr. Kung tutuusin, ang perang gagastusin sa CCT ay maaaring gamitin para magtayo ng mga ganitong negosyo na makapagbibigay ng trabaho sa mahihirap.

� �������

Gumamit ng euphemism o paglumanay si Noynoy para ilantad ang kaunting pagkakaiba ng kanyang administrasyon at ng administrasyon ni Gloria: “Paalala ko lang po, sa siyam at kalahating taon bago tayo maitalaga sa puwesto, iisang beses lang tayong nakatikim ng ratings upgrade, at anim na beses pang na-downgrade ng iba’t ibang ratings agency.”

MAMBOBOLANG CREDIT RATING AGENCIES

Kagimbal-gimbal na pambobola at pagkatapos ay kasinungalingan ang ipinagyabang ni Noynoy: “Sa isang taon pa lang po natin, apat na beses na tayong nabigyan ng upgrade. Alam naman po natin na hindi madaling ma-upgrade sa panahon ngayon. Itong mga ratings agency, nabatikos na mali raw ang payo bago magkakrisis sa Amerika, kaya ngayon ay mas makunat na sila sa pagbibigay ng magagandang ratings, at nakikita nga natin ito sa sunud-sunod na pag-downgrade sa ibang mga bansa. Pero tayo po, in-upgrade pa nila. Sang-ayon silang lahat: gumanda at lalo pang gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas. Isang hakbang na lang po, aabot na raw tayo sa investment grade, at wala pong tigil ang ating economic team upang tuluyan na tayong makaarangkada.”

Una, naipaliwanag na natin sa mga naunang bahagi na balewala ang mga credit rating sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.

Pangalawa, ang mga credit rating agency mismo ay mga mambobola at walang kredibilidad. As of July 26, 2011, nasa A pa rin ang credit rating ng USA sa kabila ng matinding krisis na nagsimula noong 2008 at hindi pa rin natatapos hanggang ngayon. Ang USA na ang pinakamalaking mangungutang na bansa o debtor country dahil sa $14.3 trilyong utang nito <�http://english.aljazeera.net/news/americas/2011/07/2011726265521910.html >. Malaki ang peligro o danger, o posibilidad na hindi makakabayad sa utang ang Amerika sa Agosto 2, 2011 (ang takdang araw ng maturity o kababayaran ng malaking porsyento ng kanilang mga utang) pero as of July 26, 2011, nasa A pa rin ang credit rating ng Amerika. Samakatwid, hindi mabisa o epektibong sukatan ng maunlad na ekonomya ang credit ratings.

Kunsabagay “(s)ang-ayon” ang mga credit rating agency na “gumanda at lalo pang gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas” pero it doesn’t matter dahil hindi sang-ayon ang sikmura, ang tiyan ng sambayanan.

GARBAGE IN ANY NAME, SMELL BAD JUST THE SAME

“...(W)ala pong tigil ang ating economic team upang tuluyan na tayong makaarangkada,” pagyayabang ni Noynoy. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng economic team ni Noynoy? Walang iba kundi ang recycled na mga programa ni Gloria. Inilabas ng National Economic Development Agency (NEDA) ang Philippine Development Plan 2011-2016 ng administrasyong Aquino ngayong 2011 <http://www.neda.gov.ph/PDP/2011-2016/default.asp >. Kapag sinuri ito,

� �������

mapapatunayang ito’y recycled version lamang ng mga programa ni Gloria. Samakatwid, TUWID NA DAAN PALA TALAGA: TUWID NA DAAN DERE-DERETSO SA DAAN NA DINAANAN NG BAYAN SA ILALIM NI GLORIA.�

Masarap sa tenga ang “mabubuting balita” sa Departemnt of Energy: “...muling nabuhay ang kumpiyansa ng mga namumuhunan sa ating energy sector. Patunay dito ang isandaan at apatnapung kumpanya na nakahandang tumaya sa eksplorasyon at pagpapalakas ng ating oil at natural gas resources. Sa huling energy contracting round noong 2006, tatlumpu’t lima lang po ang nakilahok. Nitong Biyernes lamang po, nilagdaan na ang panibagong kasunduan para sa isang bagong power plant sa Luzon grid upang pagdating ng 2014, may mas mura at mas maaasahang pagmumulan ng enerhiya ang bansa.”

MABUTING BALITA NI NOYNOY, MASAMANG BALITA SA PINOY

Gayunman, HINDI BINIGYANG-DIIN ni Noynoy na balewala ang “mabubuting balita” dahil ang ipinagyayabang na mga kontrata sa sektor ng enerhiya ay kontrolado ng mga pribadong kumpanya na ang pangunahing motibo ay tubo o profits at hindi serbisyo. Mas malala, dayuhang mamumuhunan o foreign investors ang target ng gobyernong Aquino kaya nga ang mga road show nila ay karaniwang sa ibang bansa ginaganap: <� http://business.inquirer.net/5654/doe-bullish-on-bidding-of-15-oil-gas-contracts > Katunayan, batay sa mga sinabi ni Trade Undersecretary Cristino Panlilio, plano ng administrasyong Aquino na labagin o i-violate at ikutan o i-circumvent ang Konstitusyon ng Pilipinas para lamang maakit ang mga dayuhang mamumuhunan: <�http://www.gmanews.tv/story/227022/business/govt-may-relax-60-40-rule-to-attract-foreign-investors >.

Ano ang alternatibo sa ganitong makadayuhan o pro-foreigner na planong pang-ekonomya? Simpleng-simple: ibalik ang Filipino First Policy at lalo pa itong pagbutihin. Dapat magkaroon ng mas malaking papel ang gobyerno sa mga mahahalagang industriya gaya ng enerhiya para proteksyunan ang kapakanan o welfare ng mga mamamayan. Tandaan na ang gobyerno, di gaya ng private sector, ay obligado o required na pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.

KATOTOHANAN MULA SA BIBIG NG KABABAIHAN

Buti pa ang nakausap na babae ni Noynoy, alam ang totoo: “May kumpiyansa, may pag-asa, at tinutupad po natin ang ating mga pangako. Naaalala ko nga po ang babaeng nakausap ko nang ako’y unang nagha-house-to house campaign para sa akin pong sarili. Ang kaniyang hinaing: “Miski sino naman ang manalo, pare-pareho lang ang kahihinatnan. Mahirap ako noong sila ay nangangampanya; mahirap ako habang nakaupo sila, at malamang mahirap pa rin ako pag nagretiro na sila.” Sa madaling salita, ang hinaing po ng marami, “Walang pakialam ang mga pinuno namin kahapon, wala silang pakialam ngayon. Bukas, wala pa rin silang pakialam.””

� �������

MGA BAGAY NA WALA SA SONA 2011

Ebidensya na wala ring pakialam sa kapakanan ng bayan ang gobyerno ni Noynoy: ni hindi nabanggit sa SONA 2011 kung paano reresolbahin ang problema ng kagutuman, kung kailan ipamimigay ang lupa ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka, kung kailan magkakaroon ng across-the-board at nationwide na pagtataas ng sahod, kung kailan ipapasa ang Anti-Dynasty Bill na mula pa noong 2001 ay lagi nang inihahain o ifinafile ng Bayan Muna Partylist, kung kailan ipapasa ang Freedom of Information Bill na nagbibigay ng garantiya o guarantee na magiging matapat at transparent ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa lahat ng transaksyon nito, kung kailan ikukulong si Gloria Macapagal-Arroyo, General Jovito Palparan at iba pang violators ng karapatang pantao, at kung kailan ikukulong ang mga mandarambong sa nakaraang administrasyon at iba pa.

RETORIKANG ANTI-KORAPSYON

Tuwang-tuwang ipinagmayabang ng pangulo ang pagkakatuklas nila sa mga anomalya ng nakaraang administrasyon (nakaiinis na ginagamit niya ang euphemism na “wang-wang” sa halip na deretsahan at mas eksaktong “pagnanakaw” o “pandarambong” o “pangungurakot”): “Wang-wang po ang pagbili ng helicopter sa presyong brand new, pero iyon pala ay gamit na gamit na. Wang-wang din ang milyun-milyong pabuya na tinanggap ng mga opisyal ng GOCC, tulad ng sa Philippine National Construction Corporation, gayong hindi naman sila nakapaghandog ng disenteng serbisyo, at ibinaon pa sa utang ang kanilang mga ahensya. Bago sila bumaba sa puwesto, dalawandaan, tatlumpu’t dalawang milyong piso po ang inomento ng dating pamunuan ng PNCC sa kanilang sarili. 2007 pa lang po, wala na silang prangkisa; lahat ng kikitain, dapat diretso na sa pambansang gobyerno. Hindi na nga nag-abot ng kita, sinamantala pa ang puwesto. Ang bonus nila mula 2005 hanggang 2009, dinoble pa nila sa unang anim na buwan ng 2010. Ibinaon na nga po nila sa bilyun-bilyong pisong utang ang kanilang tanggapan, nasikmura pa nilang magbigay ng midnight bonus sa sarili.”

Dalawang bagay ang paulit-ulit na sinasabi ng mga taumbayan tungkol dito: BRAVO, MAHAL NA PANGULO at PUWEDE BA, KASUHAN, LITISIN KAAGAD AT IKULONG NA RIN AS SOON AS POSSIBLE (ASAP) ANG MGA MAGNANAKAW/MANDARAMBONG NA ‘YAN at BAWIIN ANG PERANG NINAKAW/DINAMBONG NILA SA BAYAN. Isang taon na, wala pa ring nangyayari.

Bravo sa pahayag na ito, pero naghihintay pa rin tayo sa mga ulong gugulong sa putikan (mga taong makakasuhan at makukulong para magtanda at di na tularan pa ng ibang nagpaplanong magnakaw sa kaban ng bayan): “Sa Laguna Lake po, magtatanggal nga—sabi nila—ng 12 million cubic meters sa dredging, pero pagkatapos ng tatlong taon, garantisado naman itong babalik. 18.7 billion pesos ang magiging utang natin para lang maglaro ng putik. Hindi pa bayad ang utang, nag-expire na ang pakinabang. Pinigilan po natin iyan. Ang food-for-school program na bara-bara lang ang paghahanap ng benepisyaryo, at iba pang inisyatibang pinondohan ngunit walang

� � ������

pinatunguhan—binura na natin sa budget upang ang pera namang nalibre, ay mailaan sa mga proyektong totoong may silbi.”

BADYET NG TUWID NA DAAN

Tamang-tama ang pahayag ng pangulo na “(a)ng budget po ang pinakamalinaw na pagsasabuhay ng ating tuwid na landas...” Gaya ng nabanggit na, sinundan ni Noynoy ang yapak o footstep ni Gloria sa isyu ng pagbibigay ng prayoridad sa pagbabayad ng utang sa pambansang badyet at pagkakaltas ng badyet o budget cut sa edukasyon at kalusugan. TUWID NA DAAN, dere-deretso sa daan ni Gloria.

Bravo na naman sa populistang slogan pero naghihintay pa rin tayo sa katuparan nito sa reyalidad: “Ang aking pahiwatig sa lahat ng gusto pang ilihis tayo rito: Kung mang-aagrabyado ka lang ng mahirap, huwag ka nang magtangka. Kung sarili mo lang ang papayamanin mo, huwag ka nang magtangka. Kung hindi iyan para sa Pilipino, huwag ka nang magtangka.”

TUNAY NA BOSS NI NOYNOY

Pero bakit ang Public-Private Partnership (PPP) ng gobyernong Aquino, buking na buking/halatang-halatang pabor sa mga dambuhalang negosyante na gusto lang “payamanin ang sarili.” Para kanino nga ba ang PPP ng gobyernong Aquino? Bayaang ang website mismo ng gobyerno ang magsalita < http://ppp.gov.ph/ppp-center/about-the-ppp-center/ >: “The Philippine Government recognizes the essential role of the private sector as the main engine for national growth and development... The government is willing, on a case-to-case basis, to protect investors from certain regulatory risk events such as court orders or decisions by regulatory agencies which prevent investors from adjusting tariffs to contractually agreed levels. Such regulatory risk insurance could take the form of make-up payments from the government to PPP investors, other guaranteed payments, and adjustments to contract terms. The specifics of the type of protection to be offered by the government, and the mechanisms through which such protection will be offered will be part of the contract terms for each project. Such protection will only be offered for solicited projects which undergo a competitive bidding process.”

TULUY-TULOY NA KONTRAKTWALISASYON

Ang kontraktwalisasyon ng mga manggagawa (ang sistema kung saan bawat anim na buwan ay tanggal sa trabaho ang mga manggagawa; taktika ito ng mga kapitalista para makaiwas sa pagbabayad ng mas mataas na Social Security System/SSS at Philhealth contributions) ay hindi pa rin ipinatitigil ng pamahalaan sa kabila ng malinaw na pagbabawal sa ganitong porma ng employment sa Universal Declaration of Human Rights at Konstitusyon ng Pilipinas. Bakit ang pagkamakasarili at

� ��������

pagiging ganid (greed) ng mga kapitalista ay pinababayaan o kinukunsinti lamang ni Noynoy? Hindi ba’t pangungunsinti ito sa mga “nang-aagrabyado (nang-aapi) ng mahihirap?”�

Kapansin-pansin din na pipi o speechless ang SONA 2011 ni Noynoy sa panawagan ng mga manggagawa na across-the-board at nationwide na pagtataas ng sahod. As of July 2011, 389 piso hanggang 426 piso ang minimum wage sa Metro Manila pero ang daily cost of living o halagang kailangan para mabuhay nang disente ang isang pamilyang may anim na miyembro ay 1,010 piso na as of April 2011 < http://www.abs-cbnnews.com/nation/04/28/11/cost-living-ncr-breaches-p1kday > Kahit dalawa ang magtrabaho sa isang pamilya ay kulang pa rin ang sahod nila! Hindi ba’t malinaw na pang-aagrabyado sa mahihirap ang kawalan ng pagtaas ng sahod? Bakit pipi ang pangulo sa isyung ito? Mukhang ang mga kapitalista ang totoong BOSS niya. Ang sarap idugtong ng mismong sinabi ni Noynoy: “Sana masabi na natin na tapos na ang utak wang-wang, pero nakikita po natin ang latak ng ganitong kaisipan na pilit bumubulahaw sa aliwalas ng ating biyahe sa tuwid na landas.” Tama. Nariyan pa rin ang latak ng mga utak wang-wang, ng mga sugapa/swapang sa tubo at pera, ang mga kapitalistang kinukunsinti ng pangulo sa pagsasamantala sa mga manggagawa.

NOYNOY, MAHILIG SA “TILAPYA”

Pinuri ng pangulo ang mga whistleblower, ang mga nagbubulgar ng katiwalian sa pribadong sektor pero parang mali o kulang ang target: “Mukhang marami rin po kasi ang nagwawang-wang sa pribadong sektor. Ayon sa BIR, mayroon tayong halos 1.7 million na self-employed at professional tax payers gaya ng mga abogado, doktor, at negosyante na nagbayad lamang, sa suma total, ng 9.8 billion pesos noong 2010. 5,783 pesos lang ang ibinayad na income tax ng bawat isa raw sa kanila, on average—ang ibig sabihin, kung totoo po ito, ang kabuuang kita nila ay umaabot lang ng 8,500 pesos kada buwan. Mababa pa sa minimum wage. Naman.”

Totoo na may mga abogado, doktor at maliliit na negosyante na nandaraya sa buwis pero hindi sila ang dapat maging pangunahing target ng Bureau of Internal Revenue o BIR. Ang dapat habulin ng BIR (at ang dapat tuligsain o i-condemn ng pangulo sa kanyang SONA) ay ang mga malalaking korporasyon, lalo na ang top 1,000 corporations sa bansa gaya ng mga kumpanya ng langis na matagal nang pinagbibintangan ng ilang opisyal ng gobyerno ng pandaraya sa buwis: < http://rp1.abs-cbnnews.com/nation/02/10/09/customs-accuses-shell-tax-fraud-collects-p21b >. �

Madramang nagmamakaawa si Noynoy na magbayad ng buwis ang mga mamamayan “Nakikita naman po ninyong napupunta na sa tama ang buwis ninyo, kaya wala na pong dahilan upang iwasan natin ang pagbabayad. Nananawagan po ako sa inyo: Hindi lang po gobyerno, kundi kapwa natin Pilipino ang pinagkakaitan sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.”

� ��������

Tama nga ba ang pinupuntahan ng buwis natin? Tingnan ang 2011 Pambansang Badyet: halos 40% ang napunta sa pagbabayad ng utang. Sa proposed 2012 Pambansang Badyet, 367 bilyong piso ang nakalaan sa principal debt payments (kataka-taka na HINDI BINABANGGIT ng mga ahensya ng gobyerno kung magkano ang ilalaan sa interest payment).

Bravo na naman sa kampanyang kontra-korapsyon ni Noynoy: “Pinananagot at pananagutin po natin ang wang-wang saanmang sulok ng gobyerno. Ang masakit, hanggang sa mga araw pong ito, may sumusubok pa ring makalusot. Mayroon nga pong isang distrito sa Region 4B, may proyektong gagastusan ng 300 million pesos. Kaso hanggang 50 million pesos lang ang puwedeng aprubahan ng district engineer.�Kaya naisip nilang i-chop-chop ang proyekto para di lumampas sa 50 million pesos ang halaga, at di na umabot sa regional at central office ang kanilang mga papeles. Kani-kaniyang diskarte, kani-kaniyang kaharian ang nadatnan nating situwasyon sa DPWH. Sinubukan nilang ipagpatuloy ang nakasanayan na nila. Kadalasan, dahil sa lump-sum na pagbibigay ng pondo, wala nang tanung-tanong kung ano ang plano at detalye ng proyekto. Miski yata—sabi ng iba—bahay ng gagamba ang ipapatayo, bibigyan ng pondo, basta may padrino.�Hindi ito pinalusot ni Secretary Babes Singson. Tinanggal na niya sa puwesto ang district engineer. Pinigilan din po ang pag-award ng proyektong ito para busisiin kung ano pang magic ang nangyari. Masusi na ring iniimbestigahan lahat ng nagkuntsabahan. Ang mga kontratistang mapatunayang nakipagsabwatan para mag-tongpats sa mga proyekto, iba-black-list natin.”

Ang tanong ng bayan: paano si Joc-Joc Bolante, Cito Lorenzo at Gloria Macapagal-Arroyo na nagpamigay ng 700 milyong pisong ORCHIDS FERTILIZER sa mga multong magsasaka (multong magsasaka dahil walang existing na grupo ng mga magsasakang nakatanggap ng pera o ng fertilizer!) at mga kongresista sa Metro Manila kung saan wala namang bukid o rice fields! Paano naman ang mga utak ng North Rail Project mula Caloocan hanggang Calumpit, Bulacan na naubos na ang $ 621 milyong badyet ($ 421 milyon lang dapat ang orihinal) ay walang naitayo kundi mga posteng ang bakal ay kinakalawang na! Parang mga small fish o tilapya lang ang kaya ni Noynoy! Paano naman kaya ang mga pating o shark, ang mga big fish?�

Bravo at keep up the good work pero gaya ng nabanggit na, sana ay ikulong na ang mga big fish: “Sa sistemang pinaiiral ngayon sa DPWH, nakatipid na tayo ng dalawa’t kalahating bilyong piso, at umaasa tayo na aabot pa sa anim hanggang pitong bilyong piso ang matitipid sa taon na ito. Ang pinakamahalaga po, nakakaasa na tayo sa mga kalsadang matino, hindi ‘yung maambunan lang ay lulundo o mabibiyak agad. Paniwala natin dati, imposibleng maitama ng DPWH ang sistema nila. Hindi lang po ito posible; sa unang taon pa lamang, ginagawa na natin ito.”

� ��������

USAPANG BIGAS: PURO BULADAS

Ipinagyabang ng pangulo ang pagbaba ng volume ng bigas na iniimport ng bansa: “Kahit po sa mga bukirin, may mga nagwawang-wang din. Bago tayo maupo noong 2010, nag-angkat ang bansa ng 2.3 million metric tons ng bigas. 1.3 million metric tons lamang ang kailangan nating angkatin, ngunit pinasobrahan pa nila ito ng isang milyong tonelada. Dahil nga sobra-sobra ang inangkat, kinailangan pa nating gumastos muli sa mga bodegang pagtatambakan lang naman ng barko-barkong bigas.�Ilang taon bang walang saysay na pinasobrahan ang bigas na inaangkat? Dahil dito, umiral ang pag-iisip na habambuhay na tayong aangkat ng bigas. Ang akala ng marami, wala na talaga tayong magagawa.�Ngunit, sa loob lamang ng isang taon, pinatunayan nating mali sila. Ngayon, ang dating 1.3 million metric tons na kakulangan natin sa bigas, halos nangalahati na; 660,000 metric tons na lang po ang kailangan nating angkatin. Kahit dagdagan pa natin iyan ng panangga laban sa sakuna at gawing 860,000 metric tons—na ginagawa na nga po natin—mas mababa pa rin ito sa tinatayang taunang kakulangan na 1.3 million metric tons.� �At hindi po buwenas lang ang nangyaring pag-angat ng ating rice productivity. Bunga po ito ng matinong pamamalakad: ng paggamit ng maiinam na klase ng binhi, at masusi at epektibong paggastos para sa irigasyon. Nito nga pong nakaraang taon, labing-isang libo, anim na raan at labing-isang bagong ektarya ng bukirin ang napatubigan natin. Dagdag pa iyan sa halos dalawandaan at labindalawang libong ektarya na nakumpuni o nabigyang muli ng irigasyon matapos ang panahon ng pagkakatiwangwang. Ang resulta: umangat ng 15.6 percent ang inani nating palay noong nakaraang taon.”

Ayon sa IBON Foundation, isang respetadong independent think tank, hindi maaaring agawin ni Noynoy ang credit sa pagiging maganda ng ani ng palay < http://www.gmanews.tv/story/227385/nation/pnoy-took-figures-in-sona-out-of-context-analysts-claim >. Kung tutuusin, talagang walang kinalaman ang gobyerno sa pagganda ng ani palay. Nangyari ang pagganda ng ani INSPITE OF THE GOVERNMENT at HINDI BECAUSE OF THE GOVERNMENT.

Unang-una, ni hindi nga ipinatutupad nang maayos ng gobyernong Aquino ang mismong Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms o CARPER ng gobyerno: as of July 2011, hindi pa rin naipamimigay sa mga magsasaka ang Hacienda Luisita (sa ilalim ng CARPER, compulsory o sapilitan na ang land distribution).

Pangalawa, bumaba man ang iniimport na bigas, KULANG PA RIN ANG PAGSISIKAP NG GOBYERNO! KAILANGAN, TOTALLY ZERO RICE IMPORTS! Kasapatan sa bigas o rice self sufficiency ang dapat! At imposible itong magawa kung walang reporma sa lupa!

� ��������

Pangatlo, kaduda-duda ang estadistika o statistics sa dami ng bukid na nabigyan daw ng irigasyon ng gobyernong Aquino. Pumunta halimbawa sa Bulacan, isa sa mga lalawigan sa Gitnang Luzon, ang rehiyon na tinatawag na Bangan ng Pilipinas o Rice Granary of the Philipppines. Maraming bukirin ang nakatiwangwang na at hindi sinasaka dahil sa kawalan ng patubig o irigasyon.

Pangarap ng bayan ang pangarap ni Noynoy pero gaya ng nabanggit na, malabo itong matupad sa ilalim ng kanyang panunungkulan: “Ang gusto nating mangyari: Una, hindi tayo aangkat ng hindi kailangan, para lang punan ang bulsa ng mga gustong magsariling-diskarte ng kita sa agrikultura. Ikalawa: ayaw na nating umasa sa pag-angkat; ang isasaing ni Juan dela Cruz, dito ipupunla, dito aanihin, dito bibilhin.”

LIMITASYON NG ISANG LANDLORD

Gaya ng nabanggit na, kailangan talaga ng self-sufficiency sa pagkain at magiging posible lamang ito kapag binuwag na ang mga hacienda. Ibig sabihin, kailangang palayain o i-liberate ang lupa at ibigay ito sa mga magsasaka. Sa kasamaang-palad, galing sa pamilya ng mga asendero o landlord si Señor Benigno Simeon ”Noynoy” Cojuangco Aquino III.

Sa isyu ng bigas, dapat bigyang-diin ang isang bagay na HINDI BINANGGIT ni Noynoy sa kanyang SONA: plano ng kanyang administrasyon na isapribado o i-privatize ang National Food Authority < http://www.abs-cbnnews.com/business/02/09/11/nfa-employees-oppose-privatization >. Sa ilalim ng planong ito, pribadong kumpanya/korporasyon na ang bibili sa palay ng mga lokal na magsasaka. Walang katiyakan na mabibigyan ng magandang presyo ang mga magsasaka kapag pribadong korporasyon na ang namahala sa industriyang ito. Kung totoong rice self-sufficiency ang gusto ng gobyerno, hindi dapat isapribado ang NFA dahil ito ang ahensya magtitiyak na ang inaaning palay ng mga magsasaka sa bansa ay magagamit sa kapakanan ng sambayanan.

PABAHAY PARA SA PULIS AT MILITAR

Kagimbal-gimbal ang programang pabahay ng gobyernong Aquino: “Balikan din po natin ang dinatnang kalagayan ng ating mga kawal at kapulisan. Labingtatlong libong piso po ang karaniwang suweldo ng isang PO1 sa Metro Manila. Apat na libong piso daw rito ang napupunta sa upa ng bahay. Tila tama nga po na isang-katlo ng kanilang sahod diretso na sa upa. Isang-katlo pa nito, para naman sa pagkain. At ang natitirang isang-katlo, para sa kuryente, tubig, pamasahe, pampaaral sa anak, gamot sakaling may magkasakit, at iba pa. Maganda na nga po kung tumabla ang kita niya sa gastusin. Kapag naman kinapos, malamang sa five-six po sila lalapit. At kapag nagpatung-patong ang interes ng utang nila, makatanggi kaya sila sa tuksong dumelihensya? Kaya ang ipinangako nating solusyon pabahay nitong Pebrero, ngayong Hulyo ay tinutupad na. Nakapag-abot na po tayo ng apat na libong Certificate of Entitlement to Lot Allocation sa magigiting nating kawal at pulis. Bahagi pa lang po ito ng target nating kabuuang dalawampu’t isang libo at walong daang bahay sa

� �������

pagtatapos ng taong ito. Ang dating apat na libong ibinabayad para sa upa kada buwan, ngayon, dalawandaang piso na lang, para pa sa bahay na pagmamay-ari talaga nila. Ang dating nalalagas na halaga na pambayad sa buwanang renta, maaari nang igugol para sa ibang gastusin. Mayroon pa raw pong mahigit isang libong bahay na natitira, kaya po sa mga pulis at sundalo nating di pa nakakapagpasa ng kanilang mga papeles, last call na po para sa batch na ito. Pero huwag po kayong mag-alala, sa susunod na taon, lalawak pa ang ating pabahay, at hindi lang pulis at kawal sa Luzon ang makikinabang. Inihahanda na ng NHA ang lupang patatayuan sa Visayas at Mindanao, para sa susunod na taon, makapagpatayo na tayo ng mga bahay doon. Sa ating mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection, may good news pa rin po ako sa inyo: kasama na po kayo rito.”

Aba! Sabi nga ni Nanay Leleng, national chairperson ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), isang pangkat ng mga maralitang tagalunsod o urban poor, “Buti pa ang mga nagdedemolish sa bahay ng mga maralita, MAY SARILING BAHAY NA!” Ang tanong ng taumbayan kay Noynoy: PAANO NAMAN ANG MGA HINDI PULIS AT HINDI RIN SUNDALO? Magiging NPA o No Permanent Address na lang ba sila (euphemism ang NPA/No Permanent Address sa kawalan ng bahay)? Matutulog na lang ba sila sa kalsada? Pulis at sundalo lang ba ang dapat magkabahay?

POSTURANG MAKABAYAN, SEGUNDAMANONG KAGAMITAN

Nag-aastang makabayan si Noynoy at nagtatapang-tapangan sa isyu ng Spratlys: “Kung seguridad na rin lang po ang ating pag-uusapan, di ba’t karugtong din nito ang ating pambansang dangal? Dati, hindi man lang natin makuhang pumalag tuwing may sisindak sa atin sa loob mismo ng ating bakuran. Malinaw ang pahiwatig natin ngayon sa buong mundo: Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa Recto Bank, para ka na ring tumapak sa Recto Avenue.”

Gustong magpatawa pero di naman nakakatawa: “Tama nga po kaya ang kuwento tungkol sa isang stand-off noong araw? Tinapatan daw ang mga marino natin ng kanyon. Ang ginawa nila noong gabi, pumutol ng puno ng niyog, pininturahan ito ng itim, saka itinutok sa kalaban.”

Buking o exposed na ang totoong agenda ng pagpapanggap na makabayan, walang iba kundi ang utak-pulburang pagbibigay-prayoridad sa diumano’y modernisasyon ng militar ng bansa sa panahong kulang ng 103,599 guro; 152,569 silid-aralan 13,225,572 silya; 151,084 pasilidad sa tubig at sanitasyonang mga pampublikong paaralang elementarya’t hayskul < http://www.actphils.com/2007/node/237 >: “Tapos na po ang panahong iyan. Parating na ang mga capability upgrade at modernization ng mga kagamitan ng ating Sandatahang Lakas. Literal na pong naglalakbay sa karagatan papunta rito ang kauna-unahan nating Hamilton Class Cutter, isang mas modernong barko na magagamit natin para mabantayan ang ating mga baybayin. Maaari pa po tayong makakuha ng mga barkong tulad nito. Idadagdag iyan sa kukunin na nating mga helicopter (plural po iyon),

� �������

patrol craft, at sandata na bultong bibilhin ng AFP, PNP, kasama na ang DOJ upang makakuha ng malaking diskuwento. Lahat po ito, makakamtan sa matinong pamamahala; mabibili sa tamang presyo, nang walang kailangang ipadulas kung kani-kanino.”

Unang-una, isang kasinungalingan ang pagsasabing “moderno” ang Hamilton Class Cutter na mula sa Estados Unidos dahil lumang-luma na ito (1967 nang unang gamitin ng Amerika)! Nagbayad ang Pilipinas sa Estados Unidos ng 450 milyon para sa segundamanong barkong ito na ipinagyayabang ni Noynoy. Maging ang ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos na si Jose L. Cuisia Jr. ay nagsabing masyadong mahal ito para sa isang segundamano.

Pangalawa, gaya ng sinabi ni dating Pangulo at Heneral Fidel V. Ramos “There’s a buildup on many sides—even us. This is a little tiny buildup, which is the (purchase of a) Coast Guard cutter. Why don’t we use all this money that’s being budgeted for an arms buildup for peace, development and prosperity?”

Pangatlo, dapat bigyang-diin na malaking porsyento sa mga binibiling kagamitang pandigmaan ng Pilipinas sa Estados Unidos ay segundamano o second hand. Kung talagang kailangan natin ng armas, bakit hindi magtayo ng industriya ng bakal at mineral na maaaring makapag-ambag sa industriya ng baril, bala, barko at iba pang kaugnay na industriya.

Hindi malaman kung ano ba talaga ang gusto ni Noynoy, kapayapaan o digmaan: “Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa tayong ipagtanggol ang atin. Pinag-aaralan na rin po natin ang pag-angat ng kaso sa West Philippine Sea sa International Tribunal for the Law of the Sea, upang masigurong sa mga susunod na pagkakataon ay hinahon at pagtitimpi ang maghahari tuwing may alitan sa teritoryo.” Bakit hindi inuna ang pagsasampa ng kaso sa International Tribunal for the Law of the Sea? Lalo lamang naghahamon ng away ang gobyerno ng Pilipinas sa pagmamayabang nito na bumibili na tayo ng mga armas na magagamit sa digmaan. Samakatwid, mismong ang gobyerno na natin ang nagbibigay ng palusot sa China na balewalain ang mga usapang diplomatiko.

FILIPINOS FOR SALE (PA RIN)

Ipinagyabang ni Noynoy ang pagkawala ng Pilipinas sa Human Trafficking Black List (listahan ng mga bansa kung saan talamak o laganap ang pagpupuslit o smuggling ng tao) pero kaduda-duda na naman ito: “Isa pa pong halimbawa ng pagbabagong tinatamasa natin: Mayo ng taong 2003 nang lagdaan ang Anti-Trafficking in Persons Act, pero dahil hindi sineryoso ng estado ang pagpapatupad nito, dalawampu’t siyam na indibiduwal lamang ang nahatulan sa loob ng pitong taon. Nalagpasan na po natin iyan, dahil umabot na sa tatlumpu’t isang human traffickers ang nahatulan sa ating administrasyon. Ito nga po siguro ang sinasabing “sea change” ni Secretary of State

� ��������

Hillary Clinton ng Amerika. Dahil dito, natanggal na tayo sa Tier 2 Watchlist ng Trafficking in Persons Report nila. Kung hindi tayo natanggal sa watchlist na ito, siguradong napurnada pa ang mga grant na maaari nating makuha mula sa Millenium Challenge Corporation at iba pa.”

Hanggang ngayon, marami pa ring website kung saan maaaring “makabili” ng “asawang” Pilipina ang mga dayuhan, lalo na ang mga Westerner. Marami pa ring Pilipino ang nakikipagsapalaran sa pagpunta sa ibang bansa bilang turista at pagkatapos ay nagtiTNT o tago nang tago hanggang makakuha ng trabaho sa bansang pinuntahan. Dokumentado ng Migrante International ang sangkatutak na kaso ng human trafficking ng mga Pilipino: < http://www.philstar.com/nation/article.aspx?publicationsubcategoryid=200&articleid=707440 >

ANG PINAKAMALAKING KASINUNGALINGAN

Ito ang pinakamalaking panlilinlang ng gobyernong Aquino: “Dumako po tayo sa trabaho. Dagdag-trabaho ang unang panata natin sa Pilipino. Ang 8 percent na unemployment rate noong Abril ng nakaraang taon, naibaba na sa 7.2 percent nitong Abril ng 2011. Tandaan po natin: moving target ang nasa hanay ng ating unemployed, dahil taun-taon ay may mga bagong graduate na naghahanap ng trabaho...”

Unang-una, HINDI katiwa-tiwala at HINDI BALIDO ang datos sa kawalan ng trabaho sa Pilipinas dahil ang depinisyon ng unemployment ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay malaking panloloko: ANG UNEMPLOYED o WALANG TRABAHO ay MGA TAONG NAGHAHANAP NG TRABAHO. THEREFORE, SA MATA NG DOLE, ANG MGA TINAMAD NANG MAGHANAP NG TRABAHO DAHIL WALA NAMANG MAKITANG TRABAHO AY HINDI UNEMPLOYED! Ito ang dahilan kung bakit sa mga nakaraang taon ay mababa SA PAPEL ang porsyento ng unemployment.

Pangalawa, ipagpalagay man na bumaba talaga ang unemployment rate, napakaliit naman ng porsyento ng pagbaba, wala pang isang porsyento!

Pangatlo, HINDI BINANGGIT NI NOYNOY na lumalaki naman ang porsyento ng UNDEREMPLOYED!

Pang-apat, HINDI RIN BINANGGIT sa SONA 2011 na maraming manggagawa ang may trabaho nga pero biktima naman ng samu’t saring kriminal na gawain (oo, ang labor rights violations ay krimen!) gaya ng kontraktwalisasyon, kawalan ng overtime pay, kawalan ng night differential pay, kawalan ng day-off at iba pa < http://bulatlat.com/main/2011/07/22/worsening-conditions-for-the-filipino-worker/ >.

Narito pa ang isang kasinungalingan ni Noynoy: “Dati, nakapako sa pangingibang-bansa ang ambisyon ng mga Pilipino. Ngayon, may pagpipilian na siyang trabaho, at hangga’t tinatapatan niya ng sipag at determinasyon ang kanyang pangangarap, tiyak na maaabot niya ito.”

� ��������

Gaya ng binabanggit ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), parami nang parami ang Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Halimbawa, mula 1.42 milyon noong 2009, 1.47 milyong Pilipino ang nadeploy sa overseas employment noong 2010, sa kabila ng krisis pinansyal sa buong mundo < http://www.bayan.ph/site/2011/07/state-of-the-wang-wang-address-fails-to-address-peoples-issues/ >. Halos bawat pamilyang Pilipino ay may kamag-anak na OFW! At siyempre pa, katumbas ng halos 10 porsyento ng Gross Domestic Product ng Pilipinas ang kabuuang OFW remittances noong 2010 na nagkakahalaga ng $18.76 bilyon! Samakatwid, hindi totoo ang sinasabi ni Noynoy na may trabaho nang maganda sa Pilipinas.

Kto12=PILIPINO BILANG EXPORT PRODUCTS

Ibinulgar ng pangulo ang pagpapatuloy ng technicalization ng edukasyon: “...ngayon pa lang, nagtatagpo na ang kaisipan ng DOLE, CHED, TESDA, at DEPED upang tugunan ang isyu ng job mismatch. Susuriin ang mga curriculum para maituon sa mga industriyang naghahanap ng empleyado, at gagabayan ang mga estudyante sa pagpili ng mga kursong hitik sa bakanteng trabaho.”

Kung pasisimplehin, gustong sabihin ni Noynoy na ang mga estudyanteng Pilipino ang magiging future exports natin. Sila ang magiging future spare parts ng kapitalistang sistema. Kaya nga pinilit niyang ilusot ang Kindergarten to 12 years of Basic Education o Kto12 para mabilis na makapagpatapos ng mga estudyanteng Pilipino na may sapat na skill o kasanayan na maging manggagawang may mababang sahod at kontraktwal sa ilalim ng mga malalaking lokal at dayuhang korporasyon.

Mulin na namang ibinandila ang mga populistang slogan na masarap pakinggan, pero gaya ng nabanggit na’y wala namang laman: “Ngunit aanhin naman po natin ang mga numerong naghuhudyat ng pag-asenso ng iilan, kung marami pa rin ang napag-iiwanan? Ang unang hakbang: tinukoy natin ang totoong nangangailangan; namuhunan tayo sa pinakamahalaga nating yaman: ang taumbayan. Sa dalawang milyong pamilyang rehistrado sa ating Pantawid Pamilyang Pilipino Program, isang milyon at animnaraang libo na ang nakakatanggap ng benepisyo nito. Sa pagpapakitang-gilas ni Secretary Dinky Soliman, tinatayang may mahigit isandaang libong pamilya—uulitin ko po: mahigit isandaang libong pamilya ang naiaahon natin mula sa kahirapan kada buwan. Kaya naman mataas ang aking kumpiyansang makukumpleto ang 1.3 million na dagdag na pamilya, mula sa kabuuang 2.3 milyong target na benepisyaryo ng CCT bago matapos ang taong ito. At sa compliance rate nito na hindi bababa sa 92 percent, milyun-milyon na rin po ang inang regular na nagpapacheck-up sa mga health center, ang mga sanggol na napabakunahan, at ang mga batang hindi hinahayaan sa labas ng paaralan.”

Nilinaw na natin sa mga naunang bahagi kung bakit sa bandang huli ay tiyak na walang pangmatagalang epekto ang CCT at kung ano ang alternatibo rito.

� ��������

DRAMA NG PANGULO

Drama ng pangulo: “Sino ang tatangkilik sa mga produkto at serbisyo ng mga negosyante, kung isang kahig, isang tuka naman ang mamimili? Kapag may amang kumakapit sa patalim para may kainin ang kanyang pamilya, at siya ay magnakaw o nangholdap, sino ba ang puwedeng mabiktima ng krimen kundi tayo rin? Kung ang mga kababayan natin ay walang maayos na pagkain o tahanan, mahina ang kalusugan at may malubhang karamdaman, hindi ba’t tayo rin ang nasa peligrong mahawa sa kanilang sakit?”

Sagot ng bayan: AMEN! Pero susmaryosep! Nasaan ang programang industriyalisasyon? Nasaan ang programang reporma sa lupa? Nasaan ang programang pagpapahinto sa pagbabayad ng utang upang magkaroon ng puhunan para sa mga repormang sosyo-ekonomiko? Nasaan ang planong pabahay at pangkalusugan para sa lahat ng mahihirap na Pilipino? Nasaan ang badyet para sa mga pampublikong ospital? Bakit semi-private na ang Philippine General Hospital, National Mental Health Institute at iba pa?

KALUSUGAN PARA SA IILAN LANG?

Ipinagyayabang ng pangulo ang libreng Philhealth coverage ng mahigit 5 milyon Pilipino: “Naglalatag po tayo ng pagbabago upang mapatibay ang pundasyon ng maaliwalas na bukas para sa lahat. Halimbawa po, sa kalusugan: di ba’t kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga benepisyaryo ng PhilHealth tuwing maghahalalan? Ngayon, sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), tiniyak natin na ang limang milyon at dalawandaang libong pamilyang Pilipino na nakikinabang sa PhilHealth ay ang talagang mga nangangailangan nito. Malawakang pag-unlad at pag-asenso ng lahat: Iyan po ang panata natin. Walang maiiwan sa tuwid na landas.”

Tanong ng nasa lower middle class: PAANO NAMAN KAMI? Kung tutuusin, ang kalusugan ay isang karapatan kaya dapat, libre ito para sa lahat gaya ng kapuri-puring sistema sa Cuba na ipinakita sa documentary ni Michael Moore na pinamagatang “SICKO.” Siyempre pa, dapat ding itanong: ANONG GINAGAWA NI NOYNOY SA MATAAS NA PRESYO NG GAMOT SA PILIPINAS? Bakit hindi gayahin ang India kung saan ang mga patent sa mga gamot ay pinawalang-bisa para bumababa ang presyo ng gamot?

SAME OLD S***

Bravo na naman sa pagbubulgar ng matagal nang alam ng mga taga-Mindanao: “Tumungo naman po tayo sa ARMM. Ang dating sistema: Nagbabatuhan lang ng huwad na utang ng loob ang mga baluktot na kandidato. Kapag pambansang halalan, malaya ang nakaupo sa ARMM na imane-obra ang makinarya sa kaniyang rehiyon para matiyak na bokya, o sero, ang boto ng hindi kaalyado. Kapag naman eleksyon sa ARMM at maniningil na ng utang si Mayor o Governor, ang administrasyon naman ang

� � ������

magpapatakbo ng makinarya para manalo ang kanilang kandidato. Ayon nga po sa naungkat ng COA, sa opisina ng regional governor ng ARMM, mula Enero 2008 hanggang Setyembre 2009, walumpung—uulitin ko po: walumpung porsyento ng mga disbursement ang napunta sa mga cash advance na wala namang maayos na paliwanag. Kung hindi nawala ang pondong ito, nakatapos na sana ang isang batang sa ngayon tumawid sa ghost bridge, para pumasok sa ghost school, kung saan tuturuan siya ng ghost teacher. Kaawa-awang bata: walang humpay na paghihirap, at walang pag-asa ng pag-asenso. Gusto nating maranasan ng ARMM ang benepisyo ng tamang pamamahala. Kaya ang atin pong minungkahing solusyon: synchronization. Dahil dito, kailangan nilang tumutok sa kani-kanilang mga kampanya; magiging mas patas ang labanan, at lalabnaw ang command votes. Salamat po sa Kongreso at naipasa na ang batas na magsasabay sa halalan ng ARMM sa halalang pambansa. May nagtatanong po, bakit postponement ang kailangan? Sa kagustuhang, siyempre, makabalik sa puwesto, nakahanda ang ilan na ulitin ang nakagawian para manalo. Isipin na lang po ninyo kung pumayag tayo sa kagustuhan ng mga kontra, at itinuloy natin ang eleksyon. Wala po silang ibang gagawin sa loob ng dalawang taon kundi paghandaan ang susunod na halalan at isiksik ang kalokohan nila sa mas maigsing panahon. Habang nananatili sa puwesto ang mga utak wang-wang na opisyal, naiiwan namang nakalubog sa kumunoy ng kawalang-pagasa ang taumbayan.”

Repo-reporma pa kunwari pero ganoon din naman pala: HINDI BINANGGIT NI NOYNOY na ang iuupo niyang officer-in-charge ng ARMM ay PWEDENG TUMAKBO SA ELEKSYON! Ang dating hari-harian, mapapalitan lang ng bago na malamang, kaalyado ng pangulo!

YELLOW PRESIDENT BILANG GREEN WARRIOR

Nagkukunwaring green warrior ang Yellow President: “Di po ba’t may problema tayo sa baha, na alam naman nating dulot ng walang humpay at ilegal na pagputol ng mga puno? Ang dating solusyon: photo-op ng pagtatanim na ang tanging benepisyaryo ay nagpapoging pulitiko. Nagtanim nga ng puno kontra-baha, pero hindi naman siniguro na mananatiling nakatayo ang mga ito pag-alis nila.� Isa sa mga solusyong hinahanda na po at pinag-aaralan ay ang gawing kapaki-pakinabang sa mga pamayanan ang pagbabantay ng puno. Bibigyan sila ng binhi ng kape at cacao para itanim at mamunga ng kabuhayan. Habang hinihintay ang ani, makakakuha sila ng stipend upang bantayan naman ang mga punong itinanim laban sa baha. Puwedeng maging benepisyaryo ng programang ito ang mga informal settlers, na ngayon ay nagkukumpulan sa siyudad. Mamumuhunan tayo sa taumbayan, habang namumuhunan din sa kalikasan.”

Pero bakit sa ilalim ng kanyang pamahalaan, tuloy ang pagbebenta ng mga bundok ng Pilipinas sa mga dayuhang kumpanya? Sipatin ang website ng Mines and Geosciences Bureau para magulat sa dami ng approved at pending mining applications: <�http://www.mgb.gov.ph/lptt.aspx >�

� ��������

Bravo!: “Pinag-aaralan na rin po ng DOST at UP ang pagkakaroon natin ng monorail system, para tugunan ang problema sa pangmalawakang transportasyon. Sa malikhaing pag-iisip ng kapwa Pilipino, may pag-asa pala tayong magtayo ng light rail system nang hindi hihigit sa 100 million pesos ang gagastusin kada kilometro. Sa matitipid na pondo, mas mahabang kilometro ng riles ang mailalatag at makaka-abot sa mga lugar na malayo sa sentro ng komersyo. Ang mga dating sumisiksik sa siyudad para maghanap ng trabaho, maaari nang tumira sa medyo mas malayo, nang hindi pahirapan ang biyahe.”

Hinihiling ni Noynoy ang tulong ng mga local government units:“Iyan din po ang aking panawagan sa ating Local Government Units. Kabilang po ako sa mga sumasang-ayon na kayo ang pinaka-nakakaalam sa pangangailangan ng taumbayan sa inyong mga lungsod at munisipyo. Makakaasa po ang ating mga LGU sa higit na kalayaan at kakayahan, kung makakaasa rin tayong gagamitin ito sa tuwid na paraan, at isasaalang-alang ang kapakanan ng buong sambayanan...Kailangan pong manatiling magkatugma ang ating mga programa, dahil ang ikauunlad ng buong bansa ay manganganak din ng resulta sa inyong mga pook. Wakasan na po sana natin ang agendang nakatuon sa susunod na eleksyon lamang, at ang kaisipang isla-isla tayong maihihiwalay ang sariling pagsulong sa pag-unlad ng bansa.

Tayo-tayo rin po ang dapat magtulungan tungo sa kaunlaran. Malaki ang pasasalamat ko sa Kongreso sa pagpapasa ng mga batas ukol sa GOCC Governance, ARMM Synchronization, Lifeline Electricity Rates Extension, Joint Congressional Power Commission Extension, Children and Infants’ Mandatory Immunization, at Women Night Workers, at marami pa sigurong pasunod.”

Tanong ng bayan: kailan ba ipapasa ang Anti-Dynasty Bill ng Bayan Muna na mula noong 2001 ay ifinafile na, para naman magkaroon na ng mas maraming matino at matapat na mga opisyal, lalo na sa mga local governments? Asa pa, e mismong pangulo, galing sa political dynasty.

Sabi ni Noynoy, “Maganda na po ang ating nasimulan. Pero mahalaga pong maalala natin: simula pa lang ito. Marami pa tayong gagawin. Hayaan po ninyong ilatag ko sa Kongreso ang ilan sa mga batas na magpapaigting sa pagtupad ng ating mga panata sa bayan.” Ano nga ba ang ilan sa mga batas na ito? Isang halimbawa ang planong pagbabasura sa limitasyon sa pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga negosyo na nasa Konstitusyon.

BRAVISSIMO AT MGA TANONG

Keep up the good work at bravo!: “Layon nating bigyan ng kaukulang kompensasyon ang mga biktima ng Martial Law; ang pagkakaloob ng makatarungang pasahod at benepisyo para sa mga kasambahay; at ang pagpapatupad ng isang mas maayos na sistema ng pensyon para sa atin pong mga kawal. Sinusuportahan din natin ang pagpapalawak ng sakop ng scholarship na ipinagkakaloob ng DOST sa mahuhusay ngunit kapuspalad na mag-aaral; ang pagtataguyod ng pinaigting na

� ��������

pangkalahatang kalusugan; at ang pangangalaga sa ating kalikasan at sa mga pasilidad na titiyak sa kaligtasan ng mga mamamayan sa oras ng sakuna. Kabilang din po sa ating agenda ang pagpapalakas ng BuCor, ng NBI, ng NEA, at pati na rin po ng PTV 4, upang sa halip na mapag-iwanan ng kaalaman at panahon, mas maayos nilang magagampanan ang kanilang pagbibigay-serbisyo sa publiko.”

Keep up the good work at bravo! “May mga nagsasabing pinepersonal ko raw ang paghahabol sa mga tiwali. Totoo po: Personal talaga sa akin ang paggawa ng tama, at ang pagpapanagot sa mga gumagawa ng mali—sino man sila. At hindi lamang dapat ako ang namemersonal sa usaping ito. Personal dapat ito sa ating lahat, dahil bawat Pilipino ay biktima nito. Ang mali—gaano katagal man ito nanatili—ay mali pa rin. Hindi puwedeng “Oks lang”; hindi puwedeng “wala lang iyan.” Kapag kinalimutan natin ang mga ito, mangyayari lang ulit ang mga kamalian ng nakaraan. Kung hindi magbabayad ang mga nagkasala, parang tayo na rin mismo ang nag-imbita sa mga nagbabalak gumawa ng masama na kung puwede, uulitin ninyo ang ginawa ninyo. Ang totoo nga po, marami pang kalokohan ang nahalungkat natin—pero hindi na po magpapakahaba doon, bigyan ko na lang kayo ng isang halimbawa. Sa PAGCOR: kape. Isang bilyong piso po ang ginastos ng dating pamunuan ng ahensya para sa kape; sa isandaang piso na lang po kada tasa, lalabas na nakakonsumo sila ng sampung milyong tasa ng kape. Baka po kahit ngayong iba na ang pamunuan ng PAGCOR ay dilat na dilat pa rin ang mata ng mga uminom ng kapeng ito. Hanapin nga po natin sila, at matanong: nakakatulog pa po kayo? Pagpasok ng bagong Ombudsman na si dating Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales, magkakaroon tayo ng tanod-bayan na hindi magiging tanod-bayad ng mga nagwawang-wang sa pamahalaan. Inaasahan ko nga po na sa taon na ito, masasampahan na ng kaso ang maraming nagkuntsabahan sa katiwalian, at naging sanhi ng situwasyong ating inabutan. Tapos na rin po ang panahon kung kailan nagsasampa ang gobyerno ng malalabnaw na kaso. Kapag tayo ang nagsampa, matibay ang ebidensya, malinaw ang testimonya, at siguradong walang lusot ang salarin.”

Isang tanong lang po: kailan ikukulong ang mga mandarambong sa nakaraang administrasyon?

Keep up the good work at bravo!: “Tutok po tayo na ang pagkakamit ng ganap na katarungan ay hindi natatapos sa pagsasakdal kung hindi sa pagkukulong ng maysala. Buo ang kumpiyansa ko na tinutupad ng Department of Justice ang malaki nilang bahagi upang maipiit ang mga salarin, lalo na sa mga kaso ukol sa tax evasion, drug trafficking, human trafficking, smuggling, graft and corruption, at extrajudicial killings.”

Isang tanong uli: may desisyon na ang Korte Suprema laban sa mga militar na may kagagawan sa pagdukot kina Jonas Burgos, Sherlyn Cadapan at Karen Empeño gaya ni General Jovito Palparan, KAILAN MAKUKULONG AT MAPAPARUSAHAN ANG MGA ’YAN? At siyempre, KAILAN MAHIHINTO ANG MGA EXTRAJUDICIAL KILLING? �

� ��������

Nangako na naman na walang pagtataas ng buwis: “Wala pong tsamba: ang tapat at mabuting pamamahala ay nanganganak ng mabuti ring resulta. Isipin po ninyo: naipatupad natin ang mga ipinangakong serbisyo ng gobyerno, at nakapaglaan pa ng sapat na pondo para sa mga proyekto nang hindi kinailangang magtaas ng buwis.”

Pero pustahan tayo, bago mag-2016, magkakaroon ng pagtaas ng buwis at pagtaas ng presyo sa mga serbisyo gaya ng MRT, LRT at gayundin sa SSS premium/contributions!�

Bravo pero puro retorika, puro ngawa, walang gawa: “Tinutuldukan na po natin ang wang-wang: sa kalsada, sa gobyerno, sa kalakhang lipunan. Ito po ang manganganak ng kumpiyansa na magdadala ng negosyo; ito rin ang sisiguro na ang pondo ng taumbayan ay mapupunta sa dapat nitong kalagyan: Imprastruktura na titiyak sa tuluyang pag-angat ng ekonomiya at pagmumulan ng trabaho, at serbisyong panlipunan na sisigurong walang mapag-iiwanan. Bubukas ang marami pang pintuang pangkabuhayan sa pamamagitan ng turismo; sisiguruhing hindi magugutom ang Pilipino sa pagpapalakas ng agrikultura. Ang mga dating kinakaligtaan, bibigyang-puhunan ang kinabukasan.Magbubunsod ito ng siklo kung saan tiyak na may pupuno sa mga nalilikhang trabaho, at may mga konsumer na lalong magpapalago sa mga negosyo.”�

Drama ni Noynoy: “Ngayong tayo na ang nagtitimon sa gobyerno, malinaw ang direksyong tinatahak ng ating bayan. Isang bansa kung saan ang pagkakataon ay abot-kamay; kung saan ang mga nangangailangan ay sinasaklolohan; kung saan may saysay ang bawat patak ng pawis, bawat sandali ng pagtitiis, at bawat butil ng hinagpis na dinaanan natin.”

Tanong ng bayan: BAKIT AYAW ITAAS ANG SAHOD NG MGA MANGGAGAWA?

Drama ni Noynoy: “Kung may gawin kang mabuti, may babalik sa iyong mabuti. At kung may gawin kang masama, tiyak na mananagot ka.”

Tanong ng bayan: KAILAN IKUKULONG ANG MGA MAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN AT ANG MGA KAPITALISTANG MAHILIG SA KONTRAKTWALISASYON?

SENYOR PASTA VERSUS MGA AKTIBISTA�

Sabi ni Noynoy: “Tapusin na po natin ang kultura ng negatibismo; iangat natin ang kapwa-Pilipino sa bawat pagkakataon. Bakit po ang iba, ang hilig maghanap ng kung anu-anong pangit sa ating bayan? At napakahirap—parang kasalanan—na magsabi ng maganda? Naalala pa po ba natin noong huling beses tayong pumuri sa

� ��������

kapwa Pilipino? Itigil na po natin ang paghihilahan pababa. Ang dating industriya ng pintasan na hindi natin maitakwil, iwaksi na po natin. Tuldukan na po natin ang pagiging utak-alimango; puwede bang iangat naman natin ang magaganda nating nagawa?”

Kaming mga aktibista ang target ng drama na ito ni Noynoy. Simple lang ang aming sagot: kasalanan ba namin na marami talagang pulubi sa lansangan, na may mga matatandang may dalang reseta ng kailangan nilang gamot ang nagpapaikut-ikot maghapon para makakuha ng pambili ng mamahaling gamot, na may mga batang payat na payat na laging nanghihingi ng pagkain sa bansang may mahigit 10 bilyunaryo? Kasalanan ba namin na palaki nang palaki ang agwat ng mayayaman at mahihirap? Kasalanan ba namin na araw-araw, may natatanggal sa trabaho dahil kontraktwal lang? Kasalanan ba namin na 1960s pa dapat naipamigay ang Hacienda Luisita pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipamimigay sa mga magsasaka? Kasalanan ba namin na ayaw mong itaas ang sahod ng mga manggagawa? Kasalanan ba namin na ayaw mong kontrolin ang presyo ng bilihin? Kasalanan ba namin na makita namin ang kapwa Pilipino namin na nagugutom, walang bahay o kaya’y dinedemolish ang bahay? Kasalanan ba namin na makita namin ang kapwa Pilipino na napipilitang ibenta ang sariling ngipin, dugo at bato, pati buong dangal at katawan dahil walang mahanap na trabaho? Kasalanan ba namin na may mga Pilipinong kumakain ng botete, labong ng abaka, janitor fish at iba pang nakakalasong bagay dahil wala nang makain? Kasalanan ba namin na ang tira-tirang pagkain sa fastfood chain ay niluluto uli at ipinagbibili nang mura sa mga walang pera? Kasalanan ba naming itanong at ireklamo araw-araw na bakit ang daming naghihirap sa bansang ito samantalang ang yaman-yaman natin sa natural resources?

Mahal na pangulo, huwag mo kaming sisihin sa negatibismo. Inilalantad namin ang mga negatibo sa lipunan upang lahat tayo’y mapilitang kumilos sa ikabubuti ng ating lipunan at ng buhay ng bawat kapwa natin tao. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili. Gusto mo pala kaming maging manhid sa reyalidad, sa pagdurusa ng aming kapwa tao. Pasensya ka na pero di ka namin mapagbibigyan dahil ito ang dikta ng aming pananampalataya at paninindigan: WALANG SINUMAN ANG NABUBUHAY PARA SA SARILI LAMANG. WE ARE OUR BROTHERS’ KEEPERS.�

Bravo at ginagawa naman namin ‘yan kapag may pagkakataon: “Kung may nakita kang mabuti, huwag kang magdalawang-isip na purihin ito. Kapag nakita mo ang pulis sa kanto, nagtatrapik nang walang kapote sa ilalim ng ulan, lapitan mo siya at sabihing, “Salamat po.” Kung magkasakit ka at makita mo ang nars na nag-aruga sa iyo, sa halip na magserbisyo sa dayuhan kapalit ng mas malaking suweldo, pakisabi rin po, “Salamat po.” Bago ka umuwi galing eskuwela, lapitan mo ang guro mong piniling mamuhunan sa iyong kinabukasan kaysa unahin ang sariling ginhawa; sabihin mo, “Salamat po”: Tulad ng aking gurong nasa screen ngayon, Salamat po Ginang Escasa. Kung makasalubong mo ang iyong kinatawan sa kalsadang dati ay lubak-lubak (o

� �������

wala), at ngayon ay puwede nang daanan nang maaliwalas, lapitan mo siya at sabihing: “Salamat po.”

HULING HIRIT AT BANAT

HULING HIRIT NI NOYNOY: “Kaya po, sa sambayanang Pilipino, ang aking Boss na nagtimon sa atin tungo sa araw na ito: maraming, maraming salamat po sa pagbabagong tinatamasa natin ngayon. Buhay na buhay na ang Pilipinas at ang Pilipino.”

HULING BANAT NG BAYAN (na halaw kay Renato Reyes, chairperson ng Bagong Alyansang Makabayan): “Kung kami ang boss mo, YOU’RE FIRED! KUHA MO?”

- David Michael M. San Juan

Institute for Nationalist Education and Radical Democracy (INERD)

26 July 2011 City of Manila, Philippines

XXX

Kung funny SONA critique ang gusto (isinulat ito bago pa bigkasin ang SONA. Coincidence lang ang actual na pagkakatulad ng ilang bahagi nito at ng SONA 2011): http://www.facebook.com/home.php#!/notes/david-michael-san-juan/full-text-state-of-the-nation-2011-tuwid-na-daan-dere-deretso-lang/10150255485193283?notif_t=like

XXX

NARITO ANG BUONG SONA 2011 ni NOYNOY:

State of the Nation Address

of

His Excellency Benigno S. Aquino III

President of the Philippines

To the Congress of the Philippines

[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City on July 25, 2011]

� �������

Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan;

At sa mga minamahal kong kababayan, ang aking butihing mga boss:

Humarap po ako sa inyo noong aking inagurasyon at sinabing: Walang wang-wang sa ating administrasyon. At ngayon, patuloy nating itinitigil ito. Naging hudyat at sagisag po ito ng pagbabago, hindi lamang sa kalsada, kundi pati na rin sa kaisipan sa lipunan.

Sa matagal na panahon, naging simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang. Dati, kung makapag-counterflow ang mga opisyal ng pamahalaan, para bang oras lang nila ang mahalaga. Imbes na maglingkod-bayan, para bang sila ang naging hari ng bayan. Kung makaasta ang kanilang mga padrino’t alipores, akala mo’y kung sinong maharlika kung humawi ng kalsada; walang pakialam sa mga napipilitang tumabi at napag-iiwanan. Ang mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi. Ang panlalamang matapos mangakong maglingkod—iyan po ang utak wang-wang.

Wala silang karapatang gawin ito. Ayon sa batas, tanging ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Chief Justice, pulis, bumbero, at ambulansya lang ang awtorisadong gumamit ng wangwang para sa kanilang mga opisyal na lakad. Kung sa trapiko nga ay ‘di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan?

Kayo po ba gusto ninyong makulong ang lahat ng tiwali? Ako rin po. Gusto ba ninyong matanggal ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada, kundi sa kaisipang nagdulot ng baluktot na sistema na pagkatagal-tagal na nating pinagtiisan? Ako rin. Gusto po ba ninyong mabigyan ng patas na pagkakataon ang lahat na umasenso? Siyempre ako rin po.

Narito po ang halimbawa ng resulta ng ating kampanya kontra wang-wang sa sistema. Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabing nabawasan ang nagugutom sa kanila. Mula sa 20.5 percent na self-rated hunger noong Marso, bumaba na ito sa 15.1 percent nitong Hunyo, katumbas ng isang milyong pamilyang Pilipinong nagugutom dati, pero ngayon ay nakakakain na nang tama kada araw.

Sa larangan po ng negosyo, sino ba ang nag-akalang pitong ulit nating malalampasan ang all-time-high ng stock market? Ang dating 4,000 index na inaakalang hindi maaabot, o kung maabot man ay pansamantala lang, ngayon, pangkaraniwan nang hinihigitan.

� ��������

Kung dati napako na ang bansa sa mababang credit ratings, itinaas ng Moody’s, Standard and Poors, Fitch, at Japan Credit Ratings Agency ang ating ranking, bilang pagkilala sa ating tamang paggugol ng pondo at sa malikhain nating pananalapi. Ang mataas na credit rating, magpapababa ng interes sa perang inuutang natin. Kumpara sa unang apat na buwan ng nakaraang taon, mas malaki po ng 23 billion pesos ang natipid nating interest payments mula Enero hanggang Abril ng 2011. Maaari na po nitong sagutin ang dalawang milyon at tatlongdaan libong benepisyaryo ng CCT hanggang sa katapusan ng 2011.

Paalala ko lang po, sa siyam at kalahating taon bago tayo maitalaga sa puwesto, iisang beses lang tayong nakatikim ng ratings upgrade, at anim na beses pang na-downgrade ng iba’t ibang ratings agency. Sa isang taon pa lang po natin, apat na beses na tayong nabigyan ng upgrade. Alam naman po natin na hindi madaling ma-upgrade sa panahon ngayon. Itong mga ratings agency, nabatikos na mali raw ang payo bago magkakrisis sa Amerika, kaya ngayon ay mas makunat na sila sa pagbibigay ng magagandang ratings, at nakikita nga natin ito sa sunud-sunod na pag-downgrade sa ibang mga bansa. Pero tayo po, in-upgrade pa nila. Sang-ayon silang lahat: gumanda at lalo pang gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas. Isang hakbang na lang po, aabot na raw tayo sa investment grade, at wala pong tigil ang ating economic team upang tuluyan na tayong makaarangkada.

At may mabubuting balita pa pong parating. Dahil wala nang wang-wang sa DOE, muling nabuhay ang kumpiyansa ng mga namumuhunan sa ating energy sector. Patunay dito ang isandaan at apatnapung kumpanya na nakahandang tumaya sa eksplorasyon at pagpapalakas ng ating oil at natural gas resources. Sa huling energy contracting round noong 2006, tatlumpu’t lima lang po ang nakilahok. Nitong Biyernes lamang po, nilagdaan na ang panibagong kasunduan para sa isang bagong power plant sa Luzon grid upang pagdating ng 2014, may mas mura at mas maaasahang pagmumulan ng enerhiya ang bansa.

May kumpiyansa, may pag-asa, at tinutupad po natin ang ating mga pangako. Naaalala ko nga po ang babaeng nakausap ko nang ako’y unang nagha-house-to house campaign para sa akin pong sarili. Ang kaniyang hinaing: “Miski sino naman ang manalo, pare-pareho lang ang kahihinatnan. Mahirap ako noong sila ay nangangampanya; mahirap ako habang nakaupo sila, at malamang mahirap pa rin ako pag nagretiro na sila.” Sa madaling salita, ang hinaing po ng marami, “Walang pakialam ang mga pinuno namin kahapon, wala silang pakialam ngayon. Bukas, wala pa rin silang pakialam.”

Di po ba’t may katuwiran naman siya sa pagsasabi nito, dahil sa pagwawang-wang sa mga ahensya ng gobyerno? Wang-wang po ang pagbili ng helicopter sa presyong brand new, pero iyon pala ay gamit na gamit na. Wang-wang din ang milyun-milyong pabuya na tinanggap ng mga opisyal ng GOCC, tulad ng sa Philippine National Construction Corporation, gayong hindi naman sila nakapaghandog ng disenteng serbisyo, at ibinaon pa sa utang ang kanilang mga ahensya. Bago sila bumaba sa puwesto, dalawandaan, tatlumpu’t dalawang milyong piso po ang inomento ng dating

� ��������

pamunuan ng PNCC sa kanilang sarili. 2007 pa lang po, wala na silang prangkisa; lahat ng kikitain, dapat diretso na sa pambansang gobyerno. Hindi na nga nag-abot ng kita, sinamantala pa ang puwesto. Ang bonus nila mula 2005 hanggang 2009, dinoble pa nila sa unang anim na buwan ng 2010. Ibinaon na nga po nila sa bilyun-bilyong pisong utang ang kanilang tanggapan, nasikmura pa nilang magbigay ng midnight bonus sa sarili.

Para po pigilan ang pagwang-wang sa kaban ng bayan, sinuyod at sinuri natin ang mga programa. Dalawang magkasunod na taon na po nating ipinatutupad ang zero-based budgeting, na magsisilbing kalasag sa walang-saysay na paggastos.

Sa Laguna Lake po, magtatanggal nga—sabi nila—ng 12 million cubic meters sa dredging, pero pagkatapos ng tatlong taon, garantisado naman itong babalik. 18.7 billion pesos ang magiging utang natin para lang maglaro ng putik. Hindi pa bayad ang utang, nag-expire na ang pakinabang. Pinigilan po natin iyan. Ang food-for-school program na bara-bara lang ang paghahanap ng benepisyaryo, at iba pang inisyatibang pinondohan ngunit walang pinatunguhan—binura na natin sa budget upang ang pera namang nalibre, ay mailaan sa mga proyektong totoong may silbi.

Ang budget po ang pinakamalinaw na pagsasabuhay ng ating tuwid na landas. Ang aking pahiwatig sa lahat ng gusto pang ilihis tayo rito: Kung mang-aagrabyado ka lang ng mahirap, huwag ka nang magtangka. Kung sarili mo lang ang papayamanin mo, huwag ka nang magtangka. Kung hindi iyan para sa Pilipino, huwag ka nang magtangka.

Sana masabi na natin na tapos na ang utak wang-wang, pero nakikita po natin ang latak ng ganitong kaisipan na pilit bumubulahaw sa aliwalas ng ating biyahe sa tuwid na landas.

Mukhang marami rin po kasi ang nagwawang-wang sa pribadong sektor. Ayon sa BIR, mayroon tayong halos 1.7 million na self-employed at professional tax payers gaya ng mga abogado, doktor, at negosyante na nagbayad lamang, sa suma total, ng 9.8 billion pesos noong 2010. 5,783 pesos lang ang ibinayad na income tax ng bawat isa raw sa kanila, on average—ang ibig sabihin, kung totoo po ito, ang kabuuang kita nila ay umaabot lang ng 8,500 pesos kada buwan. Mababa pa sa minimum wage. Naman.

Nakikita naman po ninyong napupunta na sa tama ang buwis ninyo, kaya wala na pong dahilan upang iwasan natin ang pagbabayad. Nananawagan po ako sa inyo: Hindi lang po gobyerno, kundi kapwa natin Pilipino ang pinagkakaitan sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Pinananagot at pananagutin po natin ang wang-wang saanmang sulok ng gobyerno. Ang masakit, hanggang sa mga araw pong ito, may sumusubok pa ring makalusot. Mayroon nga pong isang distrito sa Region 4B, may proyektong gagastusan ng 300 million pesos. Kaso hanggang 50 million pesos lang ang puwedeng aprubahan ng district engineer.

� ��������

Kaya naisip nilang i-chop-chop ang proyekto para di lumampas sa 50 million pesos ang halaga, at di na umabot sa regional at central office ang kanilang mga papeles. Kani-kaniyang diskarte, kani-kaniyang kaharian ang nadatnan nating situwasyon sa DPWH. Sinubukan nilang ipagpatuloy ang nakasanayan na nila. Kadalasan, dahil sa lump-sum na pagbibigay ng pondo, wala nang tanung-tanong kung ano ang plano at detalye ng proyekto. Miski yata—sabi ng iba—bahay ng gagamba ang ipapatayo, bibigyan ng pondo, basta may padrino.

Hindi ito pinalusot ni Secretary Babes Singson. Tinanggal na niya sa puwesto ang district engineer. Pinigilan din po ang pag-award ng proyektong ito para busisiin kung ano pang magic ang nangyari. Masusi na ring iniimbestigahan lahat ng nagkuntsabahan. Ang mga kontratistang mapatunayang nakipagsabwatan para mag-tongpats sa mga proyekto, iba-black-list natin.

Tingnan nga po ninyo ang idinulot na perhuwisyo ng pagwawang-wang sa sistema: Tuloy ang pagdusa ng mamamayang dapat nakikinabang na sa proyekto ng bayan.

Hindi lang po iyan sa Region 4B nadiskubre. Ngunit natigil na po ito dahil hindi na padrino kundi tamang proseso ang naghahari sa DPWH. Hindi na puwedeng walang work program; kailangang magpakita ng pinag-isipang plano para hindi magkasalungat ang pagsasagawa ng mga proyekto. Malinis at hayag na ang bidding, at pantay na ang pagkakataon sa pagpasok ng mga kontratista.

Sa sistemang pinaiiral ngayon sa DPWH, nakatipid na tayo ng dalawa’t kalahating bilyong piso, at umaasa tayo na aabot pa sa anim hanggang pitong bilyong piso ang matitipid sa taon na ito. Ang pinakamahalaga po, nakakaasa na tayo sa mga kalsadang matino, hindi ‘yung maambunan lang ay lulundo o mabibiyak agad. Paniwala natin dati, imposibleng maitama ng DPWH ang sistema nila. Hindi lang po ito posible; sa unang taon pa lamang, ginagawa na natin ito.

Kahit po sa mga bukirin, may mga nagwawang-wang din. Bago tayo maupo noong 2010, nag-angkat ang bansa ng 2.3 million metric tons ng bigas. 1.3 million metric tons lamang ang kailangan nating angkatin, ngunit pinasobrahan pa nila ito ng isang milyong tonelada. Dahil nga sobra-sobra ang inangkat, kinailangan pa nating gumastos muli sa mga bodegang pagtatambakan lang naman ng barko-barkong bigas.

Ilang taon bang walang saysay na pinasobrahan ang bigas na inaangkat? Dahil dito, umiral ang pag-iisip na habambuhay na tayong aangkat ng bigas. Ang akala ng marami, wala na talaga tayong magagawa.

Ngunit, sa loob lamang ng isang taon, pinatunayan nating mali sila. Ngayon, ang dating 1.3 million metric tons na kakulangan natin sa bigas, halos nangalahati na; 660,000 metric tons na lang po ang kailangan nating angkatin. Kahit dagdagan pa natin iyan ng panangga laban sa sakuna at gawing 860,000 metric tons—na ginagawa na nga po natin—mas mababa pa rin ito sa tinatayang taunang kakulangan na 1.3 million metric tons.

� � ������

At hindi po buwenas lang ang nangyaring pag-angat ng ating rice productivity. Bunga po ito ng matinong pamamalakad: ng paggamit ng maiinam na klase ng binhi, at masusi at epektibong paggastos para sa irigasyon. Nito nga pong nakaraang taon, labing-isang libo, anim na raan at labing-isang bagong ektarya ng bukirin ang napatubigan natin. Dagdag pa iyan sa halos dalawandaan at labindalawang libong ektarya na nakumpuni o nabigyang muli ng irigasyon matapos ang panahon ng pagkakatiwangwang. Ang resulta: umangat ng 15.6 percent ang inani nating palay noong nakaraang taon.

Ang gusto nating mangyari: Una, hindi tayo aangkat ng hindi kailangan, para lang punan ang bulsa ng mga gustong magsariling-diskarte ng kita sa agrikultura. Ikalawa: ayaw na nating umasa sa pag-angkat; ang isasaing ni Juan dela Cruz, dito ipupunla, dito aanihin, dito bibilhin.

Balikan din po natin ang dinatnang kalagayan ng ating mga kawal at kapulisan. Labingtatlong libong piso po ang karaniwang suweldo ng isang PO1 sa Metro Manila. Apat na libong piso daw rito ang napupunta sa upa ng bahay. Tila tama nga po na isang-katlo ng kanilang sahod diretso na sa upa. Isang-katlo pa nito, para naman sa pagkain. At ang natitirang isang-katlo, para sa kuryente, tubig, pamasahe, pampaaral sa anak, gamot sakaling may magkasakit, at iba pa. Maganda na nga po kung tumabla ang kita niya sa gastusin. Kapag naman kinapos, malamang sa five-six po sila lalapit. At kapag nagpatung-patong ang interes ng utang nila, makatanggi kaya sila sa tuksong dumelihensya?

Kaya ang ipinangako nating solusyon pabahay nitong Pebrero, ngayong Hulyo ay tinutupad na. Nakapag-abot na po tayo ng apat na libong Certificate of Entitlement to Lot Allocation sa magigiting nating kawal at pulis. Bahagi pa lang po ito ng target nating kabuuang dalawampu’t isang libo at walong daang bahay sa pagtatapos ng taong ito. Ang dating apat na libong ibinabayad para sa upa kada buwan, ngayon, dalawandaang piso na lang, para pa sa bahay na pagmamay-ari talaga nila. Ang dating nalalagas na halaga na pambayad sa buwanang renta, maaari nang igugol para sa ibang gastusin.

Mayroon pa raw pong mahigit isang libong bahay na natitira, kaya po sa mga pulis at sundalo nating di pa nakakapagpasa ng kanilang mga papeles, last call na po para sa batch na ito. Pero huwag po kayong mag-alala, sa susunod na taon, lalawak pa ang ating pabahay, at hindi lang pulis at kawal sa Luzon ang makikinabang. Inihahanda na ng NHA ang lupang patatayuan sa Visayas at Mindanao, para sa susunod na taon, makapagpatayo na tayo ng mga bahay doon. Sa ating mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection, may good news pa rin po ako sa inyo: kasama na po kayo rito.

Kung seguridad na rin lang po ang ating pag-uusapan, di ba’t karugtong din nito ang ating pambansang dangal? Dati, hindi man lang natin makuhang pumalag tuwing may sisindak sa atin sa loob mismo ng ating bakuran. Malinaw ang pahiwatig natin ngayon sa buong mundo: Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa Recto Bank, para ka na ring tumapak sa Recto Avenue.

� ��������

Tama nga po kaya ang kuwento tungkol sa isang stand-off noong araw? Tinapatan daw ang mga marino natin ng kanyon. Ang ginawa nila noong gabi, pumutol ng puno ng niyog, pininturahan ito ng itim, saka itinutok sa kalaban. Tapos na po ang panahong iyan. Parating na ang mga capability upgrade at modernization ng mga kagamitan ng ating Sandatahang Lakas. Literal na pong naglalakbay sa karagatan papunta rito ang kauna-unahan nating Hamilton Class Cutter, isang mas modernong barko na magagamit natin para mabantayan ang ating mga baybayin. Maaari pa po tayong makakuha ng mga barkong tulad nito. Idadagdag iyan sa kukunin na nating mga helicopter (plural po iyon), patrol craft, at sandata na bultong bibilhin ng AFP, PNP, kasama na ang DOJ upang makakuha ng malaking diskuwento. Lahat po ito, makakamtan sa matinong pamamahala; mabibili sa tamang presyo, nang walang kailangang ipadulas kung kani-kanino.

Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa tayong ipagtanggol ang atin. Pinag-aaralan na rin po natin ang pag-angat ng kaso sa West Philippine Sea sa International Tribunal for the Law of the Sea, upang masigurong sa mga susunod na pagkakataon ay hinahon at pagtitimpi ang maghahari tuwing may alitan sa teritoryo.

Alam ko pong magbubunga ang pag-aarugang ipinapamalas natin sa mga lingkod-bayan na nakatutok sa ating seguridad. Mantakin po ninyo: sa unang anim na buwan ng 2010, umabot sa isanlibo at sampung kotse at motorsiklo ang nanakaw. Ikumpara po natin iyan sa apatnaraan at animnapung kotse at motorsiklong nanakaw mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito. Ang laki po ng naibawas di po ba? Malas ko lang po siguro na ‘yung isa o dalawang kaso ng carnapping ang nai-heheadline, at hindi ang pagbawas sa mga insidente nito o ang mas mataas na porsyento ng mga nanakaw na kotse na naibalik na sa kanilang mga may-ari.

Isa pa pong halimbawa ng pagbabagong tinatamasa natin: Mayo ng taong 2003 nang lagdaan ang Anti-Trafficking in Persons Act, pero dahil hindi sineryoso ng estado ang pagpapatupad nito, dalawampu’t siyam na indibiduwal lamang ang nahatulan sa loob ng pitong taon. Nalagpasan na po natin iyan, dahil umabot na sa tatlumpu’t isang human traffickers ang nahatulan sa ating administrasyon. Ito nga po siguro ang sinasabing “sea change” ni Secretary of State Hillary Clinton ng Amerika. Dahil dito, natanggal na tayo sa Tier 2 Watchlist ng Trafficking in Persons Report nila. Kung hindi tayo natanggal sa watchlist na ito, siguradong napurnada pa ang mga grant na maaari nating makuha mula sa Millenium Challenge Corporation at iba pa.

Dumako po tayo sa trabaho. Dagdag-trabaho ang unang panata natin sa Pilipino. Ang 8 percent na unemployment rate noong Abril ng nakaraang taon, naibaba na sa 7.2 percent nitong Abril ng 2011. Tandaan po natin: moving target ang nasa hanay ng ating unemployed, dahil taun-taon ay may mga bagong graduate na naghahanap ng trabaho. Nito nga pong huling taon, nadagdag pa sa bilang nila ang libu-libong hawi boys, tagasabit ng banderitas, at iba pang mga Pilipinong kumuha ng pansamantalang kabuhayan mula sa eleksyon. Ang resulta po natin: Isang milyon at apatnaraang libong trabahong nalikha nitong nakaraang taon, nagtatapos po ng Abril.

� ��������

Dati, nakapako sa pangingibang-bansa ang ambisyon ng mga Pilipino. Ngayon, may pagpipilian na siyang trabaho, at hangga’t tinatapatan niya ng sipag at determinasyon ang kanyang pangangarap, tiyak na maaabot niya ito.

Malaki pa po ang puwedeng madagdag sa trabahong nalilikha sa ating bansa. Ayon pa lang po sa website nating Philjobnet, may limampung libong trabahong hindi napupunan, napupunuan, kada buwan dahil hindi tugma ang kailangan ng mga kumpanya sa kakayahan at kaalaman ng mga naghahanap ng trabaho. Hindi po natin hahayaang masayang ang pagkakataong ito; ngayon pa lang, nagtatagpo na ang kaisipan ng DOLE, CHED, TESDA, at DEPED upang tugunan ang isyu ng job mismatch. Susuriin ang mga curriculum para maituon sa mga industriyang naghahanap ng empleyado, at gagabayan ang mga estudyante sa pagpili ng mga kursong hitik sa bakanteng trabaho.

Ngunit aanhin naman po natin ang mga numerong naghuhudyat ng pag-asenso ng iilan, kung marami pa rin ang napag-iiwanan? Ang unang hakbang: tinukoy natin ang totoong nangangailangan; namuhunan tayo sa pinakamahalaga nating yaman: ang taumbayan. Sa dalawang milyong pamilyang rehistrado sa ating Pantawid Pamilyang Pilipino Program, isang milyon at animnaraang libo na ang nakakatanggap ng benepisyo nito. Sa pagpapakitang-gilas ni Secretary Dinky Soliman, tinatayang may mahigit isandaang libong pamilya—uulitin ko po: mahigit isandaang libong pamilya ang naiaahon natin mula sa kahirapan kada buwan. Kaya naman mataas ang aking kumpiyansang makukumpleto ang 1.3 million na dagdag na pamilya, mula sa kabuuang 2.3 milyong target na benepisyaryo ng CCT bago matapos ang taong ito. At sa compliance rate nito na hindi bababa sa 92 percent, milyun-milyon na rin po ang inang regular na nagpapacheck-up sa mga health center, ang mga sanggol na napabakunahan, at ang mga batang hindi hinahayaan sa labas ng paaralan.

Simula pa lang po ito, at sa ganitong kalinaw na mga resulta, umaasa ako sa suporta ng bawat Pilipino, lalo na po ng lehislatura, sa mungkahi nating salinan pa ng pondo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Inaasam po natin na bago matapos ang 2012, tatlong milyong pamilya na ang mabibigyan ng puhunan para sa kanilang kinabukasan.

Binibigyan natin ang mga maralitang pamilyang ito ng pagkakataong makaahon sa buhay, dahil ang pag-asenso nila ay pag-angat rin ng buong bansa. Sino ang tatangkilik sa mga produkto at serbisyo ng mga negosyante, kung isang kahig, isang tuka naman ang mamimili? Kapag may amang kumakapit sa patalim para may kainin ang kanyang pamilya, at siya ay magnakaw o nangholdap, sino ba ang puwedeng mabiktima ng krimen kundi tayo rin? Kung ang mga kababayan natin ay walang maayos na pagkain o tahanan, mahina ang kalusugan at may malubhang karamdaman, hindi ba’t tayo rin ang nasa peligrong mahawa sa kanilang sakit?

Naglalatag po tayo ng pagbabago upang mapatibay ang pundasyon ng maaliwalas na bukas para sa lahat. Halimbawa po, sa kalusugan: di ba’t kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga benepisyaryo ng PhilHealth tuwing maghahalalan? Ngayon, sa

� ��������

pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), tiniyak natin na ang limang milyon at dalawandaang libong pamilyang Pilipino na nakikinabang sa PhilHealth ay ang talagang mga nangangailangan nito. Malawakang pag-unlad at pag-asenso ng lahat: Iyan po ang panata natin. Walang maiiwan sa tuwid na landas.

Tumungo naman po tayo sa ARMM. Ang dating sistema: Nagbabatuhan lang ng huwad na utang ng loob ang mga baluktot na kandidato. Kapag pambansang halalan, malaya ang nakaupo sa ARMM na imane-obra ang makinarya sa kaniyang rehiyon para matiyak na bokya, o sero, ang boto ng hindi kaalyado. Kapag naman eleksyon sa ARMM at maniningil na ng utang si Mayor o Governor, ang administrasyon naman ang magpapatakbo ng makinarya para manalo ang kanilang kandidato.

Ayon nga po sa naungkat ng COA, sa opisina ng regional governor ng ARMM, mula Enero 2008 hanggang Setyembre 2009, walumpung—uulitin ko po: walumpung porsyento ng mga disbursement ang napunta sa mga cash advance na wala namang maayos na paliwanag. Kung hindi nawala ang pondong ito, nakatapos na sana ang isang batang sa ngayon tumawid sa ghost bridge, para pumasok sa ghost school, kung saan tuturuan siya ng ghost teacher. Kaawa-awang bata: walang humpay na paghihirap, at walang pag-asa ng pag-asenso.

Gusto nating maranasan ng ARMM ang benepisyo ng tamang pamamahala. Kaya ang atin pong minungkahing solusyon: synchronization. Dahil dito, kailangan nilang tumutok sa kani-kanilang mga kampanya; magiging mas patas ang labanan, at lalabnaw ang command votes. Salamat po sa Kongreso at naipasa na ang batas na magsasabay sa halalan ng ARMM sa halalang pambansa.

May nagtatanong po, bakit postponement ang kailangan? Sa kagustuhang, siyampre, makabalik sa puwesto, nakahanda ang ilan na ulitin ang nakagawian para manalo. Isipin na lang po ninyo kung pumayag tayo sa kagustuhan ng mga kontra, at itinuloy natin ang eleksyon. Wala po silang ibang gagawin sa loob ng dalawang taon kundi paghandaan ang susunod na halalan at isiksik ang kalokohan nila sa mas maigsing panahon. Habang nananatili sa puwesto ang mga utak wang-wang na opisyal, naiiwan namang nakalubog sa kumunoy ng kawalang-pagasa ang taumbayan.

Wala akong duda sa kahihinatnan ng mga repormang inilatag na natin. Hindi po tayo nagbubukambibig lang; may kongkretong resulta ang ating mga paninindigan. Kapag sinabi nating tuwid na daan, may katapat itong kalsada sa Barangay Bagumbayan sa Sta. Maria, Laguna. ‘Pag sinabi nating malinis na pamamahala, may dadaloy na malinis na tubig sa mga liblib na lugar gaya ng nasa Barangay Poblacion, sa Ferrol, Romblon. Kapag sinabi nating liwanag ng pagbabago, titiyakin nating may liwanag na tatanglaw sa mga pamayanang dati ay nangangapa sa aandap-andap na gasera, gaya ng ginawa natin sa Barangay San Marcos, sa Bunawan, Agusan del Sur. Ganito na ang nangyayari sa marami pang ibang lugar; pinipilit nating ito rin ang mangyari sa kabuuan ng Pilipinas.

� ��������

Nakatutok na po ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno; nag-uugnayan at nagtutulungan sila upang maabot at mapabilis ang mga solusyon sa mga problemang kaytagal nang pinapasan ng bayan.

Di po ba’t may problema tayo sa baha, na alam naman nating dulot ng walang humpay at ilegal na pagputol ng mga puno? Ang dating solusyon: photo-op ng pagtatanim na ang tanging benepisyaryo ay nagpapoging pulitiko. Nagtanim nga ng puno kontra-baha, pero hindi naman siniguro na mananatiling nakatayo ang mga ito pag-alis nila.

Isa sa mga solusyong hinahanda na po at pinag-aaralan ay ang gawing kapaki-pakinabang sa mga pamayanan ang pagbabantay ng puno. Bibigyan sila ng binhi ng kape at cacao para itanim at mamunga ng kabuhayan. Habang hinihintay ang ani, makakakuha sila ng stipend upang bantayan naman ang mga punong itinanim laban sa baha. Puwedeng maging benepisyaryo ng programang ito ang mga informal settlers, na ngayon ay nagkukumpulan sa siyudad. Mamumuhunan tayo sa taumbayan, habang namumuhunan din sa kalikasan.

Noon bang isang taon, inisip kaya natin na kaya nating gawin ito? Sa ngayon, tinutupad na natin ang ating mga pangako. Bukas makalawa, katotohanan na ang lahat ng ating mga pinangarap.

Marami pa pong malikhaing konsepto na inilalapit sa atin, at ang atin pong ipinatupad na. May mosquito trap na pinapatay ang mga kiti-kiti ng lamok, na siguro naman po ay may kinalaman sa halos labing-apat na porsiyentong pagbaba ng insidente ng dengue; may hibla ng niyog na itatapon na sana, pero puwede palang murang solusyon sa mga daanang madaling mabitak; may landslide sensor na magbababala kung tumaas na ang panganib na gumuho ang lupa; may mga kagamitang magbibigay ng senyales kung malapit nang umapaw ang tubig sa mga ilog. Lahat po nito, gawa ng Pilipino.

Pinag-aaralan na rin po ng DOST at UP ang pagkakaroon natin ng monorail system, para tugunan ang problema sa pangmalawakang transportasyon. Sa malikhaing pag-iisip ng kapwa Pilipino, may pag-asa pala tayong magtayo ng light rail system nang hindi hihigit sa 100 million pesos ang gagastusin kada kilometro. Sa matitipid na pondo, mas mahabang kilometro ng riles ang mailalatag at makaka-abot sa mga lugar na malayo sa sentro ng komersyo. Ang mga dating sumisiksik sa siyudad para maghanap ng trabaho, maaari nang tumira sa madyo mas malayo, nang hindi pahirapan ang biyahe.

Uulitin ko po: ang mungkahing ito ay galing sa kapwa natin Pilipino, para sa Pilipinas. Naaalala po ba ninyo ang panahon kung kailan ni hindi man lang maabot ng mga pangarap natin ang ganitong mga proyekto? Ngayon, sinasabi ko po sa inyo: pinapangarap natin ito, kaya natin ito, gagawin natin ito. Hindi ba tayo nagagalak, Pilipino tayong nabubuhay sa mga panahong ito?

� �������

Sa kabila ng lahat ng ito, huwag po sana nating lilimutin: masasayang lang ang lahat ng ating narating kung hindi tuluyang maiwawaksi ang kultura ng korupsyon na dinatnan natin.

Sa mga kapwa ko empleyado ng sambayanan, mula sa tuktok hanggang sa bawat sulok ng burukrasya: Di po ba’t napakarangal na ngayon ang magtrabaho sa gobyerno? Di po ba’t ngayon, sa halip na ikahiya, gusto mo pang isuot kung minsan ang iyong ID kung sumasakay ka ng bus o jeep papasok sa iyong ahensya? Sasayangin po ba natin ang karangalang kaloob sa atin ng sambayanan?

Iyan din po ang aking panawagan sa ating Local Government Units. Kabilang po ako sa mga sumasang-ayon na kayo ang pinaka-nakakaalam sa pangangailangan ng taumbayan sa inyong mga lungsod at munisipyo. Makakaasa po ang ating mga LGU sa higit na kalayaan at kakayahan, kung makakaasa rin tayong gagamitin ito sa tuwid na paraan, at isasaalang-alang ang kapakanan ng buong sambayanan.

Halimbawa po, may ilang munisipyo na naisipang magbuwis sa mga transmission lines ng kuryente na dadaan sa kanilang mga pook. Magpapasok nga po ng kita sa kanilang lokal na kaban, pero kapalit nito, tataas din ang gastusin ng mas nakararaming Pilipino sa kuryente. Tiwala po akong kaya nating balansehin ang interes ng inyong mga nasasakupan sa interes ng sambayanan.

Kailangan pong manatiling magkatugma ang ating mga programa, dahil ang ikauunlad ng buong bansa ay manganganak din ng resulta sa inyong mga pook. Wakasan na po sana natin ang agendang nakatuon sa susunod na eleksyon lamang, at ang kaisipang isla-isla tayong maihihiwalay ang sariling pagsulong sa pag-unlad ng bansa.

Tayo-tayo rin po ang dapat magtulungan tungo sa kaunlaran. Malaki ang pasasalamat ko sa Kongreso sa pagpapasa ng mga batas ukol sa GOCC Governance, ARMM Synchronization, Lifeline Electricity Rates Extension, Joint Congressional Power Commission Extension, Children and Infants’ Mandatory Immunization, at Women Night Workers, at marami pa sigurong pasunod.

Noong isang taon nga po, nagpakitang-gilas ang Kongreso sa pagpasa ng budget bago matapos ang taon. Dahil dito, nasimulan agad ang mga proyekto at hindi na inabot ng tag-ulan. Bukas na bukas po, ihahain na namin sa lehislatura ang budget para sa susunod na taon. Umaasa po ako na muli kayong magpapakitang-gilas, upang tuluyan na nating mapitas ang bunga ng mga naitanim nating pagbabago.

Maganda na po ang ating nasimulan. Pero mahalaga pong maalala natin: simula pa lang ito. Marami pa tayong gagawin. Hayaan po ninyong ilatag ko sa Kongreso ang ilan sa mga batas na magpapaigting sa pagtupad ng ating mga panata sa bayan.

Layon nating bigyan ng kaukulang kompensasyon ang mga biktima ng Martial Law; ang pagkakaloob ng makatarungang pasahod at benepisyo para sa mga kasambahay; at ang pagpapatupad ng isang mas maayos na sistema ng pensyon para sa atin pong

� �������

mga kawal. Sinusuportahan din natin ang pagpapalawak ng sakop ng scholarship na ipinagkakaloob ng DOST sa mahuhusay ngunit kapuspalad na mag-aaral; ang pagtataguyod ng pinaigting na pangkalahatang kalusugan; at ang pangangalaga sa ating kalikasan at sa mga pasilidad na titiyak sa kaligtasan ng mga mamamayan sa oras ng sakuna.

Kabilang din po sa ating agenda ang pagpapalakas ng BuCor, ng NBI, ng NEA, at pati na rin po ng PTV 4, upang sa halip na mapag-iwanan ng kaalaman at panahon, mas maayos nilang magagampanan ang kanilang pagbibigay-serbisyo sa publiko.

Hindi ko po nailagay ang lahat ng gustong magpasali ng kanilang adbokasiya dito po sa SONA. Pero kumpleto po ang detalye sa budget at budget message. Sa mga interesado po, pakibasa na lang detalye doon.

May mga nagsasabing pinepersonal ko raw ang paghahabol sa mga tiwali. Totoo po: Personal talaga sa akin ang paggawa ng tama, at ang pagpapanagot sa mga gumagawa ng mali—sino man sila. At hindi lamang dapat ako ang namemersonal sa usaping ito. Personal dapat ito sa ating lahat, dahil bawat Pilipino ay biktima nito.

Ang mali—gaano katagal man ito nanatili—ay mali pa rin. Hindi puwedeng “Oks lang”; hindi puwedeng “wala lang iyan.” Kapag kinalimutan natin ang mga ito, mangyayari lang ulit ang mga kamalian ng nakaraan. Kung hindi magbabayad ang mga nagkasala, parang tayo na rin mismo ang nag-imbita sa mga nagbabalak gumawa ng masama na kung puwede, uulitin ninyo ang ginawa ninyo.

Ang totoo nga po, marami pang kalokohan ang nahalungkat natin—pero hindi na po magpapakahaba doon, bigyan ko na lang kayo ng isang halimbawa. Sa PAGCOR: kape. Isang bilyong piso po ang ginastos ng dating pamunuan ng ahensya para sa kape; sa isandaang piso na lang po kada tasa, lalabas na nakakonsumo sila ng sampung milyong tasa ng kape. Baka po kahit ngayong iba na ang pamunuan ng PAGCOR ay dilat na dilat pa rin ang mata ng mga uminom ng kapeng ito. Hanapin nga po natin sila, at matanong: nakakatulog pa po kayo?

Pagpasok ng bagong Ombudsman na si dating Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales, magkakaroon tayo ng tanod-bayan na hindi magiging tanod-bayad ng mga nagwawang-wang sa pamahalaan. Inaasahan ko nga po na sa taon na ito, masasampahan na ng kaso ang maraming nagkuntsabahan sa katiwalian, at naging sanhi ng situwasyong ating inabutan. Tapos na rin po ang panahon kung kailan nagsasampa ang gobyerno ng malalabnaw na kaso. Kapag tayo ang nagsampa, matibay ang ebidensya, malinaw ang testimonya, at siguradong walang lusot ang salarin.

Tutok po tayo na ang pagkakamit ng ganap na katarungan ay hindi natatapos sa pagsasakdal kung hindi sa pagkukulong ng maysala. Buo ang kumpiyansa ko na tinutupad ng Department of Justice ang malaki nilang bahagi upang maipiit ang mga

� ��������

salarin, lalo na sa mga kaso ukol sa tax evasion, drug trafficking, human trafficking, smuggling, graft and corruption, at extrajudicial killings.

Wala pong tsamba: ang tapat at mabuting pamamahala ay nanganganak ng mabuti ring resulta. Isipin po ninyo: naipatupad natin ang mga ipinangakong serbisyo ng gobyerno, at nakapaglaan pa ng sapat na pondo para sa mga proyekto nang hindi kinailangang magtaas ng buwis.

Iyan naman po talaga ang plano: siguruhin na patas ang laban; itigil ang panlalamang ng mga makapangyarihan; at tiyakin na ang dating sistema kung saan nakikinabang ang iilan ay magiging bukal ng oportunidad para sa lahat.

Tinutuldukan na po natin ang wang-wang: sa kalsada, sa gobyerno, sa kalakhang lipunan. Ito po ang manganganak ng kumpiyansa na magdadala ng negosyo; ito rin ang sisiguro na ang pondo ng taumbayan ay mapupunta sa dapat nitong kalagyan: Imprastruktura na titiyak sa tuluyang pag-angat ng ekonomiya at pagmumulan ng trabaho, at serbisyong panlipunan na sisigurong walang mapag-iiwanan. Bubukas ang marami pang pintuang pangkabuhayan sa pamamagitan ng turismo; sisiguruhing hindi magugutom ang Pilipino sa pagpapalakas ng agrikultura. Ang mga dating kinakaligtaan, bibigyang-puhunan ang kinabukasan.

Magbubunsod ito ng siklo kung saan tiyak na may pupuno sa mga nalilikhang trabaho, at may mga konsumer na lalong magpapalago sa mga negosyo.

Batid ko po na hanggang ngayon ay may kakaunti pang nagrereklamo sa ating estilo ng pamamahala. Nakita po ninyo ang aming estilo, at ang kaakibat nitong resulta. Nakita po ninyo ang estilo nila, at kung saan tayo nito dinala. Sa mga taong bukas ang mata, maliwanag kung saan ang tama.

Ngayong tayo na ang nagtitimon sa gobyerno, malinaw ang direksyong tinatahak ng ating bayan. Isang bansa kung saan ang pagkakataon ay abot-kamay; kung saan ang mga nangangailangan ay sinasaklolohan; kung saan may saysay ang bawat patak ng pawis, bawat sandali ng pagtitiis, at bawat butil ng hinagpis na dinaanan natin. Kung may gawin kang mabuti, may babalik sa iyong mabuti. At kung may gawin kang masama, tiyak na mananagot ka.

Naaalala ko nga po ang isang ginang na lumapit sa akin noong kampanya; ang babala niya, “Noy, mag-iingat ka, marami kang kinakabangga.”

Tama po ang sabi niya: Tao pong may agam-agam din ako kung minsan. Pero wala po akong alinlangang tumahak sa tuwid na daan: Buo ang loob ko dahil alam kong nasa likod ko po kayo. Salamat po.

Salamat po sa mga pari at obispo na masinsinang nakikipagdiyalogo sa atin, katulad nina Cardinal Rosales at Vidal. Di naman po kami ganoong kalapit ni Cardinal Rosales, pero naniniwala akong ibinuhos niya ang lahat para mabawasan ang hindi

� ��������

pinagkakaunawaan ng gobyerno at simbahan. Sa pagkahalal kay Archbishop Palma, tagapagtanggol ng karapatang pantao at kalikasan, lalo pong tumibay ang aking kumpiyansang ugnayan, at hindi bangayan, ang mabubuo sa pagitan ng estado at simbahan.

Salamat din po sa ating Gabinete, na walang kinikilalang panahon ng tulog o pahinga, maipatupad lang ang pambansang agenda. Special mention po ang PAGASA, na tunay na ngayong nagbibigay ng maaasahang babala.

At sa mga nasasagasaan po natin sa landas ng katapatan at integridad sa pamamahala, ito naman po ang aking masasabi: Pinili ninyo ang landas kung saan naaapi ang sambayanan. Pinili naman namin ang landas na ipagtanggol ang taumbayan. Nasa tama po kami; nasa mali kayo. Sa inyong magbabalik ng pang-aapi sa sambayan, hindi kayo magtatagumpay.

Sa lahat ng mga kasama natin sa tuwid na daan: kayo ang lumikha ng pagkakataong baguhin ang dinatnan, at gawing mas maganda ang ipapamana natin sa susunod na salinlahi ng mga Pilipino. Kayo pong mga tsuper na pumapasada pa rin; kayong mga guro at estudyanteng pauwi pa lang mula sa klase; kayong patuloy ang paglikha ng mga obrang nagpapaalab sa apoy ng ating pagka-Pilipino; kayong mga pulis, sundalo, kaminero, at bumbero; kayong mga marangal na magtrabaho, sa Pilipinas man, sa gitnang dagat, o sa ibang bansa; kayong mga tapat na kasama natin sa gobyerno, anumang probinsya o partido; kayong mga Pilipinong nakikinig sa akin ngayon—kayo po ang lumikha ng pagkakataong ito.

Lumikha po kayo ng gobyernong tunay na nagtatrabaho para sa inyo. May limang taon pa tayo para siguruhing hindi na tayo babalik sa dating kalagayan. Hindi tayo magpapadiskaril ngayong napakaganda na ng resulta ng ating sinimulan.

Kapag may nakita tayong butas sa sistema, huwag na po tayo magtangkang lumusot. Huwag na nating daanin sa pakiusap ang madadaan sa pagsisikap. Tama na ang unahan, tama na ang tulakan, tama na ang lamangan, dahil lahat naman po tayo ay makakarating sa minimithi nating kinabukasan.

Tapusin na po natin ang kultura ng negatibismo; iangat natin ang kapwa-Pilipino sa bawat pagkakataon. Bakit po ang iba, ang hilig maghanap ng kung anu-anong pangit sa ating bayan? At napakahirap—parang kasalanan—na magsabi ng maganda? Naalala pa po ba natin noong huling beses tayong pumuri sa kapwa Pilipino?

Itigil na po natin ang paghihilahan pababa. Ang dating industriya ng pintasan na hindi natin maitakwil, iwaksi na po natin. Tuldukan na po natin ang pagiging utak-alimango; puwede bang iangat naman natin ang magaganda nating nagawa?

Kung may nakita kang mabuti, huwag kang magdalawang-isip na purihin ito. Kapag nakita mo ang pulis sa kanto, nagtatrapik nang walang kapote sa ilalim ng ulan, lapitan mo siya at sabihing, “Salamat po.”

� ��������

Kung magkasakit ka at makita mo ang nars na nag-aruga sa iyo, sa halip na magserbisyo sa dayuhan kapalit ng mas malaking suweldo, pakisabi rin po, “Salamat po.”

Bago ka umuwi galing eskuwela, lapitan mo ang guro mong piniling mamuhunan sa iyong kinabukasan kaysa unahin ang sariling ginhawa; sabihin mo, “Salamat po”: Tulad ng aking gurong nasa screen ngayon, Salamat po Ginang Escasa.

Kung makasalubong mo ang iyong kinatawan sa kalsadang dati ay lubak-lubak (o wala), at ngayon ay puwede nang daanan nang maaliwalas, lapitan mo siya at sabihing: “Salamat po.”

Kaya po, sa sambayanang Pilipino, ang aking Boss na nagtimon sa atin tungo sa araw na ito: maraming, maraming salamat po sa pagbabagong tinatamasa natin ngayon.

Buhay na buhay na ang Pilipinas at ang Pilipino.

��������� � � ��������� ��� ��������������������������� ��!��������"�������������!!#����$�%&�

��� ����'�